You are on page 1of 20

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 10

LEARNING KUWARTER 3

MODULE LINGGO 1

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino


10
MODYUL SA
FILIPINO 10

KUWARTER 3
LINGGO 1
ARAW 1-4

Liongo
Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika
Development Team

Writer: Jane S. Dancel

Editor: Richard M. Collado

Reviewer: Lorna M. Balisbisana

Illustrators: Nestor Lucero Mark Bryan M. Aguinaldo

Lay-out Artists: Allan M. Utleg Diana C. Vergara

Management Team: Vilma D. Eda

Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan

Zorayda S. Paguyo

Juanito V. Labao

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 2


Mauunawaan at mapahahalagahan mong ganap sa modyul na ito ang
akdang pampanitikang buhat sa Africa. Isa na namang mitolohiya ang iyong
matutunan mula Republika ng Kenya, ang Liongo na isinalin sa Filipino ni Roderic
P. Urgelles. Gaya ng dati, may mga gawaing inihanda upang malaman ang kaibhan
ng mitolohiya ng Africa sa ibang bansa. Gayundin, habang binabasa ito, makikilala
mo ang iba’t ibang Pamantayan sa Pagsasaling-wika. Sikapin at gawin ang lahat
ng makakaya para matapos ito nang matagumpay.

ALAMIN Narito ang mga layuning kailangan


mong matamo sa katapusan ng aralin.

_______________________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Learning Competencies)

1. Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia


(F10PN-IIIa-76)
2. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin ng
akda, kilos at gawi ng tauhan at desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80)
3. Nabibigyang-puna ang napanood na video clip ((F10PD-IIIa-74)
4. Napapangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamabitan ng debate/pagtatalo (F10PS-IIIa-78)
5. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika (F10WG-
IIIa-71)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 3


SUBUKIN Bago ka magsimula sa aralin, nais kong subukin ang
iyong kaalaman sa paksang ating tatalakayin sa
linggong ito. Sagutin mo ang paunang pagtatayang
inihanda para sa iyo.

______________________________________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong upang maibigay ang hinihingi ng bawat isa.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang tauhan ng mitolohiya mula sa Republika ng Kenya na hindi nasusugatan ng


alinmang armas?
a. Gala c. Liongo
b. Haring Ahmad d. Ozi

2. Ano ang maaaring dahilan ng kamatayan ng pangunahing tauhan ng mitolohiya ng


Republika ng Kenya?
a. pagbagsak ng mga makapangyarihang magulang
b. pagkakaroon ng anak na traydor
c. pagkakaroon ng asawa mula sa angkan ni Haring Ahmad
d. pagtama ng karayom sa kanyang pusod

3. Anong pagbabago sa pamahalang Matrilinear ang naganap sa pananakop ng


pangunahing tauhan?
a. Madrelinear c. Patrilinear
b. Padrelinear d. Supralinear

4. Paano pinahirapan ni Haring Ahmad ang pangunahing tauhan?


a. ikinadena c. ikinadena at ikinulong
b. ikinulong d. ipinatapon

5. Sa anong larang nagpakadalubhasa ang pangunahing tauhan?


a. pagguhit c. pagpanday
b. pagpana d. pagsulat

6. Paano isasalin ang, “It’s raining cats and dogs?”


a. Bumabagyo.
b. Maraming pusa at aso.
c. Umuulan ng pusa at aso.
d. Umuulan nang malakas.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 4


7. Alin ang pinakamalapit na salin sa pangungusap na nasa kahon?
“I am a product of that system-and I am proud of it”.
a. Ako ay produkto ng gayong sistema –at ipinagmamalaki ko ito.
b. Ang sistemang iyon ang humubog sa akin.
c. Bunga ako ng isang mahusay na sistema.
d. Ipinagmamalaki kong produkto ako ng ganyang sistema.

8. Batay sa pagsasaling isasagawa, alin ang pinakaunang pamantayang dapat isaalang-


alang?
a. Basahin nang paulit-ulit
b. Ikumpara ang ginawang salin.
c. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
d. Suriin ang bawat salita sa isinasalin.

9. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?


a. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng kulturang
Pilipino at ng ibang bansa.
b. Maayos ang pagkakasalin .
c. Malaya at madaling maunawaan.
d. Nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin

10. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang hakbang na dapat isaalang-alang sa


pagsasalin?
a. Isalin nang paulit-ulit.
b. Dagdagan o kaya’y bawasan ng salita.
c. Ihambing ang gawa sa ibang isinalin.
d. Rebisahin ang salin upang lumabas ang tunay na kahulugan nito.

BALIKAN Batay sa paunang pagtataya, alam mo bang may


mga bago na namang kaalaamang iyong matutuklasan?
Bago niyan, balikan na muna natin ang ilang konsepto
tungkol sa mitolohiya. Naaalala mo pa ba ang mga
mahahalagang konsepto ukol dito?

_______________________________________________________________________

Napag-aralan mo sa loob ng dalawang kwarter na ang mitolohiya ay isang halos


magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito, mga kuwento na
binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga
kuwentong-mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na
kaganapan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 5


Halimbawa nito ang kung paano nagkaroon ng hangin, karagatan, ulan at pagbaha.
May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan. Katulad ng ibang mga
akdang pampanitikan, ang mitolohiya ay nagtataglay ng mga elementong tauhan, tagpuan,
banghay at tema. Ang mga elementong ito ang malinaw na nagpapaliwanag sa kultura ng
bansang pinagmulan ng mitolohiya.
Kabilang sa mitolohiya ng Republika ng Kenya ang Liongo na nagpapakita ng
kanilang kultura at tradisyon. Upang lubusan itong maunawaan, magpatuloy ka sa
pagbabasa.

Ang mitolohiya ay katulad din ng ibang mga


TUKLASIN
uri ng kuwentong may sariling sangkap na
nakatutulong upang maging kapana-panabik ang
bawat bahagi nito. Kailangan ding suriin ang mga
kaisipang nakapaloob dito upang makilala ang
katangian ng kinikilalang bayani ng isang bansa
kung saan nagmula ang mito. Handa ka na ba?
Alamin at tuklasin!

GAWAIN 1: MAGAGAWA NATIN

Panuto: Basahin ang mitolohiya mula Africa. Sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat ang
mga sagot sa sagutang papel.

Mashya at Mashayana :Mito ng Pagkalikha

Mula sa primebal na hayop na Gayomard na hindi lalaki at babae. Nagmula ang


ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu na
sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin ang
lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd.
Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siya
ng demonesa sa katauhan ni Jeh.
Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mula sa
binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay ay may
tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman. At dito
nanggaling sina Mashya at Mashyana.
Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu.
Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na kumalat sa buong
daigdig at naging mga lahi ng sangkatauhan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 6


Mga Tanong Mga Sagot
1. Tungkol saan ang mitolohiya ?
2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman
Mainyu ?Ang ginawa ni Ahura
Ohrmuzd ?
3. Ang pagpatay ba ni Ahura Ohrmuzd
kay Gayomard ang pinagmulan ng
suliranin ng kuwento? Patunayan.
4. Bakit tumulong sina Mashya at
Mashyana sa pakikipaglaban kay
Ahriman Mainyu ?

Ngayong batid mo na ang katangian ng mitolohiya,


SURIIN
natitiyak kong handa ka na sa pagbasa ng panibagong
mitolohiyang muling gigising sa iyong imahinasyon.
Basahin ito upang malaman kung masasalamin ba rito
ang kanilang kultura. Anong katangian mayroon ang
pangunahing tauhan?
.

Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang
nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas
at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas.
Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod, mamamatay siya. Tanging si
Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana
sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang
pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang
pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo
sa Patrilinear na pamamahala ng mga kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring
Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng
isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng
bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 7


ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang
mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at
palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari
upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam
tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala).
Kayat naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay
mapabilang sa kanyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na
nagtraydor at pumatay sa kaniya.
http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htm

GAWAIN 2: PAGLINANG NG TALASALITAAN

Panuto: Sa pamamagitan ng salita na nasa loob ng kahon, tukuyin ang pinagmulan nito na
may kaugnayan sa mitolohiya.

____________________________________
Matrilinear
____________________________________
__________________-
____________________________________

___________________________________
Ozi ___________________________________
____________________-
___________________________________

____________________________________
Patrilinear ____________________________________
__________________-
____________________________________

____________________________________
Faza ____________________________________
__________________-
____________________________________

____________________________________
Gala ____________________________________
__________________-
____________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 8


GAWAIN 3: MABISANG TUGON

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel

1. Ibigay ang suliranin ni Liongo sa binasang akda.


______________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyong sakupin ang Pate? Ipaliwanag ang sagot.
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3 Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Ilarawan ang naging kilos at gawi Liongo?
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Bilang pagpapahalaga sa iyong binasang akda, anong mahalagang aral ang nais nitong
ipabatid?
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Nagulat ka ba sa naging wakas ng binasang


PAGYAMANIN
mitolohiya? Naunawaan mo ba ito? Muli
:
kang magbasa ng mitolohiyang mula naman
sa Nigeria upang maunawaan ang aralin sa
wika, ang mga pamantayan sa pagsasaling-
wika.

_______________________________________________________________________
Maaaring Lumipad Ang Tao
Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit


na inaalis nila ang kanilang pakpak.Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng
mga alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi
na nila maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 9


May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig.
Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may batang
nakatali sa kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong
pangyayari, sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain.
Nagtratrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad raw siya sa kumpol ng putik,
uling na kumikinang sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal.
Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga
aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang
maging mabilis ang kanilang paggawa .
Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang bata ay tulog
sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi
niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong
gawin dahil anak niya ang bata.
“Patahimikin mo iyan,” ang sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya
sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala,
si Sarah ay bumagsak naman sa lupa.
Ang matandang naroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. Aalis ako nang mabilis”,
ang sabi niya pagdaka.
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw ang
kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak.” Kaawaan mo kami, kaawaan mo
kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na lamang sa
pilapil .
“Tumayo ka, ikaw, maitim na baka “ ang hiyaw ng tagabantay, itinuro si Sarah at muli
na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo
sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo.
Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya.
“Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat”
“Sige, anak ngayon na ang panahon” ang sagot ni Toby “ humayo ka , kung alam mo
kung paano ka makaaalis.
“Kum…yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan ang kanilang
mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas ang isang paa ni Sarah sa
hangin. Noong una ay di-maayos ang kaniyang paglipad na hawak -hawak nang mahigpit
ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, ang misteryo ng salita ng Africa, sinabi
niya na malaya na siya katulad ng isang ibon na animo’y balahibong umiilanlang sa hangin.
Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si Sarah at ang
kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno na hindi
siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa
unti- unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinuman ang makapagsalita
tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito.
Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa maiinit na
palayan, isang batang lalaki na alipin, nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo, siya
bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita ng lumang Africa na

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 10


minsan lang niyang narinig kaya hindi niya kaagad maintindihan. Nakalimutan ng bata ang
narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang salita.
Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantala siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa
mainit na simoy ng hangin at muli siyang nakalipad.
Iba- iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa nakikita
niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay” kumkumka
yali,kum… tambe! Pabulong niyang sabi at muli na naman silang nakalipad at pumailanlang
sa hangin . Ang isang lumilipad ay maitim at may makislap na tungkod habang sila ay nasa
taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan , ang bakuran at ang batis
na dinadaluyan ng tubig .
“Bihagin ang matanda,” ang sabi ng tagapagbantay.
“Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita,”bihagin siya.”
Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang latigo
upang itali si Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrong si Toby.
“Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “ heeee ,, heee ! hindi ninyo kilala
kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang katulad naming nasa palayan.
At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga
itim,sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo.
“Buba …. Yali …. Buba … tambe … “
May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat, matatanda
at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak- kamay. Nagsasalita habang nakabilog
animo singsing , umaawit pero hindi sila magkakahalo hindi pala sila umaawit sila ay
lumilipad sa hangin langkay -langkay na animo mga ibon na tumatakip sa asul na kalangitan,
maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw nila
ang plantasyon ,ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa
kanilang kalayaan.
Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak, hindi
siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong alipin na
naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila.
“Isama ninyo kami sa paglipad “ ang kanilang wika , pero sila’y natatakot sumigaw.
Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon na
makatakbo “ paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “kausapin mo sila
ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang Panginoon ang kanilang nasaksihan. “Ito ay isang
kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ay hindi nagsalita
sapagkat alam niya ang totoo.
Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga
anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan . Naalaala nila noong sila ay malaya
at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan.
At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang
ngayon.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 11


GAWAIN 4: OPINYON MO, PANGATWIRANAN MO

Panuto: Basahin ang mga pangyayari. Lagyan ng tsek ang MK kung makatotohanan at
DMK kung hindi makatotohanan at bumuo ng sariling kongklusyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Pangyayari MK DMK Kongklusyon

1. Nagtrabaho siya sa palayan mula sa


pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito.

2. Muli niyang naibulong ang


mahiwagang salita bilang pangako sa
angkan ng mga itim.

3. Hinahampas ng latigo ang mga


mababagal sa gawain upang maging
mabilis ang kanilang paggawa.

4. Inililihim nila ang kanilang


kapangyarihan sa lupain ng mga alipin.
May napakalakas na sigawan at
hiyawan, ang mga nakabalikong likod
ay naunat, matatanda at batang mga
alipin ay nakalipad na magkakahawak-
kamay.

Orihinal na isinulat sa Ingles ang akdang


ISAISIP
iyong binasa at isinalin ito sa Filipino ni
: Urgelles. Naging mahusay kaya ang

: ginawang pagsasalin? Naunawaan mo ba


ang buong mito? Anu-ano kaya ang dapat
isaalang-alang kung gumagawa ng
pagsasaling-wika?

Pagsasaling- Wika
Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at
hindi ang bawat salita na bumubuo rito (Santiago, 2003).

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 12


Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng
kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na kumonsulta sa diksyunaryo. Nauunawaan
niya ang maliit na himaymay ng kahulugan, halagang pandamdamin taglay ng mga
salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang
kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng
tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor, gayundin sa wastong
paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo at pagsusunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang
magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin, kaalaman sa gramatika ay
hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit
na mahusay na tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na
kaalaman sa paksa sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga
konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Walang higit na mabisa kaysa sa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa
at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang
bansa.
Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa
nito.Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa
wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang
maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi
salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas
pagpapalit,o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking
dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang
bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang
aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.
Kung gagamit ng diksiyunaryo ay isaalang-alang ang ibat ibang kahulugan ng isang
salita.
Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang kahulugang
angkop sa konteksto ng pangungusap.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 13


Ngayon, subukan mong gawin ang sumusunod
ISAGAWA
upang masukat ang iyong kaalaman sa pagsasaling-
: wika.

GAWAIN 5: MAGSANAY SA PAGSASALIN

A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.
Tagapagbantay ___________________________
Misteryo ___________________________
Nagpagulong –gulong ___________________________
Mahika ___________________________
Kumikinang ___________________________

B. Isalin sa Filipino ang talata. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

There was a great outcryin.


The bent backs straighted up, old and
young who were called slaves and
could fly joined hands.say like they
would ring-sing. But they didn’t shuffle
in a circle.

Our environment, the world in


which we live and work, is a mirror of
our attitudes and expectations.

Earth provides enough to satisfy


every man’s needs, but not ever man’s
greed.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 14


Nagagalak ako at matagumpay mong naisagawa lahat
TAYAHIN ng mga gawaing naibigay sa iyo. Alam kong handang-
handa at kayang-kaya mo nang ilapat ang kaalamang
:
natutunan sa modyul na ito.
:

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ito ay Tama o Mali.
Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

1. Si Liongo ang nagmamay-ari sa sa karangalang pinakamahusay na makata sa


kanilang lugar.

2. Ang pagtama ng karayom sa pusod ni Liongo ay sanhi ng kanyang kalakasan.

3. Tumakas si Liongo sa bilangguan at nanirahan sa kagubatan upang magsanay sa


paghawak ng busog at palaso.

4. Maraming nakaalam sa pananagumpay ni Liongo laban sa mga Wagala.

5. Ang anak na lalaki ni Liongo ang nagtraydor at pumatay sa kanya.

B. Panuto. Basahin nang mabuti ang bawat pahayag upang maibigay ang tamang sagot.
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

6. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang


sa pagsasalin?

“Love excuses everything believe “Mapagpatawad ang pag-ibig,


all things, hopes all things,endures pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,
all things”. puno ng pag-asa sa mga bagay,
nakakaya ang lahat ng bagay.”

a. Basahin nang paulit-ulit


b. Tingnan ang bawat salita sa isinasalin.
c. Ikumpara ang ginawang salin.
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 15


7. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang.

“A negative mind will never give you a positive life”.

a. Ang isip na negatibo ay di-magbibigay ng buhay na positibo.


b. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.
c. Ang negatibong pag-iisip ay di-magdadala sa iyo sa magandang buhay.
d. Ang negatibong pag-iisip ay hindi magbibigay sa iyo ng positibong buhay.

8. “You are the apple of my eyes,” alin ang tamang salin ng idyoma?
a. Ikaw ang mansanas ng aking mga mata.
b. Ikaw ang pinakamaganda sa aking paningin.
c. Ikaw ang nagbibigay-tamis sa aking buhay.
d. Ikaw ang aking paborito.

9. Paano mo sinusuri ang akdang pampanitikan bilang isang salin?


a. maayos ang pagkakasalin
b. malaya at madaling maunawaan
c. nauunawaan ang nais ipabatid ng ng isinalin.
d. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng
kulturang Filipino at ng ibang bansa.

10. Sa pagsasalin, anong mga hakbang ang dapat na isaalang-alang?


a. Muling isalin.
b. Ihambing sa iba ang ginawang salin.
c. Magdagdag at magbawas ng salita
d. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 16


a. Upang mas lalo mong mapaghusayan ang
LAGUMANG
iyong natutuhan gawin ang lagumang pagsusulit.
PAGSUSULIT
Binabati kita at natapos mo ang buong modyul na
: ito.
:

Panuto: Basahing mabuti ang nasa kahon ng Performance Task. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

PERFORMANCE TASK (1 PRODUCT)


KASANAYANG PAMPAGKATUTO: (D)
• Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika (F10WG-IIIa-71)

SITUATION:
Isa kang mahusay na tagapagsalin kung kayat napili ka ng embahada ng Pilipinas upang
mapabuti ang mga literal na pagsasalin mula sa orihinal ng mga online translation site sa
Internet. Ang iyong gawang salin ay ipapabasa sa mga kabataang African at Persian na
nangangarap ding maging tagapagsalin. Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan sa
pagsasaling-wika sapagkat ang iyong salin ay tatayain batay sa katapatan at kawastuan.
GOAL:
Mapabuti ang mga literal na pagsasalin mula sa orihinal ng mga online translation site sa
Internet gaya ng sumusunod:
1. “A nation that destroys its soils destroys itself. Forests are the lungs of our land,
purifying the air and giving fresh strength to our people.” –Franklin Roosevelt

“Ang isang bansa na sira ang lupa nito sira mismo. Kagubatan ang mga baga ng
aming lupa, pagliinis ang mga naka at pagbibigay sa mga sariwang lakas sa ting
mga tao.” –Salin ng isang online translation site

“_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________________-Salin ni (Pangalan Mo)

2. “When the last tree is cut, and the last fish killed, the last river poisoned, then you
will see that you can’t eat money.” –John May

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 17


“Kapag ang huling tree-cut at ang huling isda namatay, ang huling ilog poisoned,
pagkatapos ay makikita mon a hindi ka maaaring kumain ng pera.” –Salin ng isang
online translation site

“_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________________.” -Salin ni (Pangalan Mo)

3. “We are seeds as well as parasites to the earth. We can either give or take, depending
on out perception of growth.” –Zephyr McIntyre

“Kami ay buto pati na rin ang peste sa lupa. Maaari namin bigyan o tumagal,
depende sa aming pang-unawa ng pag-unlad.” –Salin ng isang online translation
site

“_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________________.” -Salin ni (Pangalan Mo)
ROLE:
Mahusay na tagapagsalin
PRODUCT:
Sariling pagsasalin
AUDIENCE:
Mga kabataang African at Persian na nangangarap ding maging tagapagsalin

STANDARDS:
Katapatan ………….. 15 puntos
Kawastuhan ..………… 15 puntos
Kabuoan …………. 30 puntos

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 18


19 Filipino 10 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
http://www.google.com.ph •
melc/
https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning-competencies- •
Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600
Department of Education, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex,
Vilma C. Ambat, et.al, Filipino Modyul para sa Mag-aaral, C.2015, •
Sanggunian:
Paunang Pagtataya
1. c 2. d 3. c 4. c 5. b
6. d 7. a 8. c 9. a 10. d
Gawain 1
(Magkakaiba ang maaring isagot ng mga mag-aaral)
Gawain 2
1. Matrilinear – pamamahala ng mga kababaihan sa pagsasalin ng trono
2. Ozi – kaharian ni Liongo
3. Patrilinear – pamamahala ng mga kalalakihan sa pagsasalin ng trono
4. Faza – isla ng Pate
5. Gala – kinikilalang Wagala, mga nakalaban ni Liongo
Gawain 3-5
(Magkakaiba ang maaring isagot ng mga mag-aaral)
Pangwakas na Pagtataya
1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Mali 5. Tama
6. d 7. d 8. d 9. d 10. d
Lagumang Pagsusulit
(Magkakaiba ang maaring isagot ng mga mag-aaral)
Susi sa Pagwawasto
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino


10

You might also like