You are on page 1of 18

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 5: Ang Philippine Disaster Risk
Reduction and Management Framework

Tagakontekstuwalisa:
RAMWEN LORENZO N. SANCHEZ
TEACHER III, INAYAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Modyul Ang Philippine Disaster Risk
Reduction and Management
5 Framework
Ikalimang Linggo

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga
hamong pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti
sa pamumuhay ng tao.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa among
pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa
pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran

Paksa: Philippine Disaster Reduction and Risk Management Framework

Subukin

Bago tayo magsisimula, subukin ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. Bigyang
pansin ang mga konsepto na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito
sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.

PAALALA: Sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba maging tapat at huwag munang


basahin ang talakayan. Pag-aralang mabuti ang bawat gawain at huwag kalimutan
ang pagpapahalaga sa aralin.

PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pangalan ng ahensyang pinalitan ng National Disaster Risk


Reduction Management Council?
A. Department of Energy
B. Philippine National Police
C. Department of National Defense
D. National Disaster Coordinating Council

2
2. Sino ang namumuno sa NDRRMC tuwing may sakuna?
A. Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
B. Kagawaran ng Sakuna at Kalamidad
C. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
D. Kagawaran ng Agham, Teknolohiya at Kalikasan

3. Tuwing may bagyo alin sa sumusunod na ahensya ng pamahalaan ang may


tungkuling magbigay babala?
A. Kagawaran ng Kalusugan
B. Kagawaran ng Agham, Teknolohiya
C. Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas
D. Kagawaran ng Kalikasan at Likas na Yaman

4. Matapos dumaan ang bagyo sino ang may tungkuling mamigay ng ayuda?
A. Kagawaran ng Kalusugan
B. Kagawaran ng Edukasyon
C. Kagawaran ng Agham, Teknolohiya
D. Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

5. Ito ay kilala bilang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan


A. DENR B. DILG C. DOST D. DSWD

6. Ito ang ahensyang namumuno sa pamamahala at tumutugon sa mga


kalamidad sa ating bansa ay ang
A. National Disaster Coordinating Council
B. National Disaster Risk Reduction and Management Council
C. Philippine Disaster Risk Reduction and Management
D. Philippine National Police

7. Ang PDDRM Framework ng Pilipinas ay ini-ayon sa alin sa sumusunod?


A. Hyogo Framework for Action
B. You Go Framework for Action
C. National Disaster Framework for Americans
D. Philippine Education Framework

8. Ang pangunahing layunin ng ahensyang ito ay ang tumugon tuwing may


kalamidad. Ito ay binuo base sa Atas ng Pangulo 1566
A. Philippine National Police
B. National Disaster Coordinating Council
C. National Disaster Risk Reduction and Management
D. Philippine Disaster Risk Reduction and Management

3
9. Aling ang pangunahing kaibahan ng Atas ng Pangulo 1566 at ng Batas
Republika 10121… Ang Batas Republika 10121 ay nakatuon sa…
A. Pagtugon sa ugat na dahilan ng mga disaster
B. Pagtugon pagkatapos mangyari ang kalamidad.
C. tinuturing na hindi maiiwasan ang mga disaster.
D. naghihintay muna ng disaster bago lubusang makakilos

10. Ang Batas Republika 10121 ay mas kilala sa tawag na…


A. Philippine Disaster Education Act of 2015
B. Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010
C. Philippine Program on Community Disaster Preparedness Act of 2010
D. Philippine Solid Waste Management Act of 2009

11. Ito ang ahensyang balak ipatayo ni Pangulong Duterte bago matapos ang
kanyang termino. Nilalayon niya na ang ahensyang ito ang may pangunahing
tungkulin tuwing may kalamidad. Sa ngayon tinatawag itong Department of
___________________.
A. Disaster and Resilience C. Resilience and Recovery
B. Overseas Filipinos D. Recovery and Foreign Donors

12. Ano sa Filipino ang National Disaster Risk Reduction and Management
Council?
A. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
B. Pambansang Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna
C. Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan
D. Wala sa nabanggit

13. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mahirap ang Pilipinas na makipag


sabayan sa ibang mayayamang bansa sa pagbili ng COVID-19 Vaccines. Ang
kakulangan nito ay ang ugat ng problemang mabagal na vaccination rollout.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagtugon sa ugat at dahilan ng mga
disaster.
A. Ang Pilipinas ay bumili ng mga ambulansya na magagamit para sa
pandemya.
B. Ang Pilipinas ay nagkaroon ng mabilisang pagbakuna sa mga
mamamayan.
C. Sa pamamagitan ng diplomasya ay nakahanap ang Pilipinas ng mga
bansang willing magdonate ng vaccines.
D. Ang Pilipinas ay nagdonate ng mga extrang vaccines sa ibang bansa tulad
ng Estados Unidos, China, Brazil at iba pang mga bansa.

4
14. Isa sa mga kaibahan ng disaster management noon at ngayon ay, noon
naghihintay muna ng disaster bago lubusang makakilos. Alin sa mga
sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na hindi na hinihintay na
magkaroon ng disaster bago kumilos ang pamahalaan?
A. Hinihintay na bumaha bago magpadala ng search & rescue.
B. Nagkaroon ng malakihan at mabilisang paglikas pagkatapos mag-alburoto
ang Taal ngayong 2021.
C. Pinaghahanda ang mga Disaster Risk Reduction Teams sa mga lugar na
maaapektuhan ng bulkang Taal.
D. Ipinagbabawal na ang pamamasyal sa buong bansa ng tumaas ang Sulfur
Dioxide Level na binubuga ng Taal.

15. Isa pa sa mga kaibahang ng disaster management noon at ngayon ay, noon
tinuturing na hindi maiiwasan ang mga disaster. Alin sa mga sumusunod na
mga halimbawa ang nagpapakita na kaya nang iwasan ang mga nakaambang
mga disaster?
A. Ang pagpapatupad ng iba’t ibang antas ng community quarantine ay
naglalayong mapabagal ang epekto ng COVID 19.
B. Ang patuloy na pagpapatayo ng mga solar at wind farms ay naglalayong
mabawasan ang epekto ng climate change.
C. Pinapalitan ng mga makabagong electronic jeepneys ang mga lumang
pampasaherong jeep ng Pilipinas para paigtingin ang laban ng climate
change.
D. Lahat ng nabanggit.

Alamin

Paunang Salita sa Modyul

Ayon sa paunang salita ng National Disaster Risk Reduction and Management Plan
(NDRRMP):

Ang NDRRMP ay kasang-ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management


Framework (NDRRMF), na nagsisilbing “pangunahing gabay ng mga ginagawang
Disaster Risk Reduction and Management na mga gawain sa bansa.” Ang framework
ay naglalayong magkaroon ng mas ligtas, maka-angkop at disaster resilient na mga
pamayanang Pilipino tungo sa mas sustainable na pag-unlad.”

5
Aralin 1: Ang Batas Republika 10121: Philippine
Disaster Risk Reduction and Management Act
of 2010

Alamin

Ngayon samahan ninyo ako sa Modyul 5. Ito ay sumasaklaw sa Philippine


Disaster Risk Reduction and Management Framework ng Pilipinas.

Sa loob ng isang lingo ay innaasahan na nasusuri ng mag-aaral ang mga ito


sa pamamagitan ng mga sumusunod:

A. nabibigyang diin ang kaibahan ng NDCC at NDRRMC;


B. natatalakay ang mga panukalang batas na bumuo ng NDRRMC; at
C. naipapahayag ang sariling opinyon ukol sa mga batas at kasunduang
ginamit upang mabuo ang PDRRM Framework

Panimulang Gawain
Tingnan natin ang mga larawang nasa ibaba, lumabas ito sa ating mga TV nang
sumabog ang Bulkang Taal noong Enero 2020. Naging laman ng mga palatuntunan
sa TV ang mga salitang Alert Level, Monitoring, Intensity at iba. Ano nga ba ang ang
ibig sabihin ng mga salitang ito?

Source: (DOST-PHIVOLCS, 2020)

6
Ang mga salitang ito ay bahagi ng tinatawag nating Early Warning System, bahagi
ito ng disaster management at layunin nitong ipaalam sa mga tao kung, ano ang
nangyayari sa loob ng bulkan, o kung ano ang susunod na puwedeng mangyari.

Pamprosesong Tanong:

1. Paano nakakatulong ang mga Early Warning Systems sa ating mga


mamamayan?
2. Aling mga tanggapan ng pamahalaan kaya ang may responsibilidad na
ipaalam sa mga tao ang sitwasyon tuwing may kalamidad?

Tuklasin at Suriin

Ang disaster management ay hindi na bago, noong June 11, 1978 itinayo ang
ahensyang namamahala tuwing may kalamidad sa bansa, ang National Disaster
Coordinating Council sa bisa ng Atas ng Pangulo Blg 1566. Noong ika-7 ng Mayo,
2010, ng pinalitan ang konseho ng National Disaster Risk Reduction and Management
Council (NDRRMC) sa bisa ng Batas Republika 10121, upang mas mapabuti ang
pamamahala sa panahon ng sakuna, naging sentro nito ang disaster preparedness
at response. Sa taong 2018, isinulong na gawin itong isang ahensya sa bisa ng House
Bill 6075 ngunit hanggang ngayon nasa Senado pa ito.

Ayon sa praymer ng Disaster Risk Reduction Network Philippines, malaki ang


kaibahan sa mga tungkulin at layunin ng NDCC sa NDRRMC:

National Program on Community Philippine Disaster Risk Reduction


Disaster Preparedness 1978 and Management Act of 2010
• nakasentro ang pag‐aanalisa sa mga • Pagbigay halaga sa boses at
panganib pangangailangan ng mga pinaka‐
• ang pagtugon pagkatapos mangyari vulnerable na sektor sa lipunan tulad
ang disaster. ng mga may sakit at may kapansanan,
• tinuturing na hindi maiiwasan ang matatanda at kabataan, kababaihan
mga disaster. at mga mahihirap
• naghihintay muna ng disaster bago • Pagkilala sa mahalagang katungkulan
lubusang makakilos. at pagpapalakas ng kapasidad ng mga
• Nakatuon ang pagkilos sa Disaster lokal na komunidad
Response. • malawakang partisipasyon ng mga
mamamayan
• Pagtugon sa ugat at dahilan ng mga
disaster
Hango sa Praymer ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Act of 2020
(Atty. Eunice Agsaoay‐Saño, 2014)

7
Isagawa o Pagyamanin

Sa ibaba makikita ang isa sa mga babala mula sa Office of Civil Defense. Sagutin ang
mga sumusunod na katanungan sa loob ng 3-5 pangungusap, isulat sa inyong
sagutang papel.

Sa tingin mo:
1. Nakakatulong ba ito sa magbabasa? Paano?
2. Sa iyong pananaw madali bai tong intindihin? Magbigay ng patunay…
3. Madali ba itong alalahanin? Ipaliwanag…
4. Itanong sa mga magulang ang sumusunod…
A. Saan ba ang evacuation area kung may kalamidad?
B. Anong numero ang pwedeng matawagan para makontak ang barangay?

Isaisip

Gawain 1 – PUNAN ANG MGA BLANKO: Ngayong natapos mo na ang Aralin 1


alalahanin natin na pinalitan ang NDCC ng ________________________________ upang
mas mapabuti ang pamamahala sa panahon ng sakuna, at naging sentro nito ang
_____________________________. Isa sa pinakamahalagang layunin nito ay ang
matugunan ang ugat _______________________________________.

8
Aralin 2: Ang Philippine Disaster Risk Reduction
Management Framework

Alamin

Magaling mga mag-aaral! Ngayon samahan ninyo ako sa Aralin . Ito ay sumasaklaw
sa Philippine Disaster Risk Reduction Management Framework.

Sa loob ng isang linggo ay inaasahan na nasusuri ng mag-aaral ang mga ito sa


pamamagitan ng mga sumusunod:

A. nakapagpapaliwanag sa kahulugan ng NDRRM Framework;


B. natatalakay ang mga panukalang batas na bumuo ng NDRRMC; at
C. naipapahayag ang sariling opinyon ukol sa mga batas at kasunduang
ginamit upang mabuo ang NDRRM Framework

Panimulang Gawain

SINO SILA?: Nasa ibaba ang mga mukhang paulit-ulit nating nakikita tuwing nag-
aanunsyo ang Malacañan tungkol sa COVID-19. Mahahalagang tao sila sa pagdating
sa usaping Covid Response. Kilala mo ba sila? Isaayos ang mga letra upang mabuo
ang kanilang mga pangalan. Isulat sa patlang ang kanilang mga pangalan.

(DND, 2016) (CAR DILG, 2020) (GSIS, 2017) (DENR Official, 2020)
FINDEL DOEDUAR OÑA COCISFRAN YOR MACITU
ANAENZLOR EUQUD III
Clue: Clue: Clue: Clue:
Defense Secretary DILG Secretary Health Secretary Environment
Secretary
1. ______________ 2. _______________ 3. _______________ 4. _____________

Pamprosesong Tanong:
1. Ano kaya ang papel na ginagampanan nila sa laban kontra covid 19?
2. Bakit sila ang parating nakikita sa TV tuwing pinapatawag ang IATF?

9
Tuklasin at Suriin

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Plan, ang Philippine
Disaster Risk Reduction Management Framework ay may dalawang pangunahing
layunin: una, mapaghandaan ang pagharap sa mga kalamidad at hazard bago pa
man ito tumama at hindi kagaya noon na pagpaplanuhan kung ano ang gagawin
tuwing pagsapit nito; pangalawa, mabigyang halaga ang ginagampanan ng
pamahalaan na mabawasan ang pinsala ang panganib na dulot ng mga kalamidad
at hazard.

Naging mahalaga rin para sa Pilipinas ang pag-angkop sa mga pamantayang


internasyunal at pagsama ng mga umiiral na mga batas, plano, programa at
patakaran ng pamahalaan sa pagbuo ng framework at ito ang iilan sa kanila:

• Hyogo Framework for Action (2005) – ito ay nabuo sa World Conference on


Disaster Reduction sa Kobe, Japan. Pangunahing layunin nitong patatagin
ang pagiging resilient ng mga bansa at mga komunidad sa mga kalamidad at
mapababa ang kanilang vulnerability at risks sa mga hazards.
o 3 Layunin ng Hyogo.
A. Makasama ang mga konsiderasyon ng Disaster Risk sa mga
sustenableng patakaran, pagpaplano at sa mga programa sa
lahat ng antas – disaster prevention, mitigation, preparedness at
vulnerability reduction.
B. Mapa-unlad at mapalakas ang mga mekanismo at kapasidad ng
mga institusyon sa lahat ng antas.
C. Sistematikong pagasasama ng Risk Reduction Approaches sa
pagdisenyo at implementasyon ng mga programa para sa
emergency preparedness, response at recovery sa muling
pagbangon ng mga apektadong komunidad
o Inaasahang makakamit ito sa pamamagitan ng 5 priorities of
action
A. Gawing prayoridad ng Pambansa at lokal na mga pamahalaan
ang risk reduction
B. Kilalanin, suriin at subaybayan ang mga disaster risks – at
pagbutihin ang pagbibigay ng maagang babala o early warning
C. Gamitin ang kaalaman, inobasyon at edukasyon sa pagbuo ng
culture of safety at resilience sa lahat ng antas.
D. Mabawasan ang mga risk factors
E. Pagtibayin ang disaster preparedness para sa mas epektibong
pagtugon sa lahat ng antas
• Batas Republika 10121 o ang Philippine DRRM Act (2010) – binigyang
pagkakataon ang paggawa ng mga patakaran at plano at ang implementasyon
sa mga tugon at hakbang sa pangkalahatang aspeto ng disaster risk reduction
and management kasama dito ang mabuting pamamahala, risk assessment
at pagbibigay ng maagang babala, pagsulong ng kaalaman at pagpapalaganap

10
ng kamalayan, mabawasan ang risk factors, at paghahanda para sa
epektibong pagtugon at maagang pagbangon.

• National Climate Change Action Plan (2011 – 2038) – Layunin nitong mas
mapalakas ang kapasidad ng mga kababaihan at kalalakihan sa sa
kanikanilang pamayanan sa pag-angkop, mapataas ang resilience ng mga
mahihinang sector at natural ecosystems sa pagbabago ng klima at mas mai-
ayon ang mitigasyon tungo sa isang gender-responsive at rights-based
sustainable development.
o 2 long-term na layunin ng NCCAP
• Pag-angkop (Adaptation)
• Mitigsyon
o 7 estratehikong prayoridad
• Food Security
• Water Efficiency
• Ecosystem and Environmental Stability
• Human Security
• Climate-smart industries and services
• Sustainable Energy
• Knowledge and Capacity Development

Sa pitong prayoridad ng NCCAP pinakamahalaga ang Ecosystem and


Environmental Stability at ang Human Security. Ayon dito, mahalaga ang Ecosystem
dahil binabawasan nito ang mga panganib na dulot nga kalamidad at mahalaga ang
Human Security dahil dito pinapangalagaan ang Karapatan ng Pamilyang Pilipino at
iba pang indibidwal at pinoprotektahan at isinusulong sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng access sa edukasyon, kalusugan, pabahay, at social protection
habang sinisiguro ang environmental sustainability. Kasama sa pinagbasehan ng
framework ang National Security Policy ng bansa upang matugunan ang
pangangailangan ng ating bansa sa aspeto ng pambansang seguridad at terorismo
(NDRRMC, 2011).

Ayon sa praymer ng DRRMNetPhils, Magsisilbing pangunahing patnubay ang


National DRRM Framework (NDRRMF) sa buong bansa. Isusulat ng NDRRMC ang
NDRRMF. Ito ang magiging batayan ng pagbuo ng National DRRM Plan
(NDRRMP). Sisiguraduhin nito na ang stratehiya sa DRRM ay komprehensibo,
isinasaalangalang ang lahat ng panganib, nilalahukan ng iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan at sektor ng lipunan, at itinataguyod ang pangunahing papel ng mga
komunidad. (Atty. Eunice Agsaoay‐Saño, 2014) Ito ay hango sa salin sa Filipino ng
Sek. 3.y at Sek. 6.a ng DRRMNetPhils.

11
(NDRRMC, 2014)

Estruktura ng NDRRMC

Ang ahensyang namumuno sa pamamahala at tumutugon sa mga kalamidad


sa ating bansa ay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o
ang Pambansang Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna. Dito nabubuo ang mga
patakaran at mga programa para sa DRR. Ang istruktura nito ay binubuo ng mga
kalihim mula sa iba’t – ibang mga ahensya ng pamahalaan na may kanikaniyang
tungkulin. Ang punong tagapamahala ng NDRRMC ay ang Kagawaran ng
Tanggulang Pambansa pinamamahalaan naman ng kalihim ng Kagawaran ng
Agham at Teknolohiya (DOST) ang prevention at mitigation, Kagawaran ng Interyor
at Pamahalaang Lokal (DILG) ang preparedness, Kagawaran ng Kagalingan at
Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) ang response at Pambansang Pangasiwaan sa
Kabuhayan at Pagpapaunlad (NEDA) ang rehabilitation at recovery at iba pa.

Hindi naman nag-iisa ang NDRRMC ayon sa Batas Republika 10121 ito ay
iba’t-ibang mga opisina sa iba’-ibang antas na kilala sa DRRM Network sa Pilipinas
ay binubuo ng mga tanggapan nito sa iba’t – ibang rehiyon, probinsya, lunsod at
munisipyo, at barangay. Ito ang kaakibat ng NDRRMC sa pagpapatupad ng mga
patakaran at pagtugon sa mga sakuna.

12
Source: (OCD, 2016)

Isagawa o Pagyamanin

Gawain 2 – Presidential Speech: Ipagpalagay na ikaw ang pangulo ng Pilipinas,


sumulat ng isang maikling mensahe para sa iyong mga kababayang Pilipino sa
taunang pagdiriwang ng Disaster Resilience Month tuwing Hulyo. Nilalaman nito ang
iyong talumpati ay binubuo ng humigit kumulang 10 hanggang 15 pangungusap.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

TEMA: “Ligtas na Bayan, Maunlad na Pamayanan.”

Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Pinakamahusay Mahusay Di-Masyadong Walang na
Mahusay Ipasa
(5 puntos) (4 Puntos) (3 Puntos)
Nilalaman Magaling ang Magaling ang Hindi Walang
pagkakasulat. pagkakasulat. masyadong ipinasang
Akmang akma Tama lang ang magaling ang awtput
sa tema. akma sa tema. pagkakasulat.

13
Tama lang ang
akma sa tema.
Organisasyon Detalyado at Kulang sa Kinulang sa Walang
naglalaman ng detalye at detalye at may ipinasang
tama at akmang naglalaman mga datos na awtput
datos ng tama at gawa-gawa
akmang datos lang.
Kabuuan ng Kawili-wiling Hindi kawili- Hindi kawili- Walang
Talumpati pakinggan / wiling basahin wiling basahin ipinasang
basahin. o pakinggan at o pakinggan at awtput
Nakakatawag kailangang hindi
pansin ayusin ang nakakatawag
mga ideyang pansin sa
napapaloob nakikinig o
nagbabasa

Isaisip

Ang NDRRM Framework ay ang pangunahing gabay ng ating pamahalaan


kung papaano harapin ang mga kalamidad sa hinaharap. Bawat banta ay sinusuri
at pinaghahandaan at sinusubaybayan para maging mas ligtas ang isang
komunidad at ang mga Pilipinong naninirahan dito. Ito ang layunin ng NDRRM
Framework, mapaghandaan ang mga bantang dala ng climate change at iba pang
kalamidad. Dito binibigyang diin ang paghahanda ng mga komunidad laban sa mga
epekto ng climate change, binibigyang halaga ang buhay ng tao sa pamamagitan ng
paghahanda sa mga komunidad sa mga sakunang haharapin nila.

Pamprosesong tanong:

1. Mahalaga ba ang NDRRM Framework?


2. Paano ito nakakaapekto sa ating laban kontra sa mga kalamidad tulad ng
pandemya o ng isang malakas na bagyo?

Tayahin

PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Aling ang pangunahing kaibahan ng Atas ng Pangulo 1566 at ng Batas


Republika 10121… Ang Batas Republika 10121 ay nakatuon sa…
A. Disaster Action C. Disaster Preparedness
B. Disaster Reduction D. Disaster Response

14
2. Kung ang Department of National Defense ang namumuno ng NDRRMC, sino
naman ang umuupo bilang punong tagapamahala nito sa taong 2021.
A. Sec. Carlito Galvez C. Sec. Francisco Duque III
B. Sec. Delfin Lorenzana D. Sec. Harry Roque

3. Tuwing may pagputok ng bulkan o paparating na bagyo alin sa sumusunod


na ahensya ng pamahalaan ang may tungkuling magbigay babala?
A. Department of Health
B. Department of National Defense
C. Department of Science and Technology
D. Department of Environment and Natural Resources

4. Matapos dumaan ang bagyo sino ang may tungkuling mamigay ng ayuda?
A. Department of Education
B. Department of Science and Technology
C. Department of Budget and Management
D. Department of Social Welfare and Development

5. Ano ang pangalan ng ahensyang pinalitan ng National Disaster Coordinating


Council?
A. Department of Energy
B. National Council on the Peace Process
C. National Solid Waste Management Council
D. National Disaster Risk Reduction Management Council

6. Ito ay kilala bilang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan


A. Department of Science and Technology
B. Department of Budget and Management
C. Department of Social Welfare and Development
D. Department of Environment and Natural Resources

7. Ang Hyogo Framework for Action ang naging batayan sa paggawa ng alin sa
sumusunod?
A. 1987 Philippine Constitution
B. You Go Framework for Action
C. National Disaster Network Philippines
D. Philippine Disaster Risk Reduction Framework

8. Ang Batas Republika 10121 ay mas kilala sa tawag na…


A. Philippine Disaster Education Act of 2015
B. Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010
C. Philippine Program on Community Disaster Preparedness Act of 2010
D. Philippine Solid Waste Management Act of 2009

9. Ang pangunahing layunin ng National Disaster Coordinating Council ay:


A. Disaster Response
B. Disaster Preparedness

15
C. Tumugon sa mga sakuna at kalamidad
D. Lutasin ang mga hinaharap na kalamidad

10. Ano ang pangunahing tungkulin ng National Disaster Risk Reduction and
Management Council?
A. Disaster Response
B. Disaster Preparedness
C. Tumugon sa mga sakuna at kalamidad
D. Lutasin ang mga hinaharap na kalamidad

11. Ninanais ni Pang. Duterte na maitatag ang ahensyang ito niya na ang
ahensyang ito ang may pangunahing tungkulin tuwing may kalamidad. Sa
ngayon tinatawag it na Department of ___________________.
A. Disaster and Resilience C. Resilience and Recovery
B. Overseas Filipinos D. Recovery and Foreign Donors

12. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mahirap ang Pilipinas na makipag


sabayan sa ibang mayayamang bansa sa pagbili ng COVID-19 Vaccines.
Ang kakulangan nito ay ang ugat ng problemang mabagal na
vaccination rollout. Ano ang naging solusyon ng pamahalaan dito?
A. Ang Pilipinas ay nagkaroon ng mabilisang pagbakuna sa mga
mamamayan.
B. Gumamit ng diplomasya at naghanap ng mga bansang maaaring
tumulong sa Pilipinas.
C. Ibinenta ang West Philippine Sea sa mga gustong bumili nito, kapalit ang
milyong-milyong vaccine.
D. Tinurukan ng fake na vaccine ang lahat para wala nang Community
Quarantine at nagrereklamo.

13. Isa sa mga pagbabago sa disaster management ngayon, ay hindi na hinihintay


pang tumama ang kalamidad bago pa man kumilos ang pamahalaan. Ang
sumusunod na sitwasyon ay nagpapatunay nito MALIBAN sa:
A. Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga tao sa danger zone ng Taal
maliban sa itinalagang mga window hours.
B. Bago pa man tumama ang bagyo ay nakahanda na ang stockpile ng
pagkain, tubig at iba pa ng DSWD para ipamigay sa apektado.
C. Itinaas ang mga Community Quarantine classifications ng ilang siyudad
bilang paghahanda sa pagtaas ng bilang ng mga pasyente.
D. Ipinagbabawal na ang pamamasyal sa buong Maynila ng tumaas ang
Sulfur Dioxide Level na binubuga ng Taal.

16
14. Isa sa mga pagbabago sa disaster management ngayon, nagpapakita na kaya
nang iwasan ang mga nakaambang mga disaster? Ang sumusunod na
sitwasyon ay nagpapatunay nito MALIBAN sa:
A. Pinasara ang Batasang Pambansa dahil sa pagkalat ng Covid-19
B. Itinaas ang Alert Level ng isang bulkan dahil ito ay nag-aalburoto.
C. Pinalikas ang mga pamilyang nakatira sa mga baybaying dagat upang
malayo sa storm surge
D. Inilagay sa ECQ ang isang lugar para mapabagal ang pagkalat ng Covid-
19 Delta Variant

15. Maliban sa kahandaan o preparedness sa mga kalamidad ano ang isa pang
mahalagang layunin ng Disaster Risk Reduction and Management?
A. Kahandaan B. Mitigasyon C. Rehabilitasyon D. Sosyalisasyon

Karagdagang Gawain

Gawaing Pangkasanayan 1 - May Magagawa Ako!: Gumawa ng isang simple ngunit


nakakatawagpansing slogan na nananawagang magpabakuna. Maaari itong iginuhit
o ginawa gamit ang inyong computer. Sa iyong poster klaro at mabilis na makikita
ang mga sumusunod na impormasyon:

#Covid-19Batukan!

#MagpabakunaNa!
SLOGAN #MagparehistroNa!
www.pabakunanata.com
-------------------------
-------------------------
------------------------- Sa pagpasa, maaaring isumite sa guro para markahan at
------------------------- matapos markahan ay ilalagay sa labas ng inyong
tahanan.
Basehan sa pagmamarka:
Puntos 5 4 3 0
Pagkamalikhain Lubos na Naging malikhain sa Hindi gaanong naging
nagpamalas ng paghahanda. malikhain sa
pagkamalikhain sa paghahanda.
Walang ipinasa

paghahanda.
ipinasa na poster

Presentasyon Nakakatawag Hindi masyadong Hindi nakakatawag


pansin ang poster nakakatawag pansin ang poster.
pansin ang poster Walang buhay.
Organisasyon Buo ang kaisipan May kaisahan at Konsistent, may
konsistent, may sapat na kaisahan, kulang sa
kumpleto ang detalye at malinaw detalye at di malinaw
na mensahe. ang mensahe

17
detalye at malinaw
ang mensahe.
Kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop ang mga Hindi angkop ang
Paksa ang mga salita salita o slogan sa slogan sa larawan at
(slogan) at larawan larawan ng paksa. paksa
sa paksa.

Sanggunian

Atty. Eunice Agsaoay‐Saño, A. V. (2014). World Vision's Child Focused DRR.


Retrieved from wvdrr.wordpress.com:
https://wvdrr.files.wordpress.com/2014/05/ra-10121-primer-
filipino_final.pdf

CAR DILG. (2020, September 14). Department of Interior and Local Government.
Retrieved from Cordillera Administrative Region:
https://car.dilg.gov.ph/about-us/key-officials
DENR Official. (2020, 25 March). Twitter. Retrieved from DENR OFFICIAL:
https://twitter.com/DENROfficial/status/1242754609497636866

DND. (2016, June 30). Department of National Defense. Retrieved from postings:
https://www.dnd.gov.ph/Postings/Post/Delfin%20N%20Lorenzana/

DOST-PHIVOLCS. (2020). DOST-PHIVOLCS. Retrieved from TWITTER.


GSIS. (2017, MARCH 31). Government Service Insurance System. Retrieved from
Home: https://www.gsis.gov.ph/gsis-welcomes-new-chairman/

NDRRMC. (2011, December). National Disaster Risk Reduction Management Plan.


Retrieved from DILG:
https://www.dilg.gov.ph/PDF_File/reports_resources/DILG-Resources-
2012116-420ac59e31.pdf
NDRRMC. (2014, APRIL 13). NDRRMC. Retrieved from FACEBOOK:
https://www.facebook.com/NDRRMC/photos/pdrrms-101-the-national-
drrm-frameworkthe-philippine-national-drrm-framework-is-
/619208021491020/

OCD. (2016). Gallery: Philippine Institute of Development Studies. Retrieved from


Philippine Institute of Development Studies:
https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/GALLERY/pig_july_03.jpg
Grade 10 Learning Manual

18

You might also like