You are on page 1of 30

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Ekonomiks sa Pang-araw
araw na Pamumuhay
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan– Modyul 1: Ang Ekonomiks sa Pang-araw-araw na
Pamumuhay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunto nang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyles na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano
mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ruthchell C. Laquinario


Editor: Angel Rose L. Suansing
Tagasuri: Aimee D. Chua, Angel Rose L. Suansing, at Jed I. Bete
Tagaguhit: Ruthchell C. Laquinario, Francis Al B. Laquinario
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basillio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aris Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region XI Davao City Division
Elpidio Quirino Avenue, Davao City Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970
Email Address: info@deped-davaocity.ph/ Irmds.davaocity@deped.gov.ph
9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
ANG EKONOMIKS SA PANG-
ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY
Paunang Salita
Para sa taga pagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Ekonomiks sa Pang-araw-araw na
Pamumuhay.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka. Ang gurong taga pagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

MgaTala para saGuro

Ang modyul na ito ay nakatuon sa kahulugan ng


Ekonomiks. Basahin at unawain nang maigi ang mga
aralin sapagkat ang mga konsepto na iyong matutunan
ay iyong magagamit sa susunod na modyul.

Bilang taga pagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul naito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Ang Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at mag
sakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutunan ang mga kaugnay
na mga kasanayan sa pagkatuto. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Sa
unang modyul na ito sa Araling Panlipunan 9, mauunawaan mo ang kahulugan ng
ekonomiks at paano mo ito mailalapat sa totoong buhay. Inaasahan mula sa iyo na
mayroon kang makukuhang aral tungkol sa mga konsepto at kahulugan ng
ekonomiks.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


Tuklasin sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


Suriin
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain
natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Susi sa
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian
sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bagol umipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari Karin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sana katatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahayna mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
saiyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng maka hulu-
gang pagkatuto at makakakuhaka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kasanayan sa pagkatuto. Kaya mo ito!
iv
Alamin

Kumusta! Handa ka na bang matuto ng panibagong paksa? Dito


magkakaroon ka ng mas malalim na pag-unawa sa kahulugan ng
Ekonomiks. Bilang panimulang pag-aaral, liliwanagin sa modyul na ito ang
katuturan ng Ekonomiks bilang isang agham panlipunan. Sasagutin dito ang mga
sumusunod na tanong: Ano ang Ekonomiks? Bakit ito mahalaga? At ano ang
kaugnayan nito sa pang-araw-araw mong buhay?

Mga mag-aaral, basahin at unawaing maigi ang bawat detalye ukol sa


kahulugan ng Ekonomiks at kung sa papaanong paraan magagamit ang naturang
kaalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay. Makakaasa kang ang bawat gawain
ay madali mong masasagutan sapagkat ang bawat konsepto ay maayos na inilahad.

Ang mga aralin sa modyul na ito ay nakabatay sa Most Essential Learning


Competency ng Department of Education na: Nailalapat ang kahulugan ng
Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at
kasapi ng pamilya at lipunan (AP9MKE-Ia-I).

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan moa ng sumusunod na


paksa:

• Kahulugan ng ekonomiks
• Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
• Ang Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

Ang mga sumusunod na layunin ay nararapat mong maisagawa pagkatapos


mong mabasa at masagutan ang mga gawain sa modyul na ito:

1. naipaliliwanag ang kahulugan ng Ekonomiks;


2. nasusuri ang mga mahahalagang konsepto ng Ekonomiks; at
3. naipaliliwanang ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang titik ng
napiling sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagsasaad sa kahulugan ng


Ekonomiks?
A. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating
daigdig.
C. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating
kapwa tao.
D. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan at mapataas ang antas
ng kabuhayan.

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita sa paglalapat sa konsepto ng


Ekonomiks?
A. Si Liza ay nagpanic buying ng mga damit at sapatos dahil may 70% off
sa paborito niyang boutique shop.
B. Sinisigurado ni Mark na may maitatabi siyang pera mula sa kanyang
baon bawat araw upang may maihulog sa kanyang piggy bank.
C. Binili agad ni Marikit ang damit na ibinenta ng kanyang kaibigan upang
di sumama ang loob nito sa kanya.
D. Sa tuwing inaaanyayahan si Luis ng kanyang mga kaibigan na lumiban
sa klase upang mainuman, di ito nagdadalawang isip na sumama.

3. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangang alamin ang opportunity cost ng bawat
desisyon na kanyang gagawin?
A. upang masigurado na hindi siya maluluko
B. upang makuha ang mga bagay na gustong-gusto niya
C. upang matiyak ang kasiyahang matatamo sa bawat desisyong ginawa.
D. upang masigurado ang malaking kapakinabangan sa ginawang
desisyon.

4. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng Ekonomiks ay ________


A. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting
pangangailangan at kagustuhan.
B. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming
mga pangangailangan at hilig-pantao.
C. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
D. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.

2
5. Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-
yaman sa iba’t ibang paraan upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga
tao sa lipunan.
A. produksiyon C. alokasyon
B. imbensiyon D. kalkulasyon

6. Alin ang HINDI kabilang sa mga pangunahing katanungang pang ekonomiya?


A. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
B. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangang gawin?
C. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?

7. Anong sangay ng Ekonomiks ang tumutukoy sa ekonomiya ng bansa sa kabuuan


tulad ng pagtaas ng pambansang kita, pangkalahatang produksiyon ng bansa,
at ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao?
A. globalisasyon C. makroekonomiks
B. maykroekonomiks D. kapitalismo

8. Ano ang pinakamahalagang layunin ng Ekonomiks bilang isang agham


panlipunan?
A. Maibigay ang hilig ng mga may-kayang tao kahit na maraming mahihirap.
B. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang bansa.
C. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
D. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal.

9. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paglalapat ng kahulugan


ng Ekonomiks?
A. Lumiban si Cathy sa klase upang tapusin ang kaniyang mga proyekto.
B. Tinipid ni Jose ang kanyang baon upang may magamit pa siya
kinabukasan.
C. Taimtim na nanalangin si Alvin sa Maykapal upang makapasa sa
kanyang pagsusulit.
D. Inuna ni Jessa ang pag-facebook kaysa sa paggawa ng kanyang mga
gawain sa asignaturang Araling Panlipunan.

10. Layunin ng Ekonomiks na matutunan ng bawat indibiduwal ang matalinong


pagpapasya. Sa paanong paraan mo mailalapat ang konseptong ito?
A. Titipirin ko ang aking allowance para may pang DOTA.
B. Bibilhin ko ang mga bagay na makapagdudulot sa akin ng kasiyahan.
C. Maglalaan ako ng maraming oras para sa paglilibang kaysa pag-aaral.
D. Maging mapanuri at matalino ako sa lahat ng aking gagawing desisyon.

3
11. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?
A. Mga dinadaluhang okasyon.
B. Ang mga hilig at kagustuhan.
C. Opportunity cost sa pagdedesisyon.
D. Mga paniniwala, mithiin, at tradisyon.

12. Malaki ang bahaging ginagampanan ng Ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga


pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
A. Sa tulong ng pagsusuri sa Ekonomiks, nagkakaroon ng stratipikasyon
ng mga tao sa lipunan kung kaya’t nauuuri ang mahirap, may-kaya, at
mayaman.
B. Dahil sa Ekonomiks, natututunan ng bansa ang mga polisiya ng
mayayamang bansa na maaaring gamitin ng ating bansa.
C. Tinuturuan tayo ng Ekonomiks na lumikha ng mga produktong tutugon
sa mga kagustuhan ng tao gamit ang hindi nauubos na yamang likas.
D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ekonomiks, nakatutuklas ng paraan
upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at
kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.

13. Ang sumusunod ay mga paraan na maaaring isagawa upang mabawasan ang
kakapusan MALIBAN sa ___________________.
A. pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad
ng mga ito sa paglikha ng produkto at pagbibigay ng kinakailangang
serbisyo.
B. pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay
proteksyon sa mga pinagkukunang-yaman.
C. pagkakaroon ng angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas
ang produksiyon.
D. pagbibigay prayoridad sa pangangailangan ng ibang bansa.

14. Sa halip na maglaro sa parke, pinili ni Kevin na mag-aral para sa nalalapit nilang
pagsusulit. Alin sa mga konsepto ng Ekonomiks ang kumakatawan sa paglalaro?
A. Trade Off C. Incentives
B. Opportunity Cost D. Marginal Thinking

15. Makatutulong ba ang pag-aaral ng Ekonomiks sa kaunlaran ng isang bansa?


A. Oo, dahil natutunan dito ang iba’t ibang pamamaraan kung paano
maisasagawa ang wastong pamamahagi ng mga pinagkukunang-
yaman ng bansa.
B. Oo, upang magkaroon ng kaalaman sa mga mahahalagang kaganapan
sa nakaraan na siyang magiging gabay tungo sa kinabukasan.
C. Hindi, dahil walang kaugnayan ito sa pisikal na katangian ng isang
lugar sa pamumuhay ng mga tao.
D. Hindi, sapagkat walang kahalagahan ito sa kultura at ang paraan ng
pamumuhay ng tao.

4
Aralin
Ang Ekonomiks sa Pang-araw
1 araw na Pamumuhay

Binabati kita, natapos mo nang maayos ang paunang pagsusulit sa modyul


na ito. Ang iyong mga sagot sa SUBUKIN na bahagi ay nagpapatunay ng iyong galing
at interes sa asignatura.

Balikan

Sa nakaraang leksiyon sa Araling Panlipunan 8, iyong napag-aralan ang


Kasaysayan ng Daigdig. Natutunan mo ang tungkol sa heograpiya, kultura,
pamahalaan at kasaysayan ng mga bansa sa mundo. Napag-aralan mo rin ang mga
mahahalagang pangyayari sa kasaysayan na may malaking epekto sa kasalukuyang
panahon. Isa sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring nag-ugat sa nakaraan
ay ang ekonomiks.

Napag-aralan mo sa Kasaysayan ng Daigdig, na nagsimula ang ekonomiks sa


barter system o pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Mas umusbong pa ang
sistemang pang-ekonomiya ng iba’t ibang kabihasnan. Matatatandaang sa
kabihasnang Lydia unang gumamit ng barya or coinage system noong panahon ng
metal. Hindi naglaon ay lumaganap na ang pera na siyang ginamit sa pagbili ng mga
produkto. Ang mga pangyayaring ito ay patunay na ang ekonomiks ay ginagagawa
at pinag-aaralan noon pa man.

Sa modyul na ito, matututunan mo ang lahat ang kahulugan ng ekonomiks


at mga mahahalagang konsepto nito. Ang mga aralin dito ay mahalaga sapagkat ang
karunungang makukuha mo rito ay magagamit mo upang maunawaan ang mga
kalagayang pang-ekonomiya mula sa sariling tahanan, pamayanan, at bansa sa
kabuuan. Matutulungan ka rin sa paggawa ng tamang desisyon at sa pagpapaunlad
ng sarili. Magagamit mo ito bilang isang mahalagang leksyon upang mapaunlad ang
kabuhayan at magkaroon ng mga paraan upang matugunan ang mga
pangangailangan.

Ihanda ang iyong sarili, at subukan ang unang Gawain sa Tuklasin.

5
Ang mga gawain sa bahaging ito ay makakatulong sa pagtuklas iyong
kaalaman tungkol sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks at kung paano ito
magagamit bilang batayan ng matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Gawain 1: Larawan-Suri
Tingnang maigi ang mga larawan na nasa ibaba. Suriin at alamin kung ano ang nais
ipahiwatig nito. Sagutin din ang pamprosesong tanong na nasa ibaba.

ANO ANG
GAGAWIN KO? WALA NA
AKONG ORAS?

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ipinakita sa larawan?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Nalagay ka na ba sa sitwasiyong katulad ng nasa larawan? Ipaliwanag.


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________
Magaling! Nasagutan mo nang maayos ang paunang gawain. Ang mga
nabanggit na mga salita gaya ng pagpili, pagdedesisyon,
pangangailangan at limitadong pinagkukunang-yaman ay mga
pangunahing konsepto ng Ekonomiks.

Ngayon, dumako ka naman sa pangalawang gawain. Handa ka na ba?


Tara, umpisahan mo na!

6
Gawain 2: Pag-isipan Mo
Panuto: Basahin at unawain, ang sitwasyong nasa ibaba. Pagkatapos mong mabasa
ito, sumulat ng isang maikling sanaysay na nagpapapaliwanag ng iyong paghihinuha
sa kung anong pagpapasya ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa katayuan ni Alex.

Si Alex ay nag-aaral sa Davao City National High School. Binibigyan siya ng baon
na dalawang daang piso (Php. 200.00) tuwing linggo na kailangan niyang
pagkasiyahin sa loob ng limang araw. Lahat ng posibleng gastusin sa eskuwela
ay dito niya kukunin.

Kung ikaw ang nasa katayuan ni Alex, ano ang iyong gagawin upang pagkasiyahin
ang iyong pera o baon? Ano-anong mga bagay ang una mong pagtutuunan ng
pansin? Bakit ito ang mga bagay na nais mong tugunan

Pamantayan 3 2 1
Nilalaman Wasto at Maayos na nailahad Hindi maayos na
makatotohanan ang ang nailahad at hindi
ang pagpapasiyang ito makatotohanan
pagpapasiyang ginawa ngunit hindi sapagkat hindi
ginawa. Lahat ito masyadong angkop ang lahat
ng detalye ay makatotohanan ng detalye sa
angkop sa sapagkat isa o sitwasyong
sitwasyong dalawang detalye inilahad.
inilahad. nito ay hindi angkop
sa sitwasyong
inilahad.
Organisasyon Kumprehensibo Malinaw ang daloy Kakikitaan ng
at malinaw ang ng pagkakasulat. dalawa o higit pang
daloy ng Subalit kakikitaan kamalian ang sagot
pagkakasulat. ng isang mali (pagkakabaybay,
Walang maling pagkakasulat sa mga paglalahad ng mga
makikita sa sagot. pangungusap, at
pagkakasulat sa iba pa)
mga sagot.

7
Suriin

Bilang isang mag-aaral, naitanong mo ba kung bakit kailangang pag-aralan


ang Ekonomiks? Upang masagot mo ang katanungang iyan ay basahing mabuti ang
kahulugan ng ekonomiks at mahahalagang konsepto na nararapat mong unawain.

KAHULUGAN NG EKONOMIKS

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na mayroong layuning


pag-aralan ang kilos at pagsisikap ng mga tao sa paggamit ng mga limitadong
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan
at kagustuhan sa buhay (Imperial, 2015). Ito ay nagmula sa salitang Griyego na
oikonomia na hango sa dalawang salita oikos na ang ibig sabihin ay bahay at
nomos naman ay pamamahala (Viloria, 2000).

Ang pangunahing aspetong tinutugunan ng Ekonomiks ay ang suliranin ng


kakapusan sa pinagkukunang-yaman o scarcity, kakulangan o shortage, at walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan (Rillo,2005). Ang kakapusan at
kakulangan ay parehong pangunahing suliraning pang-ekonomiya na patuloy na
tinutugonan ng ekonomiks. Ang kakapusan (scarcity) ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang yaman na ginagamit sa paglikha
ng mga produkto at serbisyong hindi sapat upang tugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Maaaring magkaroon ng kakapusan sa suplay gaya ng nickel,
chromite, natural gas, at iba pang non-renewable resources dahil ang mga ito ay
hindi na mapapalitan pa kapag naubos. Habang ang kakulangan (shortage)
naman ay panandalian lamang. Sinasabi na ang kalagayang ito ay dulot ng bagyo,
peste, El Nino, pandemiya at iba pang kalamidad o maaaring namang gawa o likha
ng tao na tinatawag na artipisyal na kakulangan. Nagiging artipisyal ang isang
kakulangan kapag nagkakaroon ng hoarding o pagtatago ng maraming suplay ng
produkto ng iisang indibiduwal, kartel, o kampanya. Halimbawa nito, kapag
nagkakaroon ng mataas na demand ng face masks ay nagkakaroong ng hoarding
ang ibang indibiduwal. Kapag nagkakaubusan at mahal na ang presyo ay binebenta
na nila ang mga ito.

Ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay hindi sapat upang matugunan ang


walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Samakatuwid, ang hindi
paggamit nang wasto sa mga pinagkukunang yaman ay isa rin sa mga dahilan ng
pagkakaroon ng kakapusan at kakulangan. Ito ay nagiging isang suliraning
panlipunan. Mahalagang maunawaan ang konsept ng kakulangan at kakapusan
sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring makaisip o makahanap ang mga tao ng
paraan kung paano ito epektibong mapamamahalaan. Maari itong maging daan
upang maging responsible ang bawat isa sa paggamit ng limitadong pinagkukunang
yaman.

8
Mga Sangay ng Ekonomiks

Ang ekonomiya ay hindi maaring kumilos ng mag-isa lamang. Upang ang


isang ekonomiya ay maging maunlad, kinakailangan ng mga sangay na
makakatulong ng malaki upang maging matagumpay ang mga nabuong konsepto at
maisakatuparan ito. Mayroong dalawang mahalagang sangay ang ekonomiks: ang
“makroekonomiks” at “maykroekonomiks”. Sa pagkakataong ito ipapaliwanag
ang dalawang napakahalagang sangay ng ekonomiks, ang “maykroekonomiks at
makroekonomiks”.

Ang maykroekonomiks ay isang sangay ng ekonomiks na sumusuri o


tumatalakay sa maliit na yunit ng bansa. Mga halimbawa nito ay ang mga kayarian
ng maliliit na negosyo at gayundin sa mga pangyayari at pasya sa mga sambahayan
at bahay kalakal. Sa madaling salita, ang sangay na ito ang responsable sa pag-aaral
kung paano nakakabuo ng isang pagpapasya ang mga tao, tahanan, industriya,
pamilihan at mga kumpanya upang magamit ang mga limitadong yaman sa
pamamaraang tipikal. Pagdating sa mga pamilihan o merkado, pinag-aaralang
mabuti sa maykroekonomiks ang mga mekanismong ginagamit ng merkado na
naglulunsad ng mga kaugnay na halaga sa mga serbisyo o produkto at pagtatalaga
ng mga kaunting mga kagamitan para sa maraming iba pang paggamit.

Ang makroekonomiks naman ay tumutukoy sa kabuang dimension ng


ekonomiya nakasentro sa komposisiyon at nakatuon sa pag-aral sa buong
ekonomiya. Samakatuwid ito ang tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang
bansa. Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang pangkahalatang
antas ng presyo at pambansang kita. Sa pamamagitan nito makakatulong ito sa pag-
unlad dahil na rin sa pag-aaral dito maaring madagdagan pa ang ating kaalaman at
maaring makagawa ng makabagong taktika o solusyon sa mga problemang
dumarating sa ating ekonomiya.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga konsepto sa Ekonomiks, natututonan


ng mga tao ang paggawa ng mga paraan at paggamit ng teknolohiya upang
magkaroon ng tamang paggamit at alokasyon ng mga limitadong pinagkukunang-
yaman. Nauukol ang pagsusuri ng Ekonomiks sa paraan kung paano
pinagpapasyahan ng isang lipunan kung ano-anong produkto at serbisyo ang
gagawin, paano gagawin, para kanino ang gagawin, gaano karami ang gagawin at
kung paano ito ipamamahagi (Balitao, 2015). Dahil sa limitado lamang ang mga
pinagkukunang yaman at walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng
tao, kinakailangan ng lipunan na gumawa ng isang matalinong pagpapasya upang
malutas ang mga suliranin sa kakapusan at kakulangan.

9
Pansinin mo ang larawang nasa itaas. Ano nga ba ang pinapahiwatig nito?
Kadalasan, nalalagay ka sa alanganin na sitwasyon na kinakailangan mong mamili
kung alin ba ang dapat unahin at ipagpaliban muna. Gustuhin mo man na makuha
o gawin ang lahat ng iyong ninanais ay hindi mo maggawa sapagkat limitado lamang
ang iyong oras, kita, o yaman. Ito ang katutuhanang nais ipakita ng larawang nasa
itaas. Sa panahon ngayon, ikaw at iyong pamilya ay nakararanas ng malaking dagok
sa buhay, maaaring sa pang-araw-araw ay nahaharap kayo sa suliranin ng
kakulangan dala ng lumalaganap na Pandemiyang COVID-19. Ang nararanasan mo
kasama ang iyong pamilya ngayon ay walang pinipiling edad o estado sa buhay, bata
o matanda, mayaman man o mahirap, lahat ay lumalaban upang matugunan ang
mga pangangailangan at kagustuhan sa harap ng suliraning ito. Sa ekonomiks, mas
mapapalalim mo pa ang iyong kaalaman sa kung paano mo pangasiwaan ang inyong
badget at pinagkukunang yaman kasama ang iyong pamilya. Bilang isang mag-aaral,
ang pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks ay magbibigay sa iyo ng kaalamang
makakatulong sa paggawa ng matalinong desisyon.

Paano ba gawin ang isang matalinong pagdedesisyon? Upang maggawa mo ito


nararapat na marunong kang mag-trade off, alam mo kung ano ang nararapat mong
gawing opportunity costs, tinitingnan mo dapat ang mga incentives na maaari mong
makuha, at higit sa lahat mayroon kang marginal thinking. Marahil ay naguguluhan
ka kung ano nga ba ang kahulugan ng mga salitang ito. Upang iyong maunawaan,
simulan mo nang basahin ang kasunod na bahagi.

10
MAHAHALAGANG KONSEPTO NG EKONOMIKS

Ang pagpili at pagdedesisyon ay bahagi ng buhay ng tao. Sa sandaling ang


isang tao ay nakapili ng isang bagay na bibilhin o gagawin, iyon ay tanda na siya ay
gumawa na ng pagdedesisyon. Sa matalino at wastong pagdedesisyon, nararapat na
isaalang-alang ang mahahahalagang konseptong: Trade off, Incentives, Marginal
Thinking, at Opportunity Cost.

TRADE OFF

MATALINONG MARGINAL
INCENTIVES DESISYON THINKING

OPPORTUNITY
COST

Diagram 1. Mga Dapat Isaalang-alang sa


Wastong Pagdedesisyon

Sa proseso ng pagpili, hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang


pagpapaliban ng pagbili o pagpili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay
(Imperial, 2015). Mahalaga ang trade off dahil sa pamamagitan nito ay maaring
masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa,
ikaw ay kailangang mamili kung ano ang iyong gagawin sa lunes pagkatapos ng
pasukan, gagawa ka ba ng takdang aralin o maglalaro ng computer games?

Sa bawat pagpapaliban ng paggamit sa isang bagay ay may natatamong


benepisyo o opportunity cost. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng
bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Balitao,
2015). Ito ang isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang daan ang higit
na mas makabuluhang paggagamitan nito (Imperial, 2015). Isang halimbawa, pinili
mong gumawa ng takdang aralin kaysa gumimik kasama ang barkada. Ang panahon
mo kasama ang barkada ang naging opportunity cost mo sa sitwasyon ito.

11
Ang matalinong pagdedesisyon ay mahalaga sa bawat produkto at
serbisyong pagpipilian, subalit kung minsan kahit nakabuo ka na ng desisyon ay
hindi maiiwasan na maaari pa rin itong magbago sa bandang huli. Sa sitwasyong
ito, nararapat na isaalang-alang ang incentives na inaalok ng mga lumilikha ng
produkto at serbisyo (Balitao, 2015). Ang incentives ay mga pakinabang na
makukuha o mga karagdagang halaga na maiisip mong makapagpapataas ng halaga
ng isang desisyon (Imperial, 2015). Maaari ding ilarawan ang incentives sa
pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang baon kapalit ng magandang marka na
pagsisikapang makamit sa pag-aaral. Halimbawa, sa pagbili ng bagong cellphone na
may kasamang freebies na screen protector at headset.

May kasabihan sa Ekonomiks na “Rational People think at the margin.”


Ito ay nangangahulugang sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga o
ang gagawing desisyon maging ito man ay gastos o pakinabang. Ang pagpapalawak
ng isipan para makagawa ng matalinong pagdedesisyon ay tinatawag na "marginal
thinking". Ito ay ang proseso ng pag-aanalisa sa kung paanong ang isang desisyon
ay mas makakapagbigay ng pinakamalaking potensyal na balik kaysa sa gastos
(Balitao, 2015).

Ang kaalaman sa mga konsepto ng opportunity cost, trade-off, marginal


thinking, at incentives ay makatutulong sa isang tao na maging matalino sa pagbuo
ng desisyon.

ANG EKONOMIKS SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY

Paano mo ba mailalapat sa pang-araw-raw na pamumuhay ang mga konsepto


at kahulugan ekonomiks? Mahalagang maunawaan ang mga konsepto ng ekonomiks
sapagkat ito ay magagamit sa pang araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral, at bilang kasapi ng pamilya at lipunan dahil ito makakatulong araw-araw na
paggawa mo ng desisyon. Tulad na lamang sa pagpili ng daang tatahakin o strand
na nais mong kunin sa Senior High School. Maaari ding makatulong ang mga
konseptong ito sa pagbili ng kagamitan na ninanais mo, sa mga lakad na gusto mong
puntahan, at higit sa lahat sa iyong mga gampanin bilang mag-aaral.

Isa sa malaking tulong sa iyo ng mga konseptong ito bilang mag-aaral ay sa


pagba-badget ng allowance. Ang paggastos ay nakalimita lang dapat sa kung ano
lang ang mga mahahalaga. Kung nabatid mo ito bilang isang mag-aaral,
natututunan mong maging wais sa pagpili ng mga bibilhin. Dapat alam mo bilang
kung anong pangangailangan at kagustuhan ang unang tutugunan tuwing kukuha
ka ng pera sa iyong bulsa. Ang paggasta sa kasalukuyan ay maaaring makaapekto
sa hinaharap batay sa iyong desisyon kung paano gagamitin ang pera.

Samakatuwid, nararapat na tandaan na ang mga konseptong ito ay


makakatulong sa iyo sa paggawa ng tama o wastong desisyon. Itanong palagi sa
iyong sarili kapag bibili ka o pipili ng mga bagay kung anong incentives ang iyong
makukuha, anong halaga ang iyong gagawing opportunity cost, at paano ka gagawa
ng trade off. Kapag maayos mo itong nagawa ay mas maipapamalas mo ang
tinatawag na marginal thinking.

12
Pagyamanin

Marahil malinaw na sa iyo ang kahulugan at konsepto ng ekonomiks. Kaya


naman, simulang sagutin ang sumusunod na katanungan upang malaman mo ang
lawak ng iyong kaalaman at pagkakaintindi sa mga konseptong nabasa.

Gawain 3: MAGMUMUNI-MUNI

Batay sa tekstong binasa, gawin mo ang sumusunod:


1. Isulat ang iyong sariling kahulugan ng ekonomiks.
2. Sumulat ng isang sitwasyong nagpapakita ng iyong paglapat ng
kahulugan at konsepto ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

13
Mga Tala para sa Guro

Siguraduhing ang depinisyong ibibigay ukol sa


ekonomiks ay hindi kinopya sa mga ibinigay na
kahulugan bagkus ito ay sariling pag-unawa sa mga
natalakay sa unang aralin.
Halimbawa ng isang sitwasyon ay paggastos mo ng
baon ng mag-aaral araw-araw. Nararapat na
maipaliwanag ng mag-aaral kung paano ba
magagamit ang konsepto at kahulgan ng
ekonomiks para sa sitwasyong ito.

RUBRIKS PARA SA PAGMAMARKA


5 4 3 2 1
Lahat ng Isa o Tatlo o apat Lima o higit Lahat ng
detalye ay dalawang na detalye ay pang detalye detalye ay
hindi kinopya detalye ay kinopya at ay kinopya at kinopya at
at angkop sa kinopya at tatlo o apat sa ang mga hindi angkop
mga isa o mga ito ay impormasyon sa kahulugan
Nilalaman

impormasyon dalawang hindi angkop ay hindi ng


g inilahad impormasyo sa angkop sa ekonomiks.
tungkol sa ng ay hindi impormasyon kahulugan
kahulugan angkop sa g inilahad ng
ng inilahad na tungkol sa ekonomiks.
ekonomiks. kahulugan kahulugan ng
ng ekonomiks.
ekonomiks.
Lahat ng Isa o Tatlo o apat Limat o higit Lahat ng
Applikasyon sa Pang-araw-araw ng buhay

detalye sa dalawang na detalye sa pang detalye detalyeng


sitwasyong detalye sa sitwasyong sa inilahad ay
inilahad ay sitwasyong inilahad ay sitwasyong hindi
nagpapaliwa inilahad ay hindi inilahad ay nagpapaliwa
nag kung hindi nagpapaliwan hindi nag ng
paano nagpapaliwa ag ng nagpapaliwa paglalapat ng
mailalapat nag ng paglalapat ng nag ng konsepto at
ang paglalapat kahulugan at paglalapat ng kahulugan
kahulugan at ng konsepto ng kahulugan at ng
konsepto ng kahulugan ekonomiks sa konsepto ng ekonomiks sa
ekonomiks sa at konsepto pang-araw- ekonomiks sa pang-araw-
pagn-araw- ng araw na pang-araw- araw na
araw ng ekonomiks pamumuhay. araw na pamumuhay.
pamumuhay. sa pang- pamumuhay.
araw-araw
na
pamumuhay
.

14
Isaisip
Ang ekonomiks ay:

 nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na hango sa dalawang salita


oikos na ang ibig sabihin ay bahay at nomos naman ay pamamahala.

 mayroong dalawang mahalagang sangay ang ekonomiks: ang


“makroekonomiks” at “maykroekonomiks”.
✓ Ang maykroekonomiks ay isang sangay ng ekonomiks na sumusuri o
tumatalakay sa maliit na yunit ng bansa. Mga halimbawa nito ay ang mga
kayarian ng maliliit na negosyo at gayundin sa mga pangyayari at pasya
sa mga sambahayan at bahay kalakal.
✓ Ang makroekonomiks naman ay tumutukoy sa kabuang dimension ng
ekonomiya nakasentro sa komposisiyon at nakatuon sa pag-aral sa buong
ekonomiya. Samakatuwid ito ang tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng
isang bansa.
• Sa matalino at wastong pagdedesisyon, nararapat na isaalang-alang ang
mahahahalagang konseptong: Trade off, Incentives, Marginal Thinking,
at Opportunity Cost
✓ Ang trade-off ay ang pagpili/pagsasakripisyo ng isang bagay, kapalit ng
ibang bagay.
✓ Ang incentives ay mga pakinabang na makukuha o mga karagdagang
halaga na maiisip mong makapagpapataas ng halaga ng isang desisyon. Ito
ay nakakapagpabago sa isang desisyon.
✓ Ang marginal thinking ay ang proseso ng pag-aanalisa sa kung paanong
ang isang desisyon ay mas makakapagbigay ng pinakamalaking potensyal
na balik kaysa sa gastos
✓ Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o best alternative
na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Ito ang
isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang daan ang higit na
mas makabuluhang paggagamitan nito

 isang agham ng pagpili (science of choice). Dito malalaman kung paano


ginagamit ng tao ang limitadong pinagkukunang-yaman para makaprodyus
ng ng mga produkto at serbisyo at kung paano ito ipinamahagi.

 nagagamit ang kaalaman nito upang maunawaan ang mga konsepto at


suliranin ng kakapusan at paparaming pangangailangan at hilig-pantao,
alokasyon, alternatibong desisyon, at pamamahala ng mga gawaing
pamproduksyon at pangkalahatang kaunlaran.

 nararapat na tandaan na ang mga konseptong ito ay makakatulong sa iyo


sa paggawa ng tama o wastong desisyon. Itanong palagi sa iyong sarili kapag
bibili ka o pipili ng mga bagay kung anong incentives ang iyong makukuha,
anong halaga ang iyong gagawing opportunity cost, at paano ka gagawa ng
trade off. Kapag maayos mo itong nagawa ay mas maipapamalas mo ang
tinatawag na marginal thinking.

15
Isagawa

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang


mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahulugan ng Ekonomiks. Kinakailangan ang mas
malalim na pagtalakay sa kahulugan nito upang maihanda ang iyong sarili sa
pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Gawain 4: SAKSIHAN
Ikaw ay gagawa ng isang kanta (lyrics) o tula naglalarawan ng iyong paglalapat ng
kahulugan at mga konsepto ng ekonomiks. Ang kanta o tulang gagawin ay tungkol
sa pagpapasiya sa panahon ng COVID-19 na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.
Siguraduhing sa paggawa nito ay magagamit mo ang terminolohiyang: trade off,
opportunity cost, marginal thinking, ekonomiks, at incentives. Inaasahang ang
nilalaman ng iyong tula o kanta ay iyong personal na karanasan sa paggawa ng
desisyon sa panahon ng COVID-19.

16
Mga Tala para sa Guro

Maaaring ipasa ang gawaing sa ito sa pamamagitan ng google classroom,


messenger, o email address ng guro. Hayaan ang mga mag-aaral na maging
malikhain sa paggawa nito. Gamiting ang rubriks sa ibaba sa pagbigay
ng puntos para rito. Maaari ding gumamit ng iba pang rubriks bilang
batayan sa pagbibigay puntos sa pagkamalikhain.

RUBRIKS PARA SA PAGGAWA NG SARILING KAHULUGAN


5 4 3 2 1
Lahat ng Apat lamang Tatlo lamang Dalawa o isa Walang
mga sa sa lamang sa mahahalagan
mahalagan mahahalaga mahahalagang mahahalagan g konsepto
g konsepto ng konsepto konsepto ng g konsepto ng ng
Nilalaman

ng ng ekonomiks ang ekonomiks ekonomiks


ekonomiks ekonomiks naggamit sa ang naggamit ang naggamit
ay ang pagsulat ng sa pagsulat ng sa pagsulat
naggamit naggamit sa kanta o tula. kanta o tula. ng kanta o
sa pagsulat ng tula.
pagsulat kanta o tula.
ng tula o
kanta.
Napakalali Malalim at Bahagyang Bahagyang Mababaw at
m at makahuluga may lalim at may lalim at literal ang
makahulu n ang hindi hindi mensahe.
Mensahe

gan ang kabuuang masyadong makahulugan


kabuuang mensahe ng makahulugan ang kabuuang
mensahe tula o kanta. ang kabuuang mensahe ng
ng tula o mensahe ng tula o kanta.
kanta. tula o kanta.
Di Kahanga- Hindi Katanggap- Hindi
pangkaran hangang masyadong tanggap ang nagpakita ng
Pagkamalikhain

iwang estilo ang kahanga- estilo ang pagkamalikh


estilo ang ipinakita sa hanga ang ipinakita sa ain sa estilo
ipinakita pagsulat ng estilo ang pagsulat ng ng
sa tula o kanta. ipinakita sa tula o kanta. pagkasulat
pagsulat pagsulat ng ng tula.
ng tula o tula o kanta.
kanta

Kasiya-siya ang ipinakita mong galing sa pagsagot sa mga tanong. Handa kana
para sa susunod na gawain. Halina’t umpisahan mo na!

17
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagsasaad sa kahulugan ng


Ekonomiks?
A. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
B. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating
daigdig.
C. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa
tao.
D. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan at mapataas ang antas ng
kabuhayan

2. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng lahat ng tao sa bansa.
B. Pagpapayaman upang maging bahagi sa mataas na antas sa lipunan.
C. Paggamit ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa upang makabuo ng
mga produkto at serbisyong makatutugon sa pangangailangan ng tao.
D. Wastong paraan ng paggamit at pagbahagi ng limitadong pinagkukunang
yaman na tumutugon sa pangangailangan at hilig-pantao.

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita sa paglalapat sa konsepto ng


Ekonomiks?
A. Si Liza ay nagpanic buying ng mga damit at sapatos dahil may 70% off sa
paborito niyang boutique shop.
B. Sinisigurado ni Mark na may maitatabi siyang pera mula sa kanyang
baon bawat araw upang may maihulog sa kanyang piggy bank.
C. Binili agad ni Marikit ang damit na ibinenta ng kanyang kaibigan upang
di sumama ang loob nito sa kanya.
D. Sa tuwing inaaanyayahan si Luis ng kanyang mga kaibigan na lumiban
sa klase upang mainuman, di ito nagdadalawang isip na sumama.

4. Bilang isang mag-aaral, kailangang alamin ang opportunity cost ng bawat


desisyon na kanyang gagawin upang ______________.
A. masigurado na hindi siya maloloko
B. makuha ang mga bagay na gustong-gusto niya
C. matiyak ang kasiyahang matatamo sa bawat desisyong ginawa.
D. masigurado ang malaking kapakinabangan sa ginawang desisyon.

18
5. May malaking tulong ba sa iyo ang pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
l. Oo, ang aking kaalaman sa Ekonomiks ay makatutulong upang
makapagbigay ako ng opinyon tungkol sa mga pulitikal na isyu sa bansa.
ll. Oo, mas higit kong mauunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad
sa aming pamayanan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
lll. Oo, natutulungan ako na maging higit na matalino at mapanuri sa paggawa
ng desisyon sa pang-araw-araw ko na buhay.
IV. Oo, sapagkat nagbibigay ito ng sapat kaalaman kung paano maging isang
matalino, magaling at mayaman.

A. I at II B. I at IV C. II at III D. II at IV

6. Alin ang HINDI kabilang sa pangunahing katanungang pang-ekonomiya?


A. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
C. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng mga produkto?

7. Makatutulong ba ang pag-aaral ng Ekonomiks sa kaunlaran ng isang bansa?


A. Oo, natutunan dito ang iba’t ibang pamamaraan kung paano
maisasagawa ang wastong pamamahagi ng mga pinagkukunang- yaman
ng bansa.
B. Oo, upang magkaroon ng kaalaman sa mga mahahalagang kaganapan sa
nakaraan na siyang magiging gabay tungo sa kinabukasan.
C. Hindi, dahil walang kaugnayan ito sa pisikal na katangian ng isang lugar
sa pamumuhay ng mga tao.
D. Hindi, sapagkat walang kahalagahan ito sa kultura at ang paraan ng
pamumuhay ng tao.

8. Layunin ng Ekonomiks na matutunan ng bawat indibidwal ang matalinong


pagpapasya, sa paanong paraan mo mailalapat ang konseptong ito?
A. Magtatrabaho ako nang mabuti upang kumita ng malaki at hindi na aasa
ng tulong mula sa iba.
B. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral upang mapasaya ko ang aking mga
magulang.
C. Bibilhin ko ang mga bagay na makapagdudulot sa akin ng labis na
kasiyahan.
D. Maging mapanuri at matalino ako sa lahat ng aking gagawing desisyon.

9. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa ating mga pinagkukunang-yaman?


A. Dahilan sa malawakang paggamit ng mga tao sa mga pinagkukunang-
yaman ng bansa
B. Nagkaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman at dahil na rin sa
walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
C. Naging sanhi ang mga kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-
yaman
D. Bunsod sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga
produktong ibinebenta sa pamilihan

19
10. Bilang isang mag-aaral, minsan nakararanas ka kakulangan at kakapusan
sa pera upang matugunan ang iyong pangangailangan sa paaralan. Alin sa
sumusunod ang nararapat mong gawin?
A. Laging hihingi ng tulong –pinasyal sa mga kamag-anak.
B. Manghiram sa mga kaklase at babayaran lamang ito balang araw.
C. Maging masinop, matiyaga at responsable sa mga gagawing desisyon.
D. Manalangin at maghintay na may maawa at tutulong na mga kaibigan.

11. Sa halip na maglaro sa parke, pinili ni Luke na mag-aral para sa nalalapit


nilang pagsusulit. Alin sa mga konseptong Ekonomiks ang kumakatawan
sa paglalaro?
A. Trade Off C. Incentives
B. Opportunity Cost D. Marginal Thinking

12. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng matalinong pagdedesisyon


MALIBAN sa isa.
A. Mayroong bente pesos na baon si Michael araw-araw sa eskwela. Naglala-
kad siya pauwi upang may pangbili ng recess.
B. Lubhang naeengganyo si Mark na maglaro ng ML. Lubha itong
nakakaaliw at natuturuan siya ng tamang estratehiyaupang matalo ang
kalaban. Upang maging lalo pang bihasa ay nag-eensayo siya hanggang
gabi upang maturing na pinakamagaling.
C. Natutulog nang maaga si Nicole tuwing Linggo upang hindi mahuli
kinabukasan.
D. Laging nakikinig at nakikisali si Aron sa mga gawain sa eskwela upang
hindi siya mahirapan tuwing darating ang exam.

13. May nagaganap na trade off at opportunity cost sa bawat pagpapasya dahil _____.
A. limitado ang kaalaman ng mga tao
B. walang katapusan ang kagustuhan ng tao
C. kailangang matugunan ang mga pangangailangan.
D. hindi lahat ng bagay ay makukuha, kailangang mamili at magkaroon ng
episyente at tama sa bawat gagawing desisyon.

14. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?
A. Mga dinadaluhang okasyon.
B. Ang mga hilig at kagustuhan.
C. Opportunity cost sa pagdedesisyon.
D. Mga paniniwala, mithiin at tradisyon.

15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng konsepto ng marginal


thinking kung saan pinapakita ang ideya na “rational people think at the
margin”?
A. Bumili si Mariel ng Junk Foods dahil siya ay nagutom matapos ang
mahabang klase.
B. Bumili si Hogan ng pinakamahal uri ng sapatos na gagamitin niya sa
kanyang darating na kaarawan
C. Naglaro si Atlas sa parke sa halip na mag-aral
D. Kumain ng prutas at gulay si Jerry dahil ito ay mabuti sa kalusugan

20
Karagdagang Gawain

GAWAIN 5: GRAPHIC ORGANIZER


Gamit ang graphic organizer ipakita ang gagawing desisyon hinggil sa
sitwasyong ibibigay. Sa paggawa ng desisyon dapat isaalang-alang na sa
kasalukuyan ang bansa ay nahaharap sa pandemiyang COVID-19. Kung
ikaw ay bibigyan ng dalawang pagpipiliang gadget na iyong gagamitin sa
iyong online class, ano ito at bakit?

OPTION A OPTION B
LAPTOP CELLPHON
E

BAKIT?
BAKIT?

21
22
SUBUKIN TUKLASIN Gawain 2: Pag-isipan Mo
Paunang Panuto: Basahin at unawain, bago gumawa
Pagsusulit Gawain 1: Larawan-Suri ng pagpapasya
Tingnang maigi ang mga larawan na
1. D nasa ibaba, suriin ito at iyong alamin
✓ Kung ako ay nalagay sa katayuan ni Alex,
2. B kung ano ang nais ipahiwatig nito.
3. D Sagutin ang pamprosesong tanong na para magamit nang maayos o wasto ang
4. B nasa ibaba. aking baon, tutuguan ko muna ang aking
5. C mga pangunahing pangangailangan sa
6. D ✓ Ang larawang nasa itaas ay eskuwela. Ako’y magdadala ng pagkain
7. C sumisimbolo sa pagkagahol sa para hindi na gumastos o bumili sa
8. B oras, na kung minsan sa sobrang canteen at ang matitirang pera sa buong
9. B
dami ng gagawin, tayo ay nalilito linggo ay aking itatabi para may gamit
10. D
11. C kung ano ang uunahin sa mga kung sakali kami ay magipit.
12. D ito, lalo na’t kung hindi nagamit
13. A nang maaayos ang oras. PAGYAMANIN
14. B
15. A ✓ Lahat tayo ay nalalagay sa Gawain 3: Magmumuni-muni
ganitong sitwasyon kung hindi Batay sa tekstong binasa, ibigay ang iyong
gagamitin nang maayos ang ating sariling pakuhulugan sa Ekonomiks. Isulat sa
oras at walang tamang kahon na nasa ibaba ang iyong sagot.
pagplaplano sa ating pang-araw-
araw na ginagawa. ✓ Ang pag-aaral ng Ekonomiks tumatalakay
kung paano tutugunan ang mga suliranin
ISAGAWA at pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
Gawain 4: Saksihan Ang Ekonomiks ay isang pag-aaral kung
1.Ang konseptong binigyang diin paano gamitin ang mga limitadong
sa kuwentong binasa ay ang pinagkukunang-yaman sa
paggawa ng matalinong desisyon pinakaepisyenteng paraan upang hindi
sa buhay. hahantong sa pagkaubos nito habang
2.Nakinabang si G. Cruz sa tinutugunan ang pangangailangan ng mga
kanyang desisyon dahil naiahon tao. Binibigyang pansin ang mga suliraning
niya sa kahirapan ang kanyang pangkabuhayan kung paano malulunasan
pamilya at napagtapos niya ng o mababawasan ang mga epekto nito sa
pag-aaral ang kanyang mga mamamayan at sa iba pang proseso ng
kapatid. lipunan.
3.Sa paggawa ng desisyon sa KARAGDAGANG GAWAIN
TAYAHIN buhay kailangan mong isaalang- Gawain 5: GRAPHIC ORGANIZER
1. D alang ang mas makakabuti di ✓ Magagamit ko ang aking kaalaman sa
2. D 4.Natutuhan ko na may Ekonomiks sa tuwing ako ay gagawa ng
3. B pagkakataon sa ating buhay na desisyon sa pang-araw-araw. Halimbawa:
4. D
kailangang nating gumawa ng ▪ Mas nagiging mapanuri sa lahat ng
5. C
6. D matalinong desisyon sa buhay. bagay.
7. A 5.Ginamit ni G. Cruz ang ▪ Mas naging wais sa mga pagpapasyang
8. D matalinong pagpapasya na may gagawin
9. B malaking kapakinabangan sa ▪ Natutong bigyang halaga ang mga mas
10.D kanya at sa kanyang pamilya. makabuluhang bagay
11. B 6.Kung ako ang nasa katayuan ni ▪ Natutong gamitin ng maayos ang
12. B
G. Cruz, mas pipiliin ko na limitadong resources.
13.C
14. C lumayo sa aking pamilya para ▪ Natutong tugunan ang mga
15. D matulungan ang aking pamilya pangunahing pangangailangan kaysa
sa kahirapan. sa kagustuhan.
▪ Naging matalino sa paggawa ng
desisyon.
Sanggunian:

Antonio, E. D., Dallo, E. M., Imperial, C. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C.
D. 2015. Kayamanan: Ekonomiks. 3rd ed. 856 Nicanor Reyes Sr. Street 1977
CM Recto Avenue Manila Philippines. Rex Bookstore.

Balitao, B.R., Buising, M.D., De Guzaman, A.D., Garcia, E. D.J Lumibao, Jr.
J.L. Mateo, A. P. Mondejar, I.J. 2015. Ekonomiks 10, Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral. 1st ed. 5th Floor, Mabini Building, DepEd Complex
Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600. Vibal Group.

Balitao, B.R., Cruz, N.B., Rillo, J.D. 2005. Makabayan Serye: Ekonomiks sa
Pagsulong at Pag-unlad. 4th ed. Pilipinas ng Vibal Publishing House Inc., 1253
Gregorio Araneta Avenue Queszon City

Cruz, N.B., Lim, A. L., Rillo, J.D., Villoria, E. M. 2000. Ekonomiks, Batayang
Aklat parsa sa Ikaapat na Taon. 2nd ed. G. Araneta Avenue, cor. Ma. Clara St.,
1107 Quezon City Philippines. SD Publication, Inc.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue


Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 – 0100 / 228 – 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph

24

You might also like