You are on page 1of 5

MGA SEKTOR PANG – EKONOMIYA AT MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA NITO

Alamin Natin: Taglayin at isabuhay!


Hindi lamang sa pamahalaan nakaatang ang pag-papaunlad sa ekonomiya ng bansa. Malaki ang bahaging dapat
gampanan ng lahat ng mamamayan. Sinisimulan dapat ito ng bawat miyembro ng pinaka maliit na yunit ng lipunan, sa
bawat indibidwal na bumubuo sa pamilya. Ang tamang paraan na maghahatid ng kaunlarang hinahangad ng bawat
indibidwal at ng lipunang kanyang kinabibilangan ay nasa kamay ng bawat mamayayang may pansariling pagsisikap at
nakikibahagi sa sama-samang pagtutulungan tungo sa pambansang kaunlaran.
Ang mga sumusunod na mabubuting katangian ay nararapat na taglayin at isabuhay ng bawat indibidwal at
bilang kabahagi ng isang lipunan tungo sa pambansang kaunlaran. Basahin at suriin ang mga ito.

1. Ang katangian ng pagiging mapanagutan.


Ang bawat mamamayan ay may mga karapatan na may kaakibat na pananagutan o responsibilidad. Tungkulin ng
bawat tao ang maging kabahagi ng pag-unlad ng kanyang bansa liban sa kanyang sarili. Ang pagiging matuwid at
pagwaksi sa mga gawaing labag sa batas ay dapat isaisip at isabuhay. Mabuting halimbawa nito ay ang pagbabayad ng
tamang buwis sa tamang panahon. Ang bawat isa ay may pananagutan hindi lang sa sarili kundi maging sa kanyang
kapwa.

2. Ang pagiging maabilidad.


Walang hanggan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Marapat lang na siya ay maging mapamaraan kung
paano niya tutugunan ang mga ito. Ang paggamit ng wasto sa kanyang mga resources at kung paano higit pang lalago
ang mga ito upang dumami pa ang higit na makikinabang ay isang napakahusay na katangian. Ang pagtatatag ng isang
negosyo ang magandang halimbawa nito, kumikita ang entreprenyur at nakakalikha ito ng trabaho.

3. Ang pagiging makabansa.


Ang paglahok sa mga programang pang-baranggay, maging sa lokal at pambansang pamahalaan na may adhikain
ng pag- unlad ay isang mabuting pagkilos para sa kaunlaran ng bansa. Ang paglikha at pagtangkilik sa mga lokal na
produkto ay isang katangiang naglalarawan sa pagiging makabansa.

4. Ang pagiging maalam.


Narinig mo na ba ang katagang ito? “Dadalhin ka sa kapahamakan at hindi sa kaunlaran ng kamangmangan”.
Isang babala na dapat bigyan ng pansin at hindi dapat balewalain. Bawat isa ay dapat maging mapanuri lalo na sa mga
usaping panlipunan upang malaman ang mga hakbang na dapat gagawin upang walang maging hadlang sa pag-unlad. Ito
ay katangian ng isang maalam na mamamayan. Maki-alam at maging bahagi sa mga pangyayari sa ating komunidad na
kinabibilangan. Alamin ang mga karapatan at responsibilidad bilang unang hakbang.Isang magandang halimbawa nito ay
ang pakikilahok sa eleksyon, ang pagpili ng mga nararapat na kandidato para sa isang posisyon sa gobyerno lokal man o
pambansa na nagsusulong sa mga programa at proyektong pang- kaunlaran.

Gawain 5: ANG PANATA KO


Ang pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya ang hangarin ng maraming bansa sa daigdig.Ilan lamang sa maraming
gampanin ang inilahad sa teksto. Sa mga gampaning inisa-isa sa iyong tekstong binasa, pumili ka ng isang gampanin.
Gumawa ka ng isang panata at isulat mo ito sa loob ng status box sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mo napiling gawing panata ang nasabing gampanin?
2. Ano-ano ang handa mong gawin para sa ikauunlad ng ating bayan ? Pangatwiranan.
3. Paano mo maihahanda ang iyong sarili para maging isang mapanagutan, maabilidad, makabansa, at maalam na
mamamayan ng Pilipinas sa hinaharap?
ARALIN 2: Sektor ng Agrikultura

Panimula:
Ang Pilipinas ay pinagpala sa napakaraming likas na yaman. Bawat rehiyon sa bansa ay may natatanging
kayamanan. Malawak na kapatagan sa Luzon, mayayamang karagatan ng Visayas at mga bulubunduking hitik naman sa
Mindanao.
Dahil sa mga likas na yamang ito, ang agrikultura ang pangunahing bumubuhay sa bawat mamamayan ng bansa
at sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa araling ito, matutunghayan natin ang ambag ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa at sa
mga mamamayan nito. Mapag-uusapan rin ang mga kinakaharap na suliranin ng sektor na ito ng ekonomiya.

Talakayin Natin:
Ang Pilipinas ay hitik sa likas na yaman. Ang Luzon ay ang kanlungan ng pinakamalawak na kapatagan na siyang
mainam na pagtamnan ng palay bilang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Gayundin naman, ang mga kapatagan nito
ay tinatamnan rin ng mais, tubo, sibuyas at iba pa. Ang Gitnang Luzon o Rehiyon III ang may pinakamalawak na
kapatagan sa bansa at dahil doon, hinirang ang lalawigan ng Nueva Ecija na bahagi ng rehiyon bilang “Rice Granary” ng
bansa.
Ang kabisayaan naman ay grupo ng mga pulo na naliligiran ng mga dagat na mayaman sa mga yamang tubig. Ang
Dagat Sulu ay kinikilala dahil sa angkin nitong yaman. Ang Mindanao naman ay may napakagandang kalidad ng lupa kaya
naman hinirang ang Davao na isang lalawigang matatagpuan dito bilang “Fruit Basket”ng bansa. Sa bahaging ito rin ng
bansa matatagpuan ang malalawak na kagubatan.
Ang agrikultura ay isang agham na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyales mula sa
likas na yaman (Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon, p.321). Ang sektor na ito ang siyang pangunahing
nangangasiwa sa paglinang ng ating likas na yaman upang matugunan ang suliranin sa kakulangan at kakapusan.

Mga Sub-sektor ng Agrikultura


Ang paghahalaman ay isa sa mga sub-sektor ng agrikultura. Kabilang dito ang pagtatanim ng palay, mais, talong,
mani, sibuyas, niyog, tubo at iba pa. Ayon sa Philippine Statistical Authority, ang aning palay noong 2014 ay umakyat sa
18.97 milyong metriko tonelada mula sa 15.77 milyong metriko tonelada noong 2010. Ang mga sumusunod na mga
lalawigan ang nagtala ng pinakamalaking aning palay noong 2014:
1. Nueva Ecija – 10.2% 2. Isabela – 6.7% 3. Pangasinan – 5.9% 4. Cagayan – 4.7% 5. Iloilo – 4.5%
Ang paghahayupan ay ang pagpaparami at pag-aalaga ng mga hayop na kadalasang pinagkukunan ng karne gaya
ng baboy, baka, kambing at manok. Nanggagaling sa mga farm ang mga produktong ito na kadalsang dumaraan sa mga
middleman bago makarating sa mga pamilihan.

Ang pangingisda ay ang pangangalaga, pagpaparami at panghuhuli ng mga isda upang ipagbili sa pamilihan. Ang
mga pangunahing produkto sa sub-sektor ng agrikulturang ito ay bangus, tilapia, galunggong, sardinas, tuna at iba pa.

Mayroong tatlong uri ng pangingisda:


1. Komersiyal – panghuhuli ng isda gamit ang malalaking bangka na umaabot sa tatlong tonelada.
2. Munisipal na Pangingisda - panghuhuli ng isda sa katubigang sakop ng mga munisipalidad at ang huli ay hindi hihigit
sa tatlong tonelada.
3. Aquaculture – ito ay kontroladong paraan ng produksiyon ng isda at iba pang yamang tubig sa iba’t-ibang uri ng tubig
– tabang (fresh water), alat (salt water) at maalat-alat (brackish).

Ang paggugubat ay isang pangunahing gawain sa sektor ng agrikultura. Dito nakukuha ang mga produktong
plywood, table, torso, veneer, rattan, kawayan, pulot-pukyutan at marami pang iba.

GAWAIN 6: KILALANIN ANG SARILING ATIN


Kilala moba ang sarili mong lalawigan? Nalibot mo na ba lahat ng kanyang bayan? Patunayan mo nga kung gaano mo kakilala ang
Tarlac, gawin mo ito sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga angking yaman nito. Punan angsumusunod na talaan.

Paghahalaman Paghahayupan Pangingisda Paggugubat

Tarlac
ANG KAHALAGAHAN NG SEKTOR NG AGRIKULTURA SA ISANG BANSA

ALAMIN NATIN
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang
mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang
mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Dahil dito, ang agrikultura ay nararapat na bigyang-
pansin upang mapalakas at maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa sumusunod na
kahalagahan:

1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.


Ang lupain ng Pilipinas ay akma sa taman ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, pataas, at iba pa.
Mayoon ding inaaningm mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra at saging. Mainaman din ang temperature ditto sa
bilang lokasyon sa pag-aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao.
Mayroon ding sapat na mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa katubigan. Ang agrikulutra ay isang napakahalagan
sekto sa bansa dahil ito ang pinagmumulan ng mga pagkain sa mamayan.
2. Pinagkukunan ng material para makabuo ng bagong produkto.
Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap sa kagubatan, kabukiran at karagatan na maaring gamitin
sa produksiyon.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
Isang mahalagaang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agricultural na naibebenta
sa mga pandaigdigang pamilihan.
4. Nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
Ayon as Philippine Statistics Office (PSA) para sa taong January 2019, 22.1% na mas mababa kaysa sa nakapilapas
na taon na mayroon 26.0% ng mga Pilipinong nagtratrabaho ay nakabilang sa sektor ng agrikultura.
5. Pinagkukunan ng sobrang manggawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod.
Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na ginagamit sa argikultura at ang patuloy na pagliit para sa lupa para sa
pagtatanim dahil sa populasyon, ang mga sobrang manggawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilngkod
batay sa laki and demand ng mga tao.

Gawain 7: PAHALAGAHAN MO.


Ibigay ang mga kahalagahan ng sektor ng agrikultura at magbigay ng halimbawa sa bawat kahalagahan na nakita niyo sa
inyong komunidad.
SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
A. PAGSASAKA EPEKTO
Pagliit ng lupang pansakahan Nasisira ang natural na habitat ng mga hayop at halaman. Pagkawala ng sustansiya
ng lupa.
Paggamit ng teknolohiya Iilan lamang ang may kakayahan sa makabagong paraan at halos hindi pa nga inaabot
ng modernong kagamitan sa pagsasaka. Nagiging dahilan ito ng mababang
produksyon at kalidad ng produkto
Mabagal na Sistema ng pagtatanim at irigasyon.
Kakulangan ng mga pasilidad at Bumababa ang halaga ng produkto sa pamilihan sa pagbaba ng kalidad nito.
imprastruktura sa kabukiran Maraming nasisirang mga aning produkto.
Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng Ang kawalan at pagbibigay ng bigat sa industriya ang nagpahina sa agrikultura.
industriya Dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon at kita.

Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal Hindi patas na kompetisyon na nagbubunga ng pagkalugi ng maraming magsasaka.

Climate change Nasisira ang produksiyon ng sektor ng agrikultura tuwing may tagtuyot, malakas na
ulan at mga bagyo
Nagiging dahilan ito ng mataas na presyo ng pagkain.

B. PANGINGISDA EPEKTO

Mapanirang operasyon ng malalaking Pagkasira ng mga coral reefs sa karagatan.


komersiyal ng mangingisda Pagkaubos ng mga isda.
Polusyon Ang mga dumi ng tao, mga kagamitan na sangkap sa pataba o abono na gamit sa
pagtatanim at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong
tubig ng bansa.
Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto
ito sa mga mamamayan pagdating ng panahon.
Lumalaking populasyon ng bansa Habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang ng
mga yamang-dagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo
Kahirapan ng mga mangingisda Pagbaba ng bilang ng mga mangingisda sa bansa

C. PAGGUGUBAT EPEKTO
Mabilis na pagkaubos ng mga likas na a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilawa na sangkap na ginagamit
yaman lalo na ng kagubatan sa industriya.
b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya
hindi sila makapagparami.
c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang
pananim taon-taon.
d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na
ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan.
e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil
sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw,
kasama ang sustansiya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na
itinatanim dito.

Gawain 8: Pangkatang Gawain: Awitin Natin ‘To


Panuto: Hatiin ang klase sa tatlong pangkat (Area of Specialization). Bawat pangkat ay gagawa ng jingle campaign (Video
format) bilang panawagan upang mapangalagaan ang sektor ng agrikultura. Gamitin ang rubriks bilang gabay sa
paggawa ng gawain.

Rubric sa Pagmamarka ng Jingle Campaign


Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos
Kaangkupan ng nilalaman Angkop at makabuluhan ang mensaheng nakapaloob
sa jingle campaign upang mapangalagaan ang sektor
ng agrikultura 10

Kahusayan sa pag-awit Mahusay na pagsasaayos ng liriko at tono 5


Kahusayan sa pagtatanghal Makapanghikayat at makapukaw-pansin ang
ginawang jingle campaign 5
Nagpapakita ng malikhaing pagtatanghal
Kabuuang puntos na nakuha
20
Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura
Ang sektor ng agrikultura ay isa sa mga mahalagang sektor ng ekonomiya. Dahil dito mahalagang pamangalagaan ang sektor
na ito bilang daan sa pambansang kaunlaran. Mayroon tayong iba’t ibang batas at programa na ginawa ng pamahalaan upang
maprotektahan ang mga sektor ng agrikultura. Sa araling ito aalamin natin ang ibat ibang patakarang at mga programang pang-
ekonomiya sa sector ng Agrikultura.

BASAHIN NATIN

Mga Batas tungkol sa Sektor ng Agrikultura


1. LAND REGISTRATION ACT NG 1902- sistemang Torrens kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.

2. PUBLIC LAND ACT NG 1902- Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.

3. BATAS REPUBLIKA BILANG 1160- ang pagtatatag sa National Ressetlement and Rehabilitation Administration (NARRA),
pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga
pamilyang walang lupa.

3. BATAS REPUBLIKA BILANG 1160- ang pagtatatag sa National Ressetlement and Rehabilitation Administration (NARRA),
pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga
pamilyang walang lupa.

4. BATAS REPUBLIKA BLG. 1190 ng 1954


Ito ay batas na nagbibigay-proteksyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa
mga manggagawa.

5. AGRIKULTURAL LAND REFORM CODE- Nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal Ayon sa batas na ito, ang mga
nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito.
-inalis ng batas ang sistemang kasama
-ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay sinimulan.
-ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng
pamahalaan sa may-ari ng lupa.

6. ATAS NG PANGULO BLG. 2 NG 1972- Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong
panahon ni dating Pangulong Marcos.

7. ATAS NG PANGULO BLG. 27- Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo blg. 2 ay ipinatupad ang batas na ito na sinasabing magpapalaya
sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka.
-binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya ng lupa kung walang patubig at talong ektaryang lupa kapag
may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin.

8. BATAS REPUBLIKA BLG. 6657 NG 1988


Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon
Aquino,ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agricultural. Ito ay nakapaloob sa Comprehensive
Agrarian Reform Program (CARP)

Gawain 9: Slogan-Suri. Suriin ang mensaheng inilalahad ng slogan at sagutin ang mga gabay na katanungan

“Lupang dugo’t pawis ang nagging puhunan, huwag ipagbili


upang magamit ng taong bayan”
Gabay na Tanong:
1. Ano ang mensaheng ipinapahayag ng slogan?
2. Ano ang programa o batas na maaari mong ipatupad upang maproteksyonan ang mga lupain sa Pilipinas.

You might also like