You are on page 1of 10

KABANATA XVII

ANG PERYA SA QUIAPO


BUOD
• Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-
puno ng panonoorin at manonood. Ang 12
galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa
kubol ni Mr. Leeds.

(Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga


laruan o pabaril na tulad ng kasalukuyang
gamit ng taguring ito. Ito ay Fair o mga kubol
ng siriko, mahika (magic), mga tindahan ng
laruan ,paninda mga ari, at iba pa.)
Tuwang-tuwa si Padre
Camorra sa dami ng
magagandang
dalagang nakikita lalo
na nang
makasalubong si
Paulita na kasama
nina Isagani at Donya
Victorina.
Punyales! Kailan pa ako
magiging kura sa Quaipo,
anang makamundong
prayle at kinurot sa tiyan
si Ben Zayb. Si Isagani
nama’y inis sa bawa’t
tumititig kay Paulita.
• May pinasok na tindahan ng mga
tau-tauhang kahoy ang pangkat
nina Padre Camorra.
Naghawigan sila-sila. Ang isa raw
ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw
ni Padre Camorra ang isa.
Marami ang lilok na anyong
Prayle.
May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-
gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa ng lumang
damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip
ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa
pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas.

(Ang pamamahayag sa Pilipanas (state of Filipino press or


journalism): matanda (makaluma); pisak ang isang mata ( di
katotohanan ang pagbabalita at iyong lang ibig paksain ang
pinapaksa ): marumi, at lugami ang pamamahayag noon. Ang
nakakatawa rito ay isa pa si Ben Zayb sa nagtatawa sa larawan
at wala siyang kamalay-malay na sila ang inaatake sa larawang
iyon lalo si Ben Zayb. ( Animo ito ng pagkakapahintulot ng
sensor sa pagpapalathala ng Florante at Laura ni Balagtas na
atake ng kumatha laban sa pamahalaan.)
Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng
isang lalaking nakagapos ang mga kamay at
tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat
Ang Bayan na Akaba . Pinagtawanan din nila
ito.

(Mas malinaw rito ang panunuligsa sa


ikalawang larawan, ang bayan ng Abaka.
Inilalarawan dito na ang Pilipinas ay bayan ng
abaka na ang karaniwang gamit ay panggapos
sa mga dinarakip ng guwardiya sibil. Nguni’t
ito man ay di nasakyan ng matatalino’t
magagaling na pangkat nina Ben Zayb)
May nakitang larawan na kahawig
ni Simoun. Hinanap nila ang mag-
alahas. Wala ito.

(Tandaan uli ang pagkawala ni


Simoun gayon siya ang nagyaya sa
panonood sa espinghe ni Mr.
Leeds.)
Ayon kay Padre Camorra’y natakot
na baka pagbayarin nila sa
pagpasok sa paglabas ni Mr.
Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka
natakot na matuklasan natin ang
lihim ng kanyang kaibigan si Mr.
Leeds. Makikita ninyo’t ang lahat
ay sa salamin lamang.
PAHIWATIG
Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang and
sining ay kinakitaan ng damdamin at ng iniisip ng
gumagawa nito, makikitang ang nalalarawan sa
kanilang mga inukit ay ayon sa mga pangyayari
noong panahong iyon.

You might also like