You are on page 1of 3

MAHAHALAGANG PANGYAYARI

• Nalaman ng mga tao ang nangyari sa pamilya ni Selo, naawa sila pero nagkibit-balikat
ang mga ito. (binalewala)
• Nag-malinis ang tenyente ng gwardya sibil at sinabing wala siyang kasalanan sapagkat
ang tungkulin lamang nito ay samsamin ang mga sandata at tugusin ang mga tulisan.
= nang dinukot si Tales ng mga tulisan, nilusob niya ang mga pook na pinagtataguan ng mga
tulisan at humuli ng lima o anim na magsasakang kanyang pinaghihinalaan, hindi maipakita ng
mga tulisan kung nasaan si tales kaya’t sila ay pinarusahan.
• Sinabi ni Padre Clemente na wala din itong kasalanan dahil tinupad lamang nito ang
kanyang tungkulin at isinisi sa mga tulisan ang mga pangyayari.
= kung hindi siya nagsumbong ay hindi sana nasamsam ang sandata ni Tales at hindi siya
madudukot ng tulisan. Sinabi niyang kung nanatili na lang si Tales sa kanyang bahay ay di sana
siya madadakip ng tulisan, at sinabi niya na parusa ito ng langit sakanya.
• Nalaman ni Hermana Penchang ang nangyari sa pamilya ni Huli, sinabi niya na kaya sila
pinaparusahan ng Diyos ay sapagka’t sila o ang kanyang mga kamag-anak ay
makasalanan at si Huli ang tinutukoy niya dahil ito’y hindi marunong magdasal.
• Sinabi ni Penchang na mabuti nang nabihag ang ama ni Huli upang mailigtas sa
kasalanan ang anak. Nabatid ni Penchang na nagbalik sa Maynila si Basilio upang
kumuha ng pantubos kay Huli, inakala niyang mapapahamak si Huli, kaya ipinabasa niya
ang Tandang Bacio Macunat sa kanya ng paulit-ulit.
= ang Tandang Bacio Makunat ay kwento tungkol sa isang mag-anak na nagpa-aral sa maynila
na naging suwayin, sinasabi na “ang kabataang nagtungo sa Maynila upang matuto ay
mapapahamak at magpapahamak pa ng iba” sa pag-aakalang maiililigtas ni hermana penchang
si Huli sa kasalanan kaya niya ito pinabasa sa kanya.
= Pinigilan niya si Huli na dalawin si Tandang Selo. Si Huli ay kailangang mag-aral ng dasal,
magbasa ng mga aklat na ipinamimigay ng mga pari at gumawa hanggang mabayaran ang
dalawandaan at limampung piso.
-Ang nasabing kuwento ay umiinog sa mayamang mag-asawang sina Andres Baticot at Maria
Dimanuiala, na ipinadala ang kanilang anak na si Proper sa Maynila upang mag-aral. Taliwas sa
nais ng kanilang anak na si Pili at ng kanilang kura paroko. Nang makarating sa lungsod,
napariwara si Proper, nilustay ang yaman ng kaniyang magulang, at namatay sa loob ng
bilangguan. Ang iba pa niyang kaanak ay namatay sa kahihiyan at kahirapan.
• Naipanalo ng mga prayle ang kaso laban kay Tales. Nang magbalik ang kabesa, nabatid
nitong iba na ang may hawak sa kanyang lupain, natuklasang pipi na ang ama at alila na
si Huli.
• Nakatanggap siya ng utos na alisin ang lahat ng laman ng bahay at iwanan ito sa loob ng
tatlong araw. Naupo siya sa tabi ng kanyang ama at hindi kumibo buong maghapon.

SIMBOLISMO
Ang simbolismo ay ang paghuhugas ng kamay dahil naghugas-kamay ang tenyente ng gwardya
sibil, si padre clemente at hermana penchang katulad na lang sa ginawang paghukas-kamay ni
Pilato na ang pinapahiwatig na sila’y inosente at hindi sila ang may kagagawan na iyon.

PAHAYAG NG TAUHAN NA DAPAT BIGYANG PANSIN


Kabesang Tales: “Ako ang nagpakahirap upang palaguin ang lupang iyon, matapos ang lahat ng
aking paghihirap! Hinde, isa lamang itong panaginip! Hindi mawawala ang mga pinaghirapan
ko… Bunga ito ng aking puyat, pagod at sariling pawis! Nasan ang katarungan? Nasaan?”
= ito ang sinabi ni Tales nang kanyang malaman na iba na ang humahawak sa kanyang lupain
pagkatapos ng lahat ng nangyari, naupo na lamang siya sa tabi ni Tandang Selo

ISYUNG PANLIPUNAN
• Pag-abuso ng mga mayayaman at makapangyarihan sa kanilang estado sa buhay sa mga
mahihirap
= nagdudulot ng hindi pantay-pantay na pagtrato ng gobyerno at ng ibang tao sa ibat ibang estado ng
tao sa lipunan

• Kawalan ng hustisya sa mga tao


= Kawalan ng hustisya sa mga tao kung saan ay hindi makatarungan ang lipunan dahil naging makasarili
sila at iyon ang naging dahilan kung bakit hindi nakamit ng pamilya ni Tandang Selo ang hustisya.
Kadalasan, ito ang buhay ng mga magsasaka. Sila ang nagpapakahirap sa pagbubungkal ng lupa ngunit
iba ang nakikinabang ng husto.

PAG-UUGNAY SA KAGANAPAN SA KASALUKUYANG PANAHON


• Inaangkin ng mga may makapangyarihan ang mga lupa at ari-arian ng mga magsasaka.
Ito ay hindi makatarungan.
= maiuugnay natin sa kaganapan sa kabanta ang pag-aangkin ng mga prayle sa lupain ni
Kabesang Tales sa di makatarungang paraan.

BUOD
Sa Kabanatang ito makikita natin kung paano naging makasarili sina Hermana Penchang, Padre
Clemente, at Tinyente ng Guwardiya sibil sa nasapit kay Tandang Selo.

Isang araw, naging usap-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at pinag-uusapan din nila kung
sino ang may kagagawan na iyon sa kanya. Nang marinig ang mga chismis na iyon nina Hermana
Penchang, ang amo o panginoon ni Juli, Padre Clemente, isang padre sa kanilang bayan, at ang Tinyente
ng Guwardiya Sibil na binigyan lamang ng utos na dukutin si Tandang Selo at parusahan ito, ay agad
silang naghugas-kamay katulad na lang sa ginawang paghukas-kamay ni Pilato na ang pinapahiwatig na
sila’y inosente at hindi sila ang may kagagawan na iyon.

Nang makauwi si Kabesang Tales, napansin niyang iba na ang gumagawa sa kayang lupa, naging utus-
utusan ang kanyang anak na si Juli at napipi ang tatay niyang si Tandang Selo. Pinaalis siya sa kanyang
bahay at wala man lang magawa kundi ang umupo sa tabi at nagmukmok.

Mga Tauhan at Aral:


Alperes o Tinyente ng Guardia Sibil - ang nag samsam ng mga sandata ayon sa utos sa kanya. Sinabi niya
na ang pagkawala ni kabesang Tales ay hindi niya pananagutan ngunit kung tutuusin sila ang may
direktang pananagutan para sa kaligtasan ng lahat ng kanilang mga nasasakupan.

p. clemente - ang bagong nagmamay - ari ng lupa ni Tandang Selo. Isinisi pa niya ang pagkawala ng
kabesa sarili nito na kung namalagi lang daw sana sa loob ng tahanan ay hindi madudukot ng mga
tulisan.

Hermana Penchang - ang amo ni Huli. Siya ang tauhang nagmamagaling at ipinapalagay na siya ay
walang bahid - dungis. Tulad ng ibang pangkaraniwang tao, kapag may nangyari sa buhay ng iba ay
iniisip na ito ay kapalit ng kanyang mga ginawa at ng kawalan ng ugnayan sa Diyos.

BAKIT PINAMAGATANG PILATO

Tinawag itong "Ang Mga Pilato" pagkat ang kabanata ay umikot sa mga haka-haka ng mga taumbayan sa
kung bakit ipinadakip at ikinulong si Kabesang Tales, gayung alam nila na ito ay maaaring pakana ng
pinagsama-samang kilos ng mga may galit sa kaniya. Maihahambing ang paghihinuha ng mga taumbayan
sa akto ng paghuhugas ng kamay ni Pilato noong pagpapataw ng parusa kay Hesus, gayong kasabuwat
naman siya sa pangyayari.
Siya ay gobernador ng Judaea, kilala bilang hukom sa paglilitis ni Hesus at ang taong nagbigay ng
autorisasyon (pahintulot o permiso) upang ipako si Hesus sa krus. Naghugas ng kamay si Pilato
upang hindi niya maipakita na siya ang responsible sa pagkamatay ni Hesus, katulad po nina Padre
Clemente, hermana penchang at ang alperes na naghugas-kamay na pinapahiwatig na sila ay
inosente at walang kasalanan sa nangyari kay Kabesang Tales at sa kaniyang pamilya.

You might also like