You are on page 1of 5

DAILY LESSON LOG Paaralan Salinas High Baitang/ 9

School Antas
(Pang-araw-araw na Guro Arjan Leo V. Asignatura Araling
Tala sa Pagtuturo) Edrozo Panlipunan
Petsa/ April 8, 2019,
Oras 8:30-9:30 am Markahan Ikaapat

Bilang ng Sesyon: 1

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naiisa-isa ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng impormal na


sektor;
b. naipapakita ang mga dahilan at epekto ng impormal na sektor sa
pamamagitan ng malikhaing gawain;
c. natataya ang mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ng
isang bansa; at
d. nakikilahok nang buong sigla at husay sa mga gawain

A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga
Pangnilalaman patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.
B.Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
Pagganap pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya
nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor
Pagkatuto AP9MSP-IVg-15
Natataya ang mga epekto ng impormal na sektor ng ekonomiya
AP9MSP-IVh-16
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng
dignidad ng tao (ESP)
EsP9TTIIe-7.1
Discern positive and negative messages conveyed in a material viewed
EN8VC-IIa-17 (English)
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa 420-438
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning Aklat, Panulat, Pambura, Netbook, at Projector
Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Sa puntong ito, magkakaroon tayo ng isang gawaing ating tatawaging
nakaraang aralin at/o “ALAALA NG NAKALIPAS”. Mayroon akong naihandang isang
pagsisimula ng grapikong organayser dito at ang gagawin ninyo klas ay punan ang mga
bagong aralin hinihinging impormasyon. Kapag alam ninyo ang sagot ay itaas ang kamay at
kung sino ang tatawagin ko ay siyang tatayo at magsusulat ng sagot.
(Magtatawag ng mga mag-aaral na magsusulat ng kanilang sagot)
B. Paghahabi sa layunin Sa puntong ito, nais kong ipakilala sainyo an gating bisitang si Aling Fifi,
ng aralin mula sa Divisoria.

Pamprosesong mga tanong:


 Ano ang mababatid niyo kay Aling Fifi?
 Ano ang kanyang trabaho?
 Mabuti ba ang uri ng trabaho ni aling Fifi?
 Ano ang kahalagahan ng paggawa ni Aling Fifi sa pagtataguyod ng
dignidad niya bilang tao?
 Anong sektor ng ekonomiya kabilang si Aling Fifi?
C. Pag-uugnay ng mga Magaling! Si Aling Fifi ay kabilang sa impormal na sekto na siya nating
halimbawa sa bagong tatalakayin sa araw na ito.
aralin

D. Pagtalakay ng Sa pagkakataong ito ay magkakaroon tayo ng isang pangkatang gawain na


bagong konsepto at kung tawagin ay “KAPIT-BISIG”.
paglalahad ng bagong
kasanayan #1 1.Kahulugan ng impormal na sektor- Broadcasting
2. Katangian ng impormal na sektor-Pantomime
3. Dahilan ng impormal na sektor- Panayam sa isang TV show.
4.Epekto ng impormal na sektor – Dula-dulaan
Paghandaan ang gawain sa loob ng 10 minuto at pagkatapos nito ay inyong
ipapakita.
Narito ang pamantayan na ating susundin.
RUBRIC
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 10
Pagkamalikhain 5
Kooperasyon 5
Kabuuan 20
E. Pagtalakay ng Sa puntong ito, dumako na tayo sa pagtatanghal sapagkat tapos na po ang
bagong konsepto at iyong 10 minuto. Lahat ay maupo maliban lamang sa mga magtatanghal.
paglalahad ng bagong Manood at makinig nang maayos sa ipapakita ng iyong mga kaklase. Ating
kasanayan #2. tawagin ang unang pangkat.
F. Paglinang ng Batay sa mga presentasyon, ano ang mga positibo at negatibong mensaheng
Kabihasaan nakapaloob sa mga presentasyong ipinakita tungkol impormal na sektor?
(Tungo sa Formative
Assessment )
G. Paglalapat ng aralin Sa iyong pang-araw-araw na buhay, tatangkilikin ba ninyo ang mga
sa pang-araw-araw produktong galing sa impormal na sektor?
na buhay
H. Paglalahat ng Aralin Batay sa ating tinalakay, ano ang Impormal na sektor?
Para sa iyo, makakatulong ba ang mga impormal na sektor sa pag-unlad ng
ating ekonomiya?
I. Pagtataya ng Aralin Para masukat ko kung gaano kayo natuto sa ating aralin ay magkakaroon tayo
ng isang pangkatang pagsusulit. Bibigyan ko kayo ng dalawang pirasong
papel na may nakasulat na PORMAL o IPOPORMAL. Babasahin ko ang
tanong ng dalawang beses at pag sinabi kong “GO” saka ninyo ipakita sa akin
kung ano ang sagot ninyo.

Panuto: Pakinggan ang mga babasahing pahayag at itaas ang salitang


PORMAL kung ang pangungusap ay tama at IPOPORMAL naman kung ito
ay mali.
MGA TANONG:
1. Ang impormal na sektor ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa
ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng
empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito.
2. Ang kita ng impormal na sektor ay naisasama sa kabuuang Gross
Domestic Product (GDP).
3. Isang halimbawa ng impormal na sektor ay ang pagkakaroon ng
negosyo na rehistrado sa pamahalaan.
4. Ang impormal na sektor ay hindi nagbabayad ng buwis.
5. Isa sa mga dahilan ng impormal na sektor ay upang makaiwas sa
masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan.
6. Ang impormal na sektor ay nangangailangan ng malaking capital o
puhunan;
7. Maaaring magdulot ng sakit ang mga pagkaing galing sa impormal
ns sektor.
8. Ang pagkakaroon ng illegal na pasugalan ay kabilang sa impormal na
sektor.
9. Ang karaniwang katangian ng impormal na sektor ay hindi
nakarehistro, hindi nagbabayad ng buwis, at hindi nakapaloob sa
legal at pormal na balangkas ng pamahalaan.
Walang masamang dulot ang impormal na sektor sa ekonomiya kaya
nararapat lamang na payagan ang lahat ng tao na gustong mapabilang dito.
J. Karagdagang gawain Para sa inyong takdang aralin, kuha kayo ng exit card sa akin at gawin/sagutin
para sa takdang-aralin sa bahay ang mga nakasulat dito.
at remediation 1. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga dahilan kung bakit
pumapasok ang isang tao sa loob ng impormal na sektor? Bakit?
2. Magbasa tungkol sa mga batas, programa at patakarang pang-ekonomiya
kaugnay sa impormal na sektor. Ano ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan upang mabigyan ng solusyon o mapabuti ang mga
mamamayang nasa impormal na sektor?
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mga
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa ng
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
aking kapwa guro?
Binigyang-pansin:

You might also like