You are on page 1of 26

SUPPLY”

(SUPLAY)
BALIK ARAL

• “Demand” na isa sa mahalagang bahagi ng pamilhan na nakatuon sa


mga mamimili o komsyumer.
• Subalit hindi ganap ang magiging takbo ng pamilihan kung wala ang
prodyuser. Sila ang magtutuos at bumubuo ng mga produkto at
serbisyo sa pamilihan.
• Kung ang pag-aaral ng Deamand ay naktuon sa mga mamimili ang
araling ito ay nakatuon sa “Suplay”- mga produkto at serbisyo na gawa
ng prodyuser.
• Tungkulin ng bahay-kalakal
(business firms) ang lumikha ng
mga kalakal.
• Sa plano ng produksyon
maitatakda ng bahay- kalakal ang
uri at dami ng produkto na dapat
likhain
GAWIN NATIN!

• Pagmasdan ang iyong paligid. Maglista


ng sampung (10) kalakal na madalas
ibenta sa inyong lugar.
• Magkano ang kadalasang presyo nito?
• Ipaliwanag kung bakit sa mga nalistang
produkto ang kadalasang makikita sa
mga tindahan sa inyong lugar.
Kalakal na madalas Presyo
ibenta sa inyong lugar
• Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, mabibigyan ng
pagkakataon ang mga prodyuser na lumikha ng mga produkto at
makaloob ng mga serbisyo upang kumita.
Kahulugan ng “Suplay”
• Ang Suplay ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang
takdang panahon.
• Nais magbenta ng mga negosyante ng isang kalakal o serbisyo kung
mataas ang halaga nito. Kung mataas ang presyo, marami ang
supply.
• Isinasaad sa “Batas ng Suplay” na mayroong direkta o positibong
ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.
• Batas ng Suplay
• Kapag tumataas ang presyo,
tumataas din ang dami ng
produkto o serbisyo na handa at
kayang ipagbili.
• Mataas ang supply ng kalakal kung
mataas ang presyo nito. Bumababa
ang supply ng kalakal kung
bumababa ang presyo nito.
(Ceteris Paribus)
• Ito ang tinatawag na ‘Ceteris Paribus” o presyo lamang ang nakaaapekto
sa suplay.
• Sa tuwing ang mga produyer ay magdedesisyon na magproduce ng
produkto o magkaloob ng serbisyo, ang “presyo’ ang pangunahing
kanilang pinagbabatayan.
• Ipinapakita ng batas na ito na ang presyo ng produkto o serbisyo sa
pamilihan ang pangunahing batayan ng mga prodyuser sa paglikha ng
mga produkto o pagkakaloob ng serbisyo. Dahil dito, higit ang kanilang
pagnanais na magbenta ng marami kapag mataas ang presyo.
• Pamamaraan ng pagpapakita ng Relasyon ng Presyo at Quantity
Supplies
• Supply Schedule
• Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga
prodyuser sa iba’t ibang presyo.
• isang talaan nanagpapakita ng relasyon ng quantity supplied at presyo
Supply Schedule ng Kendi
Price (P) Quantity Supplied (Qs)

5 50

4 40

3 30

2 20

1 10

0 0
• Supply Curve
• Isang grapikong paglalarawan o pagpapakita ng relasyon ng quantity
supplied at presyo.
• Supply Function
• Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng
presyo at quantity supplied. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:
• Formula: Qs = f (P)
• Mga Salik na nakaaapekto sa Suplay
• Ang pagsusuri ng mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit
na matalino sa paggawa ng desisyon ang mga producer.
1. Pagbabago sa Teknolohiya
• Karaniwan na ang mga modernong teknolohiya ay nakakatulong sa mga
prodyuser na makabuo ng mas maraming suplay ng produkto.
• Dahil dito maaaring bumaba ang halaga ng produksyon na lalong hihikayat sa
mga prodyuser na dagdagan ang kanilang suplay.
• Halimbawa:
• Dahil sa makabagong makinarya
karamihan sa mga prodyuser ay
naeengganyo na maglikha ng mga
produkto. Dahil naniniwala ang mga
prodyuser na mas mabilis at dekalidad
ang mga produktong kanilang magagawa.
2. Pagbabago sa halaga ng salik ng produksyon
• Kapital, Paggawa, Lupa, Pamahalaan at Enterprenyur. Ano ang
koneksyon ng mga salik na ito sa suplay?
• Ang pagbabago ng presyo ng alin mang salik ng produkdyon ay
makapagdudulot ng pagbabago sa suplay ng produkto na kayang likhain
ng mga prodyuser.
• Halimnawa:
• Ang Sin Tax Law
•- Ito ay ang papataw ng ng pamahalaan sa alin mang produkto ng
alak at sigarilyo. Dahil sa pagpapatupad ng batas na ito, unti-unti na
tumataas ang presyo ng alak at ng sigarilyo.
3. Pagbabago sa bilang ng Nagtitinda
• Kung ano ang nauusong produkto ay
nahihikayat ang mga prodyuser na lumikha at Halimbawa:
magtinda ng mga produkto.
• Halimbawa:

• Dahil sa pagtangkilik ng mga konsyumers ng


mga produktong ito, nahihikat ang mga
prodyuser na maglikha ng mga pare-parehong
produkto
• Halimbawa:
• Ang magsasaka ay nagtatanim ng
palay at mais. Sa panahon na mas
mataas ang presyo ng mais,
magaganyak siyang gamitin ang
kabuuang lupa bilang taniman ng
mais. Ito ay magdudulot ng
pagbaba sa suplay ng palay at
pagtaas ng suplay ng mais.
4. Pagbabago sa presyo ng Kaugnay na produkto
• Ang pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakakaapekto sa
quantity supplied ng mga produktong kaugnay nito.
5. Ekspektasyon
• Kung inaasahan ng mga prodyusers na tataas ang presyo ng kanilang
produkto sa madaling panahon, may mga magtatago (hoarding)ng mga
produkto upang maibenta sa mas mataas na presyo sa hinaharap.
• Ang kondisyong ito ay tinatawag na “hoarding na nagbubunga ng
pagbaba ng suplay sa pamilihan
• Hoarding
• - tumukoy sa konseptong pang-ekonomiya kung saan ang isang
partikular na produkto o kalakal ay itinatago hanggang tumaas ang
demand rito at tuluyang tataas ang presyo. Ito ay isang uri ng
artipisyal o pagmanipula ng presyo ng mga produkto.
• Halimbawa:
•- Ang mga naranasan ng mga Filipino,
dahil sa pagkakaroon ng pandemya dulot
ng Covid 19 virus karamihan sa mga
Filipino ang naghanap ng mga face mask
pati na rin ang mga alcohol. Ngunit
marami ang mga prodyusers ang nagtago
ng mga ganitong klaseng produkto at
ilalabasa na lamang sa pamilihan sa oras
na mataas na ang presyo nito.
Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa Pagbabago ng Supply
• Dapat bigyang-pansin ng mga prodyuser ang mabisang produksyon
upang hindi madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto.
• Pagtuuan ng masusing pag-aaral bago pumasok sa isang negosyo.
• Magplano sa inaasahang natural na kalamidad.
• Bigyang-pansin ang kapakanan ng mga konsyumer, lalo na ang mga
mahihirap.
• Pagtataya
• Sagutin ang mga sumusunod;
1. Ano ang Law of Supply? O Batas ng Suplay? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang nilalaman ng supply schedule?ipaliwanag ang bawat isa.
3. Paano nakaaapekto ang presyo sa mga nagtitinda?
• Pangdalawahang Gawain
• Magdaos ng isang panayam sa isang prodyuser o nagtitinda. Alamin
ang kanyang mga suliranin tulad ng suplay, pagtaas ng presyo ng
produkto, at quantity demand.
• Ilahad ito sa klase. Gumamit ng power point presentation sa
paglalahad.

You might also like