You are on page 1of 5

EKONOMIKS 9

Unang Modelo. Payak na Ekonomiya. Ito ay nagpapakita ng isang payak na ekonomiya na kung saan ang
sambahayan at bahay-kalakal ay iisa.
Ang gumagawa ng produkto ay siya ring kumukonsumo.

Ikalawang Modelo. Ang Bahay-kalakal at Sambahayan. Sa modelong ito, ang ekonomiya ay nahahati sa
dalawang sektor: ang sambahayan at bahay kalakal. Mayroong itong dalawang pamilihan: (1) ang
pamilihan ng salik ng produksiyon o factor markets (lupa, lakas-paggawa, entreprenyur, kapital) at (2)
pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity (kilala bilang goods market o commodity market) at
serbisyo.
Ang nasa labas naman na daloy ay nagpapakita ng kita ng ekonomiya. Ginagamit ng sambahayan ang
salapi sa pagbili ng mga produkto at serbisyo mula sa bahay-kalakal. Ang bahay-kalakal naman ay
ginagamit ang kanilang kinikitang salapi sa pagbabayad ng paggamit nila ng mga salik ng produksiyon
gaya ng sahod, renta, interes at ang matitira ay tubo para sa may-ari ng bahay-kalakal.

Ikatlong Modelo. Pamilihang Pinansyal. Makikita sa modelong ito kung paano nagdudulot ng
pagkakaroon ng palabas at paloob sa daloy ng ekonomiya. Ipinakikita sa Pigura 3 na ginugugol ng
sambahayan ang kanilang kita sa pagbili ng mga produkto at serbisyo. Ngunit hindi lahat ng kanilang mga
kita ay kanilang ibinibili ng mga produkto at serbisyo, ilang bahagi nito ay kanilang itinatabi sa
mga bangko bilang pag-iimpok.

Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa paggastos ng sambahayan para sa kanilang mga pangangailangan


para sa hinaharap. Ito ay maaaring ilagay sa pamilihang pinansyal (bangko, kooperatiba, insurance,
pawnshop at stock market). Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
Ang bahay-kalakal naman ay nais na palakihin o palawakin ang kanilang produksyon kung kaya’t
mangangailangan sila ng karagdagang puhunan. Ang mga may-ari ng bahay-kalakal ay manghihiram sa
sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansyal upang gamitin sa pamumuhunan
at makabili ng karagdagang salik ng produksiyon. Ang paghiram ng bahay-kalakal sa mga pamilihang
pampinansyal ay may kapalit na kabayaran sa pamamagitan ng interes sa hiram na puhunan.
Samakatuwid, ang pamumuhunan ay isang papasok na daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ang pag-
unlad ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksyon at paglaki ng pamumuhunan.
Para maging matatag ang ekonomiya, kailangan na may ipon ang sambahayan at bahay-kalakal na
handang mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-kalakal, tataas ang produksyon.
Inaasahan din na dadami ang oportunidad para sa trabaho. Sa ganitong modelo, kinakailangang balanse
ang pag-iimpok at pamumuhunan.
Ikaapat na Modelo. Ang Pamahalaan. Sa modelong ito makikita kung paanong ang pamahalaan ay
lumalahok sa sistema ng pamilihan. Isa sa mga mahahalagang gawain ng pamahalaan ay ang paniningil
ng buwis sa mga kinikita ng sambahayan at bahay-kalakal. Dahil dito, hindi lahat ng kinikita ng bahay-
kalakal at sambahayan ay naibibili ng mga salik ng produksiyon at naibibili ng mga produkto at serbisyo.
Ilang bahagi ng kanilang kinikita ay ibinabayad sa pamahalaan sa pamamagitan ng buwis. Sumisingil ng
buwis ang pamahalaan upang kumita. Public revenue ang tawag sa kita mula sa buwis. Ito ang ginagamit
ng pamahalaan para sa mga pampublikong paglilingkod.
Ikalimang Modelo. Kalakalang Panlabas. Ang kalakalang panlabas ay may kinalaman sa pag-aangkat at
pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa. Ang pag-aangkat (import) ay pagbili ng mga
produkto at serbisyo mula sa ibang bansa, samantalang ang pagluluwas (export) ay pagbebenta ng mga
produkto at serbisyong gawa sa ating bansa. Makikita sa modelong ito ang relasyon ng panlabas na
kalakalan sa paikot na daloy ng ekonomiya. Napapansin mo marahil na hindi lahat ng mga itinitinda sa
ating bansa ay dito ginawa. Marami sa mga produktong ito ay gawa sa ibang bansa o inaangkat mula sa
ibang bansa. Pumapasok ang mga inaangkat na produktong ito sa ating ekonomiya at magiging bahagi na
ang mga produkto sa merkado. Ang pag-aangkat ay isang papasok na daloy sa daloy ng mga produkto at
serbisyo. Ang pag-aangkat sa mga dayuhang produkto ay kinakailangang bayaran natin ito kung kaya’t
ang pag-aangkat ay palabas na daloy ng salapi sa ekonomiya.
Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag na Gross National Product ay
tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng
lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon
sa loob ng isang bansa.
Gross National Income at Gross Domestic Product
• Ang tala sa mga sinusukat na pambansang kita ay National Income Accounts.
• Ang pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita, tinatawag itong National
Income Accounting.
• Parehong sinusukat sa loob ng isang takdang panahon, maaring quarterly o
taunan.
Tatlong pamamaraan ng National Income Accounting
1. Paraan batay sa Paggasta (Expenditure Approach)
Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor: sambahayan,
bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng
bawat sektor ay ang sumusunod:

2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/ Value Added


Approach)
Sa paraang ito, kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating
bansa. Ang anumang kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at
serbisyo ng bawat sektor ay siyang kumakatawan sa halaga ng produkto at kapag
pinagsama-samang lahat ang halaga ng mga produkto, makukuha ang kabuuang
produksyon sa loob ng bansa o GNI.

3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)


Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap na kabayaran na nagsisilbing
kita ng bawat salik. Kapag ang mga ito ay pinagsama-sama, nakukuha ang
pambansang kita o national income ng bansa.
CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES
Ang GNI ay sinusukat sa pamamagitan ng market value o halaga ng mga produkto at
serbisyo sa pamilihan.Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa pagsukat ng
GNI. Ipinapahayag ang GNI sa dalawang paraan, ito ay ang mga sumusunod:
• Current o Nominal GNI- ito ay Gross National Income sa kasalukuyang presyo
- kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong
nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.
• Real GNI o GNI at constant prices- kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na
produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan
pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o base year.
LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA
Ang GNI ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.Sa
pagtantya ng GNI, hindi naisasamang lahat ang kabuuang halaga ng produkto at
serbisyo sa bansa. May mga produkto o serbisyo na nalilikha na hindi nakukwenta
dahil ang mga ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis , mga negosyo na walang record
sa ating pamahalaan o sa ibang ahensya nito. Kabilang dito ay ang mga sumusunod:
- Hindi Pampamilihang Gawain (hal: pag-aalaga ng anak, paghuhugas ng
pinggan, at pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran) - Impormal na Sektor
(hal: transaksyon sa black market, ilegal na droga, nakaw na sasakyan at kagamitan,
ilegal na pasugalan, ata iba pa.) - Externalities o hindi sinasadyang epekto (hal: gastos
ng isang planta ng koryente upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon) - Kalidad
ng buhay
Ang lahat ng limitasyong ito ay masasabing hindi mainam na sukatan ng
kagalingan ng pagkatao ang pambansang kita. Gayunpaman, kahit may limitasyon
ang pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas ng pagsulong
ng ekonomiya.
KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL
- tumutukoy ito sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis
upang mabago ang galaw ng ekonomiya. (Balitao et.al, 2014) Maihahalintulad ito sa
pagbabadyet sa mga gastusin sa iyong sariling mga pangangailangan o pagbabadyet
ng iyong mga magulang sa pangangilangan ng inyong buong pamilya.
EXPANSIONARY FISCAL POLICY -isinasagawa upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya ng bansa. Halimbawa: - ang kabuuang awtput ay mababa nang higit sa
inaasahan dahil hindi nagamit ang mga resources - mababa ang pangkalahatang
demand ng sambahayan -walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o
magdagdag pa ng produksyon.
CONTRACTIONARY FISCAL POLICY - ipatutupad kapag nasa alanganing pagtaas ang
mga presyo sa ekonomiya Halimbawa: - lubhang masigla ang ekonomiya na
maaaringmagdulot ng overheated economy - may mataas na pangkalahatatang awtput
at employment.
EXPANSIONARY FISCAL POLICY Paano ito isasagawa ng pamahalaan?
Halimbawa: - paggasta sa mga proyektong pampamahalaan
CONTRACTIONARY FISCAL POLICY Paano ito isasagawa ng pamahalaan?
Halimbawa: - magbabawas sa paggastos ang pamahalaan at mahihila nito ang
kabuoang demand - patataasin ang buwis
CURRENT OPERATING EXPENDITURES -para sa pagbili ng mga produkto at serbisyong
tulad ng Personal Services (hal. ay para sa sahod, dagdag sweldo at
cost of living allowance ng mga permanente, pansamantala, kontraktuwal at casual na
empleyado ng pamahalaan) at Maintenance and Other Operating ExpensesMOOE (tulad ng
supplies, transportasyon, tubig, koryente at iba pang kumpunihin)
CAPITAL OUTLAYS -pondong nakalaan upang makabili ng mga produkto at
serbisyong makapagbibigay asset sa pamahalaan tulad ng mga capital stock ng
Government-owned and Controlled Corporation (GOCC) at iba pang mga subsidies nito
NET LENDING -para naman sa mga paunang bayad sa mga utang ng pamahalaan na
inilaan para sa mga programang may kaugnayan sa mga korporasyong pamahalaan.
Ayon sa kung sino ang apektado:
 Tuwiran - direktang kinokolekta mula sa mga indibidwal at bahaykalakal (hal.
Witholding tax)
 Hindi-tuwiran - nakokolekta naman ito mula sa mga kalakal at paglilingkod (hal.
value-added tax)
Ayon sa porsiyentong ipinapataw:
 Proporsiyonal-anumang kalagayan sa buhay pantay lamang ang bahagdan ng
buwis na ipinapataw
 Progresibo -habang tumataas ang kinikita ng isang indibidwal o korporasyon, tataas
din ang halaga ng buwis na kanyang babayaran. Nakasaad ito sa 1987 Saligang Batas
Regresibo-kapag lumalaki ang kita, bumababa naman ang kanyang buwis.
Ayon sa layunin:
 Para kumita - upang makalikom ng mga salaping magagamit sa mga operasyon nito
(hal. sales tax, income tax)
 Para magregularisa - upang makontrol ang kalabisan ng isang gawain o negosyo
(hal. Excise tax)
 Para magsilbing proteksyon-upang pangalagaan ang interes ng mga lokal na sektor
laban sa mga dayuhang kakompetensiya (hal. taripa)
1. Fiat Money Authority – ang BSP lamang ang may kapangyarihang magimprenta
ng salapi sa bansa. Kung kailangan ng karagdagang salapi sa sirkulasyon, maaaring
mag-imprenta ng salapi upang punan ito.
2. Laang Reserba (Required Reserved) – ito ay bahagi ng idinedeposito ng mga tao
sa bangko na kailangang itabi ng bangko at hindi ipautang.
3. Pagdidiskuwento – Bilang nagpapautang, maaaring diktahan ng BSP kung
magkano ang interes ng kaniyang pagpapautang. Ang interes na ito ay tinatawag na
rediscounting.
4. Open-market Operation – ito ay pagbebenta o pagbili ng mga papel ng
pagkakautang ng pamahalaan o government securities na direkta sa pamilihan.
5. Pagbebenta at pagbili ng dayuhang salapi – maaring magbenta at bumili ang BSP
ng dolyar sa pamilihan. Kapag bumili ang BSP ng dolyar; binabayaran ito ng piso,
kung ang BSP naman ang nagbebenta ng dayuhang salapi, nakatatanggap naman
siya ng piso, sa ganitong paraan nakokontrol ang suplay ng salapi gamit ang
pamamarang ito.
6. Moral Suasion – ang BSP ay may di-matatawarang impluwensiya sa mga bangko.
Dahil sa impluwensiyang ito, maaari nang maiderekta ang mga gawain ng mga
bangko ayon sa layunin ng pamahalaan. Maaaring kausapin ng gobernador ng BSP
ang mga bangko upang maipaliwanag ang sitwasyon ng ekonomiya at kung paano
makatutulong ang mga bangko upang malutas ang anumang suliranin sa pananalapi
na kinakaharap ng bansa.
1.Bangkong Komersiyal –pinakamalaking grupo ng bangko pagdating sa puhunan at
ari-arian. Tumatanggap ang bangkong ito ng demand deposit at iba pang serbisyong
pampinasyal. Sila rin ay pinapayagang tumanggap ng papeles ng pagkakautang.
Halimbawa ng Bangkong Komersiyal: BPI, Union Bank, Metrobank at Equitable PCI
Bank.
2.Bangko ng Pag-iimpok – pangunahing gawain ng bangkong ito ang tumanggap ng
mga impok ng mga mamamayan at ipautang ito sa mga mamumuhunan upang sila ay
tumubo. Halimbawa ng Bangko ng Pag-iimpok: Allied Savings Bank, Banco
Filipino Savings Bank, Mortgage Bank at BPI Family Savings Bank
3.Bangkong Rural – bangkong matatagpuan sa mga lalawigan at bayan kung saan
limitado lang ang kanilang pinaglilingkuran dahil sa maliit lamang ang kanilang
puhunan. Karaniwang kliyente ng ganitong bangko ay mga magsasaka, mangingisda
at mga taong nabibilang sa sektor ng agrikultura.
a.
Development Bank of the Philippines (DBP) – naitatag ang bangkong ito
ng pamahalaan upang magpautang sa mga proyektong pangkaunlaran, lalung lalo na
sa larangan ng pagpapatayo at pagpapalago ng industriya ng bansa. Nagpapautang ito
sa mababang interes.
b.Land Bank of the Philippines (LBP) – itinatag ang bangkong ito bilang katuwang
ng programa sa repormang agraryo ng bansa. Ito ang pinanggagalingan ng pondo ng
programa at nagbibigay ng pautang at tulong sa mga magsasakang nakasama sa
repormang agraryo.
c.Islamic Bank (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines)
Dahil sa ibang kultura ng mga Muslim, kailangan nila ng espesyal na bangko na hindi
lamang institusyong pananalapi kundi susunod din sa alituntunin ng kanilang
relihiyong Islam na may kinalaman sa pananalapi, pangungutang, pagbabayad at
pakikipagkalakalan.pag-aari ng pamahalaan.
b.Government Service Insurance System (GSIS) ay itinalaga upang mangolekta sa
mga empleyado ng pamahalaan ng buwanang kontribusyon bilang pag-iimpok sa
kanilang pagreretiro sa serbisyo ng pamahalaan.
c. Social Security System – ito ay itinalaga para mangolekta ng buwanang
kontribusyon sa mga empleyado ng mga pribadong kompanya. Sila ay tatanggap ng
pensiyon sa kanilang pagreretiro at naka-seguro rin sila sa anumang mangyayaring
aksidente at iba pang pinsala sa katawan dulot ng kanilang trabaho.
d.Bahay-Sanglaan – ito ay nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral na
karaniwang alahas, kasangkapan, o kagamitan at anumang mahahalagang bagay.
e.Tagapagpalit ng Dayuhang Salapi (Money Exchanger) – ito ay nasa ilalim
ng pamamahal ng BSP upang legal na makapagpalit ng mga dayuhang salapi
sa piso
1. World Bank (WB) – layunin nito na magbigay ng tulong pananalapi at payo
sa mga bansang kasapi nito para sa kanilang programang pangkaunlaran, pagbawas
sa kahirapan at proteksiyon sa pandaigdigang pamumuhunan.
2. International Monetary Fund – tumitingin sa pandaigdigang sistema ng
pananalapi sa pamamagitan ng pag-aaral sa palitan ng dayuhang salapi at balanseng
kita ng mga bansa sa mundo. Ito rin ay nagbibigay ng teknikal at tulong pinansyal
kapag may pangangailangan at may humingi ng tulong.
3. General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) – Naitatag ito upang
itaguyod ang internasyonal na kalakalan sa pamamagitan ng pagbawas opagtatanggal
ng mga hadlang sa kalakalan katulad ng taripa o quota.
Mga Dahilan ng Implasyon
 1. Demand-Pull Inflation -ang patuloy na pagtaas ng demand na hindi matugunan ng suplay. Kapag
ang demand ay tumataas at hindi matugunan ng suplay ang pangkalahatang presyo ay tumataas na
nagiging dahilan ng implasyon.
 2. Cost-Push Inflation -Ang pagtaas sa alin man sa salik ng produksiyon ay makadaragdag sa gastusin
ng produksiyon. Ang pagtaas na ito sa gastusin ay idaragdag sa presyo ng mga natatapos na produkto.
 3. Import-induced Inflation-kapag ang produksiyon ay nakadepende sa mga imported na produkto at
nagkaroon sa pagtaas sa mga presyo nito,tumataas ang bilihin na magiging sanhi ng implasyon.
 4. Profit-Push Inflation-Dahil sa mga negosyanteng ang ibig ay malaking kita, itinatago ang mga
produkto na nagiging sanhi ng kakulangan at nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
 5. Currency Inflation-ang pagdami ng suplay ng salapi ay nagdudulot ng paggastos ng malaking
halaga upang makabili sa kakaunting produkto.
 6. Petrodollars Inflation-Ang labis na pagtaas ng petrolyo ay nagiging sanhi sa pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng mga bilihin.
Epekto ng Implasyon
Hindi sa lahat ng pagkakataon negatibo ang implasyon dahil kung may naaapektuhan ay mayroon din
namang nabebenepisyuhan sa tuwing may implasyon.

You might also like