You are on page 1of 14

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nauuri ang bawat isang modelo ng paikot na daloy ng pambansang
ekonomiya;
b. nauunawaan ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa
paikot na daloy ng pambansang ekonomiya at;
c. nakakasagawa ng bawat modelo sa paikot na daloy ng
pambansang ekonomiya

Paksang Aralin
Paksa: Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Sanggunian: Gideon P. Carnaje, PhD
Kagamitan: ppt

II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Pagbati
Magandang umaga sa inyong
lahat. Magandang umaga rin po,
Ma’am.

Panalangin
Tumayo ang lahat para sa isang
panalangin. Ipikit ang mga mata
at yumuko ang lahat para sa
isang dasal. Manalangin tayong lahat.
Panginoon, maraming salamat
po sa panibagong araw na
ipinagkaloob Mo sa amin.
Humihingi po kami ng
kapatawaran sa aming mga
pagkukulang at mga
nagawang kasalanan. Ito
lamang po ang aming
panalangin sa pangalan ni
Amen. Hesus. Amen.

Pag-aayos ng Silid-Aralan
Maaaring bago umupo ay ilinya
nang maayos ang mga upuan at
pakipulot ang mga nakikikitang
kalat sa paligid. Ilagay ito sa
mga hinanda niyong plastic bag
at mamaya ay may mag-iikot
para kolektahin ang mga ito. (Inayos ang mga upuan at
pinulot ang mga kalat.)
Pagtatala ng Lumiban sa Klase
May lumiban ba sa klase natin
ngayong araw na ito? Wala po, Ma’am.

Mahusay! Bigyan ng isang


bagsak na palakpak ang mga
sarili. (Susundin ng mga mag-aaral
ang guro.)

Pagbanggit sa mga Patakaran


Natatandaan pa ba ang mga
ginawang rules ni Ma’am? Opo, Ma’am.

Ano na nga ang 4B’s? Bawal ang maingay.


Bawal ang bully.
Bawal ang magtapon ng
basura sa kung saan-saan.
Bawal ang devices na hindi
kailangan sa pag-aaral.
At pinaalala ko na magtaas ng
kamay kung may gustong
sabihin o itanong. Maliwanag
ba? Opo, Ma'am.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Bago tayo lumipat sa bagong
paksa, alamin muna natin
kung may natutunan ba sa
nakaraang paksa, ano ang
natutunan niyo sa Istruktura
ng Pamilihan? Ma'am, nalaman po namin
ang kahalagahan ng
pamilihan.
(Magtatawag ang guro ng mga
mag-aaral upang magbahagi ng
kanilang sagot) (Magbabahagi rin ng iba't-
ibang kasagutan ang mga
mag-aaral)
Tama mga anak mahusay ang
inyong mga sagot. Salamat.
Dumako naman tayo sa ating
bagong paksa na karugtong din
ng Istruktura ng Pamilihan,
dadako naman tayo sa mas
malaking konsepto. Iyon ang
magiging bagong paksa
ngayong araw.

B. Balik Aral
C. Pagganyak

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Bilang panimula sa ating


paksa ngayon ay mayroon
akong ipapakitang larawan at
sabihin kung anong ang
tinutukoy sa larawan. Ang
tawag sa larong ito ay “Litrato,
tukuyin mo.” Opo, Ma’am.

Ano ang pinapakita sa


larawan? Pamilihan po, Ma’am.
(Ipapaliwanag ng mag-aaral
ang larawan.)

Tama! Susunod na larawan


Mga produkto po, Ma’am.
(Ipapaliwanag ng mag-aaral
ang larawan.)

Pamahalaan po, Ma’am.


Mahusay! Huling larawan.
(Ipapaliwanag ng mag-aaral
ang larawan.)

Magaling class.

D. Panlinang na Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Paglalahad
Base sa mga sagot sa ating
palaro, ano kaya ang ating
tatalakayin sa araw na ito? Ma'am ang tatalakayin po ay
tungkol po sa Ekonomiya.

Magbigay nga kayo ng ibang


ideya. Ma'am tungkol po sa
Produksyon.
Mayroon pa bang idadagdag? (May iba’t-ibang kasagutan ang
mga mag-aaral.)
Mahusay na sagot, class.

Pagtalakay sa Aralin
Simulan natin ang paksa sa,
ano ba ang ibig sabihin ng
ekonomiya? Ma’am, ito po ay ang pag-aaral
sa paglikha, pamamahagi, at
pagkonsumo ng kalakal.
Tama! Pero hindi lang
ekonomiya ang ating
tatalakayin kung hindi ay ang
makroekonomiks. Kapag sinabi
nating makro, anong ibig
sabihin nito? Ang ibig sabihin po nito ay ang
pagtukoy sa kabuuang
produksyon ng isang bansa, at
ang pakikipagkalakalan.
Tama, Ang ibig sabihin ng
makro ay malaki o malawak na
sakop.

Paano nga ba nalikha ang


makroekonomiks? Ang makroekonomiks po ay
nalikha noong 1930s, isang
dekada kung kalian nakaranas
ng malawakang paghina ang
ekonomiya ng US, pati ng iba
pang mga bansa. Kinilala po
itong Great Depression.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng
salitang Great Depression? Ito po Ma’am ay ang
malawakang krisis na pang-
ekonomiya.
Magaling anak. Anong hakbang
ang ginawa ng mga
mananaliksik sa ekonomiks ng
panahong iyon? Nagmungkahi po sila ng mga
patakaran sa pamahalan
upang hindi na maulit ang
isang krisis sa ekonomiya tulad
ng Great Depression,
Mahusay at ang isa sakanila ay
ang Ama ng Makroekonomiks.
Sino ito? John Maynard Keynes, isa po
sa mga kilalang ekonomista sa
panahong ito.
Tama. May tatlong layunin ang
makroekonomiks. Ano ang
unang layunin? Una po ay ang paglago ng
ekonomiya sa pamamagitan ng
pagtiyak ng mataas na kita ng
bansa at matatag na paggasta.
Mahusay! Ang pangalawang
layunin naman ay? Ang pangalawa po ay ang
pagkakaroon ng sapat na
trabaho para sa mga nais
magtrabaho.
Magaling! At ang panghuling
layunin ay? Ang pangatlo naman po ay ang
pagpapanatili ng matatag na
pangkalahatang presyo ng mga
bilihin.
Tama! Bakit tingin niyo
kailangan ng layunin ng
makroekonomiks? Upang mamonitor po ang
galaw ng pambansang
ekonomiya sa isa pong
simpleng kalagayan.
Mahusay. Upang
masubaybayan ang
pambansang ekonomiya at
maipakikita ito sa
pamamagitan ng Paikot na
Daloy ng Ekonomiya

Ang unang modelo ay Payak


Na modelo ng Paikot na Daloy
ng Ekonomiya. Anong
mapapansin niyo sa larawan? Dalawang sektor lang po ang
meron sa payak na modelo.

Tama. Anong mga aktor ang


nasa Payak na modelo? Ito po ay ang sambahayan at
bahay-kalakal. Ito po ang mga
pangunahing aktor sa
modelong ito.
Tama. Sila ay iisa lamang.
Bakit kaya sa inyong palagay? Sila ay iisa lang po dahil ang
lumilikha ng produkto at nag
kokonsumo ng produkto ay
pareho lamang.
Mahusay! Sino ang tinutukoy
na producer at consumer? Ang sambahayan po o ang mga
tao.
Tama. Dumako tayo sa
pangalawang modelo; Ang
Bahay-Kalakal at Sambahayan
sa Pamilihan ng Tapos ng
Produkto at Salik sa Produkto.
Ano ang napansin niyo sa
larawan? Nadagdagan na po siya ng
Tama, Anong maaaring mabili Pamilihan ng Salik ng
sa Pamilihan ng Salik ng Produksyon at Pamilihan ng
Produksyon? Produkto at Serbisyo.

Mahusay! Ano naman ang


maaaring mabili sa ikalawang Maaari pong makabili rito ng
Lupa, Lakas-paggawa,
Entreprenyur at Kapital,
Ma’am.

uri ng pamilihan? Sa ikalawang po uri ng


pamilihan po ay nabibilhan ng
mga tapos na produkto o
commodity. Kilala po ito bilang
goods market or commodity
markets.
Mahusay, class. Susunod
naman ang pangatlong modelo;
Pamilihang Pinansiyal, Pag-
iimpok (Savings) at
Pamumuhunan (Investment)
Pagmasdan ang larawan,
anong kakaiba rito na wala sa
ibang modelo? Nagkaroon na po ng
pamilihang pinansyal.

Tama. Ano ang nilalaman ng


pamilihang pinansyal? Saving po at Investment po,
Ma’am.
Tama. Maaari bang ipaliwanag
kung ano ang Saving at
Investment? Ang Saving po ay pag-iimpok.
Ang Investment naman po ay
ang paglalagak ng pera para po
dumoble ito.
Mahusay! Kasali nga ba sa
orihinal na mga gawaing pang
ekonomiya ang mga ito? Ma’am, ang pag-iimpok at
pamumuhunan na nakapaloob
sa pamilihang pinansyal ay
hindi po orihinal na mga
gawaing ng ekonomiya. Ang
mga ito ay nagaganap dahil
nagkakaroon po ng pagpaplano
para sa hinaharap ang mga
naturang aktor.
Tama! Ito ang nagpapaliwanag
sa broken lines na ginamit sa
dayagram. Kung walang
pagpaplano sa hinaharap ang
mga aktor, walang pagiimpok
at pamumuhunan. Anong
tawag sa ingles ng pamilihang
ito? Ito po ay tinatawag na
Financial Market.
Ito ang pang-apat na modelo.
Base sa larawan, tungkol kaya
Nasa centro po ang
pamahalaan, Ma’am. Ang
modelong ito po ay maaaring
umiikot sa pamahalaan.

saan ang modelo?

Tama. Ang Pamahalaan sa


Modelo ng Paikot na Daloy ng
Ekonomiya. Ano sa tingin niyo Sumisingil po ng buwis ang
ang papel ng Pamahalaan sa pamahalaan. Ito po ang
ekonomiya? ginagamit ng pamahalaan
upang makalikha ng
pampublikong paglilingkod.
Ang mga pampublikong
paglilingkod ay nauuri sa
pangangailangan ng
sambahayan at ng bahay
kalakal.

Tama. Ang kita mula sa buwis


ay tinatawag na public
revenue.

Tignan naman natin ang Ma’am, mayroon po itong


panghuling modelo. Ano ang panlabas na sektor.
napansin sa larawan?

May nakakaalam ba kung ano


ang panlabas na sektor?

Tama. Ang panghuling modelo


ay ang Dayuhang Sektor sa
Modelo ng Paikot na Daloy ng
Ekonomiya. Ano ang Ang ibig sabihin po nito ay
pagkakaiba ng modelong ito sa bukas na ang bansa para
apat na nauna? makipagkalakal sa ibang mga
bansa.

Sa naunang apat na modelo


po, ang pambansang
ekonomiya ay sarado. Ang
saradong ekonomiya po ay
Mahusay. Ano ang tawag sa hindi nakikipag-ugnayan sa
paglabas ng produkto papunta mga dayuhang ekonomiya. Ang
sa dayuhang bansa at pag- tuon lamang ng mga naunang
angkat ng produkto? talakayan ay ang panloob na
takbong ekonomiya. Ang tawag
Ngayong tapos na ang limang po sa perpektib na ito ay
modelo. Naintindihan ba ito domestik.
bawat isa?
Magaling, class. Ngayong
nauunawaan na ang
makroekonomiks at pag-ikot Export at Import po, Ma’am.
ng daloy ng ekonomiya. Maaari
na nating sukatin ang inyong
natutunan.
Opo, Ma’am.

E. Paglalapat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Gawain: Unawain at basahing
mabuti ang senaryo na aking
ibibigay. Isulat ito sa isang
buong papel.

Senaryo:
“Ang kabuoang ekonomiya ay
maaaring ihambing sa isang
pamilya. Ipagpalagay na ang
iyong pamilya ay kumikita
lamang ng P15,000 bawat
buwan, samantalang ang
kabuoang gastusin ay umaabot
ng P20,000. Ano ang maaaring
gawin ng inyong pamilya?"
Ipaliwanag ang sagot.
(Sinimulan na ang gawain.
Makalipas ang uminuto ay
inilihad ng bawat isa ang
Maaari na kayong mag- ginawa nila sa buong klase.)
umpisa. Pagkatapos niyong
magsagot ay ipapaliwang ito sa
klase.
Maraming salamat rin po.
Maraming salamat, class.

F. Paglalahat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Naintindihan ba ang ating


pinag-aralan? Opo, Ma’am.

Bakit mahalagang pag-aralan


ang Paikot na daloy ng
Ekonomiya? Para po malaman ang lagay ng
ekonomiya sa pamamagitan ng
pagmonitor sa bawat aktor
nito.
Mahusay! Kung wala ang mga
aktor. Ano kayang maaaring
mangyari sa ekonomiya? Maaari pong mapilayan ng
pundasyon ang Ekonomiya.
Dahil nga po may
interdependence na
nangyayari, hindi ho pwedeng
mawala kahit isang aktor para
tumakbo po ng maayos ang
ekonomiya.
Mahusay! Gumuhit nga ng
isang modelo sa pisara at
ipaliwanag kung anong aktor
ang pinakamahalaga sa
modelo? (Guguhit ang mag-aaral ng
isang modelo sa pisara)
Ito po ay ang ikalimang
modelo. Ang panlabas na
sektor po ang
pinakamahalagang sektor rito.
Dahil nabibigyang
pagkakataon ang ating lokal na
mga produkto upang makilala
sa panlabasa na merkado.
Mahusay, class.

G. Pagtataya
Panuto: Magbibigay ng senaryo ang guro na siyang dapat unawain
at basahing mabuti.
Senaryo: “Ang kabuoang ekonomiya ay maaaring ihambing sa
isang pamilya. Ipagpalagay na ang iyong pamilya ay kumikita
lamang ng P15,000 bawat buwan, samantalang ang kabuoang
gastusin ay umaabot ng P20,000. Ano ang maaaring gawin ng
inyong pamilya?" Ipaliwanag ang sagot Isusulat ito sa papel at
makalipas ang sampung minuto ay ilalahad ito sa sa klase.

H. Takdang-Aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa Relihiyon at Kultura. Isulat ito sa
kwadernong nakalaan para sa naturang asignatura. Ipapasa ito
bukas sa oras ng ating klase.
1. Ano ang Pamabansang Kita?
2. Ano ang GNP at GDP?
3. Ano ang pagkakaiba ng GNP at GDP?
Inihanda ni: JESSICA G. BACANI
Teacher Intern

Ipanasa kay: VENIFER F. GOSE


Critic Teacher

You might also like