You are on page 1of 5

AP REVIEWER

WEEK 1
Unang Modelo. Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng 
ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing aktor sa modelong ito.
Ang 
sambahayan ay ang kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman
ay 
ang tagalikha ng produkto. Saunang modelo, ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang
lumilikha 
ng produkto ay siya ring konsyumer.

Ikalawang Modelo. Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang 


tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing aktor dito.
Sila 
ay binubuo ng iba’t ibang sektor. Sa puntong ito masasabing magkaiba ang sambahayan at
bahay-
kalakal. 
Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng 
produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha nito. 

2 uri ng pamilihang pambasa


-Ang unang uri ay ang pamilihan 
ng mga salik ng produksiyon o factor markets. Kabilang dito ang pamilihan para sa kapital ng
produkto, lupa, at paggawa
-Ang ikalawang uri ay pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity. 
Kilala ito bilang goods market o commodity markets.

Ikatlong Modelo. Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing sector, ang 
sambahayan at bahay-kalakal. Isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang
mga 
desisyon sa panghinaharap. 

Tatlong pamihilan sa ikatlong modelo


-para sa salik ng produksiyon 
-commodity o tapos na produkto 
-para sa pinansiyal na kapital

Nag-iimpok ang mamimili 


bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang bahagi ng natanggap na kita.
Ang 
bahagi ng kita na hindi ginastos ay tinatawag na impok (savings). Ito ang inilalagak sa pamilihang 
pinansiyal. Kabilang sa naturang pamilihan ang mga bangko, kooperatiba, insurance company, 
pawnshop, at stock market.

Sa ikatlong modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin 


ng sambahayan at bahay-kalakal. Kasama na rito ang gastusin sa pamumuhunan ng bahay-
kalakal. 
Ang isa naman ay sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal. Kabilang
dito 
ang kita ng sambahayan sa pag-iimpok.

Ang pagbabago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon, dahil dito napapataas


nito ang demand sa paggamit ng mga salik ng produksiyon at naitataas ang antas ng
produktibidad ng mga ito.

-Ang sambahayan ang kalipunan ng mga mamimili


-Ang bahay-kalakal ay ang taga-likha ng mga produkto/
ang gumawa ng supply ng mga produkto na demand ng sambahayan. 
-Factor market o pamilihan kung saan nilalagak at ipinagbibili ang mga salik ng produksiyon
(kapital, lupa, paggawa at entreprenyur). 
-Goods/Commodity Market o pamilihan ng mga tapos na produkto. 

Ang sambahayan at bahay-kalakal ay may ugnayan na tinatawag na interdependence, kung 


saan kailangan nila isa’t-isa upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at
kagustuhan. 

Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay mahalagang gawaing pang-ekonomiya. Ito ang gawaing 


ginagampanan ng pamilihang pinansyal (financial market).

WEEK 2

Gross Domestic Product (GDP)


Ito ay tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nilikha sa loob lamang ng
ating bansa. Kasama dito ang mga bayad sa mga dayuhang 
nakatira sa atin kapalit ng kanilang serbisyo o produktong binuo.

Gross National Product/Gross National Income (GNP/GNI)


Ito ay ang kabuuang halaga ng mga nilikhang serbisyo at produkto ng mga mamayan sa loob at
labas ng bansa. Nabibilang din dito ang kabayaran sa mga 
Pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa.
Sa pagsukat ng GNI, ang market value (presyo) ng mga final goods ang ginagamit. 
Ang final goodsay mga produktong handa nang ikonsumo o mga produktong hindi na kailangan
dumaan sa proseso para magamit. Ginagawa ito upang maiwasan ang duplikasyon o ang double
counting.

1. Paraan Batay sa Paggasta (Final Expenditure Approach)


Ang kita ng bawat sektor ay ginagamit sa pagbili ng kanilang pangangailangan, 
at ang mga gastusing ito kailangang malaman dahil kasama ito sa kompyutasyon ng 
GNI. 
a. Gastusing Personal (C)
Kasama dito ang mga gastos ng mga mamamayan sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan. 
b. Gastusin ng mga Namumuhunan (I ) 
Ito ang gastos ng mga korporasyon sa pagbili ng mga kapital tulad ng gusali, makinarya, gamit sa
opisina, at iba pang kagamitan. Isinasama din dito ang 
pasahod sa kanilang mga empleyado.
c. Gastusin ng Pamahalaan (G)
Kabilang dito ang gastos ng pamahalaan sa pagpapagawa ng mga iba’t-ibang proyekto, mga
serbisyong panlipunang at mga sahod ng mga 
nagtratrabaho sa pamahalaan.
d. Gastusin ng Panlabas na Sektor (X-M )
Ito ay ang mga ibinabayad kapag nagluluwas (X) at umaangkat tayo ng produkto mula sa ibang
bansa (M). Ibinabawas ang gastos ng pagluluwas sa gastos ngpag-aangkat. Nakakabuti o positibo
kung mas mataas ang export at negatibo naman kung mas mataas ang import.
3. Cosumer Price Index (CPI) - Ang panukat na ito ay ginagamit sa pagtatala ng presyo ng mga
nabiling mga produkto o serbisyo ng mga mamimili. Sinusukat nito 
ang mga produkto at serbisyongkabilang sa tinatawag na basic and prime commodities o mga
pangunahing bilihin na mahalaga sa araw-araw na pamumuhay tulad ng bigas, karne, gulay at
iba pa.

URI NG IMPLASYON

Demand Pull Inflation


Ito ay tumutukoy sa implasyon na bunga ng 
pagtaas ng demand ng produkto o serbisyo.

Cost-Push Inflation
Ang implasyon ay bunga ng pagtaas ng halaga ng mga 
salik sa produksiyon. Ito ay nagmumula sa mga bahay-
kalakal at mga pamilihan.

Structural Inflation
Tumutukoy sa pagtaas ng presyo ng mga produkto 
bunga ng pagbabago sa estruktura ng mga pamilihan 
sa loob ng isang ekonomiya. 

Ang pagbabago ng implasyon ay nasusukat sa tatlong paraan upang maipakita ang pagtaas at
pagbaba ng presyo ng mga bilihin na siyang magiging gabay ng mga negosyante, pamahalaan at
ng mga mamamayan ng bansa.
Ang epekto at solusyon ng implasyon ay nararamdaman at nanggagaling sa mamamayan at
pamahalaan. 

WEEK 4

Patakarang Piskal (Fiscal Policy)- Ang pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya upang mapatatag
ang pambansang ekonomiya. Nakapaloob dito ang (1) paghahanda ng badyet, (2) pangongolekta
ng buwis at (3) paggamit 
ng pondo.

Expansionary Fiscal Policy


• Layunin nito na mapasigla ang pambansang ekonomiya. Ginagawa ito upang isulong ang
ekonomiya, lalo na sa panahon ng recession. 
• Kabilang dito ang pamumuhunan ng pamahalaan at pagbabawas sa binabayad na buwis. 
• Ang ganitong gawain ay magpapataas sa demand, 
magpapababa sa presyo ng kalakal at magpapalaki sa output ng ekonomiya 

Contractionary Fiscal Policy 


• Layunin nito na bawasan ang sobrang kasiglahan ng ekonomiya dahil ang labis na mataas na
demand sa supply ay magdudulot ng inflation. 
• Kabilang sa mga hakbang nito nag pagbabawas sa gastusin ng pamahalaan, pagsasapribado ng 
ilang pampublikong korporasyon at pagpapataas sa singil na buwis. 
• Ang ganitong gawain ay magpapababa sa demand, 
magpapataas sa presyo ng kalakal at pagbabawas sa output ng ekonomiya.

Pambansang Badyet 
Isang plano kung paano tutugunan ng pamahalaan ang mga gastusin nito. Naglalaman ng halaga
ng salaping inaasahang matatanggap ng pamahalaan 
sa isang takdang taon. Kilala rin ito sa tawag na General Appropriations Act (GAA) Sa
paghahanda ng badyet, binibigyan ng pansin kung magkano ang 
gagastusin sa programa ng pamahalaan tulad ng depensa, edukasyon at kalusugan. Ang
kabuuang gastusin ay maaring baguhin upang mapataas o 
mapababa ang output ng ekonomiya. 

Mga sangay ng pamahalaan na namamahala ng pambansang badyet 


Department of Finance (DOF) 
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) 
National Economic and Development Authority (NEDA) 
Department of Budget and Management (DBM) 
Commission on Audit (COA

Pagbuo ng Pambansang Badyet

Budget Preparation
• paghahanda ng panukalang badyet.
Budget Legislation
• pagsusuri at pag -apruba (o hindi pag-apruba) ng 
panukalang dadyet.
Budget Execution
• pagbibigay ng badyet at paggamit nito.
Budget Accountability
• paghahanda ng ulat upang malaman kung nagamit ng tama ang pambansang badyet.

Check and Balance


Pagtiyak na hindi maabuso ng anumang sangay ng pamahalaan ang 
kanilang kapangyarihan sa usapin ng paglalalan ng limitadong pondo ng 
bayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. 

PANGONGOLEKTA NG BUWIS 
Buwis o Tax
Ang salapi na sapilitang kinukuha ng pamahalaan sa 
mga mamamayan.Ito ay maaring ipataw ng pamahalaan sa mga ari-araian, tubo, kalakal o
serbisyo. Ang buwis ay sakop ng kapangyarihan ng pamahalaan. Ang kita ng pamahalaan ay
tinatawag na revenue.
Uri ng Buwis 
Tuwiran (Direct Tax)- 
buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o 
bahay kalakal. 
Halimbawa: with-holding tax 
Di- Tuwiran (Indirect tax)- buwis na ipinapataw sa mga kalakal o serbisyo 
Halimbawa: Value-added tax

Mga halimbawa ng buwis: 


Buwis na kinikita na mamamayan- income tax
Buwis sa mga may-ari ng sasakyan- road user’s tax
Buwis sa mga may-ari ng negosyo- business tax
Buwis sa mga binibiling kalakal- value added tax
Buwis s mga libangan tulad ng sinehan, parke at sugalan- amusement tax 
Buwis sa mga kalakal na galing sa ibang bansa- import duties tax

Bureau of Internal Revenue (BIR) 


Nangangalap ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa loob ng bansa.

Bureau of Customs (BOC) 


Nangangalap ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa labas ng bansa.

WEEK 6

KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA NG


BANSA 
Ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko ay lumalago dahil sa interes sa
deposito. 

Salapi o Pera 
Ito ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang pangangailangan
at kagustuhan ng mga tao. Pag-iimpok ang tawag sa bahagi ng kita na hindi ginagasta at sa halip
ay 
inilalagak sa bangko para sa pangangailangan sa hinaharap.
Ayon kay Roger E.A Farmer ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos.
Ayon naman kina Meek, Morton at Schug, ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa
pagkonsumo, o hindi ginastos sa pangangailangan.

Ipinauutang naman ito ng bangko sa mga namumuhunan na may dagdag na kaukulang tubo. Ibig
sabihin, habang lumalaki ang naidedeposito sa bangko, lumalaki rin ang maaaring ipautang sa
mga namumuhunan. Ang pamumuhunan o investment 
ay ipon na ginagamit upang kumita. Economic Investment naman ang paglalagak ng pera sa
negosyo. 
Habang dumarami ang namumuhunan, dumarami rin ang nabibigyan ng empleyo. Ang ganitong
sitwasyon ay indikasyon ng masiglang gawaing pang-ekonomiya 
(economic activity) ng isang lipunan. Ang matatag na sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng
mataas na antas ng pagiimpok (savings rate) at Kapital (capital formation). Ang mga bangko ay
tinatawag din bilang financial intermediaries na nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera
at sa nais umutang o mag-loan. Ang ganitong pangyayari ay nakapagpapasigla ng mga 
economic activities na indikasyon naman ng pagsulong ng pambansang ekonomiya.

Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay ang ahensiya ng pamahalaan na


nagbibigay ng proteksyon sa mga depositor sa bangko sa pamamagitan ng pagbibigay seguro
(deposit insurance) sa kanilang deposito hanggang sa halagang Php 500,000 bawat depositor.
Ang isang bansang may sistema ng deposit insurance ay makapanghihikayat ng mga
mamamayan na mag-impok sa bangko. Kapag maraming nag-iimpok, lumalakas ang sector ng
pagbabangko at tumitibay ang tiwala ng publiko 
sa katatagan ng pagbabangko.

Mga uri ng pagbabangko


Thrift Bank (Savings Bank/Pagbabangko ng pagtitipid) -
Commercial Bank (Bangkong Komersyal) -
Rural Bank
Specialized Government Banks - Land Bank of the Philippines, Development Bank of the
Philippines, Al Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines

Mga institusyong di-bangko


Kooperatiba - kapisanan ng mga nakakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin, para
maging ganap na lehitimo kailangang mag pa rehistro sa Cooperative Development Authority
(CDA)
Pawnshop (Bahay-sanglaan) - itinatag upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan
ng pera at walang pera upang makalapit sa bangko.
Pension Funds -
[Government Service Insurance System (GSIS)] - ahensiyang nagbibigay ng seguro (life
insurance) s amga kawaning nagtatrabaho sa ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan,
korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno, at mga guro sa pampublikong paaralan.
[Social Security System (SSS)] - ahensiya ng gobyerno na nagbibigay seguro sa mga kawani ng
pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan katulad ng
pagkakasakit, pagkabalda, pagretiro, pagkamatay, at pagdadalang tao ng kawaning babae.
PAG-IBIG (Pagtutulungan sa kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya, at Gobyerno) - kinakailangan
sa pabahay, kasapi ang kawani ng gobyerno o pribadong Sektor
Registered Companies - mga kompanyang nakarehistro sa Security and Exchange Commissions
(SEC)
Pre-Needs - kompanya o establisimyento na rehistrado sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na
lisensiya na mangalakal o mag-akol ng mga kontrata ng pre-need o pre-need plans.
Hal. ng pre-need plans: serbisyo sa burol at paglilibing, pensiyon o sa pag-aaral sa napiling
unibersidad o paaralan.

You might also like