You are on page 1of 5

St.

Catherine of Siena Academy Pangalan: _____________________


Samal, Bataan Pangkat: _________________
Unang Takdang Pagsusulit [2017-2018] Petsa: ___________________
Araling Panlipunan 10 Bb. Roxanne G. Enriquez

I. Suriin ang mga pahayag sa ibaba at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat
bilang. (Rx1)

_____1. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?
a. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan c. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan
b. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan d. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura
_____ 2. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran?
a. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
b. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor
sa lipunan.
c. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo
sa mga suliraning pangkapaligiran.
d. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga
suliraning pangkapaligiran nito.
_____ 3. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach sa pagbuo ng Disaster
Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
a. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga
kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
b. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano
magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
c. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang
pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
d. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang
makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa
iba’t ibang kalamidad.
_____ 4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement kung saan nakapaloob ang
collaboration with community and stakeholder?
a. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo
b. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan
c. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor
d. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga mamamayan
_____ 5. Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
a. Disaster Prevention and Mitigation c. Hazard Assessment
b. Disaster Response d. Recovery and Rehabilitation
_____ 6. Alin sa sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction
and Management Plan?
a. Capability Assessment c. Loss Assessment
b. Hazard Assessment d. Vulnerability Assessment
_____ 7. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa
kanilang paligid?
a. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari
sa bansa
b. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng
saligang-batas
c. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at
hamong panlipunan
d. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo
ang mga mamamayan sa bansa
_____ 8. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong
pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
a. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran
b. Ang karapatan sa pamamahinga at paglilibang ang dahilan kung bakit kailangang tugunan ang
mga isyung pangkapaligiran.
c. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng
pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
d. Ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran ang
pundasyon sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang isyung pangkapaligiran.
_____ 9. . Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa
mga babae at lalaki.
a. sex c. bi-sexual
b. gender d. transgender
_____ 10. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
a. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na
institusyon na matagal ng naitatag
b. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
c. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
d. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking
industriya
_____ 11. Ang pamilya ni Gng. Baltazar ay nakasanayan ang pagtitipid ng mga pinagkukunan ng kanilang
kabuhayan at sinisigurado ang makatuwirang paggamit ng mga ito para sa kinabukasan ng
kanilang pamilya lalo’t higit ng kanilang mga anak. Anong kaisipang pang-ekonomiya ang
ipinahihiwatig ng pahayag?
a. globalisasyon c. sustainability
b. pagtitipid d. sustainable development
_____ 12. Itinuturing na pangunahing salik sa globalisasyon ang patuloy na paglago ng teknolohiya partikular
na ang pagkakaroon ng makabagong kasangkapang pantransportasyon at komunikasyon. Alin sa
mga sumusunod na pahayag ang maaring maging epekto nito sa ekonomiya?
a. Pagkakaroon ng sapat na pagkukunan ng bansa para sa pag-unlad.
b. Pagpapalitan at pagtutulungan sa mga gawaing kultural, produkto at ideya.
c. Pagsasanay ng pagtitipid ng bansa para sa hinaharap
d. Natutugunan ang pangangailangan ng susunod na henerasyon
_____ 13. Nagsisilbing kontemporaryong isyu ang isyung political ng bansa,alin sa mga pahayag sa ibaba ang
nagpapakita ng suliraning politikal na kinahaharap ng bansa sa kasalukuyan?
a. pagsasabatas ng same sex marriage
b. ang suliranin ukol sa mababang kalidad ng edukasyon
c. malaganap na kawalan ng trabaho para sa mga kabataang yari ng kolehiyo
d. pagmimithi ng kapayapaan sa Mindanao
_____ 14. Bilang isang mulat na mag-aaral si Luis ay namulat sa pakikilahok sa iba’t – ibang organisasyon,
pakikipagtulungan sa ibang kasapi ng komunidad at makikipag-ugnayan sa mga institusyon ng
gobyerno bilang pagtugon niya sa responsibilidad ng pagiging mamamayan.Anong kaisipan ang
ipinakikita ng sitwasyon?
a. pakikilahok sa mga gawaing pansibiko c. pagkamamamayan
b. isyung political d. isyung pangkapayapaan
_____ 15. Maraming mga Pilipino sa kasalukuyang panahon ang nangangarap na pumunta sa ibang bansa
kasama ang kanilang pamilya upang magtrabaho at magkaroon ng magandang buhay na kung
saan sila ay itituring na mga bagong bayani sa panahon ngayon na nagiging dahilan upang ang
bansa ay mawalan ng magagaling na manggagawa. Anong kategorya ng kontemporaryong isyu
ang inilalahad ng pahayag?
a. isyu sa karapatang pantao c. isyung pang-ekonomiya
b. isyung politikal d. isyung pansibiko
_____ 16. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang tama ukol sa kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong
isyu?
a. Pagtutulungan sa bawat kasapi ng lipunan upang madaling natutugunan ang mga suliranin
ng bansa
b. Umuunlad ang kaisipan ng mga mamamayan ukol sa mga maaari nilang maiambag sa
paglutas ng mga isyung kinahaharap ng bansa.
c. Nagiging madali para sa pamahalaan na ipatupad ang mga programa at polisiyang bansa.
d. Natutukoy ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang kanilang mga tungkulin bilang
bahagi ng lipunan.
_____ 17. Ang munisipalidad ng Samal ay naglalayong makapagtala ng zero casualties sa panahon ng mga
kalamidad. Ano ang kinakailangang bigyang pansin ng munisipalidad ng Samal?
a. Disaster Risk Mitigation c. Vulnerability assessment
b. Hazard d. Top down Approach
_____ 18. Sinasabing napakaraming napinsala at namatay dahil sa bagyong Yolanda sa Tacloban. Ito ay sanhi
ng hindi pangkaraniwwang pagtaas ng tubig-dagat kaugnay ng malalakas na extratropical cyclone.
Anong kalamidad ang naranasan ng nabanggit na lugar?
a. storm Tide c. storm Surge
b. flashflood d. tsunami
_____ 19. Ang PAGASA ay naglabas ng anunsyo ukol sa bagyo na may lakas na umaabot sa 220 kph.kung
saan ay pinapayuhan ang mga naninirahan malapit sa mga baybaying dagat na lumikas upang
makaiwas sa matinding pinsala bilang paghahanda.Anong Public Warning Signal ang ipinahayag ng
PAGASA?
a. PSWS 5 c. PSWS 3
b. PSWS 2 d. PSWS 4
_____ 20 Alin sa mga pahayag sa ibaba ang tama ukol sa lindol?
a. Sinusukat ang lindol ayon sa pinsalang naidulot nito sa mga lugar na naapektuhan.
b. Ang lindol ay ang unti-unting pag-uga ng lupa na dulot ng madalas na pagguho ng lupa.
c. Ang paraan na ginagamit sa pagsukat sa lindol ay ang masusing pagsusuri ng mga datos ayon sa
katindihan at kalakasan nito.
d. Ang katindihan ng lindol ay nakabatay sa seismikong talaan na sinusuri upang matantiya ang
kabuuang halaga ng enerhiyang inilabas.
_____ 21. Mayroong paparating na bagyo sa bansa ayon sa forecast ng PAGASA, kung kaya’t nangangamba
ang pamilya Rodrigo sapagkat sila ay nakatakdang pumunta sa ibang bansa para magbakasyon.
Anong ahensiya ng pamahalaan ang dapat hingan ng tulong ni Ginoong Rodrigo upang makakuha
ng impormasyon hinggil sa operasyon ng mga biyaheng panghimpapawid?
a. Civil Aviation Authority of the Philippines c. Ninoy Aquino International Airport
b. Department of Transportation and Communications d. Philippine Information Agency
_____ 22. Napapanahon ang pagkakaroon ng dengue na kung saan mabilis ang pagtaas ng bilang ng mga
biktima. Ito ay sanhi ng anong uri ng kalamidad na gawa ng kalikasan at tao?
a. climate change c. oil spill
b. polusyon d. epidemya
_____ 23. Alin sa mga pahayag sa ibaba tungkol sa oil spill ang HINDI tama?
a. Nakapagpaparumi ng tubig ang mga langis na nagmumula sa mga bangkang de-motor na natatapon
sa tubig.
b. Ang mga langis na napupunta sa tubig ay nakaaapekto sa hangin tulad ng carbon dioxide upang
mawalan ng hanging lalanghapin ang mga yamang dagat.
c. Maraming yamang dagat ang namamatay dahil sa pagkakakulong sa langis mula sa mga barko at
tanker.
d. Hindi makabubuti ang paglalayag ng mga barko at tanker na may kargang langis na higit sa
kapasidad nito.
_____ 24. Ang mga mag-aaral ay nangolekta ng mga babubulok na organikong bagay at mga hayop tulad ng
baka upang suriin ang greenhouse gas na nagmumula sa mga ito. Anong greenhouse gas ang
maaaring makita ng mga mag-aaral sa kanilang ginawang pagsusuri?
a. carbon dioxide c. nitros oxide
b. methane d. tubig singaw
_____ 25. Bago taniman ang lupa ng mga mag-sasaka kinakailangan muna itong dumaan sa proseso ng pag-
aararo gamit ang mga makinaryang gumagamit ng fossil fuel para sa mas mabisang pagtatanim.
Anong greenhouse gas ang naidudulot ng ganitong gawain?
a. nitrous oxide c. ozone
b. organic gas d. perfluorocarbon

II. Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang
pahayag; B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali ang
nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang
pahayag.

___1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang maunawaan ang bumubuo, ugnayan,
at kultura ng isang lipunan.
___2. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema ng
ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng isang institusyong
maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito.
___ 3. A. Tungkulin lamang ng mga pribadong samahan at ng pamahalaan na tugunan ang global warming sa
pamamgitan ng mga polisiya at programa na ipinatutupad nito.
B. Ang mga mamamayan ay walang anumang tungkulin upang matugunan ang suliranin ng global
warming sapagkat sila ay maliit na bahagi lamang ng lipunan at walang sapat na kaalaman at
kakayahan para matugunan ang suliranin.
___ 4. A. Ang probinsya ng Ilocos ay gumagamit ng wind energy bilang tugon sa pangangailangan ng
probinsya sa enerhiya . Ito ay nakatutulong upang mabawasan ang emisyon ng carbon dioxide ng
bansa.
B. Mainam na gamitin ang nuclea plant sa pagtugon ng pangangailangan ng mga mamamayan sa
enerhiya. Itinuturing itong kabawasan sa carbon dioxide sa atmospera na nagdudulot ng climate
change.
___ 5. A. Maituturing na sanhi ng climate change ang mga volatile organic gas na inilalabas ng mga pabrika na
nagdudulot ng sulfur hexafluoride na isang uri ng greenhouse gas.
B. Kabilang ang mga sintetikong kemikal tulad ng sulfur hexafluoride sa mga greenhouse gas na
nagtataglay ng mga chemical bond na sanhi upang ang mga ito ay magtagal sa kapaligiran.
___ 6. A. Ang pagkatunaw ng mga glacier at ice sheet ay ang dahilan ng pagtaas ng lebel ng tubig sa mga
karagatan na maaaring makasira at makaapekto sa kabuhayan ng mga tao tulad ng turismo at
pagtatanim.
B. Nakakaragdag sa acidity ng karagatan ang dumaraming tubig – singaw na isa sa mga masaganang
greenhouse na nakapipinsala sa ecosystem sa karagatan.
___ 7. A. Maraming kagamitan ang mga sambahayan ang hindi nakadaragdag ng greenhouse gas sa
kapaligiran kung kaya’t ang pagkontrol ng global warming ay nasa kamay lamang ng pamahalaan.
B. Tutol ang maraming mamamayan sa paggamit ng bansa ng nuclear power plant dahil sa paglalabas
nito ng carbon dioxide na nagdudulot ng global warming.
___ 8. A. Malaki ang nagiging epekto ng climate change sa wildlife ng bansa na nagdudulot ng pagbabago sa
life cycle ng maraming halaman at hayop, sapagkat nahihirapan silang makapag-adjust sa
nagaganap na pagbabago dulot g global warming.
B. Ang mga species na tumatahan sa mga natatanging ecosystem ay maaaring mabuhay at hindi
maapektuhan ng mga pagbabagong dulot ng global warming.
___ 9. A. Nahihirapan ang pamahalaan na kontrolin ang lumalalang epekto ng climate change dahil sa
kompetisyon ng mga bansa sa pagbuo at paggawa ng mga batas at programang hinggil dito.
B. Malaki ang maitutulong ng future climate engineering upang makabuo ng mga programa ukol sa
adaptasiyon sa mga epekto ng global warming sa bansa
___ 10. A. Mahalaga ang disiplina ng mga tao upang maiwasan ang pinsala ng mga kalamidad lalo’t higit ang
kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng tao.
B. Ang Pilipinas ay nakaranas ng super typhoon na tumama sa lalawigan sa Visayas at malaki ang
naging pinsala nito dahil sa kawalan ng koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at
mga mamamayan.
___ 11. A. Isa sa mga responsibilidad ng gobyerno na kontrolin ang mga produksiyon na naglalabas ng
greenhouse gas sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng business permit sa mga ito.
B. Nakararanas ng suliranin ang gobyerno sa pagbuo at pagpapatupad ng mga proyekto hinggil sa
pagbabawas ng greenhouse gas dahil sa pangangailangan ng malaking pondo para sa
pagpapanukala nito.
___ 12. A. Ipinanukala ng UNFCC ang pagpapatupad ng mga programa sa ialalim ng “Paris Agreement” sa
mga bansang kasapi upang makapagbawas ng mga greenhouse gas ang mga bansa na mahigpit
na tinutulan ng dating pangulo ng United States na si George W. Bush.
B. Bilang tugon ng Pilipinas sa panawagan ng UN tungkol sa climate change isinabatas ng dating
Pangulong Pnoy ang budget tagging na isinagawa ng mga local na pamahalaan sa pamamagitan ng
pagtatanim ng mga puno o reforestation.
___ 13. A. Ang mga hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan ng pamahalaan at
harapin sa pagsapit ng iba’t-ibang kalamidad.
B. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib
na dulot ng hazard.
___ 14. A. Ang mga NGOs ang siyang namumuno sa pagbuo ng Disaster Management Plan.
B. Dapat na kasama ang NGOs sa pagbuo ng Disasater Management Plan.
___ 15. A. Hinihingi ang tulong ng lahat ng sector ng lipunan sa pagbuo ng Disaster Management Plan.
B. Sa pamahalaan nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging disaster – resilient ang buong
bansa.

B. Basahin ang sumusunod na situwasiyon. Tukuyin kung anong konsepto na may kaugnayan sa Disaster
Risk Reduction and Management ang inilalarawan. Gamiting batayan sa pagsagot ang sumusunod:
NH – Natural Hazard D - Disaster
AH – Anthropogenic Hazard V - Vulnerability
_____1. Maagang umuwi ng bahay si Jerone mula sa kanilang paaralan dahil sa paparating na malakas na
bagyo.
_____2. Nangangamba si Andrei na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at dalawang taong gulang na
anak dahil sa maruming tubig baha sa kanilang lugar.
_____3. Isa ang pamilya ni Ernest sa mga nakaligtas mula sa pinsalang dulot ng malakas na lindol na tumama
sa kanilang pamayanan.
_____4. Ipinasara ni Sec. Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaan nito sa ilog ang mga kemikal na
kanilang ginagamit sa paggawa ng produkto.
_____5. Nakipagpulong si Mayor Basco sa mga kinatawan ng bawat barangay upang magkaroon sila ng sapat
na kaalaman sa panahon ng kalamidad.
_____ 6. Ang lalawigan ng Batangas ay nakaranas ng lindol na may katindihan na umaabot sa 6.3 na
naramdaman maging sa mga kalapit na lugar.
_____ 7. Nais ng gobyerno na palitan ang mga jeepney sa bansa na luma na ang makinarya upang maiwasan
ang paglalabas ng sobrang greenhouse gas.
_____ 8. Pinapayuhan ng lokal na pamahalaan na lumikas ang mga mamamayan na malapit sa mga baybayin
upang makaiwas sa pinsala ng pagtaas ng tubig.
_____ 9. Tinamaan ng malakas na bagyo ang Tacloban na kumitil sa maraming buhay at sumira sa maraming
bahay at ari-arian.
_____ 10. Ang barangay Silang ay isang mababang lugar at maraming matandang naninirahan kaya’t naka-
alerto ang lokal na munisipalidad upang magbigay ng tulong sa panahon ng kalamidad.

III. Punan ang patlang upang mabuo ang paghahambing. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
(Rx1)

1. _____ :kawalan ng maayos na daloy ng transportasyon ; Damage Assessment : sirang tulay at daan
a. Needs Assessment b. Vulnerability Assessment c. Loss Assessment
2. Vulnerable : pamilyang may maliit na kita ; _____ : sapat na evacuation center
a. Capacity Assessment b. Hazard Assessment c. Hazard Assessment
3. Frequency : minsan sa isang taon na pagputok ng bulkan ; Duration : _____
a. pagkasunog ng kagubatan b. panandaliang lindol c. isang linggong baha
4. Temporal na katangian : _____ ; Pisikal na katangian : predictability
a. Manageability b. Forewarning c. Intensity
5. _____ : nagbibigay impormasyon tungkol supply ng kuryente sa panahon ng kalamidad
Department of Social Welfare and Development: namamahala sa pagbibigay ng mga relief operation
a. Department of Transportation and Communications
b. Philippine Information Agency
c. National Grid Corporation of the Philippines
6. Carbon dioxide : usok mula sa mga pabrika ; Chlorofluoro carbon : _____
a.refrigerant b. organic gas c. sintetikong kemikal
7. Aspektong panlipunan : _____ ; Aspektong Pang-ekonomiya : paggamit ng LPG ng isang kantina
a. hybrid electric vehicle c. paggamit ng energy – efficient appliance
b. pagpasada ng dyip at taksi
8. deforestation: carbon dioxide ; pagsunog ng fossil fuel : _____
a. smog b. nitrous oxide c. methane
9.pagpaparehistro at pagboto : gawaing political ; _____ : gawaing pansibiko
a. pakikilahok sa organisasyon b. pampublikong Gawain c. paglustay
10. _____ : tahanan malapit sa anyong tubig ; people at risk : bata at buntis
a. location at risk b. elements at risk c. risk at hazard

You might also like