You are on page 1of 6

BETHEL HIGH SCHOOL

Bethel, Victoria, Oriental Mindoro


Guro: Mariztella M. Raymundo
Contact no. +63 935 521 4770 ARALING PANLIPUNAN
10

Unang Pagtataya
AP 10

A. Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin
ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito
sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong


komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
1|Page

Unite as One, Bethelians


BETHEL HIGH SCHOOL
Bethel, Victoria, Oriental Mindoro
Guro: Mariztella M. Raymundo
Contact no. +63 935 521 4770 ARALING PANLIPUNAN
10

A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon


2. Ito ay isang pampublikong bagay na may kaugnay sa krisis o suliranin sa mga
institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao
kundi sa lipunan sa kabuuan.
A. Isyung Personal C. Isyung Ekonomiko
B. Isyung Panlipunan D. Isyung Sibiko
3. Ito ay isyung tumutukoy sa paglala ng mga natural na kaganapan tulad ng
pagkakaroon ng malalakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha.
A. Isyung Medikal C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkapaligiran D. Isyung Pang Ekonomiko
4. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas
na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere.
A. Deforestation C. Climate Change
B. Illegal logging D. Natural Calamity
5. Ito ang pinaka bagong uri ng corona virus na pinaniniwalaang naggaling sa Wuhan,
China.
A. MERS B. SARS C. FLU D. COVID19
6. Ito ay tumutukoy sa mga isyu tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at migrasyon
A. Isyung Pang-ekonomiya C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
7. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga
babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso B. pagsasamantala C. diskriminasyon D. pananakit
8. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng kamalayan sa Kontemporaryong Isyu
sa Lipunan at Daigdig?
A. Ito ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
B. Bukod sa kaisipan, pinapalawak din ng Kontemporaryong Isyu ang
koneksiyon ng "sarili" sa lipunan
C. Mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop ang
kaalaman sa kasalukuyan.
D. Lahat ng nabanggit
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapamalas ng halimbawa ng
Kontemporaryong Isyu?
A. Pagbabawal sa pamamasada ng mga tricycle at jeepney
B. Kontraktwalisasyon sa mga kawani ng ABS CBN
C. Bayanihan to heal as one Act
D. Ang pagdaong ni Gen. Mc Arthur sa Leyte
10. Ang lahat ay nagpapakita kung paano masasabi na ang isang pangyayari o
suliranin ay isang Kontemporaryong Isyu. Maliban sa isa.
A. may epektong hindi kawili-wili sa mga tao at lipunan
B. may malinaw na halaga sa lipunan o sa mga mamamayan
C. may matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon
D. may mga temang napag-uusapan at may positibong impluwensya sa
lipunan
2|Page

Unite as One, Bethelians


BETHEL HIGH SCHOOL
Bethel, Victoria, Oriental Mindoro
Guro: Mariztella M. Raymundo
Contact no. +63 935 521 4770 ARALING PANLIPUNAN
10

11. Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at


sa bansa.
A. Isyung showbiz C. Kasaysayan
B. Kontemporaryong Isyu D. Balita
12.Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?
I. Nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang.
II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan.
III.Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
IV.Nagaganap sa kasalukuyang panahon.
A. I, II, III B. I, IV C. III, IV D. I, II, III, IV
13. Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung
A. kilalang tao ang mga kasangkot
B. nilagay sa Facebook
C. napag-uusapan at dahilan ng debate
D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang
14. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong
isyu?
A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at
hindi nakaaapekto sa kasalukuyan.
B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga
tao sa lipunan.
C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking
epekto sa pamumuhay ng mga tao.
D. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan
ng ating pamayanan.
15. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan,
pangkapaligiran, at pangkalusugan. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa
pandemya tulad ng COVID-19?
A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkalusugan
B. Isyung pangkapaligiran D. Isyung pangkalakalan
Para sa bilang 6, suriin ang larawan

16. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa


patakarang ito ay isang uri ng isyung?
A. Panlipunan B. Pangkalusugan C. Pangkapaligiran D. Pangkalakalan
17. Alin sa sumusunod na halimbawa ng print media ang hindi kabilang?
A. magazine B. journal C. internet D. komiks

3|Page

Unite as One, Bethelians


BETHEL HIGH SCHOOL
Bethel, Victoria, Oriental Mindoro
Guro: Mariztella M. Raymundo
Contact no. +63 935 521 4770 ARALING PANLIPUNAN
10

18. Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at


daigdig?
I. Nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
II. Lalawak din ang koneksiyon ng “sarili” sa lipunan.
III. Mapalawak ang pundasyon ng kaalaman.
IV. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala.
A. I,II,III B. I C. I,II,III,IV D. I,II
19. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng
kontemporaryong isyu?
I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
II. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
III. Pagkilala sa mga sanggunian.
IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.
A. I B. I, II C. I, III, IV D. II, III
20. Ito ay mga mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang
epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan,
paaralan, at ekonomiya.
A. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Panlipunan
B.Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
21. Ito’y mga suliraning may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng
mamamayan.
A. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
22. Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo.
A. Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran

23. Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong


panlipunan?
I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan.
II. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya.
III. Para sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng tao lamang.
IV. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng
bansa.
A. I, III, IV B. I, III C. II, IV D. I, II
24. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang
bahagi nito, alin sa sumusunod ang kabilang dito?
I. uri III. kahalagahan
II. sanggunian IV. epekto
A. I, II, III B. I, III C. I, IV D. I, II, III, IV
25. Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting
mamamayan. Alin sa sumusunod na pahayag ang sakop nito?
I. Aktibong pagganap sa mga gawain. III. Koneksiyon ng lipunan sa sarili.
II. Damdaming makabayan. IV. Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri
4|Page

Unite as One, Bethelians


BETHEL HIGH SCHOOL
Bethel, Victoria, Oriental Mindoro
Guro: Mariztella M. Raymundo
Contact no. +63 935 521 4770 ARALING PANLIPUNAN
10

A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV


26. Alin sa mga sumusunod na aspekto ng pagsusuri ng kontemporaryong isyu ang
binibigyang – diin ang mga primaryang sanggunian upang mapag-aralan ang isang
isyu?
A. Kahalagahan C. Perspektibo o pananaw
B. Pinagmulan D. Pagkakaugnay
27. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa halimbawa ng primaryang
sanggunian?
A. Aklat C. Talambuhay
B. Sariling Talaarawan D. Ulat ng nakasaksi
28. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kontemporaryong isyu?
A. Mga nagdaang kalamidad sa bansa
B. Uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno
C. Kabuhayan ng isang maliit na komunidad
D. Kasalukuyang sitwasyong politikal sa bansa
29. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng sanggunian ang hindi nagbibigay
ng impormasyon tungkol sa mga kontemporaryong isyu?
A. Internet C. Lumang Pelikula
B. Telebisyon D. Pahayagan
30. Ito ay mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga
aktwal na datos?
A. Katotohanan C. Hinuha
B. Opinyon D. Kongklusyon

B. Sa Loob ng Kahon
Unawain ang mga iba’t ibang isyu sa bilang. Piliin kung anong uri ng kontemporaryong
isyu na makikita sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa patlang na nakalaan.
A. Isyung Panlipunan B. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Pang-ekonomiya

D. Isyung Pangkapaligiran E. Isyung Pangkalakalan F. Isyung Pangkasarian

G. Isyung Pagkamamamayan H. Isyung Pangkarapatan


_________________31. Halalan, Terorismo, Federalismo, Benham Rise
_________________32. COVID19, SARS, Sobrang Katabaan, Kanser
_________________33. Polusyon, Climate Change, Lindol, Solid Waste
_________________34. BPO, POGO, Globalisasyon, ABS CBN
_________________35. Philhealth, Covid Test Kits, Isolation facility
_________________36. LGBTQ, Same Sex Marriage, Foot Binding
_________________37. Coal Mining, Deforestration, Illegal Logging
_________________38. Cha-Cha, LTFRB, Balik Probinsiya Program
_________________39. Telcos, Stock Market, Imported Rice
_________________40. Dual Citizen, Birth Certificate, Pilipino
5|Page

Unite as One, Bethelians


BETHEL HIGH SCHOOL
Bethel, Victoria, Oriental Mindoro
Guro: Mariztella M. Raymundo
Contact no. +63 935 521 4770 ARALING PANLIPUNAN
10

A. Employed F. Sakuna
B. Globalisasyon G. Turismo
C. Kahirapan H. Trade off
D. Kakapusan I. Underemployed
E. Opportunity cost J. Unemployed
_____ 41. Ang mga biglaang pangyayari na nagdudulot ng kapahamakan sa mga
tao o kapinsalaan sa kapaligiran.
_____ 42. Pangunahing suliraning pang-ekonomiya sa kadahilanang ang tao ay may
hindi maubos-ubos na kagustuhan.
_____ 43. Ito ay ang gawain ng isang tao kung saan pinag-iisipan mabuti ang mga
pagpipilian.
_____ 44. Ang tawag sa bagay na kayang isuko ng isang tao upang makamit ang
optimal choice.
_____ 45. Tawag sa taong mayroong trabaho.
_____ 46. Ang kalagayan ng manggagawang walang trabaho.
_____ 47. Ang kalagayan kung ang isang manggagawa ay kumikita ng sahod na
mas mababa pa sa itinakda.
_____ 48. Ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao sa lungsod
_____ 49. Ito ay ang kawalan ng kakayahan ng isang tao o pangkat na magkaroon
ng mga pagpipilian at oportunidad.
_____ 50. Ang proseso ng pagsama-sama sa mga lipunan at ng mga bansa .

Lagda ng Mag-aaral Lagda ng Magulang/Tagapangalaga

6|Page

Unite as One, Bethelians

You might also like