You are on page 1of 26

9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Demand

1
Alamin

Sa modyul na ito inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod na kabuuang kasanayan:


Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang-araw- araw na
pamumuhay.
Matapos basahin at gawin ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahan din
na:

1. natutukoy ang konsepto ng demand;


2. natutukoy ang mga salik na nakaaapekto sa demand at paano ito
nakakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa batayan sa pagpapasya kung gaano karaming produkto o


paglilingkod ang bibilhin?
a. Batas ng negosyo
b. Batas ng demand
c. Batas ng konsyumerismo
d. Batas ng pangangailangan

2. Ano ang tawag sa dami ng kalakal na handang bilhin ng mga mamimili sa isang
takdang panahon?
a. timbang
b. suplay
c. demand
d. badyet

3. Ano ang tawag sa mekanismo kung saan nagtatagpo ang nagbebenta at namimili
upang magkaroon ng bentahan?
a. pamilihan c. lansangan
b. sanglaan d. pasyalan

2
4. Saan pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante?
a. bahay-kalakal
b. tindahan
c. bodega
d. daungan

5. Paano nakikita ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa pamamagitan


ng interaksyon ng suplay at demand?
a. pagtatakda ng makatarungang buwis
b. pagtatakda ng bilang ng mamimili
c. pagtatakda ng dami ng paninda
d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

6. Sa Ekonomiks, sino ang may tungkuling pag-aaralan kung paano matutugunan


ang walang katapusang pangangailangan ng tao?
a. pamahalaan
b. mamimili
c. prodyuser
d. konsyumer

7. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang mabisang


nagpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo ng mga bilihin at
demand ng mga konsyumer?

Presyo

24 Dami

a. Kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng konsyumer.


b. Mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
c. Habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng mga
konsyumer.
d. Habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga
konsyumer.

8. Ano ang ibig ipahiwatig ng paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan, o


downward sloping?
a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand.
c. Sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand.
d. May negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

3
9. Upang masabing demand ang isang produkto, kailangang may kagustuhan at
kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang produkto. Halimbawa, kung 30,000
lata ng sardinas ang kailangan para sa ipamimigay na ayuda habang nasa
Community Quarantine. Ayon sa datos, may sampung kompanya ngunit sa
bilang na ito, anim lamang ang may interes na magbenta ng kabuuang 20,000
sardinas sa halagang P15.00. Batay sa sitwasyong ito, ilan ang maituturing na
demand ng sardinas?
a. 6 b. 10 c. 20,000 d. 30,000

10. Ano ang tawag sa numerikal na datos sa iskedyul ng demand at ipinakikita sa


pamamagitan ng grapikong paglalarawan?
a. Kurba ng Presyo c. Kurba ng Negosyo
b. Kurba ng Demand d. Iskedyul ng Demand

11. Alin sa mga sumusunod na di-presyong salik na nakaaapekto sa demand ang


limitado?
a. Espekulasyon c. Sweldo ng mamimili
b. Populasyon d. Panlasa ayon sa edad at kasarian

12. Alin sa mga sumusunod na kaugnay o kapalit na produkto ang posibleng


tumaas ang presyo kapag tumaas ang halaga ng harina?
a. tinapay at cake c. kape
b. asukal at trigo d. alak

13. Batay sa kita ng mamimili, paano naapektuhan nito ang demand?


a. Nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas ng
bilang ng mga konsyumer kapag may 13th month pay
b. Ang pagtaas ng unemployment rate ay nakapagpapataas din ng
demand ng mga pagkain
c. Makakakuha ng mas malaking tubo ang mga negosyante kapag
marami ang bagong sweldo
d. Nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal na
kompetisyon

14. Sa lalawigan ng Pampanga sa panahon ng pandemiko, ano ang pinakamataas


na demand ng mga mamamayan?
a. Disenteng trabaho
b. Maayos na pabahay
c. Masustansyang pagkain
d. Ayuda galing sa gobyerno

15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng Pampanga


dahil sa pandemikong COVID-19, alin sa mga sumusunod na produkto ang
naging mababa ang demand kumpara sa kasabay sa panahong wala pang
pandemiko?
a. Alkohol b. Bitamina c. Face Mask d. Milk Tea

4
Balikan

Bago mo tuklasin ang bagong aralin, balikan mo muna ang iyong natutunan tungkol sa
pagkonsumo. Sa pamamagitan ng dayagram sa ibaba, balikan mo ang natutunan mo sa
paksang pagkonsumo.

Panuto: Gayahin ang dayagram sa ibaba sa iyong sagutang papel o portfolio at


punan ng tamang impormasyon tungkol sa pagkonsumo.

Karapatan ng Tungkulin ng
Mamimili mamimili

5
Tuklasin

Madalas ka bang pumunta sa palengke o kaya sa mall para bumili ng iyong


kailangan? Kung oo, may mga bagay ka bang isinasaalang-alang bago mo bilihin ang
mga ito? Naiisip mo ba kung paano pinapatawan ng presyo ng mga nagtitinda ang
kanilang mga produkto?
Panuto: Basahin ang maikling tula sa ibaba at sagutin ang mga tanong na sumunod
sa iyong sagutang papel.

TAMANG KONSUMO, DI KONSUMIDO


ni: Venn Pagaduan

Bago mo aralin, tuklasin muna natin Sa iyong pamimili, ano ang


ýong layunin?
Kagustuhan lang ba o pangangailangan din?
Kaya dapat nagpaplano rin.

Ang plano ng pagkonsumo Ito ba ay ginagawa mo Sa bawat


pamimili mo Di ka na konsumido?

Gabay na tanong:

1. Ano ang tinutukoy ng maikling tula?


2. Nagagawa mo ba ang mga nabanggit sa tula? Paano?

Tala para sa Guro

Sa puntong ito, maaaring ipabigkas nang malakas sa mag-aaral ang


maikling tula upang mas mabigyang-diin ang diwa nito at madaling
maiproseso ang tula.

6
Aralin
Konsepto Salik na
1 Nakakaapekto sa Demand

Suriin

A. Konsepto ng Demand

Naitanong mo ba sa iyong sarili kung paano mo matutugunan ang mga pangangailangan mo?
Saan mo makakakuha ang mga ito?

Sa puntong ito, mahalagang pag-usapan ang apat na pangunahing


katanungang pang-ekonomiko:
1. Ano-ano ang produktong ipoprodyus,
2. Gaano karami ang ipoprodyus o lilikhain?
3. Paano ito ipoprodyus? at
4. Para kanino ito ipoprodyus?

Ang mga katanungang pang ekonomikong ito ang pinagmulan kung bakit may
konsepto ng demand. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na
nais bilhin sa isang takdang presyo at lugar. May demand ang isang produkto at
paglilingkod kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan o nakatutugon sa isang
pangangailangan. Ang mga binibili natin tulad ng pagkain, damit, mga personal na
gamit gaya ng cellphone at iba pang gadget ay mga halimbawa ng demand.
Napakahalagang batayan sa pagbili ng isang pangangailangan ang presyo. Bumibili
tayo depende sa kakayahan natin o sa badyet na mayroon tayo. Kaya napakahalaga na
matutunan natin ang wastong pagbabadyet upang matugunan natin ang pang- araw-
araw na demand para sa mga pangangailangan natin.

7
B. BATAS NG DEMAND
Isinasaad ng Batas ng Demand na magkasalungat o inverse na ugnayan ang presyo sa
quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang
dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami
ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang ibig sabihin ng ceteris paribus ay
ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng
quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito.
Ayon sa Batas ng Demand, kapag kayo ng iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili
ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa
bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon
kung ilan ang iyong bibilhin.

Tatlong Pamamaraan ng Pagpapakita ng Konsepto ng Demand:

1. Demand Schedule – isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at


gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.

Demand Schedule ng Face Shield

Presyo bawat Piraso Quantty Demanded


Php100 10
90 20
80 30
70 40
60 50
50 60
40 70
30 80
20 90
10 100
0 110

Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded para sa


face shield sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang Php50, animnapu (60) ang
dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Mapapansin na habang tumataas ang
presyo ng face shield, bumababa naman ang dami ng gusto at kayang bilhin. Malinaw
na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded.

2. Demand Curve – isang kurba sa graph na nagpapakita ng salungat na


ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng
mamimili.

8
100
A B
90
C
80
D
PRESYO

70
E
60
F
50

0 50
10 20 30 40 50 60

Ang graph ay batay sa demand schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph
ang iba’t ibang kobinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang
demand curve para sa face shield. Halimbawa, sa punto A na ang presyo ay isang
daang piso (Php100), sampu (10) ang
dami ng face shield na gusto o handang bilhin ng mamimili; sa punto B ang presyo ay
siyamnapung piso (Php90), dalawampu ang dami ng face shield na gusto at handang
bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang punto F ay
makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping curve. Ito ang tinatawag
na demand curve. Ang paggalaw sa kurba mula punto a papuntang punto, makikita na
sa pagbaba ng presyo mula isang daang piso (Php100) pababa ng limampung piso
(Php50), ang demand sa face shield ay tataas ng ng sampung
(10) piraso. Kapag ang presyo naman ay tumaas ng sampung piso (Php10) makikita sa
graph na bumababa ang quantity demanded sa sampung (10) piraso.

Ipinapakita sa graph sa susunod na pahina, ang paggalaw sa demand curve.


Mangyayari ang paggalaw ng demand curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang
sariling presyo ng produkto. Kung ang presyo ng face shield ay bumaba mula Php100
sa Php90, makikita sa graph na lilipat ang punto mula puntong A patungong punto
B. Kung tataas naman ang presyo mula Php50 patungong Php60, lilipat ang punto
mula C patungong D.

9
Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve)

A
100
B
90
C
80
D
70
E
60
F
50

0
10 20 30 40 50 60

3. Demand Function – ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at


quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba.

Qd = f (P)

Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo


naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago ng
presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga
mamimil. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na:

Qd = a – bP

Kung saan:

Qd = quantity demanded P

= presyo

a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)

b = slope = Qd

Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago sa


presyo.

Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang demand


function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.

10
Demand function mula sa Demand Schedule para sa Face Shield:

Qd = 110 – 1P

Kapag ang P = 100 Qd =? Kapag ang P = 50 Qd=?

Qd = 110 – 1P Qd = 110 – 10P

Qd = 110 – 1(100) Qd = 110 – 1(50)

Qd = 110 – 100 Qd = 110 - 50

Qd = 10 piraso Qd = 60 piraso

Gamit ang demand function, maaaring makuha ang dami ng quantity demanded kung
may given na presyo. I-substitute ang presyo ng piso sa variable na P at i-multiply sa
slope na -1. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 110. Mula rito ay makukuha ang
sagot na 10 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa naman ay Php50 ang
presyo kaya ang naging quantity demanded ay 60 piraso.

C. MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGBABAGO NG DEMAND

Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nagiging dahilan upang magbago ang
demand tulad ng panlasa, kita, presyo ng kahalili o kaugnay na produkto, bilang ng
mamimili, at mga inaasahan ng mga mamimili sa hinaharap.

Panlasa. Ang pagbabago sa panlasa (taste) ng mga mamimili ay may epekto sa


demand ng produkto. Halimbawa, ang paglabas ng milk tea ay lubhang nagpababa sa
demand para sa mga lokal na palamig tulad ng sago at gulaman maging ng soft drinks.
Ang pagtaas ng kamulatan ng mamamayan sa kalusugan ay nagpataas ng demand
para sa mga
produktong may kaugnayan sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng mga pagkaing
may mababang calorie, bitamina, at pagkaing walang artipisyal na sangkap.

Kita. Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng demand para sa karamihan ng


mga produkto dahil lumaki ang kakayahan ng tao na makabili. Ang pagbaba naman ng
kita ay nangangahulugan din ng pagbaba ng demand. Halimbawa, sa pagtaas ng kita
nagkakaroon ng kakayahan ang mga tao na bumili ng mamahaling produkto tulad ng
kotse, bakasyon sa ibang bansa, o bagong mga appliances sa bahay. Ang ganitong uri
ng mga produkto ang tinatawag na normal goods.
Tinatawag naman na inferior goods ang murang produkto na binibili ng mga

11
pamilyang may maliit na kita. Halimbawa, kapag tumaas ang kita ng isang pamilya,
bababa naman ang demand para sa mga produkto tulad ng ukay-ukay at mga
produktong gamit na (tulad ng second-hand mobile phones, bisikleta at iba pa). Sa
pagbaba naman ng kita, tataas din ang demand para sa inferior goods.

Presyo ng Kahalili (alternatibo) o Kaugnay na Produkto.

May epekto sa demand ang presyo ng mga kahalili (substitute) o kaugnay


(complement) na produkto. Ang kahaliling produkto ay iyong maaring gamitin kapalit
ng isang produkto. Halimbawa nito ay ang karne ng manok ay kahalili ng karne ng
baboy. Kapag tumaas ang presyo ng baboy, tataas ang demand para sa karne ng manok
dahil sa tuwiran itong kahalili para sa karne ng baboy. Ibig sabihin, ang kurba ng
demand para sa karne ng manok ay lilipat pakanan samantalang bababa ang dami ng
demand para sa karne ng baboy. Ang produktong magkaugnay naman ay ginagamit na
kapareha ng iba pang produkto tulad ng kape at asukal. Kapag tumaas ang presyo ng
kape, bababa ang demand para sa asukal. Kapag bumababa naman ang presyo ng
kape, tataas naman ang demand para sa asukal.

Bilang ng Mamimili

Ang malaking populasyon ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan para sa


mga kalakal at serbisyo. Mas marami ang mamimili kung mas malaki ang populasyon.
Ang paglaki ng populasyon ay magdudulot ng paglaki ng demand na magdudulot
naman ng pagtaas ng produksyon para sa kanilang mga pangangailangan.

Inaasahan ng mga Mamimili

Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng produkto sa hinaharap,


daragdagan nila ang bibilhing produkto sa kasalukuyan. Halimbawa, inaasahan na ang
dinaranas nating pandemya ay magtatagal pa ng isa o dalawang taon ayon sa mga
eksperto. Dahil dito, ngayon pa lang ay naghahanda na tayo ng mga bagay na
kakailanganin tulad ng pag-iimbak ng mga pagkain at gamot na siyang nagpapataas ng
demand nito sa pamilihan at magreresulta ng pagtaas ng presyo.

Ano ang maaari mong gawin bilang isang matalinong mamimili?

1. Iwasan ang pagsunod sa uso o moda ng damit at gamit dahil ang pagtaas sa
demand at nangangahulugan ng pagtaas din ng presyo ng mga produktong
ito.

2. Magtipid at huwag gumasta nang higit sa kinikita. Ang labis na paggasta ay


hindi mainam sa panahong mababa ang antas ng produksyon at magdudulot
ng pagtaas ng presyo. Hindi rin mabuti kung mababa ang antas ng paggasta
dahil magdudulot ito ng pagtamlay ng ekonomiya. Dapat ay nasa tamang
antas lamang ang paggasta. Ang dapat ay “eksaktong paggasta lamang”.

3. Ang pagdami ng mga alternatibo o kahaliling produkto ay magbibigay ng


pagkakataon sa mga mamimili upang raming pagpipilian na may maabang
presyo. Sa kabilang banda, ang labis at kulang na pagkonsumo ay hindi

12
mainam sa ekonomiya.

13
4. Iwasan ang pagsunod sa uso o moda ng damit at gamit dahil ang pagtaas sa
demand at nangangahulugan ng pagtaas din ng presyo ng mga produktong
ito.

5. Magtipid at huwag gumasta nang higit sa kinikita. Ang labis na paggasta ay


hindi mainam sa panahong mababa ang antas ng produksyon at magdudulot
ng pagtaas ng presyo. Hindi rin mabuti kung mababa ang antas ng paggasta
dahil magdudulot ito ng pagtamlay ng ekonomiya. Dapat ay nasa tamang
antas lamang ang paggasta. Ang dapat ay “eksaktong paggasta lamang”.

6. Ang pagdami ng mga alternatibo o kahaliling produkto ay magbibigay ng


pagkakataon sa mga mamimili upang raming pagpipilian na may maabang
presyo. Sa kabilang banda, ang labis at kulang na pagkonsumo ay hindi
mainam sa ekonomiya.

Sa pangkalahatan, ang tamang paggasta at pagkonsumo ay makatutulong upang


maging matatag ang kalagayan ng presyo sa pamilihan.

Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand. Ang pagtaas ng demand ay


makapagdudulot ng paglipat ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan. Mangyayari
ang paglipat ng demand sa kanan kung ang pagbabago ng salik na hindi presyo ay
nakapagdudulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot
ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng demand sa
kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba
ng demand.

14
Pagyamanin

Demand Reading
Panuto: Kopyahin ang talahanayan sa isang malinis na bond paper. Lagyan ng tsek ()
ang kolum ng sang-ayon, kung naniniwala ka na tama ang pahayag ukol sa konsepto ng
demand at lagyan ng ekis (X) ang kolum ng Hindi sang-ayon kung hindi ka
naniniwala.
Pahayag Sang-ayon Di-sang-
ayon
1. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded
ay maaaring ipakita gamit ang demand
schedule, demand curve, at demand function.
2. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng
produktong handang ipamigay ng mga prodyuser sa
pinakamahihirap na
mamamayan.
3. Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo at
quantity demanded ay may tuwirang
relasyon.
4. Ang ceteris paribus assumption ay ginagamit
upang ipagpalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng quanity demanded
habang ang ibang salik ay
hindi nagbabago o nakaaapekto.
5. Ang income effect ay nagpapahayag na kapag
tumataas ang preso ng produkto sa pamilihan, ang
mamimili ay hahanap ng mas
murang pamalit ditto.

15
I- Itala, at Ikurba!
Panuto: Iguhit ang graph sa malinis na bond paper at itala ang mga datos na
hinihingi batay sa nakasaad sa kahon.

Ipagpalagay na dumaan ang nagtitinda ng buko juice sa tapat ng inyong bahay at


pinayagan kang bumili ng iyong mga magulang. Ilang baso ng buko juice ang
handa at kaya mong bilhin sa presyong Php6, Php8, Php10, hanggang Php14
kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd. Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity
demanded sa bawat presyo upang mabuo ang demand schedule.

Ipagpalagay na ang demand function ay Qd= 50 - 2P. Pagkatapos nito ay ipakita


ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga
pamprosesong tanong sa ibaba.

Demand Schedule para sa baso ng Buko Juice

Pamprosesong Tanong:
1. Ilan ang quantity
demanded sa presyonganim
na piso (Php6)?

Presyo Quantity
Bawat Demanded
Baso
2. (Php)
Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded nang tumaas ang presyo mula
walong piso (Php8) papuntang labing-apat na piso (Php14)? Ipaliwanag ang sagot.
3. Ipaliwanag sa sariling pangunusap ang isinasaad ng batas ng demand batay sa
nabuo mong demand schedule at demand curve.

16
Mag-compute Tayo!

Panuto: Isulat sa malinis na papel ang iyong kompyutasyon at kumpletong


talahanayan ng demand schedule.

A. Demand Function: Qd = 300 – 20P


P Qd
1
200
6
100
15

B. Demand Function: Qd = 750 – 10P

P Qd
600
30
300
60
0

SALIK-HAING POSTER

Panuto: Gumawa ng isang poster sa iyong portfolio na nagpapakita kung paano


nakakaapekto ang iba pang salik sa demand maliban sa presyo. Tiyaking magmula ito
sa sariling karanasan Gawing gabay ang rubrik sa ibaba sa paggawa ng poster.

RUBRIC:

Kaangkupan sa Tema : 5 puntos

Pagkamalikhain : 5 puntos 5
Pagpapaliwanag : puntos 15

puntos

17
Patalasin ang Isip

Panuto: Sagutin sa iyong sagutang papel ang tanong gamit ang di bababa sa sampung
pangungusap.

Tanong: Bakit mahalagang malaman ang Batas ng Demand para sa isang isang mag-
aaral at mamimiling tulad mo? Bakit mahalagang malaman rin ito ng isang
negosyanteng tulad ng nagtitinda sa sari-sari store malapit sa inyo?

Grab mo: Graphic Organizer Ko!

Panuto: Kopyahin sa isang malinis na bond paper at punan ang graphic organizer sa
ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong:

Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

1.

2.
a.
•b
•c
•d
•e

18
Panuto: Sagutin sa iyong sagutang papel ang tanong gamit ang di bababa sa sampung
pangungusap.

Tanong: Bakit mahalagang malaman ang Batas ng Demand para sa isang isang mag-
aaral at mamimiling tulad mo? Bakit mahalagang malaman rin ito ng isang
negosyanteng tulad ng nagtitinda sa sari-sari store malapit sa inyo?

19
Demand Mo’to!

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang magiging epekto sa demand sa mga


sumusunod na mga salik:

Salik na nakakaapekto
Epekto sa Dami ng Demand
sa Demand
Presyo ng computer at Ano ang epekto nito sa demand para sa computer
katulad na produkto ay at ibang gadyet?
tumaas dahil sa
pagpatupad ng distance
learning ng DepEd

Pagbabago sa pagbili ng Paano ito makakaapekto sa demand para sa


mga gamit pang- mga produktong pang-eskuwela?
eskuwela bunga ng
pandemya

Salik na nakakaapekto sa Epekto sa Dami ng Demand


Demand
Hindi pinapayagan ang Ano ang mangyayari sa demand para sa mga
face to face na pag-aaral pampublikong sasakyan?
ng gobyerno kaya bawal
lumabas at magbiyahe
ang mga mag-aaral

Dumadami ang mga Ano ang mangyayari sa demand para sa internet


nagnanais na mag- connections?
online learning dahil sa
takot na mahawa sa sakit
na covid-19

Nagtaasan ang presyo ng Ano ang mangyayari sa demand para sa mga


mga surgical at n95 na face tela at iba pang uri ng face mask?
mask

20
Isaisip

Bilang paglalagom sa iyong natutunan tungkol sa konsepto at salik na nakakaapekto sa


demand, buuin ang isang concept map at ang repleksyon nito tulad ng nasa ibaba.
Gawin ito sa iyong portfolio o sagutang papel.

Demand

Repleksyon:

21
Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na nagpapaliwanag tungkol sa aplikasyon ng


demand ayon sa napag-aralan mo sa konsepto at salik na nakakaapekto dito. Maaaring
kumuha ng mga paksa mula sa napapanood sa telebisyon o kaya sa mga nangyayari sa
sariling komunidad.
RUBRIC SA PAGWAWASTO SA PAGGAWA NG ARTIKULO
CRITERIA INDICATOR ISKOR
Nilalaman (8 puntos) Ebidensya ng kaalamang
sa paksang tinatalakay
Presentasyon (7 puntos) Mapagpahiwatig ang
mukha at pananalita
Projection at Tinig Malinaw at malakas
(3puntos)
Kabuuang Epekto (2 Epekto o tugon ng
puntos) audience
Kabuuang Iskor 20 puntos

Tayahin

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.


1. Ang batayan sa pagpapasya kung gaano karaming produkto o paglilingkod
ang bibilhin ay tinatawag na .
a. batas ng negosyo
b. batas ng demand
c. batas ng konsyumerismo
d. batas ng pangangailangan

2. Ang dami ng kalakal na handang bilhin ng mga mamimili sa isang takdang


panahon at tiyak na lugar ay .
a. timbang c. demand
b. suplay d. badyet

3. Isang mekanismo kung saan nagtatagpo ang nagbebenta at namimili upang


magkaroon ng bentahan ay ang .
a. Pamilihan c. lansangan
b. Sanglaan d. pasyalan

22
4. Dito pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante.
a. bahay-kalakal
b. tindahan
c. bodega
d. daungan

5. Ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa pamamagitan ng


interaksyon ng suplay at demand ay .
a. pagtatakda ng makatarungang buwis
b. pagtatakda ng bilang ng mamimili
c. pagtatakda ng dami ng paninda
d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

6. Sa Ekonomiks, sila ang may tungkuling pag-aaralan kung paano


matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
a. pamahalaan
b. mamimili
c. prodyuser
d. konsyumer

7. Tingnan ang grap sa ibaba. Piliin ang kahulugan ng Batas ng Demand.

Presyo

2 4 Dami

a. kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng konsyumer.


b. mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
c. habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng mga
konsyumer.
d. habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga
konsyumer.

8. Kapag may paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan, o downward


sloping, ito ay nangangahulugan ng .
a. walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand.
c. sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand.
d. may negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

23
9. Kailangang may kagustuhan at kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang
produkto upang tawaging demand ang produkto. Halimbawa, kung 30,000
face masks ang kailangan ng mga frontliners sa ospital; subalit ayon sa
datos, may sampung kompanya ng face masks.Sa bilang na ito, anim
lamang ang may interes na magbenta ng kabuuang 20,000 face masks sa
halagang P75.00. Tukuyin ang demand para sa sardinas.
a. 10 b. 75 c. 20,0000 d. 30,000

10. Ang tawag sa numerikal na datos sa iskedyul ng demand at ipinakikita sa


pamamagitan ng grapikong paglalarawan ay tinatawag na .
a. kurba ng Presyo
b. kurba ng Demand
c. kurba ng Negosyo
d. iskedyul ng Demand

11. Ang mga sumusunod maliban sa isa ay di-presyong salik na nakaapekto sa


demand. Tukuyin ito.
a. espekulasyon
b. populasyon
c. sweldo ng mamimili
d. panlasa ayon sa edad at kasarian

12. Ang mga sumusunod na kaugnay o kapalit na produkto ang posibleng


magpataas ng presyo kapag tumaas ang halaga ng harina.
a. tinapay at cake
b. asukal at trigo
c. kape
d. alak

13. Batay sa kita ng mamimili, ang mga sumusunod maliban sa isa ay


nakakaapekto sa demand.
a. nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas ng
bilang ng mga konsyumer kapag may 13th month pay
b. ang pagtaas ng unemployment rate ay nakapagpapataas din ng
demand ng mga pagkain
c. makakakuha ng mas malaking tubo ang mga negosyante kapag
marami ang bagong sweldo
d. nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal na
kompetisyon

14. Sa panahon ngayon ng pandemya, ito ang paraan upang makatulong ang
mga mamamayan upang hindi na maghintay ng tulong sa gobyerno.
a. Manatili sa sariling tahanan
b. Maghintay ng ayuda galing sa gobyer
c. Magtanim ng mga gulay at iba pang masustansyang pagkain
d. Maghintay ng tamang panahon upang makabalik sa trabaho

24
15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng
Pampanga dahil sa pandemikong COVID-19, ang mga sumusunod na
produkto maliban sa isa ang naging mababa ang demand kumpara sa
panahon na wala pang pandemiko.
a. Alkohol
b. Bitamina
c. Face mask
d. Milk Tea

Karagdagang Gawain

GAWAIN: GRAPH NG PAGBABAGO

Panuto: Kapanayamin o interbyuhin ang iyong nanay o isang nakatatanda sa inyong


tahanan.Ipasagot sa kanya ang mga sumsunod sa malinis na papel.

1. Kung may magkakaloob sa inyo o kikita kayo ng isang libong piso, ano-ano
ang mga bagay na demand o gusto ninyong mabili para sa iyong sarili?
Maaari po bang maging partikular kayo sa brand, dami, kulay, lasa, at iba
pang detalye? Bakit po ang mga ito ang demand ninyo?
2. Ano-ano ang sa palagay nyo ang magiging epekto sa inyo kung bibilhin ninyo
ang mga nailista ninyong demand?
3. Sa inyong palagay, magbabago po ba ang listahan ninyo kung sa sususnod
na buwan ay tatanungin ko uli kayo sa inyong demand na kakasya sa isang
libo? Ipaliwanag.

25
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN PAGYAMANIN Mag Compute Tayo TAYAHIN


1.C Demand Reading Qd =300 – 20P 1.D
2.C 1. sang-ayon P 2.C 2.A
3.A 2.di sang-ayon 1 3.A 3.A
4.A 3.sang-ayon 5 4.A 4.C
5.D 4.sang-ayon 6 5.D 5.D
6.C 5. sang-ayon 10 6.C 6.C
7.C I-demand, Itala, at kultura 15 7.C 7.C
8.D Presyo Quantity 8.D 8.D
9.C Presyo Demanded 9.C 9.C
bawat baso
10.A 14 22 10.A Qd 10.A
11.B 12 26 11.B 500 11.B
12.B 10 30 12.B 450 12.B
13.A 8 34 13.A 300 13.A
14.C 6 38 14.C 150 14.C
15.D 4 42 15.D 0 15.D
2 46
0 48

26

You might also like