You are on page 1of 2

FILIPINO 10 (ACTIVITY SHEETS)

IKATLONG MARKAHAN: MODYUL 4

PANITIKAN: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay (Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora) Tula mula sa Uganda
GRAMATIKA: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinhagang Pananalita
Sa araling ito’y mababasa mo ang isang tula ng isang inang taga-Uganda para sa kaniyang sanggol sa akdang, Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay. Basahin at unawain mo ang akda upang iyong matuklasan ang katangian ng tulang malaya at makita ang kaibahan nito sa tulang tradisyunal.
Matututuhan mo rin ang kahalagahan ng paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng tula.
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta. Paano ka pangangalanan, aking inakay?


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata, Wangis ng Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Mangusap ka, aking musmos na supling. Kaninong mapagpalang kamay ang
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin. sa aking dibdib dumadantay?
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik. Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak. Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Kamay na magpapasaya sa iyong ama. Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin: Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim. Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan, Ngayon, ako’y ganap na asawa.
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo- apohan, Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan. Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin, Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
At ang pagsulyap-sulyap sa akin. Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita. Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan? Masdan ang Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay, Samakatuwid, ako’y minahal.
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y Samakatuwid, ako’y lumigaya.
panganay. Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan. Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?” Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay. Tuwinang gugunitain
Ang poo’y di marapat na pagnakawan, yaring kaniyang palayaw.
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan. Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan. Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa
pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab. Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay kaligtasan sa hukay.
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday? Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan. At ako ang ina ng
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay. kaniyang panganay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata, Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Maging sa iyong halakhak. Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.
Ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod? Bawat saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat
taludtod ay nahahati sa mga pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o mayaman
sa matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng
himig.

GRAMATIKA: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinhagang Pananalita

Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga
tayutay na nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga
simbolismo at matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng anumang wika.
Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera 4. kalog na ang baba - gutom
2. ilaw ng tahanan – ina 5. alimuom - tsismis
3. bahag ang buntot - duwag
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
pananalita sapagkat ang una’y nangangahulugang pagiging mukhang
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
pera ng tao samantalang ang ikalawa’y tumutukoy sa mahirap.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay
ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa:
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko, Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa
Nguni’y muling tumayo: pagsubok na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang
Nagkabunga ng ginto! pagtatagumpay.
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

MGA PAGSASANAY
GAWAIN 1: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gawin ito sa
sagutang papel.

Batayang mga salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi Batayang mga salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi
ng Damdamin ng Damdamin
5. 5.
kagalakan Lungkot
katuwaan 4. Lumbay 4.
kaluwalhatian 3. Dalamhati 3.
kaligayahan 2. pighati 2.
kasiyahan pagdurusa
1. 1.

GAWAIN 2: Pag-unawa sa Binasa


Panuto: Pagsusuri sa kasiningan at bisa ng tula na may pinamagatang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” gamitin ang grapikong representasiyon. Isulat
sa sagutang papel.

Masining ba ang tulang


tinalakay? Patunayan ang sagot.

Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan
ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya? pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag.

GAWAIN 3: Matatalinhagang salita at Simbolismo


Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa mga piling taludtod mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta. 4. Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, At ang pagsulyap-sulyap
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata, sa akin.
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo. Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, Ako’y malulunod sa
Sagot: ______________________ luha ng paggunita.
Sagot: ______________________
2. Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin. Na puno ng tibay at
5. Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan? Masdan ang
tatag bagaman yari’y munsik.
Sagot: ______________________ pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y
3. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo- apohan, Kahit panganay.
pa malaon nang naparam sa sanlibutan. Sagot: ______________________
Sagot: ______________________

You might also like