You are on page 1of 19

Layunin at Pamamaraan

ng
Patakarang Pananalapi
Ang Patakarang Pananalapi o Monetary Policy ay
ang paggamit o pagkontrol ng suplay ng salapi at antas
ng interes upang mapalago ang ekonomiya at
mapatatag ang presyo sa pamilihan

Ang anumang bagay na tinatanggap na pamalit ng


mga produkto at serbisyo ay matatawag na salapi.
MGA INSTRUMENTO
NA GINAGAMIT NG BSP
UPANG MAIPATUPAD
ANG PATAKARANG
PANANALAPI
1. Fiat Money Authority – ang BSP lamang ang may
kapangyarihang magimprenta ng salapi sa bansa. Kung kailangan ng
karagdagang salapi sa sirkulasyon, maaaring mag-imprenta ng salapi
upang punan ito.
2. Laang Reserba (Required Reserved) – ito ay bahagi ng
idinedeposito ng mga tao sa bangko na kailangang itabi ng bangko at
hindi ipautang.
3. Pagdidiskuwento – Bilang nagpapautang, maaaring diktahan ng
BSP kung magkano ang interes ng kaniyang pagpapautang. Ang
interes na ito ay tinatawag na rediscounting
4.Open-market Operation – ito ay pagbebenta o pagbili ng mga
papel ng pagkakautang ng pamahalaan o government securities na
direkta sa pamilihan.
5. Pagbebenta at pagbili ng dayuhang salapi – maaring magbenta
at bumili ang BSP ng dolyar sa pamilihan. Kapag bumili ang BSP
ng dolyar; binabayaran ito ng piso, kung ang BSP naman ang
nagbebenta ng dayuhang salapi, nakatatanggap naman siya ng piso,
sa ganitong paraan nakokontrol ang suplay ng salapi gamit ang
pamamarang ito.
6. Moral Suasion – ang BSP ay may di-matatawarang impluwensiya sa
mga bangko. Dahil sa impluwensiyang ito, maaari nang maiderekta ang
mga gawain ng mga bangko ayon sa layunin ng pamahalaan. Maaaring
kausapin ng gobernador ng BSP ang mga bangko upang maipaliwanag
ang sitwasyon ng ekonomiya at kung paano makatutulong ang mga
bangko upang malutas ang anumang suliranin sa pananalapi na
kinakaharap ng bansa.
1.Bangkong Komersiyal –pinakamalaking grupo ng bangko
pagdating sa puhunan at ari-arian. Tumatanggap ang bangkong ito
ng demand deposit at iba pang serbisyong pampinasyal. Sila rin ay
pinapayagang tumanggap ng papeles ng pagkakautang.

Halimbawa ng Bangkong Komersiyal: BPI, Union Bank,


Metrobank at Equitable PCI Bank.

2.Bangko ng Pag-iimpok – pangunahing gawain ng bangkong ito


ang tumanggap ng mga impok ng mga mamamayan at ipautang ito
sa mga mamumuhunan upang sila ay tumubo.
Halimbawa ng Bangko ng Pag-iimpok: Allied Savings Bank,
Banco Filipino Savings Bank, Mortgage Bank at BPI Family
Savings Bank

3.Bangkong Rural – bangkong matatagpuan sa mga lalawigan at


bayan kung saan limitado lang ang kanilang pinaglilingkuran dahil
sa maliit lamang ang kanilang puhunan. Karaniwang kliyente ng
ganitong bangko ay mga magsasaka, mangingisda at mga taong
nabibilang sa sektor ng agrikultura.
MGA ESPESYAL NA BANGKO

a.Development Bank of the Philippines (DBP) – naitatag ang


bangkong ito ng pamahalaan upang magpautang sa mga
proyektong pangkaunlaran, lalung lalo na sa larangan ng
pagpapatayo at pagpapalagong industriya ng bansa.
Nagpapautang ito sa mababang interes.
b.Land Bank of the Philippines (LBP) – itinatag ang bangkong
ito bilang katuwang ng programa sa repormang agraryo ng bansa.
Ito ang pinanggagalingan ng pondo ng programa at nagbibigay ng
pautang at tulong sa mga magsasakang nakasama sa repormang
agraryo.
c.Islamic Bank (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the
Philippines) Dahil sa ibang kultura ng mga Muslim, kailangan nila
ng espesyal na bangko na hindi lamang institusyong pananalapi
kundi susunod din sa alituntunin ng kanilang relihiyong Islam na
may kinalaman sa pananalapi, pangungutang, pagbabayad at
pakikipagkalakalan.
IBA PANG INSTITUSYONG PANANALAPI
a. Kompanyang Seguro – ito ay nahahati sa dalawa: ang pribado at
pag-aari ng pamahalaan.

b.Government Service Insurance System (GSIS) ay itinalaga


upang mangolekta sa mga empleyado ng pamahalaan ng buwanang
kontribusyon bilang pag-iimpok sa kanilang pagreretiro sa serbisyo
ng pamahalaan.
c. Social Security System – ito ay itinalaga para mangolekta ng
buwanang kontribusyon sa mga empleyado ng mga pribadong
kompanya. Sila ay tatanggap ng pensiyon sa kanilang pagreretiro at
naka-seguro rin sila sa anumang mangyayaring aksidente at iba pang
pinsala sa katawan dulot ng kanilang trabaho.

d.Bahay-Sanglaan – ito ay nagpapautang ng salapi ngunit may


kolateral na karaniwang alahas, kasangkapan, o kagamitan at
anumang mahahalagang bagay.
e.Tagapagpalit ng Dayuhang Salapi (MoneyExchanger) – ito ay
nasa ilalim ng pamamahal ng BSP upang legal na makapagpalit ng
mga dayuhang salapi sa piso.

PANDAIGDIGANG INSTITUSYONG PANANALAPI


Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lahat ng bansa
ay naharap sa matinding kahirapan at pagkawasak ng ekonomiya
dulot ng digmaan. Itinatag ang tatlong pangunahing institusyon
upang mamahala sa gagawing rehabilitasyon at sa sistema ng
pandaigdigang kalakalan. Ito ay ang:
1. World Bank (WB) – layunin nito na magbigay ng tulong
pananalapi at payo sa mga bansang kasapi nito para sa kanilang
programang pangkaunlaran, pagbawas sa kahirapan at proteksiyon sa
pandaigdigang pamumuhunan.

2. International Monetary Fund – tumitingin sa pandaigdigang


sistema ng pananalapi sa pamamagitan ng pag-aaral sa palitan ng
dayuhang salapi at balanseng kita ng mga bansa sa mundo. Ito rin ay
nagbibigay ng teknikal at tulong pinansyal kapag may
pangangailangan at may humingi ng tulong.
3. General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) –
Naitatag ito upang itaguyod ang internasyonal na kalakalan
sa pamamagitan ng pagbawas o pagtatanggal ng mga
hadlang sa kalakalan katulad ng taripa o quota.
Prepared by:

Alexandra F. Macapagal
Thank you for
listening!

You might also like