You are on page 1of 41

10

Modyul sa
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 1 – 4
10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Globalisasyon: Kahulugan,
Konsepto at Perspektibo
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Globalisasyon: Kahulugan, Konsepto at Perspektibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Leonora W. Sister


Editor: Marlene Q. Ting
Tagasuri: Michael M. Mercado
Maria Katherine T. Estrella
Tagaguhit: Avery Lexis W. Sister
Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Maria Katherine T. Estrella
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang Araw! Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang konsepto ng globalisasyon.


Marahil ay narinig o nabasa mo na ang terminong ito. Ang mga larawan sa ibaba ay ilan lamang
sa halimbawa na maglalarawan sa konsepto ng globalisasyon.

Ang modyul na ito ay


nahahati sa dalawang
aralin. Ito ay ang
sumusunod:
Aralin 1 – Kahulugan ng
Globalisasyon
Aralin 2 – Perspektibo at
Pananaw ukol sa
pinagmulan ng
Globalisasyon

Sa pagtatapos ng iyong
pag-aaral sa modyul na ito
ay inaasahang makakamit
Pinagkunan: https://pixabay.com/vectors/cooperation-friendship-hands-1301790/
https://pixabay.com/illustrations/social-media-social-networks-ball-748101/ mo ang sumusunod na
pinakamahalagang
kasanayan sa pagkatuto (most essential learning competency - MELC) at mga kaugnay na
layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng Globalisasyon;
2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon;
3. Nasusuri ang dahilan at dimensyon ng globalisasyon (MELC); at
4. Naipahahayag ang saloobin sa dahilan at dimensyon ng globalisasyon.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Ito ay ang proseso ng pakikipag-ugnayan at pagsasama-sama sa pagitan ng mga tao, mga


kompanya at mga pamahalaan sa buong mundo.
A. Globalisasyon C. makabagong kalakalan
B. Kooperasyon D. modernong bayanihan

2. Ang isa sa mga pananaw ng globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay naka-ugat sa


bawat_____
A. Bansa C. lahi
B. isa/tao D. pinagmulang paniniwala

3. Ang lahat ng pangungusap ay nagsasaad ng pinaniniwalang pinagmulan ng globalisasyon


MALIBAN sa isa________.
A. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
B. Ang globalisasyon ay pinaniniwalaang dumaan sa anim na “wave” o panahon.
C. Ang paniniwalang ang globalisasyon ay mula sa partikular na bahagi ng kasaysayan
na marami ang pinag-ugatan.
D. Ang paniniwalang ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo at
walang kaugnayan sa mga pangyayaring naganap sa nakalipas.

1
4. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng dahilan kung bakit lumago ang kaisipang
globalisasyon?
A. Sa pagsulong ng teknolohiya, politika at transportasyon
B. Sa pagsulong ng kooperasyon, bayanihan at komunikasyon
C. Sa pagsulong ng transportasyon, teknolohiya at komunikasyon
D. Sa pagsulong ng teknolohiya, kooperasyon at komunikasyon

5. Sa pagtalakay ng kahulugan,konsepto at perspektibo ng globalisasyon masasabi mo


na________
A. Isa itong bagong kaisipan na dapat malaman ng buong mundo.
B. Hindi na ito bago at patuloy na umiiral sa buong mundo.
C. Isa itong bagong ideya na hindi na dapat pang talakayin dahil mawawala din naman
ito sa paglipas ng panahon.
D. Hindi na ito bago at may paraan pa upang ang kaisipan na ito ay hindi na lumago.

Modyul
Globalisasyon: Kahulugan,
1 Konsepto at Perspektibo
“Let’s Think Global”, katagang hindi na bago sa atin sa kasalukuyan. Ang mga
salitang ito ang nagbibigay ng kaisipan na sa panahon na ating kinabibilangan tayo ay
bahagi hindi lamang ng ating bansang sinilangan kundi ng isang mas malaking
pamayanan sa buong mundo. Ang tagumpay ng isang bansa ay tagumpay ng lahat dahil
tayo ay pag-iisahin ng iisang adhikain. Kikilos tayo, mag-iisip at magbibigay ng solusyon
sa kinakaharap na suliranin ng buong mundo ng sama-sama.
Sa pagtalakay ng aralin na ito ating tutuklasin ang mas malalim na kahulugan
ng globalisasyon, konsepto at ang mga isinagawang pag-aaral sa iba’t ibang perspektibo
at pananaw ng globalisasyon.

Balikan

Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa ibaba. Magbigay ng ilang mahahalagang


impormasyon sa napiling kaganapan at magbigay ng sariling opinion kung anong
approach ang higit na mainam sa pagtugon dito, Bottom –Up approach o Top –Down
Approach. Magtala ng 3 dahilan kung bakit ito ang dapat na gamitin

Ang pagputok ng bulkang Taal Pandemya: COVID-19


noong ( Enero 2020 )

Impormasyon:

Approach:

Tuklasin

Ikaw ba ay techie? sagutan ang A,


mahilig ka ba sa yummy? sagutan
ang B, kung both sagutan ang A&B.
Handa ka na ba?

2
I. Isulat ang bansang pinagmulan ng mga bagay sa larawan

II.Ikaw naman: Paborito kong: Itala ang iyong mga paborito at isulat kung saang bansa
ito nagmula. Paalala: Maaring magtala ng sobra sa isa.

Entertainer Pagkain Sapatos Bag (Brand)


(Brand)

Suriin

Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa unang gawain nahirapan ka bang punan ito ng sagot?


Kung oo bakit? Kung hindi bakit kaya?
2. Sa iyong palagay bakit naging madali sa iyo ang pagsagot sa gawaing ito?
3. Sa ikalawang gawain ang iyong mga paborito ay galing saan?
4. Kung ito ay mula sa ibang bansa, paano ka nagkaroon ng ideya na may mga
ganitong produkto o paano mo nakilala ang mga tao na iyong isinulat?

Kahulugan ng Globalisasyon
Ang salitang globalisasyon ay hindi na bago sa atin. Kasabay ng pagsulong ng
teknolohiya masasabing ang mundo ay unti unti nang nagiging isang malaking nasyon. Mas
naging malapit ang mga tao sa mundo dahil mas napadali na ang komunikasyon at
transportasyon at ang pagkakaroon ng interaksyon ng mga tao sa bawat panig ng daigdig.
Sinasabing mula sa ating paggising, sa hapag kainan, sa mga kagamitang nakapaligid sa
atin, gayundin sa mga musika, drama, pelikula at iba pang nakakapagbigay saya sa atin
hanggang sa ating pagtulog ang salitang ito ay ating kapiling.

Ano nga ba ang Globalisasyon?

• Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,


impormasyon, at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang
panig ng daigdig ( Ritzer. 2011 )
• Ito ay proseso ng pakikipag-ugnayan ng mga tao, mga kompanya, at mga
pamahalaan sa buong mundo.
• Ang salitang ito ay tumutukoy din sa integrasyon ng ekonomiks, kultura, politika,
relihiyon at sistemang sosyal ng iba’t ibang lugar na umaabot sa buong mundo.
• Ito ay isang konsepto ng mas malawak na pagkakaugnay-ugnay ng iba’t ibang bansa
sa mundo.

3
• Ang pagkalat ng mga produkto, teknolohiya impormasyon at trabaho sa iba’t ibang
mga bansa at kultura.
Ang lahat ng pagpapabuti ay naging pangunahing adhikain ng globalisasyon.
Nagsama-sama ang mga bansa upang maitaguyod ang iisang layuning pang –
Ekonomiya, Pampolitika at Sosyo- Kultural na magpapabilis sa pag-unlad ng bawat isa
at sama samang pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng daigdig sa kasalukuyan
at hinaharap. Ngunit saan nga ba nagsimula ang konsepto o pananaw na ito?

Perspektibo o Pananaw ukol sa pinagmulan ng Globalisasyon


Noong 2000, kinilala ng International Monetary Fund (IMF) ang apat na pangunahing
aspeto ng globalisasyon; kalakalan at transaksyon, mga paggalaw ng kapital at
pamumuhunan; migrasyon at kilusan ng mga tao at ang pagpapalaganap ng kaalaman.
Hindi tiyak kung saan at paano nagsimula ang globalisasyon ngunit may mga
perspektibo at pananaw na nagpapaliwanag tungkol sa kasaysayan nito.
Ang 5 Pananaw o Perspektibo ng Globalisasyon

Unang Pananaw: Ang Globalisasyon ay naka-ugat o nakatahi sa bawat isa.

Dahil sa paghahahangad
ng tao na magkaroon ng ito ay sa pamamagitan
Gumawa ng paraan
mas maayos at ng pakikipagkalakalan,
ang tao upang makamit
maginhawang buhay pananakop at
ito
paglalakbay
( Nayan Chanda,2007 )

Ang pangalawang pananaw o perspektibo ng globalisasyon ay nagsasabi na ang


globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.

Ayon kay
Scholte
2005

Mahalagang maraming
tingnan ang iba't globalisasyon na
ibang siklong ang dumaan sa
pinagdaanan nito nakalipas na
panahon

ang kasalukuyang
Mahirap tukuyin globalisasyon ay
ang panahon makabago at higit
kung kailan na mataas na anyo
nagsimula ang na maaaring
globalisasyon magtapos sa
hinaharap
Ang pangatlong pananaw o perspektibo ay naniniwalang may anim na “wave o panahon
ang globalisasyon. Ito ay binigyang diin ni Therborn (2005). Ang anim na panahon na ito

4
ay may katangian. Itinampok ni Therborn na ang globalisasyon ay hindi isang bagong
phenomenon o pangyayari at hindi rin siklo.
PANAHON KATANGIAN

Ikaapat na pananaw - ang


globalisasyon ay mauugat sa espesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan

Pananakop ng mga Pag-usbong at


paglaganap ng Paglaganap ng
Romano bago pa
Kristiyanismo
man maipanganak matapos ang
Islam noong ika-
si Kristo (Gibbon, pagbagsak ng pitong siglo
1998 ) Imperyong Roman

Pagsisimula ng
Kalakalan sa
pagbabangko sa
Mediterranean
mga siyudad-
noong Gitnang
estado sa Italya
Panahon
noong - 12 siglo
Ang Pang-limang pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay nagsimula
sa kalagitnaan ng ika – 20 na siglo, kung saan tatlong pangyayari ang may direktang
kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon

Pag-usbong ng Estados Paglitaw ng mga Pagbagsak ng Soviet


Unidos bilang global Multinational at Union at ang
power matapos ang transnational pagtatapos ng Cold
Ikalawang Digmaang Corporations ( MNCs War
Pandaigdig at TNCs ) •Sinasabing ang pagbagsak ng
"Iron Curtain at Soviet Union
•Matapos ang WWII •TNC -Transnational noong 1991 ang naghudyat
Corporations ng globalisasyon
ipinakita ng Estados
Unidos ang kaniyang •MNC - Multinational •Matapos bumagsak
Companies ito,nawala ang konsepto ng
lakas-militar:
•Ang mga makapangyarihang pagkakahati hati at
•tinalo nito ang Japan at korporasyon sa daigdig ay paghihiwalay ng mga bansa
Germany sa WWII nagsimula noong ika-18 dahil sa 2 kaisipan-
•sinakop ang mga bansang hanggang ika-19 na siglo sa komunismo at kapitalismo
Korea (1950) at pamumuno ng Germany, •Pumasok ang mga MNCs sa
Vietnam(1960-70) Great Britain at Estados mga bansang sakop dati ng
Unidos Soviet Union tulad ng
•nalagpasan ang France at •Ika-20 siglo nakatuon ng
Great Britain sa usaping Ukraine, Estonia ,Latvia at
pansin sa ibang bansa ang iba pang bansa na nasa
pang-Ekonomiya pagkukuhaang kita ilalim ng Soviet Union
partikular na sa mga •Nabuksan ang mga bansang
developing nations. ito sa migrasyon, media,
• ( ang paksang ito ay mas turismo at ugnayang
papalawakin pa sa susunod na
modyul ) 5 panlabas.
Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Globalisasyon: Kahulugan,


Konsepto, at Perspektibo”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 1.1
Sino Kaya? Kilalanin kung kaninong kaisipan ang nabanggit sa bawat kahon. Kumuha ng
isang malinis na papel at sagutin.
1. 2. 3.
. Ayon sa kanya,
Nabuo ang Naniniwalang
may anim na maraming
konsepto ng
wave o panahon globalisasyon na
globalisasyon
ang ang dumaan sa
dahil sa
globalisasyon mga nakalipas na
kagustuhan ng
panahon at ang
taong
kasalukuyang
magkaroon ng
globalisasyon ay
maayos na
higit na mataas at
buhay
makabago.
Gawain 1.2
Kulayan mo: Konseptong Global Tayo. Kulayan ng Red – ang buong pangungusap kung ito ay
nagsasaad ng Unang pananaw o perspektibo ng pinagmulan ng globalisasyon, Blue – kung
Ikalawa, Yellow – kung Ikatlo, Orange – kung Ika-apat at Green kung Ikalimang perspektibo.
(Note: Kung kulang o wala ang naitalagang kulay, maaaring gumamit ng ibang kulay).
a. Pananaw na nagsasabing ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 na
siglo.
b. Ang pananaw na ito ay nagsasabi na ang globalisasyon ay mauugat sa espesipikong
pangyayaring naganap sa kasaysayan
c. Perspektibo na nagsasabing ang globalisasyon ay isang mahabang siklo.
d. Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa.
e. Perpektibo na nagsasabing may 6 na wave o panahon ang globalisasyon.
f. Nabuo ang konsepto ng globalisasyon dahil sa kagustuhan ng tao na magkaroon ng
maayos na pamumuhay.
g. Batay sa pananaw na ito may 3 pangyayari ang may direktang kinalaman sa
globalisasyon; Pag-usbong ng Estados Unidos bilang malakas na bansa, pag-usbong ng
TNCs at MNCs at pagbagsak ng Soviet Union
h. Perspektibo na naniniwalang ang globalisasyon ngayon ay may mataas na anyo kumpara
noon.
i. Ang pananaw na nagsasabing may tiyak na simula ang globalisasyon at ito ay makikita
sa anim na pangyayari sa ating kasaysayan.
j. Ang pananaw na nagsasabing posibleng maraming pinag-ugatan ang globalisasyon.

Isaisip

Gawain 1.3
Panuto Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang sagot sa isang buong malinis
na papel

6
Isagawa

Gawain 1.4
Mag Picto-Word Tayo. Mag-isip ng isang hugis o larawan.
Iguhit sa bondpaper ang naisip na larawan sa
pamamagitan ng pagbubuo o paggamit ng mga salitang
may kaugnayan sa kahulugan, konsepto, pananaw o
perspektibo ng globalisasyon. Maaari ding itong gawin sa
iyong computer, laptop at pagkatapos ay i-print.
Tingnan ang halimbawa. (Paaala: Orihinal ang gawa at hindi mula sa internet)

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Orihinalidad Orihinal na ideya sa paggawa
10
( Originality )
Kaangkupan sa Paksa Angkop ang mga ginamit na salita . may
10
( Nilalaman ) kaugnayan sa paksa ng gawain
Pagkamalikhain Paggamit ng tamang kumbinasyon ng kulay at
( Creativity ) hugis upang maipahayag ang nilalaman at 5
konsepto ng maayos
Kabuuang Presentasyon Malinis at maayos ang natapos na gawain 5
Kabuuan 30

Tayahin
Basahin at nawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik lamang sa hiwalay na papel.

1. May iba’t ibang perspektibo o pananaw ukol sa kasaysayan at pinagmulan ng


globalisasyon.
A. Mali C. Wala sa module ang paksa
B. Tama D. Hindi maintindihan ang aralin

7
2. Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, paglago ng komunikasyon at
transportasyon, mabilis na napa-unlad ang konsepto ng globalisasyon sa iba’t ibang
bansa sa mundo.
A. Mali C. Wala sa module ang paksa
B. Tama D. Hindi maintindihan ang aralin
3. Nagkakaisa ang limang pag-aaral o konsepto na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng
globalisasyon. Ang lahat ay tumutukoy na ang globalisasyon ay isang kaisipan na bigla
na lang sumibol sa mundo.
A. Mali C. Wala sa module ang paksa
B. Tama D. Hindi maintindihan ang aralin
4. Ang paglakas ng kapangyarihang politikal at kapangyarihang ekonomiko ng bansang
Estados Unidos ang isa sa nagbukas sa mundo upang maipalaganap ang kaisipang
globalisasyon.
A. Mali C. Wala sa module ang paksa
B. Tama D. Hindi maintindihan ang aralin
5. Ang pagtutulungan ng mga bansa sa daigdig ang isa sa pangunahing adhikain ng
globalisasyon.
A. Mali C. Wala sa module ang paksa
B. Tama D. Hindi maintindihan ang aralin

Karagdagang Gawain

Gawain 1.5
You…Tell the World. Gumawa ng isang liham na mababasa ng iba’t ibang tao sa mundo. Patungkol
saan ang liham? Ano-ano ang nilalaman nito? Basahin sa ibaba.
lahat ng pagpapabuti ay naging pangunahing adhikain ng globalisasyon. Nagsama-sama ang mga bansa
upang maitaguyod ang iisang layuning pang –Ekonomiya, Pampolitika at Sosyo- Kultural na magpapabilis
sa pag-unlad ng bawat isa at sama samang pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng Ang daigdig sa
kasalukuyan at hinaharap.
a. Ilarawan o magkuwento ng tungkol sa Pilipinas batay sa ating ekonomiya, kaganapang
pampolitika o sa ating sosyo-kultural na aspeto. (pumili lamang ng isa ).
b. Ano-ano kaya ang maaari nating maitulong sa ibang bansa sa paksang iyong napili sa number
1.
c. Paano nman kaya tayo matutulungan ng ibang bansa sa aspeto na iyong pinili sa number 1.
d.
Paalala:
§ Gumamit ng malinis na papel.
§ Sulat kamay lamang.Hindi maaaring gumamit ng typewriter laptop, computer o kahit na
anong kasing katulad.
§ Gumamit ng tamang paraan o format sa paggawa ng isang liham o sulat.
Rubriks sa Pagmamarka

Deskripsyon Puntos
Pamantayan
Orihinalidad Orihinal na ideya sa paggawa 10
( Originality )
Kaangkupan sa Paksa Angkop ang mga ginamit na salita. may kaugnayan sa 10
paksa ang nilalaman ng liham
( Nilalaman )
Malinis at maayos ang natapos na gawain 5
Kabuuang Presentasyon
Paggamit ng tamang Malaki at maliit na titik. 5
Paggamit ng mga salita
Kabuuan 30

8
10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Epekto ng Globalisasyon
Unang Bahagi
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Epekto ng Globalisasyon (Unang Bahagi)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ulysses Bert T. Vasquez


Editor: Marlene Q. Ting
Tagasuri: Michael M. Mercado

Maria Katherine T. Estrella

Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla


Tagalapat: Maria Katherine T. Estrella
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang Araw! Sa modyul na ito ay aalamin mo ang mga epekto ng globalisasyon.


Susuriin din ang positibo at negatibong epekto nito sa iba’t ibang aspekto gaya ng pinapakita sa
larawan sa ibaba.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


tatlong aralin. Ito ay ang
sumusunod:
Aralin 1 – Epekto ng
Globalisasyon sa pang-
Ekonomikong aspekto
Aralin 2 – Epekto ng
Globalisasyon sa Teknolohikal at
Sosyo-kultural na aspekto
Aralin 3 – Suliraning dulot ng
Globalisasyon
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral
sa modyul na ito ay inaasahang
makakamit mo ang sumusunod
Pinagkunan: https://pixabay.com/illustrations/globalization-policy-society-452692
na pinakamahalagang kasanayan
sa pagkatuto (most essential
learning competency - MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naiisa-isa ang mga epekto ng globalisasyon;
2. Nasusuri ang mga epekto ng globalisasyon (MELC);
3. Natataya ang mga epekto ng globalisasyon bilang isyung panlipunan; at
4. Nakabubuo ng sariling solusyon upang matugunan ang epekto ng globalisasyon.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Ito ang tawag sa mga kompanyang D. Wala sa pagpipilian


nagtatatag ng pasilidad sa ibang
bansa. Ito ay may mga pasilidad at 4. Alin sa sumusunod ang mabuting
pagawaan na nakabase ang paglikha epekto ng globalisasyon sa
ng produkto at serbisyo sa ekonomiya ng bansa?
pangangailangan ng bansa. A. dagdag na trabaho sa mga
A. Small scale companies mamamayan at buwis sa
B. Medium scale companies pamahalaan
C. Multinational Companies B. pagkalugi ng lokal na
D. Transnational Companies namumuhunan
2. Ito ay katawagan sa mga malalaking C. pagkilala sa kultura ng
kompanya sa isang bansa at ibang bansa
lumilikha ng mga produkto at D. hindi pagkakaunawaan sa
serbisyo na hindi nakabatay sa pagitan ng pamahalaan at
kagyat na pangangailangan ng isang dayuhan
bansa. 5. Ang sumusunod ay negatibong
A. Small scale companies epekto ng globalisasyon, MALIBAN
B. Medium scale companies sa_____
C. Multinational Companies A. paghina ng lokal na
D. Transnational Companies industriya
3. Ang pag-usbong ng mga Business B. pagkalimot sa sariling
Process Outsourcing ay kultura
manipestasyon ng globalisasyon. C. pagkilala sa kultura ng
A. Tama iba
B. Mali
C. Hindi tiyak D. paglaganap ng cyber crime

1
Modyul
Epekto ng Globalisasyon
2 (Unang Bahagi)
Sa nakaraang aralin natalakay ang globalisasyon bilang isang proseso ng
mabilisang daloy ng mga bagay, impormasyon sa iba’t ibang dako ng daigdig. Binigyan
diin ang mga mekanismo sa makabagong panahon sa pagitan ng mga prosesong pang
ugnayan at interaksyon ng mga sektor sa ekonomiya at lipunan.
Tatalakayin sa bahaging ito ng modyul ang mga naging epekto ng globalisasyon
sa ibat ibang perspektibong ekonomiko, teknolohikal at sosyo- kultural.

Balikan

Balikan ang iyong natutunan mula sa nakaraang aralin. Hanapin ang mga salita
na makikita sa kahulugan ng globalisasyon sa ibaba. Isulat ang mga nahanap na salita
sa crossword puzzle maging sa mga patlang na makikita sa gawing kanan nito.

Ang globalisasyon ay isang PROSESO at sinasabing sumasalamin sa DALOY at


INTERAKSYON ng mga TAO sa DAIGDIG. Ito ay INTEGRASYON ng mabilisang daloy
ng TEKNOLOHIYA, KOMUNIKASYON, mga PRODUKTO at iba pa sa EKONOMIYA.

Tuklasin

Madalas ka ba manood ng telebisyon, mag


browse sa internet o magbasa ng mga diyaryo o
magazines? Nakikilala mo ba sila?

Masasalamin ang globalisasyon sa mga larawan


na ipinakita. Maaari mo bang tukuyin ang mga
pangalan o katawagan, industriya o larangang
kinabibilangan at sakop ng kanilang
impluwensiya. Ilagay ang iyong mga natukoy na
sagot sa hiwalay na papel.

2
Pamprosesong Tanong:

1. Pamilyar ka ba sa
mga nasa
larawan? Paano ka
naging pamilyar sa
kanila?
2. Nakaimpluwensya
ba sila sa mga tao?
Sa paanong
paraan?

Mga Pinagkunan: https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/0/01/Bill_Gates_July_2014.jpg


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:170529_BTS_at_a_press_conference_for_the_BBMAs_(2).png
http://pngimg.com/download/33445
https://www.flickr.com/photos/briansolis/2696190509
https://www.flickr.com/photos/thomashawk/2823836368/

Suriin

Epekto ng Globalisasyon
Ang pagnanais ng mga tao na mabuhay at makamit ang mga bagay ay isang pangyayari
kung saan ipinapakita ang ugnayan nito sa kapwa at kalikasan.Sa puntong ito, matatalakay ang
epekto ng globalisasyon sa aspektong ekonomiko, sosyo-kultural at teknolohikal.
Kasabay ng pag-inog ng daigdig ang mabilis na pag-usad ng mga ekonomiya sa iba’t
ibang bansa. Hindi maikakaila na malaki ang naging papel ng pag-angat ng antas ng teknolohiya
sa buhay ng tao sa daigdig. Pagpasok ng dekada singkwenta (1950), mabilis na gumalaw pataas
ang pandaigdigang kalakalan sa iba’t ibang dako ng daigdig. Sinasabing dulot ito ng mataas na
palitan ng kalakalan o negosyo sa pagitan ng mga bansa. Ang migrasyon o paggalaw ng mga tao
mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar ay naikakawing din sa pagunlad ng teknolohiya.
Ang palitan ng mga produkto sa daigdig ay naging mas madali dahil na rin sa mga sistemang
inilatag dulot ng globalisasyon.
Sinabi ni Thomas Loren Friedman, isang Amerikanong manunulat at dalubhasa sa
kalakalang panlabas na mas malawak, mabilis, mura at malalim ang naging takbo ng kalakalan
sa iba’t ibang bansa dulot ng pagbubukas ng kani-kanilang ekonomiya.
Epekto ng Globalisasyon sa Pang-ekonomikong aspekto
Ang mabilis na pag-inog ng mga kalakal sa daigdig ay isa sa mga pangunahing mukha
ng globalisasyon. Ang mga palitan ng mga produkto at serbisyo ay mabilis na dumaloy sa mga
pandaigdigang pamilihan sa pagitan ng mga bansa. Ang mga kompanya sa loob at labas ng
bansa maging ang mga malalaking internasyonal na korporasyon ay masiglang nakibahagi sa
globalisasyon.
Maraming malalaking kompanya na kung tawagin ay Multinational Companies (MNC’s)
at Transnational Companies (TNC’s) ang may operasyon sa iba’t ibang bansa. Ang mga
kompanyang ito ay malawak na nakikipagkalakalan sa iba’t ibang nasyon. Ang mga TNC’s ay
may mga pasilidad at pagawaan na nakabase ang paglikha ng produkto at serbisyo sa
pangangailangan ng bansa. Ilan sa mga halimbawa nito ay mga nasa “Business Process
Outsourcing” (BPO), mga kompanya ng gamot, langis at maging mga nasa industriya ng
Information Technology. Ang MNC naman ay katawagan sa mga malalaking kompanya sa isang
bansa at lumilikha ng mga produkto at serbisyo na hindi nakabatay sa kagyat na
pangangailangan ng isang bansa. Ilan sa mga halimbawa nito ay mga food chains gaya ng
McDonalds, Starbucks at iba pa na kahalintulad. Maikakategorya din ang mga kompanya na

3
bahagi ng MNC ang mga gumagawa ng mga sasakyan gaya ng Hyundai, Toyota, Mitsubishi at
iba. Ang kapital sa pamumuhunan ng mga TNC at MNC ay hindi biro sapagkat lubhang malaking
salapi at iba pang salik ng paglikha sa produkto at serbisyo ang kailangan para mapadaloy ng
mga malalaking kompanya na ito ang kani-kanilang produkto at serbisyo. Ang mga TNC at MNC
ay may malaking ambag sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng isang bansa.
Ayon sa artikulong isinulat ni Bienvenido S. Oplas, Jr. ng Business World sa kaniyang
nailathalang online article noong Disyembre 2016, masasabing ang “Capital And Investments
Are Like Water – They Go Where They Are Welcome And Accomodated.” Sa nasabi ring artikulo,
inilahad na katanggap-tanggap sa mata ng mga namumuhunan ang mga bansang magiliw sa
mga kompanya. Nailatag din sa artikulo ang mga batayang ambag ng mga kompanya sa pag-
unlad ng mga bansa partikular sa pagpapayabong ng negosyo, paglikha ng hanapbuhay at
kabuuang pag-unlad ng bansa. Ayon naman kay Henry Schumacher, Senior adviser ng
European Chamber of Commerce, ang mga mamumuhunan ay naghahanap ng mga bansang
ligtas at payapang lugar para sa kalakalan gaya ng mga Economic Zones, Business Friendly
Local Government Units at mayroong matibay na “Partnerships” sa pagitan ng LGU’s at
Businesses. Sa kabilang banda, ayaw ng mga kompanya at mamumuhunan ang bansang may
pamahalaang pugpog ng korapsyon, mga kaguluhan gaya ng “political unrest”, terorismo, at mga
hindi makatwiran at pabago-bagong mga polisiyang pangkalakalan.
Ang isang bayang kaaya-aya sa pamumuhunan ay makakapaghikayat ng mga negosyo
mula sa mga dayuhang mangangalakal. Kalaunan ang paglalagak at pamumuhunan ay
magbubunga ng dagdag na hanapbuhay sa mga mamamayan. Ang trabahong malilikha ay
magiging hudyat ng dagdag sa porsyento ng GDP ng isang bansa. Sa pagbubukas ng mga
kompanya sa isang bansa inaasahang papasok ang mga produkto at serbisyo na siya namang
magiging batayan para higit na mas mapabilis ang daloy ng kalakalan sa iba’t ibang sektor ng
ekonomiya at lipunan.
Ang pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan ay may positibo at negatibong epekto
sa buhay ng mamamayan at bansa. Isa sa magandang epekto nito ay ang tiyak na trabaho at
kita sa mga tao, karagdagang buwis naman para sa pamahalaan ang ambag ng mga kompanya
ang papasok sa kaban at magagamit na pantustos sa mga proyekto ng pamahalaan.
Kabilang naman sa negatibong epekto nito ay ang hindi patas na kompetisyon sa mga
lokal na mamumuhunan. Ang mga dayuhang negosyo (TNC at MNC) ay inaasahang mayroong
malaking puhunan na higit na makakalikha ng mas maraming produkto at serbisyo sa murang
halaga at malaki ang posibilidad na hindi matapatan ng mga lokal at maliliit na mga negosyo.
Bunsod nito, posibleng malugi at magsara ang mga lokal na negosyo. Ang mga malalaking
kompanya ay malimit na namumuhunan sa mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas sapagkat
mura ang pasahod o tinatawag nating “cheap labor” sa mga manggagawa.
Epekto ng Globalisasyon sa aspektong Teknolohikal at Sosyo-Kultural
Ang epekto ng globalisasyon ay hindi lamang makikita sa usaping ekonomiko, ito rin ay
may malaking epekto sa usaping teknolohikal at sosyo-kultural. Ang pag-unlad ng teknolohiya
ay maituturing na mabisang dahilan at naging daloy ng mabilis na paglaganap ng globalisasyon
sa mundo.
Napaigting ang ugnayan ng mga tao sa tulong ng makabagong teknolohiya. Ang pag-
unlad nito ay maituturing na daan patungo sa mas mahusay at mabilis na ugnayan ng mga
bansa sa daigdig. Naging hudyat din ang pagbulusok ng teknolohiya upang mas mapaigting ang
ugnayang kalakalan ng mga kompanya, pamahalaan at mga tao sa daigdig. Ang
telekomunikasyon at internet ay nagsilbing daan upang maipahatid ng mabilisan ang galaw ng
mga produkto at serbisyong lokal sa pandaigdigang pamilihan at mabilis na pagkalat ng
impormasyon o kaalaman.
Ang mabilis na access ng tao sa teknolohiya ay naging dahilan din para mabuksan ang
mga mata ng sangkatauhan sa iba’t ibang kultura ng mga nasyon. Ilan sa mga halimbawa nito
ay ang pagkahilig ng mga Pilipino sa KPop o mga Korean Pop idols na kinagiliwan at inidolo ng
mga kabataan. Ang panggagaya ng anyo, pananalita maging ang mga bihis nito ay patunay na
naitawid ang kulturang Koreano sa kamalayan ng mga kabataang Pilipino sa pinakamura at
mabisang paraan gamit ang internet.
Ang mga balita at propaganda ay naipaparating din gamit ang teknolohiya na siya
namang humuhulma ng pananaw ng isang lipunan. Ang internet ay isang naging patok na
paraan upang maihatid ang iba’t ibang kaganapan at pangyayari upang makagawa ng mas
mabilis na desisyon ang mga tao sa kanyang buhay at lipunang ginagalawan. Katulad na lamang
ng mga pangyayari kaugnay sa COVID 19. Naging mabilis ang paghatid ng balita gamit ang
media at uri nito patungkol sa sakit at agarang aksiyon ng mga gobyerno sa iba’t ibang bansa
sa daigdig. Ang mga impormasyon kaugnay sa iba’t ibang bagay ay kagyat na nakukuha gamit

4
lamang ang kompyuter, tablet o cellphone. Pinadali ng information technology ang “access” sa
ibat ibang impormasyon ng mga tao.
Mga Suliraning dulot ng Globalisasyon
Sa kabila ng positibong epekto ng globalisasyon sa ekonomiya, teknolohiya at maging sa
sosyo-kultural na aspekto ay mayroon pa rin na maituturing na problemang dulot nito. Sa
usaping ekonomiya, ang mga kompanya ay nagtatayo ng mga negosyo sa mga bansang mababa
ang pasahod sa tao o mas kilala sa “cheap labor”. Ang mga manggagawa ay napipilitang
tanggapin ang mga trabaho sa kabila ng maliit ang kita dito.
Sa usapin ng mga lokal na namumuhunan na may maliit lamang na kapital ay posibleng
hindi makasabay sa mga TNC’s at MNC’s. Malaki ang posibilidad na magsara ang mga lokal na
kompanya kung hindi nito mapapantayan ang output ng mga malalaking negosyo. Sa pagsasara
ng mga kompanyang ito magkakaroon ng suliranin sa unemployment rate ng bansa.
Isa rin sa mga negatibong epekto ng globalisasyon ay ang pabago-bagong polisiya ng
pamahalaan na kalimitan ay pumapabor sa mga malalaking negosyo na pagmamay-ari ng
dayuhan.
Mainam ang daloy ng isang kompanya kung mataas ang antas ng teknolohiyang
gagamitin nito para sa produksyon. Nangangahulugan na mas maraming malilikhang produkto
kung gagamitan ng teknolohiya ang produksyon. Sa pamamagitan ng makabagong kagamitan
nalilimitahan nito ang bilang ng taong nagtatrabaho. Mas kakaunti na lamang ang taong
kailangang magtrabaho dahil nagagampanan na ito ng mga makina na pinamamahalaan ng mas
maliit na bilang ng mga manggagawa.
Ang makabagong teknolohiya ay nangangailangan ng pag-aaral upang mapakinabangan
ng husto ang gamit nito. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral bunsod na
rin ng kwalipikasyong kailangan para matutunan ang isang bagay. Ang kawalan ng “access” sa
edukasyon para matutunan ang paggamit o “skills” ng makabagong teknolohiya ay hadlang sa
pagkatuto dulot na din ng kahirapan ng mga mamamayan.
Ang dagsa ng mga produkto sa pamilihan ay isa rin sa mga kapuna-punang epekto ng
globalisasyon. Ang pagdami ng mga imported na produkto sa pamilihan ay mas mura kaysa sa
mga lokal na produkto ay negatibong epekto din na maituturing. Halimbawa na lamang ay ang
mga imported na produktong agrikultural na dagsa sa pamilihan na may presyong higit na mas
mababa kaysa sa lokal na mga agrikultural na produkto.
Ang kultura ng isang bansa ay salamin ng pagkamamamayan ng isang bayan. Ang mga
pananamit, kustumbre at paniniwala ay nakabatay sa palagiang gawi ng mga salinlahi.
Naitatawid ang kultura mula sinauna hanggang sa kasalukuyan. Sa makabagong panahon,
mabilis na naitatawid ang kultura ng isang bansa sa iba’t bang panig ng daigdig gamit ang
internet. Ang mga kulturang taal sa isang lugar ay nababago bilang impluwensya ng pagtawid
sa kamalayaan ng ibang kultura ng tao. Nagbubunga ito ng tinatawag nating “enculturation” o
paunti-unting pagyakap sa kultura ng iba. Sa tulong ng midya, internet at teknolohiya mabilis
na nawawala ang taal na kultura ng isang bayan o bansa at napapalitan ng iba. Suliraning
maituturing ang ganitong sitwasyon dulot ng globalisasyon.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Epekto ng


Globalisasyon”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 2.1
Tunghay-Larawan. Tunghayan ang mga larawan at basahin ang mga tanong. Sagutan
sa hiwalay na buong papel.
Isa sa mga epekto ng globalisasyon ay malayang kalakalan
sa pagitan ng mga bansa. Ipaliwanag mo ang epekto sa “local
agricultural industry” ng pagdagsa ng “imported agricultural
products” sa bansa.
Sagot:_____________________________________________________
___________________________________________________________

Pinagkunan: https://www.flickr.com/photos/albertfreeman/6904737130

5
Paano nakatulong ang internet sa globalisasyong
nararanasan ng daigdig? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
Sagot:______________________________________________
____________________________________________________

Pinagkunan: https://pixabay.com/photos/mac-freelancer-macintosh-macbook-459196/

Gawain 2.2
Tukuyin Natin! Punan ang talahanayan ng mga positibo at negatibong epekto ng
globalisasyon. Gumamit ng isang buong papel sa pagsagot sa gawaing ito.

Isaisip

Gawain 2.3
Talasipan. Batay sa iyong natutunan, sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Gumamit
ng hiwalay na papel para dito.

6
Isagawa

Gawain 2.4
DRAWING KO ‘TO. Gamit ang mga art materials at isang short bond paper, gumawa
ng poster na nagpapakita ng epekto ng globalisasyon sa pang araw-araw mo na
pamumuhay. Pagkatapos nito ay ipaliwanag sa hiwalay na papel ang positibo at
negatibong epekto nito sa iyo at sa iyong pamilya at ang hakbang na dapat mong gawin
sa negatibong epekto nito.

Tayahin

Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay
na papel.
1. Ayon kay Thomas Loren Friedman nang
magbukas ng ekonomiya ang iba’t ibang 4. Ayon sa nilathalang artikulo ni Oplas
mga bansa dulot ng globalisasyon ay Jr. ng Business World, alin ang HINDI
naging hudyat ito ng ______, __________, kabilang na batayang ambag ng mga
_______ at _______ na takbo ng kompanya sa pag-unlad ng bansa?
kalakalan. A. Kabuuang pag-unlad ng
A.limitado, mabagal, mahal, at mababaw bansa
B. malawak, mabagal, mataas, at malalim B. Paglikha ng hanapbuhay
C. malawak, mabilis, mura, at malalim C. Pagpapayabong ng mga
D. may katamtamang lawak, mabilis, negosyo
mataas, at mababaw
D. Pagtaas ng antas ng interest
rates
2. Nahuhumaling sa anime ang
magkakapatid na Cruz. Anong aspeto
5. Responsibilidad ng mga mamamayan
ng globalisasyon ang tinutukoy sa
maging ng mga kompanya ang
sitwasyon?
pagbabayad ng buwis. Ang mga buwis
A. ekonomiko
na makukuha mula sa sektor ng
B. teknolohikal
ekonomiya ay magagamit ng
C. politikal
pamahalaan para sa
D. sosyo-kultural
________________________.
A. pagpapalakas ng ekonomiya
3. Ang mga Multinational Companies
B. pagpondo ng mga
(MNC’s) at Transnational Companies
programang pang-imprastraktura
(TNC’s) ay mga malalaking kompanya
gaya ng paliparan, ospital,
na may malawak na operasyon ng
paaralan, at iba pa
negosyo sa iba’t ibang bansa. Alin sa
C. panustos sa mga proyektong
sumusunod ang HINDI kabilang.
panlipunan
A. Business Process
D. Lahat ng nabanggit
Outsourcing (BPO)
B. Kompanya ng langis
C. Pharmaceutical companies
D. Small Scale Businesses

7
6. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng
positibong epekto sa mamimili ng
pagkakaroon ng mga dayuhang 9. Kalimitang kumukuha ng mga
produkto sa bansa? manggagawa ang mga MNC’s at TNC’s
A. Maraming pagpipilian ang mga sa mga papaunlad na bansa. Ito ay sa
mamimili kadahilanang:
B. Bababa ang kita ng lokal na negosyo A. Cheap Labor
C. Magkakaroon ng mataas na bilang ng B. Masunurin ang mga
underemployed manggagawa sa kanilang employer
D. Dadami ang bilang ng mga prodyusers C. May malasakit sa kapwa
D. Skilled ang mga manggagawa
7. Isa sa mga epekto ng globalisasyon ay
sa pamamagitan ng mabisang
pagpapadaloy ng kultura ng isang 10. Ang dahan-dahang pagkawala ng taal
bansa patungo sa iba pang mga bansa na kultura at pagyakap sa kultura ng
gamit ang ____________________. iba ay sinasabing dulot ng pagkaka
A. Gawi ng mga tao “expose” ng mga tao sa makabagong
B. Kasuotan teknolohiya. Ang pangyayaring ito ay
C. Tradisyon sinasabing karugtong at negatibong
D. Teknolohiya epekto ng globalisasyon. Alin sa mga
pagpipilian na sitwasyon ang
8. Ang kawalan ng access sa edukasyon nagpapakita ng nabanggit:
para mapahusay ang skills sa paggamit A. Nagtiktok si Maria.
ng teknolohiya ay dulot ng B. Gumawa ng origami si
_____________________. Nelson.
A. kahirapang nararanasan ng C. Ginaya ni Dindo ang gawi,
mga mamamayan bihis at pananalita ng kanyang
B. katamaran ng tao Korean Pop idol.
C. kawalan ng oportunidad D. Wala sa nabanggit.
D. kawalan ng suporta ng
pamahalaan
Gawain 2.5
A. Kaya mo ba ito? Gumawa ng isa hanggang tatlong minutong “VLOG” na
nagpapakita ng solusyon sa negatibong epekto ng globalisasyon. Gamitin ang

Karagdagang Gawain

konsepto ng “THINK LOCAL and ACT GLOBALLY” bilang lunsaran ng iyong


lilikhaing video blog. Pagkatapos ay ipadala mo ang nalikhang VLOG sa iyong guro
para mabigyan ng puntos.
Rubriks sa pagmamarka ng gawain
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Orihinalidad Orihinal na ideya sa paggawa ng vlog
10
Nakapaglahad ng angkop na solusyon sa
Nilalaman negatibong epekto ng globalisasyon 10

Pagkamalikhain Gumamit ng kakaibang paraan sa paglalahad ng


paksa 5

Kabuuang Presentasyon Maayos at malinaw ang presentasyon


5
Kabuuan 30

B. Nagawa mo ba? Paano mo nagawa ang iyong vlog? Mayroon ka bang suliranin sa
paggawa mo nito? Nakatulong ba ang iyong kaalaman sa mga suliranin ng
globalisasyon para mahanapan ng tugon ang mga negatibong epekto nito sa
mamamayan. Ipaliwanag ang iyong kasagutan sa isang buong papel.

8
10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3
Epekto ng Globalisasyon
Ikalawang Bahagi
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Epekto ng Globalisasyon (Ikalawang Bahagi)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Perchy L. Reyes


Editor: Lorna June S. Vallano
Tagasuri: Michael M. Mercado
Maria Katherine T. Estrella
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Dominador B. Bautista III
Jay-ar P. Bangayan
Tagalapat: Maria Katherine T. Estrella
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Isang magandang araw sa iyo! Sa modyul na ito ay ipagpapatuloy ang pagtalakay sa


epekto ng globalisasyon sa pang-araw-araw na galaw ng lipunan, ekonomiya at politika gayundin
ang tugon sa hamong dulot nito. Ang karikatura sa ibaba ay nagpapakita ng simbolo ng bunga
ng globalisasyon sa mundo.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Kabuuang Epekto ng Globalisasyon sa Politikal, Ekonomiko at Sosyo-Kultural
na aspekto
Aralin 2 – Tugon sa Hamon ng Globalisasyon

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa


modyul na ito ay inaasahang makakamit mo
ang sumusunod na pinakamahalagang
kasanayan (most essential learning
competency -MELC) at mga kaugnay na
kasanayan sa pagkatuto:
1. Naiisa-isa ang mga epekto ng globalisasyon;
2. Nasusuri ang mga epekto ng globalisasyon
(MELC);
3. Natataya ang mga epekto ng globalisasyon
bilang isyung panlipunan; at
4. Nakabubuo ng sariling solusyon upang
matugunan ang epekto ng globalisasyon.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno o hiwalay na papel.

1. Ito ay isang proseso ng pagdaloy ng 3. Anong larangan ang nabago ng


mga tao, bagay, kaalaman at globalisasyon kung ang layunin na
impormasyon na nakapagpabago sa pagkakaisa ay nakamit sa
buhay ng tao at lipunan. Ano ito? pamamagitan ng mga kasunduan
A. Deregulasyon ng samahang naitatag?
B. Globalisasyon A. Ekonomiko
C. Liberalisasyon B. Politikal
D. Migrasyon C. Teknolohikal
D. Sosyo-kultural
2. Maraming epekto ang globalisasyon
sa sanlibutan. Alin sa sumusunod 4. Ito ay pangunahing salik sa mabilis
ang HINDI? na pagkalat ng kultura ng isang
A. Paglalapit ng relasyon ng bansa. Ano ito?
mga bansa A. Sulat
B. Pagpapalitan ng kalakal at B. Teknolohiya
kultura C. Telebisyon
C. Pagtutulungan sa paglutas D. Transportasyon
ng suliranin
D. Pagsasarili ng mga 5. Alin sa sumusunod ang nawawala
mahihirap na bansa sa isang bansa sa patuloy na
paglawak ng globalisasyon?
A. kalayaan
B. natatangi
C. paglapit ng tao
D. palaasa

1
Modyul
Epekto ng Globalisasyon
3 Ikalawang Bahagi
Ang globalisasyon ay may manipestasyon sa iba’t ibang aspekto: ekonomiya,
sosyo-kultural at politikal. Ito ay nagdudulot ng mabuti at di mabuting epekto sa mga
aspekto na ito sa mga bansa sa daigdig. Kaya naman, marapat din na matugunan ng
pamahalaan ang mga di mabuting epekto nito upang maprotektahan ang sariling
ekonomiya, kultura at pagkakakilanlan ng bansa.

Balikan

Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung totoo o hindi ang
mga pahayag. Kung totoo, isulat ang salitang TAMA. Kung hindi naman ay tukuyin ang
salita o grupo ng salita na nagpamali dito.
1. Ang globalisasyon ay proseso ng pakikipag-ugnayan ng mga tao, mga
kompanya, at mga pamahalaan sa buong mundo.
2. Ayon kay Scholte 2005, ang globalisasyon ay naka-ugat na sa bawat isa.
3. May iba’t ibang pananaw tungkol sa pagsisimula ng globalisasyon.
4. Ayon kay Therborn, may anim na “wave o panahon ang globalisasyon. Ang
anim na panahon na ito ay may katangian. Itinampok niya na ang
globalisasyon ay hindi isang bagong phenomenon o pangyayari at hindi rin
siklo.
5. Ang globalisasyon ay nagaganap sa mayayamang bansa lamang.

Tuklasin

Pansinin mo ang karikatura sa ibaba. Ito ang


kadalasan napapanood sa telebisyon, naririnig sa
radio, nababasa sa pahayagan, at isa sa mga
laman ng sosyal medya. Ito ay isang
kontemporaryong isyung panlipunan na may
malaki at malawak na epekto sa ekonomiya,
kalusugan, edukasyon at iba pa. Ang
pangyayaring ito ay maaari dahil sa
globalisasyon.

Sa iyong sariling kuwaderno, buuin ang nilalaman


ng bawat task.

2
Task 1: Itala Mo ko!
Panuto. Ilista ang iyong mga nakikitang bagay sa larawan. Isulat ang sagot sa
kuwaderno
1.) _____________________
2.) _____________________
3.) _____________________
4.) _____________________
5.) _____________________

Task 2: Ikonek Mo Ko!


Panuto. Mula sa mga bagay na iyong nakita at naitala, pag-ugnay-ugnayin mo ang mga
ito upang makabuo ng isang maikling kuwento at isulat ito sa iyong kuwaderno.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Pamprosesong mga Tanong:
1. Batay sa iyong pagsusuri sa karikatura. anong suliranin ang kinakaharap ng
ating bansa at buong mundo sa ngayon?
2. Paano nagsimula ang pandemyang ito?
3. Maaari mo bang maiugnay ito bilang epekto ng globalisasyon? Bakit?

Suriin

Kabuuang Epekto ng Globalisasyon


Sa paglipas ng panahon may mga kaisipan at damdamin ang mga tao na unti-
unting nabago ng globalisasyon. Gaya ng pangamba ng tao na maaaring magkaroon ng
digmaan kapag hindi nagkakaunawaan ang mga bansa, ang takot na maaaring
bumagsak ang ekonomiya ng bansa dahil sa hindi tamang paggamit ng pinagkukunang-
yaman at ang pakiramdam na nag-iisa at walang karamay.
Kung pagmasdan mo ang iyong paligid, maraming pagbabagong naibunga ang
globalisasyon sa aspektong politika, lipunan, ekonomiya, kultura at teknolohiya.
1. Pagbabagong Politikal
Ang pagkakaisa ng liderato ay pagkakaisa ng mga bansa at pagkakaisa ng buong
mundo. Ito ang pangunahing epekto ng globalisasyong politikal. Paano kaya binago ng
globalisasyon ang galaw ng politika sa lipunan, bansa o mundo?
Bahagi na ng kasaysayan ng mundo ang naranasan nitong digmaan tulad ng Cold
War, World War I, at World War II. Ang pangyayaring ito ay nag-ugat sa pagkakaiba ng
prinsipyo at pilosopiya ng mga bansa. Hinangad ng mga tao na wakasan na ang
ganitong pangyayari dahil sa masamang epekto nito sa lipunan kung kaya nagkaroon
ng mga kasunduan ang mga bansa na maaaring bilateral o multilateral. Maliban dito

3
nagsimula nang magtatag ng mga iba’t ibang samahang panrehiyon at pandaigdig na
nagsisilbing instrumento ng mabilis, malalim at malawak na relasyon o ugnayan ng
mga bansa. Samakatuwid, ang globalisasyong politikal ang nagsira sa pagsasarili ng
mga rehiyon o bansa. Halimbawa ng samahan ay ang United Nations at ASEAN.
Malaki ang epekto ng pagiging bahagi ng samahan sapagkat sa pamamagitan nito
madaling masolusyonan lalo sa mga mahihirap na bansa ang
suliraning kinakaharap nito sa kalusugan, kahirapan,
edukasyon, kapaligiran, terorismo, at iba pa. Bahagi ng
kasunduan ng mga kasapi ng samahan ay ang pagtutulungan
sa isa’t isa para maibigay ang
disenteng pamumuhay ng mga
mamamayan. Isa pang
binigyan-diin sa kasunduan ay
ang usaping teritoryal na kung Pinagkunan:
saan nagbigay-daan ito upang https://commons.wikimedia.org/wiki/File:
ASEAN_Embleme.png
manatili ang matibay na
Pinagkunan: pagkakaisa, kapayapaan, kalayaan at pagkamit ng
https://pixabay.com/vectors/united- karapatan ng isang bansa.Ngunit ang globalisasyong
nations-blue-logo-uno-303670/ politikal ay maaaring maging hadlang sa pag-unlad ng
isang bansa kung mauuna ang pambansang interes ng mga maunlad at
makapangyarihang bansa. Daan rin ito ng pang-aabuso sa pinagkukunang-yaman at
posibilidad ng unti-unting pananakop ng teritoryo.

2. Pagbabagong Ekonomiko
Mabilis ang nagaganap na pagbabago sa pang-ekonomiyang kalagayan ng mga tao
at bansa. Mula sa simple hanggang sa pagiging maunlad na pamumuhay. Marahil dahil
ito sa globalisasyong politikal na kung saan ang pagbubuklod ng mga bansa ay
nagbunga ng pagkakaisa ng ekonomiya sa buong daigdig. Ang sitwasyong ito ay
tinatawag na globalisasyong ekonomiko na nakapokus sa galaw ng kalakalan. Ano-ano
ang magpapatunay na mabilis ang paglago ng kalakalan sa ating bansa?
Taong 1565-1815 nang naganap ang “Manila-
Acapulco Galleon Trade” na nagpapaalala sa atin ng
masiglang kalakalan ng Pilipinas sa Espanya, Mexico, at
Tsina. Hindi lang dito nanatili ang nasabing transaksyon
sapagkat umabot ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas
sa Hilagang Amerika, Australia at sa iba’t ibang bahagi
ng mundo. Naging malaya ang kalakalan ng mga bansa
na nagresulta ng malayang pagpasok ng mga bagay na
makatutugon sa pangangailangan ng mga tao at ng
ekonomiya. Tulad ng serbisyo, kapital, kaalaman,
kasanayan, ideya, impormasyon at teknolohiya.
Pinagkunan:
Pagdaan ng ilang taon, ang Pilipinas ay sumali sa https://i.pinimg.com/564x/0b/55/65/0b55
mga pandaigdigang samahan tulad ng World Bank (WB), 659d6eca48c2203e089cb598a434.jpg
International Monetary Fund (IMF), at World Trade
Organization (WTO). Ang WTO ay nagsisilbing porum para sa mga negosasyon tungkol
sa mga regulasyon ng pakikipagkalakalan. Mekanismo rin ito ng pag-aayos ng mga di
napagkakasunduang isyu sa kalakalan. May polisiyang ipinapatupad upang higit na
maranasan ang malayang kalakalan. Ito ay ang Free Trade Agreements (FTA) na
tumutukoy sa kasunduan ng dalawa o higit na mga bansa na bawasan ang mga sagabal
o hadlang sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at serbisyo. Gaya ng
pagpataw ng maliit o walang taripa, kota, at sabsidiya. Halimbawa sa Pilipinas, dahil sa
mataas na kompetisyon sa ekonomiya ang mga iniluluwas na agrikultural na produkto
o hilaw na materyales ay naibebenta sa murang presyo. Samantala ang mga inaangkat
na yaring produkto mula sa ibang bansa ay nasa mataas na presyo. Nangyayari rin ito
sa mga OFW na tumatanggap ng mababang halaga ng sahod.
Ang pagkatatag ng mga nasabing samahan at pagbuo ng mga kasunduan ay
nagpalawak sa implementasyon ng pamumuhunang internasyunal. Simula ito ng

4
pagsulpot ng mga Multinational Companies o Corporations sa iba’t ibang bansa.
Nagbigay ito ng mga oportunidad sa pag-eempleyo ng mga mamamayan ng iba’t ibang
bansa lalo sa mahihirap na bansa. Makikita natin na maraming Pilipino ang nangibang-
bansa dahil globalisasyong ekonomiko. Batay sa Philippine Statistics Authority, 2018
Survey on Overseas Filipino Workers by Place of Work, 90.4% sa Asia, 5% sa Europe,
3.3% sa North at South America, 0.8% sa Australia, 0.5% sa Africa. Nakabuti ito sa
pamumuhay ng maraming mamamayang Pilipino. Ngunit maaari rin ito ang dahilan ng
pagkasira ng relasyon ng ilang pamilyang Pilipino. Bilang ambag sa ekonomiya, ang
paglago ng kalakalan at pamumuhunan ay nakapagpasok ng dolyar sa bansa.
Sa kabilang banda hindi nakatulong ang globalisasyong ekonomiko. Sapagkat
naging daan rin ito ng pagbagsak ng mga maliliit na industriya dahil hindi makaagapay
sa galaw o sistema ng mga malalaking investor o namumuhunan.
3. Pagbabagong Teknolohikal at Sosyo-kultural
Ang isa sa mga katangian ng globalisasyon ay ang paglalapit ng mga tao (human
contact) at mga bansa. Malayo na ang narating na pagbabago sa paraan o sistema ng
pag-aaral, pakikipag-ugnayan, pakikitungo, at pakikisalamuha ng mga tao dahil sa
pag-unlad ng teknolohiya. Naging mabilis ang patuloy na pagpapalitan ng kaisipan,
kuro-kuro, kaalaman, pag-uugali, tradisyon, at kultura sapagkat hindi tumigil ang tao
sa pagtuklas ng mga makabagong kagamitan. Sa ganitong paraan mapabibilis ang daloy
ng mga mahahalagang bagay na kailangan ng mga tao para sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang galaw na ito ay isang proseso ng integrasyon o tinatawag na
globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural.
Sa ngayon, malimit na ginagamit ang internet, social
media, at internasyonal na paglalakbay sa pagkalat ng
kultura at paglawak ng relasyon o pagkakaugnay maging
ito man ay domestiko o internasyonal. Narito ang
infographic ng oras ng paggamit ng mga Pilipino sa social
media.
Ipinapakita rito sa infographic na bahagi na ng pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang paggamit
ng mobile phone, tablet, laptop, computer, internet, at
social media. Ang Pilipinas ang may pinakamahabang
oras ng paggamit ng social media sa isang araw. Ibig
sabihin mataas ang pagtanggap sa paggamit ng mga
teknolohiyang digital na maaaring makatutulong sa
paghahanapbuhay, at pagtugon ng mga pangunahing Pinagkunan:
pangangailangan. Mapabibilis rin nito ang paghatid at https://www.philstar.com/headlines/2018/02/03/
1784052/philippines-still-worlds-social-media-
pagkamit ng mga iba’t ibang serbisyo tulad ng
edukasyon, kalusugan, komunikasyon, transportasyon, produksyon, kalakalan, at
libangan, kaya sa ngayon nauuso na ang e-trade o e-commerce, e-mail, e-games, e-
books, e-learnings at iba pa.
Ang globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural ay maaaring dahilan ng pagbaba
ng pagiging natatangi (uniqueness) ng isang bansa, pagkakahiwalay ng mga indibidwal
sa kanilang kultura at tradisyon. Dagdag pa nito ay ang pagkalat ng mga sakit sa bansa
at buong mundo tulad ng SARS, COVID 19, at iba pa. Sa kasalukuyan, lahat tayo
ngayon ay nararamdaman ang pandemyang dulot ng Covid 19 na nagbigay-daan na
mabago ang operasyon ng bawat sektor ng lipunan.

Tugon sa Hamon ng Globalisasyon


Tunay na binago ng globalisasyon ang bawat aspeto ng pamumuhay ng tao,
maging ito ay sa ekonomiya, politika at sosyo-kultural. Sa mga pagbabagong ito, hindi
maiiwasan ang mga hamong dinulot ng globalisasyon sa bawat bansa. Kaya naman
marapat na tugunan ng bawat bansa ang hamong ito. May ilang hakbang ang ginagawa
ng mga pamahalaan sa iba’t ibang panig ng daigdig:

5
A. Guarded Globalization. Kahit na bukas ang bansa sa mga industriya at kalakal
ng ibang bansa ay binibigyang proteksyon pa rin nito ang lokal na industriya o
namumuhunan.
Halimbawa:
1. Pagpataw ng taripa o buwis sa mga produktong galing sa ibang bansa
2. Pagbibigay ng subsidiya sa mga namumuhunang lokal

B. Patas na kalakalan o fair Trade. Ito ay tungkol sa mas mabuting presyo,


disenteng kondisyon sa pagtatrabaho at patas na mga tuntunin ng kalakalan
para sa mga magsasaka at manggagawa lalo na sa papaunlad na bansa o
developing countries. Ito ay kaayusan upang matulungan ang mga prodyusers
sa mga umuunlad na bansa na makamit ang napapanatili at pantay na ugnayan
sa kalakalan

Pagyamanin

Ngayon na naunawaan mo na ang aralin tungkol sa “Epekto ng Globalisasyon”,


handa ka na bang sagutan ang mga gawain? Kunin mo na ang iyong kwaderno at
simulan mo na.

Gawain 3.1
Pagtukoy ng Larawan. Suriin ang mga karikatura. Hanapin sa kahon ang aspekto ng
globalisasyong inilalarawan nito. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Mga Pagpipilian: Aspekto


1. Ekonomiko 3. Teknolohikal at Sosyo-kultural 5. Politikal
2. Ispiritwal 4. Pisikal

Gawain 3.2
Pagbuo ng TLPE Template. Kopyahin at sagutan sa kuwaderno ang talaan tungkol sa
epekto ng globalisasyon sa tao, sa lipunan, sa politika, sa ekonomiya.
EPEKTO NG GLOBALISASYON
Tao Lipunan Politika Ekonomiya

6
Isaisip

Gawain 3.3
Tanong-Sagot. Unawain ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Isagawa

Gawain 3.4
Mungkahi mo, Share mo na! Batay sa iyong natutunan ay magbigay ng tig-isang
epekto ng globalisasyon sa bawat aspekto nito. Isulat at ipaliwanag ito sa ikalawang
hanay. Sa ikatlong hanay naman ay magbigay ng konkretong mungkahi kung paano
dapat matugunan ang bawat epektong dulot nito.

Aspekto ng Epekto Mungkahing Tugon


Globalisasyon
1. Politika
2. Ekonomiya
3. Sosyo-Kultural
Rubrik sa pagmamarka ng gawain:
Nilalaman Nailahad ang sapat at wastong mga detalye at 10
impormasyon
Paglalahad Makatuwiran at makatotohanan ang naihayag 10
na na tugon o mungkahi
Kabuuan 20

7
Tayahin

Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang pagkabuo at pagkatatag ng mga E.
samahang panrehiyon at pandaigdig ay F. N
nagdulot ng mabilis at malawak na
ugnayan ng nagkakaisang mga bansa. 4. Ang globalisasyon ay hindi palaging
Anong aspekto ang inilalarawan nito? positibo ang epekto sa mga tao, lipunan
A. Globalisasyong Ekonomiko at ekonomiya. Lahat MALIBAN SA ISA ay
B. Globalisasyong Politikal mga negatibong dulot ng globalisasyon
C. Globalisasyong Sosyo-kultural dahil daan ito ng__
D. Globalisasyong Teknolohikal A. Pagbangon ng bansa sa
2. Ang malayang kalakalan sa buong kahirapan.
mundo ay paglalarawan ng B. Pagkalat ng mga impormasyon
globalisasyong ekonomiko. Tayong mga sa paggawa ng mga illegal na
Pilipino ay nagagalak dahil sa mabuting gawain.
epekto nito sa ating pang-araw-araw na C. Pagkawala ng pagkakakilanlan
pamumuhay, MALIBAN SA ISANG ng isang rehiyon o bansa.
SITWASYON. Alin dito? D. Pagnanakaw ng mga
A. Nakapagbigay ng trabaho sa mga importanteng rekord o
mamamayan. dokumento ng isang institusyon
B. Nakapagpasok ng kita sa bansa. o “file hacking”.
C. Nalugi ang mga lokal na
namumuhunan. 5. Ikaw ay isang miyembro ng lipunan,
D. Natugunan ang kakulangan sa nakikita mo ang epekto ng globalisasyon
produkto at serbisyo. sa politika, ekonomiya, teknolohiya at
3. Ang paglago ng teknolohiya ay kultura. Ano ang iyong magiging tugon?
nakatutulong sa pagsulong ng A. Gawing hamon sa buhay ang
globalisasyon. Alin ang HINDI kapani- mabuti at masamang epekto ng
paniwala? globalisasyon.
A. Naibabahagi nito ang B. Ipagkibit balikat ang mabuting
naipagmamalaking kultura ng dulot ng globalisasyon.
bansa. C. I-post sa social media ang
B. Napabibilis nito ang mga damdamin tungkol sa epekto ng
serbisyong panlipunan, pang- globalisasyon.
edukasyon at pang-ekonomiya. D. Palawakin at linangin ang
C. Napaglalapit nito ang relasyon mabuting epekto ng
ng mga tao o bansa. globalisasyon.
D. Nasasala nito ang mga bansang
mahirap at maunlad.

Karagdagang Gawain

Gawain 3.5
Panayam at Palitang-kuro. May mga natutunan ka na tungkol sa aralin na ito. Bilang
karagdagang kaalaman hingin ang panig naman ng isang kilalang tao sa lipunang iyong
ginagalawan tungkol sa epekto ng globalisasyon. Halimbawa ang opisyales ng inyong barangay,
isang pinuno ng organisasyon, isang negosyante, at iba pa. Nasa ibaba ang mga gabay na tanong
sa pagsasagawa ng panayam. Isagawa ang gawain gamit ang teknolohiya. Isulat ang reaksyon
sa hiwalay na papel. Kailangan maibahagi ito sa mga kamag-aral.

8
10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Isyu sa Paggawa
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Isyu sa Paggawa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joy M. Amarante
Editor: Maria Katherine T. Estrella
Tagasuri: Michael M. Mercado at Maria Katherine T. Estrella
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Maria Katherine T. Estrella
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw! Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang isyu sa paggawa. Ipaliliwanag


ang kalagayan ng mga manggagawa sa bawat sektor ng ekonomiya at iisa-isahin ang iba’t ibang
suliraning nararanasan ng mga manggagawang Pilipino.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


tatlong aralin. Ito ay ang
sumusunod:
Aralin 1 – Kalagayan ng Paggawa sa
iba’t ibang sektor ng Ekonomiya
Aralin 2 – Suliranin sa Paggawa sa
Bansa
Aralin 3 – Epekto ng mga Isyu sa
Paggawa

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral


sa modyul na ito ay inaasahang
makakamit mo ang sumusunod na
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto (most essential learning
competency - MELC) at mga kaugnay
na layunin:
1. Nailalarawan ang kalagayan ng paggawa sa bansa;
2. Naipaliliwanag ang kalagayan at suliranin sa isyu sa paggawa sa bansa (MELC);
3. Nasusuri ang epekto ng mga hamon sa paggawa sa mga manggagawang Pilipino; at
4. Naibabahagi ang sariling reaksyon tungkol sa isyu ng paggawa.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ito ay tumutukoy sa mga tao na may sa sumusunod na sitwasyon ang
edad 15 pataas na may sapat na sumasalungat sa pahayag?
lakas, kasanayan, at maturidad A. Ang tinatanggap na sahod ng
upang makilahok sa gawaing may Tatay ni Emman ay hindi
layuning lumikha ng produkto o nakasasapat sa gastusin ng
magbigay ng serbisyo. pamilya sa loob ng isang buwan.
A. Lakas Paggawa B. Dahil sa tinanggap na bonus ni
B. Produksyon Francine ay nakabili siya ng
C. Trabahador bagong modelo ng cellphone.
D. Overseas Filipino Worker (OFW) C. Pagkatapos ng 5 buwan ay
2. Sila ang itinuturing na buhay at naghahanap ng trabaho si
sandigan ng industriya dahil sa Mariano upang matustusan ang
mahalaga nilang papel na pangangailangan ng kanyang
ginagampanan sa produksyon gamit pamilya.
ang kanilang lakas, talino, D. Hindi natatanggap sa trabaho si
kasanayan, at kakayahan. Angel dahil hindi sapat ang
A. Tagapamagitan kanyang kwalipikasyon sa
B. Negosyante inaplayang trabaho.
C. Salik ng produksyon 5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
D. Manggagawa nagpapahiwatig ng epekto ng mga
3. Ito ang itinuturing na bibliya ng mga hamon sa paggawa sa mga
manggagawa sa Pilipinas. Ano ito? manggagawang Pilipino?
A. Civil Code A. Pangingibang-bansa ng
B. Revised Penal Code kababaihan upang magtrabaho
C. Labor Code B. Pagtaas ng antas ng mga may
D. Hammurabi Code trabaho sa bansa
4. Ang mga manggagawang Pilipino ay C. Pagiging globally competitive ng
humaharap sa iba’t ibang anyo ng mga manggagawang Pilipino
suliranin at hamon sa paggawa. Alin D. Pagwawakas ng sistemang endo
o contractualization

1
Modyul

4 Isyu sa Paggawa
Ang kalagayan ng paggawa sa bansa ay isa sa mga problemang hindi agad mabigyan ng
konkretong solusyon sapagkat habang lumilipas ang araw ay tila nanganganak ang mga
suliraning may kaugnayan dito. Ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga manggagawa sa
pamamagitan ng mga batas at programa na mangangalaga sa manggagawa ay dapat na gawing
prayoridad dahil sa kanila nakasalalay ang pagsulong ng ating ekonomiya sa kabuuan.

Balikan

Mula sa mga paksang napag-aralan mo tungkol sa globalisasyon ay kompletuhin mo ang


tsart sa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot mo sa hinihingi ng bawat kolum. Piliin sa ibabang
kahon ang kasagutan sa bawat tsart.

A. Anyo ng Globalisasyon
ANYO SAGOT
Ang relasyon sa pagitan ng mga bansa, panrehiyon man o
pandaigdigang organisasyon ay pinagbubuklod ng mga kasunduang
bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa na nagbigay-daan sa
mabilis na palitan ng mga produkto, kaalaman, kahusayang teknikal
at maging ng migrasyon ng kani-kanilang mamamayan.
Ang usapin tungkol sa pakikipagkalakalan gaya ng export, import; at
negosyo gaya ng papel na ginagampanan ng multinational corporation,
transnational corporation, at outsourcing ay malaking epekto sa
pamumuhay at ekonomiya ng isang bansa.
Ang paggamit ng iba’t ibang gadgets, devices at iba pang kagamitang
teknolohikal ay may mabuti at di-mabuting dulot sa pamumuhay ng
mga tao.

GLOBALISASYONG GLOBALISASYONG GLOBALISASYONG SOSYO-


EKONOMIKO POLITIKAL KULTURAL

B. Solusyon sa mga Hamon ng Globalisasyon


SAGOT SOLUSYON
Pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na
kalagayan ng maliliit na namumuhunan gaya ng mapanatili ang
tamang presyo ng mga produkto at serbisyo, mapangalagaan ang
kapaligiran, at karapatan ng mga manggagawa.
Pagsasagawa ng pamahalaan ng mga hakbangin upang hikayatin at
proteksyunan ang mga lokal na namumuhunan gaya ng pagpataw ng
taripa o buwis at quota sa mga produkto at serbisyong nagmumula
sa ibang bansa, pagbibigay ng ayuda o subsidiya sa mga maliliit na
negosyante.

Tuklasin

Bilang panimula ng talakayan para sa


modyul na ito, pagmasdan ang
larawan sa ibaba at sagutin ang mga
tanong na may kaugnayan dito.

2
Pamprosesong Tanong:

1. Anong mga isyu sa paggawa


ang nakita mo sa larawan?
2. Pamilyar ka ba sa mga
isyung ito?
3. Sa iyong palagay, paano ito
nakaaapekto sa mga
manggagawang Pilipino?

Suriin

Ang lakas paggawa ay isang mahalagang salik ng produksyon. Ito ay binubuo ng mga
indibidwal na may edad 15 pataas na may sapat na lakas, kaalaman, kasanayan, at maturidad
sa paglikha ng produkto at pagkakaloob ng serbisyo. Sila ang itinuturing na puwersang
nagsusulong ng kaunlaran at ang mga manggagawa ang mga tunay na nag-aangat sa ekonomiya
ng bansa.
Bagamat nauunawaan ng lahat ang mahalagang papel na ginagampanan ng paggawa sa
pagdaloy ng proseso at pagpapatuloy ng galaw ng bawat sektor ng ekonomiya, marami pa rin sa
ating manggagawa ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng paglabag sa kanilang mga karapatan
bilang isang tao. Ayon sa ulat ng International Trade Union Confederation (ITUC) Global Rights
Index sa taong 2019, ang Pilipinas ay napabilang sa “top 10 worst countries in the world for
working people”. Masasalamin sa ulat na ito na hindi maayos ang kalagayan ng paggawa sa
bansa.
Pag-aralan ang sumusunod na paglalahad ng kalagayan ng paggawa sa bansa mula sa
iba’t ibang sektor ng ekonomiya:

Kalagayan ng Paggawa sa iba’t ibang Sektor ng Ekonomiya


A. Sektor ng Agrikultura
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng
ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular
ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya sapagkat dito nagmumula ang mga
pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Hindi maipagkakaila na sa kabila
ng kahalagahan ng sektor na ito ay patuloy itong nakararanas ng iba’t ibang suliranin gaya ng
sumusunod:
1. Kakulangan sa mga patubig
2. Hidi sapat na suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda lalo na kapag may
nanalasang sakuna sa bansa
3. Pag-convert ng agricultural lands upang maging commercial lands na pagtatayuan ng
subdibisyon, pook pasyalan (malls), at iba pang establisyimento
4. Pagkasira ng mga kabundukan at kagubatan, at bio-diversity
5. Kakulangan sa paggamit ng teknolohiya, imprastraktura, pasilidad
6. Paglaganap ng mga patakarang neo-liberal sa bansa dahil sa globalisasyon

Ang agrikultura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at maging katuwang


ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa sumusunod na kahalagahan:
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.
2. Pinagkukunan ng hilaw na materyal para makabuo ng bagong produkto.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor
ng Industriya at Paglilingkod.
B. Sektor ng Industriya
Ang sektor ng industriya ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng
ekonomiya ng isang bansa. Bilang sekundaryang sektor ng ekonomiya ay naipopoproseso nito
ang mga hilaw na materyales mula sa sektor ng agrikultura upang makabuo ng isang
panibagong produkto o serbisyo. Sa paglikha ng produkto at serbisyo ay lumilikha rin ito ng

3
trabaho. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunan ng pamahalaan ng kita para ipantustos sa mga
programa at mga proyekto nito. Ang industriya rin ang nagsusuplay ng mga produkto sa loob at
labas ng bansa. Malaki rin ang papel na ginagampanan ng sektor na ito sa transpormasyon ng
isang lipunan mula sa pagiging rural, agrikultural, atrasado at mapamahiin papuntang urban,
industriyal, at makabago. Sa kabila nito ay maraming isyu ang hinaharap ng sektor na ito na
nagpapahirap sa kalagayan ng mga manggagawa sa loob nito. Ilan sa mga ito ay sumusunod:

• Pagpasok ng mga TNC’s at iba • Imposisyon ng IMF (International


pang dayuhang kompanya Monetary Fund) at WB (World Bank) sa
pagpapautang sa bansa

• Pagsasapribado ng mga • Malayang pagpasok ng mga dayuhang


pampublikong serbisyo produkto at serbisyo sanhi ng import
liberalization

• Mahabang oras sa pagpasok sa • Kawalan ng sapat na seguridad para sa


trabaho mga manggagawa

C. Sektor ng Serbisyo
Gaya ng nabanggit sa unang mga sektor ay may mahalagang ginagampanan din ang
ikatlong sektor na ito sa pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan. Ang pagtitiyak na
makararating sa mga konsyumer ang mga produktong mula sa mga sakahan at mga pagawaan
ay nakasalalay sa sektor na ito. Samakatuwid, masasabi na magkakaugnay ang bawat sektor
ng ekonomiya sapagkat nagtutulungan ang bawat sektor sa pag-angat ng ekonomiya.
Ang mga manggagawa sa sektor na ito ay hindi rin ligtas sa mga isyu o suliranin na
nagpapalala sa kanilang kalagayan ng paggawa. Ilan sa mga isyung ito ay ang mababang
pasahod, hindi makatarungang oras at bigat ng trabaho, mga sakit at panganib sa trabaho, at
ang kakulangan ng suporta sa mga small and medium enterprises (SMEs).
Sa kabuuan, bagamat batid natin na lubhang mahalaga ang papel na ginagampanan ng
iba’t ibang sektor ng ekonomiya sa pagsulong ng isang bansa ay patuloy pa rin na hindi
naiaangat ang kalagayan ng paggawa na nagdudulot ng hindi kagandahang sitwasyon sa mga
manggagawa na lalo pang pinalala ng paglaganap ng COVID-19 pandemic sa bansa at sa buong
mundo.
Suliranin sa Paggawa sa Bansa
Unemployment at Underemployment
Ang unemployment o kawalan ng trabaho ay isang sitwasyon kung saan ang mga
manggagawa ay walang mapasukang trabaho kahit na sila ay may sapat na kakayahan,
kasanayan, at pinag-aralan samantalang ang underemployment naman ay ang sitwasyon kung
saan ang mga manggagawa ay hindi sapat o kulang sa walong (8) oras ang oras ng pagtatrabaho,
kasama rin dito ang mga manggagawang hindi angkop ang kanilang trabaho sa pinag-aralan at
tinapos na kurso sa kolehiyo. Sa sitwasyong ito ay nagaganap ang job mismatch o skills
mismatch. Ginagamit din ang terminong job mismatch kapag ang isang jobseeker o
naghahanap ng trabaho ay nabigo na matugunan ang mga kinakailangang kasanayan at
kwalipikasyon na kinakailangan upang matupad ang mga kinakailangan ng job market na
nagreresulta sa kawalan ng trabaho.

Pinagkunan: https://psa.gov.ph/content/employment-situation-july-2020

Ang unemployment rate o ang antas ng kawalan ng trabaho noong Hulyo 2020 ay
tinatayang nasa 10 porsyento na mas mataas kaysa sa unemployment rate ng parehong buwan
noong isang taon na 5.4 porsyento lamang, ngunit mas mababa kaysa sa record na mataas na
17.7 porsyento noong Abril 2020. Ang mga walang trabaho na mga Pilipino na 15 taong gulang
pataas ay tinatayang nasa 4.6 milyon noong Hulyo 2020, mas mataas ng 2.1 milyon kumpara
sa parehong panahon noong isang taon ngunit mas mababa ng 2.7 milyon sa buwan ng Abril.

4
Ang underemployement rate ay bumaba sa 17.3 porsyento noong Hulyo 2020
kumpara sa pagtantya ng 18.9 porsyento noong Abril 2020. Gayunpaman, ang underemployment
rate na ito ay mas mataas pa kaysa sa pagtatantya noong Hulyo 2019 na 13.6 porsyento lamang.
Sa mga tuntunin ng bilang, humigit-kumulang na 7.1 milyon ang mga taong walang trabaho
hanggang Hulyo 2020, dahil sa iba't ibang mga kaayusan sa pagtatrabaho at binawasan ang
oras ng pagtatrabaho na ipinatutupad ng mga kompanya o establisyimento. Noong Hulyo 2019
at Abril 2020, halos 5.8 milyon at 6.4 milyong mga Pilipino, ayon sa pagkakabanggit, ay mga
underemployed.

Ang mga numerong makikita sa talahanayan ay mga indikasyon na patuloy na


lumulubha at nadagdagan ang mga suliraning may kaugnayan sa paggawa.

Usapin sa Mababang Pasahod


Isang malaking usapin palagi sa paggawa ang may kaugnayan sa kabayaran o kapalit na
ipinagkaloob na serbisyo. Ang minimum wage o pinakamaliit na sahod ng mga manggagawa sa
Metro Manila ay nasa pagitan lamang ng Php 500.00 – Php 537.00 at ito ay patuloy na
pinagtitiisan ng mga Pilipino dahil nasa sitwasyon sila na wala silang magawa kundi tanggapin
na lamang ito upang magkaroon lang ng laman ang kanilang bulsa at may maiuwi sa pamilya
na sa kanila lang umaasa.
Noong Nobyembre 2018 ay inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity
Board (RTWPB) ng Metro Manila ang Php 25.00 umento ng minimum wage earners. Ang
halagang makikita sa tsart sa ibaba ay ang sahod na tinatanggap sa mga lungsod ng Caloocan,
Las Pinas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Paranaque, Pasay,
Pasig, Quezon, San Juan, Taguig, Navotas, and Valenzuela at ang munisipalidad ng Pateros.

Pinagkunan: https://nwpc.dole.gov.ph/regionandwages/national-capital-region/
Kung ikokompara ang minimum wage na tinatanggap ng mga nasa National Capital
Region sa mga karatig-lugar at lalawigan sa buong bansa ay higit na mataas sa Metro Manila.
Ngunit dapat na isaalang-alang na magkaiba ang pamumuhay sa urban o lungsod kaysa sa
rural o probinsya. Ang mga presyo ng bilihin sa lungsod ay kadalasang mas mahal kaysa sa
probinsya kaya naman hindi pantay ang sahod na tinatanggap ng mga manggagawa sa iba’t
ibang panig ng bansa. Masasabi rin na mas mahirap mamuhay sa lungsod dahil lahat ng galaw
ay nangangahulugang gastos. Ang nakakaawang sitwasyon ng mga maliliit na manggagawa ay
patuloy na ipinaglalaban ng mga grupo ng manggagawa at iba pang katulad na samahan.

Cheap and Flexible Labor


Matagal na panahon ng nararanasan ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang panig ng
bansa ang pahirap at mapang-abusong pagpapatupad at patuloy na paglala ng “mura at flexible
labor”. Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita
sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Ang labor cost sa Pilipinas ay nanatiling kabilang
sa pinakamababa sa ASEAN. Ngunit sa kabilang banda, ito ay maaaring ituring na double-edged
sword sapagkat magiging kaakit-akit ito sa mga dayuhang neyosyante na kuhanin ang serbisyo
ng ating mga propesyonal at mahuhusay na manggagawa na maaaring magdulot ng brain drain
at brawn drain. Ang brain drain ay ang pag-alis o migrasyon ng mga propesyonal na
manggagawa papunta sa ibang bansa upang ipraktis ang kanyang pinag-aralan at
espesyalisasyon samantalang ang brawn drain naman ay ang pag-alis ng mga manggagawang
may teknikal na kaalaman at kasanayan papunta sa ibang bansa upang magtrabaho.

Kontraktuwalisasyon (Contractualization)
Ang contractualization ay tumutukoy sa Filipino slang na endo o end of contract. Ito ay
ang proseso ng pagbibigay ng kontrata sa isang manggagawa na may takdang panahon o bilang
ng buwan sa kanilang pagtratrabaho sa isang kompanya o pagawaan. Kilala din ito sa sistemang
“5–5–5" kung saan ang isang empleyado ay nawawalan ng trabaho pagkatapos ng limang (5)

5
buwan at ang pag-renew muli ng kontrata ng panibagong 5 buwan upang maiwasan ang pag-
regular sa isang manggagawa.
Isa pang kahulugan ng kontraktuwalisayon ay deceptive contractorship o ang
pagtanggap at pagturing sa isang empleyado bilang isang “contractor”. Dahil dito maaaring
maiwasan ng kompanya ang magbigay ng mga benepisyo sa contractual employee tulad ng SSS,
Pag-ibig, PhilHealth at ang mga isinasaad na bonus at kabayaran sa Labor Code of the Philippines
gaya ng holiday pay, 13th month pay, at iba pa.
Ang sistemang ito na umiiral sa bansa ay naging instrumento ng mga kapitalista upang
magkamal ng yaman. Sa paraang ito napagsasamantalahan ang mga maliliit na manggagawa
dahil nakaiiwas ang mga namumuhunan na bigyan sila ng tamang sahod at benepisyo. Pero sa
kakulangan ng trabaho ng maraming Pilipino ay kumakapit sa patalim at pumapayag sa
ganitong sistema ng pagsasamantala.

Iskemang Subcontracting (Subcontracting Scheme)


Ang impluwensyang dala ng globalisasyon ay lalong pinatingkad ng malayang pagpasok
ng mga dayuhang kompanya na direktang nagiging kompetisyon ng mga lokal na kompanya sa
bansa. Ang mga liberal na mga kasunduan sa pagitan ng mga bansa ay mas nakahikayat sa
mga dayuhang kompanya na magtayo ng negosyo sa loob ng bansa at patuloy na isagawa ang
iskemang subcontracting sa paggawa na naging malaking hamon sa pagpapaangat ng antas ng
pamumuhay ng mga maliliit na manggagawa.
Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang
kompanya (principal company) ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor
upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. Sa iskemang ito ay
lumilitaw na may iba’t ibang aktor ang gumaganap sa magkakaibang gawain. Una, ang
principal company na kadalasang Multinational Corporations (MNCs) at Transnational
Corporations (TNCs). Ikalawa, ang subcontractor na siyang magiging tagapamagitan sa
prinsipal na kompanya at ng mga manggagawa. Ikatlo ay ang manggagawa na siyang
magsasagawa ng trabaho ayon sa pinirmahang kontrata.
May dalawang umiiral na anyo ang subcontracting: ito ay ang labor-only contracting at
and job contracting. Nagaganap ang Labor-only Contracting kung ang subcontractor ay walang
sapat na puhunan o kapital gaya ng kagamitan o makinarya upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo at ang tanging pagre-recruit o paglalagay ng mga manggagawa upang isagawa ang
trabaho o serbisyo para sa principal company. Ang gawaing ito ay ilegal at hindi ito pinapayagan
ng batas. Sa kabilang banda, itinuturing naman na legal sa bansa ang Job-contracting dahil
ang subcontractor ay isang independiyenteng negosyo na may sapat na puhunan upang
gampanan ang trabaho o magkaloob ng serbisyo sa ilalim ng sarili nitong responsibilidad
alinsunod sa sarili nitong pamamaraan, at malaya sa pagkontrol at direksyon ng principal
company. Sinisiguro ang karapatan ng mga empleyado na kontraktwal sa lahat ng pamantayan
sa kaligtasan sa paggawa at trabaho, karapatan sa self-organization, security of tenure, at social
at welfare benefits.
Ang gabay sa pagpapatupad sa tinatawag na “permissible job contracting” ay nakalahad
sa Department of Labor and Employment (DOLE) Department Order No. 174, s. 2017. Sa
dokumentong ito ay inilahad ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Article 106 hanggang
109 ng Labor Code of the Philippines. Ang kodigo na ito ay siyang itinuturing na “bibliya ng mga
manggagawang Pilipino”. Sa kasalukuyan, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order
No. 51 upang maprotektahan ang karapatan sa seguridad ng pagtatrabaho (security of tenure)
ng mga manggagawa at ipagbawal ang contracting at subcontracting. Nilalabag nito ang
karapatan ng mga manggagawa sa security of tenure, self-organization at collective bargaining, at
mapayapang pagsasagawa sa gawain. Sa kabila ng kautusang ito, hindi pa rin nito nawakasan
ang kontraktuwalisasyon at iba pang kaugnay na isyu sa paggawa. Sa katunayan, ang mga
batas na nabuo na ang layunin ay maprotektahan ang mga manggagawang Pilipino ay hindi
sapat at may malaking pagkukulang dahil patuloy pa ring nalulugmok sa kumunoy ng
kahirapan at patuloy pa rin ang paglabag at pang-aabuso sa kanilang mga karapatan.

Epekto ng mga Isyu sa Paggawa


Ang mga isyu sa paggawa gaya ng mababang minimum wage, ang pagiging kontraktuwal,
ang mapang-abusong patakaran at hindi makataong kondisyon ng mga manggagawa sa mga
kompanya, pabrika at pagawaan ay patuloy pa ring nangyayari sa buong Pilipinas. Napakaluma
na ng mga isyung lumalabag sa karapatan ng mga manggagawa, pero hindi pa ito natugunan
nang maayos dahil sa hindi epektibong pagpapatupad ng batas, hindi sapat na pagbibigay ng
prayoridad sa mga hinaing ng mga manggagawa, at maging ang personal na interes ng mga
kapitalista.
Isa sa mga epekto ng mga isyu sa paggawa ay ang exodus o pangingibang bansa ng mga
manggagawang Pilipino. Ang ating mga propesyonal kagaya ng mga engineers, architect, nurses,
teachers, at iba pang manggagawang mental ay napipilitang umalis ng bansa upang magkaroon
ng mas malaking kita, malawak na oportunidad sa trabaho, at maayos na working environment.
Ang pangyayaring ito ay magdudulot ng brain drain dahil magkakaroon tayo ng mga kakulangan

6
sa mga aspektong kagaya ng ipinagkakaloob nilang serbisyo sa lipunan. Gayundin ang
mangyayari kapag ang mga mahuhusay nating manggagawang pisikal o ang mga manggagawang
may kaalamang teknikal gaya ng mga digital animators, gadget technicians at iba pa ay umalis
sa ating bansa at sa ibang bansa iaplay ang mga kaalaman at kasanayang teknikal sa paglikha
ng produkto o serbisyo. Ang sitwasyong iyan ay magdudulot naman ng brawn drain.
Kung atin namang titingnan ang resulta ng 2019 survey sa mga Overseas Filipino, ang
bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng
panahon ng Abril hanggang Setyembre 2019 ay tinatayang nasa 2.2 milyon. Sa datos na ito ay
makikita na mas mataas ang proporsyon ng mga babaeng OFWs (56.0%) kaysa sa mga lalaking
OFW (44.0%). Bagamat may magandang implikasyon ito para sa women empowerment, hindi pa
rin ito maituturing na tagumpay sapagkat nangangahulugan ito ng pag-iwan sa kanilang mga
anak lalo na kung ang mga batang iiwan ay musmos pa lamang. Nalalaman natin ang malaking
parte ng ina sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang
mga sitwasyong ito ay nagiging mitsa ng pagkawasak ng isang pamilya o pagkapariwara ng mga
anak.
Sa kabuuan, ang iba’t ibang isyu sa paggawa ay lubos na nakaaapekto sa kalagayan ng
mga manggagawa higit lalo sa mga dugo at pawis ang puhunan upang magkaroon ng kita at
matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Isyu sa Paggawa”, masasagot mo


ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Isaisip

Isaisip

Gawain 4.3
Let’s Do The Socratic
Method. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel

7
Isagawa

Tayahin

Karagdagang Gawain

You might also like