Professional Documents
Culture Documents
SAMANG BUOD
NG EL
FILIBUSTERISMO
Kabanata 1: Sa Ibabaw Ng Kubyerta (Buod)
Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at patungong
Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don
Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya
Victorina, at Simoun.
Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang
maimpluwensiyang alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng
Kapitan Heneral.
Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang
pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit
naman ni Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng
lawa ng Laguna at sa Maynila.
Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang
suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng
pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang balut na pinandidirihan niya.
Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa.
Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at
tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak.
Ngunit nang manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang pangamba sa mga
kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot ang mga tao.
Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng
isang buwaya. Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang santo.
Nabling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Ipinaturo ni Ben Zayb
kung saan iyon banda sa Ilog Pasig. Natahimik at namutla naman si Simoun.
Kabanata 4: Kabesang Tales (Buod)
Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina
Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.
Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa
kaniyang tubuhan.
Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio.
Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle.
Dinala ito sa korte ngunit natalo siya.
Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya.
Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang
laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.
Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong
bisperas ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na
nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.
Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang kanang paa ng bayaning si
Bernardo Carpio na naipit umano sa bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng
mga Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa kanila.
Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa. Dinala na siya sa presinto
at si Basilio ay naglakad na lamang.
Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit
Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at naisalaysay ang pangyayari kay
Kabesang Tales at Juli.
Nag-alay siya ng isang panalangin para sa ina. Matapos iyon ay lumisan na rin si Basilio at
bumalik na sa Maynila.
Muntik nang magpatiwakal si Basilio noon dahil sa mga suliraning hinaharap. Nakita
lamang siya nina Tiya Isabel at Kapitan Tiago at kinupkop at pinag-aral ito sa Letran. Hirap
noong unang taon sa eskwela si Basilio at tanging “adsum” o “narito” ang kaniyang
nababanggit.Nakukutya rin siya dahil sa kaniyang lumang kasuotan. Gayunman, walang
nakapigil kay Basilio na mag-aral.
Nagkaroon ng guro si Basilio na tinangka siyang lituhin sa isang aralin. Ngunit nasagot ni
Basilio nang ilang beses ang tangka ng guro.
Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na katauhan
ay batid din ng binata ang binabalak ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-
aping kasapi ng pamahalaan.
Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan.
Ang pangarap ni Simoun ay makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang
kanyang kasintahan na si Huli.
Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata
na walang kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay
dapat na maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang
mapayapang buhay.
Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi ang
binatang si Basilio.
Huminga nang malalim ang dalagang si Huli at namulat na lamang bigla na mali pala ang
mga sapantaha niya tungkol sa milagro. Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili
habang siya ay abalang nag-gagayak.
Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kanyang mga kamag-anak upang mamasko.
Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil anumang gawin niyang magsalita o
sumigaw ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa bayan. Ang ilan ay naawa
sa matanda, samantala ang mga guwardiya sibil at mga prayle ay nagkibit lamang ng
balikat.
Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na naghugas kamay
sa narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng
korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago ng mga armas.
Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal sa wikang Kastila. Ito
daw ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila
marunong manalangin sa langit.
Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin tungkol sa
hasyenda. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni
Kabesang Tales. Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang
kanyang sariling tahanan.
Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas ni Simoun na sina Kapitan Basilio at ang
kanyang anak na si Sinang at kanyang asawa, at si Hermana Penchang na kung saan may
balak bumili ng isang singsing na may brilyante para sa birhen ng Antipolo.
Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun, sapagkat si Kabesang Tales
naman ay napaisip sa kayamanang dala dala ni Simoun.
Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong hiyas. Dito naman pumili si Sinang at iba pa.
Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at pinabibili ito sa ama niyang si Kabesang Tales.
Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na
iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit
maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya,
pagpapatapon, at iba pa.
Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre Camorra
dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.
Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na
ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang
maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya
ng pangako.
Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalang ang natitira niyang taon sa
eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-aaral ay naisipan ni Penitente dahil sa mga
kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa
paaralan ni Padre Valerio noon.
Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya ni Juanito Paelez, isang anak ng
mayamang mestizong Kastila.
Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre Camorra at saka kinuwento
naman ito ng binata.
Tinanong din ni Paelez si Penitente tungkol sa kanilang leksyon dahil noong araw lamang
na iyon ang unang pagpasok ni Paelez. Niyaya naman ni Paelez si Penitente na
maglakwatsa, ngunit tumutol naman ito.
Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga
kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang
aparador na nakakandado.
Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran. Isa-isa
niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang
Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng
kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido.
Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang sumagot at
nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at
mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.
Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang pagpupulong. Positibo
ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan ang kanilang panukala. Habang si
Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo.
Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil
marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi
sa prayle.
Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang kaniyang pasya. Ayaw niya raw
makialam sa plano ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at mas makabubuti
raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot naman si Isagani
sa naging pasya ng Ginoo.
Naroon din si Simoun. Hindi lamang pagsama sa hapunan ang pakay ng alahero kung
hindi maging ang paniningil sa utang ni Quiroga. Gayunman, dahil nga sa pagkalugi ng
kaniyang negosyo, hindi siya makababayad kay Simoun ng limang libong piso.
Inalok naman siya ni Simoun na maaari niyang bawasan ng dalawang libong piso ang
pagkakaurang ng Intsik kung papaya itong maitago ang mga armas sa kaniyang bodega.
Ipinaliwanag ni Simoun na wala raw dapat ikatakot ang negosyante sapagkat unti-unti rin
umanong ililipat ang mga ito sa ibang lagakan. Walang nagawa ang Instik kung hindi
pumayag sa alok ni Simoun.
Nag-uusap naman sina Don Custodio tungkol sa ipadadala sa bansang India upang
matutong gumawa ng sapatos para sa sandatahan.
Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa peryahan.
Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang tuwa
nang makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya
Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na katipan ni Paulita.
Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan ng mga
kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi ng isa na ang estatwa ay
kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw ay kahawig ni Camora dahil maraming
likha ang mga kahawig ng pari.
Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang alahero kaya
napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na baka natatakot lamang si Simoun
na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.
Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya na natagpuan niya ito sa
isang lumang libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga salitang banyaga ay kusang
nabuksan ang kaha.
Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at makapal
na buhok. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi
ng tulong.
Bata pa si Don Custodio nang dumating siya sa Maynila. Dahil sa kanyang mataas na
katungkulan ay nakapangasawa siya ng isang mayamang taga-lunsod. Ginamit niya ang
pera ng kanyang asawa sa pangangalakal. Siya ay naging tanyag at napabilang sa mga
kinikilalang tao sa lipunanan.
Mahigit na dalawang linggo na sa poder ni Don Custodio ang usapin tungkol sa paggamit
ng wikang Kastila sa loob ng akademya. Siya ang naatasan na gumawa ng pag-aaral at
magbigay ng pasya kung ang paggamit ba ng mga estudyante ay naayon o hindi.
Sa kanyang pagbibigay ng pasyatungkol sa usapin, isa lang ang gusto niyang mangyari,
ang mapasaya ang mga prayle lalo na si Padre Irene.
Maaga pa ang gabi ay ubos na ang mga bilyete. Nagsimula na ring dumating ang mga
panuhin at mga manonood, isa na rito si Camaroncocido.Siya ay buhat sa isang kilalang
angkan ng Kastila ngunit nabubuhay na tila hampas-lupa dahil sa kanyang pananamit.
Ang katotohanan ay labag sa kalooban ng mga prayle ang pagtatanghal dahil sa isyu ng
moralidad at kalaswaan na paksa ng dula. Ngunit sa huli ay pumayag din sila dahil sa
panghihinayang sa perang malilikom mula sa bentahan ng bilyete.
Nabigla ang mga kabataang sa pagdating ng isa sa mga tutol sa pagtatanghal, si Don
Custodio. Ang matapang naman nitong depensa ay inutusan siya ng mga kinauukulan
upang magsilbing ispiya.
Masaya ang lahat nang mag-umpisa na ang palabas. Ngunit habang ito ay tumatagal ay
unti-unting nalilito ang mga nanood. Marami sa mga panauhin ay hindi nakakaintindi ng
wikang Pranses.
Lalo pang nagkalituhan nang tangkain ng ilan na isalin ang dula sa wikang Kastila. Marami
kasi sa mga taga-salin ay pawang mga nagmamagaling lamang ngunit ang katotohanan
ay hindi rin nila lubos na iintindihan ang salitang Pranses.
Sa kabila ng matigas na pagtanggi ng binata ay muli niya itong pinakiusapan. Humingi siya
ng pabor na kung puwede ay pamunuan ni Basilio ang isang pulutong upang maghasik ng
kaguluhan sa kalathang Maynila.
Ito ang naisip na paraan ni Simoun upang maitakas niya sa kumbento si Maria Clara.
Nagulat si Basilio sa tinuran ni Simoun kaya sinabi niya sa mag-aalahas na si Maria Clara ay
pumanaw na.
Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun sa narinig na balita. Ayaw niyang maniwala sa
sinabi ni Basilio ngunit ipinakita ng binata ang sulat ni Padre Salvi na labis na tinangisan ng
amang si Tiyago.
Hindi pa man lumalabas ang pasya ni Don Custodio tungkol sa usapin ng pagtututro ng
wikang Kastila ay batid na ng grupo nina Sandoval ang kahihinatnan nito.
Ayaw ng mga prayle at ng pamahalaan na matuto ng wikang Kastila ang mga Indiyo.
Wala daw karapatan ang mga ito na gamitin ang kanilang wika. Dahil dito ay tiyak na ang
magiging kapasyahan ni Don Custudio. Papanig siya sa kagustuhan ng mga kinauukulan.
Masayang nagbibiruan ang mga mag-aaral at maingay na tinutuligsa ang mga prayle.
Iniugnay pa ang mga ito sa bawat pagkain na kanilang pinili.
Bago sila natapos ay napansin ni Isagani ang isang binata na nagmamasid at tila
sibubaybayan ang kanilang ginagawa. Nang makita siya ay mabilis ito na umalis lulan ng
sasakyan ni Simoun.
Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente.
Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig upang kunin ang hiniram na
pera para makuha na niya ang kanyang grado.
Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng mga mag-
aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang pinag-uusapan ang mga mag-
aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan.
Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga narinig. Kumalma
lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at
Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan.
Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil.
Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan.
Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta
sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.
Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pakikipagtalo
sa isang estudyanteng Filipino.
Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga pari, heneral, at mga Intsik.
Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari.
Nais namang konsultahin ng takot ding si Quiroga si Simoun tungkol sa mga sandatang
nakatago sa ilalim ng bahay. Ngunit nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na wag
galawin ang mga ito.
Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya kay Ben
Zayb siya nagtungo. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento
ng manunulat kaya umalis na ito agad.
Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang ibalita ang kahindik-hindik na
pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Nawalan na ito ng
buhay. Kumaripas naman ng takbo ang pari.
Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang lalaking nagbabaon ng mga
armas na hinabol din ng mga sibil habang isang beterano naman ang napatay.
Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni Tiago sa kaniyang libing. May
nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito
ng Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot.
May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang kaniyang
panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na
hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa langit.
Marangya ang libing na maraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan at agua
bendita na inialay sa kabaong.
Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago
at nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya.
Kabanata 30: Si Huli (Buod)
Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiago at pagkakahuli kay Basilio.
Labis namang nalulungkot si Huli dahil sa nangyari sa kasintahan.
Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay naisip niyang lumapit kay Padre Camorra. Ngunit
nag-aalangan ito dahil sa maaaring gawin sa kaniya. Gayunman, ilang gabi nang
binabagabag si Juli sa kaniyang panaginip.
Nabalitaan pa nitong nakalaya na ang mga kasama ni Basilio dahil sa tulong ng mga
kaanak. Naisip niyang wala nang tutulong kay Basilio dahil wala na rin si Tiago.
Ayaw man niya ay nagtungo si Huli kay Padre Camorra bilang nag-iisa niyang pag-asa
para sa nobyo. Nagtungo si Huli sa kombento.
At tulad ng naiisip ni Huli, hinalay siya ng pari. Dahil hindi kinaya ang kahihiyang ginawa,
tumalon si Huli sa bintana ng kombento.
Hindi kinaya ng lolo ni Huli na si Tandang Selo ang nangyari sa apo. Wala siyang makuhang
hustisya para sa apo kaya sumama na lamang ito sa mga tulisan ng bayan.
Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na lamang ang nasa loob ng
bilangguan.
May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio sa kulungan. Sinabi
niyang mabuti si Basilio at sa katunayan ay malapit nang matapos sa kurso sa medisina.
Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio sa sinabi ng kawani. Panay kasi ang
pagtuligsa ng Heneral sa mga sinasabi nito.
Sinabihan ng kawani ang heneral na dapat itong matakot at mahiya sa bayan. Sabi
naman ng heneral, sa Espanya siya may utang na loob dahil sila ang nagbigay ng
kapangyarihan at hindi ang mga Pilipino.
Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa
pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito.
Pinalad namang makapasa sina Isagani at Sandoval habang wala pang pagsusulit si
Basilio dahil nasa piitan pa ito.
Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Huli at ang nawawalang si Tandang Selo dahil
sa kutserong si Sinong na tanging dumadalaw kay Basilio.
Napabalita ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay magkakaroon umano ng
isang piging na inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon
matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan.
Laking gulat ni Simoun sa hitusra ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at
tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.
Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at sumama sa
mga plano nito na dati ay tinanggihan niya. Naisip daw kasi niya na hindi pa niya
naigaganti ang kaniyang magulang at kapatid na yumao.
Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang
pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan.
Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin si
Simoun na magkita sila ni Basilip sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling
pagpaplano.
Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag
siya para sa kaibigang si Isagani.
Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa
namang pasakit na naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi
na rin siya makapaghintay sa mangyayaring pagsabog.
Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging.
Dala nito ang lamparang mayroong pampasabog.
Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya
kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.
Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang ilawan na pampasabog. Nang mga oras na iyon,
nag-iba ang pananaw ni Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa loob sa
nakatakdang pasabog mula sa lampara. Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa madungis
niyang anyo.
Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling umalis ang binata mula
sa usapan dahil naisip si Paulita.
Habang nasa itaas naman, nakita nila ang isang papel na may nakasulat na “MANE
THACEL PAHRES JUAN CRISOSTOMO IBARRA.”
Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang ilan na gaganti si Ibarra.
Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga
kasangkapan sa pagkain.
Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang mitsa ng ilawa nang pumasok
naman si Isagani at kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog mula sa asotea.
Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben dahil ipinagbawal
daw ng heneral ang pag-alala sa anumang nangyari noong gabing iyon.
Nabalitaan naman ni Ben ang pagsulob sa Ilog Pasig. Ninais na naman niyang gumawa ng
balita ukol doon.
Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na pinagnakawan daw ng mga
naghimagsik. Gustong dagdagan ni Ben ang bilang ng mga lumusob.
`May nahuli sa mga tulisang naghimagsik. Umamin itong kasama sila sa pangkat ng isang
alyas Matanglawin. Hudyat dawn g paglusob nila ang pagputok na nangyari.
Di naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang pinuno nila. Ngunit nawawala na si
Simoun at wala na rin ang mga armas doon.
Kaniya-kaniya nang hula ang mga tao sa kung sino ang maysala. May nagsasabi na si Don
Timoteo o si Isagani na kaagaw ni Juanito kay Paulita. Binalaan si Isagani ng may-ari ng
tinutuluyan ngunit di ito nakinig.
Nagpatuloy ang mga usapan tungkol sa pagsabog. Lumakas ang hinala ng mga naroon
nang maisip nila si Simoun.
Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan. Sila rin umano ni Don
Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang lahat.
May mga nagsabi naman na baka mga prayle ang nagpasabog. Mayroon ding
naniniwala na si Quiroga o si Makaraig.
Ngunit buo na sa isip nila na si Simoun dahil kasalukuyan na ring nawawala ito at
pinaghahanap na ng mga sundalo.
May nakita naman si Carolino na isang lalaki sa may talampas na itinataas ang kaniyang
baril ngunit di niya ito makita nang maayos dahil tirik ang araw.
Nakita ni Carolino ang isa sa mga nabaril nila. Nakita niyang iyon ang kaniyang Lolo Selo.
Tumuturo ito sa talampas na ilang sandali lang ay nawalan na ng buhay. Hindi
makapaniwala si Carolino na mapapatay niya ang kaniyang lolo.
Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng alahero na nakuha niya ang
sugat sa isang aksidente.
Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang tulisan si Simoun nang
mabasa ang telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang nais ni Simoun na mag-alaga
sa kaniya.
Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari. Naisip kasi nito ang pakutyang pag-
ngiti ni Simoun.
Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita niyang tila nanghihina na ang
alahero, tila may malubhang sakit. Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at uminom ng
lason. Dinasalan ng pari ang binata hanggang nalagutan ng hininga.
Mga Sangunian:
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-1-sa-ibabaw-ng-kubyerta-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-2-sa-ilalim-ng-kubyerta-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-3-alamat-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-4-kabesang-tales-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-5-ang-noche-buena-ng-isang-kutsero-el-
filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-6-si-basilio-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-7-si-simoun-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-8-maligayang-pasko-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-9-ang-mga-pilato-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-10-kayamanan-at-karalitaan-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-11-los-banos-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-12-placido-penitente-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-13-ang-klase-sa-pisika-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-14-sa-bahay-ng-mga-mag-aaral-el-filibusterismo-
buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-15-si-ginoong-pasta-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-16-ang-kasawian-ng-isang-intsik-el-filibusterismo-
buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-17-ang-perya-sa-quiapo-el-filibusterismo-buod
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-18-ang-mga-kadayaan-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-20-si-don-custodio-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-21-mga-anyo-ng-taga-maynila-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-22-ang-palabas-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-23-isang-bangkay-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-24-mga-pangarap-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-25-tawanan-at-iyakan-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-26-mga-paskin-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-27-ang-prayle-at-ang-estudyante
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-28-pagkatakot-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-29-ang-huling-pati-ukol-kay-kapitan-tiyago-buod-el-
filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-30-si-huli-si-juli-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-31-ang-mataas-na-kawani-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-32-ang-bunga-ng-mga-paskil-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-33-ang-huling-matuwid-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-34-ang-kasal-ni-paulita-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-35-ang-piging-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-36-mga-kapighatian-ni-ben-zayb-buod-el-
filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-37-ang-hiwagaan-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-38-kasawiang-palad-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-39-ang-katapusan-buod-el-filibusterismo