You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

BULACAN STATE UNIVERSITY


City of Malolos, Bulacan
Graduate School

Masusing Banghay Aralin sa


Araling Panlipunan IX: Ekonomiks

Konsepto at
Palatandaan ng
Pambansang
Kaunlaran

Inihanda ni:

BULAN, JOHN ERICKSON R.


MAEd, Major in Social Studies

Ipinasa kay:

Dr. FLAVIANA BALUYUT


Subject Professor, (SS 304) Production of
Instructional Materials in Social Studies
Republic of the Philippines
BULACAN STATE UNIVERSITY
City of Malolos, Bulacan
Graduate School

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IX: Ekonomiks


Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. naipapaliwanag ang konsepto ng pag-unlad, mga palatandaan ng pag-unlad at
responsibilad ng mga Pilipino para sa Pambansang Kaunlaran,
b. naipapakita ito sa pamamagitan ng isang infomercial at;
c. naisasabalikat ang pananagutan bilang isang Pilipino sa pamamagitan ng pag-alam sa
responsibilad bilang isang mamamayan ng ating bansa para sa Pambansang
Kaunlaran.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
b. Sanggunian: Imperial Et.Al. Kayamanan: Ekonomiks 9, Rex Book Store
c. Mga kagamitan:
Television Mga larawan
Pisara Kagamitang Biswal
Powerpoint Presentation

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral


III. Pamamaraan
a. Paunang Gawain
i. Panalangin
ii. Pagbati
iii. Pagsisiyasat sa kapaligiran
iv. Pagtatala ng Liban

b. Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa panibago nating aralin, mag
babalik-aral muna tayo sa nakaraang aralin ang
Patakarang Pananalapi.

1. Magbigay ng uri ng mga bangko


Sir! Commercial banks, Thrift banks, Rural banks at
Specialized government banks po.
Magaling!

2. Magbigay ng mga institusyong di-bangko


Sir! Kooperatiba, Pawnshop o Bahay-sanglaan, Pension
funds po, Registered companies at Pre-need po.
Magaling!

3. Gaano kahalaga ang salapi sa bahay-kalakal at sa


mga konsyumer?
(Ang sagot ng mga mag-aaral ay magmumula sa sarili
Magaling! niyang ideya at pananaw)

4. Gaano kahalaga ang pag-iimpok?

(Ang sagot ng mga mag-aaral ay magmumula sa sarili


Magaling mga mag-aaral, lubos niyo nang naintindihan niyang ideya at pananaw)
ang nakaraan nating tinalakay, ngayon ay dadako na tayo
sa panibagong aralin.

c. Pagganyak/lunsaran
Bago tayo dumako sa ating pangkatang gawain, tayo ay
magkakaroon muna ng isang gawain, kayo ay mahahati
sa 10 grupo at gagawa kayo ng word map, ang salitang
gagamiting ay KAUNLARAN. Mayroon lamang kayong
5 minuto upang matapos ito at pagkatapos isusulat sa
pisara ang isang salita na mapipili ninyo na
magpapaliwanag sa salitang kaunlaran. (Isusulat sa pisara ang mga piling salita ng kada grupo)

Paano niyo ilalarawan ang nabuo ninyong word map sa


ating pisara? Sir! Maganda po ang kahulugan ng kaunlaran at ideyal
po!

Magaling! Dahil ang ating tatalakayin ngayon ay


patungkol sa Konsepto at Palatandaan ng Pambansang
Kaunlaran.

d. Pagtatalakay
Sa tingin niyo mga mag-aaral, Paano niyo bibigyang
kahulugan ang salitang kaunlaran?
Sir! Ang kaunlaran po ay pagbabago mula sa mababa
tungo sa mataas na antas ng pamumuhay, maari din poi
to maging kaugnay sa salitang pagsulong.
Mahusay!
Para mas lalo pa nating maintindihan ang ating aralin,
magkakaroon tayo ng pangkat gawain. ‘Di ba mayroon
akong inatang na pangkatang gawain para sa araw na ito
na nagsilbi ding inyong takdang-aralin?
. Opo sir!
Ano yung gagawin nating pangkatang gawain ngayon?
Infomecial po sir, Performance based talakayan! Ayon
po sa ibinigay niyong GRASPS
Magaling, ito ang GRASPS ng ating Performance based
na talkayan
GRASPS: Performance based talakayan
Goal: Ang layunin niyo ay maituro sa mga mag-aaral ng
ekonomiks ng Jesus Is Lord Colleges Foundation Inc.
ang iba’t ibang Konsepto at palatandaan ng Pambansang
Kaunlaran sa pamamagitan ng isang Infomercial.
Role: Kayo ay maaring maging ekonomista, analyst,
professionals at college student.

Audience: Ang manunood ng inyong infomercial ay mga


mag-aaral ng ekonomiks (inyong mga kaklase) at isang
propesor (si Sir Bulan) mula sa Jesus Is Lord Colleges
Foudation Inc.

Situation: Laging pinapalabas ang inyong Informercial


sa Channel 9 Rewarder at ang segment ng inyong talk
show ay patungkol sa Konsepto at palatandaan ng
Pambansang Kaunlaran. Ito ang ipapaliwanag niyo sa
inyong segment:
Sa unang grupo: Konsepto ng pag-unlad
Sa ikalawang grupo: Mga palatandaan ng pag-unlad
Sa ikatlong grupo: Human development index
Sa ika-apat na grupo: Sama-samang pagkilos para sa
Pambansang Kaunlaran.

Performance: Ang bawat grupo ay kinakailangang


maipaliwanag ang iba’t ibang konsepto at palatandaan ng
pag-unlad sa pamamagitan ng isang informercial.

Standards: Accuracy ng impormasyon, pagpapaliwanag,


presentasyon at pakiki-isa ng mga miyembro sa kanilang
performance

Mayroon lamang kayong 3 minuto para maghanda sa


inyong performance at mayroon lamang kayong 4
minuto ipang ipakita, ipaliwanag ang inyong
presentasyon.

Pero bago tayo mag simula sa inyong paghahanda,


alamin muna natin kung ano ang magiging rubriks ng
inyong performance, ito ang rubriks.
Kraytirya at Needs Good Very Good
lebel Improvement (4pts) (5pts)
(3pts)
Accuracy ng Walang Ang ibang Tama ang
impormasyon imporma- Imporma imporma
syong nailahad syong inilahad syong
ay hindi tugma inilahad
Walang Kinakabahan at Buo ang loob
imporma- nauutal habang na ipaliwanag
Pagpapaliwanag syong ipinapaliwanag ang mga
naipaliwanag ang mga impormasyon
impormasyon
Presentasyon Hindi Hindi gaano Organisado at
organisado at organisado may kaayusan
walang ngunit may ang
kaayusan ang kaayusan ang presentasyon.
presentasyon. presentasyon
Pakiki-isa ng Ang lahat ng Kalahati Ang lahat ng
mga miyembro miyembro ng lamang ang miyembro ng
sa kanilang pangkat ay nag presenta at pangkat ay
performance hindi naki-isa naki-isa sa nag presenta
at nag presenta kanilang grupo at naki-isa
(Ang mga mag-aaral ay maghahanda para sa kanilang
pangkatang gawain)
(Pagkatapos ng 5 minuto)

Ngayon maari ng mag simula ang unang pangkat. Ang


ipepresenta nila at ang ipapaliwanag ay patungkol sa
Konsepto ng Pag-unlad Ang lahat ay makinig at
panatilihin natin ang katahimikan habang nagpapakita ng
presentasyon ang unang grupo.
(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pinaghandaan
sa pamamagitan ng infomercial, ang mga mag-aaral ay
nakabihis na pang inhinyero at businessman at pang
ekonomista, ipapaliwanag ng grupo ang pagkakaintindi
nila sa konsepto ng pag-unlad.)

Nakapaloob rito ang:


 Kahulugan ng pag-unlad ayon kay Feliciano R.
Fajardo, Michael Todaro at Stephen C. Smith, at
kay Amartya Sen.
Magaling unang pangkat!
Ngayon ay naintindihan na natin ang konsepto ng pag-
unlad, ayon kay Amartya Sen, ang pag-unlad ay
matatamo lamang kung mapapaunlad ang yaman ng
buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya ng
bansa.
Dadako na tayo sa Ikalawang pangkat. Ang ipapaliwanag
naman nila ang patungkol sa Mga Palatandaan ng Pag-
unlad. Ang lahat ay makinig at panatilihin natin ang
katahimikan habang nagpapakita ng presentasyon ang
ikalawang grupo.
(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pinaghandaan
sa pamamagitan ng infomercial, ang mga mag-aaral ay
nakabihis na pang environmentalist, factory worker at
scientist, ipapaliwanag ng grupo ang pagkakaintindi nila
sa mga palatandaan ng pag-unlad.)
Nakapaloob rito ang:
 Kahulugan ng pagsulong
 Mga salik na maaring makatulong sa pagsulong
ng ekonomiya ng isang bansa.
 Kahulugan ng pag-unlad

Mahusay ikalawang pangkat!


Ngayon ay lubos na nating naintindihan ang mga
palatandaan ng pag-unlad na nahahati ito sa dalawa, ang
pagsulong at ang pag-unlad. Hindi ito nababase sa
imprastraktura at modernong kagamitan bagkus ito ay
nababase sa magandang pamumuhay ng tao, pagbabago
sa istruktura ng lipunan at gawi ng tao.

Dadako na tayo sa ikatlong pangkat. Ang ipapaliwanag


naman nila ang patungkol sa Human Development Index.
Ang lahat ay makinig at panatilihin natin ang
katahimikan habang nagpapakita ng presentasyon ang
ikatlong grupo. (Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pinaghandaan
sa pamamagitan ng infomercial, ang mga mag-aaral ay
nakabihis na pang guro, doktor at nars ipapaliwanag ng
grupo ang pagkakaintindi nila sa Human Development
Index.)
Nakapaloob rito ang:
 Kahulugan ng HDI
 Kahalagahan ng HDI
Magaling ikatlong pangkat!
Ngayon ay naintindihan na natin ang Human
Development Index, sinusukat rito kung ang mga bansa
ay natutugunan ba ang mga mahahalagang aspekto ng
kaunlarang pantao katulad ng kalusugan, edukasyon at
antas ng pamumuhay.

Dadako na tayo sa ika-apat at huling pangkat. Ang


ipapaliwanag naman nila ang patungkol sa Sama-samang
Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran. Ang lahat ay
makinig at panatilihin natin ang katahimikan habang
nagpapakita ng presentasyon ang ika-apat na grupo.
(Ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pinaghandaan
sa pamamagitan ng isang infomercial, ang mga mag-
aaral ay nakabihis na pang pulitiko, isang ordinaryong
mamamayan, isang sundalo at isang negosyante.
ipapaliwanag ng grupo ang pagkakaintindi nila sa Sama-
samang pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran)
Nakapaloob rito ang:
 Pananagutan ng mga Pilipino sa Pilipinas
 Pagiging maabilidad
 Pagiging Makabansa
 Pagiging Maalam

Mahusay ika-apat na pangkat!

e. Pangwakas na Gawain
i. Paglalagom
Base sa ginawa nating pagtatalakay at presentasyon,
paano niyo bibigyang kahulugan ang pag-unlad? Sir! Ang pag-unlad po ay pagbabago mula sa mababa
tungo sa mataas na antas ng pamumuhay, maari din poi
to maging kaugnay sa salitang pagsulong.

Mahusay! Paano naging mahalaga ang Human


Development Index. Sir! Kaya po nabuo ang HDI upang bigyang-diin na ang
mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat
pangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng
isang bansa.

Magaling! Ayon sa pahayag ni Amartya Sen, ano ang


kahulugan ng tunay na pag-unlad?
Sir! Ang pag-unlad ay matatamo lamang ito kung
mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa
yaman ng ekonomiya ng bansa.
Magaling! Gaano kalahaga ang Yamang Tao bilang salik
na maaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng
isang bansa. Sir! Dahil mas marami pong output ang malilikha ng
isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga
manggagawa.
Mahusay! Lubos niyo nang naintindihan ang ating pinag-
aralan.

ii. Pagpapahalaga
Tayo ay manunuod ng isang maikling Video Presentation
patungkol sa tunay na nangyayari sa ating bansa, di ba
sinasabi ng ating pamahalaan na maunlad na ang bansang
Pilipinas pero marami pa ding mga Pilipino ang naiiwan
sa agos ng pag-unlad, tunghayan natin ang video.
(ang mga mag-aaral ay manunuod sa video presentation)
Gabay na tanong pagkatapos ng Video Presentation
1. Tunay na bang maunlad ang bansang Pilipinas
ayon sa napanuod natin, bakit?
2. Ano ang maari mong maitulong sa pag-unlad ng
ating bansa bilang isang mag-aaral?

iii. Paglalapat
Ang tunay na pag-unlad ay makakamtan natin kung tayo
ay magiging responsableng mamamayan at magpapakita
ng pag mamahal sa ating bansa, ikaw bilang isang
kabataan, paano mo maipapakita ang pagmamahal at
pagiging responsableng mamamayan ng ating bansa?
(Ang sagot ng mga mag-aaral ay mababase sa kanilang
ideya at saloobin)
IV. Pagtataya
Kahon-Analysis
Basahin at suriin ang mga sumusnod na pahayag. Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng
kahon.

Ang mga tao ang tunay na Ang pag-unlad ay tunay na


kayamanan ng isang bansa. nasusukat lamang sa pamamagitan
ng epekto nito sa pamumuhay nito
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
V. ______________________________
Kasunduan ______________________________
______________________________
Sagutan ang Gawain 9: Graphic Organizer
______________________________
Leaners Material: Pahina 350
Isulat ang sagot sa inyong mga kwaderno.

Inihanda ni:

JOHN ERICKSON R. BULAN


MAEd Major in Social Studies
Republic of the Philippines
BULACAN STATE UNIVERSITY
City of Malolos, Bulacan
Graduate School

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IX: Ekonomiks


Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran

The Department of Education established the content standards for Ekonomiks 9 which can be seen
in the Curriculum Guide of Araling Panlipunan 9. It serves as the instructional problem.

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga pangunahing


kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks at pambansang pag-unlad gamit ang mga kasanayan at
pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagnilay,
mapanagutan, makakalikasan, produktibo, makatarungan, at makataong mamamayan ng bansa at daigdig.

This lesson is designed for grade 9 students whose ages range from 15 to 16 years old. Most of our
students are characterized by short attention spans due to age and maturity. This age group also tends to be
verbal learners and kinesthetic learners who have difficulty with abstract concepts. Grade 9 students enjoy
finding, arranging, and cataloguing objects and information. Instruction will need to vary and include
hands-on activities to keep the learning process and as teacher, to clarify and validate of the students’
performance.

There are two task has been given to the students:

1st task:

Bago tayo dumako sa ating pangkatang gawain, tayo ay magkakaroon muna ng isang gawain, kayo
ay mahahati sa 10 grupo at gagawa kayo ng word map, ang salitang gagamiting ay KAUNLARAN.
Mayroon lamang kayong 5 minuto upang matapos ito at pagkatapos, isusulat sa pisara ang isang salita na
mapipili ninyo na magpapaliwanag sa salitang kaunlaran.

2nd task:
(Mayroong inatang na pangkatang gawain (informercial) na ito’y nagsilbing takdang-aralin ng mga
mag-aaral)
1. Paano niyo bibigyang kahulugan ang salitang kaunlaran?
2. Tukuyin at ano ang konsepto ng pag-unlad?
3. Tukuyin at anu-ano ang mga palatandaan ng Pag-unlad?
4. Tukuyin kung ano Human Development Index.
5. Tukuyin at ano ang kahalagahan ng Sama-samang pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran?

Here are the objectives that has been established based from the “pamantayang nilalaman”
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. naipapaliwanag ang konsepto ng pag-unlad, mga palatandaan ng pag-unlad at responsibilad
ng mga Pilipino para sa Pambansang Kaunlaran,
b. naipapakita ito sa pamamagitan ng isang infomercial at;
c. naisasabalikat ang pananagutan bilang isang Pilipino sa pamamagitan ng pag-alam sa
responsibilad bilang isang mamamayan ng ating bansa para sa Pambansang Kaunlaran.

Here are the contents of the lesson:

(Mayroong inatang na pangkatang gawain (informercial) na ito’y nagsilbing takdang-aralin ng mga


mag-aaral)
1. Paano niyo bibigyang kahulugan ang salitang kaunlaran?
2. Tukuyin at ano ang konsepto ng pag-unlad?
3. Tukuyin at anu-ano ang mga palatandaan ng Pag-unlad?
4. Tukuyin kung ano ang Human Development Index.
5. Tukuyin at ano ang kahalagahan ng Sama-samang pagkilos para sa Pambansang
Kaunlaran?

The lesson will be presented through performance task activity (infomercial).

Through the course of this lesson multiple instructional strategies will be utilized. At the
beginning, the teacher will check for prior knowledge and review concepts that would have been
previously learned. The presentation will allow for large group instruction and linking new information to
prior knowledge. The activities in this lesson will provide opportunities for other strategies, such as
compare and contrast, linguistic representation, cooperative learning and socio-constructivism approach.
Through the process of the lesson objectives will be created and feedback will be prepared.

Instruction or the learning process of the teacher as the facilitator of learning or activity will be
delivered through summarizing the presentation of the infomercials of the group. The role of the teacher is
he/she is the facilitator of learning and the knowledge will be delivered by the students through
presentation (performance based talakayan) but as the subject teacher, he/she must clarify, validate and
support the groups in terms of delivering the knowledge for the learning process and information’s’ will be
able to transfer and delivered as clear and precise.

The presenter’s may use instructional materials, visual aids and technology (projector and laptop,
provided by the subject teacher) to support the instructional process.
Kahon-Analysis
Basahin at suriin ang mga sumusnod na pahayag. Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Ang mga tao ang tunay na Ang pag-unlad ay tunay na


kayamanan ng isang bansa. nasusukat lamang sa pamamagitan
ng epekto nito sa pamumuhay nito
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________

You might also like