You are on page 1of 29

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Mga Pangunahing Konsepto ng
Ekonomiks
Araling Panlipunan –Ika-siyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jovy A. Hinampas
Editor: Amalia C. Solis, EPS Araling Panlipunan
Tagasuri: Dulce S. Tawingan/ Ruby R. Denofra, AP Head Teachers
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS in Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS in Charge of LRMS and
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng National Capital Region

Department of Education – NCR


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Mga Pangunahing Konsepto ng
Ekonomiks
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Pangunahing Konsepto ng
Ekonomiks

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinibuho at isinulat upang matulungan kang mapag-aralan


ang kalikasan ng Ekonomiks. Ang kabuuan ng modyul na ito ay nagpapahintulot ng
paggamit nito sa iba't ibang kalagayan ng pagkatuto. Ang wikang ginamit dito ay
kumikilala sa mayamang lebel ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay
isinaayos batay sa pagkakasunud-sunod ng mga nilalaman ng asignatura. Maaring
magkaiba ang mga aralin batay sa teksbuk na iyong ginagamit sa kasalukuyan.

Sa modyul na ito tatalakayin ang mga paksang:

Kahulugan ng Ekonomiks
Kasaysayan
Ekonomiks bilang Agham
Dibisyon ng Ekonomiks

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nailalapat ang kahulugan ng


ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi
ng pamilya at lipunan.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin makakamit mo ang mga sumusunod na
layunin:

1. Nailalahad ang katuturan at kasaysayan ng Ekonomiks


2. Nasusuri ang Ekonomiks bilang isang agham panlipunan
3. Napaghahambing ang dalawang dibisyon ng Ekonomiks: Maykroekonomiks
at Makroekonomiks
4. Nakapagpapahayag ng saloobin sa paggawa ng mga desisyon bilang mag-
aaral, miyembro ng pamilya at lipunan

1
Subukin

Are You Smarter than a 9th Grader?

Panuto: Para sa mga online learners maaring i-


click ang link na
https://www.slideshare.net/atheenagreecia/are-you-
smarter-than-a-9th-grader-subukin-mga-pangunahing-
konsepto-week1-234755589 at i-download ito upang
ma-access ang nasabing laro. Samantalang
para naman sa mga offline learners basahing
mabuti at suriin ang mga sumusunod na
katanungan. Bilugan ang letra ng wastong
sagot at tandaan na ang bawat wastong
kasagutan ay may katumbas na halaga
hanggang sa marating ang PhP 1,000,000.00.
Good luck!
Php 1,000.00

_________1. Bakit itinuturing na isang agham panlipunan ang Ekonomiks?


A. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
B. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating
kapwa tao.
C. Pinag-iisipan dito ang mga suhestiyon upang maging mapayapa ang
ating daigdig.
D. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang pangangailangan at mapataas ang antas ng
kabuhayan.
Php 2,000.00

_________2. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang


yaman tulad ng yamang likas, yamang tao at yamang kapital. Bakit
nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa
pinagkukunangyaman ng bansa
B. Mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong
ibinebenta sa pamilihan
C. Mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman
D. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.

2
Php 5,000.00
____________3. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan
ng Ekonomiks. Alin ang nagpapahayag ng pinaka-angkop na
kahulugan nito?
A. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
B. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
C. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan
upang makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga
paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
D. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at
paglikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyong
makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa
presyo at paraang pinakamatipid

Php 25,000.00

___________4. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng Ekonomiks para sa mga


kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo
ng pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks.
C. Maisasaulo ang mga konsepto sa Ekonomiks upang madaling
makapasa sa kolehiyo.
D. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa
hinaharap.

Php 50,000.00

_________5. Sino sa mga sumusunod na mag-aaral na may baon na Php 1000 sa


loob ng 20 araw ang nagpapakita ng tamang pagpapasya?
A. Si Jinky na walang naipon dahil naubos lahat ang kanyang baon.
B. Si Joy na may naipong Php 800 at gumastos lamang ng Php 200.
C. Si Trisha na nakagastos ng Php 700 sa video games at gumastos ng
Php 300 sa baon niya.
D. Si Nicole na may bagong sapatos na may halagang Php 600 at may
ipon mula sa baon niya na Php 400.

3
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng
mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Binigyang
pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa 5Cs na kasanayan:
pakikipagtalastasan (Communication); pagtutulungan(Collaboration);
pagkamalikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at
pagbuo ng pagkatao (Character building). Makikita rin ang aralin na ito
online.
Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga
mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian upang
matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing
itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan
ng pagbibigay nang malinaw na instruksiyon sa pagkatuto.

4
Tuklasin

Gawain 1: Eko-balita Ngayon


Simulan natin ang pagtalakay sa mga
paksa ng araling ito sa pamamagitan ng
pagtukoy sa iyong kamalayan sa mga sumusunod na datos:

Para sa online learners I click ang link na


https://www.bookwidgets.com/play/T3NKTR?teacher_id=6399763384631296upang
mabuo ang
jigsaw puzzle at masuri ang mga larawan. I click naman ang link na:
https://www.menti.com/6zi5j92698 o i- scan ang QR code na nasa itaas upang
masagutan ang pamproesong tanong.

Maaring ma access ang kabuuan ng news letter sa link na:


https://www.canva.com/design/DAD9FK42AKQ/5lXcO_0WhIPUhwo6FjLovQ/view?utm_content=DAD9
FK42AKQ&utm_campaign=designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelink

Suriin ang mga ulo ng balita sa ibaba at sagutan ang mga pamprosesong
tanong

5
Pamprosesong tanong:

1.Tungkol saan ang mga ulo ng balita?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________
2. Alin kaya sa mga ito ang may kaugnayan sa Ekonomiks? Ano ang iyong mga
naging batayan?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3.Bilang mag-aaral, bahagi ng pamilya, at lipunan, sa paanong paraan kaya ito


maaaring makaapekto sa iyo? Ipaliwanag

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 2

KWHL Chart
Para sa online learners iclick ang link :
https://quizizz.com/admin/quiz/5ec183182befba001b4d
2bef/kwhl-chart at i enter ang game code na mula sa
iyong guro.
Para sa off line learners, buuin ang tsart sa ibaba
ayon sa hinihinging datos. Iwanan ang hanay ng
Learned

Know Want How Learned


(Ano –ANO ang (Ano-ano ang mga (Paano mo ito (Ano-ano ang
alam mo na sa nais mong matutunan?) mga bagong
paksa?) malaman pa?) natutunan mo sa
paksa?)
• • • •

6
Suriin

Ang unang aralin natin sa asignaturang ito ay tungkol sa mga pangunahing


konsepto ng Ekonomiks.

Marahil ay napapa-isip ka sa mga aralin at mga paksang tatalakayin dito.


Maaring naiuugnay mo ang Ekonomiks sa mga konsepto tulad ng pagnenegosyo,
pagbabadyet at pagkakaroon ng hanapbuhay mula sa mga naunang gawain. Gusto
kong sabihin sa iyo na bahagi lamang iyan ng mga paksang pag-aaralan natin.

Bilang panimulang pag-aaral, marami tayong paksang tatalakayin na kaugnay


sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks.

Kahulugan ng Ekonomiks
Ayon kay Paul Samuelson sa aklat na Economics, ang Ekonomiks ay isang
pag-aaral kung paano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong pinagkukunang
yaman upang makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang produkto at serbisyo sa
mga tao at iba’t ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap.
Ayon naman kay Paul Wonnacott sa aklat na Economics 4th Ed., ang
Ekonomiks ay isang pag-aaral kung paanong ang tao ay naghahanapbuhay,
naghahanap ng pagkain at iba pang mga pangangailangang materyal. Binibigyang
pansin dito ang mga suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng mga
pamamaraan kung paano mababawasan ang mga ito.

Sa makatuwid ang Ekonomiks ay isang Agham Panlipunan na tumutukoy sa


paggamit at alokasyon ng mga limitado o kapos na pinagkukunang-yaman ng
lipunan upang makalikha ng pinakamahusay at dekalidad ng mga produkto at
serbisyong makatutugon sa paparaming pangangailangan at kagustuhan ng tao sa
pinaka-episyente at patas na pamamaraan

Mapapansin sa ating pagpapakahulugan ang ilang mahahalagang konsepto


tulad ng Agham Panlipunan, Kakapusan (Scarcity), Pinagkukunang-yaman (Natural
resources), Pangangailangan (Needs), Kagustuhan (Wants). Ngunit anu-ano nga ba
ang mga koseptong ito at paano ang mga ito ay magkakaugnay sa isat isa

Agham Panlipunan- Itinuturing ng isang Agham Panlipunan ang Ekonomiks


sapagkat sistematikong pinag-aaralan ang interaksyon ng ibat-ibang yunit ng
lipunan tulad ng mga ugnayan ng indibidwal, pangkat at institusyong bumubuo sa
lipunan. Gumagamit din ito ng siyentipikong pamamaraan upang suriin at
ipaliwanag kung paano nagpapasya ang lipunan kaugnay ng paggamit sa kapos na
pinagkukunang-yaman upang tugunan ang walang katapusang pangangailanagan
at kagustuhan ng tao.

7
Ang Pamamaraang Sayentipiko

•Paglalahad ng suliranin Pagtukoy sa pangunahing katanungan o


1
suliraning kinahaharap ng isang sitwasyon o
•Pagbuo ng hinuha
kaganapan.
2 (Hypothesis)
•Pagkalap ng mga datos at
3 pagproseso dito Pagbibigay ng inisyal na kasagutan sa
pangunahing tanong o suliranin.
•Aktwal na pagpapatunay
4 o pagsubok
Pagsasagawa ng mga pamaraan upang
•Pagbibigay ng
makalikom ng mga datos tulad ng
5. Konklusyon
pakikipanayam o pagsasaliksik

Pagsusuri kung tugma ang mga datos sa


hinuha at pagsagot muli sa mga katanungan
batay sa nalikom na datos

Pagbibigay ng pinal na pahayag at kasagutan


batay sa mga nalikom sa datos

Sa kabilang banda, kaugnay ng paggamit ng mga sayentipikong pamamaraan


ay ang mga pagsisiyasat sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa mga pangyayari at
pagbibigay ng kuro-kuro sa mga mga dapat gawin sa isang partikular na sitwasyon.
Tinatawag na Positive Economics ang paglalarawan at pagpapaliwanag sa isang
kaganapang pang-ekonomiya batay sa mga konsepto, teorya o pahayag na resulta
ng masusing pagsisiyasat at pananaliksik. Tinatawag naman na Normative
Economics ang paglalahad ng panukala o value-laden na pahayag tungkol sa kung
ano ang dapat na gawin sa isang kaganapang pang-ekonomiya.

Halimbawa:
Kapag tumaas ang presyo ng produktong itinuturing na luho ay lumiliit ang
quantity demanded nito. Positive Economics ang pahayag sapagkat inilalahad
nito ang naobserbahang kaganapan.
Kapag tumaas ang presyo ng produktong itinuturing na luho ay dapat iwasan
muna ang pagkonsumo nito. Normative economics sapagkat naglahad ito ng
panukalang gagawin kaugnay ng kaganapan.

Isa rin sa mga mahahalagang konsepto ng ekonomiks ay ang konsepto ng


Kakapusan ito ay umiiral gawa ng hindi kasapatan ng mga pinagkukunang- yaman
upang mapunan ang panganagailangan at kagustuhan ng tao. Ang
Pangangailangan naman ay tumutukoy sa mga bagay o sitwasyon na dapat matamo
ng isang tao upang mabuhay mula sa pagkain, damit, tirahan, seguridad, at maging
ang pagmamahal. Samantala, ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa
batayang pangangailangan ay tinatawag na Kagustuhan. Ito ay mga bagay na
maaring wala ang isang tao na patuloy na ninanais matamo sapagkat ito ay
nakapagbibigay ng kaginhawaan at kasiyahan sa buhay.

8
Nakapaloob naman sa konsepto ng Efficiency ang masinop na paggamit sa
mga pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao na siyang pangunahing tuon ng ekonomiks. Subalit hindi
masasabing episyente ang paggamit ng likas na yaman kung hindi ito
mapakikinabangan ng lahat sa pantay at makatarungang pamamaraan. Ito naman
ang konsepto ng Equality. Ayon dito, ang yaman na dapat mapasakamay ng tao ay
nakabatay dapat sa hirap at haba ng kanyang pagpapagod sa pagkamit nito. Sa
kabilang banda, Sustainability naman ang tawag sa paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman nang hindi nanganganib ang kakayahan ng susunod na
henerasyon na tugunan ito.

Kasaysayan
Ang salitang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na “Oikonomia” na
ang orihinal na kahulugan ay pamamahala sa sambahayan. Ang Oikonomia ay
nagmula sa salitang Oikonomos na galing sa dalawang salita na Oikos na
nangangahulugang bahay at Nomos na nangangahulugang pamamahala. Ang
Ekonomiks ay unang nakilala bilang Political Economy na siyang pinaka sentro ng
pag-aaral ng mga pilosopo at unang mukha nito.
Ito ay nagsimula bilang mga kaisipang pangkabuhayan ni Aristotle at
naipagpatuloy sa mga mag-aaral ng Medieval Scholastics. Subalit ang unang
sistematikong kaisipan nito ay nagmula sa mga merkantilista noong ika-17 at ika-
18 siglo. Pinaniniwalaan sa merkantilismo na ang pagkakaroon ng pilak at ginto
ang siyang batayan ng pagyaman ng isang bansa na hindi sinang-ayunan ng mga
Physiocrats sapagkat ayon sa kanila, ang kalikasan o mga klase ng yaman ng bansa
(Rule of Nature) ang siyang mahalaga sa pag-unlad ng isang Ekonomiya.
Kinakailanagan ang likas-kayang paggamit sa mga pinagkukunang yaman upang
lubusang matamo ang kapakinabangan sa mga ito. Isa si Francois Quesnay at ang
kanyang Tableau Economique sa mga tagasuporta ng paniniwalang ito.

Ang pagkakaroon naman ng mga magkasalungat na pananaw ng mga


Merkantilista at Physiocrats ang nagbigay daan upang makilala ang mga Classicist
at pagsisimula ng Classical Economics.

Ang ilan sa mga ekonomista na nakilala dito ay si Adam


Smith, ang Ama ng Makabagong Ekonomiks. Siya ay nakilala
sa kanyang Laissez Faire o Let Alone Policy na nagpahayag
na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa pagpapa-unlad
ng mga industriiya. Siya rin ang may akda ng aklat na An
Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations
at nagpakilala sa konsepto ng espesyalisasyon, Division of
Adam Smith labor, Invisible Hand at The Theory of Moral Sentiments.
Pinagkunan ng Larawan:

Sa kabilang banda, si David Ricardo naman ang


https://en.wikipedia.org/wiki/Adam_Smith

nagpakilala sa Batas ng Lumiliit na Pakinabang o Law of


Diminishing Marginal Returns. Ayon dito hihina ang
produktibidad sa paggawa dahil limitado ang lupa at likas na
yaman. Habang patuloy na ginagamit ang
David Ricardo lupa, bumababa ang pakinabang at
tuluyang hihina ang produksyon nito.
Ang kanyang aklat na Principles of
Pinagmulan ng larawan:
https://www.google.com.ph/search?q=David+Ricardo&sxsrf=ALeKk03WF4aZDLdLnaDQ_1o7ZV
UoYuyz8Q:1590252926347&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjsl5zmucrpAhURK6Y
KHV-YBxYQ_AUoAXoECBkQAw&biw=1164&bih=582#imgrc=oJ7AXQQredocMM

9
Economy and Taxation naman ang nagbigay linaw sa Theory of Value,
pagbubuwis at pandaigdigang kalakalan.Ipinaliwanang rin niya ang prinsipyong
Comparative Advantage na nagsasaad na lumilikha ang isang bansa ng mga
produkto o serbisyo na higit na mababa ang gastos samantalang ang mga produkto
o serbisyo na malilikha sa higit na mataas na gastos ay aangkatin na lamang.
Kay Thoma Malthus naman nagmula ang The Principles of Population as it
Affects the Future of the Society na nagsasabing mas mabilis na tumaas ang
populasyon kumpara sa produksyon ng pagkain.
Matapos ang Classical Economics at mga Classicist ay ang pagiging tanyag
ng mga Neo-classicist. At konsepto ng Neoclassical Economics. Sila ay naniniwala
sa kakayahan at kapangyarihan ng malayang pamilihan at ganap na kompetisyon
upang tugunan ang pangangailangan ng lipunan. Ang ilan sa kanila ay sina Leon
Walras at ang kanyang General Economic System, Alfred Marshall at ang kanyang
The Principle of Economics., at Vilfredo Pareto sa kanyang Pareto Principle.
Nasimulan naman ang Marxism sa pangunguna ni ni
Karl Marx at Friedrich Engels sa kanilang aklat na
Communist Manifesto, Masusing pinag-aralan ni Karl
Marx ang sistemang kapitalismo sa kanyang aklat na Das
Kapital, ayon sa kanya dapat kumpiskahin ang
pribadong pag-aari na gamit sa produksyon, gawin itong
pag-aari ng buong lipunan at alisin ang sistema ng
pasahod. Tinalakay niya sa kanyang Labor Theory of
Karl Marx Value na ang halaga ng anumang produkto ay
Pinagmulan ng larawan:
https://www.google.com.ph/search?q=karl+marx&hl=en&sxsrf=ALeKk03-5Jkdk-
nakadepende sa dami ng paggawa na kinakailangan
upang malikha ang mga ito.
ZSQ9y7v3OQtYVIynUiYQ:1590253948166&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2a
hUKEwig6rrNvcrpAhWENaYKHa1NAzUQ_AUoAXoECB0QAw&biw=1164&bih=582#
imgrc=j8e9FCFgwNTSZM

Samantala, nakilala naman ang Keynesian


Eonomics sa katauhan ni John Maynard Keynes at
ang kanyang General Theory of Employment
Interest and Money. Ayon sa kanya ang krisis sa
ekonomiya ay bunga nang hindi wastong paggastos at
maiiwasan lamang ito kung aktibong makikilahok ang
pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng John Maynard Keynes
patakarang piskal at patakarang pananalapi. Pinagmulan ng larawan:
https://www.google.com.ph/search?q=john+maynard+keynes&tbm=isch&ved=2ahUKE
wib4OfLvsrpAhUI4pQKHcE2AD8Q2-
cCegQIABAA&oq=john&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQI
ABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgIIADICCAA6BAgjECc6BwgjEOoC
ECdQqQ1Y2h1g1itoAXAAeACAAZgDiAGRCZIBCTAuMy4wLjEuMZgBAKABAaoBC2d3cy
13aXotaW1nsAEK&sclient=img&ei=hVrJXtuJCIjE0wTB7YD4Aw&bih=582&biw=1164&
hl=en#imgrc=Z1EoJkCnccR_FM

Dibisyon ng Ekonomiks
Ang Maykroekonomiks ay nakatuon sa galaw at desisyon ng bawat bahay
kalakal at sambahayan. Ito ay sumusuri sa bawat indibidwal na yunit sambahayan,
bahay-kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng bawat indibidwal ay
napakahalaga sa pag-unawa ng ekonomiya. Kung susuriin, ang mga suliranin ng
mga mamimili at nagbibili sa mga pamilihan, presyo ng bilihin, demand at suplay,

10
produksyon ng isang kumpanya o negosyante, at pagtaas at pagbaba ng presyo ay
kabilang sa Maykroekonomiks.
Pinag-aaralan din dito kung paano magkakaroon ng malaking tubo mula sa
maliit na puhunan, paglago ng negosyo, at malikhaing paggamit ng mga salik ng
produksyon upang mapalago ang produksyon at kita ng indibidwal na negosyante o
ng mga bahay-kalakal.

Ang Makroekonomiks naman ay nakatuon sa kabuuang ekonomiya ng isang


bansa. Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang pangkahalatang
antas ng presyo at pambansang kita.

Ang pagtutuos ng pangkalahatang produksyon at kita ng lahat ng puwersa


ng paggawa sa isang bansa ay kabilang dito. Ang pagsusuri sa GNI at GDP, mga
paglago ng kita produksyon ng iba’t ibang sektor, at ang paglutas ng kahirapan. Ang
pagsusuri sa pangkalahatang kalagayan ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa ay
sakop din ng Makroekonomiks.

Dibisyon ng Produksyon Presyo Kita


Ekonomiks
Maykro- Produksyon ng Presyo ng bawat Distribusyon ng
ekonomiks bawat industriya kalakal kita ng bawat tao
Makro- Pambansang Kabuuang lebel ng Pambansang kita
ekonomiks Produksyon presyo

11
Pagyamanin

Gawain 1. EKO-BULUHAN
(Pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip)

Batay sa mga natalakay na paksa, gumawa ng sariling mind


map Maaaring mag generate ng mind map gamit ang link na
ito https://creately.com/solutions/education/ o https://bubbl.us/

Para sa off line learners, maaaring gamitin ang multiple


meaning map sa ibaba sa pamamagitan ng pagpunan sa mga
text box

EKONOMIKS

12
Gawain 2: Eko-knowthem (Memory Game)
(Mapanuring Pag-iisip)
 Para sa mga online learners, i-click ang link
na
https://www.bookwidgets.com/play/Z3W4
ZL?teacher_id=6399763384631296 upang
ma-access ang bookwidget memory game.
 Para naman sa mga offline learners,
Ipagpatuloy ang daloy ng mga kaganapan at
pangkaisipang pang-ekonomiya gamit ang
Flow Chart sa ibaba.

Physiocrats 4..________
5.._________

The Principles
Tableau of Population
Economique as it Affects the
Future of the General
Society Economic
System

1..__________ 3.__________

Leona Walras

Theory of
Classicist Comparative
Advantage
Marxism

Laissez
Faire 2..__________
Karl Marx

13
Gawain 3: Situation- Knowmics (Mapanuring Pag-iisip)

Para sa on line learners, i-download ito upang ma-


access ang laro.
https://www.slideshare.net/atheenagreecia/are-you-smarter-
than-a-9th-grader-subukin-mga-pangunahing-konsepto-
week1/edit?src=slideview&type=privacy

Para sa off line learners: Suriing mabuti ang mga


sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung saang
dibisyon ng Ekonomiks ito kabilang.

_______________1. Pagsisimula ng maliliit na negosyo ni Jinky


_______________2.Pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin
_______________3.Paglaki ng utang panlabas ng bansa upang pondohan ang badyet kontra
Covid-19
_______________4.Pagiging in-demand ng hamon sa tuwing sasapit ang kapaskuhan
_______________5.Palagiang pamimili ni Maricris sa tuwing may sale sa SM
_______________6.Pagpapasya ni Rhoda sa alokasyon ng badyet ng kompanya
_______________7.Pamimili ni Lena ng karagdagang makinarya
_______________8.Pagtaas ng Employment rate ng bansa
_______________9.Patuloy na pagtaas ng kabuuang bansang produkto (GNP)
_______________10 .Pagtaas ng importasyon ng bigas ng bansa

Isaisip

1. Ekonomiks mula sa salitang Griyego na Oikonomia na nangangahulugang


pangangasiwa sa sambahayan.
2. Ang Ekonomiks ay isang agham sapagkat gumagamit ito ng sayentipikong mga
pamamaraan sa paglalahad ng mga datos. Ito ay isang agham panlipunan
sapagkat sistematikong pinag-aaralan ang interaksyon ng ibat-ibang yunit ng
lipunan tulad ng mga ugnayan ng indibidwal, pangkat at institusyong bumubuo
rito.
3. Mayroong dalawang pamamaraan ng pagsisiyasat ang Ekonomiks: Positive
Economics at Normative Economics
4. Maraming mga kaisipan ang sumibol ukol sa pag-aaral ng Ekonomiks. Kasabay
nito ang pagiging tanyag ng mga ekonomista na nagpayaman ng mga kaisipang

14
ito tulad nina Adam Smith, David Ricardo, Karl Marx, Francois Quesnat at
marami pang iba. .
5. Nahahati sa dalawang dibisyon ang pag-aaral ng Ekonomiks, ang
Makroekonomiks at Maykroekonomiks
6. Punan ang tsart na nasa ibaba.

Know Want Learned


(Ano ang (Ano-ano How (Ano-ano ang mga natutunan
alam mo na ang mga (Paano mo mo sa paksa?)
sa paksa?) nais mong ito
malaman matutunan?)
pa?)
• • • ___________________________________
___________________________________

Mahalaga ang Ekonomiks sa pang-


araw-araw na pamumuhay
sapagkat ang mga konseptong
nakapaloob dito ay nagsisilbing
gabay sa paglikha ng tamang
pagdedesisyon.

Isagawa

Gawain 1: Badyet-grapiya (Pagkamalikhain, Mapanuring Pag-iisip, at


Pagbuo ng Pagkatao)
Layunin ng gawaing ito na subukin ang iyong kaalaman sa wastong paggamit ng
pinagkukunang yaman kabilang na ang salaping baon mo sa paaralan. Ipagpalagay
natin na ikaw ay binigyan ng PhP 500.00 para sa isang linggo. Paano at saan mo
gagamitin ang salaping ito?
 Para sa mga online learners i click ang link na: https://infogram.com/ at mag
sign up gamit ang inyong google account. Matapos ay i- click ang create a project
at piliin ang blank template i- click naman sa bahaging kaliwa ang add chart
button at piliin ang doughnut o pie chart sample.
 Para naman sa mga offline learners gawin ang nasabing gawain sa tulong ng pie
na nasa ibaba. Note: Mas mainam na gumamit ng pangkulay para sa legend nito.

15
Para sa mga online learners i click ang link na: https://infogram.com/ at
mag sign up gamit ang inyong google account. Matapos ay i- click ang create
a project at piliin ang blank template i- click naman sa bahaging kaliwa ang
add chart button at piliin ang doughnut o pie chart sample.
Para naman sa mga offline learners gawin ang nasabing gawain sa tulong
ng pie na nasa ibaba. Note: Mas mainam na gumamit ng pangkulay para sa
legend nito.

LEGEND MGA BAHAGDAN


PAGLALAANAN

16
Gawain 2: Budget Challenge (Pagkamalikhain, Mapanuring pag-iisip, at
Pagbuo ng Pagkatao)
Nang dahil sa Covid-19 Pandemic disease, marami sa ating mga kababayan
ang nawalan ng hanapbuhay lalo na ang mga kabilang sa impormal na sektor tulad
ng mga nasa sektor ng transportasyon. Kung ikaw ay kabilang sa pamilyang ito at
nabigyan ng ayudang ₱8,000.00 mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng
pamahalaan, papaano mo ito mapagkakasya sa pamilyang mayroong apat na
miyembro para sa isang buwang panustos ng inyong pagkain sa araw-araw? Itala sa
monthly calendar ang halaga ng iyong paggasta at ang detalye ng inyong menu sa
bawat araw saloob ng isang buwan.

 Para sa mga online learners maaring-idownload ang file format sa link


na:https://drive.google.com/open?id=1Nxi2LDxPmdGlxBESEtzkZHiNoilp04j.
 Para naman sa mga offline learners itala ang iyong sagot sa ibaba.

Notes:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Month___________Year___________

Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday

17
Tayahin (Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan


ang letra ng wastong sagot.

On line learners:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScvOcXhIxlp3t33L6m4zLhOUKhAHsNk0N59E5jb4wLab45B2
g/viewform?usp=sf_link

Offline learners: Sagutan sa inyong sagutang papel.

_________1. Alin sa sumusunod na suliranin ang may direktang kaugnayan sa pag-


aaral ng Ekonomiks?
A. Kailan masasabing malaya ang isang bansa?
B. Bakit maraming kabataan ngayon ang nagkakaroon ng depression?
C. Bakit maraming Pilipino ang nagnanais magtrabaho sa ibang bansa?
D. Paano malulutas ang suliranin sa pagdami ng solid waste sa bansa?
_________2. Bakit itinuturing na isang agham panlipunan ang Ekonomiks?
A. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
B. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating
kapwa tao.
C. Pinag-iisipan dito ang mga suhestiyon upang maging mapayapa ang
ating daigdig.
D. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang pangangailangan at mapataas ang antas ng
kabuhayan.
_________3. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng
Ekonomiks. Alin ang nagpapahayag ng pinaka-angkop na kahulugan
nito?
A. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
B. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
C. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan
upang makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga
paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
D. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at
paglikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyong
makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa
presyo at paraang pinakamatipid
_________4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang
yaman tulad ng yamang likas, yamang tao at yamang kapital. Bakit
nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa
pinagkukunangyaman ng bansa
B. Mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong

18
ibinebenta sa pamilihan
C. Mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman
D. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
_________5. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng Ekonomiks para sa mga
kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo
ng pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks.
C. Maisasaulo ang mga konsepto sa Ekonomiks upang madaling
makapasa sa kolehiyo.
D. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa
hinaharap.
_________6. Sino sa mga sumusunod na mag-aaral na may baon na Php 1000 sa loob
ng 20 araw ang nagpapakita ng tamang pagpapasya?
A. Si Jinky na walang naipon dahil naubos lahat ang kanyang baon.
B. Si Joy na may naipong Php 800 at gumastos lamang ng Php 200.
C. Si Trisha na nakagastos ng Php 700 sa video games at gumastos ng
Php 300 sa baon niya.
D. Si Nicolet na may bagong sapatos na may halagang Php 600 at
may ipon mula sa baon niya na Php 400.
7. Bilang isang matalino at mapanagutang mag-aaral ng Ekonomiks, ano ang
dapat mong isaalang-alang sa iyong pagpapasya sa pang-araw araw na
pamumuhay?
A. Itsura at porma.
B. Hilig at kagustuhan
C. Magiging bunga ng desisyon.
D. Relihiyon, paniniwala at tradisyon.

_________8. Ang mga sumusunod ay maituturing na kabilang sa Normative


Economics maliban sa?
A. Kapag tumaas ang presyo ng mga produktong itinuturing na luho ay
lumiliit ang quantity demanded dito.
B. Kapag tumaas ang presyo ng mga produktong itinuturing na luho
dapat iwsan muna ang pagkunsomo dito.
C. Kinakailangang palawakin pa ng Pamahalaan ang pamamahagi ng
Social Amelioration Program nito
D. Dapat magpatupad muli ng Enhance Cummunity Quarantine ang
Pamahalaan sakaling magkaroon ng second wave and Covid-19

19
Karagdagang Gawain

Gawain 1: Eko-Milya (Ang Ekonomiya at aking Pamilya)


(Pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip, at pagbuo ng pagkatao)

Masasabing napakapalad natin sa kasalukuyan sapagkat nabigyan tayo ng


pagkakataon na harapin ang “New Normal” na uri ng pamumuhay Ang pakikiisa at
pagtutulungan ng bawat kasapi ng pamilya ay mahalaga upang tugunan ang mga
suliraning dulot ng COVID-19 Pandemic Disease. Kaugnay nito, basahin ang
sumusunod na panuto upang maisagawa ng wasto ang gawain.

1. Magdikit ng larawan ng inyong pamilya sa espasyo sa ibaba


2. Magsaliksik o lumikom din ng mga larawang may kaugnayan sa ginawang hakbang o
pamamaraan ng inyong pamilya kontra COVID-19. .
3. Sumulat ng sanaysay na binubuo ng dalawa o higit pang talata na tumatalakay sa
kahalagahan ng paggawa ng tamang desisyon o pagpapasya sa paggamit sa
pinagkukunang yaman, pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga
kasapi ng iyong pamilya sa panahon ng pandemya.
4. Tukuyin sa sanaysay ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay.(Magbigay ng partikular na mga halimbawa) at ipaliwanag din sa iyong
sanaysay kung paano nakatutulong sa inyong pamilya ang wastong kaalaman sa
Ekonomiks.
5. Sumangguni sa rubriks bilang batayan ng pagmamarka

On line learners: Maaaring isagawa sa pamamagitan ng apps na


• https://apps.apple.com/us/app/collect-photo-journal-diary/id580393108 para sa
(Mac, Windows, Linux, iOS, Android, Web) https://www.canva.com/
Off line learners: Gawin ito sa isang buong papel

20
Rubric sa Pagmamarka
Pamantayan Diskripsyon Puntos Nakuhang
puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay na larawan at 7
paliwanag ay tumutugma sa konsepto
ng gawain.
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang 6
impormasyon. May pinagbatayang pag-
aaral, artikulo o pagsasaliksik ang
ginamit na datos
Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy 4
ng output.
Pagkamalikhain May sariling istilo ng pagsasaayos ng 3
Gumamit ng mga angkop na disenyo at
kulay upang maging kaaya-aya ang
kaanyuan ng produkto.
Kabuuan 20

21
Sanggunian

Mga Aklat

• Balitao, et. al. (2012) Ekonomiks mga Konsepto at Aplikasyon. Vibal


Publishing House, Inc. Quezon City, Metro Manila.

• Case, Fair and Oster (2009). Principlesof Economics.Pearson Education Inc.


USA

• Deped’s Learners Module (2015) Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul


Para sa Mag-Aaral (1st Edition). Vibal Group, Inc. Pasig City, Philippines.

• Imperial et. al. (2007) Turning Points IV “Economics “(1st Edition). Rex
Bookstore, Inc. Sampaloc, Manila.

• Mankiw, G. (2004). Principles of Economics (3RD Edition ) Thomson Asian


Edition, Thomson Learning Asia, Singapore

Other printed materials

• Deped’s Curriculum Guide (2013). Vibal Group, Inc. Pasig City, Philippines.
• Vibal. Activity Sheets – Secondary Learn At Home Kits Published as a public
service by Vibal Group, Inc. Copyright ©2020 by Vibal Group, Inc.

Websites

• https://www.econedlink.org/resources/learning-economics-with-minecraft-
productive-resources/
• https://www.khanacademy.org/
• http://www.neda.gov.ph/
• https://www.dbm.gov.ph/
• https://www.pinterest.ph/
• www.slideshare.com
• www.google.com

22

You might also like