You are on page 1of 30

9

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Salik ng Produksiyon
Araling Panlipunan – Ikasiyam na baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Salik ng Produksiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raquel C. Castro


Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD
Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad
Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David
Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD
Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros
Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado
Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librado M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Amando P. Yutuc, PhD
Emily F. Sarmiento, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region03@deped.gov.ph
9

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Salik ng Produksiyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Salik ng Produksiyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipuan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Salik ng Produksiyon!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa araling ito maiintidihan natin na ang lahat ng mga produktong ating


ginagamit ay hindi kaagad-agad napapakinabagan ayon sa ating kagustuhan.
Kinakailagan muna itong dumaan sa proseso gamit ang apat na salik ng
produksiyon.
Sa modyul na ito inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod na
kasanayan:

1. Natatalakay ang mga ibat-ibang salik ng produksiyon at ang implikasyon nito


sa pang-araw araw na pamumuhay.

Kaugnay nito, pagkatapos ng modyul ay inaasahan din na maisasagawa mo


ang mga sumusunod:
1. Natutukoy ang kahulugan ng produksiyon;
2. nasusuri ang ibat-ibang salik ng produksiyon; at
3. natatalakay ang mga salik ng produksiyon.

Subukin

Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

____ 1. Ang proseso ng paglikha o pagpapalit anyo ng isang produkto o


serbisyo ay kilala sa tawag na _________________.
a. Produksiyon
b. Preparasyon
c. Organisasyon
d. Imbensyon

____ 2. Ang mga ito ay kilala bilang mga bagay na kailangan upang mabuo ang
isang produkto
a. output
b. input
c. economy
d. interest

1
____ 3. Ang isa sa mga salik ng produksiyon na may takdang bilang kung
kaya’t kailagan tiyakin ang produktibong paggamit.
a. kapital
b. sahod
c. lupa
d. kita

____ 4. Ang salik ng produksiyon na tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan


ng isang tao para magsimula ng negosyo.
a. Entrepreneurship
b. Blue collar job
c. White collar job
d. kapital

____ 5. Ang isa sa mga uri ng lakas paggawa na tumutukoy sa kakayang


mental.
a. Profession
b. Deplation
c. White collar job
d. Blue collar job

____ 6. Ang lakas ng katawan ang higit na ginagamit sa uri ng lakas paggawa
gaya ng karpintero, drayber, basurero at marami pang iba?
a. Economiks
b. Produksiyon
c. White collar job
d. Blue collar job

____ 7. Ang tawag sa kita ng isang entreprenyur ay:


a. incentives
b. paluwagan
c. negosyo
d. tubo o profit

____ 8. Ang kinikilalang tagapag-ugnay ng mga salik produksiyon upang


makabuo ng mga produkto at serbisyo?
a. produkto
b. serbisyo
c. cashier
d. entreprenyur

____ 9. Ang tawag sa pakinabang o kabayaran na ipinagkakaloob sa isang


manggagawa?
a. sahod
b. bonus
c. incentives
d. overtime

____ 10. Ang tawag sa salik ng produksiyon na tumutukoy sa mga makinarya o


kasangkapan na gagamitin ng mga manggagawa sa paglikha ng
produkto ay _________________.
a. Proseso c. Kapital
b. Teknolohiya d. Investment

2
____ 11. Ang tawag sa salik ng produksiyon na kung saan ang mga likas na
yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapaki-pakinabang
kung hindi gagamitin at gagawing produkto.
a. Lakas Paggawa
b. Entrepreneurship
c. Kapital
d. Lupa

____ 12. Ang tawag sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng


produksiyon.
a. Lupa
b. Interes
c. Puhunan
d. Kabayaran

____ 13. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng manggagawang may


kakayahang mental maliban sa:
a. Doktor
b. Guro
c. Inhinyero
d. Karpintero

____ 14. Ang kapital ay maaring maiugnay sa imprastruktura ang mga


halimbawa nito ay ang mga sumusunod maliban sa:
a. gusali
b. tulay
c. kapital
d. kalsada

____ 15. Ang mga sumusunod ang mga katangian na dapat taglayin ng isang
entrepreneur upang maging matagumpay maliban sa:
a. May kakayahang pangasiwaan ang isang negosyo
b. May matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan
c. May inobasyon sa paggamit ng makabagong estilo sa paggawa
d. May lakas ng loob na makipagsapalaran.

Paalala: Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

3
Balikan

Sa nakaraang modyul, napag-aralan mo ang ibat-ibang sistemang pang-


ekonomiya. Balikan ang naturang paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na Gawain.

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang tamang sagot na hinihingi ng bawat
pangungusap.

___________ 1. Sa sistemang ito boluntaryo o kusa ang gawaing pang


ekonomiko, tanging konsyumer at prodyuser ang kumikilos
alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng
malaking pakinabang.

___________ 2. Mekanismo ito na layuning maisaayos na maipamahagi at


magamit ng tama ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa.

___________ 3. Pinahihintulutan sa sistemang ito na makagawa ng mga


pribadong pagpapasya, gayunpaman hindi ito
nangangahulugang ganap ang kanyang kapangyarihan.
Karamihan pa rin ng kanilang desisyon ay ginagabayan ng
pamahalahan.

___________ 4. Sa sistemang ito, masasabi na ang lipunan ay nakagagawa ng


alokasyon sa mga pinagkukunang-yaman batay sa kultura at
tradisyon at kaugalian ng mga tao.

___________ 5. Pamahalaan ang may kontrol at nagdidikta sa mga gawaing


pang-ekonomiko.

___________ 6. Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan ang


nagpapasya kung ano, paano, gaano at para kanino ang
produktong gagawin?

___________ 7. Sa pampamilihang ekonomiya, ang nagtatakda o humihikayat sa


prodyuser at konsyumer na gumawa at bumili ng produkto at
serbisyo ay ang ______________________.

___________ 8. Ang pangunahing dahilan bakit kailangan ang alokasyon at


sistemang pang ekonomiya sa bansa.

4
___________ 9. Sa sistemang ito payak ang pamumuhay kung kaya’t masabing
mabagal ang pag-unlad dahil kadalasan makalumang sistema
ang ginagamit.

___________ 10. Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at patakaran


upang maisaayos ang mga paraan ng produksyon, pagmamay-
ari at paglinang ng mga pinagkukunang yaman at pamamahala
ng mga gawaing pang-ekonomiko sa lipunan.

Napakahusay! naisagawa mo ng mabuti ang mga gawain bago ang aralin na ito.

Mga Tala para sa Guro

Mahalagang malaman natin na ang isa sa pinakamahalagang


konsepto sa ekonomiya ay ang produksiyon at ang mga salik
nito.Dahil sa pamamagitan nito nagkakaroon tayo ng kasiyahan
sa mga produktong ating kinokonsumo nagiging masigla rin ang
takbo ng ating ekonomiya dahil nagkakaroon ng pagbabagong
anyo ang mga produkto na inilalagay sa pamilihan ,ito ay ayon sa
ating kagustuhan.Sa kabila nito ang mga salik na produksiyon ay
may mga limitasyon din gaya ng mga likas na yaman kung kaya’t
dapat nating pahalagahan ang mga ito.

Tuklasin

Sinasabing ang produksiyon ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa


ekonomiya. Sa pamamagitan, nito naisasakatuparan natin ang bawat pagkonsumo
ng tao. Sa pamamagitan din ng produksiyon nagkakaroon tayo ng masiglang
ekonomiya dahil sa masiglang pagkonsumo ng mga konsyumer ayon sa kanilang
kagustuhan. Samakatuwid sa pamamagitan ng produksiyon nagkakaroon tayo ng
mga makabagong produkto.

5
KUWENTONG PAMPRODUKSIYON

Panuto: Basahing mabuti ang pag-uusap ng apat na salik ng produksiyon at punan


ng tamang sagot ang mga patlang na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

Magkaibigang Walang Iwanan


Ni: Raquel C. Castro

May apat na magkaibigang sina lupa, kapital, lakas-


paggawa at entrepreneur na nagtatrabaho sa isang
pagawaan. Habang abala ang lahat sa kanilang
ginagawa, biglang nagsalita ang isa sa kanila:

Lupa: Naisip ko lang kaibigang kapital, kung wala


pala ako mahirap magawa ang isang produkto o
serbisyo na ipinapagawa sa natin ng mga tao. Nang
dahil sa akin may tinitirahan kayong maayos na
lugar. Kaya dapat mas mataas ang tinatanggap kong
upa o renta bilang kabayaran ng aking serbisyo.

At sumagot si Kapital…..

Kapital: Naisip mo rin pala ‘yan kaibigang lupa. Naisip


ko nga na higit akong kailangan dahil sa taglay kong
bilis sa paggawa. Doble ang kaya kong gawin dahil sa
makinarya. Mas mataas dapat ang aking
matatanggap na interes.

Biglang sumagot si lakas paggawa na may kasamang


malakas na halakhak….

6
Lakas Paggawa: Hahahahaha! Ngayon nyo lang ba
naisip yan? Eh, sa dinami- dami na nang
napaglingkuran at nabigyan natin ng kasiyahan,
ngayon pa kayo nagrereklamo! Ako ang pinakapagod
sa ating apat, kaya ako dapat ang mas mahalaga at
mabigyan ng malaking sahod.
Biglang dumating si Entreprenuer na isa sa kanilang
kaibigan.

Entrepreneur- Oh! anong pinagbubulungan ninyo


diyan mga kaibigan. Wala ni isa man sa atin ang bida
sa pagawaan na ito. Lahat tayo ay mahalaga para
magawa ang iniuutos sa atin. Kung makatatanggap
man ako ng tubo o profit mula sa aking ginagawa ay
walang halaga kung wala lahat kayo, aking mga
kaibigan. Magtrabaho lang tayo at nang marami
tayong matapos.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga tungkulin ng magkakaibigan sa pagawaan?


2. Sino ang higit na mahalaga sa kanilang apat? Bakit?
3. Ano ang ipinahihiwatig na mensahe ng kuwento tungkol sa apat na
magkakaibigan?

Aralin

1 Salik ng Produksiyon

Suriin

Noong unang panahon, natutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan


sa pamamagitan ng saganang bunga ng kalikasan. Subalit sa pagdaan ng panahon,
nagkaroon ng lubhang pagtaas ng antas ng populasyon, higit na mas mataas sa
kayang makuha sa kalikasan. Dahil dito na nagkaroon ng suliranin sa kakapusan o
pangmatagalang kakulangan ng mga produkto. Sa ganitong sitwasyon, unti-unting
natutunan ng tao na huwag nang umasa sa kalikasan at magsimulang gumawa ng
mga produkto gamit din ang mga material na matatagpuan sa kalikasan. Nabatid
niya na ang kanilang mga pangangailangan ay maaring mapaunlad sa pamamagitan

7
ng paggamit ng mga iba’t ibang salik ng produksiyon gaya ng lupa, kapital,
entrepreneur at ang lakas-paggawa. Malaki ang ginagampanan ng apat na salik na
ito upang mapabuti ang mga produkto at serbisyo na ikokonsumo ng bawat tao sa
pamamagitan ng matalinong pagpapasya ng isang entreprenuer, tamang paggamit
ng kapital, masipag na manggagawa at tamang paggamit ng mga yamang likas gaya
ng lupa.

Produksiyon

Ang produksiyon ay tumutukoy sa isang proseso ng pagpapalit anyo ng isang


produkto sa pamamagitan ng pinagsama-samang salik nito. Ang mga salik na
ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Ang input ay ang mga bagay
na kailangan natin para makabuo ng produkto. Ang nabuong produkto naman ay
tinatawag na output. Halimbawa, ang arina ay puwedeng gawing tinapay. Ang harina
kabilang ang ibang sangkap ay tinatawag na Input. Samantalang ang tinapay na
nagawa mula sa harina ang siya naming tinatawag na Output.

MGA SALIK NG PRODUKSIYON

LUPA PAGGAWA KAPITAL ENTREPRENEURSHIP

Laging nating tandahan na nagiging posible ang produksiyon sa pamamagitan


ng mga pinagsamasamang salik ng produksiyon. Tara, pag-usapan natin ang
kahalagan ng mga ito at ating tingnan kung ano nga ba ang implikasyon nito sa
ating pang-araw araw na pamumuhay.

Lupa bilang Salik ng Produksiyon

Sa konsepto ng ekonomiks kapag sinabi nating lupa hindi lamang ito


tumutukoy sa lupang sinasaka o tinatamnan ng mga magsasaka bagkus ito rin ay
tumutukoy sa lahat ng yamang likas na matatagpuan sa ibabaw at ilalim nito. Tulad
ng yamang mineral, yamang tubig at yamang gubat.

Maraming pakinabang ang lupa sa kabila ng hindi ito nadaragdagan.


Masasabi natin na kaiba ang katangian ng lupa kung ikukumpara sa iba pang salik
ng produksiyon dahil ang lupa ay fixed o hindi nadaragdagan. Kaugnay nito ang
nagmamay-ari ng lupa ay maaring kumita sa pamamagitan ng upa o renta kapag ito
ay pinagamit.

8
Lakas Paggawa bilang Salik ng Produksiyon

Ang lakas paggawa ang sinasabing pinakamahalagang salik ng produksiyon


dahil ang mga likas na yaman, mga hilaw na materyal o sangkap ay hindi
maipoproseso kung wala ang mga manggagawa. Kaya naman, ang lakas paggawa ay
binubuo ng ng lakas, talino, kakayahan at abilidad na gawin o iproseso ang mga
sangkap para magkaroon ng transpormasyon ang mga ito.

Ang lakas paggawa ay binubuo ng dalawang uri: manggagawa may


kakayahang mental o white collar job at manggagawang may kakayahang pisikal o
Blue collar job. Ang mga manggagawang kinabibilangan ng may kakayahang mental
ay higit na kailangan ng talas ng isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa.
Halimbawa ng mga ito ay ang doktor, abogado, inhinyero, guro at iba pa.
Samantalang ang ikalawang uri ng lakas paggawa ay ang manggagawang may
kakayahang pisikal o Blue collar job. Kung sa white collar job higit na kailangan ang
kakayahang mental, sa blue collar job naman higit na kailangan ng isang
manggagawa ang lakas ng kanyang katawan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang
mga drayber, magsasaka, hardinero, tindero at iba pa.

Tinatawag na sahod o suweldo ang kabayaran ng mga manggagawa sa


paglikha ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa mga pangangailangan ng tao.

Malaking ambag ang naibibigay ng mga mangagagawang ito sa ating pang-


araw -araw na pamumuhay dahil sa pamamagitan nila natutustusan ng bawat tao
ang kanilang mga pangangailagan. Maaaring kung wala sila, napakapayak ng mga
produktong ating ginagamit kagaya noong sinaunang panahon.

Kapital bilang salik ng Produksiyon

Binubuo ang kapital ng mga gawang tao na ginagamit sa paggawa ng


produkto at serbisyo. Maaring maiugnay sa salapi at iba pang mga imprastraktura,
gaya ng mga makinarya, gusali, at iba pang mga kagamitan na kailagan ng isang
mangagawa sa pagbuo ng mga produkto ang kapital. Mahalaga na maging ganap
ang kapital sa paggawa ng produkto dahil ito ang nagiging katuwang ng isang
mangagawa para maiproseso o mabago ang anyo ng mga produktong kailagan ng
tao. Ang pagkakaroon ng maayos na imprastraktura gaya ng mga daungan, kalsada,
tulay, tubo ng tubig at kuryente ay mga mahahalang kapital upang magamit ng tama
ang mga likas na yaman at maging mabilis ang paggawa. Ayon kay Edward F.
Denison, isang ekonomista, ang kapital ay isa sa mga salik na mahalaga para
matamo ang pagsulong ng isang ekonomiya. Sa makabagong ekonomiya, ang mga
bansa sa buong daigdig ay nangangalap ng malaking kapital upang lubusang
makamtan ang pagsulong. Interes ang tawag sa kabayaran ng paggamit ng kapital.

Entrepreneurship bilang salik ng Produksiyon

Hindi maisasakatuparan ang mga tatlong naunang salik ng produksiyon kung


wala ang entrepreneurship dahil tumutukoy ito sa kakayahan at kagustuhan ng tao

9
na magsimula ng negosyo. Entrepreneur ang sinasabing taga pag-ugnay ng tatlong
naunang mga salik upang makabuo ng isang produkto at serbisyo.

Mahalaga ang gawain ng isang entrepreneur kaya naman talas ng isip,


pagiging malikhain, pagkakaroon ng maayos na disposisyon ang higit na kailagan
upang maging matagumpay ang mga pagbabagong kinahaharap sa pagbuo ng
produkto.

Mahalaga rin ang ginagampanan ng isang entrepreneur sa paglikha ng


maraming hanapbuhay para sa mga tao. Sinasabing nasa kamay ng bawat
entrepreneur ang pagkakaroon ng mga bagong produkto kung kaya’t ang pagiging
innovator o malikhain sa paglikha ng produkto ay kailangang isaalang-alang.

Ang mga sumusunod ay ang mga katangian na dapat taglayin ng isang


entrprenuer:

1. May tatag ng loob at may kakayahang magplano at mag-organisa ng


anumang negosyo;
2. masigasig at marunong lumutas ng mga suliranin; at
3. may kakayahang gawing kasiya-siya ang trabaho at may kababaang loob.

Tinatawag na tubo o profit ang kabayaran sa kita ng isang entrepreneur. Ito


ang kita matapos maisakatuparan ang tagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo

Pagyamanin

PRODUKSIYON, ANO KA NGA BA TALAGA?

Panuto: Ayusin ang mga salita na nasa kahon ayon sa inilalarawan ng mga
pangungusap sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

• Ito ang tawag sa kabayaran sa mga produkto at serbisyo na ipinagkakaloob


sa manggagawa.

1.

HSAOD

_____________________________

10
2.
ERUENRRPERTNE

_____________________________

• Siya ang kinikilalang taga pag-ugnay ng tatlong salik ng produksiyon ang


may kakayahang magtayo ng negosyo.

3.

LTAIPKA
_____________________________

• Ito ay binubuo ng mga makinarya o kasangkapan upang gamitin ng isang


manggagawa para maiproseo ang produkto.

4.

CLLHTWROBOAIEJ

_____________________________

• Isang uri ng lakas paggawa na kung saan binubuo ng mga doktor, inhinyero,
guro at marami pang iba.

5.

TUINP

______________________________

• Ginagamit ang mga ito sa pagbuo ng mga produkto o output.

11
PRODUKTO, PAANO KA NGA BA GINAGAWA?

Panuto: Punan ng mga impormasyon ang mga sumusunod na diagram. Isulat sa


input kung ano ang mga kailangan upang mabuo ang mga produkto. Itala ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel.

Materyal na ginamit:
1.
2.
1. 3.
4.
5.

Materyal na ginamit:
1.
2.
2.
3.
4.
5.

Materyal na ginamit:
1.
3. 2.
3.
4.
5.

Materyal na ginamit:
1.
4. 2.
.
3.
4.
5.

Materyal na ginamit:
1.
5. 2.
3.
4.
5.

12
Materyal na ginamit:
1.
6. 2.
3.
4.
5.

ENTREPRENYUR KA BA?

Masasabing mahalaga ang ginagampanan ng Entrprenuer sa


pag-unlad ekonomiya. Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya,
lakas ng loob at pagiging organisado ay napapaunlad niya ang isang
negosyo. Dahil din sa kanya nagagamit ng episyente ang iba’t-ibang
mga salik ng produksiyon kulad ng lupa, kapital at lakas paggawa.

Panuto: Piliin ang titik na angkop sa katangian ng isang entrepreneur. Mangatwiran


sa bawat sagot na iyong napili. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ako ay isang lider dahil:


a. inuutusan ko ang aking mga manggagawa ng may paggalang
b. napapasunod ko ang aking mga tao sa aking ipinag-uutos
c. hinahayaan ko ang iba na mapaunlad ang kanilang sarili
d. nagiging modelo ako sa kanila sa lahat ng gawain.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ako ay isang lider na organisado dahil:


a. nakaplano ang lahat ng aking ginagawa
b. sinisigurado ko ang aking mga plano bago ito ipatupad o gawin
c. ako ay nakikinig sa ideya ng iba
d. maraming pagpaplano ang aking ginagawa para perpekto ang lahat

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

13
3. Ako ay marunong lumutas sa mga suliranin dahil:
a. nagagawa ko ng tama ang aking mga plano
b. tinatapos ko ang aking nasimulan kahit mahirap
c. walang nakapipigil sa aking mga ginagawa
d. sinisikap kong hindi makasakit sa damdamin ng iba

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ako ay masipag dahil:


a. tinatapos ko ang aking trabaho sa takdang oras
b. hindi basta-basta sumusuko sa trabahao
c. pumapasok sa tamang oras kahit nasa mataas na posisyon.
d. mataas ang aking kita o sahod at tinutumbasan ko ito ng tapat na
paglilingkod

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. May kababaang-loob ako dahil:


a. masaya ako kapag masaya ang aking mga mangagawa
b. madalas ay nakikisalamuha ako sa aking mga mangagawa
c. madali akong nalalapitan
d. madalas akong mag bigay ng insentibo

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

14
CONCEPT MAPPING:

Panuto: Punan ng angkop na salik ng produksiyon ang concept map. Isulat sa loob
ng bilog ang salik at kahalagahan ng bawat isa sa proseso ng produksiyon. Sagutin
ang tanong na nasa kahon sa iyong sagutang papel.

salik at
kahalagahan

salik at MGA SALIK NG salik at


kahalagahan PRODUKSIYON kahalagahan

salik at
kahalagahan

Papaano naaapektuhan ng salik ng produksiyon at


kahalagahan nito ang ating pang araw-araw na
pamumuhay?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

15
Saliksikin mo!
Panuto: Gumawa ng isang pananaliksik o panayam sa isang negosyanteng malapit
sa iyong baranggay. Magtanong ukol sa kanyang negosyo, gamitin ang mga gabay
na tanong na makikita sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga gabay na tanong:

1. Anong negosyo meron at bakit ito ang napili?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Paano siya nagsimula sa ganitong negosyo?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Magbigay ng ilang prosesong pinagdaanan sa pagpapatakbo ng


negosyo. Maaring bumanggit ng mga salik ng produksiyon.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga problemang kanyang kinahaharap, lalo na ngayon


panahon ng pandemya (COVID 19)?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. Paano niya binibigyan ng solusyon ang mga suliraning nararanasan?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

16
Saliksikin Mo Pa!
Panuto: Pag-aralan kung paano epektibong tumatakbo ang mga salik ng
produksiyon sa iyong nagawang panayam sa naunang gawain. Gawing huwaran ang
mga sumusunod sa iyong pagmamasid.

Pangalan ng negosyo: __________________________________


Pangalan ng negosyante: __________________________________
Uri ng negosyo: __________________________________
Lokasyon: ____________________________________________
Bilang ng manggagawa: ____________________________________________

Obserbasyon sa operasyon ng negosyo:


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Mga aral na nakuha sa pag-aaral:


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

17
Isaisip

MAGPALIWANAG!

Panuto: Basahing mabuti ang nasa loob ng talahanayan. Bigyan ng paliwanag ang
mga sumusunod na pahayag.

PAHAYAG PALIWANAG

Dapat na maging produktibo ang


lupa at magamit sa produksiyon.

Ang pag-unlad ng teknolohiya ang


susi sa mataas na antas ng
produksiyon.

Upang maging produktibo ang lakas-


paggawa dapat patuloy ang
pagsasanay sa kanila.

Mahalagang Isipin din ng


entrepreneur na hindi puro kita ang
mahalaga sa negosyo.

18
Isagawa

Panuto: Kung ikaw ay isang negosyante, ano ang pipiliin mo? Kumikita ka ng malaki
ngunit mababa ang kalidad ng iyong produkto o kumikita ka ng maliit ngunit ang
mga produkto mo ay may mataas na kalidad? Bakit? Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

19
Tayahin

Panuto: Binagong Tama o Mali: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at kung
mali tukuyin ang salitang nagpamali sa pahayag at isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

1. Suweldo o sahod ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa


ipinagkakaloob na paglilingkod.
2. Ang profit ay ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng
produksiyon.
3. Ang white collar job ay isang uri ng lakas paggawa na
nangangailangan ng lakas ng katawan.
4. Ang kapital ay isang salik ng produksiyon na naka-fixed o hindi
nadadagdagan.
5. Ang input ay ay mga salik ng produksiyon na ginagamit sa pagbuo
ng produkto.
6. Ang tubo ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur.
7. Ang lakas paggawa ay ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto
sa pamamagitan ng pinagsama-samang input.
8. Ang Entrepreneur ang tagapag-ugnay sa lahat ng salik ng
produksiyon.
9. Ang Kapital ay maari ding iugnay sa salapi at iba pang
imprastraktura.
10. Ang mga karpintero, drayber, magsasaka ay mga halimbawa
ng white collar job.

Analohiya:

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang paghahambing.

1. Entreprenuer: tubo Sahod: ____________


2. Kapital : Makinarya: ____________ :Masigasig at Organisado
3. Troso : Input Mesa: _____________
4. Input:__________ Output: Sapatos
5. White Collar Job : Doctor Blue Collar Job: _____________________

20
Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ang hinihingi ng bawat kolumn.

Kinakaharap na
Salik ng produksiyon suliranin sa Mungkahing Solusyon
kasalukuyan
Lupa

Kapital

Paggawa

Entrepreneur

Panuto: Bumuo ng collage na nagpapakita ng iba’t ibang salik ng produksiyon.


Lagyan ng maikling pahayag tungkol sa kahalagahan nito.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

21
22
Tayahin Tayahin Isagawa
1. Tama Gawain 2 Sa gawaing ito maaring magkaiba-
2. Mali-interes iba ang mga sagot.
3. Mali- Blue Collar job 1. Lakas paggawa
4. Mali- Lupa 2. Entrepreneur
5. Tama 3. Output
6. Tama 4. Balat/Any raw
7. Mali -Produksiyon materials
8. Tama 5. Magsasaka, drayber,
9. Tama etc
10.Mali- Blue collar job
Pagyamanin Balikan Subukin
1. Pampamilihang 1. A
1. Sahod Ekonomiya 2. B
2. Entrepreneur 2. Alokasyon 3. C
3. kapital 3. Pampamilihang 4. A
4. White Collar Job Ekonomiya 5. C
5. Input 4. Tradisyunal na 6. D
Ekonomiya 7. D
5. Pinag-utos na 8. D
Gawain 2,3,4,5,6 Ekonomiya 9. A
6. Pinag-utos na 10. B
Maaring magkaiba-iba ang Ekonomiya 11. A
sagot. 7. Presyo 12. B
8. Kakapusan 13. D
9. Tradisyunal na 14. C
Ekonomiya 15. D
10. Sistemang pang -
Ekonomiya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Balitao, Berbard R, Martiniano B. Edward, G. (2015)-Ekonomiks Araling Panlipunan


Modyul para sa Mag-aaral. Kagawaran ng Edukasyon Pilipinas

Balitao, B. Buising, M. et al., (2015) Ekonomiks Araling Panlipunan- Modyul para sa


Mag-aaral: Pasig City Philippines: Vibal Group, Inc.

Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d).Project Ease Module,


Pasig
Ferrer, J. Leonardo, A. Ariola, T. (2009): Ekonomiks para sa Mataas na Paaralan:
Quezon City, Philippines: St. Bernadeth Publishing House Corporation

Imperial, C. Ma. Carmelita, B. Samson, et al., (2015) Pana-panahon, Ikaapat na taon


: Ekonomiks.Sampaloc, Rex Book Store

Nueva, S. Lauron M., (2002) BEC- Ekonomiks para sa Filipino Kagawaran ng


Edukasyon Pilipinas

Peralta, Opulencia L. Pigon., E. (2004) Gabay sa Pag-aaral ng Ekonomiks.


Peralta Publications.Bagong Ilog Pasig City, Philippines

Pagoso, C. Nayve. et al., (2003) Phillipine ECONOMICS


Paranque City, Philippines: Nelson Publishing House

Santiago, A. et al., (1998) Ekonomiks Para sa Mataas na Paaralan: Dalandanan,


Valenzuela City: JO-ES Publishing and Printing House

Torres., Roderick. (2008) Workbuk sa Araling Panlipunan IV, Quezon City Philiipines
St. Bernadeth Publishing House.

https://www.puzzle-maker.com/start?O=4bde2e6u8iaU3ir2A5z0ndecpuck5v5pz
D8nk&StartPuzzle=konseptong_Pamproduksiyon.cw
https://tl.wikipedia.org/wiki/Produksiyon
https://economics000rainargifel.wordpress.com/produksyon/
https://books.google.com.ph/books?id=OIzVz7cBD2EC&printsec=frontcover&sour
ce=gbs_ge_summary_r&cad=0#v=onepage&q&f=falseBottom of Form
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/EKONOMIKS_LM_U3_V1.PDF
https://www.brookings.edu/wp-
content/uploads/1990/01/1990_bpeamicro_baily.pdf
https://en.wikipedia.org/wiki/The_Journal_of_Business

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center


Maimpis, city of San Fernando (P)

24

You might also like