You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
Urdaneta City, Pangasinan

Mala-masusing Banghay-Aralin sa
Araling Panlipunan 9

I. LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a) Naiisa-isa ang mga sektor na kabilang sa sektor ng agrikultura;
b) Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa
ekonomiya at sa bansa; at
c) Nakagagawa ng plano kung paano mapapangalagaan at mapapahalagahan ang sektor ng
agrikultura.

II. PAKSANG NILALAMAN

Paksa: Sektor ng Agrikultura


Kagamitan: Laptop, projector, speaker, at mga larawan
Sanggunian:
Karagdagan:

III. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng Liban
 Balik-aral

A. Pagganyak (Pangkatang Gawain)

Gamit ang tsart na may Baybayin, aalamin ng mga bata ang mga salita na naka-flash sa PowerPoint.

Unang pangkat:

PAGHAHALAMAN

Pangalawang pangkat:

PANGINGISDA
Ikatlong pangkat:

PANGUNGUBAT

Ikaapat na pangkat:

PAGHAHAYUPAN

B. Paglalahad

Gamit ang nabuong larawan sa pagpapakilala sa aralin. Sektor ng Agrikultura

C. Pagtalakay

 Mga gabay na tanong:

1. Ano ang ginagawa sa Paghahalaman (…pangingisda, pangungubat, paghahayupan)?


2. Magbigay ng halimbawa na produkto ng sektor na paghahalaman (pangingisda, pangungubat, paghahayupan).
3. Base sa graph, gaano kalaki ang kita sa sektor ng paghahalaman (pangingisda, pangungubat,
paghahayupan)?
4. Bakit mahalaga ang paghahalaman (pangingisda, pangungubat, paghahayupan)?
5. Dahil mahalaga ang sektor ng paghahalaman (…pangingisda, pangungubat, paghahayupan), anu-ano ang
mga bagay na dapat gawin upang mapangalagaan ang sektor na ito?

D. Paglalahat

Anu-ano ang mga sektor na nakapaloob sa agrikultura?


Gaano kalaki ang kinikita ng agrikultura sa kabuoang GDP ng Pilipinas?

E. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

Yamang malaki ang halaga ng agrikultura sa ating bansa:


a. Ang unang pangkat ay gagawa ng isang dula-dulaan na magpapakita ng pag-iingat sa sektor na
ito;
b. Ang pangalawang pangkat ay gagawa ng maikling komersyal na naghihikayat na tangkilikin ang
produktong agrikultural ng Pilipinas;
c. Ang pangatlong pangkat ay gagawa ng maikling sabayang-bigkas na nagpapakita ng pag-aalaga
sa sektor na ito; at
d. Ang ikaapat na pangkat ay gagawa ng awitin na tungkol sa sustainable na paggamit ng mga likas
na yaman sa sektor na ito.
IV. PAGTATAYA

Ilagay sa tamang patlang ng sektor ang mga produkto nakalagay sa kahon sa ibaba.

SEKTOR
Paghahalaman Pangingisda Pangungubat Paghahayupan

Mga produkto:
Bigas Baboy Bangus
Mangga Baka Kamatis
Tabla Troso
Tilapia Mais

V. KASUNDUAN

Sagutin!

Gamit ang internet, hanapin at alamin ang mga kanaisnais at hindi kanais nais na epekto ng Rice Tariffication Law sa
ating bansa. Isulat ito sa isang buong papel.

Inihanda ni:

JONATHAN LUKE T. MALLARI

You might also like