You are on page 1of 27

Aralin 8

Ang Demand at ang Mamimili


Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Inihanda ni: Rachell Ann B. Mangosing
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik aral:

• Anu- ano ang mga


katangian ng
matalinong
mamimili?
BREAK MUNA
Alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo?

Kalakal Brand Dahilan


Sabon Safeguard o
Green Cross
Toothpaste Colgate o
Hapee
Kape Nescafe o
Great Taste
Suka Silver Swan o
Datu Puti
Panimula:
• Ang pagsusuri sa ekonomiks
ay nagsisimula sa pag-aaral
ng pag-uugali ng tao sa loob
ng pamilihan; ang mamimili at
ang nagtitinda. Ang mamimili
ay bumubuo at nagsasagawa
ng mga desisyon patungkol sa
pagbili at pagkonsumo ng
mga produkto. Ito ang
bumubuo sa economic cycle.
Economic Cycle
Production
paglikha ng kalakal

Distribution
Consumption pagbebenta o
Paggamit ng kalakal pamamahagi ng
kalakal
Anong konsepto sa ekonomiks
ang ipinakikita sa larawan?
Demand
• Ang kagustuhan ng
mga mamimili na
bumili ng isang
kalakal o
paglilingkod.
• Dami ng produkto
na nais bilhin ng
mga konsyumer sa
isang takdang
presyo.
Pagbibigay ng sariling pakahulugan sa DEMAND,
batay sa mga gawain gamit ang graphic organizer.
Gawain:

Paano ang demand at mga


konsepto nito ay makatutulong sa
matalinong pagdedesisyon ng
konsyumer at prodyuser tungo sa
pambansang kaunlaran?
Salik na nagpapabago sa Demand

• Presyo
• Di-Presyong Salik
• Kita ng Mamimili
• Populasyon
• Presyo ng mga
Kaugnay o Kapalit na
Produkto
• Panlasa
• Inaasahan ng mga
Mamimili
BATAS NG DEMAND
• Mataas ang demand ng isang kalakal kung mababa ang
presyo nito.
• Bumababa ang demand ng kalakal kung tumataas ang
presyo. Ceteris Paribus
Ano ang Ceteris Paribus?
• Nangangahulugan na
lahat ng ibang salik
maliban sa presyo ay
hindi nagbago.
• May mga kalakal na
kahit mataas ang presyo
ay hindi pa rin
nagbabago ang demand
nito.
Dalawang konsepto tungkol sa
magkasalungat na ugnayan sa pagitan
ng presyo at quantitydemand

BATAS NG
DEMAND

Substitution Income
Effect Effect
Substitution Effect
• Ipinahahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng
isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng
pamalit na mas mura.
• Sa gayon, mababawasan ang dami ng mamimiling
gustong bumili ng produktong may mataas na
presyo dahil maghahanap sila ng mas mura.
Income Effect
• Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng
kinikita kapag mas mababa ang presyo.
• Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas
ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas
maraming produkto.
Ano ang market demand?
• Ito ang pinagsama-samang dami ng demand sa isang
produkto.
Demand Schedule
• Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita
ng dami ng kalakal na kaya at gustong bilhin ng mga
mamimili sa iba’t ibang presyo.
• Malinaw naipinapakita ang magkasalungat na ugnayan
ng presyo at quantity demanded ng isang kalakal.
Demand Schedule ng Kendi

Price (P) Quantity Demand (Qd)

5 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60
Demand Curve
• Ang graph na batay sa demand schedule.
Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang
kombinasyon ng mga presyo at quantity
demanded ay mabubuo ang demand curve.
Kung tutuntunin ang mga puntong ito ay
makabubuo ng isang kurbang pababa
(downward sloping curve). Ang kurbang ito
ay nagpapakita ng magkasalungat na
ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng
gusto at kayang bilhin ng mamimili.
Demand Curve
Paglipat ng Demand Curve
• Nagkakaroon ng paglipat ng demand curve kung
nagkakaroon ng pagbabago sa demand ng isang
kalakal.
• Lumilipat ang demand curve
pakaliwa kung bumababa ang
demand ng kalakal.
• Lumilipat naman ang demand curve
pakanan kung tumataas ang
demand ng kalakal.
Matalinong Pagpapasya,
pagtugon sa pabago-bagong
Demand.
• Mas makabubuti kung hindi agad susunod sa uso
upang hindi agad magkaroon ng malaking
pagbabago sa demand.
• Matutung tipirin ang kita. Ang labis na paggastos ay
hindi mainam.
• Bago bumili ng kalakal, humanap at tignan ang
presyo ng kahalili at kaugnay na kalakal.
TANDAAN!
• Ang tamang pag gastos at
pagkonsumo ay
nakakatulong upang
maging matatag ang
presyo ng kalakal sa
pamilihan.
TAKDA:

PAGPAPAHALAGA

• Sa anong mga paraan mo ipinapakita


ang iyong pagiging matalinong
mamimili?
References:

• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para


sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like