You are on page 1of 33

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kahalagahan ng Ekonomiks
Araling Panlipunan– Ika-siyam Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan– Modyul 2: Kahalagahan ng Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdaang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunto nang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyles na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano
mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ruthchell C. Laquinario


Editor: Aimee D. Chua
Tagasuri: Angel Rose L. Suansing, Aimee D. Chua
Tagaguhit: Ruthchell C. Laquinario, Francis Al B. Laquinario
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basillio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aries Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region XI Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue, Davao City Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph/ Irmds.davaocity@deped.gov.ph


9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kahalagahan ng Ekonomiks
Paunang Salita

Para sa taga pagdaloy:


Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahalagahan ng Ekonomiks.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong taga
pagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

MgaTala para saGuro


Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-
aaral ng Ekonomiks. Ang suliranin ng
kakapusan ay binigyang diin at ang
kaugnayan nito sa matalinong pagdedesisyon
upang matugunan ang maraming
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Basahin at unawain nang mabuti ang
mga aralin upang matamo ang mga
inaasahang kasanayan.

Bilang taga pagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul naito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Kahalagahan ng Ekonomiks.
Bago lubosang pag-aralan lahat ng mga konsepto ng makroekonomiks at
maykroekonomiks, nararapat na unawain mo muna ang kahulugan at kahulugan
ng ekonomiks. Sa unang modyul, natutunan mo na ang kahulugan ng ekonomiks,
sa modyul na ito iyong pag-aaralan ang kahalagan ng ekonomiks at implikasyon
nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Mag-aaral, tandaang ang mga kahalagahang ito ang magsisilbing gabay mo kung
bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks. Makakapulot ka ng mga aral mula
dito tungkol sa paglapat mo ng mga koseptong mapag-aaralan mo sa buon taon.
Dahil sa ikaw lamang ang sasanay sa iyong sarili, basahin mong mabuti ang bawat
kahalagahan at konsepto na ipapaliwanag sa modyul na ito at sagutin nang
maayos ang bawat Gawain.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


Tuklasin sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
Tayahin kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot salahat ng mga


Susi sa gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul n aito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan
Sanggunian
sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bagol umipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
Karin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, mga katatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakakaalam sa iyo. Laging itanim
saiyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuhaka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kasanayan sa pagkatuto. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Binigyang-pansin sa nakaraang aralin ang kahulugan ng Ekonomiks at


kung paano ito nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral
at kasapi ng pamilya at lipunan. Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang
kahalagahan ng ekonomiks. May papel bang ginagampanan ang Ekonomiks sa
pagsulong ng kabuhayan ng mga tao at bansa?

Mga mag-aaral, basahin at unawaing maigi ang bawat detalye ukol


kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral.
Makakaasa kang ang bawat gawain ay madali mong masasagutan sapagkat ang
bawat konsepto ay maayos na inilahad.

Ang mga aralin sa modyul na ito ay nakabatay sa Most Essential Learning


Competency ng Department of Education na: Natataya ang kahalagahan ng
Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2).

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na paksa:

1. Kagustuhan ang Pangangailahan


2. Kahalagan ng Ekonomiks
3. Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

Mga mag-aaral, ang mga sumusunod na layunin ay nararapat mong maisagawa


pagkatapos mong mabasa at masagutan ang mga gawain sa modyul na ito:

1. natatalakay ang kahalagahan ng Ekonomiks; at


2. nasusuri ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan;

Kapag natapos mong makamit ang mga layuning ito, higit mong mauunawaan
ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng bawat pamilya at ng lipunan.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral ng


ekonomiks sa buhay ng tao MALIBAN SA
A. Nalilinang ang kaisipang kritikal
B. Nagkakaroon ng praktikal na kaalaman
C. Nauunawaan ang sarili kung paano mag-isip
D. Nahuhubog ang pagiging responsableng mamamayan ng bansa

2. Ano ang pinakamabuting dulot ng pag-aaral ng kahalagahan ng ekonomiks?


A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks.
C. Makatutulong sa iyo upang maging tama ang mga pamamaraan, gawi at
mga desisyon sa buhay.
D. Maisasaulo ang mga mahalagang konsepto sa Ekonomiks upang madaling
makapasa sa kolehiyo.

3. Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks sa pang-


araw- araw na buhay?
A. nakatutulong ito upang makalaya sa kahirapan ng buhay.
B. nakatutulong ito upang maunawaan ang pagbabagong nagaganap sa
lipunan.
C. nakatutulong ito upang matugunan ang lahat ng pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
D. nakatutulong ito upang maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa
mga kaganapan sa ating lipunan.

4. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng ekonomiks sa


pang- araw-araw na pamumuhay?
A. Pagbili ng limited edition na sapatos pandagdag sa iyong koleksyon
B. Ang pagbili ng kape sa mamahaling coffeeshop na itinaguyod ng
dayuhang kaibigan
C. Batid ng isang mag-aaral na ang paggastos ay nakalimita lang dapat sa
kung ano lang ang mga mahahalaga.
D. Pagpunta sa mall tuwing araw ng sahod upang magshopping sa paboritong
boutique shop.
5. Bakit kailangang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sa pagtukoy ng kahalagan ng ekonomiks?
A. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala ng limitadong
pinagkukunang yaman.
B. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat makatutulong ito sa pagkakaroon ng plano ng produksiyon at
masusing pag-aaral kung saan higit na makikinabang.
C. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may
kaugnayan sa suliranin sa kakapusan.
D. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat magagamit ito upang makaahon sa kahirapan.

6. Ano ang epekto ng pag-aaral ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay


bilang isang mag-aaral?
A. Pagbili sa mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa kanyang sarili at
pamilya.
B. Natutong magbahagi ng kanyang opinyon sa mga nangyayari sa kanyang
paligid.
C. Natutuhan kong gamitin nang maayos ang aking allowance sa mas
makabuluhang bagay.
D. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman na
hahantong sa kakapusan.

7. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral


ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na gawain.
A. Magpanic buying sa tuwing may sales sa mall
B. Maglaan ng oras para sa sarili, pamilya at kaibigan
C. Gamitin ang natitirang oras sa paglalaro ng mobile legend
D. Ipunin ang natitirang baon upang may magamit sa oras ng
pangangailangan

8. Bilang isang mag-aaral bakit kailangang isaalang-alang ang paggawa ng


matalinong desisyon sa ating mga personal na pangangailangan at kagustuhan?
A. Mapunan ang mga pansariling luho at kasiyahan.
B. Mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
C. Hindi masayang ang limitadong mga pinagkukunang-yaman.
D. Itaguyod at isulong ang pagkonsumo sa mga likas na yaman

9. Bilang bahagi ng lipunan bakit kinakailangang maging matalino sa


pagdedesisyon ang isang tao pagdating sa pagtugon ng kanyang
pangangailangan at kagustuhan?
A. dahil magamit nang maayos ang mga produkto
B. dahil may hangganan ang lahat ng bagay dito sa mundo
C. upang hindi masayang ang limitadong pinagkukunang yaman
D. upang hindi masayang ang pera sa pagkonsumo ng mga produkto
10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng malaking epekto sa paggawa ng
desisyon at pagpili upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan
batay ng pag- aaral ng ekonomiks?
A. Naging matipid ako sa aking mga gastusin sa pang-araw-araw.
B. Natutuhan kong huwag magpadala sa bugso ng aking damdamin.
C. Naging mas mulat at lohikal ako sa mga nangyayari sa aking paligid.
D. Pinag-iisipan ko na nang mabuti ang pagpili at desisyong gagawin kung
ito ba ay magbibigay ng malaking kapakinabangan sa akin.

11. Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dulot ng pandemiyang COVID-
19, kailangan nilang mag doble sikap at makipagsapalaran sa ibang lugar
upang maibigay ang inyong mga pangangailangan. Bilang panganay sa
magkakapatid, ikaw ay inaasahang hahalili sa iyong mga magulang. Ibinigay sa
iyo ang responsibilidad na pangasiwaan ang pagbubudget sa pang-araw-araw
ninyong gastusin. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng
aplikasyon sa kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay?
A. Sa pagbubudget lagi siyang humihingi ng tulong sa mga kaibigan.
B. Upang hindi mahirapan sa pagbubudget at paghahanda ng pagkain laging
siyang umoorder sa food panda.
C. Upang magamit nang maayos ang perang ibinigay maglalaan siya ng
kaunting halaga ng pera para sa kanilang pangangailangan at ang natira
ay kanyang itatabi para may pang load.
D. Sa pagbubudget pinag-iisipan niyang maigi kung anong bibilhin upang
masigurado na ang produktong bibilhin ay magbibigay ng mas malaking
kapakinabangan sa kanilang magkakapatid.

12. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon


ng kaalaman sa ekonomiks MALIBAN SA .
A. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunang ating ginagalawan.
B. Ito ay nagbibigay sa tao ng kaalamang makatutulong sa paggawa ng mga
desisyon.
C. Ito ay makatutulong upang maunawaan kung paano gumagalaw ang
ekonomiya.
D. Ito ay makatutulong sa mga konsyumer at manggagawa upang maging
matalino sa pamimili at pagpapasya ukol sa paghahanapbuhay

13. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay may mahalagang bahaging ginagampanan


sa pangkabuhayan at pamumuhay ng tao at ng bansa. Alin sa sumusunod ang
nagpapatunay sa pahayag na ito?
A. Ang ekonomiks ay nagbibigay ng praktikal na kaalaman na kailangan sa
pag-unawa ng mga pangkabuhayang kalagayan ng ating bansa
B. Ang ekonomiks ay nakatutulong upang maunawaan ang ugnayan ng
sambahayan, bahay kalakal, at industriya
C. Ang ekonomiks ay nagsisilbing gabay upang maunawaan ang ating
pagkakakilanlan bilang bahagi ng lipunan
D. Ang ekonomiks ay nagsisilbing sukatan ng kagalingan ng isang bansa.
14. Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa
iyong buhay bilang isang mag-aaral?
A. Gagawa ako ng isang matalinong desisyon sa buhay na magbibigay sa
aking ng malaking kapakinabangan
B. Magkakaroon ng magandang disposisyon sa buhay.
C. Ipapamalas ko ng aking talino at galing sa lahat ng aking gagawin sa
aking buhay.
D. Magiging modelo ako sa aking kapwa kabataan na gumawa ng kabutihan
sa lahat ng pagkakataon

15. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng direktang relasyon ng


kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa paggawa ng wastong desisyon sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan?
A. Nakatutulong ang ekonomiks upang makakuha ng mga kaisipan sa
nakaraan na magiging batayan sa paggawa ng desisyon at patakaraan na
makaaapekto sa takbo ng bansa.
B. Sinusuri ng ekonomiks ang antas ng pagkatuto, sa antas ng kasanayang
dapat makamit upang maging produktibong mamamayan.
C. Nakakatulong ang ekonomiks sa paggawa ng desisyon tungkol sa
wastong paggamit ng mga pinagkukunang yaman at tamang desisyon
upang maging matalinong mamimili.
D. Tinuturo ng ekonomiks ang tamang pagbabadget ng oras, pera, at mga
produkto.
Balikan

Mahusay! Ipinamalas mo ang iyong pagkatuto at pagkaunawa sa paksa.


Iyong ibinahagi ang iyong kagalingan sa pagsagot sa bawat gawain. Handa ka na
ba para sa susunod na aralin?

Sa nakaraang aralin, tinalakay ang kahulugan ng Ekonomiks at kung paano


ito nakaaapekto sa iyong pang-araw araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral
at kasapi ng pamilya at lipunan. Ang ekonomiks ay ang pag-aaral sa tamang
pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Natutunan mo na ang pag-aaral
ng Ekonomiks ay nakaaapekto sa aspekto ng ating buhay mula pagkagising sa
umaga hanggang sa pagtulog. Iyong nauunawaan na bawat kilos o gawain ay
gumagawa tayo ng mga desisyon o tamang pagpili na magbibigay sa atin ng higit
na kapaki-pakinabangan.

Samakatuwid, sa diwang ito, ang Ekonomiks ay ginagamit natin upang


magbigay sa atin ng pamantayan sa pagbuo ng mga matalinong desisyon sa
buhay. Gaya na lamang kung paano mo tutugunan ang iyong mga
pangangailangan at kagustuhan sa buhay sa kabila ng pagkakaroon ng limitadong
pinagkukunang yaman. Sa modyul na ito, mas mauunawaan mo ang kahalagahan
ng ekonomiks sa
iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

Mga Tala para sa Guro


Upang lubos at higit na maunawaan ang mga
pangunahing konsepto ng Ekonomiks.
Basahin at unawain ang mga teksto at mga
gawaing inihanda.
Tuklasin

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa


kahalagahan ng Ekonomiks at kung paano ito magagamit bilang batayan ng
matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

GAWAIN 1: PAG-ISIPAN

Maglista ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag-aaral.


Isulat ito ng magkasunod-sunod ayon sa kahalagahan. Isulat ang iyong sagot
sa mga
patlang sa ibaba.

PamprosesongTanong:
1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa iyo? Bakit?
_
_
_
_
_

2. Ano ang mga naging batayan mo sa ginawang listahan?


_
_
_
_
_

Magaling! Nasagutan mo nang maayos ang Gawain 2. Ipinakita sa Gawain


na ito ang pagtugon at ang pagkaiba-iba ng mga pangangailangan at kagustuhan
ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit may mga pag-aaral na isinasagawa sa
Ekonomiks.
Likas sa bawat tao ang magkaroon ng mga pangangailangan at kagustuhan.
Sa araw-araw na buhay gumagawa tayo ng mga paraan upang matugunan ang
mga ito. Subalit sa kagustuhan natin na makamit lahat ng ating mga
pangangailangan nakakalimutan natin ang kahalagahan ng pagbalanse at
pagdesisyon nang tama. Ano ba dapat ang uunahin, ang ating mga
pangangailangan o ang ating mga kagustuhan? Ano nga ba ang pagkakaiba nito
at gaano ba ka halaga ang mga konseptong ito:

Pangangailangan (needs) ay tumutukoy sa mga bagay na mahalaga sa


pagpapanatili ng buhay ng tao. Mga halimbawa nito ay pagkain, damit, tirahan at
kalusugan. Samantalang, ang kagustuhan (wants) ay tumutukoy sa mga bagay na
magpapagaan ng uri ng pamumuhay at magbibigay kasiyahan sa tao. Mga
halimbawa nito ay mga aplayanses, kotse, alahas at magagarang kagamitan
(Gonzales, 2004).

Magkaiba ang pangangailangan at kagustuhan ng bawat indibiduwal. May


mga bagay na sa iba ay pangangailangan at sa iba naman ito ay kagustuhan
lamang. Upang higit mo na maunawaan ito ipagpalagay, ang buhay ng isang
ordinaryong mag-aaral, ang pagkakaroon ng cellphone ay isang kagustuhan
lamang ngunit para sa iba, na ang mga magulang ay nagtratrabaho sa malayong
lugar, ang pagkakaroon ng cellphone ay isang pangangailangan sapagkat ito ang
naging daan upang magkaroon sila ng komunikasyon ng kanyang mga magulang.
Samatuwid may bagay kang gustong maabot o makuha dahil nagbibigay ito ng
dagdag kaginhawaan sa iyong buhay. Ang pangangailangan at kagustuhan ay
bahagi sa buhay ng tao, kapag sinabing pangangailangan ito yong mga bagay na
lubhang importante upang ikaw ay mabuhay habang kagustuhan ito ang mga
bagay na nagbibigay kasiyahan at kulay sa iyong buhay. Sa bahaging ito, hindi mo
pwedeng husgahan ang isang tao sa pagkamit ng mga bagay na sa tingin mo ay
hindi mahalaga dahil baka lingid sa iyong kaalaman na ang mga bagay na iyon ay
bahagi o mahalaga pala para kanyang hanapbuhay.

Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay walang katapusan ngunit ang


pinagkukunang yaman ay limitado kaya ang tao ay kailangang gumawa ng pagpili.
Ang pangangailangan ng tao ay may ibat-ibang digri o tinatawag na Herarkiya ng
Pangangailangan, ayon sa kakayahan ng tao na makamit at matugunan ang mga
ito at magkaroon ng kasiyahan (Imperial, 2015). Ika nga “People are motivated to
achieve certain needs. When one need is fulfilled a person seeks to fulfil the next
one, and so on.” Tingnan ang pigura 1 na nasa ibaba.
Self-
Actualization
Esteem Needs

Pigura 1. Herarkiya ng Pangangailangan ni


Love and Belongingness Abraham Maslow (Imperial, 2015)

Safety Needs

Physiological Need

1. Physiological needs (pisyolohikal) – ang pinakamababang bahagi ng piramide,


kabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig,
hangin, at tulog.
2. Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa
kaligtasan at katiyakan sa buhay, kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at
kaligtasan.
3. Love/Belonging needs (Pangangilangang makisalamuha, makisapi at
magmhal) – ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan tulad ng
pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan ng tao ang
pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.
4. Esteem needs (pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba)– nauukol
sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.
5. Actualization (pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato) – ang
pinakamataas na antas sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi
lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang
potensyal ng tao.

Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa


mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas. Ang walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang itinuturing na pinakaugat ng
suliraning may kaugnayan sa kakapusan (Rillo, 2005).

Ayon kay Imperial (2015) nararapat na maging matalino sa pagpapasya ukol


sa paggamit ng may kakapusang pinagkukunang-yaman. Kinakailangang bigyang-
tuon ang mga bagay na makapagbibigay sa tao ng higit na kapakinabangan at
kasiyahan. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pag-aaksaya at hindi na magiging
malaking suliranin ang kakapusan. Ayon naman ky Rillo (2005) bukod sa
matalinong pagpili o pagpapasya, dapat tiyakin ang mahusay na alokasyon ng mga
pinagkukunang-yaman batay sa dapat paggamitan.

Makatutulong din ang pagpipigil ng mga tao sa kanilang kagustuhan. Ang


pagpapaliban sa mga kagustuhan ay nangangahulugan ng pagbibigay-halaga sa
mga pangangailangan. Maaring magbunga ng suliranin ang maling pasya.
Kailangang matiyak na pinakakapaki-pakinabang ang ginawang pasya hindi
lamang sa isang tao kundi sa marami (Cruz, 2000).
Ang kaalaman ukol sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa ay
makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa
suliranin sa kakapusan. Ikaw bilang mag-aaral mayroon kang maraming
pangangailangan at kagustuhan na nais at gusto mong makuha. Laging
pagkatandaan na hindi masama ang maghangad sa bagay na nagbibigay
kasiyahan sa atin pero pakaisipin na kailangang pag-isipang mabuti kung mga
bagay na ninanais mo ay magbibigay ba ng malaking kapakinabangan sa iyo dahil
ang bawat desisyon ng inyong gagawin ay may malaking epekto sa takbo ng ating
ekonomiya. Mahalagang maunawaan ninyo, kahit sa murang edad kinakailangan
na sa paggawa ng desisyon o pagpipili kaakibat nito ay paggawa ng matalinong
desisyon.

GAWAIN 2: PAGSULAT NG SANAYSAY


Panuto: Sagutin ang katanungang na nasa ibaba:

Bakit mahalagang pag-aralan ang pangangailangan at kagustuhan bilang


salik sa pagtukoy sa kahalagahan ng ekonomiks?

Mahusay! Sa gawaing ito nagpamalas ka ng angkin galing sa pagsagot sa


sitwasyong ibinigay. Ipinakita mo iyong abilidad sa pagtugon sa naturang hamon.
Handa ka na sa susunod na gawain.

Gabay sa Pagwawasto (Rubric)

3 2 1
Wasto at makatotohanan Maayos na nailahan Inilahad ang mga
Nilalaman

ang impormasyon. May ang impormasyon. sagot gamit lamang


dalawa I higit pang Mayroong isang pag- ang isang pag-aaral o
pinagbatayang pag-aaral, aaral, artikulo, o artikulo
artikulo, o pagsasaliksik pagsasaliksik ang
ang ginamit sa ginamit sa
pagsalaysay. pagsalaysay.
Kumprehensibo at Malinaw ang daloy Kakikitaan ng dalawa
Organisasyon malinaw ang daloy ng ng pagkakasulat. o higit pang kamalian
pagkakasulat. Walang Subalit kakikitaan ang sagot
maling makikita sa ng isang mali (pagkakabaybay,
pagkakasulat sa mga pagkakasulat sa mga paglalahad ng mga
sagot. sagot. pangungusap, at iba pa)

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa


aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng
mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin sa bahaging ito ay matutuhan mo
bilang isang mag-aaral ang ilang konsepto ng ekonomiks at ang kahalagahan
nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Suriin

Ang limitadong pinagkukunang yaman ng bansa at ang pagtugon sa walang


hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang pangunahing layunin ng
Ekonomiks. Dahil dito, kinakailangang magkaroon ng isang sistema ng
pamamahagi o alokasyon na siyang sasanayin sa ekonomiks (Cruz, 2000). Bilang
mag-aaral mahalagang iyong matutunan ang kahalagahan ng Ekonomiks dahil
makakatulong ito sa iyo sa paggawa ng iyong tamang desisyon. Upang mas lalo mo
itong maintindihan, basahin mo ang tungkol sa Kahalagahan ng Ekonomiks.

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Ang sumusunod ay kahalagahan ng ekonomiks ayon sa iba’t ibang


manunulat:

➢ Nakakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya. Ayon kay Cruz (2000)


ang natalakay na mga kaisipan sa ekonomiks ay nagpapatunay na ang
ekonomiks ay sadyang mahalaga. May bahaging ginagampanan ang ekonomiks
sa pangkabuhayang pamumuhay ng bansa at ng daigdig. Ang pagtatamo ng
pagsulong at pag-unlad ng mga tao at ng mga bansa ay nakasalalay sa
mabuting pamamahala at pagpapalago ng ekonomiya

➢ Nauunawaan ang napapanahong isyu. Ayon naman kay Balitao (2015),


nakakatulong ang ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu
na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa. Sa
pamamagitan ng ekonomiks, higit mong mauunawaan ang mga patakaran ng
pamahalaan at ang mga suliraning hinaharap ng bansa.
➢ Minumulat ang kaisipan ng kabataan. Ayon kay Rillo (2005), nakakatulong sa
mga mag-aaral ang pag-aaral sa ekonomiks sapagkat sa murang edad pa
lamang ay alam nila ang tamang paraan ng paggamit ng mga limitadong likas
na yaman ng bansa. Pinapaunlad din ng pag-aaral ng ekonomiks ang kaisipang
kritikal ng mga kabataan. Bukod rito nauunawaan din ng mga kabataan ang
maayos na pangangalaga, pagkokonserba sa mga likas na yaman.

➢ Nakakatulong sa paggawa ng rasyonal at matalinong desisyon at aksyon.


Ayon kay Imperial (2015), sa sa kanyang aklat na ang ekonomiks ay mayroong
malaking kontribusyon sa paggawa ng wastong desisyon at aksyon. Ang
pagiging mulat sa mga isyung pang-ekonomiya, at ang mga kaalaman sa
konsepto ng ekonomiks ay nakakatulong sa paghubog ng wastong asal, gawi, at
kilos na mahahalagang salik sa tama o wastong pagdedesisyon. Idinagdag pa ni
Balitao (2015) na ang kaalaman ng tao ay makatutulong upang
makapagbigay ng makatuwirang opinion tungkol sa mahahalagang
pagdedesisyon sa loob ng pamilya.

KAHALAGAN NG EKONOMIKS SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY

Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pagtitipid at Pag-iimpok

Sa panahon ngayon nahaharap ang ating bansa sa pandemiyang COVID-19


ay patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan mula sa
mga produktong pagkaing, damit, tubig, kuryente, renta ng bahay, gas at iba pa.
Dahil sa sitwasyong ito, nararapat mong matutunan ang magtipid, at mag impok.
Ano nga ba ang pagtitipid at pag-iimpok? Ang pagtitipid ay tumutukoy sa
kasanayan ng pamamahala sa iyong pera. Habang ang pag-iimpok ay tumutukoy
din sa pag- sisikap ng isang tao na makaipon ng sapat na salapi o aria-rian para
sa kanyang kinabukasan.

Sa iyong pag-aaral sa kahalagahan ng ekonomiks ay matututunan mo ang


konseptong pagtitipid at pag-iimpok, at ang paglalapat nito sa iyong buhay.
Marahil ay mas nauunawaan mo na ngayon na ang pagtitipid at pag-iimpok ay
magbibigay sa iyo ng malaking insentibo sa hinaharap. Maaaring mayroon kang
gustong bilhin ngunit ipinagpaliban mo muna ito, ginawa mong opportunity cost
ang bagay na iyon upang makapag-ipon para sa mas mahalagang bagay na
kakailanganin mo sa hinaharap. Samakatuwid, malimitahan ang paggastos sa di
makabuluhang bagay at mapaglalaanan ng sapat na halaga ang mga mas
importante. Mahalaga ang ekonomiks sapagkapat ituturo sa iyo ang praktikal na
paalala tulad ng paglilista ng bawat gastos araw-araw upang iyong masuri at
mapag-aralan nang mabuti kung anong mga gastusin pa ang dapat alisin o
malimitahan man lang. Sa ganitong paraan sinisimulan mo nang turuang
disiplinahin ang iyong sarili sa paggasta. Pagkatandaang napakahalaga ng
pagtitipid at pag iimpok dahil ang iyong naipon at natipid ay magagamit pagdating
ng panahon.

Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pangkonsumo


Ang pagkonsumo ay bahagi ng iyong buhay simula ng ikaw ay isilang sa
mundo. Ang Pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng mamimili
sa mga produkto at serbisyo. Mas mapapalalim mo pa ang aralin tungkol dito sa
mga kasunod na module. Sa bahaging ito, pag-aaralan mo ang kahalagan ng
ekonomiks sa pangkonsumo. Upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng
ekonomiks sa pagkonsumo, isipin mo na sa tuwing recess, ikaw ay pupunta sa
canteen upang bumili ng pagkain. Ang pagbili mo ng pagkain ay gumawa ka na ng
pagkonsumo. Sa bawat pagkonsumong gagawin ay may pakinabang kang
makukuha mula rito na tinatawag na kasiyahan (satisfaction). Paano mo
masasabing may nakuhang kapakinabangan ka sa produktong iyong binili? Ito ay
kapag patuloy ka sa pagbili ng produktong ito at nakaramdaman ka ng pagkabusog
o kasiyahan sa tuwing ikaw ay kumakain o bumibili nito. Nararapat na magkaroo
ng tamang padedesisyon sa pangkonsumo upang maggamit ng maayos ang budget
na mayroon ka.
Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pagnenegosyo

Mahalaga ang kaalaman sa ekonomiks sa isang negosyo. Ang mahalagang


desisyong ginagawa ng mga negosyante ay makakatulong upang mapalaki ang
kanilang tubo at maging maunlad ang negosyo. Nakakatulong ang kaalamang ito
para maging kritikal sa pagsusuri sa mga nangyayari upang maunawaan kung
anong aksyon ang gagawain na makabubuti sa negosyo. Ang mga kaalamang ito ay
magtuturo sa iyo na mag-isip nang lohikal at malaman ang mga teorya, Sistema, at
balangkas tungkol sa pamilihan. Bilang mag-aaral, marahil isa sa iyong pangarap
ay isang maging entreprenyur. Ituturo sa iyo ng ekonomiks ang mga isyu at
konsepto na umuusbong sa mga kumplikadong aspeto ng isang ekonomiya at kung
paano mo ito mailalapat sa iyong sariling negosyo sa hinaharap.

Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pag-alaga sa Kapaligiran

Ang mga likas na yaman ay mahalagang dimensyon ng kabuhayan at


kaunlaran ng isang lipunan. Mula sa mga yamang likas ay nakakukuha ng
pagkain at mga hilaw na materyal na sangkap sa iba't ibang industriya. Mahalaga
ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks upang maunawaan ang kahalagahan
ng kapaligiran sa buhay ng isang tao. Ang kaalamang ito ay makakatulong upang
maunawaan na may limitasyon at maaaring maubos kapag labis ang paggamit
dito. Dahil kapag hindi malinaw sa tao ang layunin ng paggamit ng likas na yaman
walang nakakamit na kapakinabangan sa mga ito. Ang ekonomiks ay
makakatulong upang maggamit nang maayos ang likas na yaman upang hindi ito
maabuso at patuloy na mapangalagaan.

Kahalagahan ng Ekonomiks sa Indibiduwal at Pamilya

Ang pagdedesisyon at ang paghahanapbuhay sa ngayon ay ginagampanan


ng iyong mga magulang, ang kanilang desisyon at pagkilos ay batay rin sa nga
pangangailangan at kagustuhan ng kanilang mga anak. Subalit, sa maliit na
paraan, ikaw ay gumagamit din ng salapi, pumipili, namimili, gumagamit ng mga
pinagkukunang-yaman, tumutulong sa paghahanapbuhay, at sa paggasta at
pagtitipid sa iyong tahanan (Cruz, 2000). Samakatuwid, sa pagpili ng iyong
pagkakagastusan, nagagamit mo ang prinsipyo ng alokasyon at pamamahala.

Kung matalino kang magdesisyon, maaaring may maiambag ka sa


pangangailangan ng iyong pamilya kahit kaunti gaya ng pag-iimpok mo ng iyong
baon para sa panahon ng pangangailangan. Kung tutuusin, mula sa pagdilat ng
iyong mga mata sa umaga, hanggang sa muli mong pagtulog sa gabi, kaagapay mo
ang ekonomiks sa pagtahak ng landas ng pagsulong at pag-unlad. Kung lubusan
mong mauunawaan bilang isang mag-aaral ang mga konsepto at prinsipyong
nakapaloob sa agham na ito, matututo kang maging mapagsuri at mapagtanong sa
mga nangyayari sa ating ekonomiya. Makagagawa ng isang matalinong
pagdedesisyon sa buhay at mababatid mo kung gaano kahalaga at kalawak ang
epekto ng ekonomiks sa iyong buhay (Imperial, 2015).

Pagyamanin
Marahil malinaw na sa iyo ang kahalagahan ng Ekonomiks, buhat sa mga
nabasa mo sa araling ito. Palalimin pa natin ang iyong kaalaman. Maghanda
ka na,
umpisahan mo nang sagutin ang gawain 3.

GAWAIN 3: SITWASYON-SURI

Panuto: Basahin ang mga pahayag o pangungusap na nasa ibaba at tayain kung
ano ang kahalagahan ng ekonomiks na inilalarawan sa pahayag o pangungusap.
Piliin ang sagot sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Nakakatulong sa paggawa ng rasyonal at matalinong desisyon at aksyon


B. Minumulat ang kaisipan ng kabataan
C. Nauunawaan ang napapanahong isyu
D. Nakakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya

1. Natanggap ni Brian ang kaniyang unang sahod sa trabahong kaniyang


pinapasukan. Inanyayahan siya ng kaniyang mga kaibigan na mag-inuman
bilang selebrasyon sa unang sahod na kaniyang natanggap. Bago siya gumawa
ng pagpapasya, pinag-isipan mo na niya ito ng ilang beses. Napagpasyahan
niya na ipagpaliban muna ang pagsama sa kaniyang mga kaibigan dahil may
mas importanteng bagay siya na pinaglalaanan ng kaniyang unang sahod.

2. Ang mga mamamayan sa Barangay Malinaw ay nagkaroon ng suliranin sa


baha.
Lagi nila itong nararanas sa tuwing may malakas na pag-ulan. Bilang solusyon
at tugon sa naturang problema, nagpulong pulong ang mga lideres sa naturang
barangay upang malaman kung ano ang dahilan bakit binabaha ang kanilang
lugar at nalaman nila na ang sanhi ng pagbaha ay ang dumadaming water lily
sa sa ilog. Upang maiwasan ang pagbaha, naisipan nila na pakinabangan ang
tinuturing nilang salot upang maging nahanapbuhay at dagdag kita. Ginamit
nila
ang water lily upang makagawa ng isang panibagong produkto na pwede nilang
ipagbili sa merkado.

3. Si Mariano ay lumaki sa isang mahirap na pamilya. Lumaki siya na may


pagpapahalaga sa pera. Kaya sa tuwing binibigyan siya ng pera ng kaniyang
lolo at lola sa tuwing maganda ang ani sa bukid, sinisigurado ni Mariano na
gagamitin sa maayos at makabuluhang bagay ang kaniyang pera. Bukod doon
nagtatabi siya ng pera para may maitabi at magamit sa araw ng kagipitan.

4. Ipinanganak na mayaman si Cherry, hindi siya nakaranas na hirap sa buhay


dahil lahat ng kaniyang pangangailangan at kagustuhan ay ibinibigay ng
kaniyang mga magulang. Isang araw, nagsara ang kanilang mga negosyo dulot
ng COVID-19, kahit lumaki si Cherry sa masaganang pamumuhay sa kabila
nito naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Natuto siyang
magtipid at mahalagahan ang mga bagay na meron siya.

GAWAIN 4: TAMA O MALI

Basahin ang mga pahayag o pangungusap sa ibaba. Isulat ang


salitang TAMA kung ang pangungusap o pahayag ay tama at kung
MALI palitan ang salitang may salungguhit ng tama salita upang
maging tama
ang pahayag o pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Kung matalino kang magdesisyon, maaaring may maiambag ka sa


pangangailangan ng iyong pamilya kahit kaunti gaya ng pag-iimpok mo ng
iyong baon para sa panahon ng pangangailangan.

2. Ayon kay Cruz, may bahaging ginagampanan ang ekonomiks sa


pangkabuhayang pamumuhay ng bansa at ng daigdig. Ang pagtatamo ng
pagsulong at pag-unlad ng mga tao at ng mga bansa ay nakasalalay sa
katalinuhan ng mga namumuno sa bansa.

3. Ayon kay Imperial ang pagiging mulat sa mga isyung pang-ekonomiya, at


ang mga kaalaman sa konsepto ng ekonomiks ay nakakatulong sa
paghubog ng wastong asal, gawi, at kilos na mahahalagang salik sa tama o
wastong pagdedesisyon.

4. Ayon kay Rillo, nakakatulong sa mga mag-aaral ang pag-aaral sa Araling


Panlipunan sapagkat sa murang edad pa lamang ay alam nila ang tamang
paraan ng paggamit ng mga limitadong likas na yaman ng bansa.

5. Kung marunong kang magtipid at mag-impok tiyak na mayroon kang


magandang kinabukasan, pagdating ng araw kapag ikaw ay nagigipit meron
kang madudukot, di mo na kailangang magmakaawa sa iba para humingi ng
tulong.
Magaling, mag-aaral sapagkat natapos mo ng suriin ang kahalagahan ng
ekonomiks at kung paano mo ito mailalapat sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Bilang buod, basahing mabuti ang Isaisip bago kang magsimula
sa aplikasyon
ng araling ito.

Isaisip

Ngayon ay inaasahang batid mo na ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks


sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral.

Mahalaga ang Ekonomiks sapagkat…

Matutuhan mo ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon.


Malalaman mo ang kahalagahan ng pagpatupad at pagganap sa
tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa ating kamay nakasalalay
ang pag-unlad ng ekonomiya.

Nalilinang ang iyong kaisipan ukol sa pang-araw-araw na


nagaganap sa buhay ng tao at kung paano naapektuhan ang
pamumuhay ng
tao sa mga pangyayari sa ating lipunan.

Mauunawaan mo ang konsepto ng ekonomiks at epekto nito sa


iyong pamumuhay bilang isang mag-aaral. Gaya na lamang sa
pagbili mo
sa tindahan, naaaplay mo ang mga konsepto ng ekonomiks.

Magiging matalas ang iyong obserbasyon at interpretasyon sa mga


bagay na may kaugnayan sa pangkabuhayang pag-unlad. Higit
mong mauuunawaan ang mga patakaran ng pamahalaan at
ang mga
suliraning hinaharap ng bansa.

Nakakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya.

Nauunawaan ang napapanahong isyu.

Minumulat ang kaisipan ng kabataan.

Nakakatulong sa paggawa ng rasyonal at matalinong desisyon at


aksyon.
Isagawa

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral


ang
mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahalagahan ng ekonomiks.

GAWAIN 5: TAYAHIN MO
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Tayahin mo ang desisyong
ginawa ni Cherry at Crisitne gamit ang talahanayan na nasa ibaba ng bawat
sitwasyon. Kung sa tingin mo ay tama ang desisyon i-tsek ang OO, kung mali
naman i-tsek and HINDI. Isulat din ang dahil kung bakit sang-ayon ka o hindi sa
desisyong nagawa ni Cherry at Cristine. Isulat din ang iyong suhestiyon para kay
Cherry at Cristine upang mas mapabuti ang kanilang pagdedesisyon.

Gagamitin ang sumusunod na rubrik pagbibigay ng puntos sa bawat


tanong:
5 4 3 2
Ang pagtatayang Ang pagatatayang Ang pagtatayang Ang pagtatayang
sinulat ng may sinulat ay may sinulat ay hindi sinulat ay hindi
kaugnayan sa paksa. kaugnayan sa paksa masyadong maiuugnay sa
Ito rin ay at makabuluhan. maiuugnay sa paksa at hindi
makabuluhan at Subalit kakikitaan paksa ngunit masyadong
nagpapakita ng ito ng isang ito ay makabuluhan.
malalim na maling pahayag, makabuluhan. Kakikitaan ang
pagkatuto ng mag- Kakikitaan ito sagot ng tatlo o
aaral ukol sa paksa. ng dalawang higit pang maling
Lahat ng detalyeng maling pahayag, pahayag,
naggamit bilang
basehan ng
pagtataya ay tama.

A. Mayroong 10,000 pesos na naipon. Inilaan niya ito upang bumili ng


bagong cellphone na magagamit niya sa online classes. Habang siya ay
nagbabasa ng mga binebentang cellphone sa internet, nakita niyang
mayroong second hand na i-phone na 6s 64GB, at mayroong 70% battery
life na naggamit na sa loob ng dalawang taon ng unang may-ari, at brand
new na android phone na 128GB, at 64 mega-pixels. Napagdesisyunan ni
Cherry na bilhin ang second hand i-phone 6s sapagkat matagal na niyang
pangarap ang magkaroon ng ganitong cellphone.

Tanong Oo Hindi Bakit


Tama ba ang naging desisyon ni
Cherry sa pagbili ng second hand i-
phone 6s?
Tama bang isaalang-alang ang
kaniyang kagustuhan o pangarap
na makagamit ng i-phone?
Ano ang iyong suhestiyon kay
Cherry?
B. Si Cristine ay may naipong 300 pesos mula sa kaniyang pang-araw-araw
na baon. Hinikayat siya ng kaniyang kaibigang si Cathy na kumain sa
bagong Korean Restaurant na nagbebenta ng samgyeopsal (isang sikat na
pagkaing Koreano). Kahit hindi gutom si Cristine ay pinili niyang sumama
kay Cathy sapagkat ayaw niyang magalit ang kaibigan at gustong-gusto
niyang makipaghalubilo sa mga bagong kailbigan ni Cathy na sasama rin
sa kanila.

Tanong Oo Hindi Bakit


Tama ba ang desisyon ni Cristine
na gamiting and kaniyang ipon
upang makasama lang ang mga
kaibigan kahit hindi siya
nagugutom?
Tama bang unahin ni Cristine ang
makipaghalubilo sa mga kaibigan?
Tama bang ikonsidera ni Cristine
ang nararamdaman ng kaibigang si
Cathy sa kayang paggasta?
Ano ang iyong suhestiyon para kay
Cristine?

Kasiya-siya ang ipinakita mong galing sa pagsagot sa gawain ito. Handa ka para sa
susunod na gawain. Halina’t umpisahan mo na!
Tayahin

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng direktang relasyon ng


kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa paggawa ng wastong desisyon sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan sa larangan
ng suliranin sa kakapusan at kakulangan upang matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao?
A. ang pag-aaral na ito ay nagkakaroon pagsusuri sa epekto ng
populasyon sa antas ng pagkatuto, sa antas ng kasanayang dapat
makamit upang maging produktibong mamamayan.
B. ang pag-aaral ng ekonomiks nagkakaroon ka kaalaman sa wastong
paggamit ng mga pinagkukunang yaman at tamang desisyon upang
maging matalinong mamimili.
C. sa pag-aaral na ito ay nakakatulong upang makakuha ng mga kaisipan
sa nakaraan na magiging batayan sa paggawa ng desisyon at
patakaraan na makaaapekto sa takbo ng bansa.
D. sa pag-aaral ng ekonomiks natutuhan kong magbudget ng tama,
gamitin ng maayos ang aking oras, at suriin ang mga bagay-bagay nang
sa gayon ay hindi maluko sa mga produktong aking bibilhin.

2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng


kaalaman sa ekonomiks maliban sa .
A. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunang ating
ginagalawan.
B. Ito ay nagbibigay sa tao ng kaalamang makatutulong sa paggawa ng
mga desisyon.
C. Ito ay makatutulong upang maunawaan kung paano gumagalaw ang
ekonomiya.
D. Ito ay makatutulong sa mga konsyumer at manggagawa upang maging
matalino sa pamimili at pagpapasya ukol sa paghahanapbuhay.

3. Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa iyong


buhay bilang isang mag-aaral?
A. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa
pamamagitan ng magiging modelo ako sa aking kapwa kabataan na
gumawa ng kabutihan sa lahat ng pagkakataon
B. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa
pamamagitan paggawa ng isang matalinong desisyon sa buhay na
magbibigay sa aking ng malaking kapakinabangan
C. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang disposisyon sa buhay.
D. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa
pamamagitan ng pagpapamalas ng aking talino at galing sa lahat ng
aking gagawin sa aking buhay.
4. Ano ang pinakamabuting dulot ng pag-aaral ng kahalagahan ng ekonomiks
A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks.
C. Maisasaulo ang mga mahalagang konsepto sa Ekonomiks upang
madaling makapasa sa kolehiyo.
D. Makatutulong sa iyo upang maging tama ang mga pamamaraan, gawi at
mga desisyon sa buhay.

5. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng ekonomiks sa


pang- araw-araw na pamumuhay?
A. Batid ng isang mag-aaral na ang paggastos ay nakalimita lang dapat sa
kung ano lang ang mga mahahalaga.
B. Ang pagbili ng kape sa mamahaling coffeeshop na itinaguyod ng
dayuhang kaibigan
C. Pagpunta sa mall tuwing araw ng sahod upang magshopping sa
paboritong boutique shop
D. Pagbili ng limited edition na sapatos pandagdag sa iyong koleksyon

6. Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dulot ng pandemiyang COVID-19,


kailangan nilang mag doble sikap at makipagsapalaran sa ibang lugar upang
maibigay ang inyong mga pangangailangan. Bilang panganay sa magkakapatid,
ikaw ay inaasahang hahalili sa iyong mga magulang. Ibinigay sa iyo ang
responsibilidad na pangasiwaan ang pagbubudget sa pang-araw-araw ninyong
gastusin. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng aplikasyon
sa kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay?
A. Sa pagbubudget lagi siyang humihingi ng tulong sa mga kaibigan
B. Sa pagbubudget pinag-iisipan niyang maigi kung anong bibilhin upang
masigurado na ang produktong bibilhin ay magbibigay ng mas malaking
kapakinabangan sa kanilang magkakapatid.
C. Upang hindi mahirapan sa pagbubudget at paghahanda ng pagkain
laging siyang umoorder sa food panda.
D. Upang magamit nang maayos ang perang ibinigay maglalaan siya ng
kaunting halaga ng pera para sa kanilang pangangailangan at ang
natira ay kanyang itatabi.

7. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa


pangkabuhayan pamumuhay ng tao at ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapatunay sa pahayag na ito?
A. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagbibigay ng praktikal na kaalaman na
kailangan sa pag-unawa ng mga pangkabuhayang kalagayan ng ating
bansa.
B. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong upang maunawaan ang
ugnayan ng sambahayan, bahay kalakal at industriya.
C. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagsisilbing gabay upang maunawaan
ang ating pagkakakilanlan bilang bahagi ng lipunan.
D. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay makakatulong upang maging mabuting
mamamayan.
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng malaking epekto sa paggawa ng
desisyon at pagpili upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan
batay ng pag-aaral ng ekonomiks?
A. naging matipid ako sa aking mga gastusin sa pang-araw-araw
B. natutuhan kong huwag magpadala sa bugso ng aking damdamin
C. naging mas matanong at mulat sa mga nangyayari sa aking paligid
D. mas pinag-iisipan ko na ng mabuti ang pagpili at desisyong gagawin
kung ito ba ay magbibigay ng malaking kapakinabangan sa akin

9. Bilang isang mag-aaral bakit kailangang isaalang-alang ang paggawa ng


matalinong desisyon sa ating mga personal na pangangailangan at kagustuhan?
A. Mapunan ang mga pansariling luho at kasiyahan.
B. Mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
C. Hindi masayang ang limitadong mga pinagkukunang-yaman.
D. Itaguyod at isulong ang pagkonsumo sa mga likas na yaman

10. Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks sa pang-


araw- araw na buhay?
A. nakatutulong ito upang makalaya sa kahirapan ng buhay
B. nakakatulong ito upang maunawaan ang pagbabagong nagaganap sa
lipunan
C. nakakatulong ito upang matugunan ang lahat ng pangangailangan at
kagustuhan ng tao
D. nakakatulong ito upang maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa
mga kaganapan sa ating lipunan.

11. Bakit kailangang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan


sa pagtukoy ng kahalagan ng ekonomiks?
A. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at
kagustuhan sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala ng
limitadong pinagkukunang yaman.
B. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat makatutulong ito sa pagkakaroon ng plano ng produksiyon at
masusing pag-aaral kung saan higit na makikinabang.
C. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at
kagustuhan sapagkat makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga
desisyong may kaugnayan sa suliranin sa kakapusan.
D. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at
kagustuhan sapagkat magagamit ito upang makaahon sa kahirapan.
12. Bilang bahagi ng lipunan bakit kinakailangang maging matalino
sa pagdedesisyon ang isang tao pagdating sa pagtugon ng kanyang
pangangailangan at kagustuhan?
A. dahil magamit ng maayos ang mga produkto
B. dahil may hangganan ang lahat dito sa mundo
C. upang hindi masayang ang limitadong pinagkukunang yaman
D. upang hindi masayang ang pera sa pagkonsumo ng mga produkto

13. Ano ang epekto ng pag-aaral ng ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay ng isang mag-aaral
A. Pagbili sa mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa kanyang sarili at
pamilya.
B. Natutong magbahagi ng kanyang opinyon sa mga nangyayari sa kanyang
paligid.
C. Natutuhan kong gamitin ng maayos ang aking allowance sa mas
makabuluhang bagay.
D. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman na
hahantong sa kakapusan.

14. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon


ng kaalaman sa ekonomiks maliban sa .
A. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunang ating
ginagalawan. B. Ito ay nagbibigay sa tao ng kaalamang makatutulong sa
paggawa ng mga
desisyon.
C. Ito ay makatutulong upang maunawaan kung paano gumagalaw ang
ekonomiya.
D. Ito ay makatutulong sa mga konsyumer at manggagawa upang maging
matalino sa pamimili at pagpapasya ukol sa paghahanapbuhay

15. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral


ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na gawain.
A. Magpanic buying sa tuwing may sales sa mall.
B. Maglaan ng oras para sa sarili, pamilya at kaibigan.
C. Gamitin ang natitirang oras sa paglalaro ng mobile legend.
D. Ipunin ang natitirang baon upang may magamit sa oras ng
pangangailangan.
Karagdagang Gawain

Gawain 6: PAGSULAT NG REPLEKSIYON

Buuin mo ang sumusunod na matrix. Magbigay ng sariling


halimbawa, batay sa obserbasyon mo sa pang-araw-araw na buhay, ng
isang kahalagahan ng Ekonomiks para sa bawat hanay. Magbigay ng
halimbawa ng mga nakikita mo sa iyong paligid kung paano nakatutulong o
makatutulong ang kaalaman sa ekonomiks sa iyong sarili, sa isang pamilya,
sa barangay o pamayanan, sa bansa, at sa daigdig.

Kahalagahan ng Ekonomiks

SARILI

PAMILYA

BARANGAY

BANSA

DAIGDIG

5 4 3 2
Ang nilalaman ng Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay
Nilalaman

may kaugnayan sa may kaugnayan sa hindi masyadong hindi maiuugnay


paksa. Ito rin ay paksa at maiuugnay sa paksa sa paksa at hindi
makabuluhan at makabuluhan. ngunit ito ay masyadong
nagpapakita ng Subalit kakikitaan makabuluhan. makabuluhan.
malalim na pagkatuto ito ng isang maling Kakikitaan ang sagot Kakikitaan ang
ng mag- aaral ukol sa pahayag, ng dalawang maling sagot ng tatlo o
paksa. Lahat ng pahayag, higit pang maling
isinulat ay tama. pahayag,

Mahusay! Ang iyong naging sagot ay nagpapakita ng lubos na pag-unawa at


kaalaman sa nasabing paksa. Ngayon, handa ka na para sa maikling
pagsususlit.

Binabati kita at natapos mo ang pagsusulit. Natapos mo na ang lahat ng mga


gawain sa araling ito. Handa ka susunod na paksa para sa mas mapalalim ang iyong
kaalaman sa Ekonomiks.
Gawain 1: Pag-isipan
1. Notebook 5. Baon 9. Art materials
2. Ballpen at lapis 6. Tubig 10. Correction tape
3. Aklat 7. Cellphone at charger
4. Papel 8. Bag
Pamprosesong tanong
1. Mahalaga ang mga ito dahil magagamit ko ito sa aking pag-aaral
2. Ang aking naging batayan sa paggawa ng desisyon ay kung ano ang malimit
gamitin
sa klase.
SUBUKIN
Paunang
Gawain 2: Pagsulat ng sanaysay Pagsusulit
✓ Makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa
pagbuo ng matalinong pagdedesisyon sapagkat kapag isinaalang-alang mo ang
konseptong ito, magiging makahulugan ang pagdedesisyong isasagawa dahil mas 1. C
pipiliin ng tao ang kanyang pangangailangan kaysa sa kanyang kagustuhan. 2. C
3. D
PAGYAMANIN
4. C
Gawain 3: Sitwasyon suri 5. A
1. A 2. D 3. B 4. C 6. C
7. D
Gawain 4: TAMA O MALI
1. TAMA 3. TAMA 8. C
2. MABUTING PAMAMAHALA AT PAGPAPALAGO NG EKONOMIYA 9. C
3. TAMA 10. D
4. EKONOMIKS
11. D
5. TAMA
12. A
ISAGAWA 13. A
14. A
Gawain 5: PAGDEDESISYON
15.A
(Nakabatay ito sa pagtataya ng mag-aaral sa sitwasyon)

KARAGDAGANG GAWAIN TAYAHIN


Gawain 6: PAGSULAT NG REPLEKSYON 1.C
2.A
SARILI Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sa buhay ko bilang isang mag-
aaral dahil maaaring mahubog ang aking pag-unawa, ugali at gawi sa pamaraang 3.B
makatutulong sa aking pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa 4.D
hinaharap. 5.A
6.B
PAMILYA Nagagamit ang kaalaman sa asignaturang ekonomiks ng aking pamilya
sapagkat gumagawa tayong ng pagpipili, pagdedesisyon at pagbabadget sa pang-araw-araw 7.A
na pumumuhay. Gamit ang kaalaman sa ekonomiks higit ka na makagagawa ng isang 8.D
matalinong desisyon sa buhay. Mas nagiging mapanuri at mapagtanong ka sa mga 9.C
nangyayari sa iyong kapaligiran upang makapagbigay ng rasyonal na interpretasyon sa mga
10.D
nangyayari.
11.A
BARANGAY Nagagamit din ang kaalaman sa ekonomiks ng aming barangay 12.C
sapagkat pinamamahalaan ang mga opisyalis ng barangay ang limitadong resources na 13. C
mayroon ang aming komunidad upang matugunan ang ibat-ibang pangangailangan ng
kanyang nasasakupan. 14. A
15.D
BANSA Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakapokus sa pangkalahatang
pagpapaunlad ng kalakalan, pananalapi, at kagalingang panlipunan sa loob at labas ng
bansa o sa buong daigdig. Dito nakapaloob ang pagsusuri sa GNP at GDP, mga paglago ng
kita produksyon ng iba’t ibang sektor, at ang paglutas ng kahirapan.

DAIGDIG Dahil sa kaalaman ng ekonomiks, nagagamit ito ng mga lideres sa ibat-


ibang bansa upang magamit ng maayos ang yaman ng kanilang bansa para sa ikauunlad ng
kanilang bansa. Nagagamit din nila ang nasabing kaalaman upang matugunan ang ibat
ibang pangangailangan ng kanilang nasasakupan.
Sanggunian:
Antonio, E. D., Dallo, E. M., Imperial, C. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C.
D. 2015. Kayamanan: Ekonomiks. 3rd ed. 856 Nicanor Reyes Sr. Street
1977
CM Recto Avenue Manila Philippines. Rex Bookstore.

Balitao, B.R., Buising, M.D., De Guzaman, A.D., Garcia, E. D.J Lumibao, Jr.
J.L. Mateo, A. P. Mondejar, I.J. 2015. Ekonomiks 10, Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral. 1st ed. 5th Floor, Mabini Building, DepEd
Complex Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600. Vibal Group.

Balitao, B.R., Cruz, N.B., Rillo, J.D. 2005. Makabayan Serye: Ekonomiks sa
Pagsulong at Pag-unlad. 4th ed. Pilipinas ng Vibal Publishing House Inc.,
1253
Gregorio Araneta Avenue Queszon City

Cruz, N.B., Lim, A. L., Rillo, J.D., Villoria, E. M. 2000. Ekonomiks, Batayang
Aklat parsa sa Ikaapat na Taon. 2nd ed. G. Araneta Avenue, cor. Ma. Clara
St.,
1107 Quezon City Philippines. SD Publication, Inc.
25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue


Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 – 0100 / 228 – 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph

26

You might also like