You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9
Zest for Progress
Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan- Modyul 3:
Pambansang Kita

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Bobby Jeric M. Pedraza


Editor: Kimberly Cler G. Suarez
Tagasuri: Allan S. Caballero
Ma. Angelica C. Epanto
Kimberly Cler G. Suarez
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Bobby Jeric M. Pedraza
Tagalapat: Allan S. Caballero
Ma. Angelica C. Epanto
Kimberly Cler G. Suarez
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD


EPS – Araling Panlipunan

2
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalayon na iyong masusuri ang pamamaraan at
kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.

Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang


kita.

Balikan
Gawain I. IGUHIT MO KAMI!

Panuto: Iguhit ang dayagram ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya.Ipakita


ang iba’t ibang sektor sa iyong dayagram. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Mga Sektor:
A. Bahay-Kalakal
B. Sambahayan
C. Panlabas na Sektor
D. Pamahalaan
E. Pamilihang Pinansyal

Rubrics:
Puntos
Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang 10
pagkakalagay ng mga sektor.
Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya
subalit may isa hanggang dalawang mali sa paglalagay ng mga 8
sektor.
Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya
subalit may tatlo hanggang limang mali sa paglalagay ng mga 6
sektor.
Mali ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at may 4
isa hanggang dalawang mali sa pagkakalagay ng mga sektor.
Mali ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang 2
pagkakalagay ng mga sektor.

3
Aralin
2 Pambansang Kita

Tuklasin
Gawain 2: Pagsusuri sa Larawan

Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig ng larawan sa abot ng iyong


makakaya. Matapos ang pagsusuri, punan ang pahayag sa
ibaba.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay_______________________________________

__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Ano ang naging batayan mo sa pagkompleto ng pangungusap?
3. Sa iyong palagay, ano ang mga ginagamit na panukat upang matukoy
ang kalagayan ng ekonomiya?

4
Suriin
KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA
Ayon kay Campbell R McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics
Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa
pambansang kita ay ang sumusunod:
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya

tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang particular na taon


at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng
bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon,
masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng atng
ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o
pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging
gabay ng mga nagplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga
patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga
mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng
bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang

kita,haka- haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na


batayan. Kung gayon, ang datos ay hndi kapanipaniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat
ang kalusugan ng ekonomiya.

PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME (GNI) AT GROSS


DOMESTIC PRODUCT (GDP)
Ang Gross National Income o dating tinatawag na Gross National Product ay
sinusukat ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. Mga mamamayan ng bansa ang
nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyong ito kahit saang bahagi ng daigdig ito
ginawa.

Mga Hindi Isinasama Sa Pagkuwenta Sa Pambansang Kita

1. Hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng


produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang .
2. Hindi na isinasama ang mga pampamilihang gawain, kung wala namang
kinikitang salapi ang nagsasagawa nito.
3. Hindi rin isinasama ang mga produktong nabuo mula sa mga impormal
na sektor o underground economy sapagkat hindi ito nakarehistro at walang
dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain upang ang
halaga ng kanilang produksiyon ay masukat.

5
4. Hindi rin kabilang ang mga produktong segundamano dahil isinama na
ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang.

Ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang


pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa
loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin lahat ng salik
ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay
pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.

MGA PARAAN NG PAGSUKAT SA GNI


Ayon kay Villegas at Abola(1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa Gross
National Income: (1) pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach), (2)
pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon ( Income approach), at (3)
pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach).

1. Paraan batay sa paggasta (Expenditure Approach)


Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor:
sambahayan,bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor.
Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod.

a. Gastusing Personal (C) -napapaloob dito ang mga gstos ng mamamayan


tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok
at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay ksama rito.

b. Gastusin ng mga namumuhunan (I)- kabilang ang mga gastos ng mga


bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na sangkap o
materyales sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa.

c. Gastusin ng pamahalaan (G)- kasama rito ang mga gastusin ng


pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pang
mga gastusin nito.

d. Gastusin ng panlabas na sektor (X-M)- makukuha ito kung ibabawas


ang iniluluwas o export sa inaangkat o import.

e. Statistical Discrepancy (SD)- ang anumang kakulangan o kalabisan sa


pagkwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap
sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos
o impormasyon.

f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)- tinatawag ding Net Primary
Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang
nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.

Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan


batay sa paggasta o expenditure approach ay: GNI = C+I+G+ (X-M) +SD +NFIFA.
Pag-aralan at suriin ang talahanayan ng GNI at GDP ng ating bansa noong 2012-
2013 na makikita sa ibaba.

6
At Current Prices At Constant Prices

Type of Expenditure

Approach 2012 2013 Growth Rate 2012 2013 Growth

(%) Rate (%)

1. Household Final 7,837,881 8,455,783 7.9 4,442,523 4,691,060 5.6


Consumption
Expenditure
2. Government Final
Consumption 1,112,586 1,234,113 11.7 653,067 709,109 8.6
Expenditure

3. Capital Formation 1,950,524 2,243,714 15.0 1,168,386 1,381,256 18.2

A. Fixed Capital 2,047,957 2,332,663 13.9 1,280,042 1,430,348 11.7

1. Construction 1,047,169 1,236,436 15.1 517,184 573,475 10.9

2. Durable 751,133 874,079 16.4 630,084 720,598 14.4


Equipment
3. Breeding Stock
& 181,123 178,032 -1.7 100,069 98,536 -1.5
Orchard Dev’t
4. Intellectual 41,531 44,116 6.2 32,705 37,739 15.4
Property Products
B. Changes in -97,433 -88,949 -111,656 -49,092
Inventories

4. Exports 3,254,460 3,332,196 2.4 3,054,071 3,077,984 0.8

A. Exports of Goods 2,120,180 2,124,279 0.2 2,426,493 2,428,474 0.1

B. Exports of 1,134,279 1,207,917 6.5 627,578 649,510 3.5


Services

5. Less: Imports 3,590,563 3,631,207 1.1 3,006,376 3,136,324 4.3

A. Imports of Goods 2,875,855 2,877,476 0.1 2,415,218 2,510,593 3.9

B. Imports of 714,708 753,731 5.5 591,158 625,731 5.8


Services

6. Statistical 0 -97,495 0 40,682


Discrepancy

GROSS DOMESTIC 10,564,886 11,546,104 9.3 6,311,671 6,763,767 7.2


PRODUCT

Net Primary Income 2,043,843 2,284,037 1,184,875 1,296,710

GROSS NATIONAL 12,608,730 13,830,140 9.7 7,496,546 8,060,477 7.5


INCOME

7
2. Paraan batay sa pinagmulang Industriya (Industrial Origin/Value
Added Approach)
Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross
Domestic Product ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng
produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng
sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo. Sa kabilang banda, kung isasama
ang Net Factor Income from Abroad o Net Primary Income sa kompyutasyon,
masusukat din nito ang Gross National Income (GNI) ng bansa.

At Current Prices At Constant Prices

Industry/Industry
Group 2012 2013 Growth Rate 2012 2013 Growth
(%) Rate (%)

Agriculture,
Hunting, 1250616 1297903 3.8 698937 706647 1.1
Forestry and
Fishing
Industry Sector 3284508 3582787 9.1 2022623 2213892 9.5
Service Sector 6029762 6665414 10.5 3590111 3843229 7.1

GROSS DOMESTIC 10564886 11546104 9.3 6311671 6763767 7.2


PRODUCT

Net Primary Income 2043843 2284037 1184875 1296710

GROSS NATIONAL 12608730 13830140 9.7 7496546 8060477 7.5


INCOME

3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)


a. Sahod ng mga manggagawa – Sahod na ibinabayad sa sambahayan
mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan.
b. Net Operating Surplus – inubo ng mga korporasyong pribado at

pag-aari at pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga negosyo.


c. Depresasyon- pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga
ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na paggamit at paglipas ng panahon.
d. Di-tuwirang Buwis- Subsidiya
1. Di-tuwirang buwis- kabilang dito ang sales tax, custom duties,
lisensya at iba pang di-tuwirang buwis.
2. Subsidiya- salaping binabalikat at binabayaran ng
pamahalaan ng hindi tumatanggap ng kapalit na produktoo
serbisyo. Isang halimbawa nito ang pag-ako ng pamahalaan sa
ilang bahagi ng bayarin ng mga sumasakay sa Light
Rail Transit.

8
Pagyamanin
Gawain 3: PAWANG KATOTOHANAN LAMANG
Panuto: May tatlong pahayag na nasa ibaba tungkol sa paksang ating tinalakay.
Ilan sa mga pahayag na ito ay walang katotohanan.Basahing mabuti ang
mga pahayag at alamin kung alin sa mga pahayag ang may katotohanan
at walang katotohanan. Sagutin ang pamprosesong tanong. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Pahayag 1. Ginagamit ang Gross National Income at Gross Domestic Product


upang masukat ang economic performance ng isang ekonomiya.

Pahayag 2. Tanging halaga ng mga tapos na produkto lamang ang isinasama


sa pagkuwenta ng Gross National Income.

Pahayag 3. Ang halagang mga nabuong produkto ng mga dayuhang


nagtatrabaho sa loob ng Pilipinas ay hindi ibinibilang sa
pagkuwenta ng Gross National Income ng bansang kanilang
pinanggalingan.

Mga Pamprosesong Tanong :

1.Ilan sa mga pahayag ang MALI at ilan ang TAMA?


2. Alin sa mga pahayag ang mali? Ipaliwanag kung bakit ito mali.
3. Alin sa mga pahayag ang tama? Ipaliwanag kung bakit ito tama.

9
Isaisip
Gawain 4: SUKATIN MO AKO!
Panuto: Sukatin ang GNI ng bansa gamit ang mga datos na nasa kahon.
Suriing mabuti kung anong paraan ng pagsukat sa GNI ang
naangkop na gamitin. Ipakita ang iyong proseso sa
pagkuwenta sa GNI. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

GROSS NATIONAL INCOME AND GROSS DOMESTIC PRODUCT : ANNUAL


2012 AND 2013 AT CURRENT AND CONSTANT 2000 PRICES, IN
MILLION PESOS

006,029,762.

006,665,414.
2012 2013
003,284,508.

003,582,787.

002,043,843.
2,284,037.00
001,297,903.
001,250,616.

Agriculture, Hunting, Forestry Industry Sector

Service Sector Net Primary Income


and Fishing
2012 1,250,616.00 3,284,508.00 6,029,762.00 2,043,843.00
2013 1,297,903.00 3,582,787.00 6,665,414.00 2,284,037.00

Pamprosesong Tanong:

1. Anong mga datos ang nakita mo sa graph?


2. Gamit ang mga datos na ito, kuwentahin ang GROSS DOMESTIC PRODUCT
ng bansa sa taong 2012 at 2013.
3. Gamit ang mga datos na ito, kuwentahin ang GROSS NATIONAL INCOME
ng bansa sa taong 2012 at 2013.
4. Anong paraan ng pagsukat ang angkop na gamitin upang kumpyutin ang
GDP at GNI ng bansa?

10
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat pangungusap at piliin
ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa
sagutang papel ang mga sagot.

1.Ang mga sumusunod ay nagpapakahulugan sa GNI, alin dito ang tama?


A. Ang GNI ay dating tinatawag na Gross Domestic Product.
B. Ang GNI ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng
lahat ng nabuong produkto at serbisyo sa loob ng isang bansa.
C. Ang GNI ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng
lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang
takdang panahon sa loob ng isang bansa.
D. Ang GNI ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon.

2. Alin sa mga sumusunod na mga paraan ng pagsukat, ang HINDI ginagamit sa


pagsukat ng GNI?
A. Economic Freedom Approach
B. Expenditure Approach
C. Income Approach
D. Industrial Origin Approach

3. Ano ang kahalagahan ng pagsukat ng Pambansang Kita?


A. Ang pagsukat ng pambansang kita ay nagbibigay-daan para sa
kasalukuyang administrasyon upang makalikom ng suporta galing sa taong-
bayan.
B. Ang pagsukat ng pambansang kita ay naglalayon na maging tanyag tay sa
buong mundo.
C. Kapag nalaman na malaki ang kita natin, magiging tanyag
ang kasalukuyag administrasyon.
D. Magkakaroon ng pagsubaybay sa direksyong tinatahak ng ating
ekonomiya.

4. Alin sa mga sumusunod na formula ang tamang pagkwenta ng GNI batay sa


expenditure approach?
A. GNI=C+G+(X+M) +SD+NFIFA
B. GNI=C+G+I+(X+M) +SD+NFIFA
C. GNI= C+I+G+ (X-M) +SD+NFIFA
D. GNI= C+I+G+ (X-M) – SD+NFIFA

5. Alin sa mga sumusunod na formula ang tamang pagkuwenta upang makuha


ang Gross Domestic Product ng Pilipinas gamit ang expenditure approach?
A. GDP= C+G-I+ (X-M) +SD+NFIFA
B. GDP= C+G+I+(X-M) +SD+NFIFA
C. GDP= C+G+I+(X-M) +SD
D. GDP= C+G+I+(X-M) + NFIFA

11
6. Ang GDP ay masusukat gamit ang Value Added Approach o pagsasama-sama ng
kabuuang halaga ng produksyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kapag
isinama ang Net Primary Income sa kalalabasan ng kompyutasyon sa pagsasama-
sama ng kauuang halaga ng produksyon ng mga pangunahing industriya sa bansa
ay hindi natin masusukat ng tama ang GNI ng bansa.
A. Ang dalawang pahayag ay mali.
B.Ang dalawang pahayag ay tama.
C. Ang unang pahayag ay mali at tama ang pangalawa.
D. Ang unang pahayag ay tama at mali ang pangalawa.

7.Isang paraan ng pagsukat ng pambansang kita ay ang batay sa kita o Income


Approach, sa paraan na ito isinasama ang Net Operating Surplus sa pagkwenta
upang makuha o malaman ang Pambansang kita. Ang sahod ng mga manggagawa
ay hindi kabilang sa paraan na ito.
A. Ang dalawang pahayag ay mali.
B.Ang dalawang pahayag ay tama.
C. Ang unang pahayag ay mali at tama ang pangalawa.
D. Ang unang pahayag ay tama at mali ang pangalawa.

8. Ang tatlong paraan ng pagsukat ng Gross National Income ay iminungkahe nina


___________________ noong taong
1992. A. Abola at Campbell
B.Campbell at Brue
C.Karl Marx at Stanley Brue
D. Villegas at Abola

9. Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sector ay hindi na ibinibilang


sa pagkuwenta ng GNI, sa anong kadahilanan?
A. Maliliit lamang ito na Negosyo
B. Mumurahin lamang ang ibenebenta
C. Hindi kayang bilangin ng pamahalaan ang dami ng mga
produktong galing sa impormal na sector.
D.Hindi nakarehistro at walang dokumentong pagkukunan ng datos

10.Si Rodel ay isang Pilipino na nagtrabaho sa bansang Japan ng limang taon. Sa


tagal ng kanyang pamamalagi roon ay nakapagpatayo siya ng isang negosyo na
talaga namang pumatok sa panlasa ng mga naninirahan roon.Alin sa mga
sumusunod ang tama patungkol sa sitwasyong ito?
A. Hindi kasama sa pagkwenta ng GDP ng bansang Japan ang
kanyang kita.
B. Hindi kasama sa pagkwenta ng GNI ang kanyang kita.
C. Kasama sa GNI ng bansang Pilipinas ang kanyang kita
D. Kasama sa pagkwenta ng GDP ng bansang Pilipinas ang
kanyang kita.

11. Gamit ang mga datos ng Agriculture, Hunting,Industry sector at Service sector
anong paraan ang gagamitin mo upang masukat ang GDP ng bansa?
A. Economic Freedom Approach
B. Expenditure Approach
C. Income Approach
D. Industrial Origin Approach

12
Gamit ang sumusunod na datos sagutin ang mga susunod na mga katanungan.

Industry/Industry Group
2012 2013
Agriculture, Hunting, 1,250,617 1,297,904
Forestry and Fishing
Industry Sector 3,284,509 3,582,788
Service Sector 6,029,763 6,665,415

GROSS DOMESTIC PRODUCT ? ?

Net Primary Income 2,043,844 2,284,038

GROSS NATIONAL INCOME ? ?

12. Gamit ang datos sa itaas, ano ang GDP ng bansa taong 2012?
A. 10,564,889
B. 11,546,107
C. 12,608,733
D. 13,830,145

13. Gamit ang datos sa itaas, ano ang GDP ng bansa taong 2013?
A. 10,564,889
B. 11,546,107
C. 12,608,733
D. 13,830,145

14. Gamit ang datos sa itaas, ano ang GNP ng bansa taong 2012?
A. 10,564,889
B. 11,546,107
C. 12,608,733
D. 13,830,145

15. Gamit ang datos sa itaas, ano ang GNP ng bansa taong 2013?
A. 10,564,889
B. 11,546,107
C. 12,608,733
D. 13,830,145

13
Susi sa Pagwawasto

iba-iba ang sagot


.3 Pahayag 1 at 2;
iba ang sagot
.2 Pahayag 3; iba-
.1 Mali- 1; Tama- 2
LAMANG
KATOTOHANAN Gawain 3: PAWANG

Approach
.4 Industrial Origin /Value Added D.15
13,830,141 2013=
12,608,729 2012= .3 C.14
11,546,104 2013= B.13
10,564,886 .2 2012= A.12
ang sagot D.11
.1 maaaring iba-iba C.10
D.9
Gawain Sukatin4: mo Ako D.8
D.7
D.6
C.5
C.4
D.3
A.2
D.1
Tayahin

14
Sanggunian:
Ekonomiks Araling Panlipunan ,Modyul para sa Mag-aaral,pp245-249

https://images.app.goo.gl/ZZFpNF9AJtYHQiCt8

15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed that I I think that I shall never see A
was walking along the beach with the poem lovely as a tree.
LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets of Against the earth’s sweet flowing breast;
footprints – one belong to me and the
other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I noticed And lifts her leafy arms to pray;
only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear A
“And I ask the LORD. Why? Why? Why
nest of robins in her hair;
did you leave me when I am sad and
helpless?”
Upon whose bosom snow has lain; Who
And the LORD replied “My son, My son, intimately lives with rain.
I have never left you. There was only one
(1) set of footprints in the sand, because it Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.
was then that I CARRIED YOU!

16

You might also like