You are on page 1of 15

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____ 9
ARALING PANLIPUNAN
Kwarter IV – Linggo 1
Konsepto at Palatandaan
ng Pambansang Kaunlaran

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan – Baitang 9
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 1: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Ria T. Oser

Pangnilalamang Patnugot: Mary Grace I. Ogoc, Villaflor C. Ocampo

Editor: Jonah A. Heredero


Tagawasto: Villaflor C. Ocampo
Tagasuri: Marites L. Arenio, Villaflor C. Ocampo, Rodney M. Ballaran,
Carissa M.Calalin, Jouilyn O. Agot

Tagaguhit: Ernesto S. Lerio

Tagalapat: Ruben T. Orocio Jr.

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS, AP
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
,

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Rodney M. Ballaran,


Carissa M. Calalin, Enrile O. Abrigo Jr., Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Konsepto at Palatandaan
ng Pambansang Kaunlaran
MELC: Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran
Mga Layunin:
1. Nabibigyang kahulugan ang pambansang kaunlaran
2. Natutukoy ang mga palatandaan ng pag-unlad
3. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran

Subukin Natin

Panuto: Unawain mo ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang


sagot sa patlang.

______ 1. Paano masasabing may pag-unlad ang ekonomiya?


A. Tumaas ang GNI.
B. Bumaba ang krimen sa bansa.
C. Tumaas ang migrasyon ng mga Pilipino.
D. Bumaba ang antas ng marunong magsalita ng Ingles.

______ 2. Sino sa sumusunod ang nagpahayag na ang pag-unlad ay matatamo lamang kung
mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya?
A. Amartya Sen C. Gunar Myrdal
B. Feliciano Fajardo D. Michael P. Todaro
_______3. Alin sa sumusunod na pahayag ang WASTO?
A. Nasa paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
B. Nasa kamay ng manggagawa ang pag-unlad ng bansa.
C. Nasa pamahalaan ang susi sa pag-angat ng ekonomiya.
D. Sapat nang may trabaho upang maging maunlad ang bansa.

_______4. Anong batayan ng kaunlaran ang ipinapahiwatig ng pagtungo at pakikipag-


ugnayan ng Pangulo sa mga karatig bansa upang makapanghikayat ng mga
dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas?
A. Sustainable Growth Model C. Growth Oriented Development Model
B. Sustainable Development Model D. Sustainable Growth Development Model

______5. Ayon sa modelong Sustainable Development na isa sa mga batayan sa pagsukat ng


pag-unlad ng mga bansa, "Ang mga mamamayan ng bansa ay dapat maturuan ng
mga kakayahang mapagtagumpayan ang mga hamon ng ika-21 siglo." Anong
Ahensiya ng gobyerno ang katuwang ng pamahalaan upang maisakatuparan ang
layuning ito?
A. DOH B. GSIS C. DSWD D. DEPED

1
_____6. Suriin ang sumusunod na mga sitwasyon at tukuyin kung ano ang posibleng
kahahantungan ng pagkakaroon ng mga ito sa bansa?
i. Mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.
ii. Palagiang pagbisita ng Pangulo sa mga karatig bansa.
iii. Mataas na bahagdan ng banyagang namumuhunan sa bansa.

A. Pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.


B. Pagdami ng trabaho sa Pilipinas at pagkawala ng kaugaliang Pilipino.
C. Pag-angat ng ekonomiya ng bansa kasabay ng mga pagbabago sa lipunan nito.
D. Pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa makabagong
teknolohiya.

_____7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng KATOTOHANAN ukol positibong


epekto ng pag-unlad?
A. Kaakibat ng pag-unlad ang pagkasira ng ating kalikasan.
B. Kaakibat ng pag-unlad ang pagbaba ng bilang ng mga manggagawang may
kasanayan sa loob ng bansa.
C. Kasabay ng pag-unlad ang pagbangon ng kamalayang Pilipino tungkol sa papel
nito sa pagkamit ng matatag na ekonomiya.
D. Kasabay ng pag-unlad ang pagyakap sa kanluraning kultura at ang tuluyang
paglimot ng lahat ng Pilipino sa sarili nitong kultura.

______8. Ang Human Development Index ay gumagamit ng apat na pangunahing


instrumento upang masukat ang kabuuang pang-sosyal at ekonomiyang
kalagayan ng mga bansa. Alin sa sumusunod ang estatistikang ginagamit upang
masukat ang HDI ng isang bansa?
A. Gross National Product (GNP), growth rate, Natural Increase Rate (NIR), and
literacy
B. Gross Domestic Product (GDP) per capita, infant mortality, literacy rate, and
natural increase
C. Gross Domestic Product(GDP) per capita, life expectancy, literacy rate, and HIV
infections per capita
D. Gross National Income per capita (GNI), life expectancy, literacy rate, and
average years of education

_____ 9. Hinahanay ng Human Development Index ang mga bansa mula sa may
pinakamababang antas ng kaunlarang pantao at pinakamataas na antas ng
kaunlarang pantao. Ano ang layunin ng paghahanay na ito?
A. Upang bigyan ng suporta o aide ang mahihirap na bansa.
B. Upang palawakin ang pamimilian ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga
pangangailangan.
C. Upang ipakita ng mayayamang bansa ang kanilang kakayahang politikal sa
mahihirap na bansa.
D. Upang madaling matukoy ang pinakamahirap na bansa at matulungan sila sa
pamamagitan ng pagpapautang.

_____10. Ang pag-unlad ay inilalarawan hindi lamang ng pag-angat ng ekonomiya o pagtaas


ng kita ng bansa gayundin ang kakayahan ng isang bansa na maiangat ang
pamumuhay ng mga mamamayan nito. Alin sa sumusunod ang teoretikal na
batayang ginagamit upang masukat ang kakayahan ng isang bansa na punan ang
mga pangangailangan ng mga mamamayang kabilang dito?
A. Inflation Rate C. Gender Development Index
B. Poverty Index D. Human Development Inde

2
Ating Alamin at Tuklasin

Sa bawat pagtatapos ng iyong nakasanayang gawain sa


araw- araw, naitanong mo ba sa iyong sarili kung bakit halos
pare-pareho ang mga balita na iyong naririnig o napanonood?
Patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kawalan ng
Paghawan ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino at ngayon naman ay
Balakid mayroon lumalaganap na pandemya. Sino nga ba ang dapat
sisihin sa mga pangyayari ito at kanino rin ba dapat iasa ang
pagbabago at pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa?
Human Well- Sa ating bagong aralin, hindi lamang kasagutan sa mga
being – tanong na nabanggit ang matutuklasan kundi ang
kabutihang pan- katotohanan na ang pagkamit ng pagbabago sa lipunan at pag-
tao o mataas na unlad ng ekonomiya ay isang napakalaking hamon na hindi
kalidad ng buhay lamang dapat iatang sa balikat ng iilan kundi ng lahat.
ng tao. Mabibigyan ka rin ng iba’t ibang mga ideya na maaaring
makapagpabago o lalo pang makapaigting sa perspektibo mo
Human tungkol sa kalagayan ng lipunang iyong kinabibilangan at ng
Development ekonomiya ng bansang Pilipinas.
Index –
tumutukoy sa
pangkalahatang
sukat ng kaka- Sa ating nakaraang aralin ay nabatid mo na malaki ang
yahan ng isang kaugnayan ng mga sektor na may kinalaman sa pananalapi
bansa na matu- upang lubos na mapatakbo ang ating ekonomiya at
gunan ang maha- magdudulot ng pagtaas ng ating pambansang kita. Ang
halagang aspekto mataas na antas ng pambansang kita ay naglalarawan ng
maunlad na ekonomiya.
ng kaunlarang
Halina’t alamin ang mga palatandaan ng isang
pantao.
maunlad na bansa at tukuyin ang papel mo bilang isang mag-
aaral, at isang mamamayan sa pag-unlad ng bansa.

KONSEPTO NG PAG-UNLAD

Pinagtuunan sa nakaraang markahan ang pambansang ekonomiya bilang kabahagi


sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

Narito ang Iba’t ibang Kahulugan ng Pag-unlad

1. Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.


(Merriam Webster)
2. Isang progresibong at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, hindi
pagkakapantay-pantay at pananamantala. Ang pagsulong ay bunga ng prosesong ito, Ito
ay produkto ng pag-unlad. (Economic Development; Feliciano Fajardo, 1994)
3. Kaunlaran ay matatamo lamang kung mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao
kaysa sa yaman ng ekonomiya nito (Development as Freedom: Amartya Sen, 2008)

3
4. May dalawang (2) konsepto ang pag-unlad: Tradisyunal na pananaw at makabagong
pananaw. (Economic Development; Michael P. Todaro at Stephen C. Smith, 2012)

TRADISYONAL NA PANANAW - Ang pag-unlad ay ang pagtatamo ng patuloy na pagtaas


ng antas ng income per capita o pagtaas ng kita ng bansa ng sa gayon ay mas mabilis na
maparami ng bansa kanyang output kaysa sa paglaki ng populasyon nito.

MAKABAGONG PANANAW - Ang pag-unlad ay kumakatawan sa malawakang pagbabago


sa buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon ang pansin sa ibat-ibang pangangailangan
at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing sistema.

Pag-unlad

Mayroong dalawang pananaw na batayan ng konseptong kaunlaran. Ang una ay mula


sa pananaw na tinatawag na Growth-Oriented Development at ang ikalawa ay Sustainable
Development Model.

I. Growth-Oriented Development
Ang pag-unlad ay sinasabing isang proseso ng paglaki ng ekonomiya. Naipakikita ang
paglaki ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtaas o paglaki ng kita ng bansa na binubuo
ng: Gross National Product (GNP), Gross Domestic Product (GDP), National Income (NI)
Ipinapakita nito na tumataas ang produksyon at pagkonsumo dahil sa paglaki ng kita
sa produksyon at serbisyo. Ang mga bansang naniniwala sa pananaw na ito ay
kadalasang nanghihikayat ng mga dayuhang mangangalakal na magpapasok sa
ekonomiya ng panibagong puhunan. Pinalalakas din ng bansa ang pag-eeksport o
pagluluwas ng kanyang mga produkto kasama ang pagpapadala ng mga manggagawa sa
labas ng bansa upang maragdagan ang kita sa pandaigdigang pamilihan. Dahil dito ay
maaaring tumaas ang produksyon, magkaroon ng trabaho upang lumaki ang kita ng mga
mamamayan at magkaroon ang mga tao ng kakayahang mamili at kumonsumo.

II. Sustainable Development Model

Ang pag-unlad ay isang proseso ng pagpapalawak sa oportunidad ng isang tao na


makamit kahit man lamang ang minimum na istandard ng kabutihang pantao o well-
being. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng modelong ito na ang pag-unlad ay para sa
tao kung kaya ang batayan ng pag-unlad ay ang pagtugon sa pangangailangan ng tao at
pagtaas ng kalidad ng buhay ng tao.
1. Kaunlarang Pang-ispiritwal (Spiritual Development) – ang pagkakaroon ng
kapayapaan at makabuluhang buhay ay batayan ng pag-unlad.
2. Kaunlarang Pangtao (Human Development)- ang kaunlaran ay dapat nagsusulong ng
kagalingang pantao.Ang kanyang dignidad at mga potensyal bilang tao ay
napapangalagaan at napapagyaman. Mayroong lubos na paggalang sa karapatang
pantao.
3. Kaunlarang Panlipunan (Social Development) – may pag-unlad kung may katarungan
at pagkapapantay-pantay sa oportunidad sa bawat isang kasapi ng lipunan.
4. Kaunlarang Pang-kultura (Cultural Development) – may pag-unlad kung may
paggalang sa kultura ng bawat isa at ang lahat ay maaaring makinabang sa mga yamang
pangkultural.
5. Kaunlarang Pampulitika (Political Development) – demokratikong pamamahala,
walang korupsyon, episyente, epektibo, at makatao ang mga palatandaan ng kaunlarang
politikal.
6. Kaunlarang Pang-ekonomiya (Economic Development) – maunlad ang kabuhayan
kung mayroong seguridad ang bawat isa na makalahok at makinabang sa mga gawaing
pangkabuhayan.
7. Kaunlarang Pang-ekolohiya (Ecological Development) – ang pag-unlad ay dapat likas-
kaya. Hindi isinasakripisyo ang kalikasan upang kumita at matustusan ang mga
pangangailangang materyal ng tao. Ang kalikasan ang pundasyon ng anumang pag-
unlad.

4
Human Development Index

Ang Human Development Index (HDI) ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng


kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang
pantao, kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay. Sukatin ang kabuuang pansosyal
at ekonomiyang kalagayan ng mga bansa. Kasamang sinusukat dito ang tagal ng buhay ng
mga indibidwal (life expectancy), haba ng panahon ng pag-aaral (schooling), edukasyon, at
ang kinikita ng mga tao at kabuuang kita (gross national income per capita). Naghahain din
ito upang suriin kung paano nagawa ang pagganap ng mga plano at pampublikong mga
patakaran sa bawat bansa mula sa isang taon hanggang sa susunod. Ang HDI ay nilikha
upang bigyang diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag - unlad ng isang bansa, hindi
lang ang pagsulong ng ekonomiya nito. Ang index na ito ay nilikha ng United Nations
Development Program (UNDP) at inilapat mula 1990 hanggang sa kasalukuyan.

Hinahanay ng HDI ang mga bansa mula sa may pinakamababang antas ng kaunlarang
pantao at pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao. Ang mga numerikal na halaga
upang matukoy ang Human Development Index ay mula 0 hanggang 1. 0 ang
pinakamababang marka, at ang 1 ang pinakamataas, na ginagawang posible upang
matukoy ang
Angtatlong
HDI pangkat
ay masng mga bansa tulad ng sumusunod:
Mga Bansa na may Mataas
mataas kaysa sa 0.80 na Pag-unlad ng Tao

Ang HDI ay nasa Mga Bansa na may Medium


pagitan ng 0.50 at Human Development
0.80

Ang HDI ay mas Mga Bansa na may maba-


mababa sa 0.50. bang Human Development

Ang pangunahing layunin ng paghahanda ng Human Development Index ay palawakin


ang pamimilian o choices ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang
mga pamimiliang ito ay maaaring walang katapusan at maaaring magbago. Madalas na
pinahahalagahan ng mga tao ang mga bagay na nakamit na hindi kayang ipakita ng mga
datos at impormasyon tungkol sa kita at pagbabago. Ilan sa mga ito ang mas malawak na
akses sa edukasyon, maayos na serbisyong pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan,
kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-siyang mga libangan, kalayaang pampolitika,
pangkultura at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ang layunin ng pag-unlad ay
makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng
matagal, malusog at maayos na pamumuhay

(Pinagkunan: Bernard R. Balitao et al., Ekonomiks – Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, Pasig
City: Department of Education-Vibal Group, 2015, 340-352.)

(Pinagkunan: Liberty I. Nolasco et al., Ekonomiks: Mga konsepto at Aplikasyon: Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan Ikaapat na Taon, Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. 2012, 313-320.)

5
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Kompletuhin ang diyalogo sa pamamagitan ng paglalagay ng
wastong datos sa dialogue box.

Para sa akin ang pag-unlad ay…

Para sa akin ang pagsulong at pag-unlad ay…

6
Gawain 2
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang inilalarawan ng bawat
pangungusap. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

A. Growth Oriented Development D. Makabagong Pananaw


B. Sustainable Development Model E. Human Develoment Index
C. Pag-unlad

_______1. Ang pag-unlad ay ang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per
capita o pagtaas ng kita ng bansa ng sa gayon ay mas mabilis na maparami ng
bansa ang kanyang output kaysa sa paglaki ng populasyon nito.
_______2. Ito ay tumutukoy sa isang progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng
kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng
trabaho, kamangmangan, di pagkapapantay-pantay, at pananamantala.
_______3. Ito ay nilikha upang bigyang diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang
dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag - unlad ng isang
bansa.
_______4. Ang pag-unlad ay sinasabing isang proseso ng paglaki ng ekonomiya. Naipakikita
ang paglaki ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtaas o paglaki ng kita ng
bansa.
_______5. Ang pag-unlad ay isang proseso ng pagpapalawak sa oportunidad ng isang tao na
makamit kahit man lamang ang minimum na istandard ng kabutihang pantao o
well-being.

Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Ayon sa iyong pag-unawa sa konsepto ng pag-unlad, punan ang
Graphic Organizer. Isulat sa kahon ang tamang datos
Mga Pananaw ukol sa Pag-unlad

7
Batay sa mga gawaing iyong natapos, ano ang mga bagay na dapat
isaalang -alang sa pagkakaroon ng isang maunlad na bansa?

Gawain 2
Panuto: I-tsek ang kolum ng FACT kung ang mga nakasaad sa pangungusap
ay totoo at naoobserbahan sa ating lipunan at i-tsek ang kolum ng Opinion
kung ang pangungusap naman ay walang katotohanan

FACT STATEMENT OPINION

1. Nagsisimula ang pagkakaroon ng pag-unlad sa


pamamagitan ng pagsulong ng iba’t ibang sektor
panlipunan ng isang bansa

2. Ang isang bansa ay maituturing na maunlad kung


nakapagbibigay ito ng mga pangunahing pangangailangan
ng mga taong nakatira dito.
3. Ang pagpapaunlad sa ating ekonomiya ay tungkulin
lamang ng gobyerno at ng mga ekonomista sapagkat sila
ang may sapat na kaalaman
4. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas ay
nangangahulugang pagpaparami ng mga Pilipinong
manggagawa sa dayuhang bansa.

5. Ang sektor ng edukasyon ay may mabigat na gampanin


upang makahubog ng mga Pilipinong may sapat na
pagpapahalaga sa pagkakaroon ng isang matatag na
ekonomiya ng Pilipinas kung kaya dapat itong pagtuunan
ng pansin, pondo, at suporta ng gobyerno, komunidad, at
mga mamamayan.

Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit hindi magkakatulad ang


antas ng pamumuhay ng mga tao sa bansa?

8
Ang Aking Natutuhan

Gawain 1
Panuto: Kompletuhin ang talata sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong
salita sa patlang. Piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot.

tradisyunal Human Developmet Index makabagong pananaw

Sustainable Development Model Growth-Oriented Development

“Ang pag-unlad ay sumasaklaw sa katarungan, dignidad, seguridad at


pagkapantay-pantay ng mga tao. May dalawang konsepto ang pag-unlad:
Tradisyunal na pananaw at makabagong pananaw. Sa _________________ ang pag-
unlad ay ang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita o
pagtaas ng kita ng bansa ng sa gayon ay mas mabilis na maparami ng bansa ang
kanyang output kaysa sa paglaki ng populasyon nito. Samantala, ang
_____________________ ay nakatuon ang pansin sa ibat-ibang pangangailangan at
nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo.
Ang batayan ng konseptong kaunlaran ay mula sa pananaw na tinatawag
na ______________________ kung saan ang pag-unlad ay sinasabing isang proseso
ng paglaki ng ekonomiya. Ipinapakita nito na tumataas ang produksyon at
pagkonsumo dahil sa paglaki ng kita sa produksyon at serbisyo. Ang ikalawa ay
ang ____________________ na nagsasaad na ang batayan ng pag-unlad ay ang
pagtugon sa pangangailangan ng tao at pagtaas ng kalidad ng buhay ng tao. Isang
paraan ng pagsukat ng pag-unlad ay ang ___________________ ito ay tumutukoy sa
pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao o kalusugan, edukasyon, at antas ng
pamumuhay ng tao.”

9
Ating Tayahin

Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang


sagot sa patlang bago ang bilang.

______ 1. Alin sa sumusunod na pahayag ang WASTO?


A. Nasa paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
B. Nasa kamay ng manggagawa ang pag-unlad ng bansa.
C. Nasa pamahalaan ang susi sa pag-angat ng ekonomiya.
D. Sapat nang may trabaho upang maging maunlad ang bansa.

______ 2. Paano masasabing may pag-unlad ang ekonomiya?


A. Tumaas ang GNI.
B. Bumaba ang krimen sa bansa.
C. Tumaas ang migrasyon ng mga Pilipino.
D. Bumaba ang antas ng marunong magsalita sa Ingles.

_______3. Ayon sa kanya ang pag-unlad ay matatamo lamang kung mapauunlad ang yaman
ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito.
A. Amartya Sen C. Gunar Myrdal
B. Feliciano Fajardo D. Michael P. Todaro

_______4. Suriin ang sumusunod na mga sitwasyon at tukuyin kung ano ang posibleng
kahahantungan ng pagkakaroon ng mga ito sa bansa.

i. Mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.


ii. Palagiang pagbisita ng Pangulo sa mga karatig bansa.
iii. Mataas na bahagdan ng banyagang namumuhunan sa bansa.

A. Pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.


B. Pagdami ng trabaho sa Pilipinas at pagkawala ng kaugaliang Pilipino.
C. Pag-angat ng ekonomiya ng bansa kasabay ng mga pagbabago sa lipunan nito.
D. Pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa makabagong
teknolohiya.

______5. Anong batayan ng kaunlaran ang ipinapahiwatig ng pagtungo at pakikipag-


ugnayan ng Pangulo sa mga karatig bansa upang makapanghikayat ng mga
dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas?
A. Sustainable Growth Model C. Growth Oriented Development Model
B. Sustainable Development Model D. Sustainable Growth Development Model
_____6. . Ayon sa modelong Sustainable Development na isa sa mga batayan sa pagsukat
ng pag-unlad ng mga bansa, "Ang mga mamamayan ng bansa ay dapat maturuan
ng mga kakayahang mapagtagumpayan ang mga hamon ng ika-21 siglo." Anong
Ahensiya ng gobyerno ang katuwang ng pamahalaan upang maisakatuparan ang
layuning ito?
A. DOH B. GSIS C. DSWD D. DEPED

10
_____7. Ang Human Development Index ay gumagamit ng apat na pangunahing instrumento
upang masukat ang kabuuang pansosyal at ekonomiyang kalagayan ng mga bansa.
Alin sa sumusunod ang estatistikang ginagamit upang masukat ang HDI ng isang
bansa?
A. Gross National Product (GNP), growth rate, Natural Increase Rate (NIR), and literacy
B. Gross Domestic Product (GDP) per capita, infant mortality, literacy rate, and natural
increase
C. Gross National Income per capita (GNI), life expectancy, literacy rate, and average
years of education
D. Gross Domestic Product (GDP) per capita, life expectancy, literacy rate, and HIV
infections per capita

______8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng KATOTOHANAN ukol


positibong epekto ng pag-unlad?
A. Kaakibat ng pag-unlad ang pagkasira ng ating kalikasan.
B. Kaakibat ng pag-unlad ang pagbaba ng bilang ng mga manggagawang may
kasanayan sa loob ng bansa.
C. Kasabay ng pag-unlad ang pagbangon ng kamalayang Pilipino tungkol sa papel
nito sa pagkamit ng matatag na ekonomiya.
D. Kasabay ng pag-unlad ang pagyakap sa kanluraning kultura at ang tuluyang
paglimot ng lahat ng Pilipino sa sarili nitong kultura.

_____ 9. Ang pag-unlad ay inilalarawan hindi lamang ng pag-angat ng ekonomiya o pagtaas


ng kita ng bansa gayundin ang kakayahan ng isang bansa na maiangat ang
pamumuhay ng mga mamamayan nito. Alin sa sumusunod ang teoretikal na
batayang ginagamit upang masukat ang kakayahan ng isang bansa na punan ang
mga pangangailangan ng mga mamamayang kabilang dito?
A. Inflation Rate C. Gender Development Index
B. Poverty Index D. Human Development Index
_____10. Hinahanay ng HDI ang mga bansa mula sa may pinakamababang antas ng
kaunlarang pantao at pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao. Ano ang
layunin ng paghahanay na ito?
A. Upang bigyan ng suporta o aide ang mahihirap na bansa.
B. Upang palawakin ang pamimilian ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga
pangangailangan.
C. Upang ipakita ng mayayamang bansa ang kanilang kakayahan politikal sa
mahihirap na bansa.
D. Upang madaling matukoy ang pinakamahirap na bansa at matulungan sila sa
pamamagitan ng pagpapautang.

11
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay
Gawain 1:
Mga posibleng sagot:
1. 1.Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay ng tao
2.Ang pag unlad ay tumutukoy sa pagkakaroon ng maayos o yaong “developed” na isang
lipunan samantala ang pagsulong ay tumutukoy sa paglago ng ekonomiya ng isang bansa

Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin


Ating Pagyamanin
Gawain 2 Gawain 2:
Gawain 1
Kaunlarang Pang-
1. D 1. Fact ispiritwal
2. C 2. Fact
3. E 3. Opinion Mga pananaw sa Kaunlarang
4. A 4. Fact pag-unald Pantao
5. B 5. Fact
Kaunlarang
Growth-
Sustainable panlipunan
Oriented
Development
Ang Aking Natutunan Development
Model Kaunlarang
t pangkultura
1. Tradisyunal
2. Makabagong Pananaw
pampulitika
3. Growth-Oriented Developmen
4. Sustainable Development Model Pang-ekonomiya
5. Human Developmet Index

Subukin
1. D 2. A 3. B 4. D 5. C 6. C 7. C 8. B 9. B 10. A

Ating Tayahin
1. A 2. A 3. A 4. B 5. C 6.D 7.C 8.C 9. B 10.B

Sanggunian
Aklat

Balitao, Bernard R., MD. Buising, ED.J Garcia, AD. De Guzman, JL. Lumibao Jr., AP.
Mateo, at IJ.Mondejar. Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral,
Pasig City: Vibal Group, Inc., 2015.

Nolasco, Liberty I., JN. Ponsaran, JA. Ong, JD. Rillo, Mdr. Cervantes, at BR.Balitao.
Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan
Ikaapat na Taon, Quezon City: Vibal Publishing House, Inc., 2012.

12
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang


iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya


para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung


Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at


pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

13

You might also like