Professional Documents
Culture Documents
LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol
sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung papaanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal (AP9MAKIIIf-13)
Specific Outcomes:
1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang may kaugnay ng patakarang piskal.
2. Naiuugnay ang kahalagahan ng gobyerno sa pagpapatupad ng patakarang piskal sa
pangkasalukuyang pag-unlad ng bansa.
3. Nakapagkukumpara ng Expansionary Fiscal Policy at Contractionary Fiscal Policy
gamit ang Venn Diagram.
II: NILALAMAN
Paksa: Konsepto ng Patakarang Piskal
4.Pagganyak
Sa araw na ito,tutungo tayo sa panibagong
aralin. Bago ang lahat nais kong tingnan niyo
ang tsart na ito. Ano ang hugis nito? ( Magtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
Magaling. Anu-ano kaya ang mga bahagi ng
isang puno?
( Tatawagin ng guro ang mga mag-aaral) Ma’am ugat po, sanga,dahoon at bunga po.)
B. Panlinang na Gawain
1.Paglalahad
Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay ang
Patakarang Piskal, ang mga konsepto at mga Ang patakarang piskal po ay ang
terminolohiyang nuukol ditto. Ano ng aba ang pangangasiwa ng pamahalaan sa ekonomiya sa
patakarang piskal? pamamagitan ng pagpataw ng buwis at
paggugol.
Magaling!
2. Pangkatang Gawain
(Igugrupo ng guro ang klase sa apat na grupo)
(Ang mga mag-aaral ay magbibilang ng isa
Bago natin talakayin ang Patakarang Piskal hanggang apat upang tukuyin ang mga grupo.)
nais ko kayong mismo ang pumuno sa tree
chart na ibibigay ko sa inyo ng labing apat na
terminolohiyang tumutukoy sa Patakarang
piskal kalakip ang isang babasahin upang
masagutan niyo ito.
Bibigyan ko kayo ng limang minute sa
paglalapat ng mga terminolohiya. Matapos ito
ay iuulat ng inyong lider ang inyong
napagkasunduan sa loob ng dalawang minuto.
Naintindihan ba?
Opo.
Magaling!
(Bibigyan ng guro ang bawat grupo ng tree
chart na siyang pupunan ng mga mag-aaral at
mga babasahin.)
TREE CHART
Mga Terminolohiya:
A. Buwis
B. Pamahalaan
C. Pagtaas ng Demand
D. Pagtaas ng Presyo
E. Pagtaas ng Produksiyon
F. Pagtaas ng Empleyo
G. Pagbaba ng Demand
H. Pagbaba ng Produksiyon
I. Pagbaba ng Presyo
J. Pagbabawas ng Mangagawa
K. Expansionary Fiscal Policy
L. Contractionary Fiscal Policy
C. Pagtalakay
Ang mga terminolohiyang inyong inilagay sa
tree chart ay tumutukoy sa Patakarang Piskal.
Ano ng aba nag ulit ang Patakarang Piskal?
Ang patakarang Piskal po ay ang
pangangasiwa ng pamahalaan sa ekonomiya sa
pamamagitan ng paggalaw ng buwis at
paggugol
Magaling!
Ngayon ay ituon na ninyo ang inyong
atensiyon sa tree chart na narito sa harapan.
Unti-unti natin itong sasagutin at tatalakayin.
D.Paglalahat
Ngayon naman ay atin nang lagumin an gating
napag-aralan sa araw na ito. Ano ang dalawang
uri ng patakarang piskal? Ang dalawang uri ng Patakarang Piskal ay ang
Expansionary at Contractionary Fiscal Policy.
Tama. Pakipaliwanag nga ang kaibahan ng
dalawa.
Ang Expansionary Fiscal Policy po ay
patakarang nauukol sa pagpapataas ng output
ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggastos
ng pamahalaan at pagbawas ng buwis. Sa
ganitong paraan ay tumaas ang demand, ang
presyo, ang produksyon at empleo. Samantala,
ang Contractionary Fiscal Policy po ay
patakarang nauukol sa pagbabawas sa
kasiglahan ng ekonomiya sa pamamagitan ng
pagbawas sa gastos ng pamahalaan at
pagpapataas ng buwis. Sa ganitong paraan ay
baba ang demand, ang presyo, ang produksyon
at empleo.
Magaling!
E. Paglalapat
Paano kaya kung masyadong mababa ang
output ng ekonomiya at dumaranas ang bansa
ng recession at depression ano kaya ang
gagawin ng pamahalaan?
Kapag may recession at depression po at
mababa ang ekonomiya ay patataasin po ng
pamahalaan ang output ng ekonomiya sa
pamamagitan po ng Expansionary Fiscal
Policy.
Magaling. Samantala, paano naman kung
masyadong mataas o masigla ang ating
ekonomiya at dumaranas na ng inflation, ano
kaya ang gagawin ng ating pamahalaan?
Kapag may inflation po at dumaranas ng
sobrang kasiglahan ang ekonomiya ay pinaiiral
po ng pamahalaan ang Contractionary Fiscal
Policy.
Mahusay.
F.Pagpapahalaga
Ano kaya ang kahalagahan ng pamahalaan sa
pagpapatupad ng patakarang piskal?
Mahalaga po ang pamahalaan dahil sila po ang
nagongolekta ng salapi sa pamamagitan ng
pagbubuwis at siyang nagbabalanse ng
ekonomiya sa pamamagitan ng Patakarang
Piskal.
Tama. Ano naman kaya ang iyong magagawa
upang sa ganoon ay makatulong tayo sa
sariling bayan ng maganap pamahalaan ang
kanilang tungkulin? Magbayad po tayo ng buwis sa tamang
panahon.
Mahusay!
IV. Pagtataya
Ngayon ay lubos na ninyong naunawaan ang ating aralin. (Bibigyan ng sagutang papel
ang mga mag-aaral.)
Panuto: Mula sa Venn Diagram na ito ay paghambingin ang Expansionary at Fiscal Policy. Sa
magkabilang bilog ay isulat ang kaibahan ng bawat isa samantalang sa gitna naman ay isulat ang
pagkakatulad ng dalawa.
VII. PAGNINILAY
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _______.
Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain o nakakuha ng 80%
pababa. ______.