You are on page 1of 4

BULAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

IKAAPAT NA MARKAHAN
Araling Panlipunan 9( EKONOMIKS)
S.Y. 2019-2020

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ______________________________


Pangkat: _____________________________________________ Iskor:

Panuto:Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sektor ng ekonomiya na nauukol sa paghahalaman at pag-aalaga ng hayop.


a. Agrikultura c. Impormal
b. Industriya d. Pangangalakal
2. Alin sa sumusunod na sector ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na material upang ito ay maging
isang produkto?
a. agrikultura c. paglilingkod
b. industriya d. impormal na sector
3. sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong lalo na sa mga probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para
mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sector ng agrikultura?
a. pagmimina c. pangungubat
b. pangingisda d. paghahayupan
4. Alin sa sumusunod na sector ang hindi nakarehistro ay kabilang sa isang kahig, isang tuka. Ano naman ang
positibong epekto ng paglaganap n impomal na sector?
a. agrikultura c. paglilingkod
b. industriya d. impormal na sector
5. Ang Impormal na sektor ay tinatawag na underground economy at black economy sapagkat ito ay ang
ekonomiyangnakatago at ilegal, ang halimbawa sa mga transaksyon nito ay ang:
a. Pag-aalaga ng iba’t-ibang uri ng hayop c. Maling pagdedeklara ng buwis
b. Pagbibili ng mga pribadong sektor ng mga korporasyon d. Pakikipagkalakalan sa labas ng bansa
6. Kabilang sa sektor na ito ang mga taong naghahanapbuhay o kasali sa mga gawaing pang-ekonomiko na labag sa
batas.
a. Impormal b. industriya c. Agrikultura d. Pangangalakal
7. Ang Impormal na sektor ng ekonomiya ay ang mga gawaing nakatago at mga hindi nakatala samakatuwid, may
tuwiranbang pakinabang ang pamahalaan sa sektor na ito?
a. Meron, sapagkat nakapagbibigay ito ng mga produkto na kinakailangan ng mga ordinaryong mamamayan.
b. Meron, sapagkat ito ay nakakapagbigay ng buwis sa pamahalaan.
c. Hindi, sapagkat hindi naman ito kasali sa pagtataya ng kabuuang GDP ng bansa.
d. Hindi, sapagkat hindi nakakakolekta ang pamahalaan ng buwis na pantugon sana sa pangangailangan ng bansa.
8. Ang mga sumusunod ay mga sector na bumubuo sa sector ng agrikultura maliban sa isa, alin ito?
a. Paghahayupan c. Pangisdaan
b. Paghahalaman d. Pagmamanukan
9. Ang sektor ng pangangalakal ay isa sa mahalagang sektor ng ekonomiya ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod
angkahalagahan ng sektor na ito sa mga mamamayan ganun din sa iba pang sektor ng ekonomiya?
a. Ito ay nakapagbibigay ng malayang transaksyon ng hanapbuhay sa labas at loob ng bansa.
b. Nakakatulong ito sa pagbibili ng mga produkto na yari sa sarili nating bansa.
c. Natutugunan nito ang pangangailangan ng mga mamamayan.
d. Nagbibigay ito ng hanapbuhay sa maraming manggagawa at nakakatulong sa pagbibili ng mga produktong
industriyalat agrikultural.
10. Kung ikaw ay isa sa mga magiging opisyales ng pamahalaan na nangangalaga sa agrikultura, ano ang iyong
gagawin upangmaisaayos ang kalakarang agrikultural ng bansa?
a. Magtutuon sa mga sektor ng agrikultura na nagbibigay ng malaking kita sa bansa.
b. Magbibigay ng malaking pondo para sa sektor na ito.
c. Mag-aaral at makikipagtulungan sa iba pang eksperto kung paano mapaunlad ng bansa.
d. Hahayaan na lamang sa mga agriculturist ang desisyon para sa agrikultura ng bansa.
11. Paano nakakatulong ang sektor ng agrikultura upang makakuha ng kita mula sa labas ng bansa?
a. Nagsusuplay ang sektor na ito ng karagdagang pondo tulad ng kapital o lakas-paggawa sa ibang sektor ng
ekonomiya.
b. Sinusuplayan ng agrikultura ang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga tao.
c. Pangunahing iniluluwas ng mga umuunlad na bansa ang mga produktong agrikultural upang madagdagan ang
kita.
d. Nakakapangutang ang sektor ng agrikultura sa ibang bansa upang pantustos sa pangangailangang pang-
agrikultural namakakatulong sa paglago ng ekonomiya.
12. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na tumulong sa pagsagip sa kalikasan, ano ang iyong gagawin?
a. Magtatanim ng maraming puno upang maibalik ang mga nawalang puno sa kagubatan.
b. Sasali sa mga pambansang kilusan na laban sa illegal na pagtotroso.
c. Magtatanim ng maraming bakawan upang maging alternatibo sa mga puno na nawala.
d. Maglilinis ng kapaligiran at magtatapon ng basura sa tamang tapunan nito.
13. Ito ay tumutukoy sa industriya ng pagtatayo ng mga gusali, pagawaan, pabrika at iba pang istruktura.
a. Pagmimina c. Elektrisidad, Gas at Tubig
b. Pagmamanupaktura d. Konstruksyon
14. Ang mga sumusunod ay ang mga bumubuo sa sektor ng industriya maliban sa isa, alin ito?
a. Konstruksyon c. Pagmamanupaktura
b. Pangisdaan d. Elektrisidad, Gas at Tubig
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi anyo ng Impormal na sektor ng ekonomiya?
a. Counter-trade c. Hangaring kumita
b. Di-nakarehistro d. Ilegal na Ekonomiya
16. Ito ay isa sa mga dahilan ng impormal na gawain na umukol sa ilang mga tauhan ng pamahalaan na nagkukulang
sapagpapatupad ng kanilang tungkulin.
a. Mga batas at regulasyon c. Mga ahensya ng pamahalaan
b. Ilegal na ekonomiya d. Hangaring kumita
17. Ito ay ahensya ng pamahalaan na gumagabay sa mga lokal at dayuhang mangangalakal sa pagtatatag ng negosyo
at ito rinang nangangalaga sa mga mamimili.
a. DTI c. BFAR
b. BIR d. PEZA
18. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa sektor ng
agrikultura?
a. DENR (Department of Environment and Natural Resources)
b. MGB (Mines and Geo-Sciences Bureau)
c. DPWH (Department of Public Works and Highways)
d. DA (Department of Agriculture)
19. Upang malutas ang mga suliranin sa agrikultura tulad ng pagkaubos ng kagubatan at mga lamang dagat, alin sa
mgasumusunod ang dapat gawin ng pamahalahaan para malutas ang mga ito?
a. Bibigyan ng malaking budget ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura.
b. Magtatatag ng mga ahensya at programa na tutulong sa sektor na ito.
c. Magsasagawa ng isang kampanya upang humikayat na pangalagaan ang agrikultura.
d. Magbibigay ng maraming pananim at binhi ng mga isda sa mga mamayan upang alagaan.
20. Kung ikaw ay magiging isa sa mga opisyales ng pamahalaan, alin sa mga sumusunod ang gagawin mo upang
maiwasan anglalong pagdami ng impormal na gawain?
a. Maggagawa ng maraming batas laban sa mga gumagawa ng impormal na gawain.
b. Mas pagbubutihin ang trabaho at magiging tapat upang masugpo ang mga gumagawa ng mali.
c. Magbubuo ng mas marami pang ahensya na tutulong sa pagpuksa ng mga ito.
d. Hahayaan na lamang dahil nakakatulong naman sila sa ekonomiya ng bansa.
21. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na
paraan sila makikinabang?
a. trade embargo at quota c. espesyalisasyon at kalakalan
b. kasunsuang multilateral d. sabwatan at kartel
22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga uri ng industriya.
a. Industriya sa Sambahayan c. Industriya sa Bahay-Kalakal
b. Maliliit at Katamtamang-laking Industriya d. Malaking Industriya
23. Ito ay ang mga pinagsanib na programa upang mapaunlad ang land tenure at maiayos ang mga hadlang na
nagpapabagal sapag-unlad ng agrikultura.
a. Repormang agraryo c. Comprehensive Land Reform Program
b. Repormang pang-agrikultura d. Encomienda
24. Kung ang sektor ng agrikultura ang nagkakaloob ng mga hilaw na sangkap, ano naman sa mga sumusunod ang
papel naginagampanan ng sektor ng ng industriya sa cycle naugnayan nya sa agrikultura?
a. Ipapadala sa ibang bansa ang mga yaring produkto.
b. Gagamitin ng industriya ang mga hilaw na sangkap upang lumikha ng yaring produkto.
c. Babayaran ang agrikultura para sa mga hilaw na sangkap nito.
d. Lalapit sa pamahalaan upang pagdesisyunan ang tungkol sa mga hilaw na produkto ng agrikultura.
25. Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP?
a. Ipapamahagi ang mga pampubliko at pampribadong mga lupaing agrikultural anuman ang tanim at tenyur nito.
b. Ipapamahagi ang mga malalaking ektarya ng mga pampribadong lupain na hindi nakarehistro sa gobyerno.
c. Ipapamahagi ang mga pampublikong mga lupain para sa mga magsasakang matagal ng nagsasaka sa lupaing iyon.
d. Ipapamahagi ang mga pampubliko at pampribadong lupain kung magbabayad ang mga magsasaka ng 25% sa may
aring lupaing ito.
26. Ang mga sumusunod ay ang mga inilunsad na repormang panlupa sa kasaysayan ng Pilipinas, alin sa mga
sumusunod anghindi kabilang sa mga patakarang inilunsad noong panahon ng mga Español?
a. Caciquismo c. Corregimiento
b. Encomienda d. Inquilinato
27. Ano ang pagkakaiba ng sambahayan sa bahay-kalakal?
a. Ang sambahayan ang nagkakaloob ng mga hilaw na sangkap, samantalang ang bahay-kalakal naman ang
gumagamit samga hilaw na sangkap upang makabuo ng panibagong produkto.
b. Ang sambahayan ang bumibili ng mga produkto na yari sa bahay-kalakal na sila mismo ang nagbebenta sa
pamilihan.
c. Ang sambahayan ang gumagawa ng mga panibagong produkto na yari sa mga hilaw na sangkap na ipinagkaloob
ngbahay-kalakal upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
d. Ang sambahayan ang nagbabayad sa lahat ng gastusin ng bahay-kalakal sa paglikha ng mga produkto upang
matugunanang pangangailangan ng sambahayan.
28. Ano ang papel na ginagampanan ng Department of Trade and Industry sa industriya ng bansa?
a. Nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa.
b. Tinutulungan nito ang mga nagsisimulang industriya.
c. Gumagabay sa mga lokal at dayuhang mangangalakal sa pagtatatag ng negosyo.
d. Naghihikayat sa mga dayuhan na mamuhunan na magnegosyo sa bansa.
29. Alin sa mga sumusunod na ahensya na tumutulong sa sektor ng agrikultura ang walang kinalaman sa
pagtatanim?
a. NFA c. DA
b. PhilRice d. BFAR

Ikompyut ang mga sumusunod batay sa mga impormasyon ng halaga sa itaas.

Factor Income Approach


30. NI = ?
a. 186M b. 177M c. 197M d. 150M
31. GNP = ?
a. 200M b. 183M c. 174M d. 214M
Final Expenditure Approach
32. GNP = ?
a. 214M b. 122M c. 154M d. 200M
Industrial Origin Approach
33. GDP = ?
a. 215M b. 221M c. 219M d. 211M
34. GNP = ?
a. 214M b. 210M c. 189M d. 163M
35. Bakit mahalagang alamin ang kabuuang Gross National Product o GNP na umiiral sa ekonomiya ng bansa?
a. Sapagakat ito ay ang pamantayan ng antas ng kaunlaran ng isang bansa.
b. Sapagkat ito ang pamantayan kung marami bang mga produkto ang nalikha sa loob ng isang taon.
c. Sapagkat ito ang pamantayan kung tinangkilik ng mga dayuhan ang mga lokal nating mga produkto.
d. Sapagkat ito ang pamantayan kung maayos bang napaghatian ang budget ng pamahalaan.
36. Ito ay anyo ng impormal na sektor na bumubuo sa mga gawaing ipinagbabawal ng batas subalit ginagawa ng
mga tao.
a. Counter-trade c. Ilegal na ekonomiya
b. Di-nakarehistro d. Di-nakatalang ekonomiya
37. Ito ay tumutukoy sa halaga ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa kasama ang ginawa ng mga
dayuhan.
a. Gross National Product c. Patakarang Piskal
b. Gross Domestic Product d. Alokasyon
38. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga salik sa pagkokompyut ng GNP ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang
hindikabilang sa pagkokompyut ng GNP sa kadahilanang pang-agrikultural at industriyal ng bansa?
a. KEA c. SD
b. CCA d. KP
39. Bakit pilit pinupuksa ng pamahalaan ang impormal na gawain kahit ito ay nakakatulong sa kabuuang GNP ng
bansa?
a. Dahil ito ay nakakapagpataas ng kriminalidad sa bansa.
b. Dahil hindi nito natutugunan ang pangangailangan ng maraming mamamayan.
c. Dahil nakakatulong ito sa pagpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa.
d. Dahil mas tinatangkilik ang mga produktong yari sa impormal kaysa sa pormal naekonomiya.
40. Ang paggamit ng droga ay isang halimbawa ng mapanganib na pagkonsumo, alin sa mga sumusunod ang
halimbawa namanng tuwirang pagkonsumo?
a. Pag-inom ng tubig
b. Paggamit ng sinulid at tela sa paggawa ng damit
c. Paggamit ng cellphone
d. Pagkain ng toblerone
41. Bakit nakakatulong ang pag-aanunsyo sa pagkonsumo ng isang produkto?
a. Sapagkat ang produkto ay kailangan ng mga tao.
b. Sapagkat nahihikayat nito ang mga tao na tangkilikin ang produkto dahil sa mga impormasyon nito.
c. Sapagkat nakakatulong ito upang mapabatid sa lahat na mayroon silang ganung produktong binebenta.
d. Sapagkat ito’y nakakatulong sa paglago ng ekonomiya dahil sa kita ng endorsement sa pag-aanunsyo.
42. Ang NFA ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na tumutulong sa sektor ng agrikultura. Alin sa mga sumusunod
angginagampanan ng ahensyang nito?
a. Nagbibigay ng pondo upang matugunan ang pangangailangan ng agrikultura.
b. Tumutulong sa pag-aangkat ng mga buto ng iba’t-ibang uri ng halaman upang gawing pananim.
c. Bumibili ng mga ani ng mga magsasaka sa tamang presyo.
d. Tagatambak ng maraming bigas para sa pangangailangan ng mamamayan.
43. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kahalagahan ng sektor ng agrikultura?
a. Nagsisilbing “market” o pamilihan ng mga produkto sa industriya.
b. Pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.
c. Nagbibigay ng maraming kaalaman sa mga manggagawa.
d. Pinagkukunan ng pagkain at material sa mga industriya.
44. Ang patakarang pang-ekonomiyang communism ay unang iminungkahi ni:
a. Adam Smith c. Thomas Maltus
b. David Ricardo d. Karl Marx
45. Sa kanyang akdang “Development as freedom” kanyang ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang
kong mapaunlad ang yamanng buhay ng tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito.
a. Amartya sen c. UNCTAD
b. Stephen Smith d. Feleciano Fajardo
46. Ano ang Qd kung ang formulang ginamit ay Qd = 300-20p ,at kung ang presyo ay 7?
a. 250 b. 160 c.150 d.125
47. Ano ang Qd kung ang formulang ginamit ay Qd = 250-10p, at kung ang presyo ay 9?
a. 140 b.150 c160 d.170
48. Ano ang Qs kung ang formula na ginamit ay Qs= -30+10p, at kung ang presyo ay 13?
a. 100 b.120 c.200 d. 220
49. Ano ang Qs kung ang formula na ginamit ay Qs = -55+15p, at kung ang presyo ay 10?
a. 65 b.75 c.85 d.95
50. Ano ang Qe kung ang Qd=300-20p at ang Qs = -30+10p?
a. 10 b. 11 c.12 d.13

You might also like