You are on page 1of 3

MALA MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

January 15, 2018

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral sa ika-siyam na baitang ay inaasahang:

a. naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkunsumo at pagiimpok;


b. nasusuri ang Katuturan ng consumption at savings sa pagiimpok; at
c. naisasagawa ang pitong Gawain ng isang wise saver.

II. PAKSANG ARALIN


Sanggunian: Ekonomiks. Araling Panlipunan. Modyul para sa Mag-aaral. Pg. 259-271
Paksa: Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pagiimpok at Pagkonsumo
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Scrambled words

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

a1.Panalangin

May isang mag-aaral na mangunguna sa pagdarasal

a2. Pagbati

Bumati sa mga mag-aaral at sila sa guro

a3. Pagtatala ng lumiban sa klase

Ang guro ay magtatala ng mga mag-aaral na lumiban sa klase.

a4. Pamantayan sa klase

Ang mga mag-aaral ay makikinig ng mabuti at aktibong makikilahok sa mga


pangkatang Gawain.

a5. Pagpasa ng takdang aralin

Ipasa sa harap ang takdang aralin ng walang ingay.

B. Pagbabalik Tanaw

b1. Ano ang huling paksa na ating tinalakay?

b2. Maari nyo bang banggitin sa klase kung ano ang pagkakaiba ng GNI sa GDP?

b3. Mayroon paba kayong katanungan at klaripikasyon tungkol sa Pambansang Kita?

C. Pagganyak
Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat, bawat pangkat ay bibigyan ng
scrambled words na kanilang bubuoin, ang pangkat na unang matatapos ay
makakatanggap ng premyo.

D. Paglalahad
d1. Sino sa inyo ang nakahawak na ng malaking halaga ng pera?
d2. Paano mo ito pinamahalaan? Anong produkto o serbisyo ang iyong nabili?

UGNAYAN NG KITA, PAGKONSUMO, AT PAG-IIMPOK

KITA – Ito ay salaping tinatanggap ng mga manggagawa kapalit ng kanilang serbisyo o


pagtatrabaho.

PAGKONSUMO – Ang pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na magbibigay ng


kapakinabangan sa tao.

PAG-IIMPOK – Bahagi ng kita na hindi ginagasta at sa halip ay inilalagak sa bangko para sa


pangangailangan sa hinaharap.

IMPULSE BUYER – Basta may pera bili lang nang bili hanggang sa maubos.

Roger E.A. Farmer (2002) – ayon sa kanyang “Macroeconomics” ang savings ay paraan ng
pagpapaliban ng paggastos.

Meek, Morton at Schug (2008) – ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o hindi
ginastos sa pangangailangan.

INVESTMENT – ito ang ipon na ginagamit upang kumita.

FINANCIAL INTERMEDIARIES – Ay nagsisilbing ay nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera


at borrower o nais umutang o mag-loan.

7 HABITS OF A WISE SAVER

1. Kilalanin ang iyong bangko


2. Alamin ang produkto ng iyong bangko
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko
4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date
5. Makikipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at awtorisadong tauhan nito
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance
7. Maging maingat

KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA NG


BANSA

Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ay ang ahensiya ng pamahalaan ng nagbibigay
ng proteksyon sa mga depositor sa bangko sa pamamagitan ng pagbibigay seguro (deposit
insurance) sa kanilang deposito hanggang sa halagang Php250,000* bawat depositor.
SALN (Statement of Assets, Liabilities and net Worth) – ito ay deklarasyon ng lahat ng pag-aari
(assits), pagkakautang (liabilities), negosyo, at iba pang financial interest ng isang empleyado ng
gobyerno, kasama ang kanyang asawa at mga anak na wala pang 18 taong gulang.

E. Paglalapat
Bawat mag-aaral ay inaasahang masasagutan ang sumusunod:
1. Kung ikaw ay mag-iimpok? Ano ang maaring pakinabang mo ditto?
2. Ano ang pagkakaiba ng kita, pagkonsumo at pag-iimpok?
3. Anu-ano ang mga habits ng wise saver?

F. Paglalahat

Gagamit ang guro ng cabbage technique, sasagutan ng mag-aaral ang bawat


tanung na nasa balat ng cabbage, ang mag-aaral na makakasagot ng tama ay bibigyan
ng puntos.

IV. EBALWASYON

Panuto: Sa ½ papel, Ipaliwanag ang sumusunod. ( 10 Pts.)

1. Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok?


2. Paano nagkakaroon ng tinatawag na interest and dibidends?

V. TAKDANG ARALIN

MANALIKSIK SA INTERNET! (10 pts.)

1. Mga uri ng Pagkonsumo at pag-iimpok.

Inihanda ni: JOHN KADAPE G. LUMAMBAS


Social Studies Pre-Service Teacher

RENATO G. MAGNO
Critic Teacher

You might also like