You are on page 1of 18

10
 







Kagawaran ng Edukasyon– Sangay na Palawan


Filipino – Ikasampung Baitang
Contextualized Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Paghihinuha/Pagsusuri ng Anekdota Mula sa
Persia/Iran Paggamit ng Kahusayang Gramatikal, Diskorsal at Strategic sa
Pagsulat ng Anekdota

Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Hazel T. Baquid
Editor: Iryn M. Ilagan
Tagasuri: Nora A. Nangit
Tagaguhit:
Tagalapat: Nora A. Nangit
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rosalyn C. Gadiano
Rodgie S. Demalinao
Nora A. Nangit

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education: MIMAROPA- Sangay na Palawan

Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City


Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya
ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi
ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila
ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iii
Panitikan: Pagsusuriat Paghihinuha ng Anekdota
Filipino 10 Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/Iran)
Ikatlong Markahan Wika at Gramatika: Paggamit ang kahusayang
Ikalawang Linggo Gramatikal, Diskorsal at Strategic sa Pagsulat at
Pagsasalaysay ng Orhinal na Anekdota

MELC: * Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota


(F10PN-IIIb-77)
* Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan,
motibo ng awtor sa paraan ng pagsulat at iba pa (F10PB-IIIb-81)
* Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi
(F10PT-IIIb-77)
* Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at estrategic sa pagsulat
at pagsasalaysay ng orhinal na anekdota (F10WG-IIIb-72)
* Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang
anekdota (F10PU-IIIb-79)

Layunin: * Nakapaghihinuha ng damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota


* Nakapagsusuri ng binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan,
at motibo ng awtor sa paraan ng pagsulat
* Nakapagbibigay-kahulugan ng salita batay sa panlaping ginamit sa
pangungusap
* Nakagagamit ng kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa
pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota
* Nakasusulat ng isang mabisa at orihinal na komik strip batay sa isang
anekdota

1
Subukin Natin
Paunang Pagsusulit

Panuto: Piliin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa Hanay A batay
sa ginamit na panlapi sa mga ito.

Hanay A Hanay B

1. pinakamahusay A. naitulong
2. naiambag B. nagpalipat-lipat
3. tinagurian C. inimbitahan
4. nagpasalin-salin D. pinakamagaling
5. inanyayahan E. kinilala
F. nalaman

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag, pagkatapos ay isulat ang titik ng
tamang sagot.

Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay


ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa
na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang
kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin
“Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati
na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
Mula sa Mullah Nassreddin

6. Anong katangian ang masasalamin sa tauhan bilang isang mananalumpati?


A. Kawalang kakayahang magsalita sa harap ng maraming tao.
B. Wala siyang pagpapahalaga sa magiging damdamin ng kaniyang tagapakinig.
C. Walang sapat na kaalaman tungkol sa paksa na kaniyang ipaparating sa mga
tagapakinig.
D. Lahat ng nabanggit.

Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay


ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa
na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang
kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin
“Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati
na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
Mula sa Mullah Nassreddin

7. Ano ang layunin o motibo ng may-akda sa pagsulat nito?


2
A. Ipinahihiwatig niyang maging handa sa pagsasalita.
B. Gustong sabihin na ang pagiging tagapagsalita ay hindi madaling gawain.
C. Sinasabi niyang huwag gawing katatawanan ang pagiging isang tagapagsalita.
D. Nais niyang ipabatid na bilang isang tagapagsalita kailangang handa at may
sapat na kaalaman tungkol sa paksa na tatalakayin.

“Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,”
kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi
alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis.
Mula sa Mullah Nassreddin

8. Anong damdaming mahihinuha sa tauhan batay sa kaniyang pahayag?


A. Pagdaramdam B. pagkabagot C. pagkabigo D. pagkadismaya

9. Anong katangian ng mga tauhan ang mahihinuha mula rito?


A. matapang C. may pananalig
B. hindi sumusuko D. may positibong paniniwala

“Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang
marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa
kaniyang naging sagot.
Mula sa Mullah Nassreddin

10. Anong damdamin ng mga tao ang mahihinuha sa bahaging ito?


A. pagkabigo B. pagkalito C. pagdurusa D. pagtataka

Para sa mga bilang 11-15

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon, pagkatapos ay gamitin ang
kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng
wastong sagot.

11. Pumasok si Ella sa palikuran ng isang mall. Nang maghuhugas na siya ng kamay
ay wala siyang nakitang sabon. Tinanong niya ang isang babaeng naglilinis
nasaan ang sabon. “hayun. Ang sabi ng babae, habang nakaturo ang kanang
kamay at nakaturo rin ang nguso sa direksyon ng liquid soap na nakadikit sa gilid
ng dingding.
A. Diskorsal C. Sosyo-linggwistik
B. Gramatikal D. Strategic

12. Lumaki sa Davao si Jen kaya’t nang mapunta na siya sa Maynila upang mag-aral
ay naging maingat siya sa paggamit ng tamang gramatika.
A. Diskorsal C. Sosyo-linggwistik
B. Gramatikal D. Strategic

13. Sumulat si Allen ng isang sanaysay at ngayo’y pinag-aaralan niyang mabuti kung
paano niyang mapagsama-sama ang mga iniisip niyang salit maayos ang
mensaheng nais niyang ipabatid sa mga mambabasa.
A. Diskorsal C. Sosyo-linggwistik
B. Gramatikal D. Strategic
3
14. Mula sa Cebu ay magbabakasyon sa Maynila si Alex. Hindi niya alam kung paano
siyang papara kaya’t kumatok siya sa bubong ng dyip at itinaas ang kanang
kamay bilang pagpapahayag na siya ay baba na.
A. Diskorsal C. Sosyo-linggwistik
B. Gramatikal D. Strategic

15. Tinawag si Jess ng kanyang guro para sa kanilang pasalitang pagsusulit. Naging
maingat siya sa pagsagot sa wastong gamit ng kung at kong.
A. Diskorsal C. Sosyo-linggwistik
B. Gramatikal D. Strategic

4
Ating Alamin at Tuklasin

Sa modyul 1 ng iyong pag-aaral ay tinalakay ang patungkol sa pagkakaiba at


pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia gayundin ang paggamit ng angkop na
mga pamantayan sa pagsasaling -wika. Sa modyul na ito ay iyong aalamin naman ang
patungkol sa anekdota at ang paggamit sa kahusayan gramatikal, diskorsal at strategic
sa pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota. Sasagutin sa modyul na ito kung
bakit mahalagang masuri ang mga elemento ng anekdota at paano magagamit ang
kahusayan sa gramatikal, diskorsal at strategic na kasanayan sa pagsasalaysay ng
anekdota?
Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng
Medo, at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong Aryano.
Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangangabayo. Ang pagsasabi ng katotohanan
ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa daigdig. Ang modyul
na ito ay tungkol sa anekdota ng Persia (Iran) na kakikitaan ng mga kasabihan,
relihiyon sa paniniwalang Sufism, pagpapaunlad ng isang indibiduwal sa pamamagitan
ng pandama. Masusuri rin ang kanilang matapat na pakikipamuhay sa kapwa at mga
naiambag ng kanilang mahusay na mga manunulat sa mundo ng pilosopiya at
paniniwala. Kasabay din nito ang pagpapaunlad ng iyong kasanayan sa pagsasalaysay.
Alam mo ba na...
ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa
buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan
na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha
ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-
panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa
mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Naririto ang ilang katangian ng anekdota:
a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng
anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais
ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais
nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-
aalinlangan na may susunod pang mangyayari.

Sa pagbasa ng isang anekdota ay kailangan masuri nang maayos ang mga


sumusunod na elemento:
1. Paksa o ang tema ng anekdota.
2. Tauhan – mga tauhang gumanap sa anekdota.
3. Tagpuan – pook na pinangyarihan ng mga pangyayari.
4. Motibo ng Awtor – layunin ng may-akda sa pagsulat ng anekdota.
Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota

5
Sa pagsusuri ng anekdota mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa komponent o
sangkap sa paglinang ng kasanayang komunikatibo. Partikular na nakatutulong ang
mga ito sa taong nag-aaral ng bagong wika. Ayon kina Michael Canale at Merril Swain,
ito ang ilan sa mga sumusunod:

Gramatikal-ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang


epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning panggramatika.
Mahalagang batid niya ang tuntuning panggramatika dahil magagamit ang mga ito sa
epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay at maging
sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang mga tanong na sinasagot ng gramarikal na
komponent ay:
• Anong salita ang angkop gamitin?
• Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap?

Diskorsal-ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas


at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang
mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong
interpretasyon ang salita, pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang mas
malawak at malalim na kahulugan. Ang mga tanongf na sinasagot ng diskorsal
component ay:
• Sa paanong paraan ang mga salita, parirala, at pangungusap ay mapagsama-
sama o mapag-uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan, sanaysay,
talumpati, e-mail, artikulo, at iba pa?

Strategic-ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi


berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan
o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon.
Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang
binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na hudyat tulad ng
kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang tamang
mensahe. Maging ang mga katutrubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din
ng strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay o “nasa dulo na ito
ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang tamang salita. Kilala rito ang mga Pilipino
na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag
tinatanong kung nasaan ang isang lugar. Ang mga tanong na sinasagot ng strategic
komponent ay:
• Paano ko malalaman kung hindi ko pala nauunawaan ang ibig sabihin ng
kausap ko o kung hindi niya maunawaan ang gusto kong iparating? Ano ang
sasabihin o gagawin ko upang maayos ito?
• Paano ko maipahahayag ang aking pananaw nang hindi mabibigyan ng maling
interpretasyon ang aking sasabihin kung hindi ko alam ang tawag sa isang
bagay?

Ang pagbuo ng isang komik istrip ay kabilang sa diskorsal na komponent. Ano nga ba
ang komik istrip?

Komik Istrip- kuwento sa paraang pakomiks , taglay nito ang mga larawan at
diyalogong nakasulat sa iba’t ibang hugis ng mga tauhang kalahok.

6
Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan. Dalubhasang pilosopo
at tagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar. Nagsimula ang kaniyang mga kuwento
sa Persia. Naniniwala ang Sufis na ang pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahan sa
bawat tao. Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir). Dakilang guro sa
pagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ng
kaisipan at paniniwala na di-makakasakit subalit nakapagbibigay-sigla sa
mambabasa.
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang


pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong
naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-
libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang
lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro
at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang
kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap
ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala
akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay
umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita
kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay
sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang
aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis.
Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot.
Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng
pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang
mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay
sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay
alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking
sasabihin,” at siya ay lumisan.
- Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-master-anecdotes.html

7
Tayo’y Magsanay

Gawain 1: Paghihinuha sa Damdamin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag na hinango sa anekdotang


binasa, pagkatapos ay hinuhain ang damdamin ng sumulat ng
napakinggang/nabasang anekdota. Isulat ang iyong sagot sa patlang. (1 puntos
bawat bilang )
1. “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami
ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang
naging sagot. _____________________
2. “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung
kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam
ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. ___________________

Gawain 2: Pagsusuri sa Akdang Binasa


Panuto: Suriin ang anekdotang Mullah Nassreddin batay sa paksa, tauhan,
tagpuan, at motibo ng awtor sa paraan ng pagsulat, pagkatapos
ay ibigay ang hiningi sa tsart. (1 puntos bawat kolum)

Paksa ng Katangian ng Tagpuan Motibo / Aral /


Anekdota Tauhan Layunin ng Mensahe ng
May-akda Akda

8
Ating Pagyamanin

Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Suriing mabuti ang mga salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap, pagkatapos ay iibigay ang kahulugan ng salita batay
sa panlaping ginamit sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng wastong sagot.

1. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at


puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.
A. bansag B. kilala C. kinilala D. tinawag

2. Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang


pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa.
A. mahusay C. pinakamagaling
B. may kahusayan D. pinakasikat

3. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon
magpasahanggang ngayon.
A. nagpaiba-iba C. nagpalipat-lipat
B. naglipat D. nagsalin

4. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa


kanilang lipunan.
A. binigay B. inabuloy C. naitulong D. pinagkaloob

5. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan.


A. inaya B. inimbitahan C. naimbitahan D. sinabihan

Gawain 2: Kaalaman Mo’y Palawakin Pa

Panuto: Gamitin ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at


pagsasalaysay ng orihinal na anekdota.

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_____________________

9
Rubrik sa pagsulat ng sariling anekdota

Puntos Kabuuan
Pamantayan
5 4 3
Komponent ng 3 komponent ng 2 sa mga 1 sa mga
kasanayang kasanayang komponent ng komponent
pangkomunikatib pangkomunikati kasanayang ng
o (Kahusayang bo ang pangkomunikati kasanayang
gramatikal, namasid. bo ang pangkomuni
diskorsal at namasid. katibo ang
strategic) namasid.
Elemento ng 5 sa mga 3-4 sa mga 1-2 sa mga
anekdota elemento ang elemento ang elemento
1. paksa namasid. namasid. ang namasid.
2. katangian
ng tauhan
3. tagpuan
4. motibo ng
awtor
5. aral/mensa
he

Kabuuan

Ang Aking Natutuhan

Panuto: Batay sa iyong mga natutuhan sa anekdota, sumulat ng isang orihinal na


komik istrip batay sa anekdotang Mullah Nassreddin.

10
Rubrik sa pagsulat ng komik istrip

Puntos Pamantayan
10 Nakasulat ng isang orihinal na komik strip batay sa isang
anekdota at napakahusay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
9 Nakasulat ng isang komik strip batay sa isang
anekdota at mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
8 Nakasulat ng komik istrip ngunit nangangailangan ng pag-unlad.
0 Walang naisulat.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at mga tanong sa bawat aytem,
pagkatapos ay isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Napahiya ang mga tao. Inanyayahan nilang muli sa Nassreddin upang


magsalita kinabukasan. Ngunit ang mga tao ay nalito at nataranta uli sa kaniyang
naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang
magbigay ng pahayag.
Mula sa Mullah Nassreddin

1. Anong katangian ng mga tauhan ang mahihinuha mula rito?


A. matapang C. may pananalig
B. hindi sumusuko D. may positibong paniniwala

Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang


magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng
“Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah
Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi
sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
Mula sa Mullah Nassreddin

2. Ano ang layunin o motibo ng may-akda sa pagsulat nito?


A. Ipinahihiwatig niyang maging handa sa pagsasalita.
B. Gusto sabihin na ang pagiging tagapagsalita ay hindi madaling gawain.
C. Sinasabi niyang huwag gawing katatawanan ang pagiging isang tagapagsalita.
D. Nais niyang ipabatid na bilang isang tagapagsalita kailangang handa at
may sapat na kaalaman tungkol sa paksa na tatalakayin.

11
Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng
pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na
ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati
ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang
kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di
alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
Mula sa Mullah Nassreddin

3. Batay sa mga sinabi ng tauhan sa bahagi ng anekdota, anong katangian ang


masasalamin sa kaniya bilang isang mananalumpati?
A. Kawalang kakayahang magsalita sa harap ng maraming tao.
B. Wala siyang pagpapahalaga sa magiging damdamin ng kaniyang tagapakinig.
C. Walang sapat na kaalaman tungkol sa paksa na kaniyang ipaparating sa mga
tagapakinig.
D. Lahat ng nabanggit.

“Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,”
kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi
alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis.
Mula sa Mullah Nassreddin

4. Ano sa palagay mo ang damdaming mahihinuha sa tauhan batay sa kaniyang


pahayag?
A. pagkadismaya C. pagdaramdam
B. pagkabigo D. pagkabagot

“Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang
marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa
kaniyang naging sagot.
Mula sa Mullah Nassreddin

5. Anong damdamin ng mga tao ang mahihinuha sa bahaging ito?


A. Pagdurusa B. pagkabigo C. pagkalito D. pagtataka

Para sa mga bilang 6-10

Panuto: Iayos ang mga ginulong titik upang maibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit batay sa ginamit na panlapi.

6. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon
magpasahanggang ngayon. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay
sa panlaping ginamit?
P T A A N A G L I P T P I L A Sagot: ________________________________________

12
7. Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang
pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa panlaping ginamit?
BOUYSAUDGHN Sagot: ________________________________________

8. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at


puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit batay sa panlaping ginamit?
LIAAKINL Sagot: _____________________________________

9. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Ano ang kahulugan ng


salitang may salungguhit batay sa panlaping ginamit?
NITANIMBIAH Sagot: _____________________________________

10. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa


kanilang lipunan. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa
panlaping ginamit?
NOGNAIULT Sagot: _____________________________________

Para sa mga bilang 11-15


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon, pagkatapos ay gamitin ang
kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic
sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng wastong sagot.

11. Sumenyas si Anna sa kanyang kaibigan na siya ay aalis na.


A. Diskorsal C. Sosyo-linggwistik
B. Gramatikal D. Strategic

12. Isinaalang-alang ni Jules ang wastong gramatika ng pangungusap niya.


A. Diskorsal C. Sosyo-linggwistik
B. Gramatikal D. Strategic

13. Bumuo si Jose ng talumpati at isinaalang-alang niya ang pagkakabuo ng mga


kaisipan ng kanyang talata.
A. Diskorsal C. Sosyo-linggwistik
B. Gramatikal D. Strategic

14. Binati ni Jen ang kanyang guro sa pamamagitan ng pagyuko at paglagay ng


kanang kamay sa dibdib.
A. Diskorsal C. Sosyo-linggwistik
B. Gramatikal D. Strategic

15. Naging maingat sa Diane sa wastong baybay ng kanyang isinulat.


C. Diskorsal C. Sosyo-linggwistik
D. Gramatikal D. Strategic

13
14
SUBUKIN NATIN
Paunang Pagsusulit
1. D
2. A
3. E
4. B
ANG AKING NATUTUHAN 5. C
6. D
Iba-iba ang sagot, pagbatayan 7. D
ang rubrik. 8. D
9. D
10. B
ATING TAYAHIN 11. D
12. B
1. D 13. A
2. D 14. D
3. D 15. D
4. A
5. C TAYO’Y MAGSANAY
6. NAgpalipat-lipat Gawain 1
7. Ubod ng husay 1. Pagkalito
2. Pagkadismaya
8. Kinilala
9. Inimbitahan Gawain 2
10. Naitulong Iba-iba ang sagot, pagbatayan
11. D ang rubrik.
12. B
13. A ATING PAGYAMANIN
14. D Gawain 1
15. D 1. C
2. C
3. C
4. C
5. B
Gawain 2
Iba-iba ang sagot, Pagbatayan
ang rubrik.
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian

Ambat, Vilma C. et. al. Kagamitan ng Mag-aaral Panitikan ng Daigdig 10


(Pilipinas: Vibal Group Inc., 2015).

Marasigan, Emily V. et. al. Pinagyamang Pluma 10, Phoenix Publishing House,
2017.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone no. (048) 434-0099

15

You might also like