You are on page 1of 16

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 1: KONSEPTO NG
EKONOMIKS
Pambungad sa Araling Panlipunan 9
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayupaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Tagalikum/
Tagakontekstuwalisa: Christine A. Arendain, T-I, Budla-an Integrated School
Girlie V. Pales, MT-1, Talamban National High School
Elaine Shara B. Pozon, T-I Basak Community HS
Tagasuri:
Alice S. Ganar,SSPPIII OIC-PSDS, SD-8,Assistant Div. Coor (SHS)
Giovanni D. Sarra, MT-II, Ramon Duterte MNHS
Judith S. Cabaocabao, MT-I, Ramon Duterte MNHS
Erlin B. Abella, MT-I, Ramon Duterte MNHS
Maria Lea C. Pono, MT-I, Ramon Duterte MNHS
Tagapamahala:
Rhea Mar A. Angtud, EdD, Schools Division Superintendent
Danilo G. Gudelusao, EdD, Asst. Schools Division Superintendent
Grecia F. Bataluna, Curriculum Implementation Division Chief
Luis O Derasin, Jr., DPA, EPSvr, Araling Panlipunan/HEKASI
Vanessa L. Harayo, EPSvr, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education Division of Cebu City – Region VII


Office Address: Imus Ave., Day-as, Cebu City
Telefax: 255-1516
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph
9

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 1: Ang Pangunahing
Konsepto ng Ekonomiks
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ninanais ding matulungan kang
makamit ang pamatayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang makakaugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang inyung pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Balikan/
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Panimulang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
Gawain naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang
upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain
natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Modyul
Ang Kahulugan at Konsepto
1 ng Ekonomiks
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Pamantayang Pangkasanayan:
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiya
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Kakayahan:
Nailalapat ang kahulugan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.

Paksa/Code: Ang Kahulugan ng Ekonomiks (AP9MKE-1a-1)

__________________________________________________________________________________

Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t-ibang aralin
sa modyul na ito. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin ang hindi kabilang sa halimbawa ng yamang kapital?


A.Gusali B.Imbakan C.Oras D.Makinarya
2. Ang Ekonomiks ay hango sa salitang Griyego na oikonomia ayon kay (Viloria,
2000), ano ang kahulugan ng Oikos?
A.Bahay B.Pamamahala C.Pamayanan D.Sambahayan
3. Ano naman ang kahulugan na salitang nomos?
A.Bahay B.Pamamahala C.Pamayanan D.Sambahayan
4. Tumutukoy sa mga yamang nauubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng
panahon.
A.Kapital B.Likas C.Pera D.Tao
5. Ito ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
A. Choice B.Incentives C.Opportunity Cost D.Trade-off
6. Ito ay ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon.
A. Choice B.Incentives C.Opportunity Cost D.Trade-off
7. Ito ay mga yaman na nakakatulong sa paglikha ng produkto na may limitasyon
din ang dami na maaaring malikha.
A.Kapital B.Likas C.Pera D.Tao
8. Dito sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay
gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
A. Choice B.Incentives C.Marginal thinking D.Trade-off
9. Tumutukoy sa pagbibigay ng karagdagang allowance ng nga magulang kapalit
ng mas mataas na marka na pinagsisikapang makamit ng mga mag-aaral.
A. Choice B.Incentives C.Marginal thinking D.Trade-off
10. Dito nagmula ang pagpaplano kung paano hahatiin ang mga gawain at
pagpapasya kung hahatiin nag limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan.
A.Bahay B.Pamamahala C.Pamayanan D.Sambahayan
11. Alin ang hindi kabilang sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya
na kapaki-pakinabang sa lahat?
A. Gaano karami? C. Saan gagawin?
B. Paano gagawin? D. Ano ang gagawin?
12. Kung ikaw ay taong rasyonal, ano ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng
desisyon?
A.isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
B. isaalang-alang ang mga dinaluhang okasyon
C.isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
D.isaalang-alang ang mga paniniwala , mithiin, at tradisyon
13. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Bakit
may nagaganap na may trade-off at opportunity cost?
A.dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
B.dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
C.dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
D.upang makagawa ng produktong kailangan sa pamilihan
14. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan sa kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na
nakakaimpluwensiya sa kanilang padedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
D. Ito a pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang alang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
15. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman
tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng
kakapusan ang mga ito?
A.dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B.dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad ma pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman.
C.dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga
produktong ibenebenta sa pamilihan.
D.dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang-
yaman ng bansa.
A. Aralin 1- Ang Kahulugan at Konsepto ng Ekonomiks

Alamin Natin
Kumusta mga mag -aaral sa ekonomiks? Sana patuloy tayong maging positibo sa
harap ng pandemic na kinakaharap natin. Sama-sama nating labanan ito at harapin
na may buong tapang at ngiti. Ang hamon ng ating pamumuhay sa araw-araw.
Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa kahulugan at konsepto ng ekonomiks.
Inaasahan na nasusuri ng mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng mga
sumusunod:

A. nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng salitang Ekonomiks;


B. naisasabuhay ang konsepto ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay;
at
C. nakabubuo ng matalinong pagpapasya at pagtugon sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Panimulang Gawain

LARAWAN-SURI: Suriin ang larawan sa ibaba at pagkatapos sagutin ang


pamprosesong tanong.

https://www.vox.com./platform/amp/2020/4/13/2120583

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga konseptong nakapaloob sa larawan?


2. Bakit kailangang matugunan ang mga usaping ito?
3. Paano ito maiuugnay sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
4. Paano ba naaapektuhan ang kabuhayan at pamumuhay nating mga
mamamayan sa kinaharap na COVID-19?
Tuklasin at Suriin

Bakasin natin ang kahapon!


Panuto:Makikita sa ibaba ang mga iba’t-ibang kaisipan sa pagsilang ng ekonomiks.
Tunghayan ang papel na ginampanan ng mga ekonomista. At pagkatapos sagutin
ang pamprosesong tanong.

https://www.slideshare.net/mobile/dach121811

Pamprosesong Tanong

1.Ano ang inilahad ng nasa larawan?


2.Bakit nararapat na bigyan pansin ang mga impormasyong ibinigay ng mga
ekonomista sa itaas?

Halika at sabay tayong magbasa. Tara na! Tuklasin natin ang kahulugan ng
ekonomiks.

Ang Ekonomiks ay isang Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan


ang tila walang katapusang pangangailangan ng tao gamit ang pinagkukunang-
yaman.Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia,oikos ay nangangahulugang
bahay,at nomos na pamamahala (Viloria,2000).

Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw,1997). Ang


sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga
desisyon. Nagpaplano kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring
nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain,
tubig,tirahan, at iba pang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.

Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t-


ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung anu-
anong produkto at serbisyong gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano
karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan
sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga
pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong
pinagkukunang-yaman.

Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limistayon ang kakayahan ng


tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang
likas at kapital. Ang yamang-likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng
makinarya, gusali at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang
dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan
batay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na paki-pakinabang
sa lahat.

Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-araw-araw


na suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng
bawat indibidwal pati ang mag-aaral na katulad mo.

Ngayong nauunawaan na natin ang kahulugan at konsepto ng ekonomiks.


Mahalagang masagot natin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahulugan ng ekonomiks?


2. Sa anong paraan may pagkakatulad ang ekonomiya at sambahayan?
3. Bakit ang kakapusan ang pinagtuunan sa pag-aaral ng ekonomiks?

Dahil nasagot na natin ang katanungan sa itaas. Dadako naman tayo sa mahalagang
konsepto ng ekonomiks.

Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal


thinking ay makakatulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang
bawat pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba.

- Ito ay ang pagpili o pagsasakrispisyo ng isang bagay


kapalit ng ibang bagay. -Mahalaga ang trade-off,
Trade-off sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang
mga pagpilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.
Halimbawa, mag-aral ka ba o maglaro?
-Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
Opportunity desisyon (Case, Fair , at Oster, 2012).
-Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang
cost halimbawa ay ang halaga ng pag-aaral na pinagpalibang
gawin.
-Ito ay isang bagay na inaalok sa isang tao upang siya
ay magpursiging makamit ang isang bagay. At ito ay
nakapagbago ng desisyon ( brainly.ph).
Incentives -Halimbawa ang pagbibigay ng karagdagang allowance
ang mga magulang kapalit ng mas mataas na marka na
pagsisikapang makamit ng mag-aaral.

Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang


karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o
Marginal pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
Sa gagawing desisyon sa pagitan ng pag-aaral at
thinking paglalaro, karagdagang allowance at mataas na grado, ay
masasabing maaaring maging matalino sa paggawa ng
desisyon ang isang tao.

Isaisip

Punan ng tamang salita ang pahayag upang mabuo ang konseptong nakapaloob
dito.

Ang Ekonomiks ay isang Agham 1. ________ na nag-aaral kung paano matugunan


ang tila walang katapusang 2._______ at kagustuhan ng tao gamit ang
pinagkukunang- 3.______.Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia,4._______
ay nangangahulugang bahay,at 5._______ na pamamahala .Ang mga kaalaman sa
konsepto ng trade-off, opportunity cost, _______, at marginal thinking ay
makakatulong sa _______pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat _______ng
desisyon.

Pagyamanin at Isagawa

Panuto: Iangkop ang sitwasyon mula sa Hanay A at B. Isulat ang tamang titik

ng tamang bago ang bilang.

A B

Suliranin Solusyon

____.1. Nawalan ng hanapbuhay ang ama. A.Matuto at muling bumangon.


_____2. Laganap ang korapsyon sa bansa. B.Muling pagtatanim ng puno.

_____3. Maliit ang marka. C.Pagtugon sa pagbibigay-trabaho.

_____4. Nabuntis sa murang edad. D.Pagtatanim ng gulay at prutas.

_____5. Pagkaubos ng mga puno. E.Makinig sa payo ng pamahalaan.

_____6. Pangingibang bayan. F.Pagpaplano ng pamilya.

_____7. Kakulangan sa pagkain. G.Didiskarte gamit ang kakayahan

_____8. Palaging huli sa oras. H.Pahalagahan ang bawat panahon.

_____9. Paglobo ng populasyon I.Magsikap sa pag-aaral

_____10. Pagtaas ng kaso ng COVID-19. J.Pagsuplong sa kinauukulan

Tayahin

Ngayong natalakay na natin ang mga aralin sa modyul 1. Inaasahan ko na


masagutan natin ng buong husay ang mga katanungan sa ibaba.

Panuto: Isulat ang titik ng pinaka tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang salitang ekonomiks ay hango sa dalawang salita Oikos at nomos,


ano ang ibig sabihin nito?
A.Pagbuo ng produkto C.Pagpalitan ng podukto
B.Pamamahala sa bahay D.Pamamahala sa pamahalaan atbang
2. Sa pagkalat ng pandemya na COVID-19. Naging suliranin ang pagtugon sa
kakulangan ng mga protective gear gaya ng PPE, face mask , medical
supplies at iba pa. Alin ang hindi kabilang sa apat na pangunahing
katanungang pang- ekonomiya upang matugunan ang kakulangan sa
mga nabanggit sa itaas?
A. Ano ang gagawin? C. Paano gagawin?
B. Gaano karami? D. Saan gagawin?
3. Sa panahon ng COVID-19 pandemic, paano mo mapamahalaan ang suliranin
kung sakaling ikaw ay nawalan ng trabaho?
A.Batikusin ang ang pamahalaan.
B.Maghintay ng ayuda mula sa gobyerno.
C.Hahanap ng paraan gaya ng online selling.
D.Manghingi ng suporta mula sa may kayang kamag-anak.
4. Paano nakakatulong ang matalinong pagdedesisyon gamit ang mga kaalaman sa
konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking?
A. upang aktibo na makisapi sa lipunan
B. upang maging handa para sa kinabukasan
C. upang maging rasyonal sa bawat pagbuo ng desisyon
D. upang mapunan ang kagustuhan at pangangailangan
5. Alin ang hindi kabilang sa limitasyon ng dami ng maaaring malikha na
produkto at serbisyo sa yamang kapital?
A.dahil ito ay naluluma
B.dahil nakapagbagal sa pagbuo ng produkto at serbisyo
C.dahil nangangailangan ng yamang tao sa paggamit nito
D.dahil walang kakayahan ang ibang mamamayan sa pagbili nito
6.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng incentives?
A.paggawa ng gawaing bahay o matulog
B.paggawa sa gawaing bahay sa halip matutulog
C.binigyan ng perang pang-load si Ayer dahil ginawa niya ang gawaing
bahay
D.natutunan ni Ayer ang maging responsable sa pagtulong sa gawaing
bahay
7.Mula sa bilang 6, sa pagkatuto ni Ayer na maging responsable sa pagtulong sa
gawaing bahay, ano ang katawagan nito?
A. Choice B.Incentives C.Marginal thinking D.Trade-off
8. Alin sa mga sumunod ang hindi kabilang sa sanhi ng kakapusan sa likas
na yaman?
A.Pagkaubos ng punong kahoy sa kabundukan.
B.Pagpapalawig ng mga minahan sa mga negosyante.
C.Patuloy na pagtambak ng mga katubigan para sa gawaing komersyal.
D.Pag-igting ng mga batas at programa sa pagprotekta sa likas na yaman.
9.Bahagi na ng buhay ng tao ang choice. Sa pagpoproseso ng pagpili mula sa
choice, hindi maiwaiwasan ang trade-off, alin sa mga sumusunod ang halimbawa
nito?
A. mag-aral ka ba o maglaro?
B. ang matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao.
C. paglalaro sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aaral na
pinagpalibang gawin.
D.ang pagbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng
mas mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.
10.Bakit maituturing na mahalaga ang papel na ginampanan ng mga Griyego sa
pag-aaral ng ekonomiks noon at ngayon?
A.dahil sa kanilang kagalingan sa larangan ng ekonomiks.
B.dahil gusto ng mga pinuno na gamitin ang kanilang talino.

C.dahil nagmula sa kanila ang tanyag na pangunahing unibersidad sa


mundo.
D.dahil sa kanila unang naipakilala ang konsepto ng pag-aaral ng
ekonomiks.
11. Ang Trade-off ay ang pagpili o pagsasakrispisyo ng isang bagay kapalit ng
ibang bagay. Bakit mahalaga ito?
A. sapagkat ito ang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa
ng desisyon
B. sapagkat ito ay isang bagay na inaalok sa isang tao upang siya ay
magpursiging makamit ang isang bagay.
C. sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpilian
sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.
D.sapagkat dito sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga,
maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing
desisyon
12.Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagiging taong rasyonal sa
paggawa ng desisyon?
A.Inilagay ni Xhiamy sa alkansya ang kanyang sobrang allowance.
B.Nagluluto si Joy ng kanin na kasya lamang sa kanilang hapunan.
C.Pinag-isipang maigi ni Juphe kung anong kurso ang kukunin sa kolehiyo.
D.Hinayaan ni Glaiza na bukas ang kanilang telebisyon kahit hindi siya
nanood.
13. Ano ang pangunahing layunin sap ag-aaral ng ekonomiks?
A.Upang malabanan ang krisis na kinakaharap ng bansa.
B.Upang matutunan ang pagdidiskarte sa harap ng hamon sa buhay.
C.Upang matutunan kung paano maging responsableng mamamayan.
D.Upang matugunan ang tila walang katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao dulot ng limitadong yaman.
14. Alin sa mga sumusunod ang papel na ginampanan ng sambahayan sa pag-
aaral ng ekonomiks?
A. Dito pinatuunang pansin ang mga kilos at gawi ng tao.
B. Dito nalikha ng mga produkto at serbisyo sa isang ekonomiya.
C. Sila ang gumawa ng desisyon kung anu-anong produkto at serbisyong
gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.
D. Dito nagmula ang pagpaplano kung paano hahatiin ang mga gawain at
pagpapasya kung hahatiin nag limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan.
15. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman
tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng
kakapusan ang mga ito?
A. dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad ma pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman.
B. dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa
pinagkukunang-yaman ng bansa.
C. dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga
produktong ibenebenta sa pamilihan.
D. dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Karagdagang Gawain

MAGPASYAHAN TAYO!

Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano
ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa
ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya.

Option A Option B Desisyon Dahilan


1.Pagpapatuloy ng pag- Pagtatrabaho
aaral sa kolehiyo pagkatapos ng high
school
2.Paglalakad papunta Pagsakay ng jeep o
sa paaralan tricycle papunta sa
paaralan
3.Paglalaro sa parke Pagpasok sa klase
4.Pananaliksik sa silid Pamamasyal sa
aklatan parke
5.Pakikipagkuwentuhan Paggawa ng
sa kapitbahay takdang-aralin

Pamprosesong Tanong:

1.Bakit kailangang isaalang-alang ang pagpipilian sa paggawa ng desisyon?


2.Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging
makatuwiran ka ba sa iyong pasya?

Sanggunian

Picture Collage Corona Virus


https://www.vox.com./platform/amp/2020/4/13/2120583

Kahulugan ng Incentives https://brainly. Ph/question/259733

Larawan ng mg ekonomista https://www.slideshare.net/mobile/dach121811

Teksto sa Suriin ay halaw sa K to 12 EKONOMIKS MODYUL pahina15-17

Kahulugan ng Incentives https://brainly.ph/question/332676

Magpasyahan ay halaw sa K to 12 EKONOMIKS MODYUL pahina 13-14

You might also like