You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region V
Division of Camarines Sur
COLACLING NATIONAL HIGH SCHOOL
Colacling, Lupi, Camarines Sur
S/Y 2017-2018
EKONOMIKS/ ESP 9

BANGHAY ARALIN SA AP (EKONOMIKS) IX


Petsa: Oktubre 30, 2017
Teaching Strategy: Cues, Questions and Activating Prior Knowledge, Collaborative Learning
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa sistema ng
pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay- kalakal
tungo sa pambansang kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa sistema ng
pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay- kalakal tungo
sa pambansang kaunlaran.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto


1. Napapaliwanag ang kahulugan ng pamilihan AP9MYK-IIh-11
2. Nasusuri ang iba’t ibang Estraktura ng Pamilihan AP9MYK-IIi-12
II. NILALAMAN
A. Paksa
Pamilihan
A. Konsepto ng Pamilihan
B. Iba’t ibang Estraktura ng Pamilihan
B. Sanggunian
1. Ekonomiks 9 Modyul ng Mag-aaral
Pahina 179-186
C . Iba pang kagamitang panturo
1. Larawan ng Logo ng mga kompanya
2. Chalk
3. Graphic Organizer
4. Handouts
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/ pagsisimula ng bagong aralin
Ang guro ay magdidikit ng larawan ng mga logo ng kompanya at ang mga mag-aaral ay
tutukuyin at isusulat ang ngalan ng kompanya sa ibaba ng larawan sa loob ng tatlumpong
segundo.
Matapos ang Gawain na ito, itatanong ng guro sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na
pamprosesong tanong:
1. Saan ninyo madalas nakikita o naririnig ang mga pangalan ng mga produkto o
kompanyang nakadikit sa pisara?
Sagot: Sa pamilihan.
2. Sino-sino ang madalas ninyong nakikita sa pamilihan?
Sagot: Konsyumer at Prodyuser
3. Ano naman ang ginagampanan ng bawat actor sa pamilihan?
Sagot: Ang konsyumer ang bumibili ng produkto at serbisyong nililikha ng mga prodyuser.
4. Ano ang tinatawag na “invisible hand” ayon kay Adam Smith na gumagabay sa mga actor
sa pamilihan?
Sagot: Ang presyo sapagkat ito ang nagtatakda ng dami ng kaya at handing bilhin ng mga
konsyumer at kahandaaan at kakayahan na magbenta ng produkto ng mga prodyuser.
B. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglaalahad ng kasanayan
Bibigyan ng handouts ang bawat grupo tungkol sa Mga Estruktura ng pamilihan at
tatalakayin ang paksang bubunutin ng kanilang lider. Bibigyan ang buong klase ng 15 minuto
para sa paghahanda at 5 minuto para sa presentasyon ng kanilang awtput.
Ang mga sumusunod ay ang mga gagawing malikhaing presentasyon na tinakda sa bawat
pangkat:
1.Poster-Making Presentation- TLE
2.Jingle Presentation- MAPEH Group
3.Poem Recital- English/Filipino Group
4.Role Playing- AP/ESP Group
5.Broadcasting Presentation- Science/ Math Group
RUBRIKS PARA SA PRESENTASYON
PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS NATAMONG
PUNTOS
NILALAMAN Naipakita at naipaliwanag nang mahusay ang nabunot 21-25
(Content) na Estruktura ng pamilihan.
KAANGKUPAN NG Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan 16-20
KONSEPTO ng konsepto.
(Relevance)
PAGKAMAPANLIKHA Orihinal ang ideyang ginamit. 11-15
(Originality)
KABUUANG Malinis at maayos ang kabuuang larawan. 6-10
PRESENTASYON
(Overall)
PAGKAMALIKHAIN Ang mga simbolismong ginamit ay nakatulong ng 1-5
(Creativity) lubos upang maipahayag ang mensahe at konsepto
ng isang pamilihan.

C. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Itanong ito sa mga mag-aaaral:
Sa inyong palagay, anong uri ng pamilihan ang nagbibigay ng higit na kapakinabangan sa
mga mamimili?
D. Paglalahat ng aralin
Ang bawat grupo ay pipili ng representative na bubuo sa talahanayan sa ibaba batay sa
kanilang una nang nabunot na paksa.
Estruktura May hawak Bilang ng Bilang ng Katangia Uri ng Mga
ng ng nagtitind mamimili n ng produkto halimbawa
Pamilihan kapangyariha a (Isa,Madam presyo ng
n (Isa, i, Kaunti) (malaya Produkto
(konsyumer Madami, o O
o prodyuser) Kaunti) itinakda) kompanya
May Ganap WALA MADAMI MADAMI MALAYA HOMOGENOUS PRODUKTON
na G
Kompetisyo AGRIKULTUR
n AL
Monopoly PRODYUSER IISA MADAMI ITINAKDA PUBLIC UTILITY MERALCO,
CASURECO
Monopsony KONSYUMER MADAMI IISA ITINAKDA SERBISYO PARA PNP, BFP, AFP
o SA
PAMAHALAAN
Oligopoly PRODYUSER KAUNTI MADAMI ITINAKDA MAGKAKATULA SHELL,
D CALTEX,
SMART,
GLOBE, BDO,
BPI
Monopolisti PRODYUSER MADAMI MADAMI ITINAKDA DIFFERENTIATE TOOTHPASTE
c D BRANDS,
Competitio DETERGENT,
n CLOTHING
BRANDS

E. Pagtataya ng aralin
Buuin ang graphic organizer na matatagpuan sa ibaba batay sa tinalakay.

PANGUNAHING ESTRUKTURA NG
PAMILIHAN

1)
2)

3) 4) 5) 6)

F. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin


Ang mga mag-aaral ay aatasan na basahin ang tungkol sa Aralin 6: Ang Ugnayan ng
Pamilihan at Pamahalaan sa pahina blng. 196-202. Pasagutan ang Gawain 4: TEKS-TO-FORM-
DISCUSSION WEB sa pahina 202.

IV. Remarks

V. Repleksiyon

Inihanda nina:

Julie Cojo- Teacher 1


Joy Dimaculangan-Teacher 1
Magnolia Del Rosario- Teacher 1

Noted by:

Ceasario L. Quirona Gilda P. Bustilla


Principal 1 Public Schools District Supervisor

You might also like