You are on page 1of 19

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Mga Salik na Nakaaapekto sa
Pagkonsumo
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkonsumo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jessica Altarejos- Calisagan
Editor: Amalia C. Solis
Tagasuri: Eden S. Templonuevo/Ruby R. Denofra, Head Teachers AP
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS in Charge of LRMS and Division ADM

Inilimbag sa Pilipinas ng National Capital Region

Department of Education – National Capital Region


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Mga Salik na Nakaaapekto sa
Pagkonsumo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Salik na
Nakakaapekto sa Pagkonsumo

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Matapos mong malaman ang mahahalagang konsepto hinggil sa


pagkonsumo, palalawakin naman natin ito sa pagkatuto tungkol sa mga salik na
maaaring nakakaapekto sa pagbili o paggamit nating mga konsyumer sa produkto
o serbisyo na tutugon sa ating pangangailangan. Ano-ano ang mga bagay na
isinasaalang-alang mo kapag may bibilihin ka? Sakaling nakaipon ka ng pera mula
sa baon mo at may nais kang bilhing damit, hindi ba’t isasang-alang-alang mo ang
presyo? Nanaisin mo ba ang usong damit na sinusuot ng mga idolo mo? O di kaya
ang damit na ibabagay mo sa panahon o okasyon? Ang mga bagay tulad ng presyo,
panggagaya sa ibang tao, panahon at okasyon na iniisip mo ay ang mga salik na
nakakaapekto sa pagkonsumo. Ito ay ang magiging pokus natin sa araling ito.

Sa modyul na ito tatalakayin ang mga paksang:


1. Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkonsumo
2. Mga Pag-uugali ng mga Konsyumer sa Pamimili

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga salik na


nakaaapekto sa pagkonsumo.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin makakamit mo ang mga sumusunod


na layunin:

(1) Natutukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo


(2) Nasusuri ang epekto sa mga konsyumer ng mga naturang salik
(3) Nailalarawan ang mga pag-uugali ng konsyumer sa pagkonsumo ng mga
produkto at serbisyo

Subukin

Atin nang simulan ang pagsakatuparan ng mga layunin sa araling ito.


Gagabayan ka ng isang maiksing gawain sa ibaba para malaman kung hanggang
saan na ang iyong nalalaman. Huwag kang mag-alala, simple lamang ito 

ISAALANG-ALANG MO KAYA
Ipagpalagay natin na ikaw ay bibili ng mga sumusunod na produkto na nasa
loob ng talahanayan, pumili ka ng 1-2 sa limang kategorya na isasaalang-alang mo
sa pagbili. Markahan mo ng tsek (/) ang napili mong kategorya.

PRODUKTO PRESYO KITA OKASYON ENDORSER UTANG


Sapatos
Cellphone

1
Lechon
Bahay
Vitamin C

Ano ang natutunan mo sa gawaing ito? Hindi ba’t hindi madali ang bumili
ng produkto na nais natin lalo na’t marami tayong kailangang isaalang-alang?
Gayundin, tiyak na kasali sa mga isinaalang-alang mo sa paggawa ng desisyon ay
ang mga salik katulad ng presyo, kita, okasyon, endorser, at utang na
nakakaapekto sa pagkonsumo.

Aralin
Mga Salik na Nakaaapekto
5 sa Pagkonsumo
Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawaing pangkabuhayan na malaki
ang epekto sa produksiyon at distribusyon ng mga produkto at serbisyo. Mayroong
mga salik na lubos na nakakaimpluwensiya sa gagawing pagkonsumo. Iba- iba ang
digri, uri, at dami ng pagkonsumo ng produkto at serbisyo batay na rin sa salik na
isinasaalang-alang ng konsyumer. Gayundin, magkakaiba ang pag-uugali ng mga
konsyumer sa paggawa ng desisyon sa pamimili. Ang mga ito ay paunang ideya pa
lamang sa ating magiging talakayan.

Balikan

Halika’t alalahanin at tukuyin mo ang uri ng pagkonsumo batay sa pahayag


ng bawat bilang. Piliin mo at isulat sa guhit ang napili mong TITIK.

Mga pagpipilian:
a. Tuwiran b. Produktibo c. Maaksaya d. Mapanganib

_____1. Sa tuwing recess, kanin, at ulam ang binibili ng magkaibigang Esha at


Bravo.
_____2. Ang barkada ni Kuya Buboy ay laging umiinom ng alak.
_____3. Si Eli ay bumili ng harina at saging para gumawa ng banana cake bilang
meryenda ng kanyang mga bisita.
_____4. Galit na galit ang nanay ni Pearl nang makitang umaagos ang tubig
palabas ng bahay nila dahil sa naiwang bukas na gripo sa kusina.
_____5. Namili ng kahoy si Jun para gawing kabinet ng mga damit niya.

2
Binabati kita! Mahusay at matagumpay mong natutunan ang nagdaang
aralin.

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng
mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Binigyang
pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa 5Cs na kasanayan:
pakikipagtalastasan (Communication); pagtutulungan (Collaboration);
pagkamalikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at
pagbuo ng pagkatao (Character building. Makikita rin ang aralin na ito
online. Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang :
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-
aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian upang
matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda
sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay nang malinaw na instruksiyon sa pagkatuto.

Tuklasin

Gawain: Pili na Suki! (Mapanuring Pag-iisip at Pagbuo ng


Pagkatao)

Ako si Piggy! BInabati kita! Ikaw ay nanalo ng Gift


https://www.google.c
Check na 1,500 pesos  Maaari mo itong gamitin sa
loob ng 1 buwan at sa shop lamang ni Eli.
om/search?q=CONSU
MER+CLIP+ART&rlz=1
C1CHBF PH887PH8

Hi!! Ako si Eli, ang magiging assistant mo sa iyong


pamimili. Masuwerte ka at ngayong araw ay marami
kaming naka-sale na produkto na maaari mong pagpilian.

https://www.google.com
/search?q=CONSUMER+C
LIP+ART&rlz=1C1CHBF e

3
https://www.google.com/searc
h?q=tv+clip+art&tbm=isch&ve

Sneakers Class A
Flat TV Foldable Bike
Presyo: 1,300
Presyo: 1,400 Presyo: 1,200
Buy1 Take 1
10% Discount Today! Last Stock

Alin sa mga paninda ni Eli ang bibilhin mo? Bakit? Paano


nakaimpluwensiya sa iyong pagpili ang mga sale pressures gaya ng discount at
promo bilang pang-akit sa mga kostumer? Nais mo bang malaman kung tama ang
iyong napili? Matutunan mo ngayon ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa
iyong pamimili sa patuloy mong ipagbasa.

Suriin

Kung ikaw ay online, maaari mong i-access ang ating aralin sa link na:
https://www.slideshare.net/jessicalovesu/mga-salik-na-nakakaaepkto-sa-
pagkonsumo
Kung ikaw naman ay offline, magpatuloy tayo sa ating modyul.

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO


Bahagi na ng pang-araw araw na buhay ng tao ang pagkonsumo. Magmula
sa pagkasilang ng sanggol komukunsumo na siya ng gatas, diaper, kasuotan,
gamit, bakuna, bitamina, atbp. Habang patuloy na lumalaki ang sanggol na ito,
magpaptuloy rin ang kanyang pagkonsumo hanggang sa pagtanda. Ang pagbili at
paggamit ng produkto at serbisyo ay ang pagtamo sa kapakinabangan mula rito
bilang tugon sa tila walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito
rin ang dahilan ng walang hanggang pagkonsumo ng tao.
Iba- iba ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng tao dahil narin sa
magkakaibang panlasa, katayuan sa buhay, katangian, edad, kabuhayan,
intensiyon, at lebel ng kasiyahan. Bunga nito, ang paraan at dahilan ng
pagkonsumo ng tao hindi magkakatulad. Alamin natin mula sa ibaba ang mga
salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao.

4
(1) Presyo - Ito ang halaga na katumbas ng isang produkto o serbisyo.
Madalas, mas mataas ang pagkonsumo sa mga produkto at serbisyo kung mababa
ang presyo dahil mas marami ang mabibili at mababa naman ang pagkonsumo
kapag mataas ang presyo ng mga bilihin. Halimbawa, ang paggamit ng mga sales
pressure techniques tulad ng flash sale, sales, discount, at promos ay malaking
impluwensya sa pagkonsumo ng tao.
(2) Kita - Ito ay tumutukoy sa salaping tinatanggap ng isang manggagawa
katumbas ng kanyang ginawang produkto at paglilingkod. Ayon kay John
Maynard Keynes, isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The General
Theory of Employment, Interest, and Money” na inilathala noong 1936, habang
lumalaki raw ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kanyang kakayahan na
kumunsumo ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita
ng tao ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kung kaya’t,
kapansin-pansin na mas maraming pinamimili ang mga taong kumikita ng malaki
kung ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang.
(3) Okasyon - Ito ay tumutukoy sa mahalagang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Ang mga okasyon katulad ng kaarawan, pista, Pasko, at iba pa, ang tao
ay tiyak na gagastos para ipagdiwang ito. Lalo na sa kultura ng mga Pilipino, ang
iba’t ibang okasyon ay pinagkakagastusan kahit na ipangutang pa ito kung minsan
makamit lamang ang kasiyahan.
(4) Mga Inaasahan – ang mga inaasahang mangyari sa hinaharap ay
nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng tao
na magkakaroon ng kakulangan ng supply ng alcohol at face mask dahil sa
COVID-19 virus, tiyak na taas ang pagkonsumo ng mga tao rito sa kasalukuyang
panahon bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap. Marami ang
magpapanic buying o di naman kaya ay mag-iimbak ng sobra-sobra sa kanilang
pangangailangan. Sa kabilang banda, may mga pagkakataon naman na nagtatabi
ng pera at binabawasan ang pagkonsumo bilang paghahanda sa mga posibleng
mangyari sa mga susunod na araw tulad ng emergency. Kapag positibo naman ang
pananaw sa hinaharap, maaga pa lang ay tumataas na ang pagkonsumo ng tao
dahil sa kanyang inaasahang tatanggaping bonus at iba pang insentibo.
(5) Pagkakautang – kapag ang tao ay marami ang pagkakautang, likas na
maglalaan siya ng bahagi ng kanyang salapi upang ipambayad. Kung kaya’t ito ay
magdudulot ng pagbaba sa kanyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kanyang
kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Sa kabilang banda, tataas naman
ang kanyang kakayahang komunsumo kapag kaunti o nabayaran na niya ang
kanyang pagkakautang. Ang pagkakaroon sa kasalukuyan ng credit card ng mga
tao ay nagsasanhi rin upang magkaroon ng lakas ng loob at kakayahan ang
konsyumer na bumili ng nais niya kahit na wala siyang nakahandang salapi o cash
bilang pambayad sa produkto o serbisyo.
(6) Demonstration Effect o Pag-aanunsyo - Ito ay isang pamamaraan
upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin ang isang produkto o
paglilingkod gamit ang mga kilalang personalidad. Madaling maimpluwensiyahan
ang tao dahil sa mga anunsyong napapanood sa tv at social media o kaya naririnig
sa radyo. Ang panggagaya ng tao sa mga nakikita, napapanood, at naririnig niya
lalo kung ito ay ineendorso ng mga sikat na personalidad ang magpapataas sa
kanyang pagkonsumo. May mga tao naman na hindi naiimpluwensiyahan ng mga
nasabing salik kung kaya mababa ang kanilang pagkonsumo.
(7) Panahon - Nagbabago-bago ang pangangailangan at kagustuhan ng
isang tao dulot ng pagbabago ng panahon. Halimbawa, sa panahon ng tag-init,

5
kokonsumo ng malaki ang tao sa paggamit ng electric fan o aircon, pagbili ng
malalamig na pagkain, at mas madalas na pagligo para maibsan ang
nararamdamang init ng panahon. Ngunit, kapag malamig naman ang panahon,
bumababa ang pagkonsumo sa mga nabanggit. Pinapakita lamang nito na sa iba’t
ibang uri ng panahon, ang tao ay patuloy na kokonsumo upang maging
komportable.
(8) Panlasa - Ito ay tumutukoy sa mga nais na makamit batay sa panlasa o
kagustuhan ng isang indibidwal. Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamili ang
pagbili ng produkto o serbisyo. Iba-iba rin ang panlsa ng bawat tao ayon sa
kanyang interes, status sa buhay, uri ng pamumuhay o lifestyle, edad, atbp. Ito
ang mga nakakaapekto sa dami ng pagkonsumo ng tao.
Samakatuwid, ang pagkonsumo ng tao ay hindi maiiwasan lalo na ito ay
naiimpluwensiyahan ng mga salik tulad ng ipinapakita ng diagram sa susunod na
pahina.

PAGKAKA-
PRESYO UTANG

DEMONSTRATION
KITA
EFFECT

OKASYON PANAHON

MGA PANLASA
INAASAHAN

Mga Pag-uugali ng Konsyumer sa Pamimili


Ang paggawa ng desisyon ng isang konsyumer sa kanyang pamimili ay
apektado ng mga salik sa pagkonsumo. Ang pag-uugali ng konsyumer ay
tumutukoy sa kanyang pagpili, pagbili, at pagkonsumo ng mga produkto at
serbisyo bilang tugon sa kanyang kagustuhan at pangangailangan. Mayroong apat
na uri ng pag-uugali ng konsyumer sa kanyang pamimili.
(1) Nakaugaliang Pamimili – nilalarawan nito ang uri ng pagkonsumo kung
saan ang konsyumer ay gumagamit lamang ng kaunting oras para at pagod sa
paggawa ng desisyon ng pamimili. Karaniwang kinukunsumo ay ang mga murang
produkto katulad ng softdrink at meryendang pagkain.
(2) Limitadong Pagdedesisyon sa Pamimili – ang pagkonsumo ay
kalimitan o minsan lamang. Ito ay nangangailangan ng katamtamang oras upang

6
humanap ng impormasyon tungkol sa produkto o serbisyo. Halimbawa nito ay ang
pagpili at pagbili ng damit na may tatak o brand.
(3) Mahirap ng Pagdedesisyon sa Pamimili – ang pagkonsumo ay hindi
madalian at mangangailangan ng sapat na oras upang makagawa ng desisyon.
Kadalasan ang pagkonsumo sa napiling prosukto o serbisyo ay may kasamang
panganib. Halimbasa nito ang pagbili ng sasakyan o bahay, at pagpili ng kurso at
paaralan sa kolehiyo.
(4) Biglaang Pamimili – ang uri ng pagkonsumo kung saan ang konsyumer
ay biglaang (on the spot) bibili ng produkto o serbisyo na kanyang nakita. Ang
pamimi ay hindi nakaplano o wala sa badyet. Halimbawa nito ang pagbili ng
cellphone, sapatos o aklat.

Pagyamanin

Gawain: Konsyumer-Senaryo (Mapanuring Pag-iisip)

Binabati kita at matiyaga mong inunawa ang ating aralin. Subukan nating
alalahanin muli ang mahahalagang bahagi ng ating pinag-aralan sa pamamagitan
ng isang maiksing gawain. Handa kana ba?
Sa loob ng call out box ay isang sitwasyon o senaryo ng isang konsyumer.
Ang kailangan mong gawin ay tukuyin kung anong salik sa pagkonsumo ito. Nasa
ibaba ang mga pagpipilian mo. Isulat mo sa nakalaang kahon ang TITIK ng napili
mong sagot sa bawat bilang.

a. Presyo b. Kita c. Mga Inaasahan


d. Okasyon e. Pagkakautang f. Panlasa
g. Panahon h. Demonstration Effect

Ako si Jun. Gusto ko ang 1 2 Ako si Aling Ching, isang


mga mura ngunit matibay simpleng may-bahay.
na gamit habang kanyang Nang aking mabalitaan
kuya kung si Nido ay na maglo-lockdown sa
mahilig naman sa mga amin barangay agad
branded na gamit . akong namili ng pagkain.

Napanood ko sa TV na ang 3 4 Dr. Joaqin po. Pupunta


idol kong si Sarah G. ay ako ng England sa
may bagong ineendorsong panahon ng winter doon
shampoo. Bibilhin ko iyon kaya bibili ako ng
para maging maganda rin makapal na jacket na
ang buhok ko. may thermal sa loob.

7
Napakasaya ko dahil 5 6 Paparating na ulit ang
napromote ako sa trabaho kaarawan ni Lolo Nonilon
ko. Kaya gusto kung ilibre kaya nais ko sana siyang
ang aking mag-anak sa bigyan ng isang bagong
isang bakasyon at kainan. cellphone bilang sorpresa.

Nakita ko sa flash sale ng 7 8 Kailangan kung magtipid


Shopee na mayroong 50%
sa mga susunod na
discount sa diaper ng
sanggol. Dadamihan ko ang buwan dahil kakaltasan
order ko para kay Grace nako bilang bayad sa
dahil mas mura. kinuha kung bahay.

Isaisip

Ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo mo ay ang


mga sumusunod: • Pagkakautang
• Presyo • Panlasa
• Kita • Panahon
• Mga Inaasahan • Demonstration Effect
• Okasyon
Gayundin, mayroong apat na pag-uugali ang konsyumer ito
ay ang mga sumusunod:
• Nakaugaliang pamimili
• Limitadong pagdedesisyon sa pamimii
• Mahirap na desisyon sa pamimi
• Biglaang pamimili

8
Isagawa

Gawain: Reflection Time

(Pagbuo ng Pagkatao/ Mapanuring Pag-iisip at Pakikipagtalastasan)


Binabati kita!! Alam kung diyan sa isip mo ay maraming nadagdag na
kaalaman. Tiyak rin na napunuan rin ang puso mo kasiyahan sa tagumpay mo sa
mga gawain. Siyempre, ang mga baon mong bagong kaalaman ay handa mo
nang ilapat sa iyong buhay.
Maaari mo na ngayong ibahagi ang mga nilalaman ng isip at puso mo.
Gamit ang graphic organizer sa ibaba, halika’t masigla mong punan mo ito ayon sa
hinihiling na impormasyon.

Ang mga natutunan ko sa araling ito ay… Natanto ko na sa


buhay kapag may

bibilhin ako, kailangan
kung ....

Nakaramdam ako ng kasiyahan sapagkat…



Tayahin

Matapos mong matagumpay na maisagawa at maisulat ang mga natutunan


mo, tiyak na handa ka na sa isang maiksing pagsasanay. Basahin mong mabuti
ang bawat katanungan at bilugan ang pinakawastong sagot.

9
1.Ang pagkonsumo ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng tao. Alin sa mga
salik ng pagkonsumo angdahilan ng pagkakaiba sa paraan ng pagkonsumo ng
isang abogado at sang construction worker?
A. Kita B. Mga inaasahan C. Pagkakautang D. Pagbabago ng presyo

2. May mga ilang konsyumer na naiimpluwensiyahan ng mga anunsiyo sa radyo,


telebisyon, pahayagan at maging sa internet at iba pang social media na nagiging
dahilan sa pagtaas na pagkonsumo sa isang inendorsongprodukto. Alin sa
sumusunod na salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ang tinutukoy nito?
A. Kita B. Mga Inaasahan C. Demonstration Effect D. Pagbabago ng presyo

3. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan
ang pagkonsumo upangmapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na araw o
panahon. Anong salik na nakakaapekto sapagkonsumo ang ipinapahiwatig nito?
A. Kita B. Mga Inaasahan C. Demonstration Effect D. Pagbabago ng presyo

4. Nakadepende madalas ang dami ng pamimili at uri ng pamimilihing produkto


sa matitipid lalo na kung mayroong discounts,sale o promo.Anong salik ang
nakakaapekto sa pagkonsumo dito?
A. Kita B. Mga inaasahan C. Pagkakautang D. Pagbabago ng presyo

5. Tumataas ang pagkonsumo ng karne tuwing magpa-Pasko. Aling salik na


nakaaapekto sa pagkonsumo ang sumasaklaw dito?
A. Laki ng kita B. Presyo C. Okasyon D. Pag-aanunsiyo

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagkonsumo


A. Panahon B. Okasyon C. Pangagagaya D. Artista

7. Ito ay ang pagbibigay ng impormasyon upang hikayatin ang mga tao na


tangkilikin ang isang produkto at serbisyo.
A. Laki ng kita B. Presyo C. Okasyon D. Pag-aanunsiyo

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapagpapabago ng pagkonsumo


A. kita. B. presyo. C. okasyon. D. Wala sa mga nabanggit.

9. Pag-uugali sa pagkonsumo kung saan ang konsyumer ay gumagamit lamang ng


kaunting oras at pagod sa paggawa ng desisyon ng pamimili na nakasanayan na
niyang bilhin
a. Nakaugaliang pamimili b. Biglaang pamimili
c. Limitadong pagdedesisyon d. Mahirap na pagdedesisyon

10. Si Jeffrey ay ilang araw nang nag-iisip kung anong uri ng sasakyan ang
bibilhin niya para sa kanyang pamilya. Ang ganitong pag-uugali ay nagpapakita ng
a. Nakaugaliang pamimili b. Biglaang pamimili
c. Limitadong pagdedesisyon d. Mahirap na pagdedesisyon

10
Karagdagang Gawain

Gawain: Ano ang Pipiliin Mo? (Mapanuring Pag-iisip at


Pagbuo ng Pagkatao)
Binabati kita sa natapos mong maiksing pagsasanay. Sa gawaing ito nais
kong sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan at pangatuwiranan at
ipaliwanag mo ang iyong sagot.

Sa panahon ng tag-init ano ang nais mong kainin, halo-halo o lugaw?

Sa panahon ng kapaskuhan, ano sa tingin mo ang mabili ang Christmas


tree o cake?

Nais mong bumili ng bagong damit para sa pagdalo mo kaarawan ng iyong


kaibigan, saan ka mamimili sa SM o sa Ukay-ukay?

Sa panahon ng sakuna o krisis kung saan limitado ang paglabas ng mga


tao, ano ang mas pipiliin mong bilhin, noodles o gulay?

11
Sanggunian

A. PRINTED MATERIALS
K -12 MODULE Grade 9 Araling Panlipunan pp. 60 -68
Kayamanan, Imperial et al, Rex Book Store, pp 81-94

B. ONLINE MATERIALS
http://www.ijcrar.com/vol-2-9/Pinki%20Rani.pdf
https://www.edb.gov.hk/attachment/tc/curriculum-
development/kla/technology-
https://www.consumer.vic.gov.au/library/publications/resources
-and-education/teacher-resources/consumer-stuff-for-kids-a-
teaching-and-learning-resource.PDF
www.slidesgo.com

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like