You are on page 1of 4

Paaralan: NEW ORMOC CITY NATIONAL HIGH Antas: Grade 9

SCHOOL
Guro: SHIELA A. AMODIA Asignat Araling Panlipunan
ura:
Petsa: January 17, 2020 FRIDAY Markaha IKAAPAT NA
n: MARKAHAN
LP No.: Topic:
Oras: Seksyon: Oras: Seksyon:
7:45-8:45 1:00-2:00
8:45-9:45 COMMITMENT 2:00-3:00
10:00- 3:00-4:00 CONVERGENCE
11:00
11:00- ENDURANCE
12:00

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong
at pag-unlad
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti
ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO
Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran

II. NILALAMAN
A. Aralin/Paksa: Yunit IV: Mga Sektor Pang-Ekonomiya at Mga Patakarang Pang-Ekonomiya
Nito
Aralin 1: Konsepto ng Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Konsepto ng Pambansang Kaunlaran
B. Sanggunian
1. TG: pahina
2. LM: pahina 340-344
3. CG: pahina 92, AP9MSP-IVa-1

C. Kagamitan: Cartolina, Manila Paper

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Pinagtuunan sa nakaraang markahan ang pambansang ekonomiya bilang kabahagi
sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang
kaunlaran.

Bakit mahalagang maayos ang ugnayan ng lahat ng sektor ng ekonomiya?

2. Pagganyak
INSTA-SAGOT
Pansinin ang mga larawan. Suriing mabuti ang kalagayan ng bawat larawan. Bigyan
ng malikhaing pamagat ang bawat larawan.

A B

C D
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na nakapukaw ng iyong
pansin? Bakit?
2. Alin sa malikhaing pamagat na ibinigay mo sa mga larawan ang ninais mong
maging kalagayan ng iyong lipunan at ng ating bansa? Ipaliwanag.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
ANG SA AMIN LANG
Mula sa gawain sa pagganyak, bumuo ng pangkat na may tatlong miyembro.
Magkaroon ng isang maliit na pangkatang diskusyon tungkol sa mga nakita sa
larawan. Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito gamit ang speech
balloon. Anong mga konsepto tungkol sa pamumuhay ng mga tao ang maaaring
mabuo mula sa mga larawan?

2. Pagsusuri

3. Paghahalaw

Basahin ang teksto sa pahina 343-344.

POWER OF TWO
Basahin at suriin ang mga nilalaman ng dayagram na “Power Thinking”. Humanap
ng isang kamag-aral upang mabuo o makompleto ang mga kasagutan sa bawat
kahon. Dito sinusubok ang iyong kakayahan na balangkasin ang mga impormasyon/
konseptong iyong nabasa. Maaaring dagdagan ang mga power box ayon sa
pagkaunawa ng mag-aaral sa tekstong binasa.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
a. May pagkakatulad ba ang pagsulong at pag-unlad? Ipaliwanag.
b. Kailan masasabing maunlad ang isang bansa?
c. Ano ang pagkakaiba ng tradisyonal na pananaw ng pag-unlad at makabagong
pananaw nito?
d. Sang-ayon ka ba sa konsepto ni Todaro na ang pag-unlad ay dapat na
kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan?
Pangatwiranan.

2. Paglalapat
Sa iyong sariling pagtataya, maunlad ba ang lungsod ng Ormoc? Pilipinas?
Pagtibayin.
3. Pagpapahalaga
Paano mo nakikita ang iyong sarili limang taon mula ngayon bilang kabahagi ng
mga palatandaan ng pag-unlad na iyong natukoy?

IV. Pagtataya ng Aralin


Sa isang kalahating papel, isulat sa isang talata na binubuo ng apat o mahigit pang salita
ang sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran, gawin ito sa loob ng labing limang
minute. (10 pts.)

V. KASUNDUAN
A. OO O HINDI?
Bago dumako sa susunod na aralin, sagutin muna ang sumusunod na tanong na may
kinalaman sa pag-unlad. Lagyan ng tsek (√) ang kolum na sinasang-ayunan mo.

Pamprosesong Tanong:
i. Alin sa mga pahayag ang higit mong nararanasan sa iyong lipunan?
ii. Sa iyong palagay, ano kaya ang nagiging mga balakid sa pagpapatuloy ng pag-
unlad sa sumusunod na aspekto:
kultural
sosyal (lipunan)
politikal

B. Isulat sa kwaderno kung ano para sayo ang mga palatandaan ng pag-unlad sa isang
bansa. Ipaliwanag.
C. Paano mo nakikita ang iyong sarili limang taon mula ngayon bilang kabahagi ng mga
palatandaan ng pag-unlad na iyong natukoy? Isulat sa isang kalahating papel.

VI. MGA TALA (Remarks)


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. BIlang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy
sa remediation?
E. Suspension, Continuation of Lesson
Plan, re-teaching, lack of time

VII. PAGNINILAY (Reflections)


A. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
B. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyonan sa tulong ng aking
punong-guro at superbisor?
C. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
Prepared by: Checked:

SHIELA A. AMODIA _____________________


SST-1

You might also like