You are on page 1of 6

 Juli - apo ni tandang selo na namasukan

bilang katulong kila Hermana Penchang.


 Tandang Selo - ama ng nabilanggong si Kabesang
Tales at lolo ni Juli.
 Kabesang Tales - ama ni Juli na nakabilanggo.

Madilim pa ng magtilaukan ang mga manok kasabay ng paggising ni Juli. Umaasa siya na
may naganap sa kanyang panalangin ngunit wala siyang nakitang dalawang daan at limampung
piso sa ilalim ng paanan ng mahal na birhen, ang nakita niya lamang ay liham galing sa
kanyang amang si Tales na humihingi ng limandaang piso kapalit ng kanyang kalayaan. Tulog
pa si Tandang Selo bago tuluyang umalis si Juli ay gumawa muna ito ng salabat para kay
Tandang Selo. Pinilit ni Juli na pasayahin ang sarili sa paraang pag-alala sa pangako sa kanya ni
Basilio na hindi na sila tuluyang maghihirap kapag nagpakasal na silang dalawa. Kinapa niya
ang kanyang laket at agad niyang hinalikan ang laket, pagkatapos ay pinunasan niya ang
kanyang labi dahil galing ito sa ketongin na baka mahawa siya. Nang sumikat ang araw ay
nakita niya si Tandang Selo na nasa sulok na nakatingin sa kanyang ginagawa. Bago umalis si
Juli ay nagmano muna siya at umalis na. Nakatingin si Tandang Selo sa bintana at pinapanood
ang mga tao na dadalaw sa misa mayor. Ang kanilang mga damit ay maayos pati ang mga bata.
Habang nagmimisa ay naiinitan ang mga bata at nagtitiis sa amoy ng pawis. Pagkatapos ng
misa ay dadalhin sila ng kanilang mga magulang sa kanilang mga kamag anak upang mamasko
at humalik sa kamay ng mga matatanda. Sa kanilang pupuntahang bahay ay kailangan may
maipakita silang kakayahan tulad ng pagsayaw o pagkanta. Kalakip nito ay galit at kurot kapag
sila ay sumuway. Kadalasan ay binibigyan sila ng aginaldo at kinukuha naman ng mga
magulang, walang natitira sa kanilang alaala sa pasko kundi ang kurot at sigaw na pagalit galing
sa kanilang mga magulang. Nadalaw naman sa mga kamag anak nila ang kanilang mga
magulang sa ganitong okasyon. Nalungkot si Tandang Selo nang makita niya ang nagdaan na
mga kaibigan at kamag anak ngunit wala man lang siyang maibigay kahit na bati man lang
galing sa kanyang bibig. Nagpilit na ngumiti si Tandang Selo ngunit nanginginig ang kanyang
mga labi na may impit na tunog at inakala ng lahat na napipi na ito. Naalala niya rin na bago
umalis si Juli ay di siya nito binati, hindi niya alam kung sinasadya ba ito ni Juli o nakalimutan
niya lang.

NORGER M. SUZARA Kabanata 8: March 6, 2020


10 – Wisdom Maligayang Pasko Ms. Baltazar
 Bakit malungkot si Tandang Selo sa araw ng kapaskuhan?
 Dahil bukod sa mga problema at mga nangyari sa kanya, ni hindi niya man
lang makakasama ang kaniyang anak na si Tales.
 Ano ba ang nangyari kay Tandang Selo kung bakit ni isang salita ay hindi niya
mabigkas?
 Dala narin ng mga nangyari sa kanya, naapektuhan ang kanyang isipan kaya
ni isang salita ay walang lumalabas sa kanyang bibig.
 Bakit gusto ni Juli na mamasukan kila Hermana Penchang bilang utusan maliban
sa dalawang daan at limampung piso?
 Bukod sa gusto niyang matubos ang amang si Tales, dahil sa kagustuhang
matuto ng wikang Kastila, inakala niya na matututo siya kapag siya ay
namasukan kay Hermana Penchang.

Manangis - walang tigil na pag-iyak at pagluluksa sa isang bagay.


Nakapinid - sarado
Impit - pagpigil sa tawa, iyak, o sigaw
Nabuwal - natumba
Aginaldo - paraan ng pagtanaw ng utang na loob
- pasasalamat para sa kagandahang loob
 Padre Clemente - tagapangasiwa ng mga prayle.
 Kabesang Tales - ama ni Juli na pinaghahanap ng mga tulisan
at ang may ari ng bukid na pinaghatian ng mga prayle.
 Hermana Penchang - matandang pinaglilingkuran ni Juli.
 Juli - anak ni Tales na naninilbihan kay Hermana Penchang.

Lumaganap ang balita tungkol kay Tales. Nang dakpin si Tales ay gumawa ito ng
paglusob, lima o anim na pinaghihinalaang magbubukid ang inuwing nakagapos ngunit hindi
nila makita si Tales. Si Padre Clemente na tagapangasiwa ng mga prayle ay nagkibit balikat na
lamang. Wala daw itong kasalanan dahil tumutupad lamang ito sa kanyang tungkulin. Hindi
gusto ni Padre Clemente ang tingin sa kanya ni Tales. Hindi raw madarakip si Tales kung hindi
ito lumabas ng may dalang sandata. Nakarating kay Hermana Penchang ang balita tungkol kay
Tales at nalaman na ama ito ni Juli. Madalas daw ipalasap sa ating ng diyos ang kapurasahan
kapag may kapag anak tayo na nagkasala ay dapat natin turuan ng kabanalan na hindi natin
nagawa, si Juli ang pinatatamaan ni Hermana Penchang sa sinabi niya. Napansin ni Hermana
Penchang na hindi marunong magdasala si Juli kaya nagalit ito sa kanya at hindi niya pinayagan
si Juli na umuwi muna sa kanyang lolo sapagkat kailangan ito na matuto magdasal. Nang
malaman ni Hermana Penchang na pumunta si Basilio sa Maynila upang kunin ang inipong
pera para matubos si Juli, inisip niya na walang isip si Juli kapag nagpadala ang demonyong
nagaanyong mag aaral kaya may pinabasa si Hermana Penchang kay Juli na polyetong tungkol
kay Tandang Basyo, isang babasahin na nagsasabing nawawalan ng kaluluwa ang mga kabataan
mag aaral na pumupunta sa Maynila na naghihikayat pa ng iba na magkagayon. Kaya't
hinikayat niya si Juli na pumunta ng madalas sa kumbento. Nagdiriwang naman ang mga prayle
sa pagkapanalo nila sa usapan tungkol sa bukirin ni Kabesang Tales kaya sinamantala na nila
ang pagkakabihag kay Tales habang ibinibigay ibang parte sa iba pa nilang makilala. Pagbalik ni
Tales ay may ibang nang namamahala sa kanyang bukirin, bukirin na naging sanhi ng
pagkamatay ng kanyang asawa at anak, matagpuan na hindi na makausap ang ama, at ang anak
na si Juli ay naninilbihan sa ibang tao na binigyan ng tatlong araw na lisanin ang bahay. Si
Kabesang Tales ay hindi na nakapagsalita at tumabi na lang sa kanyang ama na si Tandang Selo.

NORGER M. SUZARA Kabanata 9: March 6, 2020

10 – Wisdom Ang Mga Pilato Ms. Baltazar


 Ano ang ibig sabihin ng "Pilato"?
 ang ibig sabihin ng Pilato ay ang paghuhugas kamay o pagsasalin ng
resposibilidad sa ibang tao.
 Sino ang mga tinutukoy na Pilato?
 Ang tinutukoy na Pilato sa kabanatang ito ay si Padre Clemente.
 May galit ba si Hermana Penchang kay Juli at sa pamilya nito?

 Polyeto
 isang anyo ng papel patalastas na nilayon para sa malawak na
pamamahagi o ipinamamahagi sa isang pampublikong lugar o sa
pamamagitan ng liham sulat.
 Nagkibit balikat
 walang pakialam o wala kang alam sa bagay na tinatanong ng isang tao.
 Nahabag
 pagbibigay ng awa sa isang tao.
 Mabubulid
 mahuhulog
 Natigatig
 nagtapos
 Uldog
 isang puppet o manika
 Kabesang Tales - ang nagpatuloy kay Simoun sa tahanan
 Simoun - ang mayamang mag-aalahas na nanuluyan kina Kabesang Tales
 Huli - anak ni Kabesang Tales na namamasukan kay Hermana Penchang
 Kapitana Tika - ina ni Sinang.
 Sinang - anak ni Kapitan Basilio.
 Hermana Penchang - pinagsisilbihan ni Juli.
 Kapitan Basilio - ama ni Sinang.

Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at
Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang
kailangan at dalawang kaban ng mga alahas. Ipinagmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay
Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at
asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo.
Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at
kasaysayan. Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisip niyang parang sa tulong ng
kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa
naman ng araw ng kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng
iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama.
Wala namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun. Inilibas
ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas,
ani si Simoun. Tinanong si Kabesang Tales kung may may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang
kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang
nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si
Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabuti pa ni Huli ang paalila
kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Ngunit nang
nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa.
Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Bumalik ng bahay si Kabesang Tales. Sinabi kay
Simoun na di niya nakausap ang anak. Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Pati na rin ang rebolber
ng mag-aalahas wala sa doon at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng
paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mga
tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa
kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. sa wakas ay natagpuan na ni Simoun ang taong kanyang
kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangako. Dinakip ng mga
Guwardiya Sibil si Tandang Selo. Natutuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing
iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong
pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na
kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.

NORGER M. SUZARA Kabanata 10: March 6, 2020


Kayamanan at
10 – Wisdom Karalitaan
Ms. Baltazar
 Bakit sa bahay nila Kabesang Tales manatiling manirahan ni Simoun?
 Dahil nalaman niyang iyon ang pinakamalaki at pinakamasinop na
bahay sa pagitan ng San Diego at Tiyani.
 Ano talaga ang totoong nangyari sa nangyaring patayan sa bukirin ni
Kabesang Tales?
 Bakit pinagpalit ni Tales ang rebolber sa alahas?
 Dahil doon niya napatunayan na si kabesang tales ay isang taong may
isang salita at marunong tumupad sa mga kasunduan

 Indulgencia - mga binayad na dasal


 Karalitaan - kahirapan, dalita, sakuna
 Kayamanan - pag-aari
 Lugmok - nakalubog
 Mahalughog - halungkitin
 Nagdarahop - naghihirap
 Narahuyong - naakit
 Niyurakan - sinira
 Panggigilaslas - pagkagulat

You might also like