You are on page 1of 43

El filibusterismo

Galgao’s Group
Kabanata 1
Sa Ibabaw ng Kubyerta
Naglalayag ang Bapor Tabo sa may
llog Pasig,isang umaga ng Disembre
at patungong Laguna. Nasa ibabaw
ng kubyerta ang mga
makakapangyarihan a tao tulad nina
Don Custodio Donya Victorina Kapitan Heneral
Padre Salvi Ben Zayb

Padre Irene Simoun


Napapasama si Simon sa mga
mayayaman dahil kilala nila ito
bilang isang maimpluwensiyang
alahero.Kilala siya sa buong
Maynila dahil naiimpluwensiyahan
ito ng Kapitan Heneral.
Upang mapawi ang
pagkainip sa mahaba at
mabagal na biyahe,
napag-usapan nila ang
pagpapalalim ng Ilog
Pasig.
Iminungkahi ni Don Custodio na
mag-alaga ng itik. Sinambit
naman ni Simon na kailagang
gumawa nang tuwid na kanal na
mag-Uugnay sa lawa ng lawa ng
Laguna at sa Maynila.
Sandaling nagkainitan sina Don
Custodio at ang ilang prayle dahil sa
magkaiba nilang suhestion at mithing
ipatupad. Ayaw naman ni Dona
Victorina na makapag-alaga ng pato
sa kanilang lugar dahil darami raw ang
balut na pinandidirihan niya.
Mga Aral sa kabanata 1

Ang buhay kung minsan ay isang Bapor


Tabo.
Nasa itaas ang may kapangyarihan.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na
ligtas na sila sa mga suliranin dahil sila
mismong nasa taas ay ang gumagawa ng
kanilang mga intindihin.
Kabanata 2
Sa ilalim ng kubyerta
Nagtungo si Simoun sa ilalim ng
kubyerta.
Masikip at siksikan doon dahil
may mga pasahero
at naroon din ang mga bagahe
at kargamenrto.
Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng
medisina at si Isagani na isang makata mula
sa Ateneo.
Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-
usapan nila
ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa
pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging
matagumpay.
Napag-usapan din ng dalawa ang
nobya ni
Isagani na si Paulita Gomez,
pamangkin ni Donya Victorina
de Espadaña.
Mava-maya pa ay lumapit si Simon
kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni
Basilio si Simon kay Isagani. Nagwika
si Simon na hindi siya nadadalaw sa
lalawigan nina Basilio at Isagani dahil
mahirap ang lugar at walang bibili ng
alahas.
Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang
sa inalok ni Simon ng serbesa ang dalawa.
Tumanggi sila at sinabi ni Simon na ayon
daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at
tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay
panay tubig ang infinom at di alak.
Mga Aral sa kabanata 2

Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang


diskriminasyon ng lipunan, na ang
mahihirap ay laging nasa ilalim. Ang hindi
nila batid ay walang pinipiling katayuan sa
buhay ang pagiging mahusay at
kapakipakinabang.
Kabanata 3
Alamat
Nauwi ang usapan sa ibabaw ng
kubyerta sa mga alamat.
Nagsimulang ikuwento ng Kapitan
ang alamat ng Malapad-na-Bato.
Ayon sa alamat, itinuturing daw na
banal ng mga katutubo ang lugar
at tahanan ng mga espiritu..
Ngunit nang manirahan daw
dito ng mga kriminal ay
nawala ang pangamba sa mga
kaluluwang naroon. Sa mga
tulisan na natakot ang mga
tao.
Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng
alamat ni Donya Geronima. Nagkaroon dawn g
kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo
ito sa Maynila. Sinundan daw ng babae ang
katipan at kinulit sa alok na kasal. Upang
makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang
yungib malapit sa llog Pasig.
Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na
nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng
isang buwaya.
Naging bato daw ang buwaya
nang dasalan ng Intsik ang santo. Nabling naman
ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra.
Ipinaturo ni Ben Zayb kung saan iyon banda sa llog
Pasig. Natahimik at namutla naman si Simoun.
Mga Aral sa Kabanata 3

Mahilig ang mga Pilipino sa mga


alamat. Sa mga kuwentong ganito ay
nababatid ang malikhaing dahilan ng
pagkakabuo ng isang bagay na
lubhang nakaaaliw at kapupulutan din
ng aral.
Kabanata 4
kabesang Tales
Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales.
May tatlong anak naman ang Kabesa na
sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia
dahil sa malaria.
Naging marangya ang buhay nila dahil sa
sipag ni Tales. Magbubukid siya at
umasenso sa kaniyang tubuhan.
Ninais niyang pag-aralin si Juli ng
kolehiyo upang makapantay ang
kasintahang si Basilio.
Gayunman, tinaasan sila ng buwis
sa tubuhan hanggang sa inangkin ng
mga prayle. Dinala ito sa korte
ngunit natalo siya.
Nakulong naman si Tales nang
magdala ito ng patalim at may
nakitang pera sa kaniya.
Pinatutubos naman siya sa halagang
500. Upang may pantubos sa ama,
isinanla niya ang laket na bigay ng
kasintahan na noong ay pagmamay-
ari ni Maria Clara.
Ngunit di ito sapat kaya namasukan
siyang katulong kay Hermana Penchang
noong bisperas ng Pasko. Dahil sa
masalimuot na nangyari sa kanilang
pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si
Juli na pangarap ng kaniyang ama para
sa dalaga.
Mga Aral sa Kabanata 4

May mga buhay na nasisira ang


pagiging ganid at mapanglamang sa
kapuwa. Katulad ng kuwento ni
Kabesang Tales na nagsusumikap
ngunit pinabagsak ng makasariling
interes ng mga prayle.
Kabanata 5 Ang Noche Buena ng
Isang Kutsero
Gabi na nang makarating si
Basilio sa kanilang bayan.
Nasabay pa siya sa prusisyong
pang-Noche Buena. Naabala pa
sila dahil binubugbog ang isang
kutserong si Sinong na nalimutan
ang kaniyang sedula.
Matapos ay napag-usapan nila ang
rebulto ni Metusalem, ang
pinakamatandang taong namalagi
sa daigdig. Idinaan naman ang
rebulto ng tatlong Haring Mago na
nakapagpaalala kay
Sinng kay Haring Melchor.
Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung
nakaligtas na ang kanang paa ng bayaning si
Bernardo Carpio na naipit umano sa bundok
sa
San Mateo. Pinaniniwalaan kasing haring mga
Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa
kanila.
Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng
kaniyang kalesa. Dinala na siya sa presinto at si
Basilio ay naglakad a lamang. Sa paglalakad niya
ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik
ang bayan kahit Pasko na.
Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at
naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang Tales
at Juli.
Mga Aral sa Kabanata 5

Malaki ang pag-asa sa ilang nilalang


kahit tila puro pasakit na ang kanilang
nararanasan. Likas sa mga Pilipino na
maniwalang darating din ang liwanag sa
kabila ng tinatahak nilang malubak at
madilim na landas.
Kabanata 6 Si Basilio
Umalis si Basilio sa bahay ni
Kapitan Tiago, madaling araw pa
lamang. Nagtungo siya sa libingan
ng mga Ibarra sapagkat
anibersaryo ng pagyao ng kaniyang
ina.
Nag-alay siya ng isang panalangin
para sa ina.
Matapos ivon av lumisan na rin si
Basilio at bumalik na sa Maynila.
Muntik nang magpatiwakal si Basilio
noon dahil sa mga suliraning hinaharap.
Nakita lamang siya nina Tiya Isabel at
Kapitan Tiago at kinupkop at pinag-
aral ito sa Letran. Hirap noong unang
taon sa eskwela si Basilio at tanging
"adsum" o
"narito" ang kaniyang nababanggit.
Nakukutya rin siya dahil sa kaniyang
lumang kasuotan.
Gayunman, walang nakapigil kay Basilio
na mag-aral.
Nagkaroon ng guro si Basilio na
tinangka siyang lituhin sa isang aralin.
Ngunit nasagot ni Basilio nang ilang
beses ang tangka ng guro.
Dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at
nagkaroon pa ng laban sa sable at baston.
Naging sobresaliente din siya o may may
pinakamataas na marka.
Hinikayat naman siya ni Tiago na mag-aral
sa
Ateneo Municipal kung saan siya kumuha ng
medisina.
Mga Aral sa Kabanata 6

Wala sa katayuan sa buhay o anyo ang


pagging mahusay. Sabinga, huwag
husgahan ang aklat ayon lamang sa
pabalat. Minsan ang kagalingan ay
ikinukubli lamang at inilalabas sa tamang
pagkakataon.
Salamat sa
🫶🏻
pakikinig

You might also like