You are on page 1of 48

Kabanata 1

Sa ibabaw ng kubyerta

Noong umaga ng Disyembre.Sa ilog Pasig habang


umaandar ang bapor Tabo.Si Don Custodio,Ben
Zayb,Padre Irene,Padre Salvi,Donya Victorina,Kap. Heneral
at Simoun ang sakay nito sa kubyerta.

Habang dumadaan ang bapor sa ilog pasig.Nag-uusap


sina Don Custodio,Simoun,Donya Victorina.Sabi ni Don
Custodio ay mag-alaga ng itik para dumami ang
produksyon ng ballot.Ngunit ani ni Simoun ay gumawa na
lamang ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng
Laguna at Maynila.Pero tutol si Donya Victorina na matuloy
ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na siyang
pinandidirihan ni Donya Victorina.
Kabanata 2
Sa ilalim ng kubyerta

Pumunta si Simoun sa ibaba ng kubyerta. Masikip ang


ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang estudyante, Si
Basilio na isang magaling na manggagamot at si Isagani na
kakatapos pa labang sa Ateneo. Kausap ng dalawa si Kap
basilio at napag usapan nila si Kap. Tiago. Napunta ang
usapan sa planong pagpapatayo ng paaralan ng
estudyante upang makapagturo ng kastila. Naging laman
din ng kanilang usapan sina Paulita Gomez, Donya
Victorina at Don Espadana. Dumating si Simoun at
kinausap ang dalawa. Ipinakilala ni Basilio si Isagani. Sinabi
ni Simoun kung bakit di niya dinadalaw ang lalawigan nina
Isagani sapagkat ang lalawigang ito ay mahirap at di
makakabili ng alahas, nasabi niya ring dukha ang lalawigan
sapagkat Pilipino ang namumuno sa simbahan. Tinutulan
naman ito ni Isagani at sinabing di nila kailangan ng alahas.
Niyaya sila ni Simoun na uminom ng serbesa ngunit
tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun sabi ni Padre
Camorra kaya daw tama dang Pilipino ay dahil tubig ang
iniinom kisa sa serbesa. Mariin naman itong tinutulan ni
Isagani. Ngunit para kay Simoun ang sinabi ni Isagani ay
pawing pangarap lamang. Nang umalis si Simoun ay
pinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin at ng nakita
siya ng Kapitan ay inanyayahan itong umakyat sa ibabaw
ng kubyerta.
Kabanata 3
Ang mga alamat

Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang nasa kubyerta.


Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino sa mga
bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Ayon kay Simoun wala raw
kwenta ang isang lugar kung wala itong alamat. Isinalaysay ng Kapitan ang
alamat ng malapad na bato. Sinabi din niya na may isa pang alamat yungkol
kay Donya Geronima. Si Padre Florentino naman ang nagkwento.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit naman si Donya Victorina.
Nagtanong si Simoun kay Padre Salvi hinggil sa arsobispo at ang sagot nito
ay hindi niya ito mahahatulan. Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong sib
en Zayb sa kapitan kung saan napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.
Itinuro ng Kapitan. Naghanap ng bakas si Donya Victorina sa pagkamatay.
Nagkasama daw ng ama ang bangkay ng anak at ayon kay Ben Zayb iyon
ang pinakamurang libing. Nagtawanan ang lahat ! Maliban kay Simoun na
walang kibo at namumutla ipinagpalagay nalang ng Kapitan na ito’y nahihilo
sa paglalakbay.
Kabanata 4
Kabisang tales

Si Tandang Selong na umampon kay Basilio ay matanda


na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si kabisang Tales na
anak niya ay isa ng kabesa de barangay. Yumaman ito sa
tiyaga. Nagsimula sa pagsasama sa isang namumuhunan
hanggang sa nakapag ipon, naghawan ng gubat na walang
nagmamay ari at ginawang tubuhan. Pinag aral niya ang
anak na si Huli upang maging kapantay ng kanyang
kasintahan na si Basilio. Nang ang bukid ay umunlad
inangkin ito ng mga prayle. Pinabuwisan ng mataas at
tinaasan ng tinaasan hanggang din a nakaya ni Kabesang
Tales. Nakipag asunto siya sa mga prayle. Ipinakita ng mga
prayle ang titulo. Matigas ang pagkakasabi ni Kabesang
Tales na binungkal at tinaniman niya ang lupa ditto din
nalibing ang anak niya at asawa sa pagtulong sakanya
kaya’t ilalaban niya ito makukuha lamang ito sakanya kung
may didilig ng dugo. Pumayad siya ng abogado. Tinanuran
niya ang kanyang bukirin. Lagi siyang may dalang baril at
gulok. Nang ipagbawal ito palakol ang palagi niyang dala.
Si Kabesang Tales ay nahuli ng mga tulisan kailangan
siyang tubusin ni Huli. Ipinagbili nito lahat ng kanyang
alahas ngunit hindi sapat kaya napag desisyonan niyang
mangutang kay Hermana petchang kapalit ng pagiging
utusan niya. Noon ay bisperas ng pasko at bukas ay araw
na ng pasko magsisimula na siyang maglingkod.

Kabanata 5
Ang noche Buena ng isang kutsero

Gabi na at inilalakad na ang prusisyon ng dumating si


Basilio sa San Diego. Naabala sila sapagkat nakalimutan ng
kartero ang kanyang sedula at walang ilaw ang kanyang
karatela kayat nabugbog at nasita siya ng gwardiya sibil.
Idinaan ang imahen ni Metusalem kasunod ay ang imahen
ng tatlong haring Mago na nagpapaalala kay Sinang.
Kasunod ng prusisyon ang mga batang malulungkot sa
pag ilaw. Si San Jose naman ay kasunod naman ang mga
batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang
birhen. Sa dinaraanan ni Basilio ay bahay lamang ni Kap.
Basilio ang nakita niyang Masaya nagkakatay ng mga
manok at nakikipag usap ito sa kura, alperes at kay
Simoun. Narinig nito na bibili sila ng mga alahas sa
mangangalahas. Nasabi ni Basilio na si Simoun ay
kasindak-sindak. Sa bahay ni Kap. Tiyago ay ginagalang si
Basilio sapagkat tumistis ito ng isang maysakit na parang
walang ano man. Nagbigay ng utos ang mga utosan. Ibig
ni Basilio na makatistis ng tao. Ang huling ulat sa kanya na
nadakip ng mga tulisan si Kab. Tales ay siyang nagpawala
ng gana kay Basilio.
Kabanata 5
Si basilio

Nang tumunog ang mga balitaw ng noche Buena si Basilio


ay palihim na nagtungo sa gubat. Tinungo niya ang
libingan ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa nito at
nagbalik tanaw sa nakaraang may 13 taon na ang lumipas.
Namatay ang kanyang ina. May dumating na lalaking
sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipansusunog sa
bangkay ng kanyang ina at ng sugatang lalaki. May
dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan
ng kahoy at paglilibing. Umalis siya sa gubat at
nagtungong maynila. Marami siyang hirap na binagdaan at
minsa’y naisip niyang magpasagasa sa mga kutsero sa
hirap na pinagdaraanan niya. Nakita siya ni Kap. Tiago na
noo’y kakabasok lang ni Maria Clara sa biateryo. Nagslbi
siyang utosan. Nag aral siya sa Letran. Unang taon niya
doon ay wala siyang alam sabihin kundin ang kanyang
pangalan at adsum o narito po. Kinutiya siya nang mga
kaklase dahil sa kanyang kasuotan ngunit palagi siyang
nagsasaulo ng mga leksyon. Sa pagpapatuloy ng pag-aaral
niya ay minsan siyang pinagkatuwaan ng kanyang guro
ngunit nasagot niya ito ng maayos kaya’t di na siya
tinanong nito. Minsay nakatuwaan ng kanyang professor
na tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan
at sa labanang iyon ay namayani si Basilio. Muhi si Kap.
Tiago sa mga prayle dahil pumasok si Maria Clara sa
biateryo kaya’t pinalipat niya si Basilio sa Ateneo.
Maraming natutuhan si Basilio, kumuha siya ng medisina at
hindi pa siya nakakapagtapos ay nakakapanggamot na
siya. Isang taon nalang at magtatapos na siya papakasalan
niya ang kasingtahang si Huli.

Kabanata 7
Si simoun

Si Basilio ay pauwi na sana nang may maring na yabag at


nalaman na ito’y galling kay Simoun. Nang nagtanggal ng
salamin ang mang aalahas ay namukhaan ito agad ni
Basilio. Ito ay ang tumulong sakanya na maglibing ng
kanyang ina 13 taon na ang makalipas. Nagpakita si basilio
kay Simoun. Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio dahil
nalaman nito ang kanyang sikreto. Inamin ni Simoun na
siya si Ibarra isiniwalat niya ang kanyang buong diwa,
damdamin at mithiin. Inanyaya niya si basilio na sumanib
sa kanyang planong paghihimagsik laban sa pamamahala
ng kastila. Hindi pumayag si Basilio at iniwan si Simoun.

Kabanata 8
Maligayang pasko

Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang


salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa
kay Hermana Pechang. (Iyon ay araw ng pasko). Sa sama
ng loob ay napipi si Tandang Selo.
Kabanata 9
Ang mga pilato

Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang selo at


kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng
matanda. Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Na
nagsamsam ng sandata na ipinag utos lamang sakanya.
Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni kabesang
Tales na kung sana’y namalagi raw siya sa bahay ay di sana
siya nadukot. Si Hernana Penchang na bagong panginoon
ni Huli ay nagsabing si Tandang Selo ang may kasalanan
sapagkat di niya tinuruang magbasa ang mga kaanak tulad
ng ginagawa niya kay huli na pinagbabasa ng aklat at
tinuturuang magbasa. Nang mabalitaang tutubusin ni
Basilio ang kasintahan ay sinabi niyang si Basilio ay isang
demonyong nag aanyong estudyante. Nakauwi si kabisang
Tales sa tulong ng salaping napagbilhan ni Huli ng mga
alahas at ng nautang niya kay Hermana Petchang.
Nalaman niya ang nangyari. Ang ama ay napipi, pinalayas
sila sa kanilang tirahan, may bagong gumagawa ng
kanilang bukirin at nagpaalipin si Huli. Napaupo si
Kabesang Tales ng walang kibo.
Kabanata 10
Kayaman at karalitaan

Sa bahay ni Kabisang Tales tumuloy si Simoun. Dala ni


Simoun ang pagkain mga kailangan niya at ang dalawang
kaban ng alahas. Ibinagmalaki ni Simoun ang kanyang
rebolber kay Kabesang Tales. Nagdaratingan ang
mambibili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si
Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang na bibili ng
singsing na brilyante. Binuksan ni Simoun ang dalawang
maleta. Mga alahas Napatingin si Kabesang Tales sa mga
alahas ni Simoun at naisip niyang sa tulong nito ay
matutubos niya si Huli at mapapagaan ang loob ng ama.
Inilabas ni Simoun ang mga bagong hiyas ditto namili sina
Sinang at iba pa. Sabi ni Simoun siya daw ay namimili din
ng alahas. Tinanong si Kabesang Tales kung may ipapabili
agad naming minungkahi ni Sinang ang kwintas at agad
itong tinawaran ni Simoun ng malamang kwintas ito ng
kasintahang nagmongha. Nagdalawang isip si Kabesang
Tales at iminabuti munang kausapin ang anak. Lumabas
siya at pinuntahan si Huli ngunit nakita siya ng prayle at
gumagawa ng lupa. Pinagtawan siya nito. Naapakan ang
pagkalalaki ni Kab. Tales bumalik siya sa bahay at sinabing
di niya nakausap si Huli. Kinabukasan ay wala na si
Kabesang Tales. Naiwan ang isang sulat at ang kwentas.
Humingi ito ng tawad sa mang aalahas. Kinuha nito ang
rebolber ni Simoun. Dinakip si Tandang Selo. Natuwa si
Simoun. Tatlo ang piñata ni Kab. Tales ng gabing yun. Ang
prayle, mangagawa ng lupa at asawa nito. Nagkaron sila
ng madugong pagkamatay putol ang leeg at puno ng lupa
ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na
kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa
dugo.

Kabanata 11
Los banos

Ang Kap. Heneral ay nangaso sa Bosoboso. Wala siyang


nabaril na ibon at usa. Ang kap. Heneral at mga padre ay
naglaro ng tresilyo. Nagpapatalo ang mga padre sapagkat
gusto nilang makipag-usap ditto tungkol sa paaralang
gusting ipatayo ng mga kabataan, ngunit sabi ng Heneral
na sa susunod nalang pag-usapan iyon. Nainis si padre
camorra sa pagpapatalo ng mga padre, at umalis. Si
Simoun ang pumalit. Biniro siyang itaya niya ang kanyang
mga brilyante. Pumayag si Simoun, kapalit ng
pagpapangako ng mga padre na bitawan ang kabaitan
loob at maging marahas sa mga indyo at mahigpit na
pagpapatupad ng mga batas. Nang tanungin siya kung
anung mapapala niya rito, upang luminis daw ang bayan.
Matapos ay pinag-usapan na ang tungkol sa paaralan;
pinaglaban ito ni Don Custodio ngunit ang iba’y tutol,
sapagkat baka raw ito’y isang paraan ng paghihimagsik,
dapat daw ay hindi humigit ang mga paaralan sa Pilipinas,
at iba pa. Nagtalo sila rito ngunit ang pagtutol ni Simoun
ang maaaring pinakamalaking balakid sa mga kabataan.
Nakiusap ang anak ni Kabesang Tales na palayain ang
nuno kapalit g ama, kumampi si padre Camorra at pinalaya
ito ng Heneral.
Kabanata 12
Placido penitente

Malungkot patungong paaralan si Placido. Nakita niya si


Juanitio Palaez. Nagtanong ng leksyon si Juanito Palaez
kay Placido sapagkat noon pa lamang siya pumasok.
Nagpasukan sa paaralan ang mga estudyante. Ngunit may
tumawag kay Placido. Pinalagda si Placido sa kasulatang
tutol sa balak na paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si
Placido sapagkat hindi niya gusting basahin ang kasulatan.
Pumasok na sa klase si Placido at nagpahuli sapagkat akala
niya ay mapapansin na siya ng guro. At siya’y napuna ng
guro.

Kabanata 13
Ang klase sa pisika

Si Padre Millon ang guro ni Placido noong umagang iyon


at pinakakabisa ng guro lahat ng nasa libro. May natutulog
sa klase na nahuli ng guro kaya naman inulan ito ng
tanong at noong minsay sumabat si Juanito, napasa ito
sakanya at humingi ng tulong kay Placido. Nahuli ni Padre
Millon na tinutulungan ni Placido si Juanito kaya naman ito
ang tinanong ng tinanong. Sa huli ay napuno na si Placido
at sinabing walang karapatan ang pari na magsalita ng
ganoon. Wala daw itong karapatang mang alipusta ng
kapwa at bigla nalang umalis ito sa klase.

Kabanata 14
Sa bahay ng mga mag-aaral

Nagpunta ang mga pangunahing estudyante sa bahay na


tinitirhan ni Macaraig upang pag-usapan ang kanilang
pakay tungkol sa akademya ng wikang kastila. Mayroong
magandang balita si Macaraig na si Padre Irene ang
nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumasalungat sa
kanilang adhikain. Pinaplano nila ang pagsali sa kanilang
panig ni Don Custodio, G. Pasta at Pepay, isang
mananayaw na kaibigan ni Don Custodio.
Kabanata 15
Si ginoong pasta

Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol.


Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maaari ay
mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling
sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil
nagpasya ang abogado na wag makialam dahil maselan
ang usapan. Marami na siyang pag aari kaya’t kailangang
kumilos ayos sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay
lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at
katayugan ng pag-iisip nito.

Kabanata 16
Ang kasawian ng isang intsik

Naghandog ng isang hapunan si Quiroga na dinaluhan ng


tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga
prayle, mga military, mga kawani ng pamahalaan, gayun
din ang kanilang mga suki. Dumating si Simoun upang
singilin ng utang ang Intsik. Nakipagkasunduan na
babawasa niya ng 2 libo ang 9 na libong utang ni Quiroga
kung papayag itong itago ang armas sa bodega ni
Quiroga. Napilitang sumang-ayon si Quiroga sapagkat
ito’y gipit. Pinag-uusapan naman ng mga pari ang ulong
nagsasalita sa perya na pinamamahalaan ni Mr. leeds.

Kabanata 17
Ang perya sa quiapo

Isang maganda at maaliwas na gabi sa perya kung saan


nagtungo ang mga panauhin ni Quiroga. Sila ay nagtungo
sa kubol ni Mr. Leeds at naglibot sa perya kung saan may
nakita silang mga larawan at isa doon ay kahawig ni
Simoun. Si Simoun naman ay biglang nawala sa perya.
Kabanata 18
Ang mga kadayaan

Ang mga panauhin ay nanood ng palabas ni Mr. Leeds.


Ang nagsasalitang mahiwagang ulo na si Imuthus ay
nagkwento tungkol sa kanyang pagkamatay o pagkasawi.
Binanggit din ng ulo na siya’y nabuhay muli upang
ipahayag ang kataksilan. Sa takot ni padre Salvi ay
nahimatay sya. Sa sumunod na araw ay ipinagbawal ang
palabas at nagtungo si Mr. Leeds sa Hongkong dala ang
lihim.
Kabanata 19
Ang mitsa

Pilit na tinitiis ni Placido ang pagtitimpi at pinipigil ang galit


niya sa taong kagalit niya. Nakasalubong niya si Simoun at
naglabas ng saloobin. Ikinwento nya ang kagustuhan ng
kanyang ina na siya ay magpatuloy mag-aral. Nakinig siya
sa mga sinasabi ni Simoun. Umuwi sya at pinakinggan ang
pangaral ng kanyang ina.
Kabanata 20
Si don custodio

Si Don Custodio ay nakapangasawa ng mayaman at


nagnegosyo. Pumunta ng Espanya ngunit walang
pumansin sakanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan
kaya siya ay bumalik sa Pilipinas. Sya ay naniniwala na ang
Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan. Sa loob ng
labing limang araw, Si Don Custodio ay bumuo ng pasiya
ukol sa kasulatan at handa na siya na ipaalam ito sa lahat.
Kabanata 21
MGA ANYO NG TAGA-MAYNILA

Naubos agad ang ticket sa isang palabas sa teatro kung


saan nagpapaskil doon sina Camarroncido at kaibigan
niyang si Tiyo Kiko. Naroon din si Tadeo na nanloloko ng
kababayang tanga sa kanyang kahanga hangang
kasinungalingan. Nakita ni Tadeo ang kapwa mag-aaral na
sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani. Inanyayahan
siya nitong manood ng palabas at siya ay sumama.
Kabanata 22
Ang palabas

Nagsimula ang Palabas pagdating ng Heneral Magulo sa


loob ng dulaan. Maingay ang mga tao at pinipintasan ang
palabas. Hindi na natapos ng mga estudyante ang palabas
sapagkat nagsialisan na sila.
Kabanata 23
Isang bangkay

Dumating si Simoun sa bahay. Naroon si Basilio at Kapitan


Tiago na pinapagaling ni Kap. Tiago. Hinimok ni Simoun si
Basilio na makiisa sa himagsikan. Inatasan ni Simoun si
Basilio na itakas at agawin si Maria Clara sa kumbento.
Sinabi ni Basilio na nagpakamatay si Maria Clara.
Kabanata 24
Mga pangarap

Nagkita si Isagani at Paulita sa Luneta upang mag-usap at


magkaroon ng pagkakaunawaan. Napag-isip isip ni Isagani
tungkol sa hindi mabuting kalagayan ng kanyang bansa at
ang mga dinaranas nito. Nangako si Isagani na kanyang
iaalay ang buhay para sa baying kanyang tinubuan. Sinabi
niya sa sarili na kung siya’y hindi magtatagumpay ay
ikatutuwa pa rin nya na isa siya sa mga bayaning nagmahal
sa kanilang kalayaan.
Kabanata 25
Tawanan at iyakan

Labing apat na estudyante ang nagdaos ng piging ng mga


estudyante at sila’y nagkaroon ng salo-salo. Pinaghambing
nila ang mga pagkain sa prayle. Nagtalumpati si Tadeo
kahit hindi siya handa.
Kabanata 26
Ang mga paskil

Maaga pa lamang ay gumising na si Basilio upang


magtungo sa unibersidad ngunit hindi tulad ng inaasahan
niya. Ang mga tao ay takot at malungkot ang mga itsura.
Nagkasalubong ang ilang estudyante ngunit sinabihan
lamang siya na mag-ingat. Narinig nya ang talumpati ni
Isagani at lumisan sa lugar ngunit naaresto siya kasama ni
Makaraig ng mga guwardiya.
Kabanata 27
Ang prayle at ang estudyante

Pinatawag ni Padre Fernandez si Isagani at pinag-usapan


nila ang tungkol sa pagtatalumpati ni Isagani at ang
kanyang paninindigan. Napagtalunan nila ang mas angat
sa katarungan at kalayaan. Napag-usapan din ang
sabuwatan ng pamahalaan at ng mga Pilipino upang
manatili sa kamangmangan ang mga ito.
Kabanata 28
Ang pagtakot

Naging takot ang lahat ng magsimula ang himagsikan.


Marami ang piñata dahil pinagkamalang kasama sila sa
kilusan at paskil. Nabilanggo din ang iba kasama si Basilio
at Isagani. Sa bahay ni Placido nag-usap sina Simoun. Sa
gabing iyon daw pupugutan ng ulo ang mga bilanggo.
Kabanata 29
Ang huling pati-ukol kay kapitan
tiyago

pumunta sa burol ay pinag-usapan ang damit na suot ni


Kapitan Tiago. Lumang damit ang pinasuot ni padre Irene.
Hindi raw mahalaga sa langit ang damit. Tatlong prayle
ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang
sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita.
Kabanata 30
Si huli

Mabilis na kumalat ang balitang nailibing na si Kapitan


Tiyago at nakulong si Basilio. Nang makarating ang balita
kay Huli naisip ng dalaga na siya ang dahilan ng
pagkadakip kay Basilio. Nakarating din sa mga kaanak ni
Basilio ang kanyang sinapit at sila’y nag-ambagan upang
mailigtas si Basilio. Si Huli naman ay humingi ng tulong sa
Hukom Pamayapa ngunit ipinayo na Kay Padre Camorra
lumapit. Kahit ayaw ni Huli ay napilitang humingi ng tulong
sa pari. Sinamahan siya ni Hermanang Penchang
patungong kumbento. Kinagabihan ay nagging usap-
usapan ang nangyari kay Huli ng hapong iyon. Tumalon sa
bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong
nakabunton sa ibaba. Si hermana Bali ay ay patakbong
bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang daan at
nagsisisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento ni
Tandang Selo. Itinaboy ito ng palo at tulak.
Kabanata 31
Ang mataas na kawani

Ipinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio. Mabuting


bata raw ito at matatapos na ng panggagamot. Lalong
napahamak si basilio sapagkat lahat ng sabihin ng Kawani
ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng
halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa
pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na
gumagamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng
Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa
ang Heneral wala raw siyang pakialam sa Bayan dahil ang
naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang
bansang Pilipinas.
Kabanata 32
Ang bunga ng mga paskil

Marami ang di nakasuli sa eksaming ibinigay ng serbisyo


sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat.
Si Pilaez ay napatali sa negosyo ng kanyang ama. Napasa-
Europa si Makaraig.Si Isagani ay sa aklat lamang ni Padre
Fernandez nakasulit. Si Basilio lamang ang hindi nakakuha
ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid
an gang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong
na kutsero na tanging dumadalaw sa bilangguan kanayon.
Naipayo nib en Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni
Kapitan Tiyago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo’y
madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng
iba’y pinakisasamahan niya. At tumagal ang ilang lingo ay
nabalitaang ikakasal si Juanito kay Paulita. Lahat ay
naghintay sa kasal ng dalawa sapagkat si Simoun daw ang
mamamahala.
Kabanata 33
Ang Huling matuwid

Dumating si Basilio sa silid ni Simoun upang sabihin na siya


ay pumayag sa sumali sa paghihiganti ni Simoun.
Ipinaliwanag naman ni Simoun ang kanyang plano.
Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi payak na
dinamita. Iyon daw ay ang mga tinipong luha ng mga api
na siyang panlaban nila sa lakas at dahas. Noon lamang
nakakita ng dinamita si basilio. Hindi makakibo ang
estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot
na kasangkapang inilagay sa ilawan. Sinabio ni Simoun na
ang ilawan ay gagamitin sa isang pista. Pagkaraan ng
20 minuto ang liwanag nito’y mangungulimlim at kapag
ginalaw ang mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang
mga supot ng pulbura sa kainan at walang makaliligtas sa
mga bisita ng kapistahan.
Kabanata 34
Ang kasal ni paulita

Ika-8 nga gabi at sa daan si Basilio. Sa bahay ni Kapitan


Tiago gaganapin ang piging ng kasal ni Paulita at Juanito.
Maraming bisita ang dumalo sa kasal ng dalawa. Naging
magara tingnan ang bahay dahil puro palamuti at bulaklak
ang makikita sa bahay. Parang hapag ng mga diyoses ang
pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa dakilang
panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay.
Kabanata 35
Ang piging

Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga


nagdaratingan. Naawa siya sa inakila niyang mga walang
malay na mamamatay. Namayani nanaman ang
kabutihang loob ni Bassilio. Ninais na iligtas ang mga tao
sa loob ng bahay. Nakita niya si Isagani at pinayuhang
lumayo ngunit tinanong ni Isagani kung bakit. Ipinaliwanag
ni Basilio ang ukol sa ilawan. Sa loob ng bahay ay
kinilabutan ang mga panauhin sa papel na may perma ni
Ibarra na matagal ng patay. Lumabo ang ilawan at
iminungkahi ng Heneral na itaas ang mitsa ngunit may
mabilis na pumasok at tinapon ang ilawan sa ilog.
Kabanata 36
Ang kapighatian nib en zayb

Nagtungo si Ben Zayb sa Pasig at natagpuan niya si padre


Camorra na sugatan. May isang maliit na sugat sa kamay at
may pasa sa ulo. Si Ben Zayb ay naghahatid ng balita at
iniiba ang kwento. Ang tatlong tulisan naman ay inilahad
ang itsura ng taong inanyayahan sumama sila. Ayaw
paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun
ang puno nila. Ngunit si Simoun ay di matagpuan sa bahay
niya. Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custodio ay
naghanda ng habla laban kay Simoun. Mabilis na kumalat
ang balita ukol sa mang-aalahas. Marami ang di
makapaniwala.

Kabanata 37
Ang hiwagaan

Nag-usap ang mga dumalo sa piging. Nagturo kung sino


ang may sala o kung sino man ang may galit kay Don
Timoteo o kay Juanito. Naisip nilang si Simoun ang may
sala sapagkat sya’y agad na umalis bago pa magsimula
ang hapunan. Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya, ani
Isagani na mahiwagang nakangiti. Nagpaalam si Isagani at
umalis.

Kabanata 38
Kasawiang palad

May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil.


Pinaparusahan ang mga dinakip at sinasabing mas malupit
pa ang mga sibil kaysa sa mga Kastila. Mayroong isang
bumaril kay Mautang. Nagkaroon ng barilan at sa talampas
ay may nakitang lalaki sa Carolino. Di man lamang
kumurap ang matanda. Nakatingin kay Carolino. Nakaturo
ang daliri sa likod ng talampas. Gulila’t at putlang-putla si
Carolino. Nakilala niyang ang matanda ay ang ingkong
niyang si Tandang Selo. Nakita niyang ang mga nanlalim
na mata ng matanda ay mga salamin ng matinding
hinanakit. At nang mamatay ito ay ay patuloy na may
itinuturo salikod ng talampas.

Kabanata 39
Katapusang kabanatA

Kay Padre Forlentino nagtungo si Simoun at siya ay


sugatan. Tumigil sa pagtugtog ang Pari at ito’y pumasok sa
silid ni Simoun. Napagluho ng pari na uminom ng lason si
Simoun at naghanap pa ng lunas ang pari. Ipinagtapat ni
Simoun ang kanyang tunay na katauhan. Tinanong niya
ang pari kung bakit di siya tinulungan ng Diyos na
isakatuparan ang kanyang plano. Ang sagot ng padre ay
dahil masama ang kanyang pamamaraan. Tinanggap ni
Simoun ang lahat ng kanyang sinabi. Dinala ng pari ang
mga alahas ni Simoun sa talampas at hinagis sa tubig.

You might also like