You are on page 1of 22

Konsepto at Palatandaan

ng Pambansang Kaunlaran
Panimula
• Pinagtuunan sa nakaraang
markahan ang pambansang
ekonomiya bilang kabahagi sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng
kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran. Lubhang
mahalaga ang maayos na ugnayan
ng lahat ng sektor ng ekonomiya
upang ganap na matamo ang
pambansang kaunlaran.
Mga sektor ng ekonomiya
Mga sektor ng ekonomiya
• May mahahalagang papel na ginagampanan ang
mga sektor ng ekonomiya (agrikultura, industriya, at
paglilingkod), gayundin ng impormal na sektor at
kalakalang panlabas; upang maisakatuparan ang
pagkakamit ng pambansang kaunlaran. Lahat ng
mamamayang Pilipino ay may mga tungkuling dapat
gampanan upang makamit ang pambansang
kaunlaran.
Mga sektor ng ekonomiya
• Primarya (agrikultura) – paglikha ng pagkain at mga
hilaw na materyales.
• Sekundarya (industriya) – pagpoproseso sa mga hilaw
na materyales, konstruksyon, pagmimina, at paggawa ng
mga kalakal.
• Tersarya (Paglilingkod) – umaalalay sa buong yugto ng
produksyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo ng
kalakal sa loob o labas ng bansa. Kabilang dito ang
transportasyon, komunikasyon, pananalapi, kalakalan at
turismo.
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
• Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa
tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
(Merriam-Webster)
• Ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng
pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng
trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay,
at pananamantala. (Fajardo, 1994)
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
• Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic
Development (1994), malinaw niyang inilahad ang
pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Ayon sa
kanya, ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong
proseso. Ang pagsulong ay ang bunga ng prosesong
ito. Kung gayon, ang pagsulong ay bunga ng pag-
unlad. Halimbawa, ang makabagong pamamaraan ng
pagtatanim ng palay ay kinapapalooban ng isang
proseso, at ito ang pag-unlad. Ang resulta nito ay mas
maraming ani, at ito ang pagsulong.
Dalawang Magkaibang
Konsepto ng Pag-unlad
• Ayon kina Michael P. Todaro at
Stephen C. Smith sa kanilang
aklat na Economic
Development (2012); may
dalawang magkaibang
konsepto ng pag-unlad: ang
tradisyonal na pananaw at
makabagong pananaw .
Tradisyonal na Pananaw
• Sa tradisyonal na pananaw, binigyang-diin ang pag-
unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng
antas ng income per capita (pagtaas ng kita) nang
sa gayon ay mas mabilis na maparami ng bansa
ang kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng
populasyon nito.
Makabagong Pananaw
• Sa makabagong pananaw ng pag-unlad, isinasaad
na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa
malawakang pagbabago sa buong sistemang
panlipunan. Dapat na ituon ang pansin sa iba’t
ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin
ng mga tao at grupo sa nasabing sistema upang
masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang
kondisyon ng pamumuhay tungo sa kondisyon na
mas kasiya-siya.
KONSEPTO NG PAG-UNLAD
• Sa akdang “Development as Freedom”
(2008) ni Amartya Sen, kanyang
ipinaliwanag na ang kaunlaran ay
matatamo lamang kung mapauunlad ang
yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa
yaman ng ekonomiya nito. Upang
matamo ito, mahalagang bigyang pansin
ang pagtanggal sa mga ugat ng
kawalang kalayaan tulad ng kahirapan,
diskriminasyon at hindi pagkakapantay-
pantay at ng iba pang salik na naglilimita
sa kakayahan ng mga mamamayan.
Break Muna!
Mga Palatandaan ng Pag-unlad
Pagsulong
• Makatwiran at dinamikong kaayusang
panlipunan
• Kasaganaan at Kasarinlan
• Kalayaan sa kahirapan, hanapbuhay para sa
lahat, umaangat na istandard ng pamumuhay
at mainam na uri ng buhay para sa lahat.
• Sapat na mga lingkurang panlipunan
• Katarungang Panlipunan
Sukatan ng Kaunlaran ng Bansa
ayon sa United Nations (UN)
• Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang
Human Development Index (HDI) bilang isa sa mga
panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ang
HDI ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng
kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao:
kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.
Antas ng Kaunlaran ng Bansa
• Maunlad na Bansa (Developed Economies) – Ito ay
mga bansang may mataas na Gross Domestic Product
(GDP), income per capita at mataas na HDI.
• Umuunlad na Bansa (Developing Economies) – Ito ay
mga bansang may mga industriyang kasalukuyang
pinauunlad ngunit wala pang mataas na antas ng
industriyalisasyon.
• Papaunlad na Bansa (Under Developed Economies)
– Ito ay mga bansa na kung ihahambing sa iba ay kulang
sa industriyalisasyon, mababang antas ng agrikultura at
mababang GDP, income per capita at HDI.
Mga Salik sa Pag-unlad
• Istitusyong Panlipunan (Social Institution)
(50%)
• Kultura (Culture) (20%)
• Heograpiya (Geography) (30%)

Film Viewing:
Why some countries are Poor and Others
Rich (https://www.youtube.com/watch?v=9-4V3HR696k)
Salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya
• Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga
likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-
lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at
mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas
na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.
• Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na
tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-
paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa
isang bansa kung maalam at may kakayahan ng
mga manggagawa nito.
Salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya
• Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital
sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa
tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga
pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming
produkto at serbisyo.
• Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng
mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente
ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas
maparami pa ang mga nalilikhang produkto at
serbisyo.
Mga Tungkulin para sa
Pag-unlad ng Bansa
• Suportahan natin ang ating pamahalaan.
• Sundin at igalang ang batas
• Alagan ang ating kapaligiran
• Tumulong sa pagpuksa sa korupsiyon at
katiwalian sa pamahalaan.
• Maging produktibo. Linagin at gamitin ang
sariling kakayahan at talento sa mga
makabuluhang bagay.
• Tangkilikin ang mga produktong Pilipino.
• Magtipid ng enerhiya
• Makilahok sa mga gawaing pansibiko.
PAGPAPAHALAGA

• Ano ang kaibahan ng pagsulong sa


pag-unlad?
• Maaari bang magkaroon ng pagsulong
kahit walang pag-unlad? Ipaliwanag.
• Maaari bang magkaroon ng pag-unlad
kahit walang pagsulong? Pagtibayin.
Tandaan:
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI inililimos!
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Why some countries are Poor and Others Rich
(https://www.youtube.com/watch?v=9-4V3HR696k)
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like