You are on page 1of 3

Kabanata 1: Sa Kubyerta

 Isang umaga ng Disyembre, naghahatid ng maraming manlalakbay ang bapor Tabo patungo sa
lalawigan ng Laguna. Ang bapor na ito ay may katangiang mabigat at mabilog na parang tabo
kung saan nanggaling ang pangalan nito.
 Sakay ng bapor sina Donya Victorina, Don Custodio, Ben-zayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Padre
Camorra, Padre Irene, at Simoun. Dahil sa mahaba at nakakainip na byahe, ang nagging paksa
nila ay ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Dito ay iminungkahi ni Simoun na maghukay ng matuwid
nak anal buhat sa bunganga ng ilong hanggang sa labasan.
 Ang mungkahi ni Simoun ay hindi naman sinang-ayunan ni Don Custodio dahil para sa kanya ang
suhestyon na ito ay maaaring magsimula ng kaguluhan. Para naman kay Don Custodio ay mas
maayos kung mag-alaga ng itik ang lahat ng naninirahan malapit sa Ilog Pasig upang sa gayon ay
lalalim ang lawa dahil sa mga kukunin nilang pagkain ng pato. Si Donya Victorina naman ay tutol
dito dahil dadami raw ang balot na kanyang pandidirihan.

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

 Sa ibaba naman ng kubyerta ay marami rin ang sakay at iba ang kaganapan. Dito ay kalapit ng
mga pasahero ang mga maleta, tampipi, at bakol. Nandito rin ang mainit na makina at iba’t
ibang amoy na nanggagaling sa mabahong langis at iba pa. dito nakasakay ang mga pasaherong
mahihirap.
 Kabilang sa mga pasahero sa ilalim ng kubyerta ay sina Basilio, Isagani, at Kapitan Basilio. Ang
kanilang usapan naman ay tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila. Iminumungkahi ni Basilio at
Isagani na ukol sa Akademya ng Wikang Kastila, sila ay mag-aambag ng salapi at ang mga
propesor ay kalahating Pilipino at kalahating Kastila. Ang bahay naman ay magmumula sa
mayamang si Makaraig.
 Nang bumaba si Simoun sa kubyerta, lumapit ito sa magkaibigang si Basilio at Isagani. Ipinakilala
ni Basilio si Isagani kay Simoun. Inanyaya naman ni Simoun ang dalawa na uminom ng serbesa
matapos nilang mag-usap ukol sa lalawigan. Tumanggi naman ang dalawa at sinabing di sila
umiinom ng serbesa.
 Binanggit naman ni Basilio na ayon kay Padre Camorra kulang sa lakas ang mga Pilipino dahil ito
ay palainom ng tubig at hindi ng serbesa. Ayon naman kay Isagani ang tubig ay matamis at
naiinom ngunit lumulunod sa serbesa at pumapatay ng apoy.

Kabanata 3: Mga Alamat

 Dumating si Padre Florentino sa itaas ng bapor. Ang usapan ng mga tao sa itaas ay nauwi sa mga
alamat. Pinasimulan ni Don Custodio ang usapan ay sinabing may alamat ang mga tanawin at
ilog.
 Inihayag niya ang alamat ng Malapad na Bato at sinabing ito ay sinasamba ng mga tao dahil ito
ay pinaniniwalaan na tinitirhan ng mga espiritu. Nawala naman ang paniniwala ng mga tao
simula noong manirahan ang mga tulisan dito.
 Si Padre Florentino naman ay nagkwento tungkol sa alamat ni Donya Geronima. Si Donya
Gernima ay tumandang dalaga dahil sa pag-iintay sa kasintahan na nagging arsobispo sa
Maynila. Sinundan daw ito ni Donya Geronima at inalok ng kasal at sila naman ay nanirahan sa
yungib na malapit sa Ilog Pasig upang makapagtago.
 Naisalaysay din ang alamat ni San Nicolas kung saan ito ay nagligtas ng Intsik mula sa isang
buwaya na naging bato raw matapos itong dasalan ni San Nicolas. At ang huling usapan ay ang
lugar kung saan namatay si Ibarra. Ito ay ipinaturo ni Ben Zayb kung saang banda iyon sa Ilog
Pasig; habang iyon ang usapan ay natahimik at namutla naman si Simoun.

Kabanata 4: Kabesang Tales

 Telesforo ang tunay na ngalan ni Kabesang Tales. Siya ay anak ni Tandang Selo. At ang anak
naman niya ay sina Lucia, Tano, at Juli.
 Inalagaan ni Kabesang Tales ang isang bahagi ng kagubatan dahil sa akala niyang walang
nagmamay-ari nito. Dito ay kasama nya ang kanyang ama, asawa, at mga anak. Ngunit ito ay
inangkin ng mga pari at siya ay siningil ng malaking halaga kada taon ngunit ang buwis nito ay
palaki nang palaki.
 Nang mawalan ng salapi si Kabesang Tales at nang nahuli ng mga tulisan na may dalang baril
kahit na ito ay ipinagbawal, siya ay ginawang bihag at ipinapatubos sa halagang limang daang
piso. Ang kanyang anak na si Juli ay napilitan na ipagbenta ang alahas na galing sa kasintahang si
Basilio at napilitan ding mamasukan bilang katulong upang matubos ang ama.

Kabanata 5: Ang Noche Buena ng isang Kutsero.

 Inililibot ang ang prusisyon ng noche-buena sa daan nang dumating si Basilio sa San Diego.
Naabala pa sila nang bugbugin ang kutserong sinakyan niya dahil nalimutan nitong dalhin ang
sedula.
 Si Basilio ay naglakad na lamang kasama ang kanyang sinakyan. Siya ay nalibang sa mga
dekorasyon habang naglalakad. Ngunit naabala muling sila nang mabugbog muli ang kutsero
dahil sa namatay ang ilaw ng kalesa nito kung kaya’t ipinagpatuloy na lamang ni Basilio ang
paglalakad.
 Narrating niya ang bahay ni Kapitan Tiago na kaniyang tinutuluyan at dito niya nalaman ang
nangyari kay Kabesang Tales ay Juli.

Kabanata 6: Si Basilio

 Si Basilio ay umalis mula sa bahay ni Kapitan Tiago patungo sa libingan ng mga Ibarra na siyang
nabili ni Kapitan Tiago. Pumunta siya rito pagkat dito nakalibing ang kanyang ina at anibersaryo
ng pagkamatay nito. Inalala rin nya ang pagkamatay ni Elias na siyang nagbigay sa kaniya ng pera
na nagamit niya upang magtungo sa Maynila.
 Walang nais na kumupkop kay Basilio noon at nagtangka siyang magpasagasa. Mabuti na
lamang at Nakita siya ni Kapitan Tiago at Tiya Isabel. Siya ay pinag-aral ng mga ito sa San Juan de
Letran.
 Naging magaling sa pag-aaral si Basilio. Siya ay pinalipat ni Kapitan Tiago sa Ateneo Municipal
kung saan siya ay nag-aaral ng medisina. Malapit na siyang magtapos ng pag-aaral at magiging
ganap na doktor na. balak rin niyang pakasalan ang kasintahan na si Juli.

Kabanata 7: Si Simoun
 Nang pabalik na si Basilio sa bayan ay may narinig siyang mga yabag at naaninag na liwanag sa
kakahuyan. Pinuntahan ito ni Basilio at nakita ang mag-aalahas na si Simoun. Habang
pinapanood siya ni Basilio ay naalala niya ang tumulong sa kaniya sa paglibing sa kanyang ina at
kay Elias. Ito ay hindi inakala ni Basilio.
 Lumapit si Basilio upang tulungan si Simoun at nagpakilala siya. Sinabi rin niya na nakilala niya si
SImoun dahil siya nga ang tumulong sa kaniya labing-tatlong taon na ang nakakalipas. Dahil
nalaman ni Basilio ang sikreto ni Simoun, binalak ni Simoun na patayin si Basilio ngunit hindi niya
ito tinuloy sapagkat alam niyang nais din maghiganti ni Basilio.
 Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kaniyang nais na bigyan ng pantay pantay na Karapatan
ang mga Pilipino at Kastila maging balak niya na himagsikan. Hinikayat rin niya si Basilio na
sumali sa kaniyang plano laban sa pamahalaan ng Kastila. Ngunit ito naman ay tinanggihan ni
Basilio sapagkat naniniwala ito na walang katapusan ang karunungan. Bukod doon ay layunin
niya na makapagtapos ng medisina at matubos sa pagiging alipin si Juli.

Kabanata 8: Maligayang Pasko

 Kahit madilim pa ay gising na si Juli at ang unang naisip niya ay baka gumawa ng himala ang
Birhen dahil hindi pa sumisikat ang araw ngunit walang himalang nangyari dahil ang araw ay
namanaag na. Matapos nito ay tiningnan naman niya ang ilalim ng imahen ng Birhen upang
silipin kung may salapi na maaari niyang gamitin pangtubos sa kaniyang ama ngunit siya ay bigo.
 Nagbihis na si Juli upang pumunta sa bahay ng kaniyang amo na si Hermana Penchang. Bago
umalis ay lumapit siya sa kaniyang lolo na si Tandang Selo upang halikan ang kamay nito. Ibinilin
din niya na sabihin sa kaniyang ama na siya ay napasok sa pinakamurang kolehiyo. Nang makita
niya na malapit nang pumatak ang luha ng kaniyang lolo ay dali-dali siyang umalis.
 At dahil araw ng Pasok, marami ang kamag-anak na dumating sa bahay ni Tandang Selo. Nagtaka
ang mga ito sapagkat kahit anong gawin ni Tandang Selo ay hindi ito makapagsalita na tila ito ay
napipi.

Kabanata 9: Si Pilato

 Ang nagging kondisyon ni Tandang Selo ay mabilis na kumalat sa bayan. Marami ang naawa
ngunit ang iba ay kibit balikat lamang at naghugas kamay. Nang marinig ni Hermana Penchang
ang balita, sinabihan pa niya si Juli na magdasal dahil ang sinapit daw ng kaniyang lolo ay parusa
mula sa langit dahil hindi sila marunong magdasal.
 Nabalitaan ni Hermana Penchang ang pagluwas ni Basilio upang kumuha ng pantubos kay Juli at
siya ay nag-alala sa kaligtasan ng dalaga. Siya ay may paniniwalang ang mga kabataan na nag-
aaral sa Maynila ay nasasawi.
 Sa kabilang dako naman, nagdiwang ang mga pari dahil nanalo sila sa usapin ukol sa lupain.
Dahil dito ay pinamigay nila ang lupain ni Kabesang Tales bago pa ito makarating.
 Binigyan din si Kabesang Tales ng tatlong araw upang umalis sa kanilang tirahan at dito ay wala
nang nagawa si Kabesang Tales.

You might also like