You are on page 1of 2

LUYAMAN, FREDIELYN S.

SINESOSYEDAD
BSED 11 – SST MARCH 6, 2020

ISHMAEL BERNAL
Isinilang noong 30 Setyembre 1938 sa Lungsod ng
Maynila, siya ay anak nina Elena Bernal at Pacifico Ledesma.
Nag-aral siya sa Mababang Paaralan ng Burgos at pagkatapos ay
sa Mataas na Paaralan ng Mapa. Pagdating sa dalubhasaan, nag-
aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at kumuha ng Batsilyer ng
Sining sa Panitikan. Habang siya ay nag-aaral dito, naging aktibo
rin siya sa Pangkat Dramatiko ng UP. Nang siya ay magtapos sa
UP, tumulak siya sa Pransiya at doo'y kumuha ng Lisensiya sa
Panitikang Pranses at Pilosopiya sa Pamantasan ng Aix-en-
Provence. Nag-aral din siya ng pagdidirek ng pelikula bilang isang
iskolar ng Planong Colombo sa Kalinangan ng Pelikula ng Indiya sa Poona, Indiya. naging miyembro siya ng
Mga Nag-aalalang Artista ng Pilipinas (CAP) at isang aktibong kasali sa pakikipaglaban ng mga alagad ng
sining sa kanilang mga karapatan at kapakanan.
MGA PARANGAL:
Nagwagi siya sa Urian ng pinakamahusay na direktor nang apat na beses: para sa Dalawang Pugad,
Isang Ibon (1977); Broken Marriage (1983); Hinugot sa Langit (1985); Pahiram ng Isang Umaga (1989); at best
screenplay para sa City After Dark (1980). Ang kanyang pelikulang Nunal sa Tubig ay naparangalan naman
bilang best picture sa 1977 Katolikong Gawad para sa Mediang Pangmadla (CMMA). Ang pelikulang Himala
(1981) naman, na pinagungunahan ni Nora Aunor, ay nakakuha ng siyam na pangunahing karangalan sa
Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila (MMFF). Kasama na rito ang pinakamahusay na pelikula,
direksiyon, kuwento at aktres. Ang mismong direktor naman ng 1983 Pandaigdigang Paligsahan ng mga
Pelikula ng Berlin ang siyang pumili sa pelikulang ito bilang panlaban ng Pilipinas. Nakatanggap din si Bernal
sa Pangkat ng Pamamahayag sa Pelikulang Pilipino (PMPC) Gawad Star Direktor ng Taon para sa Pahiram ng
Isang Umaga. Pinangalanan din siyang Direktor ng dekadang 1970s ng CMMA. Ang Manunuri ng Pelikulang
Pilipino ay binoto ang lima niyang pelikula, kasama na ang Pagdating sa Dulo, Nunal sa Tubig, Manila by
Night, Himala, at Hinugot sa Langit, bilang sampung pinakamahusay na pelikula ng dekada '70 at dekada '80.
Noong Pebrero 1990, Nakatanggap si Bernal ng Gawad CCP para sa Pelikula para sa pag-angat mula sa
nakilalang tema ng pelikula at sa paggawa ng mahuhusay at kakaibang mga pelikula. Taong 1993 nang
makatanggap naman siya ng Gawad Pangkultura ng ASEAN para sa sining sa pakikipagtalastasan. Noong 1999
naman, ang kanyang mga pelikulang Nunal sa Tubig, Aliw at Relasyon, ay napasama sa 25 pelikulang Pilipino
na napiling ipalabas sa Lungsod ng Bagong York mula Hulyo 31 hanggang Agosto.
MAIKLING DESKRIPSYON SA KANYANG MGA MAHAHALAGANG OBRA:
a. Himala – Sumasalamin ang obrang ito sa iba't ibang aspeto ng
kalagayan sa Pilipinas mapa-pulitikal at mapa-sosyoekonomiko.
Masasabi ring hindi naluluma ang pelikulang ito. Ang pelikulang
Himala ay mula sa matalinong panulat ni Ricardo "Ricky" Lee. Ito ay
tungkol sa isang dalagang nagngangalang Elsa na pinagpapakitaan daw
ng mahal na birhen at nakapagpapagalingdaw ito ng mga may sakit.
Nabago nito ang kanyang buhay pati na rin ng isang maliit na baryo at
mga tao sa paligid niya. Ang Himala ay isa sa mga pelikulang nilikha
ng Experimental Cinema of the Philippines noong dekada '80. Isinali
ang obrang ito sa iba't ibang film festival lokal man o sa ibang bansa
tulad ng Metro Manila Film Festival at Berlin Film Festival. Nagkamit
ng iba't ibang parangal sa loob at labas ng bansa. Nakakalungkot
lamang isipin na ang pelikula ay hindi nabawi ang gastos ng unang
ipalabas ito ngunit kahit ganoon ay patuloy na pinag-uusapan ang
Himala. Isa ito sa mga experimental movies na talagang nagpatanyag
sa dalawang pinakapipitagan sa industriyang sina Ricky Lee at Ishmael
Bernal. Ito rin ang dahilan ng pagkahanga ko sa kanilang dalawa. Ginawan rin ito ng stage play
makalipas ang ilang panahon. Itinuring din na Best Asia Pacific Film ng CNN.
b. Working Girls – ito ay pelikulang tumatalakay sa kalagayan ng
babae sa lipunan at naipamalas din niya sa pelikulang ito ang
kanyang pagiging pemenista. Mula ito sa panulat ni Amado
Lacuesta. Tungkol ito sa pitong babae sa panahon na kung
saan ang bansang Pilipinas ay gumagawa ng tatak sa
kasaysayan at paano nila hinarap ang kanilang buhay sa
lipunang may iba't ibang pagtingin sa pagkababae. Si Carla
(Hilda Koronel) ay isang namamayagpag na female executive
na doble kumayod upang makuha ang Senior Vice President
position kahit pa mga lalaki ang kalaban nya subalit
nawawalan naman siya ng panahon sa kanyang nobyong
manunulat. Si Anne (Chanda Romero) naman ay dalubhasa sa
professional management ngunit hindi pinagtitiwalaan ng
asawa at pinagbabalingan ng insecurity nito dahil sa tinatamasa
niyang tagumpay. Balewala sa kanya kung ang isa sa mga
kliyente (Robert Arevalo) niya ay nililigawan siya.
Magkatrabaho sa iisang kumpanya ni Anne ang aroganteng si
Amanda (Baby Delgado) na tanging ipinapakita ang kanyang sweetness sa playboy na si Raul (Tommy
Abuel). Si Isabel (Rio Locsin) naman ay secretary ni Carla na nabuntis at ayaw pananagutan ni Raul. Si
Nimfa (Gina Pareno) ay nagbebenta ng mga pekeng alahas sa Makati ay naakit kay Raul pero hindi siya
papatalo at may plano siya kay Raul upang ma-secure ang kinabukasan ng anak. Si Suzanne (Carmi
Martin) ay mali-maling sekretarya, ineffective kumbaga, pero magaling mang-akit. Lahat ng kanyang
amo ay target niya pero ang iisang gusto niya ay mukhang di siya type. At si Rose (Maria Isabel Lopez)
ay isang magandang receptionist na baon sa utang ay pinasok ang mundo ng prostitusyon upang
makabayad ng utang at makatulong din sa pamilya.
c. H i n u g o t s a L a n
independent. Parehas sila nang kanyang matalik na kaibigan at
pinsang si Stella (Amy Austria) na nakipagsapalaran sa Maynila.
Nabuntis si Carmen ng kanyang karelasyong may asawa na si Gerry
(Al Tantay). Gustong ipalaglag ni Carmen ang kanyang dinadala.
Payag sina Gerry, Stella at Bobby (Rowell Santiago) sa desisyon ng
dalaga. Si Bobby ay childhood sweetheart ni Carmen na organized at
gustong pakasalan si Carmen kapag pinalaglag niya ang sanggol.
Samantala, tinutuluyan naman ni Carmen ang apartment ni aling
Huling (Charito Solis) na kanyang landlady. Si Huling ay debotong
Katoliko ngunit hindi maayos ang pakikibagay sa iba n'yang
nangungupahan at may madilim rin siyang nakaraan. Si Stella naman
ay nagtangkang magpakamatay ng hindi siya matipuhan ng gusto
niyang lalaki.
Tulad sa Himala, tinalakay ng direktor ang isyung
panlipunan mapa-sosyoekonomiko at politikal. Naipakita rin sa pelikula ang isyung pangkababaihan.
Tinalakay sa pelikula ang kontrobersyal na isyu ang aborsyon o pagpapalaglag ng sanggol sa
sinapupunan. Ang tauhang si Carmen ay naipit sa suliraning nabuntis siya ng may asawa at malaking
kahihiyan para sa kanya ang nangyari pati na rin sa kanyang pamilya. Kaya naisip niya na ang tanging
paraan ay ang aborsyon na umayon naman sa nakabuntis sa kanya. Samantalang, ang karakter naman ni
Charito Solis ay nagpakita naman ng religious hypocrisy. Pakitang tao na kabutihan lalo sa mga taong
hindi niya kasundo at hindi malapit sa kanya.

You might also like