You are on page 1of 24

Suring Basa

Ang Parabula ng Banga


I. Pagkilala sa may akda-
Ang kwentong “Parabula ng Banga” ay walang tiyak na may akda.
 II. Uri ng Panitikan-
Ang kwentong “Parabula ng Banga” ay halimbawa
ng parabola.
III. Layunin ng may akda- Ang kanyang layunin ay mapahayag sa mga mambabasa ang
kahalagahanng pagsunod sa mga binilin ng magulang.IV. Tauhan at TagpuanBangang gawa sa
lupa
 –
 Ang bangang nakalimutan ang bilin ng kanyang ina.Inang Banga
 –
 
Ang laging nagpapaalala sa kanyang anak na siya’y gawa sa lupa.
 Ibang Banga
 –
 
Ang mga bangang nakilala ni bangang lupa na gawa sa iba’t
-ibangmateryales.Porselanang Banga
 –
 Ang makisig na banga na nagyaya kay bangang lupa namaligo sa lawa.Lawa - Kung saan
niyayang maligo ng porselanang banga ang bangang gawa salupa.V. BanghayA. Simula - Lagin
g pinaaalala ng inang banga sa kanyang anak na siya’y gawa sa
lupa.Ang sagot lang ng kanyang ina kung bakit niya pinauulit iyon ay para hindimakalimutan
ng kanyang anak.B. Papataas na Aksyon
 –
 Hanggang sa dumating ang panahon na nakakita siya ng
mga bangang gawa sa iba’t
-ibang materyales tulad ng porselana at metal.At anghindi niya maunawaan na bawal
makisalamuha sa bangang iba sa kanya.C. Kasukdulan
 –
 Ngunit isang makisig na porselanang banga ang nagalok kaybangang lupa na maligo sa
lawa.Nang lumaon ay sumama rin siya sa porselanangbanga upang maligo sa lawa.D. Pababang
Aksyon
 –
 Tumalon at nagtampisaw sa lawa ang dalawa.Ngunit biglangmalon ng malakas at nagbungguan
ang dalawang banga.E. Wakas - Walang galos o gasgas ang porselanang banga ngunit
nagkaroon ngpilat ang bangang gawa sa lupa.Habang unti-unting nababasag at lumulubog
satubig ang bangang gawa sa lupa naalala niya ang bilin ng kanayang ina.VI. Aral - Laging
making sa mga payo at paalala ng mga magulang dahil magiging gabay natin ito samagandang
buhay at upang wala tayong pagsisihan sa huli.
SINTAHANG ROMEO AT JULIET

ni William Shakespeare

Mula sa Inglatera

PAGKILALA SA MAY-AKDA:
Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatista. Itunuturing na isa sa
pinakamahusay sa mga manunulat sa wikang ingles at tanyag sa daigdig ng literatura. Itinuturing siyang maestro
sa paggawa ng soneta at mga dula. Ilan sa mga isinulat niyang popular na dulang trahedya ay ang Hamlet,
Othelio, King Lear, Romeo at Juliet at ang Macbeth. Ang kaniyang mga dula ay isinalin sa iba’t ibang wika at
ipinalalabas sa iba’t ibang bersiyon hanggang sa kasalukuyan.

Ang pangunahing pinagkukunan ni Shakespeare para kay Romeo at Juliet ay isang tula ni Arthur Brooke na
tinatawag na The Tragicall Historye ng Romeus at Iuliet, na isinulat noong 1562. Maaaring kilala rin niya ang
popular na kuwento ni Romeo at Juliet mula sa isang koleksyon ni William Painter, na pinamagatang The Palace
of Pleasure , na isinulat bago ang 1580. Samantalang ang iba naman ay nagsasabing dahil sa kanyang murang
edad ay gusto nitong mag eksperimento ng iba't ibang mga ideya na hindi pa namamalas sa mga dula noong
panahon na iyon. Tulad ng ideya ng malaking pagkakaiba ng pag-ibig at pagkamuhi. Ang pagganap sa mabuti at
masama.

URI NG PANITIKAN:
Ang Sintahang Romeo at Juliet ay isang dula na mula sa Inglatera.Ang Dula ay akdang pampanitikan na ang
layunin ay maitanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos, at galaw ang kaisipan ng may-akda.

LAYUNIN NG AKDA:
Ipinapakita ng akda ng kahit ano pa ang uri o kalagayan ng pamumuhay ay maaaring magmahal ng wagas sa
kabila ng mga suliraning kinakaharap.

TEMA O PAKSA NG AKDA:


Ang pagkakaroon ng wagas na pag-ibig hanggang kamatayan.

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:


Romeo - mula sa pamilya ng mga Montague
Juliet - nag-iisang anak ng mag-asawang Capulet
Tybalt - pinsan ni Juliet
Capulet - ama ni Juliet
Nars - ang tagapag-alaga ni Juliet
Padre - ang nakakaalam ng relasyon nina Romeo at Juliet
Baltazar - pinagkakatiwalaang kaibigan ni Romeo
Butikaryo - gumagawa ng lason.

TAGPUAN/PANAHON:
- Sa bulwagan ng mga Capulet kung saan may nagaganap na kasiyahan.
- Sa tahanan ng mga Capulet kung saan palihim na nagpunta si Romeo.
- Sa simbahan kung saan kausap nina Romeo at Juliet ang pari.

NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:


- Sa unang tagpo ipinakita kung ano ang saloobin ng dalawang pangunahing tauhan.  
- Sa ikalawang tagpo naman ipinamalas kung saan at paano nagtagpo sina Romeo at Juliet.
- Sa ikatlong tagpo naman naganap ang pagpapahayag ng nararamdaman nina Romeo at Juliet sa isa't isa.
- Sa ikaapat na tagpo naman ang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan kasama ang isang pari.
- Sa ikalimang tagpo naman ay nagtungo si Juliet para mangumpisal sa pari.
- Sa ikaanim na tagpo nakita ng nars ang halos walang buhay na si Juliet.
- Sa ikapitong tagpo nalaman ni Romeo ang nangyari kay Juliet kaya humanap siya ng taong gumagawa ng lason.
- Sa ikawalo at huling tagpo naman naganap ang pinakamatinding trahedya sa pagmamahalan nina Romeo at
Juliet nang inumin ni Romeo ang lason at sa muling pagmulat ni Juliet ay nakita ang bangkay ni Romeo kaya
itinarak niya ang balaraw sa kanyang dibdib.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA:


Ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet na humantong sa kamatayan ay nagdulot ng pagkakasundo ng kanilang
mga pamilya. Isang trahedya na nagbunga ng isang magandang pangyayari.

ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/TEORYANG PAMPANITIKAN:


   Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay padayalogo o pagpapalitan ng mga salita ng mga tauhan sa dula upang
mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang damdamin ng bawat tauhan na nagbibigay naman  ng
kakaibang kaisipan ng mga mambabasa nito.

TEORYANG PAMPANITIKAN:

- Romantisismo dahil ipinakita ang wagas na pag-iibigan nina Romeo at Juliet.


- Klasismo dahil sa mga kaganapan noon na nararanasan natin hanggang ngayon.
- Realismo ang pagkakaroon ng ‘di pagkakaunawaan ng kanilang mga pamilya.
- Feminismo dahil tinatanggalan si Juliet ng kalayaang magpasiya para sa sarili ng kanyang mga magulang.
- Eksistensyalismo dahil nagdesisyon sila na ipaglaban pa rin ang kanilang pagiibigan.
- Marksismo dahil sa alitan ng kanilang mga magulang.
- Sosyolohikal dahil sa pagpipilit ng mga magulang ni Juliet na ipakasal siya sa ibang lalaki.
- Dekonstruksyon dahil sila ay nagpakamatay sila sa halip na harapin at umamin sa kanilang mga magulang.

BUOD:
Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay nakikipagsayaw ay nakita siya ni Romeo
mula sa hanay ng mga kababaihan. Nabihag ng kagandahan ni Juliet ang puso ni Romeo.
Si Romeo naman ay hindi napigilan ang sarili at nilapitan si Juliet at hinagkan ang kamay nito at mula noon ay
palihim na nagpupunta si Romeo sa tahanan ng mga Capulet para makita ang sinisintang dalaga na nabighani na
rin sa taglay na katangian ng binata. Nagpasya ang magkasintahan na magpakasal sa kabila ng pagkakaalit ng
kani-kanilang pamilya.
Ipinagkasundo ng mga magulang si Juliet sa ibang lalaki at sa ganitong kadahilanan kaya naman si Juliet ay
naisipang magkunwaring patay para makatakas sa kanyang pamilya subalit ito ay hindi nakarating sa kaalaman
ni Romeo na dahil sa labis na kalungkutan sa inaakalang kamatayan ng dilag na minamahal ay kinausap niya ang
isang butikaryo para sa isang lason na kikitil din sa kanyang buhay. Kaya naman sa muling pagmulat ng mata ni
Juliet at nakita ang walang buhay na si Romeo ay kinuha ang isang balaraw at tinarak sa kanyang dibdib.
 
Suring Basa sa Nobela
‘’Sa Mga Kuko ng Liwanag’’
 
I.Pamagat, May-akda, Genre
Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes. Isinalaysay nito ang
buhay pakikipagsapalaran nina Julio at Ligaya na kapwa galling sa probinsya.
II.Buod
Si Ligaya ang naunang nagbabasakali kasama ang isang babae nanagngangalang Mrs. Cruz na
nangako sa kanya ng isang simpleng trabaho namay posibilidad na siya ay makapag-aral at
makapag-padala ng kauntingtulong sa naiwan niyang mga magulang at kapatid. Pagkalipas ng
ilang panahon na hindi makapagpadala ng sulat si Ligaya sa kaniyang mgamagulang
at pati na rink ay Julio, kaya naisip nito na sundan sa maynila siLigaya upang hanapin.Sa
paghahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa lungsod.Tulad ng ipinahihiwatig
ng pamagat ng nobela, maaakit siya sa mgamagagandahang liwanag ng kamaynilaan.
III.Paksa
Ang paksa ay ang pagsasalarawan nito sa lugar, pangyayari at tauhangmapupuntahan,
nararanasan at makikilala nina Julio at Ligaya.
IV.Bisa
ito ay makakatohanang salamin ng lipunan ang nobela. Mabisa sapagkat hindiito tinatago ang
katotohanan.

SURING
PELIKULA
ABKD
INA
IPINASA NI:

JUDY D. SOLIS
III - EAGLE
IPINASA KAY:

GNG.ISABELO
 Highlight
 Add Note
 Share Quote

Pamagat:
ABKD INA
Tauhan:
Lorna Tolentino
Albert Martinez
Nida Blanca
Aiza Marquez
Matet De Leon

Istoryang Pampelikula:
Tungkol sa isang ina na hindi nakapag-aral
Pagganap:
Maganda ang pagganap ng mga tauhan sa pelikulang ito at
ang pelikulang ito ay kapupulutan din ng aral.
Sinematograpiya:
Cinema Production
Disenyong Pamproduksyon:
Maganda ang pagkakadissenyo ng bawat eksena
Musical Iskoring:
Maganda ang musikang ginamit sa pelikulang ito
Paglalapat ng tunog:
Maganda at maayos ang tunog na ginamit
Buod:
Sa unang eksena ay may isang ina na nagtitinda ng mga kakanin sa paaralang kung
saan nag-aaral ang kanyang tatlong anak at dito rin nagtuturo ang kanyang biyanan na ina
ng kanyang asawa. Si Mila ay hindi marunong magbasa o sumulat man lamang dahil siya
ay hindi nakapag-aral. Si Mila ay palaging sinisirmonan ng kanyang biyenan dahil nga daw
sa hindi siya nakapag-aral at dahil dito hindi niya masyadong natuturuan ang kanyang mga
anak. Ang kanyang pangalawang anak ay hindi niya malapait sa kanya dahil palagi itong
nasa lola niya at ang bunso at panganay naman ay malapit sa ina dahil ang sabi ng
kanyang biyenan ay kagaya daw niya ang kanyang panganay na anak na mahina rin. Nang
dumating ang kanyang asawa ay kinausap niya ito na bumukod na sila at isama na lang sila
sa Maynila pero hindi pumayagang ina ni Albert pero pinilit pa rin ni Albert ang kanyang
ina na pumayag ng bumukod sila t pumayag naman ang kanyang ina at ng paalis na ang
pamilya ni Mila patungo sa Maynila ay puro bilin ang kanyang naririnig sa kanyang biyenan
tungkol sa mga gamot ng mga bata kapag nagkaroon ng lagnat at iba pa. ng sila ay
dumating sa Maynila hanggang doon ang kanyang trabaho ay pagtitinda parin ng mga
kakanin at dahil sa kanyang pagtitinda ng kakanin ay nakilala siyang isang babae na mabait
at mayroon din pala itong anak na babae na nasa nursery pa lamang at sa pinapasukan ng
anak ni Mila ay doon din nag-aaral ang anak ng kanyang kaibigan.

Isang gabi hindi pa rin umuuwi ang dalawang anak niya at ng dumating ang kanyang
asawa ay agad nila itong hinanap at hindi nila ito nakita pero ng umuwi sila ay nakita nila
ang dalawang bata na nakuwi na at agad na sinabi kung saan sila nanggaling. Isang hapon
umuwi na basang- basa ang anak niyang bunso at inaapoy na ng lagnat kunuha niya ang
gamot pero hindi niya alam kung ano sa dalawa ang gamot sa lagnat dahil nawala ang
pangalan ng gamot. Isinugot sa hospital ang bata at ang dahlan ng hindi pagbaba ng lagnat
ng bata ay dahil sa pagbigay ng maling gamot mabuti na lang at naagapan ang lagnat ng
bata. Sila ay bumalik sa bahay ng kanilang lola at si Mila ay hindi nagpakita sa kanyang
mga anak dahil nahihiya siya. Nang siya ay nawala ang ginawa niya ay nagbasa siya ng
nagbasa ng bibliya at natuto siyang magbasa. Isang araw siya ay pumunta sa paaralan
at tiningnan niya ang kanyang anak na bunso na nasa unang baiting pa lamang siya ay
nakisali sa pagbabasa ng mga bata at pinaupo naman ng kanyang biyenan sa klase niya si
Mila at pagkatapos noon ay nagkasundo na ang mga ito.

PAMAGAT: ANAK (Direksiyon ni Rory B. Quintos)

1. Tauhan

Vilma Santos bilang Josie (ina at OFW na nagtatrabaho sa Hong Kong)

Claudine Barretto bilangCarla (Panganay na anak ni Josie)

Joel Torre bilang Rudy (Asawa ni Josie)

Baron Geisler bilang Michael (Pangalawang anak ni Josie)

Amy Austria bilang Lyn (Natalik na kaibigan ni Josie at OFW sa Hong Kong)

Cherry Pie Picache bilang Mercy (Natalik na kaibigan ni Josie at OFW sa Hong Kong)
Sheila Mae Alvero bilang Daday (Bunsong anak ni Josie)

Leandro Muñoz bilang Brian (Kasintahan ni Carla)

Tess Dumpit bilang Norma

Cris Michelena bilang Arnel

Hazel Ann Mendoza bilangYoung Carla

Daniel Morial bilang Young Michael

Gino Paul Guzman bilang Don Don

Jodi Sta. Maria bilang Bernadette

Odette Khan Mrs. Madrid

Nagampanan ng mga tauhan nang maayos ang mga karakter na kanilang ginampanan. Ang bawat
salitang kanilang binibigkas at ang paraan ng kanilang pag-arte ay makatotohanan. Ang bawat pangyayari ay
nakaka-antig ng damdamin, kung kaya't nagiging emosyonal ang manunuod. Lahat ng pangyayari ay kapana-
panabik sapagkat hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari at ang mga "plot twist". Ang buong husay
na pagganap ng mga artista ang nagbigay buhay sa buong kwento kaya't itoy naging makatotohanan.

2. Istorya o Kwento

I. Buod ng Kwento

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang
domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang
kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang
kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang
kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.

Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong
Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong
ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay
mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera
lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na
lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-
aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami
pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang
pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga
kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.

Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang
si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para
magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila
bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at
nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa
muling pag-alis ng ina.

Base sa aking reaksyon sa pinanood na palabas, ang puso ko ay naantig at naging emosyonal sa mga piling
pagkakataon. Ang bawat pangyayari ay kaabang-abang sapagkat ang pelikula ay kakaiba sa paraan ng
pagkakalahad ng kwento bagama't ang kabuuang kwento ay pangkaraniwan, hindi mo masasabi kung ano ang
susunod na mangyayari.

Malalim ang istorya sapagkat hindi ito pangkaraniwan lamang na may mag-aaway at magbabati.
Ipinapakita ng kwento ang detalyado at eksaktong mga pangyayari kung bakit nagkaganoon ang kanilang
pamilya. Hindi paligoy-ligoy ang istorya sapagkat fokus nito ang mga pangyayari kung bakit kinamumuhian siya
ng kanyang anak na si Carla. Ang pangunahing tauhan na ginampanan ni Vilma Santos ay nagpapakita ng
katapangan sa pagharap niya sa suliranin- ang paglayo ng loob ng kanyang anak sakanya. Hindi niya tinakbuhan
bagkus ay hinarap niya ito ng buong lakas. Bagama't may mga pagkakataon na mahuhulaan mo ang susunod na
pangyayari, mas marami parin ang kaganapan na hindi mo mahuhulaan ang susunod.

Ang wakas ng kwento ay masaya sapagkat nagkaayos ang mag-ina at nagsimula ng bagong buhay ang mga
tauhan bilang isang buopng pamilya.

3. Pananalita

May mga pagkakataon na nagmumura ang karakter ngunit ito'y nagdadala sa mas mataas na antas ng
tunggalian sa pagitan ng mga karakter. Ang mga salitang mga ginamit ay hindi malalalim na naghatid sa mas
malalim na pag-unawa ng mga manunuod. Direktang ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang saloobin ng
walang paligoy-ligoy.

4. Tema o Paksa

Ito ay patungkol sa isang ina na nagtatrabaho bilang OFW sa Hong Kong at tinitiis na malayo sa pamilya
upang mabigyan ito ng magandang buhay. Naglalayon ito na ipaintindi sa mga kamag-anak ng mga OFW na hindi
sila umalis para takasan ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Ipinahahatid lamang nito na handang
gawin ng isang ina ang lahat para sa kanyang mga anak. At kahit anuman ang mangyari babalik at babalik ka
parin sa iyong ina.
5. Titulo

Ang titulo ay angkop sa pelikula sapagkat sakanya nagsimula ang problema, noong pinipilit niya na
lumayo ang kanyang ina sa kanilang magkakapatid. Ito rin ay sumisimbolo sa mga paghihirap ng ina at ang
kanyang mga paghihirap makuha lang ulit ang loob ng kanyang mga anak.

6. Cinematograpo

Ang mga anggulong kinunan ay angkop sa bawat pangyayari. Ang pagpalipat-lipat ng anggulo at fokus ng
camera ay mas nagbigay ng kulay sa buong kwento. Katulad rin ng visual effects. mas napaigting nito ang bawat
pangyayari, mas nagkakaroon ng malawak na 'access' sa mga pangyayari. Na-adjust rin ang mga camera upang
mabigyan ng diin ang mga ginagawa ng bawat karakter at para narin masundan ang mga aksyon na kanilang
ginagawa.

7. Aspektong Teknikal

Sa mga ganitong klaseng pelikula, nangangalaingan ito ng mga musika upang mas maantig ang damdamin
ng mga manunuod. Ang mga eksena ay hindi putol-putol, sunod-sunod ang pagkakalahad ng mga impormasyon.
Mayroon ring koordinasyon sa ilaw at tunog kaya't hindi ito magulo tingnan. Ang Editing ay napakahusay
sapagkat sunod sunod ang pagkakadugtong mga mga pangyayari at ito ay nakabuo ng maganda at epektibong
pelikula.
III.PAMAGAT
                      THE HEALING
   DIRECTOR: CHITO S. ROÑO

II.MGA TAUHAN

1.      Vilma Santos- bilang si Seth, ang pangunahing tauhan sa pelikula.


2.      Janice de Belen- bilang si Cita, isa sa mga kaibigan ni Seth at ina ni Cacai
3.      Pokwang- bilang  Alma, isang sa mga sinama ni Seth para magpafaith healing.
4.      Martin del Rosario- bilang Jed, anak ni Seth at kapatid sa labas ni Cookie.
5.     Kim Chiu- bilang Cookie, kapatid ni Jed sa ama a isa din sa mga nagpafaith healing.
6.      Daria Ramirez- bilang Manang Elsa, ang faith healer.
7.      Ces Quesada- bilang Chona, isa din sa mga sumama kay Seth para magpafaith
healing.
8.      Robert Arevalo- bilang Odong, tatay ni Seth.
9.      Ynez Veneracion- bilang Greta, , asawa ni Ruben, isa din sa mga sumama kay Seth
para magpafaith healing.
10.  Mark Gil- bilang Val, dating asawa ni Seth at tatay ni Jed at Cookie.
11.   Joel Torre- bilang Melchor, kapatid ni Manang Elsa. Siya ang pumatay kay Dario na
siya naming pumutol sa sumpa.
12.  Jhong Hilario- bilang Dario Mata, ang patay na binuhay ni Manang Elsa. Ang susi para
mahinto ang sumpa.

III. BUOD NG KUWENTO

            Dinala ni Seth (Vilma Santos) ang kanyang Ama sa isang faith healer matapos itong
mastroke. Makalipas ang ilang araw ay gumaling ang kanyang ama. Nabalitaan ito ng
kanyang mga kapitbahay at kaibigan maging ang kanyang anak at lumapit sa kanya upang
makiusap na dalhin sila sa faith healer na nagpagaling sa kanyang ama. Tumanggi siyang
dalhin ang half-sister ni Jed na si Cookie sa faith healer dahil baka mag away nanaman sila
ng dati niyang asawa. Binigay niya na lamang ang address ni Manang Elsa upang sila na
lamang ang pumunta,

            Sinamahan ni Seth ang kanyang mga kaibigan papunta kina Manang Elsa ngunit
ayon sa kanyang kapatid na si Melchor, mayroon daw siyang sakit at hindi na siya
makapanggagamot pa. Ngunit dahil sa pagpupumilit ni Seth, pumayag si Manang Elsa na
manggamot. Makalipas ang ilang araw, isa isa ng gumaling ang mga kaibigan ni Seth.
Ngunit isa isa ring namatay ang mga ito. Pumunta si Seth kasama si Cita kina Manang Elsa
upang alamin kung ano ang puno’t dulo ng sunod sunod na pagkamatay ng mga taong
nagpagamot sa kanya ngunit pagdating nila, nalaman nila kay Melchor na patay na si
Manang Elsa. Ipinaliwanag ni Melchor kina Seth at Cita na may dalawang paraan lang para
matigil ito: ang mapatay lahat ng nagpagamot kay Manang Elsa sa araw na yon o patayin si
Dario.

            Nagtapos ang pelikula sa pagkaputol ng sumpa dahil sa pagpatay ni Melchor kay
Dario. Naligtas si Cookie, Seth at Jed na papatayin na sana ng sinapian si Cookie.

 
IV. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI

     Gumaling ang ama ni Seth matapos niya itong dalhin sa isang faith healer. Nabalitaan
naman ito ng mga kaibigan, kapitbahay at ng anak niya. Lumapit sila kay Seth upang
makiusap na samahan/dalhin sila sa faith healer nayon. Dinala naman Seth sa isang faith
healer na nagngangalang Manang Elsa ang kanyang mga kaibigan upang ipagamot. 

   Makalipas ang ilang araw, gumaling ang kanyang mga kaibigan ngunit naging masaklap ang
kabayaran ditto. Isa isang namatay ang kanyang mga kaibigan dahil sa isang sumpa na dala ng
pagbuhay ni Manang Elsa kay Dario na patay na ng kanyang ginamot. Naputol ang sumpa sa
pagkapatay kay Dario.          
  
      Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Maganda rin ang estraktura at
pagkakabuo ng kuwento ng pelikula.  Naipahayag din ng maayos ang mensaheng nais
iparating ng pelikula.

V. PAKSA/TEMA

            Ang paksa ng pelikula ay nakapaloob din mismo sa pamagat nito- Ang
pagpapagaling ng mga karamdaman gamit ang mga kapangyarihang labas sa sakop ng
siyensya at medisina, kung hanggang saan ang makakayang abutin nito, at kung ano ang
maganda at masamang dulot ng paggamit ng kapangyarihang ito.

VI. LAYUNIN NG PELIKULA

         Ang layunin ng pelikulang ito ay makapghatid ng mga impormasyn, mensahe,  takot at


aliw sa mga manonood

 
 VII. CINEMATOGRAPIYA

          Isang suspense thriller ang genre ng pelikulang aming napanood. Ginawa ito upang
matakot at mapaisip ang mga manonood. Masasabing magaling ang mga artistang
gumanap na mga tauhan, ngunit may ibang parte ng pelikula ang hindi makatotohanan.

            Pasok naman ang mga special effects na ginamit sa pelikula at ang kaangkopan ng
mga tunog na ginamit ay nakapagdagdag ng tinatawag na “adrenaline rush” habang
nanonood ng pelikula. Maganda rin ang mga angulo sa pagkuha ng pelikula ngunit may
kaunting problema sa ilaw.

VIII. MENSAHE

         Pag-isipan mo muna ang mga bagay na gagawin mo dahil baka sa huli, magsisi ka.

Laging isaalang alang ang kabutihang panlahat at pansarili.


Seven Sundays (suring Pampelikula)

BUOD

Ito ay tumatalakay sa pamilya Bonifacio. Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan, isang balo
at dating kapitan ng kanilang Baranggay. Ang tanging kasama sama lang sa bahay ay si Jun.
Siya ay mayroong apat na anak na sina Allan,Bryan,Cha, at Dex. Sa kanyang kaarawan ang
mga ito ay di nakapunta. Malaking kalungkutan sa ama na hindi makasama ang kanyang mga
anak sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay, ngunit ano ang kanyang magagawa may
kanya kanya ng buhay ang mga ito. Isang gabi pumunta ang kanyang kaibigan doktor. Dito ay
napag-alaman niya na siya ay mayroong malubhang karamdaman ( Lung kanser). Ito ay dagli
nyang ipinagbigay alam sa kanyang mga anak. Dumating ang kanyang mga anak at pinag-
usapan ang problemang kinahaharap. Hindi na pumayag si Manuel na siya ay ipagamot pa ng
kanyang mga anak kaya’t siya ay humiling sa mga ito na sila ay magkasama-sama ng Pitong
Linggo habang siya ay nabubuhay. Pumayag ang mga ito, Ang mga anak at ang pamilya ng
mga ito ay pumupunta tuwing araw ng Linggo upang makapiling ang amang may sakit.
Masalimuot man ang naging umpisa ng kanilang pagsasama-sama ito ay naging maayos din
kung kaya’t ang ama ay nanghihinayang na mawala ang masayang pangyayari sa kanyang
pamilya. Hindi nya maamin na nagkaroon ng pagkakamali sa naging resulta ng kanyang
medikal. Isang gabing di pagkakasundo ng kanyang mga anak, lumabas ang mga hinanakit ng
bawat miyembro sa bawat isa’t isa. Dito napag alaman din na ang kanilang ama pala ay walang
malubhang karamdaman. Nagulat ang lahat at isa isang nagsi alisan ang mga ito. Sa
paglalabasan ng mga hinanakit napagtanto nila na sila ay mayroong kamaliang nagawa. Kung
kaya’t pinasimulan ng panganay na anak na si Allan na buuin uli ang pamilyang binalot ng
hinakit. Pinuntahan nya ang kapatid na si Bryan upang humingi ng paumanhin at
makipagkasundo dito. Nagkapatawaran ang magkapatid at nagkasundo sila na puntahan ang
iba pa nilang kapatid upang ayusin ang gusot sa pamilya. At sa huli ang kanilang ama naman
ang kanilang pinuntahan. Nagkaroon ng pagkakasundo sundo ang bawat isa. Kaya’t ang
sulirinanin kanilang kinahaharap ay nalutas na. Nagtulungan ang bawat isa sa paglutas nito.
Nagkaroon man ng di pag kakaunawaan sa pamilya ito kanilang inayos upang sila ay
magkasundo sundo. pagmamahal,pagkakaunawaan at pagkaka-isa ng bawat miyembro, ang
siyang sulusyon upang ang mabigat na suliranin ay malagpasan.

NILALAMAN

Kaarawan ni Manuel Bonifacio (Veldez) at inaasahan niya ang pagdating ng kanyang apat na
anak upang makipagdiwang.  Kaya nga lamang kailangang isugod sa ospital ang asawa ng
panganay na si Alex (Muhlach), habang nasa Singapore naman si Bryan (Dantes); ang
pangatlong si Cha (Reyes) ay may importanteng kliyente, at hindi naman mahagilap ang
bunsong si Dexter (Gil). Tanging ang kaibigang doktor lamang anv makakahabol. Kaya nga
lamang ay may dalang malungkot na balita may cancer si Manuel at dalawang buwan na
lamang ang taning. Dahil dito ay mapipilitan ang apat na saluhan at pasayahin ang ama sa
huling pitong Linggo ng kanyang buhay. Ang kaso nga lamang ay bukod sa may kani-kanyang
personal na pinagdaraanan ang apat, ay mga kimkim na sama ng loob pa sila sa isa’t isa.  Ang
tanong, magkakasundo ba ang magkakapatid bago matapos ang pitong Linggo?
Sa ngayon ay alam na nang nakararami ang sagot dahil unang araw pa lamang ng Seven
Sundays ay pinag-usapan at pinilahan na ito. Bakit nga hindi e bukod sa powerhouse casting,
tema ng pamilya na malapit sa loob ng Pinoy ito at may halong drama at komedya pa na
kinagigiliwan ng mga manunuod. Pero sa totoo lang hindi ang pormula ang naging dahilan ng
tagumpay ng pelikula. Unang una, ang matalinong pagkakapili sa mga nagsiganap dahil ang
pagka-angkop ay hindi lamang pisikal kundi sa kanilang ugnayan sa mga eksena. Walang
naging pabigat, kalabisan o nang-aagaw pansin. Lahat ay may tamang kinalagyan. At hindi
lamang ito usapan ng husay sa pagganap kundi kakayahan na bigyan ng balangkas ang
emosyonal at pagganyak ng mga kaeksena.Sa madaling salita—naging natural ang dating at
nakakaugnay ang mga nanunuod dito. Ikalawa: ang mismong kwento. Hindi naman ito bago o
katangi-tangi. Marami nang nagdaang pelikula na ganito rin ang tema (mula Tanging Yaman
hanggang Four Sisters and a Wedding) pero ang balanseng timpla ng drama at katatawanan ay
madaling sabayan. Madudurog ang puso sa hinagpis na pinagdaraanan ng mga tauhan, sasakit
ang tiyan sa kalokohan ng mga eksena, mangingiti sa kulitan ng magkakapatid at sa likod nito,
matatalupan ang buod ng hinanakit, kasaysayan at pagmamahalan sa loob ng pamilya. Ang
kwento ay simple pero isang paglalakbay sa buhay. Dapat rin bigyan nang puna ang
mabusising disenyo ng produksyon dahil mahigpit ang pagkakahabi nito sa mga mensahe ng
eksena.Sa kabuuan, ang tagumpay ng Seven Sundays ay ang tamang paggamit sa mga
elemento ng produksyon na tumulong upang maisulong ang kwento at mangibabaw ang
mensahe. 
Sabi nila, ang pagiging magkapatid ay nangangahulugan ng pagpapatawaran, pagbibigayan at
pagmamahalan lagi. Madaling sabihin, mahirap gawin. Dahil kadalasan, kung sino pa ang
kapatid ay siyang mas pinagseselosan, pinagkikimkiman ng sama nang loob, pinagdaramutan
ng pasensya, kinakalimutan,isinasantabi. Siguro, iniisip na porke’t kapatid e hindi na kailangang
maging maingat sa pakikitungo, “tutal kadugo”.  At dahil sa katwirang ito, madalas nasisira ang
samahan. Nagkakanta-kanya hanggang tuluyan nang mawalan nang pakialam sa isat isa. Pero
sa huli, ang makakahilom ayang pagkakabuklod, hindi lamang dahil kadugo kundi dahil iyon
ang mismong kalikasan ng pagiging tao… pagiging kapwa…pagiging kapatid. Ang kwento ng
mga Bonifacio ay kwento ng bawat pamilya--nagkakatampuhan, nagkakainggitan, may
napapabayaan… may nasasaktan. Pero sa huli, nagkakapatawaran. Nagmamahalan. Ang
kwento ay angkop sa lahat ng gulang—lalo para sa mga bata dahil makikita nila ang halaga ng
pagiging buo at kahulugan ng pagiging kapatid.

ARAL O TEMA

Kaligayahan at kalungkutan. Pagtutulungan at pagmamahalan. Makikita ang lahat ng iyan sa


pelikulang pinilahan ng taong bayan. Pamilya ang nagsisilbi nating sandalan. Palaging nariyan
at laging maaasahan. Hindi matutumbasan ng kahit na anong yaman. Sa pamilya umikot ang
istorya ng pelikulang Seven Sundays. Isa ito sa matatawag na obra maestra na likha ng Star
Cinema mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Ang pelikulang ito ay tungkol sa
magkakapatid na Bonifacio na muling nagsama-sama matapos nilang malaman
na may kanser ang kanilang ama at ito’y magtatagal na lamang ng dalawang buwan. Sa kanilang
muling
pagkikita, naungkat ang mga katanungang hindi nabigyan ng tamang kasagutan. Mga
problemang hindi nabigyan ng solusyon. At sa muling pagkakataon nagising ang diwa ng
inggitan sa pagitan nina Aga Mulach bilang Allan at Dingdong Dantes bilang Bryan. Ang pag-
ayaw nina Aga at Dindong sa asawa ni Cristine Reyes bilang
Cha. Ang pakiramdam ni Enrique Gil bilang Dex na siya’y nawalan ng saysay sa kanyang ama at
mga kapatid ay ilan lamang sa mga eksenang nagpabuhos ng luha sa mga manonod. Mga
eksenang nangyayari sa tunay na buhay. Mga eksenang patuloy na pinag-uusapan. Gaano man
kabigat ang isang problema, masusulusyunan ito kung sama-sama at nagkakaisa ang isang
pamilya.
Pagganap ng mga tauhan

 Aga Muhlach as Allan Bonifacio


 Dingdong Dantes as Bryan "Bry" Bonifacio
 Cristine Reyes as Charity "Cha" Bonifacio
 Enrique Gil as Dexter "Dex" / "Baby D" Bonifacio
 Ronaldo Valdez as Capt. Manuel Bonifacio.

 Donita Rose as Bechay Bonifacio


 Kyle Echarri as Marc Bonifacio
 Kean Cipriano as Jerry
 Kakai Bautista as Baby
 Ketchup Eusebio as Jun
 Jeffrey Tam as Mr. Kim
 April Matienzo as Camille
 Kin Billote as Kath
 Angelica Cruz as Leila
 Angelee Cruz as Sofia
 Gabriel Iribagon as Zac
 Alyanna Angeles as Yna
 Menggie Cobarriubias as Dr. Nelson
 Cameo Appearances Edit
 Iza Calzado as Juliana Smith
 Edward Barber as Gian Smith
 Ryan Bang as Mr. Kim

Suring Pantelebisyon
Ang Maalaala Mo Kaya o MMK ay isang Pilipinong dramang pantelebisyon na unang pinalabas
noong 1991. Ito ang pinamatagal na pinapalabas na antolohiyang drama sa Pilipinong telebisyon.
Ang MMK ay 28 taon nang pinapapalabas sa ABS-CBN at hinohost ni Charo Santos-Concio.
Pinapalabas ito kada Sabado mula 7:10 hanggang 8:45PM sa ABS-CBN, at tuwing mapapakinggan
sa radyo ang Maalaala Mo Kaya sa DZMM ngayong Lunes hanggang Biyernes mula 2:30 hanggang
3:00PM sa DZMM Radyo Patrol 630Khz.

Mga tanyag na mga Episode[baguhin | baguhin ang wikitext]

 "Regalo":kinatampukan ni Vilma Santos at Maja Salvador.


 "Rubber Shoes": Ang unang episode ng MMK na kinatampukan nila Romnick
Sarmenta at Vina Morales.
 "Abo": Nagpanalo kay Roderick Paulate ng Best Actor na parangal sa Asian TV Awards.
 "Song book":Nagpanalo kay Aiza Seguerra ng Best Actress na parangal sa Asian TV Awards.
 Maalaala Mo Kaya: The Movie: Pinalabas noong 1994 sa ilalalim ng Star Cinema,
Kinabibilangan ito nila Aiko Melendez, Richard Gomez at Chin Chin Gutierrez.
 "Rehas": Nagpanalo kay Gina Pareño bilang Best Actress sa isang pangtatanghal sa Asian TV
Awards noong 2007.[1]
 "Pilat": Na-nomina si Angel Locsin sa parangal na Best Single Performance by an Actress.[2]
 "Kalapati": Istorya Ni Ninoy at Cory - Dalawang parteng kuwento ng buhay nina Ninoy
Aquino at Cory Aquino.
 "Pasa": Pinalabas noong 21 Mayo 2016. Kinatampukan nina Raikko Mateo at Diego Loyzaga.

Mga Parangal[baguhin | baguhin ang wikitext]

 PMPC Star Awards para sa Telebisyon


 KBP Golden Dove Award
 Catholic Mass Media Awards
 Asian TV Awards
 Seoul Drama Awards
 24th Star Awards for Television

Suring Pantelebisyon
I-WITNESS
“BAHAY MUNA”
HOST: ATOM ARAULLO
MARCH 27, 2021

Ito ay isang Episode na nagmula sa programang I witness na galing sa isang


television network na GMA

Binago ng Covid-19 ang takbo ng buhay ng bawat Pilipino. Panahon ito kung saan
ang pananatili sa bahay ang magiging pinakamalaking ambag sa lipunan upang hindi
na kumalat pa ang virus. Kaya naman lahat ng klase ng komunikasyon ay idinaraan sa
pamamagitan ng teknolohiya. Ganito rin sa negosyo. Paano nga naman didiskarte
kung may mga nagsisimula pa lang bumangon, ngayo’y limitado na uli ang ilang
operasyon. Kaya ang solusyon ng marami—tuloy ang online selling.

Tulad na lamang ni Mardy. Iniwan niya ang pagiging guro upang mas mapagtuunan
ng pansin ang kanyang online business. Nagbebenta siya ng gowns na inangkat mula
sa Thailand, Vietnam, at Cambodia. Ilan sa mga kaibigan niya ang ginagawa niyang
modelo ng mga ito.

Para naman sa isang photographer na si Carlo, trabaho niyang makita at makunan ang
kanyang mga kliyente nang personal. Ngunit dahil sa umiiral na travel ban, isa sa mga
apektado ay ang pagkikita ng dalawang magkasintahan. Magkakaroon sana sila ng
prenuptial shoot ngunit hindi makauwi ng Pilipinas ang lalaki. Kaya naman para
matuloy ang plano, naisip ni Carlo na i-shoot ito online.

Kukumustahin din ang mga naitampok sa mga nakaraang episode na “Kunek. Nood.
Bili.,” dokumentaryo tungkol sa online selling bago ang pandemya at “Japan Beri
Goods,” storya ng tagumpay ng mga Pilipino sa pagbebenta ng Japan surplus items at
kung paano ito nagbago ngayon.

Ang “Bahay Muna,” dokumentaryo ni Atom Araullo, ay kwento ng kung paano


nagtagumpay, nakibagay at bumangon ang mga Pilipino sa gitna ng krisis. Ngayong
Sabado sa I-Witness, March 27, 10:15pm sa GMA.

KAMBAL KARIBAL
Ang Kambal, Karibal ay isang palabas na drama sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network na
pinagbibidahan nina Bianca Umali, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza at Miguel Tanfelix. Nag-
umpisa ito noong 27 Nobyembre 2017 sa GMA Telebabad na pumalit mula sa pangalawang
panahon ng Alyas Robin Hood.[1]

Mga tauhan at karakter[baguhin | baguhin ang wikitext]


Pangunahing tauhan[baguhin | baguhin ang wikitext]
 Bianca Umali bilang Crisanta "Crisan" Bautista / Victoria Enriquez Magpantay
 Pauline Mendoza bilang Criselda "Crisel" Bautista / Amanda Enriquez Magpantay
 Kyline Alcantara bilang Francheska "Cheska" de Villa / Cristina Generoso Magpantay / Criselda
 Miguel Tanfelix bilang Diego Ocampo De Villa
 Carmina Villarroel bilang Señorita Geraldine Enriquez-de Villa
 Marvin Agustin bilang Dr. Raymond De Villa
 Alfred Vargas bilang Allan Magpantay
 Christopher de Leon bilang Don Emmanuel Claveria
 Gloria Romero bilang Señora Anicia Enriquez
Suportadong tauhan[baguhin | baguhin ang wikitext]
 Jean Garcia bilang Teresa Abaya-Bautista
 Jeric Gonzales bilang Marcus "Makoy" Claveria
 Rafa Siguion-Reyna bilang Vincent
 Franchesca Salcedo bilang Norilyn
 Analyn Barro bilang Shirley
 Miggs Cuaderno bilang James Martinez
 Tina Paner bilang Azon Martinez
 Roence Santos bilang Black Lady
 Eliza Pineda bilang Patricia
 Sheila Marie Rodriguez bilang Jenny
 Ana Capri bilang Clara
Panauhin[baguhin | baguhin ang wikitext]
 Gardo Versoza bilang Noli Bautista
 Katrina Halili bilang Nida Generoso
 Sheree bilang Lilian Ocampo
 Raquel Monteza bilang Mildred Abaya
 Maritess Joaquin bilang Señora Amelia
 Robert Ortega bilang Priest
 Froilan Sales bilang Jericho
 Mike Lloren bilang Delfin Claveria
 Lynn Ynchausti-Cruz bilang Victoria Magpantay
 Juan Rodrigo bilang Tomas Magpantay
 Kelvin Miranda bilang John Enriquez
 Angela Evangelista bilang Olive Enriquez
 Princess Guevarra bilang Madel Gutierrez
 Tanya Gomez bilang Edna Gutierrez
 Gerald Madrid bilang Dado
 Jenny Miller bilang Lerma
 Elle Ramirez bilang Jane
 Lou Sison bilang Luisa
 Angie Ferro bilang Amang Editha
 Diva Montelaba bilang Linda
 Arra San Agustin bilang batang Geraldine
 Empress Schuck bilang batang Anicia
 Ashley Cabrera bilang batang Cheska
 Jazz Yburan bilang batang Crisanta
 Caprice Cayetano bilang batang Criselda
 Seth dela Cruz bilang batang Diego
 Jayzelle Suan bilang batang Daisy

Ang Eat Bulaga! ay isang variety show mula sa Pilipinas na pinoprodyus ng Television And


Production Exponents Inc. (TAPE) at kasalukuyang ipinalalabas sa GMA-7. Ang palabas ay
pinangungunahan nila Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, kasama ang iba pang mga co-
host. Isinasagawa ang palabas mula sa APT Studios, na matatagpuan sa kahabaan ng
Lansangang-Bayan Marcos sa Cainta, Rizal.
Ang programa ay sumasahimpapawid sa buong Pilipinas, pati na sa buong mundo sa pamamagitan
ng GMA Pinoy TV at sa live streaming nito sa YouTube.
Unang ipinalabas ang Eat Bulaga! noong 30 Hulyo 1979 sa noo'y RPN-9. Lumipat ang programa
sa ABSCBN-2 noong 1989, at sa GMA-7, kung nasaan ito umeere magpahanggang ngayon, noong
1995. Sa higit apatnapung taon nito sa ere, hawak na ng palabas ang rekord sa pagiging
pinakamatagal na pantanghaling variety show sa kasaysayan ng telebisyon sa Pilpinas.[2]
Ang Eat Bulaga! rin ang naging kauna-unahang palabas mula sa Pilipinas na nagkaroon ng
ibang franchise sa ibang bansa nang magkaroon ito ng adaptasyon sa Indonesia. Inaasahan din ang
pagkakaroon nito ng adaptasyon sa Myanmar mula nang i-anunsyo ito noong 30 Hulyo 2019, ang
ika-40 guning-taon ng programa.
Tema ng Eat Bulaga
Ang orihinal na tema ay nagsimula noong 1982 at isinulat ni Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at
inayos ni Homer Flores. Nang sumali si Aiza Seguerra sa palabas noong 1988 at nalipat sa ABS-
CBN noong 1989, ang ikalawa at ikatlong linya ng ikalawang saknong ay naging "Si Aiza at si
Coney/Silang lahat ay nagbibigay". Ang ikalawa at ikatlong linya ng saknong ay ginagamit pa rin
kahit na si Coney ay umalis sa palabas noong 1991 at may kaunting artista na nadagdag tulad
ni Jimmy Santos, Christine Jacob, Ruby Rodriguez, Lady Lee at si Rio Diaz ay madagdag sa mga
tauhan sa palabas ng "Bulaga".
Nung ang Eat Bulaga! ay nalipat sa GMA noong ika-28 Enero 1995, pinalitan ang ikalawang linya sa
ikalawang saknong at tinanggal ang pangalan ni Aiza at Coney sa liriko, at sa tugon sa lumalaking
grupo ng Eat Bulaga. Ganito ang naging linya: "Barkada'y dumarami". Gayumpaman noong 2003,
pinalitan ang linya ng SexBomb Girls ay gumawa ng sariling salin ng tema ng Eat Bulaga!. Sa
komposisyon ni Lito Camo. Ang linya ay naging "Buong tropa ay kasali".
Noong ika-25 taong anibersaryo noong 2004, umaawit lahat ang naging kasapi Eat Bulaga! at ang
linyang "Barkada'y dumarami" ang isinama sa liriko. Sa OBB noong 2004 ipinalit ang mga linya sa
ibang wika ng Bikolano, Cebuano, Waray-waray at Tagalog.
At noong 2005, ilang liriko ay re-arrange ni Francis Magalona. Ang linya ay "Saan ka man ay halina
tayo". Dinagdagan ng mga linya ni Francis Magalona ang sariling salin ng tema ng Eat Bulaga.
Gayumpan noong 2007 ibat-ibang musika tulad ng Rock, Jazz, Reggae, Dance-pop at Hip-hop.
Kinanta na ang unang bersyon ni Allan, Jimmy, Toni Rose at Ruby. Ang ikalawang bersyon ay
kinanta ni Pia, Ciara, Gladys, Paolo, Julia at Janno. Ang linya ay "Ligaya sa ating buhay" na
pinagkanta ni Gladys sa unang bersyon ng OBB at ikinanta ni Julia Clarete ang linya sa ikalawang
bersyon ng OBB. Sa ikatatlong linya kinanta ni Jose Manalo at Wally Bayola ang bersyon ng reggae.
Kinanta ang ika apat na linya ang bersyon ng dance ni Sugar at ang mga EB Babes. Ikinanta ang
ika't limang bersyon nina BJ, Francis M, Teri at Cindy, at dinagdagan ang Buong mundo na
pinagrepeat ang ika apat na linya sa kanta.
Nitong 2009 at 2014, muling binago ang tono nito sa bagong modernong musiko.
Mula 2012 hanggang kasalukuyan, ginamit sa modernong bersyon ang orihinal na tono ng
programa.

You might also like