You are on page 1of 15

Kabanata

VIII
El Filibusterismo
Maligayang
Pasko
Talasalitaan
Mga Tauhan
Huli
Ang anak ni
Kabesang Tales.
Tandang Selo
Ang ama ni
Kabesang Tales.
Buod
Bukang liwayway pa lamang ay nagising
na si Huli. Umaasang may himalang
mangyayari dahil sa dasal niyang sana
di sumikat ang araw at sana ay may
makita siyang dalawang-daan at
limampung piso sa ilalim ng paanan ng
Mahal na Birhen.
Siya’y nagdasal, at lumabas sa batalan—
upang madatnanlang na walang
himalang nangyari nang araw na iyon.
Kailangan na niya talagang magpa-alila
kay Hermana Penchang. Ipinaghandana
lamang niya ng salabat ang kanyang
Ingkong at inaliw ang sarili.
Habang inaayos niya ang kanyang
tampipi ay hinagkan niya ang laket na
ibinigay ni Basilio. Ngunit agad rin niyang
pinunasan ang kanyang labi nang
maalalang galing ito sa isang ketongin.
Nang mapansin niyang nakatingin sa
kanyang mga kilos ang matanda,
naisipan na nyang gumayak. Hinalikan
nya ang kamay ng kanyang ingkong
bilang pamamaalam at siya’y
binendisyunan ni Tandang Selo nang
walang imik.
Habang lumalakad papalayo mula sa
kaniyang tahanan, lumingon muli si Huli,
at biglang bumalik sa kanya ang lahat
ng masasayang ala-ala sa dampang
pinagmulan. Ang kanyang mga
pangarap— ay unti-unti nang naglalaho.
Sa sobrang pagkalungkot ay umupo si
Hulisa isang punongkahoy at napaiyak.
Mataas na ang araw, nakadungaw si
Tandang Selo sa kaniyang bintana at
pinagmasdan ang mga tao sa labas na
dadalo sa misa mayor. Matapos nito ay
magsisisipuntahan na ang mga bata sa
mga bahay ng kanilang mga kamag-
anak, at bibigyan sila nito ng aginaldo na
napupunta lang rin sa bulsa ng magulang
nila.
Nalungkot si Tandang Selo dahil wala
siyang maibigay na aginaldo sa mga
kaibigang nagdaraan. Maya-maya ay
may mga kamag-anak siyang bumisita,
at nang siya’y magsasalita na ay walang
lumalabas sa bibig niya.
“Napipi na, napipi na!”, ito ang bulalas
ng mga babae.
Salamat sa
pakikinig!

You might also like