You are on page 1of 18

Dekada

70
2016 2017
Tabien, Juvelle S. 10 Del Pilar (8)

Talambuhay ng
May-Akda

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan,

ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero nakalikha na rin

siya ng ilang akdang-pampelikula.

Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong 2 Disyembre 1945. Nagtapos

siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong

1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out

bago man niya matapos ang kanyang unang taon.


Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na

nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at

1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang

mga maikling kuwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang

gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong

gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay

nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film

Academy Awards, at Star Awards.

Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring

manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon.

Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga

magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad

ng katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala

at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas,

maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga

ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung

Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa

pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best

story-best screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star

Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay), at

mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga maiikling kuwento ay nagwagi

rin mga gantimpalang Carlos Palanca para sa Panitikan: ang Tatlong Kuwento ng

Buhay ni Juan Candelabra, unang gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo


Ako ng Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga

dramang pantelebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang Kabanata sa

Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng pinakamagaling

na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards.

Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Womens Writings (Aklatan ng mga

Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong 10 Marso 2004 habang idinaraos ang

ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong

Wika.
Pagpapakilala ng
Tauhan
1. Amada Bartolome - isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang

tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na

kalagayan ng bansa noong dekada 70 sa ilalim ng Batas Militar. Siya ay

kumikilos bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa

dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagamat tradisyonal, umiiral sa

pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin kung kayat

lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa

lipunan. Dahil ditoy sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na

si Jules, naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang

rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy

bagamat taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. Nanatiling matatag ang

pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin

nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si


Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta

ng lipunan at ng asawa.

2. Jules - Siya ang panganay na anak nila Amanda at Julian. Sa simula ng

palabas ay makikita natin na hindi pa ganoon kabukas ang kanilang isip sa mga

nangyayari sa kanilang paligid. Eskwela, babae at paglilibang pa lamang ang

kanilang iniintindi pero ng si Jules ay lumaki, sumapi siya sa isang kilusang

kontra sa pamahalaan. Doon naipakita niya ang kanyang pagmamahal at

katapatan sa bayan. Kahit na siyay pinahirapan at pinarusahan ng

napakabigat, hindi pa din siya nagsalita at pinanatili niyang tikom ang kanyang

bibig tungkol sa kanyang grupo. Matagumpay na nagampanan ni Piolo ang

kanyang papel. Naipakita niya ng maayos ang tunay na katauhan ni Jules.

Makikita mo talaga sa kanyang mga ekspresiyon na ang katauhan ni Jules ay

talagang palaban at matapang. Lalo na noong siyay nadakip at pinahihirapan,

bakas sa kanyang mukha ang pagiging matatag at pagiging matapat. Noong

siya naman ay binisita ng kanyang pamilya sa bilangguan, makikita mo sa

kanyang mga mata, noong ipinagmamalaki niya sa kanyang mga magulang na


hindi siya nagsalita tungkol sa kanyang grupo, na talagang siyay may matibay

na paninindigan at hindi siya susuko hanggat siyay mamatay.

3. Jason - Si Jason naman ay ang miyembro ng kanilang pamilya na may

pagkatamad ngunit mabait. Kahit na ayaw niyang bumisita sa Kuya Jules niya

noong itoy nasa kulungan, wala siyang nagawa kundi ang sumama at

nagkausap pa sila ng Kuya niya doon. Napansin ng kanyang Kuya Jules na si

Jason ay parang gusto ng bumilis ang oras para siyay lumaki na agad-agad at

magkaroon ng sariling kalayaan sa pagkilos at paggawa ng kanyang mga gusto.

Tama nga ang kanyang kuya. Si Jason nga ay yung tipo na ngayon magaapura

sa oras pero pagdating ng panahon eh magbabago din ang isip. Naipakita ng

maayos ni Danilo ang katangiang iyon. Bagay na bagay sa kanya ang papel na

Jason. Bata pa din siya noon katulad ni Jason kaya angkop talaga ang naging

papel niya.

4. Isagani - Sa kanilang magkakapatid, siya ang unang napasubo sa maagang

pag-aasawa. Sa pelikula, makikita mo na siyay palaging may kausap sa

telepono at may ginagawa pa siya habang nagtetelepono. Babae nga siguro

ang kausap niya kaya at isa siguro iyon sa mga naging dahilan kung bakit siya
maagang nakapag-asawa. Siyay pumunta ng Amerika para sumali sa US Navy

kahit na hindi ito sinangayunan ng kanyang mga kapatid. Naipakita lang mabuti

ni Carlos Agassi ang pagiging teenager ni Gani pero hindi na masyado nung

siya ay na sa US Navy na.

5. Emman - Siya ang ikalawang anak ng mag-asawang Amanda at Julian.

Naging manunulat at makita siya. Hindi siya gaanong ipinakita sa palabas pero

para sa akin ay naipakita niya ang kanyang dapat ipakita. Naipakita niya ng

mabuti ang mga katangiang taglay ni Emman. Maayos niyang nagampanan ang

kanyang papel.

6. Bingo o Benjamin - Siya ang bunso sa magkakapatid. Angkop ang

pangalang Benjamin sa kanya dahil siya nga ang bunso. Siya ay inosenteng

bata pa lamang noong mga panahon na nakikipaglaban na ang kanyang mga

kuya sa lipunan. Siya ang nagtanong kung bakit pinakawalan pa ang kalapati

dahil baka daw hindi na iyon bumalik. Ang sabi ng kanyang ina na babalik pa

ang kalapati dahil wala namang ginagawang masama dito para hindi ito

bumalik. Hindi masyadong pinapakita si Bingo sa palabas ngunit maayos na

naipakita ni John Wayne ang pagiging inosente ni Bingo.


Buod ng Nobela
Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag

magkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan.

Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang

maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at


nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga anak sa

paaralan.

Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago

ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga

awiting nagsasaag ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang

sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi

niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi

nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa

inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian.

Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules.

Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong

niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules.

Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito

sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat

ito. Nasampal ni Amanda si Jules.

Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at

doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga

sundalo.

Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil


sa wala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa

mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap sina Amanda at

Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa

mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi

sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga

anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at

ibinalitang patay na si Jason.

Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi

ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian.

Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat

pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng

kanilang pagkakaunawaan.

Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi

nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame.

Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin

pinalaya ang maighit sa tatlong daang bilanggong pulitikal.

May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay

Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-

aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila ni Julian.


Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa

mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at

tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan.

Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring

pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas

militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila.

Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa

pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si

Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New

People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong

pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si

Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa

sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na

maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.

Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga

aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa

mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga

paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan

at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay


na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas

militar.

Sa paggamit ng awtor ng fi rst person point of view sa kuwento,

kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o

mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa

mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay

Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil

di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa

pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika

nga ni Amanda.

Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas

na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas

malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang

natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng

asawa na, "Well honey, it's a man's world."

Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang

namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa

paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa

sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian

niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang


sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni

Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling

buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi

mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:

"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't

babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At

bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo" Sa

pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang

estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi

nakakaunawa sa kanilang ginagawa!

At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda

ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon

na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'nTutulong ka

bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring

mapang-api?

Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang

dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at

pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong

palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa

kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa

kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.


Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang

Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-

iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga

diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na

ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay

may paglalapit din."

Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila

nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig

ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.

Unang naipakilala sa 'kin ang Dekada '70 noong Oktubre 1996 ni

G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts

and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna

(UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat

hanggang sa ito'y matapos ko sa loob lamang ng dalawang

linggo.

Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan,

nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang

kamulatan at pagkamakabayan.
Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang

pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng

mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang

nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-

oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang

nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng

organisasyon.

Sa mga panahong gaya ng dekada 70-na dekada ng pagkamulat

at pakikibaka-natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi

ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan

ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang

panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan.

Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.

Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang

ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga

alon sa panahon ng unos."

Konklusyon
Dekada '70 ito ay may pagkawangis sa Kahapon, ngayon at bukas.

Dahil pareho itong tumutukoy sa mga pangyayari noong unang

panahon.Kaya naman sa pagtalakay namin sa akdang ito, pumasok ang

Teoryang Realismo- hindi dapat pigilan ang paglantad ng katotohanan

.Nabuhay muli sa isipan ko ang panahon ng pamumuno ni Marcos.

Puna
Ang nobelang ito ay nangyari sa totoong buhay. Sa nobela na ito masasabi

kong may mga kamilian ang bawat karakter ng akdang ito tulad ni julian.

Dahil sa kanyang pagkukulang bilang ama ng kanyang mga anak, wala

siyang kamalay-malay sa mga kaganapang nakakasangkutan ng kanyang

mga anak. Ang akdang ito ay masasabi kong maiuugnay sa totoong

kaganapan dito sa ating bansa. Maraming mga kabataan ngayon ang

napapariwara sa kadahilanang walang pakialam ang kanilang mga

magulang o kayay sila talaga ang tunay na dahilan. Nakakalungkot isipin

na nasasangkot tayong mga kabataan sa ganitong problema sa pulitika.

Ganun pa man, natutuwa akong mabasa ang akdang ito at malaman ang

totoong kaganapan sa taong ito.

Mensahe
Ang nobelang ito ay iminumulat at binubuksan ang kamalayan ng

bawat Pilipino sa tunay na sitwasyon ng bawat isa maging ng bansa noong

DEKADA '70 o panahon ng Martial law. Nais ni Bautista na maliwanagan

ang isip ng bawat isa ukol sa mga totoong pangyayari noong panahon iyon.

Ninanais din ni Bautista na ipakita sa mga kapwa niya manunulat na hindi

sila dapat matakot na ilabas a ilahathala ang kanilang mga aklat kahit na

ano pa man ang mangyari. Ninanais ni Bautista na sa pamamagitan ng

kanyang akda ay muling maibalik ang kalayaan sa paglalathala ng mga

tunay na kahanga- hangang akda.

Pagsusuring
Nilalaman
Nalaman ko na ang nobelang dekada sitenta ay tunay na tumatalakay sa

tunay na pangyayari noong dekada sitenta tulad ng mga nabuong mga

samahan laban sa pamahalaan.

Para na rin akong nabuhay noong dekada sitenta dahil nalaman ko

ang mga pangyayari noon dahil sa nobelang ito.

You might also like