You are on page 1of 21

9

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 1: DEMAND
1

Pambungad sa Araling Panlipunan 9


Ikalawang Markahan – Modyul 1: Demand

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayupaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Tagalikum/
Tagakontekstuwalisa: Christine A. Arendain, T-III, Budla-an Integrated School
Girlie V. Pales, MT-1, Talamban National High School
Elaine Shara B. Pozon, T-I Basak Community HS Tagasuri:
Alice S. Ganar,SSPPIII OIC-PSDS, SD-8,Assistant Division Coordinator
Roy Guarin, Principal IV Ramon Duterte National High School,
Division ALS and IPED Coordinator
Juan Damasceno D. Villaver, Assistant Principal II SHS, School
Head First High School for the Hearing Impaired

Santiago B. Hubahib , Jr., MAEd,CESE Principal II


Talamban National High School Tagapamahala:
Rhea Mar A. Angtud, EdD, Schools Division Superintendent
Danilo G. Gudelusao,EdD, Asst. Schools Division Superintendent
Grecia F. Bataluna, Curriculum & Implementation Division Chief
Luis O Derasin, Jr., DPA, EPSvr, Araling Panlipunan/HEKASI
Vanessa L. Harayo, EPSvr, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education Division of Cebu City –


Region VII
Office Address: Imus Ave., Day-as, Cebu City
Telefax: 255-1516
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph

9
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 1: Demand

Tagalikum / Tagakontekstuwalisa
CHRISTINE A. ARENDAIN Budla-an Integrated
School

3
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ninanais ding
matulungan kang makamit ang pamatayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pagaaral.
Ang tulong-aral na ito ay inaasahang makakaugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang inyung pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag -
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha
mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Balikan/ Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Panimulang kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

4
Gawain

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong


Suriin
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto


sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Susi sa
sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

5
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Modyul 1 Demand
Unang Linggo

__________________________________________________________________________________
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng
pwersa ng demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng
matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay- kalakal tungo sa pambansang
kaunlaran.

Pamantayang Pangkasanayan:
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa
ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan
ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay- kalakal tungo sa
pambansang kaunlaran

6
Kakayahan:
Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw
na pamumuhay.

Paksa/Code: Ang Demand


__________________________________________________________________________________

Subukin

Sa bahaging ito ay susubukin natin ang iyong pangunahing kaalaman na may


kaugnayan sa paksa. Pagtuunang-pansin ang mga katanungan na sa palagay mo
nangangailangan ka ng karagdagang kaalaman sa mga paksang tatalakayin.

Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay ang matematikong pagpapkita ng ugnayan ng presyo at quantity


demanded.
A. Demand Curve C. Demand Schedule
B. Demand Function D. Quantity Demanded

2. Ang pagbaba ng demand ay makapgdudulot ng paglipat ng kurba sa ______?


A. Bababa B. Kanan C. Kaliwa D. Taas
3. Ang tawag pagtaas ng demand ng isang indibidwal? A. Bandwagon Effect
C. Income Effect
B.Complementary Goods D.Substitute Goods
4. Ano ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa
pagbaba ng kita?
A.Capital Goods B.Exterior Goods C.Interior Goods D.Normal Goods
5. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin
sa iba’t-ibang presyo sa takdang panahon ng mga mamimili.
A. Demand B.Kagustuhan C.Pangangailangan D.Supply
6. Kapag dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga
produktong ito ay maituturing na ________?
A.Capital Goods B.Exterior Goods C.Interior Goods D.Normal Goods 7.
Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga
mamimili sa iba’t-ibang presyo.
A. Demand Curve C. Demand Schedule
B. Demand Function D. Quantity Demanded
8. Ang kaso ng kape at asukal, kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas
ang demand sa asukal, ito ay halimbawa ng?
A. Bandwagon Effect C. Income Effect
B.Complementary Goods D.Substitute Goods
9. Tumutukoy sa mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi
magagamit ang isang produkro kung wala ang produktong tumutumbas nito?

7
A.Bandwagon Effect C. Income Effect
B.Complementary Goods D.Substitute Goods
10. Ito ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo o kapalit ng
isang bagay?
A. Bandwagon Effect C. Income Effect
B.Complementary Goods D.Substitute Goods
11. Ito ay ang pagpapakita ng ugnayan ng presyo sa quantity demanded sa
pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito din ay isang grapikong
paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
A. Demand Curve C. Demand Schedule
B. Demand Function D. Quantity Demanded
12. Anong salik ang nakaaapekto sa suplay ng pag-aaayon sa isang tao na
kumain ng pandesal bilang pang-almusal na mas marami kaysa ensaymada
A. Kita C. Dami ng Mamimili
B. Panlasa D. Presyo ng magkaugnay na na produkto sa
pagkonsumo 13. Anong salik na nakaaapekto sa demand na kapag ang
isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na nagdudulot ng
pagtaas ng demand?
A. Kita C. Dami ng Mamimili
B. Panlasa D. Presyo ng magkaugnay na na produkto sa pagkonsumo

14. Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular
na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na _________ang demand ng
nasabing produkto.
A.Bababa B.Mananatili C.Tataas D.Walang pagbabago
15. Anong salik ang inilahad sa napabalitang may paparating na bagyo at
tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng
bigas sa bansa?
A. Panlasa
B. Dami ng Mamimili
C. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
D. Presyo ng magkaugnay ng produkto sa pagkonsumo

Alamin Natin

Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa


pang araw-araw na pamumuhay.
Inaasahan na nasusuri ng mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya;

8
A. nasusuri ang mga salik na nakaapekto sa demand; at
B. matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga salik na nakaaaapekto sa
demand.

Balikan

Matapos mong pag-aralan ang konsepto ng produksiyon, mga salik nito, at ang
mga organisasyon ng presyo sa naunang mga aralin, sa bahaging ito naman ay
iyong tutuklasin ang tungkol sa konsepto ng demand.Upang higit na maging
masaya at makabuluhan ang bahaging ito ay simulan mong sagutin ang gawain.

PINAGHALU-HALONG MGA LETRA

Panuto: Ayusin ang mga pinaghalu-halong letra sa puzzle box upang maibigay ang
hinihinging ksagutan sa mga gabay na tanong. Maaari mong balikan ang
iyong napag-aralan sa mga naunang aralin upang madali mong masagot
ang katanungang nakapaloob dito. Kung maisasaayos mo na nang tama
ang mga letra sa puzzle ay may mabubuo kang salita sa unang kolumn
nito.

1 A P Y G O D I R E M A
.
2 N I M E S O K O K
.
3 W A M O L S
.
4 A K Y O S N L A O
.
5 S O N G O Y E
.
6 T R I D I S B U S O Y N
.

Mga Gabay na Tanong:


Ano ang tawag sa pag-aaral tungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon?
1. Ano ang sangay ng agham panlipunan ang tungkol sa efficient na pagpili
at pagamit ng mga pinagkukunang-yaman?
2. Sino ang isa sa bumuo ng teorya hinggi; sa herarkiya ng
pangangailangan ng tao?
3. Ano ang tawag sa pamamaraan ng paglalaan ng takdang dami ng
pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao?

9
4. Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pag-ekonomiya na ang layunin ay
magkamit ng kita at tubo.
5. Ano ang katawagan sa pamamaraan ng pagbabahagi ng kabuuang
yaman o kita ng lipunan sa bawat indibidwal o sa mga salik ng
produksiyon tulad ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship?

Pamprosesong Tanong:

1. Anong salita ang nabuo mula sa unang hanay pababa?


2. Ano ang iyong paunang pagkaunawa sa salitang demand?

Tuklasin at Suriin
Teksto-suri.

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba para sa karagdagang kaalaman.


Ngayong nagawa natin ang gawain sa itaas. Dadako naman tayo sa
pagsusuri ng teksto. Upang higit na mapaunlad ang iyong kaalaman.
Simulan na natin!

MAHAHALAGANG KONSEPTO NG DEMAND

1. Ano ang Demand?


Sagot: Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at
kayang bilhin sa iba’t-ibang presyo sa takdang panahon ng mga mamimili.

2. Ano ang isinasaad sa Batas ng Demand?


Sagot: Ayon sa Batas ng Demand, mayroong magkasalungat (inverse) na ugnayan
ang presyo sa Quantity Demanded (QD) ng isang produkto. Kapag tumaas
ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mga mamimili;
at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang
bilhin ng mga mamili (Ceteris Paribus).

3. Ano ang kahulugan ng Ceteris Paribus?


Sagot: Ang Ceteris Paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo
lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demand
habang ang ibang salik ay hindi nagbabago ang epekto nito.

4. Anu ano ang dalawang konsepto kung bakit may magkasalungat o inverse na
ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded?

Sagot: 1. Substitution Effect – kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang
mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura.

10
2. Income Effect – Ipinapahayag dito na mas malaki ang halaga ng kinikita
kapag mas mababa kapag mas mababa ang presyo.

MGA TATLONG PAMAMARAAN SA PAGPAPAKITA NG KONSEPTO NG DEMAND

1. DEMAND SCHEDULE – ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at


gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo.Tingnan ang talahanayan
sa ibaba.

Demand Schedule para sa Kendi

Presyo (PhP) bawat piraso Quantity Demanded (QD)


PHP 5 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60

Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded


para sa kendi sa iba’t-ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (PhP 1.00) bawat
piraso ng kendi, limampu (50) ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Sa
presyong dalawang piso (PhP 2.00) bawat piraso, apat napung (40) piraso naman
ang gusto at kayang bilhin ng mga mamimili. Kung tataas pa ang presyo at maging
limang piso (PhP 5.00) ang bawat piraso, maging sampu (10) na lamag ang
magiging demand sa kendi. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na
ugnayan ng presyo at quantity demanded ng kendi para sa mamimili.

2. DEMAND CURVE – ay ang pagpapakita ng ugnayan ng presyo sa quantity


demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito din ay isang grapikong
paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.

11
Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa talahanayan. Kung
ilalapat sa graph ang iba’t-ibang kumbinasyon ng mga presyo at quantity
demanded ay mabubuo ang demand curve para sa kendi. Halimbawa, sa punto A
na ang presyo ay limang piso (PhP 5.00), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at
kayang bilhin ng maimili; sa punto B na ang presyo ay apat na piso (PhP 4.00),
dalawampu (20) ang dami ng kendi na gusto at handing bilhin ng mamimili. Kung
tutuntunin ang mga puntong F ay makakabuo ng isang kurbang pababa o
downward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan
sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.
Halimbawa, ang paggalaw sa kurba sa punto A papuntang punto B, makikita na
sa pagbaba ng presyo mula sa limang piso (PhP 5.00) pababa ng apat na piso (PhP
4.00), ang demand sa kendi ay tataasng 10 sampung (10) piraso. Kapg ang presyo
naman ay tumaas ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded
sa sampung piso (10) piraso.

3. DEMAND FUNCTION – ito ay ang matematikong pagpapkita ng ugnayan ng


presyo at quantity demanded. Maaaring ipakita sa equation sa ibaba:

Qd = f (P)

Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P)
naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay sa Qd ang pagbabago sa
dami at kayang bilhin ng mga mamimili. Isa sa paraan ng pagpapakita ng demand
function ay sa equation na:

Qd = a-bP

12
Kung saan:

Qd = Quantity Demanded
P = Presyo

a = intercept (ang bilang ng Qd kung saan ang presyo ay 0)

b = slope = Qd
P
Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat
paggalaw sa presyo.

Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang


demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.

Demand Function sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60-10P

Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd =?


Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P
Qd = 60 – 10 (1) Qd = 60 – 10
(5) Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50
Qd = 50 piraso Qd = 10 piraso

Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng quantity demanded
kung may given na presyo. I-substitute ang presyo sa piso sa variable na P at i-
multiply ito sa slope na – 10. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 60. Mula rito
ay makukuha ang 50 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa naman ay
PhP 5.00 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay 10.

Ngayong napag-aralan na natin ang mahalagang konsepto ng demand. Sagutin ang


mga katangungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang demand?


2. Ano ang isanasaad sa batas ng demand?
3. Ano ang ibig sabihin ng Ceteres Paribus?
4. Anu-ano ang tatlong paraan sa paglalarawan ng demand?
5. Anu-ano ang tatlong pamamaraan sa pagpapakita sa konsepto ng demand?

Halika at sabay tayong magbasa. Tara na! Tuklasin natin ang konsepto at salik na
nakaaapekto sa demand sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang pagsususuri sa
mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa
paggawa ng desisyon.

Mga salik na nakakaapekto sa Demand maliban sa presyo

1. Kita - -Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagbabago ng


demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao,
tumataas ang kanyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto.

13
Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng
produkto ay nababawasan. -Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil
sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito at maituturing na normal goods. Sa
kabilang banda, inferior goods naman ang tawag sa mga produktong tumataas ang
demand kasabay sa pagbaba ng kita. Ipagpalagay na ang karneng baka ay normal
good para kay Ayer. Sa pagtaas ng kita ani Ayer ay tataas din ang kaniyang
demand sa karneng baka, Kapag bumaba naman ang kita ani Ayer, bababa rin ang
demand niya para dito. Ipagpalagay naman na ang sardinas ay inferior good para
kay Ayer. Sa pagtaas ng kaniyang kita ay bababa ang kaniyang demand sa
sardinas. Sa pagbaba naman ng kaniyang kita, tataas ang kaniyang demand para
dito.

2. Panlasa - Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng


produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong
panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito. Kung naaayon ang pandesal sa
iyong panlasa bilang pang-almusal, mas marami ang makakin mo nito kesa sa
ensaymada.

3. Dami ng Mamimili - Maaari ding magpataas ng demand ng indibiduwal ang


tinatawag na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto,
nahihikayat kang bumili. Halimbawa, kapag ang isang bagay ay nauuso,
napapagaya ang marami na nagdudulot ng pagtaas ng demand. Halimbawa, dahil
nauuso ngayon ang smartphone, marami sa mamimili ang gustong makisabay sa
uso kaya marami ang demand nito.

4. Presyo ng makaugnay na produkto sa pagkonsumo - -Masasabing


magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o
pamalit sa isa’tisa. Ang mga komplementaryo ay ang mga produktong sabay na
ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang
complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago sa presyo
ng kaugnay ng produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng
komplementaryong produkto. Halimbawa, sa kaso ng kape at asukal, kapag
bumaba ang presyo ng kape ay bababa ang demand sa asukal. Kung tumaas
naman ang presyo ng kape ay bababa ang demand sa asukal. Kapag ang ugnayan
ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa demand para sa isang
produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito. Tinatawag itong produktong
komplementaryo (complementary goods).
-Samantala, pamalit (substitute) ay mga produktong maaaring magkaroon ng
alternatibo. Ang tubig o juice at maaaring pamalit sa softdrinks sapagkat pareho
itong pamatid-uhaw. Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil
dito, bababa ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito, tataas ang
demand para sa juice. Kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay
magdudulot ng pagtaas ng isang produkto, masasabing ang mga produktong ito ay
may pamalit sa isa’t-isa (substitute goods). Ang iba pang halimbawa ng pamalit ay
kape at tsa, keso, at margarine.

5. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap - Kung inaasahan ng


mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod
na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa
kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito. Halimbawa, ibinalita na may

14
paparating na bagyo at tuwirang tatami sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing
pinagmumulan ng bigas sa bansa, inaasahan na magkukulang ang dami ng bigas
sa pamilihan at tataas ang presyo nito. Kaya ang mamimili ay bibili ng marami
habang wala pang bagyo at mababa ang presyo. Sa kabilang banda, kung
inaasahan ng mga maimili na bababa ang presyo ng isang produkto, hindi muna
bibili ng marami ang mga tao sa kasalukuyan. Maghihintay na lamang sila na
bumaba ang presyo bago bumili ulit ng marami.

Karagdagang Kaalaman!!

Pag-aralan ang graph sa ibaba para sa karagdagang kaalaman.

-Ang pagtaas ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa


kanan. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kanan kung ang mga pagbabago ng
salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng demand.

-Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa


kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng
salik na hindi presyo ay nakapagdudulot ng pagbaba ng demand.

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na


Nakaaapekto sa Demand
1.Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito. Matutong
pagplanuhan nang Mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na
dapat bilhin.
2.Maghanap na alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo.
Maraming mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa iba’t-ibang pamilihan.

15
Ang anumang pagbabago sa nasabing salik ay may kaakibat na epekto sa mga
mamili. Ang matalinong pagtugon ng mga mamimili sa mga nagbabagong salik ay
napakahalaga.

Ngayong nauunawaan na natin ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand


sa pang araw-araw na pamumuhay. Mahalagang masagot natin ang mga
sumusunod na katanungan: Isulat ang sagot sa sagutang papel

1. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa Demand maliban sa presyo?


2. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalaw ng demand curve? Sa
paglipat ng demand curve? Paano naiiba ang salik na presyo sa ibang salik?
3. Anu-ano ang katangian na dapat taglayib ng isang mamimili sa pagtugon sa
pagbabago sa mga salik ng demand?

Isaisip Natin

Panuto: Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy


ng mga sumusunod na pangungusap. Hanapin ang angkop na sagot mula
sa kahon.

GUSTO FUNCTION
MAMIMILI

INAASAHAN PRESYO
KAYANG BILHIN

PANLASA SCHEDULE CURVE QD

Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo ng 1. ________ at


2._______ ng mga 3. __________.
4.Ceteris Paribus ay na nagsasad na mayroong magakataliwas na ugnayan sa
pagitan ng _________ at 5. _________.
6. Ang tatlong paraan sa paglalarawan ng demand ay ang mga _______ at
7. _________ at 8. ________
9. Karaniwang naaayon sa __________ng mamimili ang pagpili ng produkto at
serbisyo.
10. Kung __________ ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular
na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng
nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito.

16
Isagawa
Mag-compute Tayo!
Mula sa datos na nasa ibaba, kumpletuhin ang talahanayan upang maipakita ang
demand schedule.
Demand Function : Qd = 300 - 20P

Halimbawa kapag Presyo ang hahanapin.

2. Bonus Sample

200 = 300 – 20P


200 – 300 + 20P
-100 = -20P
- 20 - 20
5=P

P (Presyo) Qd (Quantity Demanded)


1 1. ?
2. 5 (bonus answer) 200
6 3.?
4.? 100
15 5.?

A. Demand Function : Qd = 750 - 10P

P (Presyo) Qd (Quantity Demanded)


6.? 600
30 7.?
8.? 300
60 9.?
10.? 0

Pagyamanin at Isagawa
DEMAND UP, DEMAND DOWN!

17
Panuto: Ipakita ang pagbabagong magaganap sa demand para sa ibang produkto
batay sa mga pagbabago ng mga salik. Isulat sa patlang ang kung tataas ang
demand at kung bababa ang demand.

________1. Bandwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon (potesyal na


demand).
________2. Paglaki ng kita (nakatuon sa normal goods).
________3. Pagbaba ng kita ( nakatuon sa inferior goods).
_________4. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto.
_________5. Inaasahan ng mamimili na tataas ang presyo.
_________6. Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo.
_________7. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit.
_________8. Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo.
_________9. Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo.
_________10. Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit.

Tayahin
Ngayong natalakay na natin ang mga aralin sa modyul 1. Inaasahan ko na
masagutan natin ng buong husay ang mga katanungan sa ibaba.

Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang pagtaas ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba sa anong


direksiyon?
A. Bababa B. Kanan C. Kaliwa D. Taas
2. Ang papel at lapis, sapatos at medyas, sabon at shampoo ay iilan sa mga
halimbawa ng?
A. Normal goods C. Substitute goods
B. Inferior goods D. Complementary goods
3. Sa paglaganap ng pandemya, ano ang direksiyon ng kurba ng pangunahing
produkto at serbisyo?
A. Pababa B. Pakanan C. Pakaliwa D. Pataas
4. Ang pagbili ng mga normal goods sa halip na inferior goods ay palatandaan
ng________ ng kita ng isang tao?
A. Pagtaas C. Walang pagbabago
B. Pagbaba D. Wala sa nabanggit
5. Alin sa pagpipilian ang hindi kabilang sa mga produktong mas mabili
kapag papalapit na ang pasko?
A. Rain Gears C. Keso de bola

18
B. Christmas decors D. Lechon de Leche
6. Naubusan ng pluma sa tindahan kaya bumili nalang ng lapis si Trina. Ang
pahayag sa usapin ng pluma at lapis ay halimbawa ng?
A. Normal goods C. Substitute goods
B. Inferior goods D. Complementary goods
7. Sa anong salik kung saan masasaksihan sa kasalukuyan ang talamak na
paggamit ng mga Social Media Platforms?
A. Kita C. Dami ng Mamimili
B. Panlasa D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa
pagkonsumo 8. Tumutukoy sa talaan na nagpapakita ng dami na kaya at
gusting bilhin ng mga mamiili sa ibat’t-ibang presyo sa takdang panahon.
A. Demand C. Demand Function
B. Demand Curve D. Demand Schedule
9. Sa panahon ng COVID-19 Pandemic, mas mabili ang paggamit ng face masks
gawa ng tela sa halip na surgical face masks dahil mas mura ito. Ang face
masks na gawa sa tela ay maituturing na?
A. Normal goods C. Substitute goods
B. Inferior goods D. Complementary goods

10. Nakanayan ni Kuku ang pag-inom ng gatas kaysa kape tuwing umaga. Ang
pahayag ay tumutukoy sa anong salik na nakaaapekto sa demand?
A. Kita C. Dami ng Mamimili
B. Panlasa D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo
11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang halimbawa ng bandwagon effect? A.
Bumili ng nauusong smart phone si Leah.
B. Bumili ng mas murang klase ng bigas si Khate.
C. Bumili ng bagong mamahaling sapatos si Peter.
D. Bumili nalang ng sardinas sa halip preskong isda si Bebe.
12. Napabalita noong Marso ang outbreak ng COVID-19 Pandemic, alin ang hindi
kabilang sa negatibong epekto nito?
A. Patuloy na sumigla ng ekonomiya.
B. Marami ang nawalan ng hanapbuhay.
C. Apektado ang pandaigdigang ekonomiya.
D. Nagkaubusan ang pangunahing produkto at serbisyo.
13. Nakatanggap si Jojo ng cash incentives mula sa kanyang pinagtatrabahuan.
Kaya, nagawa niyang makabili ng paboritong pagkain para sa kanyang mga
anak. Ang paboritong pagkain ay kabilang sa?
A. Normal goods C. Substitute goods
B. Inferior goods D. Complementary goods
14. Alin sa pahayag ang hindi nagpapakita ng matalinong pagpapasya? A. Bumili
ng gulay si Dinnes sa halip na karne.
B. Inilagay ni Maret sa alkansya ang sobrang allowance niya.
C. Ginawang fried rice ni Whisley ang sobrang kanin sa umaga.
D. Araw-araw nagpapaload si Joy para sa paglalaro ng online games.

19
15. Sa pagsisikap ni Felicity matagumpay niyang natapos ang kanyang pag-aaral.
Nakuha siya ng magandang trabaho sa isang malaking kompanya. Kaya,
nakakabili na siya ng mga pangangailangan niya kahit nasa mataas na presyo.
Ang sitwasyon ay nagpapakita ng anong salik na nakaaapekto sa `
A. Kita C. Dami ng Mamimili
B. Panlasa D. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo

Karagdagang Gawain

GRAPHIC ORGANIZER
Panuto: Punan ang graphic organizer sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong
tanong.


Mga Salik na nakaaapekto sa Demand

Pamprosesong Tanong:

1. Anu-ano ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa demand?

2. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalawa sa demand curve?


Sa paglipat ng demand curve?

3. Anu-ano ang katangian na dapat taglayin ng isang mamimili sa pagtugon


sa pagbabago sa mga salik ng demand?

20
21

You might also like