You are on page 1of 2

KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL

• Ang salitang piskal o fiscal ay nagmula sa salitang Latin na fisc, na ang ibigsabihin ay basket o bag.
-Salitang naiuugnay sa bag ng salapi o partikular na salapi na hawak ng pamahalaan.
• Ang patakarang piskal ay ang paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta nito upang mapatatag ang ekonomiya.
Expansionary Fiscal Policy
• Naglalayong mapataas ang output sa ekonomiya.
Ginagamit ng pamahalaan upang isulong ang ekonomiya, lalo na sa panahon ng recession o upang mapigilan ang recession.
Contractionary Fiscal Policy
• Layunin na pabagalin ang pagsulong ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbabawas ng gastusin ng pamahalaan at pagpapataas ng singil sa
buwis.
Ang Sistema Ng Pagbubuwis
• Ang buwis o tax ay maaaring ipataw ng pamahalaan sa mga ari arian, tubo, kalakal, serbisyo at iba pa.
 Pagbubuwis
• Isang anyo ng unawaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan.
• Isa rin itong mekanismo kung saan ginagamit ng pamahalaan ang salapi upang makabuo ng produkto at serbisyong pampubliko.
 Ahensiyag maaaring mangolekta ng buwis
• Bureau of Internal Revenue ( BIR )
• Bureau of Customs ( BOC )
• Local Government Units ( LGUs )

Pamantayan ng Pagbubuwis Ayon kay Adam Smith


• Pagkakapantay pantay ( Equity )
• Katiyakan ( Certainty )
• Ekonomiya ( Economy )
• Kaginhawahan ( Convenience )

Kahalagahan at Layunin ng Pagbubuwis


• Makalikom ng sapat na pondo.
• Kung walang sistema ng pagbubuwis, mapaparalisa ang pagpapatakbo ng pamahalaan.
• Kung walang pondo, hindi makapagpapatuloy ng operasyon ang sandatahang lakas ng bansa.
-hindi mapopondohan ang halalan .
- hindi makapagbibigay ng serbisyong panlipunan sa mga mamamayan.
- hindi mapopondohan ang pagsasanay ng pambansang atleta
- walang pondo para sa mga biktima ng kalamidad at iba pa.
• Dahil dito, tinagurian ang buwis bilang lifeblood ng pamahalaan.

Iba’t Ibang Uri ng Buwis


 Ayon sa Layunin
• Para kumita ( revenue generation )
hal. - sales tax, income tax
• Para magregularisa ( regulatory )
hal. – excise tax
• Para magsilbing proteksiyon ( protection )
hal. - taripa
 Ayon sa Kung Sino ang Apektado
• Tuwiran ( direct )
hal. - withholding tax
• Hindi tuwiran ( indirect )
hal. - value-added tax

 Ayon sa Porsiyentong Ipinapataw


• Proporsiyonal ( proportional )
hal.- pagpapataw ng 10% buwis sa mga mamamayan,magkaiba man ang halaga ng kanilang kinikita
• Progresibo ( progressive )
hal.- 5% ang ikakaltas sa mga kumikita ng mas mababa sa P10,000 at 34% naman sa kumikita ng higit sa P500,000
• Regrisibo ( regressive )
hal.-Ad Valorem ( ayon sa halaga )

Pambansang Pagbabadyet
• Isang nasusulat na dokumento na naglalaman ng halaga ng salaping inaasahang matanggap ng pamahalaan sa isang takdang taon.
• Isang plano kung paano tutugunan ng pamahalaan ang mga gastusin nito.
DBM ( Department of Budget and Management )
• Tinitiyak nito na hindi maaabuso ng anumang sangay ng pamahalaan ang kanilang kapangyarihan lalo na sa usapin ng paglalaan ng
limitadong pondo ng bayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Pagbalangkas ng Pambansang Badyet
• Ang mga datos na mula sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan tulad ng:
* DOF Department of Finance;
* BSP Bangko Sentral ng Pilipinas;
* NEDA National Economic and Development Authority; at
* DBM Development Bedget and Management ay inaaral bago mabuo ang balangkas ng pambansang badyet.
Sistema ng Paggasta
Klasipikasyon ng Gastusin ng Pamahalaan
 Batay sa Uri
• Personal Services (PS)
• Maintenance and Other Operating Expanses (MOOE)
• Capital Outlay (CO)
Batay sa Sektor
• Economic Services
• Social Services
• Defense
• General Government
• Transfer Payments
• Net Lending
• Debt Services
• Debt Amortization

You might also like