You are on page 1of 41

Pamamaraaan at

Kahalagahan ng Pagsukat
ng Pambansang Kita
Ang kabuuang produksyon ng ekonomiya ay
malalaman sa pamamagitan ng pagkwenta o
pagsukat ng pambansang kita. Sa inyong palagay,
bakit kailangan nating masukat ang pambansang
kita ng isang bansa? Nakatutulong ba ito sa pag-
unlad ng isang bansa? Ano-ano ang mga limitasyon
sa pagsukat ng pambansang kita?
Napakagandang isipin na tayo ay may mga paraan
kung paano masukat ang pambansang kita ng ating
bansa. Tayo bilang isang mamamayan ng isang
bansa, kailangan nating alamin o malaman kung
mayroon bang pag-angat o pagbagsak ang ating
ekonomiya.
Ang Ekonomiks ay nahahati sa dalawang pangunahing
sangay: ito ay ang maykroekonomiks at
makroekonomiks.Napakahalagang pag-aralan ang
dalawang sangay na ito dahil bahagi na ito ng buhay ng
isang tao bilang mamamayan ng isang bansa. Katulad
ng pangalawang sangay ang makroekonomiks
(macroeconomics) na ang ibig sabihin ay pag-aaral ng
kabuuang ekonomiya. Matututuhan mo dito ang isang
konseptong may kinalaman sa Pambansang Kita.
Ang pambansang kita ay kabuuang halaga ng mga
tinatanggap na kita ng mga sektor ng ekonomiya.Dahil sa
kasalukuyang pagsubok na kinakaharap ng ating bansa na
isang pandemyang COVID_19, minsan ba naitanong mo sa
iyong sarili kung ano nga ba ang nangyayari sa Ekonomiya
ng ating bansa? Umaangat pa ba ito o hindi na? Kumusta na
kaya ang ating Pambansang Kita? Ilan lamang ito sa
katanungan na maaaring gumugulo sa iyong isipan. Ngayon
samahan mo ako na tuklasin ang mga pamamaraan na
makakatulong sa pagsukat ng pambansang kita ng isang
bansa dahil sa modyul na ito maaari nating malaman kung
tumataas ba o bumababa ang ekonomiya ng isang bansa.
ANG KAHALAGAHAN NG
PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
Ayon kay Campbell R. McConnel at Stanley Brue sa
kanilang Economics Principles, Problems, and
Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat ng
pambansang kita ay ang mga sumusunod:
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay
nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng
produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na
taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o
kababa ang produksyon ng bansa.

2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob


ng ilang taon, masusubaybayan natin ang
direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at
malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o
pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang
kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa
ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya
na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga
mamamayan at makapagpapataas sa economic
performance ng bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng
pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging
basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon,
ang datos ay hindi kapani-paniwala.

5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting,


maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.
Sa pagsukat sa produksiyon ng isang ekonomiya, hindi
maiiwasan na mailarawan ito gamit ang pambansang kita.
Walang malilikom na kita ang pambansang ekonomiya kung
wala itong malilikhang produkto at serbisyo. Sa pagsukat
ng pambansang kita, naisasaalang-alang naman ang
dalawang kahulugan ng pambansang ekonomiya. Ang mga
sumusunod ay ginagamit na panukat ng pambansang kita.
1.GROSS NATIONAL INCOME/GROSS NATIONAL
PRODUCT

2.GROSS DOMESTIC PRODUCT


GROSS NATIONAL INCOME/GROSS NATIONAL
PRODUCT

Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag na


Gross National Product ay tumutukoy sa kabuuang
pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
 Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang halaga ng
hilaw na sangkap sa proseso ng produksiyon upang
maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang. Gayundin ang
mga hindi pampamilihang gawain, kung wala namang
kinikitang salapi ang nagsasagawa nito katulad ng
pagtatanim ng gulay sa bakuran.
 Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o
underground economy ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta
ng Gross National Income dahil ito ay hindi nakarehistro at
walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang
gawain
 Ang produktong segunda mano ay hindi rin kabilang sa
pagkuwenta ng Gross National Income dahil isinama na ang
halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang.
GROSS DOMESTIC PRODUCT
Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat sa
kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na
produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang
panahon sa loob ng isang bansa.

 Lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang


mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay
pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob
ng bansa ay kasama dito.
 Kabilang dito ang produksyon ng mga dayuhan na nasa
loob ng pambansang ekonomiya.
Gross National Income at Gross Domestic Product

• Ang tala sa mga sinusukat na pambansang kita ay


National Income Accounts.
• Ang pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita,
tinatawag itong National Income Accounting.
• Parehong sinusukat sa loob ng isang takdang panahon,
maaring quarterly o taunan.
Tatlong pamamaraan ng National Income Accounting
1. Paraan batay sa Paggasta (Expenditure Approach)
Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor:
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na
sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang
sumusunod:
a. Gastusing Personal (C) – nakapaloob dito ang mga gastos
ng mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo
ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng
mga mamamayan ay kasama rito.
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga
gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina,
hilaw na materyales para sa produksyon, sahod ng mga
manggagawa at iba pa.
c. Gastusin ng Pamahalaan (G) – Kasama rito ang mga
gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong
panlipunan at iba pang gastusin nito.
d. Gastusin ng Panlabas na sektor (X-M) – makukuha ito
kung ibabawas ang niluluwas o export sa inaangkat o import.
e. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan
o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan
ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksiyong
hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon.
f. Net Factor Income From Abroad (NFIFA) – tinatawag ding
Net Primary Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos
ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga
dayuhang nasa loob ng bansa.
➢ Sa isang pamamaraan ng gastusin, ang pormula ay :
GNI= C + I + G + ( X - M ) + SD + NFIFA
GNI = GDP + NFIFA
Halimbawa:
C = 130 M piso
I = 30 M piso
G = 24 M piso
X = 25 M piso
M = 10 M piso
SD = 3 M piso
GDP = 222 M piso
NFIFA = 60 M piso
GNI = 282 M piso
2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial
Origin/ Value Added Approach)
Sa paraang ito, kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng
bawat industriya sa ating bansa. Ang anumang
kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at
serbisyo ng bawat sektor ay siyang kumakatawan sa halaga
ng produkto at kapag pinagsama-samang lahat ang halaga
ng mga produkto, makukuha ang kabuuang produksyon sa
loob ng bansa o GNI. Ang tinutukoy na sektor ng ekonomiya
ay agrikultura (agriculture), kasama ang pangingisda at
paggugubat, industriya (industriya) at paglilingkod (service).
Halimbawa:
Agrikultura - 60 M piso
Industriya - 80 M piso
Serbisyo - 53 M piso

GDP = 193 M piso


NFIFA = 10 M piso
GNI = 203 M

 Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang


lahat makukuha ang halagang 203 M piso.
Sa paggamit ng pormula ng GNI, kapag
pinagsama-sama ang lahat makukuha ang
halagang 282 M.
3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)
Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap na
kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik. Kapag ang
mga ito ay pinagsama-sama, nakukuha ang pambansang
kita o national income ng bansa. Ang mga kabilang sa
National Income (NI) ay ang mga sumusunod:

a. Kabayaran o kita ng mga Empleyado at Manggagawa


(KEM) - sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga
bahay-kalakal at pamahalaan.
b. Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian (KEA) –
Kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag
na sahod o sweldo. Ito ay kita ng isang entreprenyur bilang
salik ng produksyon. Dito rin nabibilang ang mga
dibidendo na kabayaran sa ari-arian. Ang kita ng
entrepreneur sa kanyang negosyo ay tinatawag na
proprietor’s income.

c. Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK) - Ang kita na


tinanggap ng korporasyon at pondo na inilalaan upang
palawakin ang negosyo.
d. Kita ng Pamahalaan ( KP )- ito ay lahat ng kita na
tinanggap ng pamahalaan tulad ng buwis, mga kinita ng
korporasyon na pag-aari ng gobyerno at mga interes sa
pagpapautang ng pamahalaan.
e. Capital Consumption Allowances ( CCA ) – tinatawag
na depresyong pondo na inilalaan para sa pagbili ng bagong
makina o gusali kung ang mga ito ay unti-unting nasisira at
naluluma.
f. Indirect Business Tax ( IBT)- Di tuwirang buwis na
ipinapataw sa mga produkto o serbisyo na nilikha matapos
ibawas ang anumang subsidy na ibinibigay ng pamahalaan.
➢ Sa isang pamamaraan ng kita, ang pormula ay:
NI= KEM + KEA + KK + KP
GNI = NI + IBT + CCA
Halimbawa:
KEM - 150 M piso
KEA - 60 M piso
KK - 15 M piso
KP - 25 M piso
NI = 250 M piso
IBT = 5 M piso
CCA = 12 M piso
GNI = 267 M piso
 Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang lahat
makukuha ang halagang 267 M piso.

 Ang compensation of employees ay ang sahod ng


manggagawa. Ang rent ay kita mula sa lupa. Ang interes
ay mula sa capital. Ang buwis na galing sa kita ng bahay-
kalakal ay ang corporate income tax.
CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES

Ang GNI ay sinusukat sa pamamagitan ng market value o


halaga ng mga produkto at serbisyo sa
pamilihan.Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa
pagsukat ng GNI. Ipinapahayag ang GNI sa dalawang paraan,
ito ay ang mga sumusunod:

• Current o Nominal GNI- ito ay Gross National Income sa


kasalukuyang presyo
- kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na
produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang takdang
panahon batay sa kasalukuyang presyo.
• Real GNI o GNI at constant prices- kumakatawan sa
kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong
ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa
nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng
batayang taon o base year.

Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa


ekonomiya sa pamamagitan ng Growth Rate. Ano ba ng
Growth Rate? Ang Growth rate ay ang sumusukat kung
ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya
kompara sa nagdaang taon. Gamit ang pormula sa ibaba
upang masukat ang growth rate ng Gross National Income.
Taon Current/Nominal Growth rate Real/Constant Growth
GNI ng nominal Prices GNI rate
GNI
2015 8,634,139 ----- 5,935,675 ----

2016 9,345,619 8.24 % 6,135,019 3.36%

2017 10,455,510 11.88 % 6,394,598 4.23%

2018 11,835,998 13.20% 6,899,136 7.89%


Pormula:

Growth Rate = GNI sa kasalukuyang taon − GNI sanakaraang taon X100


GNI sa nakaraang taon

Halimbawa:
2015 Nominal GNI = 8,634,139
2016 Nominal GNI = 9,345,619
Growth Rate = GNI sa kasalukuyang taon − GNI sa nakaraang taon X100
GNI sa nakaraang taon

= GNI (2016) - GNI (2015) X100


GNI (2015)

= 9,345,619 - 8,634,139 X100


8,634,139

Growth Rate = 8.24%


LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

Ang GNI ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng


ekonomiya ng bansa.Sa pagtantya ng GNI, hindi
naisasamang lahat ang kabuuang halaga ng produkto at
serbisyo sa bansa. May mga produkto o serbisyo na
nalilikha na hindi nakukwenta dahil ang mga ito ay hindi
ipinagbabayad ng buwis , mga negosyo na walang record sa
ating pamahalaan o sa ibang ahensya nito. Kabilang dito ay
ang mga sumusunod:
- Hindi Pampamilihang Gawain (hal: pag-aalaga ng anak,
paghuhugas ng pinggan, at pagtatanim sa bakanteng lupa
sa loob ng bakuran)
- Impormal na Sektor (hal: transaksyon sa black market,
ilegal na droga, nakaw na sasakyan at kagamitan, ilegal na
pasugalan, ata iba pa.)
- Externalities o hindi sinasadyang epekto (hal: gastos ng
isang planta ng koryente upang mabawasan ang perwisyo
ng polusyon)
- Kalidad ng buhay
Ang lahat ng limitasyong ito ay masasabing hindi mainam
na sukatan ng kagalingan ng pagkatao ang pambansang
kita. Gayunpaman, kahit may limitasyon ang pagsukat ng
pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas ng
pagsulong ng ekonomiya.
Panuto: Basahin at unawain ang balita tungkol sa
pambansang kita ng ating bansa at sagutan ang mga
katanungan na nasa ibaba. Isulat ito sa inyong sagutang
papel.

Paglago ng ekonomiya, pinakamabagal simula 2015


ABS-CBN News Posted at Nov 08 2018 02:29 PM

Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong


quarter (Q3) ng 2018, base sa naitalang gross domestic
product (GDP) ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ang
gross domestic product ay sukatan ng lahat ng mga
ginagawang produkto at ibinigay na serbisyo sa loob ng
bansa sa itinakdang panahon.
Base sa datos na inilabas nitong Huwebes, 6.1 porsiyento
lamang ang inilago ng ekonomiya ng bansa mula Hulyo
hanggang Setyembre, na bahagyang mas mababa sa 6.2
porsiyentong naitala noong Abril hanggang Hulyo nitong
taon. Ito ang pinakamabagal na paglago ng ekonomiya
tuwing Q3 magmula pa noong second quarter ng 2015, ayon
sa PSA. Nakita rin ang pagbagal ng paglago sa household
consumption, na pinakamabagal sa loob ng 4 taon. Dahil ito
umano sa pagbaba ng paggastos sa pagkain at iba pang mga
pangunahing bilihin. Nasa 6.9 porsiyento naman ang naging
paglago sa serbisyo habang nasa 6.2 porsiyento ang
natamong paglago sa industriya.
Nagkaroon naman ng 0.4 porsiyento bawas sa agrikultura sa Q3, na
maaaring dahil sa pinsalang dala ng mga dumating na bagyo sa mga
pananim, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.
Nananatili ang Pilipinas na isa sa may pinakamabilis na lumagong
ekonomiya sa Asya, kasunod ang Vietnam na may 7 porsiyentong
GDP, at Tsina na may 6.5 porsiyentong GDP. "We are not exactly
exuberant about the 6.1-percent growth rate, but still comforted that we
still remain one of the fastest growing economies in Asia," aniya. Dagdag
ng kalihim na kinakailangan ang 7 porsiyentong GDP sa Q4 para
makamit ang lowend target na overall GDP nitong taon na 6.5
hanggang 6.9 porsiyento.
Magugunita ring bumagal ang paglago ng ekonomiya noong nakaraang
quarter, o mula Abril hanggang Hunyo dahil umano sa
pansamantalang pagsara ng Boracay at mas mabilis na inflation.
Pinagkunan: https//news.abs-cbn.com
Pamprosesong tanong: Kopyahin at Sagutin
1. Ayon sa balitang inyong binasa, bakit bumagal ang
paglago ng ekonomiya ng bansa simula 2015?
Ipaliwanag?
2. Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamabilis na lumalago
ang ekonomiya sa Asya. Bilang isang indibidwal, sa
papaanong paraan ka makakatulong upang mapanatili
ang paglago ng ekonomiya ng ating bansa?
3. Sa iyong palagay, ano ang naiaambag mo o ng iyong
pamilya sa pambansang produksyon ng bansa? Bakit ito
mahalaga tungo sa pambansang pagsulong ng
ekonomiya?
4. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong iambag upang
makamit ang pag-unlad ng ating bansa?
B. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung angkop ang
tinutukoy ng pangungusap at MALI kung hindi angkop ang
tinutukoy ng pangungusap. Isulat ito sa inyong sagutang
papel.
__________1. Ang GNI ay tumutukoy sa kabuuang
pampamilihang halaga ng mga produkto at
serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng
isang bansa.
__________2. Ang pamamaraan ng pagsukat ng pambansang
kita ay National Income Accounting.
__________3. Ang paglago ng GDP ay sandata ng pamahalaan

sa pangungutan sa ibang bansa.


__________4. Hindi nasusukat ang mga kabilang sa impormal
__________5. Ang GNI at GDP ay maaaring sukatin makalipas
ang dalawang taon.
__________6. Ang pakikipagkalakalan ay isang mahalagang
gawaing pang-ekonomiya ng anumang bansa.
_________ 7. Kakayahan ng salapi ng tao na makabili ng mga
produkto at serbisyo.
_________ 8. Ang rent ay kita mula sa lupa.
_________ 9. Nasusukat ng GNI at GDP ang dami ng
pinagkukunang-yaman ng pambansang
ekonomiya.
_________ 10. Ang Expenditure Approach, Industrial Origin

Approach at Income approach ay mga


pamamaraan ng National Income Accounting.

You might also like