You are on page 1of 2

Lagumang Pagusulit sa Araling Panlipunan 9

Pangalan:________________________ Seksyon:__________ Iskor:______


Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa patlang bago ang bilang.
___1. Ano ang tawag sa halagang tinatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay?
A. Ipon B. Kita C. Savings D. Stocks/Bonds
___2. Ilang aktor ang bumubuo sa ikalawang modelo ng ekonomiya?
A. Apat B. Dalawa C. Lima D.Tatlo
___3. Ano ang tawag sa salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo?
A. Buwis B. Kapital C. Savings D. Subsidiya
___4. Ano ang tawag sa dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya?
A. Implasyon B.Maykroekonomiks C. Pampinansyal D.Makroekonomiks
___5. Ano ang konseptong naglalarawan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kita at gastusin ng pamahalaan
B. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
C. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
D. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal
___6. Sa anong modelo ng pambansang ekonomiya ang naglalarawan ng simpleng ekonomiya?
A. Unang Modelo B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo D. Ikaapat na Modelo
___7. Sa mga modelo ng ekonomiya, sa anong kategorya lumalahok a sistema ng pamilihan ang
pamahalaan?
A. Ikatlong Modelo B. Ikalawang Modelo
C. Ikaapat na Modelo D. Ikalimang Modelo
___8. Alin sa mga sumusunod na aktor ang pinanggagalingan ng mga produkto at serbisyo?
A. Bahay-kalakal B. Pampinansiyal C. Pamahalaan D. Sambahayan
___9. Ano ang tawag sa dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya?
A. Implasyon B.Maykroekonomiks C. Pampinansyal D.Makroekonomiks
___10.Anong modelo ng pambamsang ekonomiya ang nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor-ang
sambahayan at bahay-kalakal?
A. Ikatlong Modelo B. Ikalawang Modelo
C. Ikaapat na Modelo D. Ikalimang Modelo
___11. Si Aling Nina ay nagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa, ano ang tawag sa kanyang
produkto?
A.Buwis B. Import C. Export D.Sambahayan
___12. Ano ang tawag sa pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon?
A.Buwis B. Import C. Export D.Sambahayan
___13. Ano ang tawag sa bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan?
A.Bahay Kalakal B.Pamahalaan Panlabas na sektor D.Sambahayan
___14. Ano ang tawag salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo
A.Buwis B. Import C. Export D.Sambahayan
___15. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa
ekonomiya?
A. Nagsisilbing tagapamagitan sa sambahayan at sa bahay-kalakal sa mga usaping pampamilihan
B. Nagtatakda ng mga panuntunan sa pamilihan na dapat sundin ng sambahayan at bahay kalakal
C.Gumagawa ng mga polisiya na nakabubuti sa pag-unlad ng isang ekonomiya sa sambahayan at bahay-
kalakal
D.Ginagamit ang buwis mula sa sambahayan at bahay-kalakal para sa mga gastusin ng pampublikong
paglilingkod.
___16. Ang mga financial intermediaries kagaya ng mga bangko, kooperatiba, insurance companies at iba
pa ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga nagnanais na mag-ipon at mamumuhunan o uutang. Sa anong
pamilihan nagaganap ang ugnayan na ito ng pag-iimpok at pamumuhunan?
A. Pamilihang Pinansiyal B. Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
C. Panlabas na Sektor D. Pamilihan ng mga salik ng produksiyon
___17. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan sabahay-kalakal?
A. Sa pamamagitan ng pagpapautang ng sambahayan sa bahay kalakal para magkaroon ng puhunan.
B. Sa pamamagitan ng pangungulekta ng buwis ng sambahayan na gagamitin ng bahay kalakal.
C. Sa pamamagitan ng mamimigay ng mga hilaw na sangkap sa bahay kalakal na siyang kakailanganin sa
produksiyon.
D. Sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pagawaan ng sambahayan para magkaroon ng trabaho ang
bahay kalakal.
___18. Base sa dayagram ng paikot na daloy ng ekonomiya, paaano gumagana ang pambansang
ekonomiya upang mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan tungo sa pagtamo ng pambansang
kaunlaran?
A. Sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng mga pampamilihang pampinansiyal
B. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng ibang sektor ng ekonomiya
C. Sa pamamagitann ng pagsunod ng bawat sektor sa kanilang tungkulin
D. Sa pamamagitan ng pagtupad ng bawat sektor sa mga panuntunan
___19. Si Kareen ay naglagak ng Php 10,000.00 pera sa bangko. Anong benipisyo ang matatanggap ni
Kareen sa halagang inilagak niya sa bangko bilang deposito pagkatapos ng isang taon?
A. Magkakaroon ng interes na dadagdag sa kanyang orihinal na pera
B. Mananatili ang pera niya sa bangko upang ito ay hindi niya magastos
C. Maaari na niyang gastusin ang pera pagkatapos ng isang taon D. Madodoble ang halaga ng pera niya
sa bangko
___20. Si Aikah ay naglagak ng pera sa isang bangko sa halip na itago niya ito sa kanyang alkansiya, bakit
sa bangko inilagak ni Aikah ang kanyang pera sa halip na itago niya ito sa kanyang alkansiya?
A. Upang mapatatag ang sistema ng pagbabangko
B. Upang lumaki ang halaga ng pera dahil sa implasyon
C. Upang muling bumalik sa pamilihan ang salapi
D. Upang malabanan ang kakulangan ng salapi sa pamilihan

Prepared By: Checked By:

KIMBERLY O. NAPEÑAS REMEDIOS ELSIE P. APOSTOL,Ph.D


Subject Teacher School Principal III

You might also like