You are on page 1of 5

KABANATA 4: Si Kabesang Tales

Si Telesforo o mas kilala sa tawag na Tales ay anak ni Tandang Selo. Inalagaan niya ang isang
bahagi ng kagubatan dahil sa palagay niya ay walang nagmamay-ari nito. Kasama niya roon ang kanyang
ama, asawa, at mga anak. Pinamuhunan niya ito kahit walang kasiguraduhan ang pag-unlad niya dito.
Subalit malapit na sana nilang anihin ang mga unang tanim nang biglang inangkin ito ng korporasyon ng
mga pari. Hinihingian ng nasabing korporasyon si Tales ng dalawampu o tatlumpung piso kada taon.
Tinanggap ni Tales ang utos na ito dala narin ng kanyang natural na kabaitan.

Habang lumalaki ang kanyang ani ay lumalaki din ang hinihinging buwis ng korporasyon.
Nagkaisa ang kanyang mga kanayon na gawin itong Kabesa ng barangay dahil kita naman ang naging
pag-unlad nito. Plano sana niyang pag-aralin ang kaniyang dalaga sa Maynila ngunit ito ay di nangyari
dahil sa taas ng buwis. Nang umabot sa dalawang daang piso ang buwis na hinihingi ng korporasyon ay
napilitan na itong tumutol.

Ngunit tinakot siya ng nangangasiwa na kung hindi ito makakapagbayad ng buwis ay sa iba
nalang ipapatanim ang lupa. Naubos na ang kanyang salapi sa pakikipaglaban sa hukuman subalit
nanatili parin itong bigo. Madalas siyang may dala-dalang baril sa tuwing pupunta sa bukid upang
ipagtanggol ang sarili kung sakaling may tulisan. Pagkaraa’y ipinagbawal ang baril kaya gulok naman ang
dinala nito. Sinamsam ang dala nitong gulok kaya palakol naman ang sunod na dinala. Nabihag si Tales
ng mga tulisan at ipinapatubos ito sa halagang limang daang piso.

Napilitang ipagbenta ni Huli ang lahat ng kaniyang alahas maliban sa agnos na bigay ni Basilio.
Ngunit hindi parin ito sapat upang matubos si Tales kaya namasukan ito bilang utusan. Nalaman ni
Tandang Selo ang ginawang iyon ni Huli kaya hindi ito nakakain at nakatulog nang gabing iyon. Sa halip
ay umiyak lang ng umiyak ang matanda.

_____________________________________________________________________________________

KABANATA 7: Si Simoun
Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa gubat at may narinig na mga
yabag. Pumunta ang anino sa kanyang kinaroroonan. Nagtago ito at nakitang nandoon si Simoun na
mag-aalahas. Inalis nito ang kanyang salamin at nag-umpisa sa paghuhukay. Habang pinapanood ni
Basilio si Simoun ay may nagbalik na ala-ala sa kanya labing tatlong taon na ang nakalipas. Siya ang
tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa at kay Elias. Nagulintang si Basilio sa kanyang
natuklasan ngunit ito ay lumapit upang tumulong nang makita niyang pagod at patigil-tigil na si Simoun
sa paghuhukay.

Nagpakikila si Basilio at sinabing tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng kanyang ina at ni
Elias kaya’t siya naman ang nagbigay ng tulong kay Simoun. Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang
manatili ang kanyang lihim ngunit alam niyang parehas lang sila ni Basilio na nais makapaghiganti.
Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila.
Hiningi niyang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na pantay na
karapatan ang mga Pilipino at Kastila. Ayon kay Simoun ang mga hiling na ito ay ang pagpawi sa kanilang
pagkamamamayan at pagkapanalo ng mga naniniil. Dagdag pa niya, ang pagdadagdag ng isa pang wika
ay hahantong sa di pagkakaunawaan. Taliwas naman ang paniniwala ni Basilio. Aniya ang Kastila ang
siyang magbubuklod sa mga pulo at makakapagpalapit sa mga Pilipino sa pamahalaan. Hindi sinang-
ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio.

Ani Simoun ang wikang Kastila ay kailanma’y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil bawat
bayan ay may sariling wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito. Sa huli ay hinikayat ni Simoun si
Basilio na makisali sa kanyang planong paghihimagsik laban sa pamahalaan ng Kastila. Ngunit hindi
pinaunlakan ni Basilio ang panghihikayat ni Simoun dahil naniniwala ito na walang katapusan ang
karunungan. Ang galing ng tao ang siyang magiging paraan upang maging malaya ang lahat ng tao.

_____________________________________________________________________________________

KABANATA 8: Masayang Pasko


Madilim pa ay gising na si Huli. Naisip niya na baka gumawa ng himala ang Birhen kaya hindi
sumisikat ang araw. Ngunit mali siya dahil sumikat ang araw. Sunod naman niyang tinignan ang ilalim ng
imahen ng Birhen upang silipin kung may salapi ngunit nanatili itong bigo. Dahil sa magkasunod na
pagkabigo ay inaliw nalang ni Huli ang kanyang sarili. Malapit lang ang kanyang paglilingkuran na
tahanan at balak nitong umuwi tuwing makalawa upang dalawin ang kaniyang lolo.

Iniayos ni Huli ang kanyang tampipi at agad na lumapit sa kanyang lolo na si Tandang Selo upang
halikan ang kamay nito. Ibinilin ni Huli kay Selo na sabihin sa kanyang ama na siya ay napasok sa
pinakamurang kolehiyo. Dalidaling umalis si Huli ang makita nitong natitigmak na sa luha ang kaniyang
lolo. Araw ng Pasko, marami ang dumalaw na kamag-anak ni Selo. Ngunit marami ang nagtaka dahil
hindi makapagsalita si Selo kahit isang kataga. Ito’y napipi.

_____________________________________________________________________________________

KABANATA 10: Kayamanan at Karalitaan


Si Simoun ay nagtungo sa bahay ni Kabesang Tales upang magbili at makipagpalitan ng alahas.
Kabilang sa mga mamimili sina Kapitan Basilio, ang kanyang asawa at anak na si Sinang, at si Hermana
Penchang. Marami ang humanga nang ilabas ni Simoun ang mamahaling hiyas. Marami ang nagsibili.

Inalok ni Simoun na bilihin ang agnos ni Maria Clara na napunta kay Huli, ngunit kailangan
munang puntahan ni Kabesang Tales si Huli upang isangguni ang tungkol dito. Nangakong babalik ito
bago mag takipsilim ngunit hating gabi na ay di parin bumabalik si Tales. Nakatulog si Simoun sa
kakaintay. Nang magising kinaumagahan ay wala na ang dala niyang rebolber ngunit may isang liham na
mula kay Tales.

Ayon sa sulat, kinuha ni Tales ang rebolber dahil kailangan niya ito sa panunulisan sa halip
iniwang kapalit ni Tales ang agnos ni Maria Clara.
KABANATA 30: Si Huli
Marami ang hindi naniniwala sa mga paskin at paghihimagsik. Sa palagay ng ilan ito ay
paghihiganti ng mga prayle dahil sa pagkakatubos kay Huli na anak ng tulisang mahigpit na kalaban ng
isang korporasyon. Ayon kay Hermana Penchang ay mabuti’t pinaalis na nito si Huli dahil ayaw niyang
magalit ang mga prayle sa kanya; gayong dinamdam naman talaga niya ang pagkakatubos sa dalaga. Sa
simula’y di makapaniwala si Huli sa balita ni Hermana Bali na patay na si Kapitan Tiago. Ngunit nang
malaman ang totoo ay nahimatay ang dalaga.

Dahil wala na si Kapitan Tiago ay wala nang tagatangkilik ang binata. Naging malungkutin si Huli
simula noon. Binalak nitong magpatiwakal ngunit hindi natuloy dahil sa takot na sa impyerno ito
mapunta. Nagbigay ng abuloy ang mga kamag-anak ni Basilio ngunit kulang parin ito upang mailigtas ang
binata. Kung kaya’t umisip si Hermana Bali ng mas mabuting paraan.

Sumangguni sila sa tagasulat ng bayan ngunit wala itong nagawa kundi ituro sila sa Hukom. Ang
Hukom naman ay ipinayong sadyain si Padre Camorra. Habang nasa daan ay tumanggi si Huli na dumaan
sa kumbento. Minsan na itong tumanggi sa mga prayle nung nangangailanagn ang kaniyang magulang.
Kung ngayon ay lalapit sya sa prayle dahil kay Basilio ay tiyak na marami ang kukutya sa kaniya.

Tiniis pa rin ni Huli ang mga sisi ng kamag-anak na hindi nakakabatid ng mga nangyari sa kanila
ni Padre Camorra. Nang gabing iyon ay bahagyang nakatulog si Huli. Ngunit ito ay pagising gising dahil sa
masasamang panaginip. Kung hindi lang sana gabi at madilim sa labas ay tumakbo na ito sa kumbento.
Dumaan ang maraming araw ay hindi parin nagtungo si Huli sa prayle. Isang araw ay dumating ang
balitang si Basilio nalang ang nabibilanggo.

Doon ay hindi na ito nag-atubiling hanapin si Hermana Bali upang magpasama sa kumbento.
Nang sumapit na sa pinto ng kumbento ay ayaw nang pumasok ni Huli. Kailangan pa itong batakin at
itulak papasok. Kinagabihan ay may balitang isang dalaga ang tumalon mula sa bintana ng kumbento.
Kasabay noon, isang matandang babae ang lumabas na nagsisisigaw na parang isang baliw.

Sa kabilang dako, si Tandang Selo ay galit na pumunta sa kumbento, ngunit ito ay pinaalis doon
sa pamamagitan ng mga palo at tulak. Bumalik ang matanda sa nayon na umiiyak na parang isang bata.
Kinabukasan ay nawala si Tandang Selo dala ang kaniyang gamit sa pangangaso.
KABANATA 13: Ang Klase sa Pisika
Maluwag at parihaba ang sukat ng silid sa Pisika. Malalaki rin ang mga bintana na mayroong
rehas na bakal. Sa magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong
baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido.
Walang anumang palamuti ang silid, may mga kagamitan sapag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan sa
isang aparador na nakakandado at nabubuksan lamang kung may dumarating na panauhin ngunit hindi
nahahawakan o nagagamit ng mga mag-aaral ang mga ito.

Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran. Nakatuon
lamang sa kung ano ang nilalaman ng aklat ang talakayan. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral
upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan.
Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido. Siya tuloy ang
napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya
ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang
umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.

_____________________________________________________________________________________

KABANATA 18: Ang Kadayaan


Bago magsimula ang pagtatanghal ni Mr. Leeds, siniyasat munang mabuti ni Ben Zayb ang buong
bulwagan at pilit na hinahanap ang salamin na karaniwang ginagamit sa kadayaan. Dito’y tumambad ang
isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at makapal na buhok na nagpakilalang si Imuthis.
Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi ng tulong.

Sinabi ng espinghe na siya’y umibig sa isang dalaga na anak ng pari na kasinlinis ng liwanag.
Inibig in ang dalagang ito ng isang batang pari na gumawa ng kaguluhan at ang idiniin ay si Imuthis.
Tinugis siya sa lawa ng Moeris, napatay siya at sa kabilang buhay nakita niya ang paghahalay ng pari sa
isang Abydos. Dahil sa mga narinig ay kinilabutan at hinimatay si Padre Salvi at ang ilang mga babae.

_____________________________________________________________________________________

KABANATA 27: Ang Prayle at Ang Pilipino


Karamihan sa mga mag-aaral ay pinupulaan at tumututol sa paraan ng pagtuturo ng mga prayle
ngunit ni isa ay walang lakas na makapagsalita sa takot na maparatangan na Pilibustrero. Si Isagani ay
kinagigiliwan ni Padre Fernandez, isang katedratiko dahil sa tatas ng paninidigan ng binata sa kaniyang
pananalita. Kaya inanyayahan niya ang binata at binigyang laya na maipahayag ang kaisipan at
damdamin ng tulad niyang mga mag-aaral. Buong tapang na ipinahayag ni Isagani kay Padre Fernandez
na tanging hiling ng mga mag-aaral na tumupad ang mga guro sa kanilang tungkulin tulad ng bigyan ng
makabagong kaalaman ang mga mag-aaral at pasiglahim ang kanilang kawilihan sa pag-aaral Sinabi rin ni
Isagani na nanatiling mangmang ang mga Pilipino dahil sa sabwatan ng pamahalaan at mga prayle.
Ang paniniwala ng mga prayle na ang karunungan ay ipinagkakaloob sa mga karapat-dapat
lamang, sa mga may puso at marunong mag-alaga ng karangalan. Sa huli’y hinamon ni Isagani si Padre
Fernandez na sila’y magbago para ang mga mag-aaral ay magbago rin.

_____________________________________________________________________________________

KABANATA 39: Ang Wakas


Si Padre Florentino na isang Indiyo ang nakitaan ni Simoun na gumaganap ng kaniyang tungkulin
bilang isang tunay na alagad ng Diyos. Pinili ni Simoun na magtungo sa bahay ni Padre Florentino
matapos na siya ay mabigo na pabagsakin ang pamahalaan. Buong puso naman siyang tinanggap ng pari
at ginamot ang kaniyang sugat.

Nakatakip ng panyong puti sa bibig ay matimyas na nakikinig ang pari sa pagtatapat ni Simoun
ng kaniyang tunay na pagkatao na siya si Crisostomo Ibarra at isiniwalat rin niya ang kanyang mga
balakin na mapabagsak ang pamahalaan.

“Ang kadakilaan ng pagliligtas sa isang bayan ay hindi maipagkaloob sa isang nakatulong na sa


kanyang pagguho. Ang poot ay walang nililikha kundi mga panakot; ang krimen ay mga salarin ang
nilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang
kabutihan ay pagpapakasakit, ang pagpapakasakit ay pag-ibig.” Ito ang paliwanag ng pari kung bakit di
ipinagkaloob ng Diyos na magtagumpay si Simoun sa kaniyang layon sa bayan at sa pamahalaan.

Natuklasan ng pari na uminom ng lason si Simoun sapagkat mas nanaisin pa raw ng binata na
mamatay kaysa mahuli ng buhay. Sa huli’y kinuha ni Padre Florentino ang dala-dalang yaman ni Simoun
at inihagis sa karagatan ang mga takba ng brilyante at alahas ng binata.

You might also like