You are on page 1of 16

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Mod y ul 2
Gampanin ng Mamamayang Pilipino
sa Pambansang Kaunlaran

AIRs - LM
Araling Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan - Modyul 2: Gampanin ng Mamamayang Pilipino sa
Pambansang Kaunlaran
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Elsa M. Nicolas


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P-II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Mario B. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan

Michael Jason D. Morales, PDO I

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Sa panahon ngayon, maliban sa mga modernong kagamitan at mga


makabagong teknolohiya, sumasabay din ang lipunan sa pagbabago ng
kanyang paraan ng pamumuhay. Ayon nga kay Adam Smith, ang pilosopiya
ay katapat ng pag-aaral sa katauhan ng lipunan dagdag pa rito ang mga
pagsisiyasat sa pinagmulan at kahulugan ng pamumuhay ng tao sa likod ng
patuloy na pag-unlad ng mga bansa. Ang pag-unlad ay prosesong
kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng
mga tao gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya at paglutas
sa suliranin ng kahirapan.
Kung susubukan nating ilarawan ang ating lipunan, ano-anong
gampanin kaya ang tao para makamit ang kaunlaran ng bansa? Paano
tinutugunan ng tao ang mga isyung kinakaharap nito sa gitna ng mga
hamon para sa kaunlaran? Mahalaga ba ang gampanin ng bawat
mamamayang Pilipino para makatulong sa pambansang kaunlaran?
Sana matutuhan mo lahat ang nilalaman ng aralin na inihanda para
sa iyo.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


• Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino
upang makatulong sa pambansang kaunlaran. (AP9MSP-IVb-3)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:


• Nasusuri ang mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.
• Nabibigyang interpretasyon ang mga datos tungkol sa
kasalukuyang estado ng mga bansa batay sa antas ng kaunlaran
nito.
• Nailalahad ang mga gampanin ng mamamayang Pilipino upang
makatulong sa pambansang kaunlaran.
• Naipapakita ang pagiging makabansa sa pamamagitan ng
pakikibahagi sa mga hakbang ng pamahalaan para makamit ang
kaunlran ng sambayanan.
Simulan

Bilang panimula, sagutan mo ang mga katanungan sa ibaba upang


mataya ang iyong kahandaan sa pag-aaral sa paksa. Ito ay makatutulong
upang matiyak ang kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito.

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ano ang ginagamit upang masukat


ang antas ng pag-unlad ng isang bansa?
A. Human Development Index B. Human Development Report
C. Gross National Income Per capita D. Economic Development

2. Ano ang ginagamit upang masukat ang aspekto ng antas ng


pamumuhay ng mga mamamayan?
A. Gross Domestic Product B. Gross National Income
C. Gross National Product D. Gross Capita Income

3. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paggamit ng Human


Development Index?
A. Binibigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang
pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa.
B. Maari itong gamitin upang busisiin ang mga patakarang pambansa.
C. Sinasabi nito na ang tao ang tunay na yaman ng bansa.
D. Nakikita ang lawak ng pamimilian ng tao sa pagtugon sa kanyang
mga pangangailangan.

4. Palatandaan ito ng pagiging mapanagutan ng mamamayang Pilipino


para sa kaunlaran ng bansa. Ano ito?
A. Malawak na kamalayan B. Pagiging maabilidad
C. Tamang pagbabayad ng buwis D. Ipinaglalaban ang Karapatan

5. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita na ang mamamayang Pilipino ay


makabansa?
A. Pagtangkilik sa produktong Pilipino B. Pagnenegosyo
C. Tamang pagboto D. Pagsali sa mga kooperatiba
6. Noong 2014, batay sa pag-aaral ng UNDP, anong bansang nagunguna sa
pag-unlad batay sa HDI?
A. Australia B. Netherlands C. Norway D. Switzerland

7. Anong sangay ng United Nations ang naglalabas ng ulat ukol sa estado


ng human development index?
A. International Labor Organization
B. United Nations development programme
C. Internatinal court of Justice
D. United Nations Educational Scientific Council

8. Ano ang itinuturing na tunay na yaman ng bansa?


A. Negosyo B. Likas na yaman C. Tao D. Kabataan

9. Ano ang kinakailangan upang tapatan ang pagkilos ng pamahalaan


tungo sa pag-unlad?
A. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa
komunidad.
B. Tamang pagboto sa panahon ng halalan
C. Pagnenegosyo kahit maliit lang
D. Pagigng maalam sa mga usaping pambayan

10. Batay sa HDI, sa anong estado kabilang ang Pilipinas sa antas ng


kaunlaran?
A. Very High Human Development B. Medium Human Development
C. High Human Development D. Low Human Development

Gawain 2: OO o HINDI
Panuto: Sagutin kung ang pahayag ay may kinalaman sa pag-unlad.
Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung sumasang-ayon o hindi.

PAHAYAG Oo Hindi
1. May pag-unad kapag patuloy na tumataas ang sahod
2. Umuunlad ang bansa kung malaya ang mga tao.
3. May pag-unlad kung lumalaki ang kita ng bansa.
4. May pag-unlad kung nalutas ang suliranin ng
pandemya sa bansa.
5. May pag-unlad kung wala nang utang ang Pilipinas
sa mga dayuhang bansa.

Pamprosesong tanong:
1. Mahalaga ba ang sapat na kita ng mga manggagawa upang
masabing umuunlad ang bansa? Bakit? Pangatwiranan ang sagot.
2. Paano nakaaapekto ang pandemya sap ag-unlad at pagsulong ng
pambansang ekonomiya?
3. Sa iyong palagay, mas mapapadali kaya ang pambansang
pagunlad kung walang banta ng dayuhang pananakop sa
Pilipinas? Pangatwiranan ang sagot.

Lakbayin

Binibigyang-diin sa nakaraang paksa ang mga palatandaan ng


pambansang kaunlaran. Inuugnay ito sa mga kalagayang nakikita sa ating
bansa kung paano naaapektuhan ang pamumuhay ng mga tao batay sa
kaunlarang tinatamasa nito.
Sa susunod na bahagi ng aralin ay pagtutuunan ng pansin ang mga
gampanin ng mamamayang Pilipino sa pambansang kaunlaran.

Pilipinas, Isa bang Maunlad na Bansa?

Ang pambansang kaunlaran ay tumutukoy sa kakayahan ng isang


bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa
matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ay
nagsasabi kung ang isang lipunan ay nagampanan ang kabutihan para sa
panlipunang kapakanan, tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura,
at iba serbisyong panlipunan. Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga
makabagong teknolohiya at kagamitan, pangkalahatang pagbuti ng antas o
lebel ng pamumuhay sa lipunan, at pagbabago ng pangkabuhayang gawain
mula agrikultura patungo sa sektor ng industriya.
Bumubuo sa pagtataya ng pambansang kita ang iba't ibang sektor
pang-ekonomiya upang matantiya kung ang pangkalahatang kalagayan ng
bansa ay tungo sa kaunlaran o pag-unlad. Ang mga sektor na ito ay ang
Sektor ng Agrikultura, Sektor ng Industriya at Sektor ng Paglilingkod.
Maliban sa paggamit ng Gross Domestic Product (GDP) at Gross
National Product (GNP) sa pagtataya ng antas ng kaunlaran, sinusukat din
ang pangkalahatang kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mga
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at
antas ng pamumuhay. Ito ay nagagawa lamang sa pamamagitan ng
paggamit sa Human Development Index (HDI). Sa Ilalim ng HDI, ang
aspektong pangkalusugan ay sinusukat batay sa pananda ng haba ng
buhay at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na maaring
itatagal ng isang sanggol kung ang mga umiiral na dahilan o sanhi ng
kamatayan sa panahon ng kanyang kapanganakan ay mananatili habang
siya ay nabubuhay. Sa aspekto naman ng edukasyon, ginagamit na
pananda ang mean years of schooling at expected years of schooling na
tinataya ng United Nation educational, Scientific, and Cultural Organization
(UNESCO) batay sa mga datos hango sa mga sarbey at sensus ukol sa antas
ng pinag-aralan ng mga mamamayang may 25 taong gulang. Habang ang
expected years of schooling ay nasusukat batay sa bilang ng mga nag-aaral
sa lahat ng antas ng edukasyon. Itinakda ang 18 taon bilang expected years
of schooling ng UNESCO. Ang aspekto ng antas ng pamumuhay ay
nasusukat gamit ang gross national income per capita.
Tinatangka ng HDI na ihanay ang mga bansa mula 0
(pinakamababang antas ng kaunlarang pantao) at 1 (pinakamataas na
antas ng kaunlarang pantao).
Mahalaga ito upang magamit sa pagsusuri at pagsisiyasat sa mga
patakaran ng mga bansa lalo na sa may magkaparehong GNI per capita
ngunit magkaibang resulta hinggil sa kaunlarang pantao. Ang United Nation
Development Program (UNDP) ang naglalabas ng ulat tungkol sa estado ng
kaunlarang pantao sa mga kasaping bansa nito.
Kung babalikan natin, unang naglabas ng datos ang UNDP ng
Human Development Report noong 1990. Ayon sa kanya, ang pangunahing
hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng mga tao sa
pagtugon sa kanilang pangangailangan na maaring walang katapusan at
maaaring magbago.
Madalas na pinahahalagahan ng mga tao ang mga bagay na nakamit
na hindi kayang ipakita ng mga datos o impormasyon tungkol sa kita at
pagbabago katulad ng kakayahan sa edukasyon, maayos na serbisyong
pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at
krimen, kasiya-siyang mga libangan, kalayaang pampolitika at pangkultura,
at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ang layunin ng pag-unlad ay
makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan
na makaranas ng matagal, malusog at maayos na pamumuhay.
Ang Human Development Index ay hindi nakapako sa iisang
konsepto lamang dahil habang nagbabago ang mundo, nasusukat pa rin
ang pag-unlad sa nakikitang epekto nito sa pamumuhay ng mga tao.

Sama- Samang Pagkilos Para sa Pamabansang Kaunlaran

Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kanyang mga
mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring
ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan
ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa
kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang
indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi.
Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan.
Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratihiya na
makakatulong sa pag-unlad ng bansa:

MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis- Ang pagkakaroon ng
responsableng pagbabayad ng buwis ay malaking tulong upang
makalikom ng sapat na pondo ang pamahalaan para sa mga
serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, abot-kayang
programang pangkalusugan, at iba pa.
2. Makialam- Mahalaga ang mulat na kamalayan ng mga
mamamayan. Ang mali ay labanan, at ang tama ay ipaglaban.
Kailangang itaguyod ang paninindigan sa pagtuwid sa mga
katiwalian at mga anomalya ng korapsiyon maliit man o malaki at
palakasin ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong
buhay. Ang pagsasawalang- kibo o pananahimik ay di katanggap-
tanggap lalo na sa mga maling kaganapan sa bahay, sa
komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa trabaho.

MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba- Ang kooperatiba ang nagbibigay
ng pagkakataon na makibahagi sa paglikha ng yaman ng bansa.
Ang mga kasapi ay sama-samang nagbibigay puhunan para sa
maitayo ang negosyo at sa huli ay naghahati-hati sa kita sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo. Ang nagpapatakbo
ng kooperatiba ay ang mga kasapi na naniniwala sa sama-samang
pag-unlad.
2. Pagnenegosyo- Dapat nating sikaping maging negosyante upang
tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi
ng mga dayuhan.

MAKABANSA
1. Pagtangkilik sa sariling produkto- Ang pagmamahal sa sariling
bansa ay maipapakita sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sarili
nating produkto at hindi pagbili o paggamit ng mga bagay na gawa sa
ibang bansa.
2. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang mamamayang Pilipino ay
dapat maging aktibo sa pakikilahok sa pamamahala ng barangay,
gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan.
MAALAM
1. Tamang pagboto- Maging maparaan sa pagsusuri ng mga
programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng
iboboto. Alamin kung sinong kandidato ang may malalim na
kaalaman sa isyung pangkaunlaran ng bansa.
2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa komunidad- Ang pag-unlad ay hindi maaabot
kung mag-isang kumikilos ang pamahalaan. Dapat ay magkaroon
tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at
makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating
bayan. (Pinagkunan: Department of Education Culture and Sports
(DECS). (n.d.). Project EASEModule. Pasig City: DECS)

Pilipinas, Pang-106 sa UN Human Development Index

Ayon Sa UNDP, patuloy ang pagtaas ng Human Development Index


(HDI) ng Pilipinas na umaabot sa 0.712 noong 2019 at nasa ranggong
pang106 mula sa 189 na mga bansa at teritoryo. Ibinatay ang
pangkalahatang paglalarawan sa HDI ng bansa sa kalagayan ng
pangmatagalang pag-unlad sa tatlong pangunahing dimensiyon: mas
mahabang buhay at mahusay na kalusugan, kakayahang mapaunlad ang
karunungan, at isang disenteng estado ng pamumuhay ng nakararami.
Sa pagitan ng 1990 hanggang 2018, ang “life expectancy at birth” ay
tumaas sa 4.7 na taon, pag-aaral ng mga mag-aaral ay tumaas sa 2.8 taon
at ang inaasahang bilang ng taon ng edukasyon ay umangat din sa 1.9 na
taon.
Ang GNI per capita ng Pilipinas ay umabot din sa 140.6 % sa pagitan
ng taong 1990 at 2018. (https://cnnphilippines.com/news/2019/12/10/undp-human
development- index-2019-philippines.html)
Kaugnay din nito, ang India ay nasa ranggong 131 sa 189 na bansa
na may HDI na 0.645. (www.business-standard.com»article» economy-policy)
Taon-taon, iniuulat ng UNDP ang ranggo ng mga bansa upang
magkaroon ng kamalayan ang mga pamahalaan sa mga kalagayang dapat
ayusin at paunlarin. Pinakamababa o may pinakamabagal na pag-unlad
ang Niger sa HDI na 377 dahil sa malawakang taggutom at malnutrisyon, at
44.1% ng mga tao nito ay nasa ilalim ng kahirapan. Norway naman ang may
pinakamataas na HDI na 0.957 samantalang parehong 0.955 ang Ireland at
Switzerland.
Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang
kanilang kakayahan ang dapat na pangunahing pamantayan sa pagsukat
ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lamang ang pagsulong ng ekonomiya.
Uunlad lang ang bansa kung tutulong ang kanyang mamamayan dahil
bawat isa ay may gampanin sa pagsulong nito. Maaring ang pagbibigay-
ambag ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang
pagtutulungan. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat upang
makamit ang tuwirang kaunlaran. (Pinagkunan: Department of Education, Culture and
Sports (DECS)(.n.d.).Project EASE Module. Pasig City: DECS )

Galugarin

Gawain 1: Graphic Organizer


Panuto: Itala ang mga estratehiya ng mga mamamayang Pilipino na
makatutulong sa pag-unlad ng bansa. Alamin sa pamamagitan ng pagbuo
sa mga titik na hinalo na nasa ibaba ng graphic organizer.

Estratehiya ng
mamamayang
Pili pino sa
P ag -unlad

• AMALIBIDD
• KAMASABAN

• LAMAAM
• PAGUNAMANAT
Gawain 2: Kaisipan mo ito!
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibahagi ang iyong
personal na kaisipan o kaalaman kaugnay nito.
1. Ang mga mamamayang Pilipino ang tunay na kayamanan ng bansang
Pilipinas.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ang tunay na kaunlaran ay nasusukat sa pamamagitan ng epekto


nito sa pamumuhay ng mga tao.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Gawain 3: TAPAT-TAPAT! DAPAT!
Panuto: Magtala ng mga kontemporaryong isyu o datos na iyong nalalaman
na naoobserbahan sa ating komunidad o sa bansa ukol na may epekto sa
pangkalahatang kaunlaran. Gumamit ng sariling sagutang papel.

Kontemporaryong Isyu Edukasyon Kalusugan Kabuhayan

Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong mga nailista, alin sa mga ito ang prayoridad na dapat
bigyang- pansin ng pamahalaan? Bakit?
2. Paano kaya mabibigyang kalutasan ang mga suliraning
bumabalakid sa pambansang kaunlaran batay sa mga nailistang
isyu?
3. Bilang mag-aaral, ilahad ang iyong hangarin at papel upang
makatulong sa pagtataguyod ng pambansang kaunlaran.

Palalimin

Gawain 1: Timbangin mo!


Panuto: Suriin ang mga salita at timbangin kung ito ay mahalagang
katangian ng mamamayang Pilipino para sa pagkamit ng pambansang
kaunlaran. Lagyan ng “emoji” na “happy face” ( ) kung mahalagang
katangian at “sad face” ( ) kung hindi.

Katangian ng mga Mahalaga para sa Hindi mahalaga para


mamamayang Pilipno kaunlaran sa kaunlaran
1. Maabilidad
2. Makabansa
3. Maalam
4. Maaksaya
5. Maparaan
Gawain 2: MANIPESTO!
Panuto: Sagutin ang mga tanong gamit ang mga konseptong iyong
natutuhan. Sisimulan ang pahayag sa “open-ended statement” na: Ako,
bilang mag-aaral ay ___________________________________________________.

1. Ang kahirapan ay di dapat balakid sa pag-unlad ng isang mamamayan


upang magtagumpay sa kahit anumang negosyo. Ilang halimbawa nito ay
si Manny Pacquiao, Manny Villar, Lucio Tan at Henry Sy. Bilang isang
maabilidad na mag-aaral, paano ka makapag-aambag sa ekonomiya ng
bansa kahit sa maliit at simpleng pamamaraan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Paano mo magagamit ang pagiging maalam sa pagpili ng mga pinuno at


pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Paano mo maipapakita ang iyong pagiging makabansa?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
Kaangkupan ng mga kaisipan 4 Puntos
Nilalaman 4 Puntos
Kabuuang paglalahad 2 Puntos
Kabuuan 10 Puntos
Gawain 3: News Analysis
Panuto: Maghanap ng napapanahong balita na may kinalaman sa mga
isyung pangkaunlaran ng bansa. Gumawa ng pag-aanalisa tungkol dito.
Gamitin ang mga pahayag sa ibaba bilang gabay sa gagawing pagsusuri.
1. Anong isyung pangkaunlaran ang nabanggit sa balita? Kailan ito
naganap?
2. Ano-ano ang mga lugar at pangkat ng mamamayan na
naaapektuhan?
3. Sa papaanong paraan kumilos ang mga tao sa isyung ito upang
maipakita ang kanilang kamalayan sa mga pangyayaring
nagaganap sa kanilang lugar?
4. Ilahad ang mga maaring hakbang ng pamahalaan upang
makatulong sa pagpapaunlad ng mga lugar na kailangang isulong
at patatagin?
Rubrik sa Pagtataya
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Pagiging napapanahon Ang balita ay napapanahon at angkop
ng balita o isyu sa natalakay na aralin (10 puntos)
Nilalaman/Mensahe Ang analysis ay nagpapahayag ng
reaksiyon at saloobin (10 puntos)
Pangkalahatang Mahusay at may mga batayan o
pagsusuri patunay ang mga inilahad na
kasagutan at pahayag (10 puntos)
KABUUANG PUNTOS

Sukatin

Lubos ang kagalakan na malaman na narating mo na ang bahaging


ito ng modyul. Inaasahan na marami kang natutuhan, kaya ipakita mo ito
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba. Gumamit ng sariling
sagutang papel.

A. Maramihang Pagpipili
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Ano ang pinakamahusay na paraan upang masukat ang antas ng
pagunlad ng isang bansa?
A. GNP B. GDP C. GNI D. HDI

2. Alin sa sumusunod ang HINDI makakatulong sa pag-unlad ng bansa?


A. Pagbuo ng ng mga samahan kagaya ng kooperariba
B. Pagboto sa tamang tao sa panahon ng halalan
C. Pagtangkilik sa mga produktong imported
D. Pagbabayad ng tamang buwis

3. Ano ang nagpapakita nito ang pagiging makabansa ng isang


mamamayang Pilipino.
A. Pagtratrabaho sa ibang bansa
B. Pagmamalaki sa karangalang nakamit ng kapwa Pilipino
C. Patangkilik sa produktong imported
D. Pagsunod sa isinasagawang malawakang bakuna laban sa Covid-19

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutan?


A. Pagbabayad ng tamang buwis
B. Pagboto sa taong kakilala
C. Pagtanaw ng utang na loob
D. Pagsisisimba tuwing araw ng Lingo

5. Ang UNDP ay nagsagawa rin ng pagsusuri sa kalagayan ng kaunlaran at


pagsulong ng ating bansa. Sa anong estado nabibilang ang Pilipinas sa
kanyang antas ng kaunlaran?
A. Medium Human Development
B. High Human Development
C. Very High Human Development
D. Low Human Development

B. Modified TAMA at MALI


Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap, Isulat ang salitang TAMA
kung ang pangungusap ay may katotohanan ang pahayag. Kung ito ay
MALI, palitan ang salitang may salungguhit para maging tama ang
pahayag.

1. Mahalagang sukatan ang HDI para sa kaunlaran ng mga bansa.

2. Ang India ay nangunguna sa mga bansang may pinakamataas ng


pagunlad batay sa kanyang HDI.
3. Sa ilalim ni Pangulong Duterte, patuloy ang pagsulong at pag-unlad ng
bansa bilang patunay ng ranggo nito sa mga ibang bansa batay sa HDI
noong 2019.

4. Pinangunahan ng UNESCO ang pagsusuri sa kaunlaran ng mga bansa.

5. Maraming mga Pilipino ang mapanagutan kaya mabagal ang pag-unlad


ng Pilipinas.

6. Ang paninilbihan bilang manggagawa sa sarilng bansa ay isang


katangiang pagkamakabansa.

7. Bilang mag-aaral, ikaw ay bahagi ng sambayanang Pilipino na


nagaambag para sa isang maunlad na Pilipinas.

8. Una ang Norway sa may pinakamataas na HDI at pinakamaunlad na


bansa.

9. Laganap ang kagutuman at malnutrisyon sa Niger.

10. Ang kahirapan ay hindi sagabal sa pagkamit ng kaunlaran.

Susi sa Pagwawawasto

10. D 15. Tama


9. A 14. Tama
8. C 13. Tama
7. B 5. 12. Tama
6. C 11. Tama
. Oo 5 5. A 4. 10. Mali —Mabilis
. Oo 4 4. C 4. MAPANAGUTAN 9. Mali —UNDP
3.
. Oo 3 3. C 3. MAALAM 8. Tama
. Oo 2 2. D 2. MAKABANSA 2. 7. Mali —Norway
. Oo 1 1. A 1. MAABILIDAD 6. Tama
Gawain 2 Gawain 1 Gawain 1 1 . 5. A
Simulan Galugarin Palalimin 4. A
3. B
2. C
1. D
Sukatin
Sanggunian
A. Mga Aklat

Department of Education.Araling Panlipunan 9 Modyul para sa Mag-aaral.


Unang Edisyon 2015
Sicat, G. (2003). Economics. New Edition. Pasig City, Philippines: Anvil
Publishing, Inc.
Department of Education Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE
Module. Pasig City: DECS

B. Iba pang Sanggunian

https://cnnphilippines.com/news/2019/12/10/undp-human development-
index-2019-philippines.html
www.business-standard.com»article»

You might also like