You are on page 1of 8

Table of Contents

KABANATA 1:
Romeo and Juliet

PAKSA…………………………………………………………….. 2

BISA……………………………………………………………….. 3

BOUD……………………………………………………………. 4

MENSAHE…………………………………………………….. 5

TEORYANG GINAMIT…………………………………… 6
Ang kuwento ay umiikot sa pag-iibigan nina Romeo at
Julieta. Nang ang dalawa ay nagkita sa isang handaan, sila
ay agad na nagkagustuhan at hindi naglaon ay lihim na
nagpakasal.
Nang si Romeo ay pinaalis dahil sa pagpatay sa isang
Capuleto, si Julieta ay nakatakda nang ipakasal kay Conde
de Paris. Naiwasan ito ni Julieta sa pamamagitan ng pag-
inom ng pampatulog na gamot na ibinigay ni Padre
Lorenzo, ang kaibigan at nagkasal sa dalawa.
Dahil sa gamot na ito, magmumukha siyang patay
hanggang sa oras na magigising siya. Nakataon na ang
sulat na magsasabi ng kunwa-kunwariang
pagpapakamatay ni Julieta ay hindi nakarating kay Romeo;
sa halip, natanggap ang balita ng kanyang pagkamatay.
Sa pighati, pumunta si Romeo sa puntod ni Julieta at saka
unimon ng lason. Nagising naman si Julieta ilang sandali
bago namatay si Romeo kaya ang magkasintahan ay
masuyong nakapagpaalam sa isa’t isa. Pagkatapos,
sinaksak ni Julieta ang sarili ng punyal.
Matapos ang ilang sandali, ang pari, ang prinsipe, ang
magulang ng magkasintahan, at ang buong bayan ay
dumating sa eksena. Ipinaliwanag ng pari ang lahat. Ang
mga magulang ay nagsisi at nagkabati, at ang
magkasintahan ay inilibing sa iisang puntod.
Ang bisang pampanitikan na namayagpag sa akdang
Romeo at Juliet ay ang bisang pang-damdamin.
Ang may-akda na si William Shakespeare ay epektibong
naiparating sa mga mambabasa ang hinagpis buhat nang
nabigong pag-iibigan nina Romeo at Juliet nang dahil sa
kanilang kamatayan. Nakapagparamdam ito ng
panghihinayang sa pagkamatay ni Romeo nang akalain
niyang si Juliet ay nagpakamatay.
Sa pagmamahal hahamakin ang lahat huwag lamang ito
masira at ipinakita nina romeo at juliet ang kanilang
pagmamahal sa isat isa na nagbunga ng pagkakasundo ng
kanilang mga pamilya na dati ay magkaaway.
Likas sa damdamin ng tao ang pagiging mapagmahal.
Tayo ay may malayang kakayahang umibig ayon sa hatol
ng ating pandama. Ngunit sa kabila ng kakayahang ito,
nararapat ding lapatan ang aksiyon ng responsibilidad.
Isang mensaheng iniwan ng nobelang "Romeo and Juliet,"
ang pag-iibigang humantong sa trahedya.
"Huwag agad magdesisyon dahil sa mga impormasyong
natatanggap ng isipan mula sa ating mga mata, mas
mabuti nang makasiguro at malaman ang katotohanan
bago pa ito humantong at may pagsisihan."
Kahit na hanggang sa kamatayan pagibig at tiwala
ang mananaig sa bawat isa
Ang teoryang ginamit sa sintanang Romeo at Juliet ay
ang mismong teoryang pampanitikan. - Romantisismo
dahil ipinakita ang wagas na pag-iibigan nina Romeo
at Juliet.
- Klasismo dahil sa mga kaganapan noon na
nararanasan natin hanggang ngayon.
- Realismo ang pagkakaroon ng ‘di pagkakaunawaan
ng kanilang mga pamilya.
- Feminismo dahil tinatanggalan si Juliet ng
kalayaang magpasiya para sa sarili ng kanyang mga
magulang.
- Eksistensyalismo dahil nagdesisyon sila na
ipaglaban pa rin ang kanilang pagiibigan.
- Marksismo dahil sa alitan ng kanilang mga
magulang.
- Sosyolohikal dahil sa pagpipilit ng mga magulang ni
Juliet na ipakasal siya sa ibang lalaki.
- Dekonstruksyon dahil sila ay nagpakamatay sila sa
halip na harapin at umamin sa kanilang mga
magulang.
SINTAHANG ROMEO AT JULIET
ni William Shakespeare
Mula sa Inglatera

PAGKILALA SA MAY-AKDA:
Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata,
manunulat at dramatista. Itunuturing na isa sa
pinakamahusay sa mga manunulat sa wikang ingles at
tanyag sa daigdig ng literatura. Itinuturing siyang maestro
sa paggawa ng soneta at mga dula. Ilan sa mga isinulat
niyang popular na dulang trahedya ay ang Hamlet,
Othelio, King Lear, Romeo at Juliet at ang Macbeth. Ang
kaniyang mga dula ay isinalin sa iba’t ibang wika at
ipinalalabas sa iba’t ibang bersiyon hanggang sa
kasalukuyan.

Ang pangunahing pinagkukunan ni Shakespeare para kay


Romeo at Juliet ay isang tula ni Arthur Brooke na
tinatawag na The Tragicall Historye ng Romeus at Iuliet,
na isinulat noong 1562. Maaaring kilala rin niya ang
popular na kuwento ni Romeo at Juliet mula sa isang
koleksyon ni William Painter, na pinamagatang The Palace
of Pleasure , na isinulat bago ang 1580. Samantalang ang
iba naman ay nagsasabing dahil sa kanyang murang edad
ay gusto nitong mag eksperimento ng iba't ibang mga
ideya na hindi pa namamalas sa mga dula noong panahon
na iyon. Tulad ng ideya ng malaking pagkakaiba ng pag-
ibig at pagkamuhi. Ang pagganap sa mabuti at masama.

You might also like